FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Naging matiwasay ang late midnight
snack nila FR at Daniel sa McDonald's.They talked like they have
known each other for years. Magaan ang pakiramdam ni Daniel kay FR.
FR finds Daniel interesting. They both couldn't believe na isang araw
palang silang magkakilala.
Daniel looked at FR. FR smiled.
Nakaramdam ng kakaiba si Daniel.
“FR, ang ganda ng mata mo.”
FR blushed. He kept his mouth shut.
Ayaw nyang magcomment sa sinabi ni Daniel. Nginitian nya lang ito.
“Oo nga FR, ayaw maniwala. Maganda
nga mata. Yun nga lang, para laging kang malungkot. Pababa kasi yung
mata mo, kaya parang laging umiiyak.” sabi pa nito
Tumango lang si FR.
“Oo nga. Malungkot daw talaga mata
ko.”
“Pero di ka naman malungkot diba,
FR?”
“Hmmm. Minsan, malungkot. Natural
naman sa tao na malungkot minsan. Bakit? Ikaw? Di ka ba
nalulungkot?””
Daniel touched his nose. He leaned on
his chair and placed his arm on FR's left shoulder.
“I do. I do get sad.”
“A rich kid like you gets sad. I
wonder why.”
“Being rich doesn't equate to you
being happy.” sabi ni Daniel
“Well. Got a point there. Pero in
comparison sa iba, you must be happier. Nakukuha mo gusto mo ng
walang kahirap-hirap. Nabibili mo lahat. At hindi mo kailangang gawin
ang mga bagay na di mo gusto dahil may pera ka.”
Daniel sighed.
“In comparison, yes. Sabihin na
nating kaya kong bilhin tong McDo Branch na to. Kaya kong bilhin
lahat ng paninda ng mga nagtitinda ng gulay dyan sa labas. Kaya kong
bilhin lahat ng balut nung lalaking nakacap. May pera ako. Pero
somehow, malungkot pa rin naman.”
FR looked at him.
“Aren't you happy with the
relationship you have with your girl?”
Daniel looked back.
“Well... Siguro.”
FR smiled.
“Di na masaya? Eh di hiwalayan na.”
Daniel chuckled.
“Sana ganoon kadali.”
“I know it's not.”
Daniel smirked.
“If breaking up is as easy as ABC,
matagal ko ng tinapos ang relasyon namin ni Carly.”
Tumitig sa kanya si FR.
“Well, madali lang naman siguro. Nasa
sa'yo lang talaga yan kung gaano ka ba kawilling iwanan yung tao.”
“Mukhang expert ka sa pagpapaiyak
ah?” pabirong sabi ni Daniel
“Nahh. I've had my fair share and I
am really no saint. But I assure you that I'm a good guy.” sabi ni
FR
“I know. I know. But where did that
come from?”
Napaisip si FR. Daniel is deep. Alam
nyang lagi syang mapapaisip pag ito ang lagi nyang kasama.
“Where did what come from?”
taas-kilay na tanong ni FR
“I mean, your thoughts.”
“I don't know. Siguro sa kakapanuod
ko ng drama sa gabi.”
Daniel smirked.
“So dapat manuod din ako ng drama sa
gabi para lumalim ang pananaw ko sa buhay?” He asked
“It's not like that. Sabihin nalang
natin na I live in a world that deals with the harsh reality kaya
opinionated ako sa mga bagay-bagay.”
“Your point is?” there's danger in
Daniel's tone.
Napangiwi si FR. Alam nyang isang
maling salitang gagamitin nya ay magaaway na naman silang dalawa.
“Nothing. Let's put it this way, I
know how to deal with different kinds of people. Sa bawat taong
makikita ko, I make sure I engage in a good conversation. That way,
natututo ako.”
Nagiba ang timpla ng mukha ni Daniel.
Napalunok si FR.
“You
don't have to make me feel different. I know I'm rich. I know I'm
rich. I know I'm rich at hindi mo na dapat sakin iparamdam yon!”
Nanlaki ang mata
ni FR. Second time sya sinigawan ni Daniel ngayong araw na to. Hindi
nya malaman kung bakit pero ramdam nya ang pagpatak ng luha sa
kanyang mga mata.
“Anong
problema mo Daniel?”
“Ikaw!”
“Anong
ako?”
“You're
making me feel different!”
“Anong
ginawa ko?”
Natahimik si
Daniel. He laid his eyes on FR. He saw that he's crying. Nanlambot
ang kanyang tuhod. He doesn't want to see him cry. Mabilis nyang
pinahid ang luha nito.
“Sorry.”
mahinang sabi ni Daniel
“I
didn't mean to shout.” dagdag pa nito
“For
the second time?” humihikbing sabi ni FR
“Am
sorry.”
“Let's
stop this.” sagot ni FR
Nataranta si
Daniel. He held FR's hand. He was trying to caress him.
“Naoffend
lang ako, FR. Sorry.”
“There's
nothing offensive sa mga sinabi ko. Hindi grounds yun para sigawan mo
ako, for the second time.” malamig na sabi ni FR
FR composed
himself. He grabbed his things and put it in his bag. Inayos nya rin
ang kanyang damit na nalukot mula sa pagkakaupo nila ni Daniel. He
removed Daniel's hand in his.
“Kasi
iba yung dating eh.”
“Paanong
iba?”
“It
felt like you're pushing me away.”
“I'm
not, Daniel. Nagtanong ka, so obviously, sumagot ako.”
“Pero
yung sagot mo kasi. Pakiramdam ko nilalayo mo masyado yung sarili mo
sakin porket mayaman ako.”
Napabalikwas si
FR sa sinabing iyon ni Daniel.
“It's
not like that.”
“That's
how I felt.”
“Hindi
ko na problema yun Daniel.”
“FR,
kung di mo sinabi yun di kita masisigawan.”
“Daniel,
hindi ko alam kung bakit ganun yung perception mo sa mga prinsipyo ko
sa buhay. Matuto kang tumanggap na magkakaiba tayo ng buhay.”
“Para
kasing sinasabi mo na I don't know how to deal with different
people.”
“Wala
akong sinasabing ganyan.”
Napabuntong-hininga
si Daniel. Nakatitig lang sa kanya si FR. FR sensed how brat he could
get. Naguumpisa na syang mainis.
Bakit
ba pag mayaman, karamihan, eh brat? Tapos lagi pang pinipilit ang
gusto?
FR thought
“Eh
anong gusto mong palabasin FR?”
Mas naging matigas ang pananalita ni Daniel. FR was breathing
irregularly. He then looked at his old wrist watch at nakita ang
oras. Kinuha nya ang kanyang mga gamit at tumayo.
“Wala.
I'm going.” naiinis na sabat nito
Mabilis na naglakad papalabas sa entrance ng McDonalds si FR.
Iritang-irita sya sa inasal ni Daniel. He was very pissed on how
childish he acted. Naiinis sya dahil napakasimpleng bagay lang eh
pinapalaki. Hindi nya alam pero he felt his blood rushing to his
face. Nagpupuyos ang damdamin syang lumabas sa McDonalds. Naibukas na
nya ang pinto ng maramdaman nya ang paghatak sa kanya.
“Putangina.
Ano ba?” Singhal ni FR
Daniel was shocked after hearing FR's bad mouth. Nanlaki ang kanyang
mata. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Alam nyang mali ang
kanyang ginawa pero enough na ba yun para murahin sya ni FR? Hindi pa
rin sya makapagsalita.
“Le-let
me go.” natauhang sabi ni FR
Dahan-dahang binitawan ni Daniel ang braso ni FR.
“I-I'm
sorry. Iritang-irita lang ako.”
“Bakit?”
natamemeng sabi ni Daniel
“I
don't know.”
“Impossibleng
di mo alam. Impossible.”
“Do
you want me to be sarcastically honest?”
Natahimik si Daniel. Napalunok.
“Ye-yes.”
“It's
very difficult to deal with a brat.” bitaw ni FR
Tinantya nya muna ang reaksyon ni Daniel. Nanatili lang itong
nakatitig sa kanya.
“Shall
I go?” dagdag pa nito
“Am
not a brat.” nanginginig na sabi ni Daniel
“You
are.” maiksing sagot ni FR
Hindi nya na
hinintay ang sagot ni Daniel. Mabilis na syang sumakay sa bus na
dumaan.
Napatingin si FR
sa kinatatayuan ni Daniel. He saw him wiping his eyes. Umiiyak kaya
si Daniel?
Napabuntong
hininga si FR.
I T U T U L O Y
. . . .
Maganda to... nilalahad ang pagkakilala ni Daniel at FR to pala. hehehe thanks author, ang galing mo.
ReplyDeleteYan pala ang simula ng unbroken... salamat author sa update... ganda!!!!
ReplyDeleteHello po.. Salamat po sa pagbabasa. :)
ReplyDelete