Followers

Friday, January 3, 2014

'Untouchable' Chapter 16

Hi, guys! Belated happy new year! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa Untouchable.

I hope you like this chapter, kasi dito na talaga magsisimula ang turning point ng story. And I did it quite differently, I focused more on Gab and Matt, instead of Gab and Josh.

And maikli lang talaga 'to kasi cliffhanger. Sorry.

I want to hear your thoughts. Comment lang kayo. :)

Happy Reading!

--


Chapter 16

“Josh, Matt. Long time no see.” nakangiti kong bati sa kanila. Tiningnan ko ang dalawang taong nasa harapan ko. Talaga ngang malaki na ang pinagbago nila since the last time we’ve seen each other. Matagal ko na silang niyayayang makipagkita ngunit dahil busy nga ang mga ito ay hindi iyon matuloy-tuloy kaya naman tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay nagkita-kita rin kaming tatlo matapos ang mahabang panahon. Nagkangitian kaming tatlo bago ko silang yayain umupo.

“May kasama ba kayo or kayo lang dalawa?” tanong ko sa kanila. “Wala, bes. Nagyaya lang ‘tong isa na ‘to lumabas.” pahayag ni Josh bago ituro si Matt. Nilabas lamang ni Matt ang dila niya bilang tugon. Aamin ko, oo na, aaminin ko. Naiingit ako, pero ewan ko ba hindi dahil sa nakikita ko si Josh na may kasamang iba. I mean, matagal ko ng tanggap na hanggang kaibigan na lamang talaga ang ending namin, eh. Ang kinakainggit ko lamang ay dahil nakikita ko at nararamdaman kong mahal talaga nila ang isa’t-isa. Gusto ko kasi ng ganoon, eh—ang makakita ako ng isang taong magpaparamdam sa akin noon. Hindi man sila halatang magkasintahan dahil kung umakto sila ay parang magbestfriends pa rin, pero when you look closely, you’ll see the spark in their eyes. Akala ko noon ay gaguhan lamang iyon, but it turns out totoo pala iyon.

Eh paano naman si Justin? Hindi ba niya pinaparamdam sa’yo iyon?, sabi ng isang boses sa loob ko na siyang ikinatigil ko. Pinilit kong iwaksi ang mga naiisip ko at ibinalik ang atensyon ko sa aking dalawang kasama.

“Mag-isa ka lang ba, kuya? Ba’t ka napadpad dito?” kaswal na tanong sa akin ni Matt. Tiningnan ko ang ginagawa niya at nakita kong pinaghihimay niya ng manok si Josh na siyang ikinangiti ko. “Ah, oo. May kailangan lang kasi akong bilhin kaya ako napadaan dito. Kamusta na kayong dalawa?” pagpapatuloy ko ng usapan. “Never been better.” nakapalumbabang sagot ni Josh, iyong tipong nagd-daydream siya sa sobrang saya. Tumango na lamang ako.

“So kamusta naman sa family ng dad mo? I hope you’re doing fine.” pagpapatuloy ni Matt. “Yeah, masaya ako sa family nila. Thanks nga pala sa inyong dalawa for doing all of it.” sabi ko sa kanya. “Medyo nahirapan nga kaming magresearch, eh pero nang malaman ko ‘yung address, nagulat ako kasi may kaibigan din akong nakatira sa village niyo. Small world.” sagot ni Matt bago ipasa kay Josh ang platong naglalaman ng hinimay niyang chicken. “Talaga? Sino naman—“

“Hey, hey! I need your advice nga pala, bes. Baka makalimutan ko pa. Kailangan ko ng magandang speech para sa campaign ko. Wala akong ideas, tangina.” singit ni Josh bago ko pa matapos ang tanong ko kay Matt. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya. “Sure, pero bes, wala rin namang saysay ‘yung magiging tips ko, eh. Basta be yourself. For sure magugustuhan ka nila. You trained under me noong high school kaya sure win ka na.” pahayag ko na siyang ikinatawa ni Matt at ikinasimangot ni Josh. “Wow! Yabang natin, bro. Kapit ka, Matt baka matangay ka, eh.” sarkastikong pang-aasar niya sa akin.

At isang pilyong ideya ang pumasok sa isipan ko.

“Kayo naman ang kamusta? Mag-three years na rin kayo, ah.” pagsisimula ko, at kahit ako ay hindi ko mapigilang mapangisi sa naiisip ko dahil siguradong maiinis si Josh sa gagawin ko. “Oo nga, eh. Ang bilis din ng panahon since nagkaaminan kami nitong lokong ‘to.” nakangiting sagot sa akin ni Josh. Mawawala rin ang ngiti mo after this, sabi ko sa sarili ko “Three years, matagal na rin iyon, ah. So nagsex na kayo?” diretsong tanong ko sa kanila bago kumagat sa inorder kong burger para magmukhang casual lamang ang tanong ko. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Josh at ang biglaang paglaki ng mga mata niya. Kilala ko kasi siya, at alam kong may pagka-conservative ito at ayaw na ayaw niya tuwing pinapasok ko ang ganitong klaseng mga topic. Napansin kong pinipigilan ni Matt na matawa dahil sa mahinang paghagikgik nito habang nakayuko.

“Wow. So you did it?! How was the first time? And madalas ba?” pagpapatuloy ko. Napapansin kong tinitingnan na ako ng masama ni Josh dahil pakiramdam siguro niya ay napapahiya siya, pero judging from his reaction, siguro nga ay tama ang hinala ko at ginawa na nga nila iyon. Oh, well. Good for them. “Matt, ano? Kailan pa?” interesado kong tanong kay Matt. “Uhm, funny thing noong first time—“ hindi na natapos ni Matt ang sasabihin niya dahil sa biglaang paglanding ng kamay ni Josh sa batok niya. Nakita kong pinandilatan ng mata ni Josh si Matt na siyang ikinatigil nito. “Wow, Matt. Under ka pala ni Josh.” biro ko sa kanya. “Hoy, hindi totoo ‘yan.” depensa niya na siyang ikinatawa ko na lamang.

“Joke lang ‘yun, bes.” pahayag ko matapos kaming matahimik dahil sa conversation na iyon. Nanatiling tahimik si Josh hanggang sa maubos niya ang pagkain niya. Napansin kong may kinukutingting siya sa cellphone niya. “Okay na, oo na. Matt, Gab. Tinetext na ako ni mama. Pinapauwi na ako kasi may lagnat daw si papa.” pahayag niya. “Ay, sige. Ingat kayo ha. It was nice seeing you again, Josh. Sana maulit ulit ‘to.” pahayag ko bago ko siya bigyan ng isang “bro hug”. “Josh, okay lang ba if magstay muna ako? May kailangan din kasi akong bilin, kung okay lang?” tanong ni Matt kay Josh na siyang agad namang pumayag. “Sure. Samahan mo na muna si Gab.” saad nito. “Okay lang ba, Kuya Gab?” alangang tanong ni Matt. “Sure, no problem.” pagsang-ayon ko. Bago umalis si Josh ay napansin kong hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Matt. Si Matt naman ay bumulong ng “Ingat ka. I love you.” kay Josh bago ito tuluyang magpaalam at umalis na siyang ikinatuwa ko.

Awkward.

To be honest, since the pageant, which was around more or less than 2 years ago, hindi pa kami nakakapag-usap ng masinsinan ni Matt tungkol sa ilang mga bagay gaya ng feelings ko, or kung komportable ba talaga siya kapag sumasama ako sa kanila, or kapag nagpupunta ako sa bahay ni Josh na kaming dalawa lamang. Wala ng conversation ang namagitan sa aming dalawa ukol sa nakaraan at tila nakapag-move on na talaga kami ng tuluyan sa kasalukuyan. I’m happy that he’s treating me fairly, at hindi niya ipinagkakait sa akin ang best friend ko. This just proves how much of a guy he is, at kung gaano kaswerte si Josh sa kanya. Ngayon ko lamang din na-realize na ito ang unang pagkakataon nagkasama kaming dalawa ng wala si Josh. Kaya siguro ako kinakabahan na naiilang na ewan ngayon.

“Ang tahimik mo naman, kuya. Ganyan ka pa rin pala.” komento niya na siyang bumasag sa katahimikan. “Ano bang iniisip mo? Share mo naman sa akin ‘yan oh.” dugtong niya na siyang lalong nakapagpatahimik sa akin. Naisip ko kung kailangan ko pa bang ungkatin ang mga hindi pa natutuldukang tanong ng nakaraan pati na ang mga frustrations ko o kalimutan na lamang iyong lahat? “Ah, wala. Natutuwa lang ako kasi hanggang ngayon going strong pa rin kayo, and nakikita kong inaalagaan niyo ang isa’t-isa.” nakangiti kong pahayag matapos kong maisip ang isasagot ko. Ngumiti siya ngunit napansin kong tila sinusuri niya ako.

“Yeah, nasabi mo na ‘yan dati pa. Ano pa?” tanong niya na siyang ikinataka ko. “Anong “ano pa”?” tanong ko sa kanya. “Ano pang iniisip mo? Alam kong may iniisip ka pang hindi or ayaw molang sabihin sa akin.” dugtong niya. Ngayon ko napagtanto na tama nga si Josh tungkol sa sinasabi niya sa akin na magaling bumasa ng tao si Matt. “Uhm, to be honest. Ito. I really don’t know what goes through your mind about sa friendship namin ni Josh, considering the past. Don’t get me wrong, I really appreciate it that you’re still putting up with me despite of what happened. Hell, nag-away pa tayo dati, ‘di ba? I just want to know if okay lang ba talaga na nandito pa rin ako sa buhay ni Josh or kung nakakasagabal lang ako para sa inyo.” mahabang pahayag ko na siyang ikinatahimik niya. Judging from his expression ay masasabi kong nabigla ito sa narinig niya mula sa akin.

“Wait, what? No, Gab. I was wrong before. I mean, really like you now dahil pinapasaya mo si Josh. Whether I like it or not, may mga bagay na nabibigay ang isang kaibigan na hindi nabibigay ng isang kasintahan. At isa pa, wala akong karapatang alisin ka sa buhay niya dahil in the first place nauna ka namang dumating... Gab, whatever your qualms are, just forget about it, okay?... Tangina mo, napapalaban tuloy ako ng English.” pahayag niya na may kasamang biro sa huli na siyang ikinatawa ko. “Hindi ko akalaing naiisip mo pala ‘yan. Wala na akong galit, kuya. Promise.” pahayag niya habang nakataas ang kanang kamay.

“Thank you. That really means a lot, Matt.” ngiting pasasalamat ko sa kanya. “Yeah, yeah. Next topic, please. Kamusta ka naman? May love life ka na ba?” tanong ni Matt na kasalukuyang nakangisi at tumataas-baba pa ang kilay. Uminom siya ng juice habang hinihintay ang isasagot ko. Nakaramdam naman ako ng kaba, dahil of all people, ay wala pang kaalam-alam dito si Josh at kapag nalaman niya iyon ay siguradong malalagot ako dito. “Tangina, meron na? Bakit hindi mo sinasabi sa amin?!” gulantang na tanong ni Matt na siyang ikinabalik ng huwisyo ko. “Ha?” lutang kong tanong. “Gab, nagsasalita kang mag-isa. Sabi mo kapag nalaman ni Josh na meron ka ng love life lagot ka sa kanya.” natatawang asar niya sa akin na siyang ikinainis ko sa sarili ko.

“Uy, binata na si Kuya Gab!” gatong pa niya na hindi ko na pinansin. “What’s her name?” interesadong tanong ni Matt sa akin. Tiningnan ko siya na wari ay hindi naiintindihan ang tanong niya. “Ano? Who’s the lucky girl? Si Trisha ba? It’s about time. Bagay kaya kayong dalawa!” maligalig pa rin niyang pahayag sa akin. “Uhm, Matt? Hindi kasi babae.” pagsagot ko sa kanya na siyang ikinatigil niya. Clearly, ay hindi niya iyon inexpect mula sa akin. “Oh, okay... I didn’t expect that—still! Good for you! Anong pangalan niya?” tanong niya sa akin, hindi pa rin mapawi ang ngiti sa labi niya.

“Justin Tiongson.” sagot ko. Nang marinig niya iyon ay tila biglang napawi ang ngiti sa labi niya, nawala ang liwanag sa mga mata niya, at napansin kong parang biglang nanalata ang katawan niya sa narinig niya na siyang lubusang ikinagulo ko. Ano bang meron?, tanong ng utak ko. “Matt? Bakit?” tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako, at namasdan kong tila nag-aalala siya para sa akin sa ‘di malamang dahilan. “Matt, say something.” dugtong ko pa.

Tahimik.

“Gab... sana mali ako, pero ito ba ‘yung Justin na taga-village niyo?” tanong niya, hindi mapakali ang tono ng boses. “Yeah. Kapitbahay namin siya. Doon kami nagkakilala. Why? What’s wrong?” tanong ko sa kanya. Sa puntong iyon ay hindi ko na rin maitago sa boses ko ang nararamdaman kong pag-aalala.

“May dapat kang malaman, Gab.” pahayag ni Matt.

Sandali siyang natahimik bago magpatuloy.

“Kababata ko ‘yang si Justin. Alam mo naman na transferee lang ako sa school niyo noong third year ako, ‘di ba? Close kaming dalawa noon, to the point na bestfriends kami. Well, I had a dark past. Medyo masama ako noon, and si Justin ang kasama ko sa mga schemes ko dati. Kaming dalawa ‘yung nantri-trip sa mga tao. Medyo magkaiba kami kasi ako ‘yung bully, tapos si Justin siya ‘yung heartbreaker. Siya ‘yung tipong papaasahin lang ‘yung isang tao tapos iiwan. You know that kind of bullshit. Pero tumigil na ako since nakilala ko ‘yung girlfriend ko dati, si Meg and hanggang ngayon naman hindi na ako bumalik sa dati kong sarili.” mahabang pagsisimula niya. Ako’y tutok na tutok naman sa mga sasabihin ni Matt.

“Pero hindi pa pala tumitigil si Justin. Recently, nagdesisyon kaming magkita. Alam mo na, for old time’s sake. That’s when I asked him about your dad, but I never told him about you. Tinanong ko lang kung may kilala ba siyang kapangalan ng dad mo, that’s all. Ayun, nagkwentuhan kami blah blah. Then he told me about his plan, na may bago daw siyang prospect, and that sobrang crucial nitong prospect na ‘to dahil may gusto daw siyang patunayan... and Kuya Gab, I think ikaw ‘yung prospect na ‘yon.” pagtatapos niya.

I let his message sink in.

“Kuya, say something.” desperado niyang pahayag. “Wow.” halos bulong kong pahayag. “Wala siyang sinabi  at all tungkol sa mga plano niya, kahit tungkol sa’yo. Hindi ko nga alam na lalaki pala, eh. He’s a homophobe, kuya Gab. As in, sobra. Kaya hindi ko talaga maisip na magagawa niya ‘yan sa’yo. Siguro nga sobrang bigat ng kailangan niyang patunayan, kung ano man iyon.” si Matt.

“But he kissed me, at sabi niya mahal daw niya ako.” ako.

“Oh.” tila natigilan siya mula sa narinig niya mula sa akin.

“Really? Hindi ko inexpect ‘yan sa kanya. Ni ayaw nga niyang mapalapit sa hindi straight na mga lalaki and he refuses to say the “L” word kahit pa niloloko niya ang isang tao... Kuya, I know this is a stupid question, pero okay ka lang ba?” alalang tanong niya.

Umiling ako.

“Talk to him. I-klaro mo ‘to, kuya. Kung kailangang itigil, itigil. Marami pang ibang taong magmamahal sa’yo ng tunay, kuya. He’s a jerk, kuya Gab. And I regret lahat ng oras na pinagsamahan namin. You’re not worth his shit.” saad ni Matt. Tiningnan ko na lamang siya. Alam kong aninag niya sa mga mata ko ang lungkot, at bago pa siya makapagsabi ng kahit ano ay niyaya ko na siyang umalis ng restaurant.

--

“Kuya, are you sure magiging okay ka lang? Pwede kitang ihatid, kuya.” nag-aalalang pahayag sa akin ni Matt. Kasalukuyan kong hinihintay ang driver namin na sunduin ako sa pick-up area ng mall. “No, malayo ang dorm mo sa bahay namin, at isa pa susunduin ako ng driver namin. Okay lang ako, Matt.” pagdismiss ko sa alok niya. “I’m so sorry it had to be this way.” paghingi niya sa akin ng paumanhin. I just dismissed him. “That’s life. Minsan talaga ikaw ang victim.” pahayag ko. Narinig kong napabuntong-hininga ito. “Kuya Gab, talk to Justin. Kilala ko ‘yung gagong iyon, and based sa mga kinwento mo kanina, wala sa character niya ‘yung mga pinagagagawa niya parang ‘yung sinabi mo about kissing. He might have something in there for you. Sayang naman. Though clear it all up, kuya. Mali ang ginawa niya sa’yo.” pahayag niya.

“And kuya, I’m so sorry.” dugtong niya na siyang dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Huh? What for? If not for you, hindi ko malalaman ‘to.” turan ko. “If only I had known na ikaw pala ‘yung tinutukoy niya, napigilan ko sana siya. Sana wala ka sa gulong ito ngayon.” napansin kong nagcrack ang boses niya sa pahayag niyang iyon. Inalo ko naman siya at sinabing wala siyang kasalanan. “Matt, wala ka namang alam, eh. Don’t be so hard on yourself. Kaya ko na ‘to, okay?” patuloy kong pag-aalo kay Matt. Tumango naman ito. “Basta, kuya, if may kailangan ka, tawagan mo lang ako ah?” siya. Tumango naman ako bilang tugon.

At sakto naman dahil napansin kong papalapit na sa amin ang isang pamilyar na kotse. Nang tumigil ang itim na Fortuner sa harapan namin ay nagpaalam na ako kay Matt. “It was nice seeing you again, Matt. Keep in touch.” sinubukan kong bigyan siya ng isang ngiti para naman maisip niyang okay lamang ako kahit in reality... hindi. Kahit pa sasabog na ang puso ko sa nalaman ko kanina ay pinilit ko pa ring ipakita sa kanya na matatag ako. Sanay na naman ako, eh. Ganito naman ang Gabriel Tan na kilala ng mga tao kaya hindi na siguro siya nagulat. “Bye, kuya.” pagpapaalam niya bago siya muling bumalik sa loob ng mall.

Binalik ko ang atensyon ko sa kotse at binuksan ko ang pinto at diretsong pumasok doon. “Kuya Jun, buti naman hindi kayo na-traffic.” pahayag ko habang busy sa pag-aayos ng seatbelt. “Kanina pa ako nandito, eh.” sabi ng boses. Natigilan ako dahil napagtanto kong hindi iyon boses ng driver namin, ngunit isang boses ng taong matagal ko ng nami-miss. Nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi nga ako nagkamali. Masaya ako, ngunit kinakabahan, nagtataka, kung bakit siya nandito.

“Caleb.” 

--

Itutuloy...

10 comments:

  1. Exciting! Update ka na agad mr. Author. Lakas mo mambitin hehe. Happy new year sayo ^____^

    ReplyDelete
  2. Wow.. lakas talaga magpakilig ni caleb. Simpleng moves lang. Thank you mr. Author.

    ReplyDelete
  3. pusangkinalbo!!!! sabi ko na nga ba walang magandang dulot yang Justin na yan. pwede ba magmura? nanggigigil ako.

    -Nikko

    ReplyDelete
  4. Well we'll well mukhang tama nga si caleb bakit kaya may mga ganyang tao nuh handang manakit ng damdamin ng iba para lang may mapatunayan nangyayari din sa reality toh sana lang maka realize din si justin and caleb so sweet of him sarap mambitin eee. Haha and si josh at matt hai finally lumitaw na sila.. :-) :-). Hapy new year..

    ReplyDelete
  5. I love it dear author na si Caleb ang sumundo, okay na ako sa incest just for this one.. Hahaha.. Joke lang author.. I like this story, i like how it progresses and i really really like how you give importance to each character.. Very fluid storytelling.. Keep it up..

    ReplyDelete
  6. Calllllleeeeebbbbbbbb! Okay na sa akin si Gab at Caleb!

    ReplyDelete
  7. I think... baka si Gab ang magpapabago kay Justin? Wag muna nating husgahan guys. Pero maka-Caleb pa rin ako e!

    ReplyDelete
  8. caleb-gab loveteam is preposterous. magkapatid kaya sila dba. si juno magiging lovelife niya. cguro may nakaraan c caleb at justin, i mean, dati silang magtropa, maaring c justin nang-agaw dun sa gf ni caleb dati

    ReplyDelete
  9. Hi, guys! I'd like to apologize dahil hindi ako makakapag-update this week. :( Nagkasakit kasi ako and it worries me dahil nagiging madalas na. My immune system's been weak these days. My doctor advised me to take some serious rest, and take a few days off school, because of this viral infection.

    Expect an update next week, at the latest. I'll do my best to make the update interesting, and basta gagandahan ko para hindi masayang ang paghihintay niyo.

    Sana ay hindi kayo tumigil sa pagsuporta sa series na 'to. :(

    Maraming salamat!

    ReplyDelete
  10. nice story mr author.. keep up the good work..

    hope you get well soon..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails