Followers

Thursday, January 23, 2014

Less Than Three- Part 44



AUTHOR'S NOTE:


Sorry Guys kung natagalan ako mag update. Sobrang heavy lang talaga ng schedule ko. As of now may tinatapos pa akong lab report.. haixt buhay... Sorry po.


Pero para makabawi ako, 2 post po yung ipopost ko.


Medyo di po umuusad yung pag encode ko and Im rooting na maging okay ang lahat.... wiooooah. sensya po talaga sa pag hihintay. Hope you understand... :(


_________________________________________________

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 44

(Dati rati...)




[Alex’s POV]



“Asawa kuya? Agad-agad? Ni hindi ko kilala yung babae. Bakit ka ba nambibigla kuya? Ipakilala mo nga muna sa akin yang girlfriend mo!”




“Di mo na naman kailangan makilala pa. Ikaw ba magulang ko? Bakit kailangan ko pang ipakilala sayo? Tsss.”



“Ang tetchie. Sobrang bilis ah.” Sabi ko.



“Arte mo. Inggit ka lang kasi ako ikakasal na. Ikaw hindi pa. At bakit ikaw ang nagagalit? Yung totoo? Ikaw ba ang nanay o tatay ko? Maka react ka wagas eh.”



“Adik mo kuya. Ang daya mo kuya, nakakatampo ka. Di mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka. Ni hindi nga namin kilala ni mama yun. Pinakita mo na ba siya sa amin para magpakasal ka? Adik  mo.”




“Si mama kilala siya. Napakilala ko na matagal na. Kaya wag ka ng umungot diyan kasi prepared na ang lahat.”




“Ma?”



“Oo anak. Ilang taon na sila. Matagal ng ipinakilala sa akin. Mas pinili lang naming na hindi sabihin sayo. Ang kuya mo kasi eh, ayaw niyang sabihin. Baka daw lalong gumulo ang lahat.”



“So naglihim ka sa akin?”



“Medyo?”



“Ewan sayo.”



“Grabe kuya Hamilton… congrats.” Sabi ni Charlene.



“Salamat. Buti ka pa nag congrats sa akin, sarili kong kapatid reklamo agad ang sinalubong sa akin.”



“Ewan kuya. Nakakagulat. Agad-agad. Nakaksusot lang. Nakakatampo ka!”



“Instant Mami?”



“Baka chararat yan kuya ha.”



“Ako ba naman ay pipili ng panget?”



“Wala kasing papatol sayo.”



“Magulat ka lang sa magiging asawa ko.”



“Sus.. sa itsura mong yan may nabingwit ka pa na maganda?”



“Hoy… wag ka.”



“tsss.”



“Dadalhin ko siya bukas.”



“Namanhikan ka na ba?”



“Mamaya.”



“So dun mo na lang siya ipakilala sa akin para naman isang pasadahan.”



“By the way ma… sa hapunan tayo mamanhikan. Bihis kayo ng maganda ha. Lalo ka na kapatid,para naman magmukha kang presentable. Ayokong magmukhang tanga sa harapan ng magiging in laws ko.”



“Ewan sayo. Tatawanan talaga kita kapag ang charart ng girlfiend mo. Makapag suot ng all black bukas.”



“Mag behave ka naman. Buhusan kita ng asido pag ginawa mo yun.”



“Hahaha. Bleh. Try ko magbehave promise. Hahaha TRY lang ha. Hahahah”



“SUs… alam ko naman na magbehave ka.”



“Ano pustahan?”



“Sige ba, sakanya yung bill ng kuryente pag natalo.”



“Sige ba.”



“Ay naku kuya. Bakit kasi di mo man lang sinabi sa akin. Ako nga nagsasabi sayo kapag may sikreto ako. Ganyanan tayo eh.”



“Nung naging kayo nga ni Kieth eh di mo man lang pinaalam sa akin. Sa girlfriend ko pa nalaman. Ganyanan tayo eh.”



“So ngayon eh nagsusumbatan pa tayo? At teka, so maraming alam sa akin yang girlfriend mo ha? Spy ba yang magiging asawa mo? Ay nako.”



“Sort of. She’s smart and kind. Alam niya ang lahat ng tungkol sayo. She’s better than you know. Maganda na, talented pa. She’s better than you know. Better watch your jaw bukas kasi mapapanganga ka na lang.”



“Sus. Kung si Ate Kate yan eh wala na akong tutol. Just present me a girl na mas magaling kay ate Kate at magtitigil ako sa kakangawa.”



“She’s better than your ate Kate. Basta. Watch and see.”



“Siya siya aantayin ko na lang na matalo ka bukas sa pustahan natin.”



“Hahaha. Ihanda mo na yang perta mo. Hahaha” At umakyat na siya sa taas ng kwarto.



Agad ko namang nilapitan si mama upang kamustahin. 


Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nalulungkot dahil ikakasal na si kuya. 


Masaya naman ako kay kuya dahil sa wakas ay lalagay na siya sa tahimik at magkakapamilya na. iba rin naman ang dinanas niyang hirap pagtataguyod sa amin ni mama.




“Ma, okay ka lang ba?” tanong ko.



“Oo naman anak. Masaya nga ako sa kuya mo at sa wakas ay ikakasal na. Panahon na naman ito para naman lumagay na siya sa tahimik dahil buong buhay niya ay naigugol na niya ito sa atin. Sana nandito ang papa mo para umalalay sa anak mo. Tiyak matutuwa iyon.” Sagot ni mama.



“Oh ma, baka mamaya humagulgol kayo sa pamamanhikan ah.”



“Anak naman, anong tingin mo sa akin? Drama actress?”



“Hindi ma, crying lady. Aba, sa mga drama novelas nga eh kulang na lang ang timba para isalok sa mga luha ninyo eh.”



“Naku ikaw bata ka, papaluin kita. Kaya ikaw mag-aral ka na muna ng mabuti bago kayo magpakasal ni Kieth. Hinay-hinay sa mga bagay-bagay.”



“Ma, matagal pa yun. At isa pa, pangako ko pa sa inyo nab ago ako magp[akasala eh ipagtatayo ko kayo ng mansion.”



“Isang taon na lang at graduate ka na ah. Galingan mo ha. Graduating ka na.”



“Oo nga po eh. Napakabilis ng panahon. Kelan lang din eh commoner lang kaming dalawa ni Kieth pero ngayon ay naku mag-iisang taon na ma. I think he’s the one ma.”



“Im sure excited na si Kieth na pakasalan ka. Basta anak, anuman ang mangyari sa inyong dalawa, thanks Him. Wag kakalimutan ha.”



“Opo. Siya ang nakakaalam ng lahat. Ma naman, kailangan naming munang mag ipon nun bago ang lahat-lahat. Take it easy.”



“hay naku anak, siya mag ready ka na para mamaya.”



“Tutulog na muna ako ma. Gisingin na lang po ninyo ako mamaya.”



“O ano pa ba ang magagawa ko. Sige na.”



Umakyat ako sa taas ng kwarto at humiga sa aking kama. 


Hindi ko na muna pinag-isipan yung pagpapakasal ni kuya, ang inisip ko ay yung nalalapit na birthday ni Kieth. 


Wala pa rin akong maisip ng regalo para sa kanya. 


What the hell on my mind. Haixt.



Meron akong ipon dito pero hindi sapat. 


Siguro kailangan ko talagang rumaket ulit ng pagmomodel para naman may pera pa ako. 


Hay nako. Patulog na ako nang mag ring ang phone ko.



“Hello. Who’s this please?” tanong ko.



“Is this Mr. Alex Rosales?” tanong nang kabilang linya.



“Yes. Whos on the line?” tanong ko ulit.



“Uhm. This is Alec Brayden Lim, CEO and President of A and A company.”



“Alec… sounds familiar, though may I ask how do I help you?”



“Well, Mr. Alex, di mo na ba talaga ako natatandaan? Kuya to ni RD. Nice to talk to you again finally.”



“Kuya Alec? Oh? Talaga? Kamusta ka na po ba? Nagulat naman ako. Akala ko kung sinong maka English sa akin.”



“Well fluent ka naman sa English. I call to have something to you.”



“Ano ba yun kuya?”



“I am offering a scholarship to you. Our company wants you.” Sabi niya



“I don’t know na ikaw pala ang presidente nan, kung alam ko lang dati pa eh hindi na ako tumutol pa.”



“So its that a yes?” tanong nito.



“Just kidding. I’m thinking first. Di ko pa alam ang policy. Can we discuss this matter?”



“Uhm. Of course. I would like to meet you and discuss this matter. Ako na ang tumawag para naman di ka na tumanggi. Ilang taon mo na kaming tinatanggihan and this time dapat mapapayag na kita.”



“Medyo kumplikado kasi ngayon pero kung sakali an eh tignan natin, baka kako mapapayg ninyo ako.”



“Well Im looking forward to our appointment. Kailan ka ba pwede? Ngayon ba pwede ka na?”



“Nah… Mamamanhikan kami ngayong gabi eh. Maybe tomorrow afternoon?”



“Oh? SInong ikakasal? Ikaw ba?”



“Your kidding right? Ako kasal agad. Si Kuya ikakasal na.”



“Oh talaga? Nice kung ganun. Finally.”



“Hahahah. Oo nga eh.”



“So hintayin kita bukas. Over the lunch?”



“Sure. Just text me the details and I will come.”



“Thank you Mr. Rosales.”



“Your welcome Mr. Lim.”



Binaba na naming yung tawag then finally, I can rest. 


Pero wala pa rin akong naiisip na regalo sa kanya. Haixt.


 Ibalot ko na lang kaya ang sarili ko, I know mas matutuwa pa yun. Hahahaha.



Natulog na lang ako dahil sa wala na talaga akong mapiga sa aking ulo. 


Ginising naman ako ni mama upang maghanda na para sa pamamanhikan namin. 


Hindi ko alam na nagluto pala si mama nang mga dadalhin namin, Dapat pala tinulungan ko na lang si mama.



“Ma, kung sinabi po ninyo na magluluto po kayo eh dapat sana ay tinulungan ko na kayo.”



“Palusot ka pa.” sabat ni kuya.



“Wow ang dami. Patikim nga.” Si Princess



“Oy dadalhin natin yan.”



“Titikim lang naman eh.”



“Siya-siya kayo na bahala diyan. Ako ay maliligo na muna ha.”



 “Sige ma kami na po ang bahala dito.” Sagot ko.



Agad ko namang sinumulan ang pag-aayos ng mga dadalhin namin. 


Nakikinita ko kay kuya ang pagkabalisa niya dahil sa hindi siya magkandaugaga sa gagawin niya. 



Natatawa na lang ako kapag nakikita ko siya, siguro ganito talaga kapag malapit nang ikasal ang isang tao at mamanhikan.



“Kuya, relax lang. Mukha ka ng natate jan. maligo ka nga, mamaya makita ka ng fiancé mo na parang inihian na sisiw.” Biro k okay kuya.



“Adik mo kahit kalian. Ikaw muna bahala jan, papagwapo muna ako.”



“Sige na, no choice naman ako. Basata bibigyan mo ako ng sustento dito.”



“Ang dami mong alam kahit kailan. Siya siya ikaw na bahala jan.”



Binilisan ko na yung pag aayos para naman makaligo na ako. 


Medyo pawisan na ako kaya naman medyo naalinsanganan na ako. 


Di naman ganun katagalan at natapos na ako. 


Agad naman akong umakyat para maligo.




Nakita ko naman na may miss call galing kay Kieth kaya naman agad ko siyang tinawagan. 


Nakailang tawag ako pero walang sumasagot. 


Naku, mamaya nagtampo na tong lalaking ito, ang hirap pa man din siyang amuin. 


Naligo naman ako kaagad para naman makaalis na kami.



“Tara na!” sigaw bigla ni kuya.



“Oo malapit na ako matapos.” Sagot ko.



Binilisan ko na ang kilos ko dahil mukhang di na mapakali itong gwapo kong kuya kaya naman no choice. 


Agad naman akong bumaba at isinarado na ang bahay.



“Bakit ba ang tagal mo?” tanong ni kuya.


“Relax lang… remember ako lang mag-isa ang pinag-ayos mo.” Sagot ko.


“Excuses talaga oh.”


“Wew. Siya siya tara na at atat na atat ka. Mamaya mabangga pa tayo jan sa kanerbyusan mo.” Sabi ko.


“Anak… easy lang ha. Dahan-dahan lang.” sabi ni mama.


“Opo.” Sagot ni kuya.




Dahil na rin siguro sa pagod at nagsimula ng pumikit ang aking mata. 


Agad ko namang inilagay ang mga earphones sa aking tenga para naman medyo relax ako sa aking pag idlip. 



Nasa kalagitnaan ako ng aking pagtulog nang gisingin ako ni kuya.



“Andito na tayo.” Sabi nito.



Agad naman akong nagmulat at nag-inat. Inilibot ko ang aking mata sa kinaroroonan naming at tila ba nakarating na ako sa lugar na ito. Dulot na rin ng aking pagkakatulog ay medyo hindi ko maintindihan kung nasaan ako.



Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba ng sasakyan. Sila mama ay nasa loob na daw at tanging kaming dalawa na lang ni kuya ang natitira dito sa loob ng sasakyan. Agad ko namang tinilungan si kuya sa mga natitirang pagkain na ipapasok sa bahay.



Lumulutang pa rin ang utak ko sa pag-iisip kung kaninong bahay ba ito. Para akong timang na iniikot ang aking paningin sa loob ng bahay. Agad namang sumalubong sa amin si… si Kieth?




“Babe…” nakangiti ito sa akin.



“Babe… anong ginagawa mo dito?” tanong ko.



“Okay ka lang? Anong nainom mo at natitimang ka na? Malamang nandito ako kasi nakatira ako dito. Nakainom ka ba ngayon? Nilalagnat ka ba o ano?” sunod-sunod na sabi nito.



“Natulog yan bayaw kaya ganyan yan.”



“Ibig sabihin nito…”



“Oo… yung kuya mo at si ate… sila yung ikakasal.”



Halos maluwa ang mga mata ko sa pagkagulat. Shete lang naman ng mga ito. Akalain mo, si ate Kate pala ang pakakasalan ni kuya. Ang dami pang sinasabi sa akin ni kuya eh si ate Kate na pala yun. Susot.



Inalalayan ako ni Kieth papunta sa lamesa na kung saan sila nandodoon. Agad naman akong sinalubong ni ate Kate at niyakap. Agad naman akong nagsalita dahil sa pagkagulat ko sa mga nangyayari.



“Ate Kate… sigurado ka? May chance ka pang umurong sa miserableng buhay.” tanong ko.



“Oo naman. Mukhang di naman ako gagaguhin ng kapatid mo at ako lang ang mahal ng mokong na yan kaya don’t worry.”



“Oy, ano na naman yang pinuputok ng butse mo ha?” sabi sa akin ni kuya.



“Akalain mo kuya, nakabingwit ka ng napakagandang babae. Akalain mo naman at sinuwetre ka.” Sabi ko.



“Batukan kita jan eh.”



“Kow ate… marami-rami ata tayong pag uusapan.” Sabi ko.



“Oy… akala mo ikaw lang ha. Kieth…bayaw… mayroon din tayong pagkwe-kwentuhan.”



“Oh siya tayo na at kumain. Doon na lamang tayo magkwentuhan.” Sabi ng mama ni Kieth.



“Hi ma…” bati ko.



“Kamusta ka na iho? Tagal mo nang di dumadalaw dito. Nakakatampo na nga eh.” Sabi nito.



“Pasensya na po, medyo busy lang. yaan po ninyo babawi ako.” Sabi ko.



“Dapat lang.” sagot naman nito.



“Hi pa, kamusta napo kayo? Okay naman po ba kayo?” tanong ko.



“Oo naman. Malakas na ako at handa na ulit magtrabaho.” Sabi nito.



“Pa… anong trabaho yan? Hindi. Dito ka lang sa bahay at magpapahinga. Kami na ang bahal ni Kieth sa mga business mo.” Sabi ni ate.



“Tama si ate pa.” sabi naman ni Kieth.



“Okay na.. sige.. talon a ako.” Sabi ni papa.



“Oh siya tara na nga.” Sabi ni ate Kate.



Habang nasa hapag kainan kami at kumakain ay tuloy pa rin ang kwentuhan at asaran. Nagkakatuwaan naman kami dahil sa mga nangyayari kay kuya at kay ate Kate. Marami-rami na ring napag-uusapan abaout sa kasala kaya naman nakinig lang ako sa mga plano nila.



“Kailan ba ang balak ninyong magpakasal?” tanong ni Kieth.



“Balak sana namin eh sa April.” Sabi ni ate Kate.



“Ah… hindi ba gagahulin kayo sa oras sa pagpre-prepare?” tanong ni Kieth.



“Nope. Kaunti na lang ang dapat naming ayusin.” Sabi ni kuya.



“Ah.. that's good kung ganon. "


“Kukunin ka ng kuya mo na best man.” Sabi ni ate Kate sa akin.



“Balak ko sana na kayong dalawa ni Kieth.” Si kuya.



“Mas gusto ko na kami yung ikakasal.” Sabat ni Kieth.



“Ang adik mo.” Sagot ko.



“Ma… pa… pwede namang sabay diba?”



“Sukob…” sabi ni ate.



“Tumigil ka nga. Para kang timang jan. umayos ka ha.” Sabi ko.



“Parang ayaw mo naman akong pakasalan.”



“Alam mo napaka mo. Ang dami mong alam na gawin.” Sabi ko.



“Anak… diyan din naman ang punta ninyong dalawa.” Sabi ni mama.



“Ma naman oh.”



“Kuya, gwapo-gwapo ni kuya Kieth. Sige na pakasal na kayo. Total nung nagkalayo kayong dalawa eh kulang na lang na pumasok ka sa loob ng laptop mo ah.” Sabat ni Princess.



“Oi.. wag kang sumabat dito.”



“Totoo yun babe?”



“Maniwala ka naman kay Princess.”



“Sus.. totoo yun eh.”



“Hindi kaya. Feeingero ka lang.”



“I love you babe…”



“Adik mo…”



“Bakit ayaw mong sumagot?”



“Nakakahiya kila mama at papa oh.” Sabi ko.



“Aww kinakahiya mo ako.”



“Nag-inarte naman itong lalaking ito.”



“Wag na nga lang.”



“aysus.”




Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. matapos iyon ay hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa harapan nila. Malamang magtampo ito kapag hindi ako bumawi sa kanya.



“Ay ang sweet…” sabi ni ate.



“Tusra nila.” Sagot ni kuya.



“I love you too.” Sabi ko.



“Tara nga.” Bigla niyang hinila ang kamay ko at dinala ako sa may labas ng bahay nila.



Napadpad kaming dalawa sa may garden nila. Bagong ayos ng graden nila. Napagmasdan ko muli ang maaliwalas na fountain nila. Agad naman siyang umupo sa may tagiliran nito at hinawakan ang aking kamay.



Agad niyang hinawakan ang mukha ko at hinalikan. Agad naman niya akong niyakap at wari bay may iniisip siya na kung anuman medyo magulo itong lalaking ito kaya naman agad ko siyang tinanong.



“Okay ka lang ba?” tanong ko.



“Oo naman.”



“Yung totoo? Kilala kita babe, kung may problema ka eh ghidi ka magkakaganyan. Kaya speak up.” Sabi ko.



“Masyado na ba akong transparent babe?’ tanong niya



“Kilala lang kita.”



“babe mahal mo ako diba…”



“Ano ba namang klaseng tanong yan.”



“Oo o hindi?”



“Oo naman. Mahal kita. Alam mo ang weird mo ha.”



“Magpakasal na tayo.” Sabi niya



“ha?”



“Please… magpapakatino naman ako eh. Mag-aayos ako. Lahat gagawin ko, magpakasal lang tayo. Magtra-trabaho ako ng mabuti para sa atin. Pumayag ka lang.”



“So ayan ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka?”



“Kasi naman…”



“Naiinggit ka?”



“oo.”



“babe.. ang kasal ay isang sgaradong bagay. Pinapasok lang yan ng mga taong sigurado na sa buhay. Sa posisyon natin, hindi pa tayo handa. Hindi pa tayo sigurado na kakayanin ba natin ang hamon ng buhay. Babe, sana naman maintinidihan mo.”



‘Naiintindihan ko naman… kaso naiinggit lang ako.”



“hayaan na muna natin sila ni ate Kate at kuya. Saka na tayo. Estudyante pa tayo oh. Wag kang mag madali ha.”



“Hay naku. May magagawa pa ba ako? Wala na akong kawala jan sa mga sinasabi mo eh.”



“Gusto mo lang akong masolo eh.”



“Part off.”



“Wushu… alam mo kahit ganyan ka, napapasaya mo ako. Sa mga konting pagtatampo mo, napapangiti ako. Sana hindi matapos ang oras na ito na ganito tayo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa puso ko. Sasabog ako kung hindi ikaw ang makakasama ko. Kaya nga mahal na mahal kita eh.”



“I thank Him for giving you to me. Ikaw ang lahat sa akin. Dahil siguro sa love na ito, naging korny ako, naging kwela ako, nawala ang mga bad sides ko at marami pang iba. You change me in different way.”



“aMarami-rami pa tayong pagdadaanan. Ang swerte natin kasi tayo ngayon. Maswerte tayo dahil nagmamahalan tayo. Sana hindi na matapos ang araw na ito dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin.”



“Lets end this talk… nagkakadramahan na tayo ha. By the way, ano pala ang balak mo sa birthday mo?”



“Simple celebration I guess. Kasama lang kita eh okay na ako.”



“Wushu, bumanat na naman ito.”



“Pero spent a night with me sa special day ko…”



“At ano na naman ang binabalak mo?”



“Wala behave ako promise.”



“Aysus talaga lang ha.”



“Susubukan ko.”



“Ayan tayo eh.”



“Hindi mo ako masisi kung ganito ako. You always make me crazy to you.”



“Aysus. Excuses.”



“Labas tayo bukas.” Sabi niya



“Uhm… may kailangan akong i-meet bukas eh.”



“Sino naman.”



‘Kuya ni RD. May prinopopose siyang contract sa akin.”



“Kuya ni RD? Kailan pa kayo nagkita ulit?”



“Hindi pa kami nagkikita. Tinawagan lang niya ako kanina. Nagulat nga ako eh.”



“Tungkol san yung contract?”



“Scholarship ang ibinibigay niya.. don’t know too much detail, bukas mag-uusap kami.”



“Sama ako…”



“babe…”



“Please…”



“Okay…”



“Tapos gala tayo after.”



“Puro gala lang ata nasa isip mo eh…”



“Gusto kitang makasama eh.”



“Sure… date tayo.”



“Yes naman. Salamat at pumayag ka na.”



“Mahirap na at magtampoka na naman.”



“Byt the way, si RD? Kamsuta kayo? Nagkakausap pa ba kayo?” tanong niya



“Sa katunayan hindi na kami nagkikita. Ni hindi ko alam kung pumapasok pa ba siya eh. Wala an rin kaming communication sa isa’t-isa.”



“Ah ganun ba… anong nararamdaman mo?” tanong niya



“Wag na lang natin pag-usapan…” sabi ko.



“No.. we should talk about this… ayokong ipinagbabale-wala ang mga bagay na ganito.”



“Namimiss ko yung kaibigan ko. Nalulungkot ako na wala na siya sa tabi ko. But still, dapat masanay ako. I care about him but I know my feelings are for you kaya don’t worry.”



“You’ve been honest to me for so long… Masaya ako because I feel secure na hindi ka mawawala sa akin.”




“Kung anuman ang nangyari sa atin noon… okay nay un. Past is past…”



“I’ve been reading many things aout love lately.. I found out na normal lang sa isang relasyon na nagkakaganito. Obstacle ba. Siguro sa dinami rami ng mga pinagdaraanan natin, we can set aside the possibility na maghihiwalay tayo dahil until we hold on to each other, we can focus dealing with our relationship. I will stick onto us. I love you babe.”



“Well said ah.. I love you too. So ano, balik na tayo sa kanila.”



“Sure…”



Pabalik na sana kami nang magring ang phone ko. “Babe… susunod ako.” Sabi ko.



“Sige bilisan mo. Magtataka sila kapag di kita kasamang pumasok.”



“Opo. Hey babe, kuha mo ako dessert…”



“Sure.”



Sinagot ko agad ang tawag, bihira ko na lang kasing makausap si RD.



 medyo nag-aalala na kasi ako sa kanya. Baka kung anon a ang nangyari sa kanya.



“hello.” Sagot ko.



Walang sumagot sa kabilang linya.



“Tabs… hello… anjan ka ba.. tabs…” sabi ko.



Nanatiling nanahimik ang kabilang linya. 


Pinakinggan ko nang mabuti ang nasa kabilang linya pero wala pa ring nasagot. 


Marahil ay nahihiya lamang siyang magsalita sa akin lalo na at iniiwasan ko siya at hindi kami pwedeng mag-usap,



“Tabs… alam mo namimiss ko na ang akkulitan mo. Sorry kung lumalayo ako. Alam kong tinaboy kita dati at mali ang ginawa ko. Sorry. I hope okay ka lang. sana okay lang ang pakiramdam mo at your doing well. Hope someday makapag-usap tayo…”



Di ko alam ang dapat kong maramdaman sa puntong yun. Ang isa sa mga pinaka close kong kaibigan ay hindi ko mahagilap. Hindi ko man lamang malaman kung ano ang kalagayan niya sa ngayon.



“Tabs… hope okay ka lang jan… got to go…” sabi ko.



“I love you…” then the phone hang up.
















[RD’s POV]




“I love you…” yan ang huling tatlong salitang sinabi ko sa kanya bago ko ibaba yung tawag ko sa kanya.



I really miss him. Yung puso ko ngayon ay nagngingitngit sa sakit dahil sa nalulungkot at nalulumbay pati na rin nangungulila ako sa presensya ni Alex.



Ilang linggo na rin nung tumigil ako sa pagpasok. Pinapapasok ako ni mama pero sadayang tinamaan ako ng katamaran. Ayoko lang munang makita ang anumang abgay na magpapaalala sa akin kay Alex. Lalo lang akong madedepress at malulungkot.



“Hay buhay… bakit ba kasi minahal pa kita…” ang nasabi ko na lang sa sarili ko.



Ilang sandali lang ay may kumatok sa labas ng kwarto ko. Gabi na at ang alam ko ay tulog na si mama. Agad ko namang binuksan ang pinto at labis na ikinagulat ang taong nasa harapan ng aking pintuan.. si Arjay.



“Hey…” sabi nito.



“Napadpad ka dito?”



“Nangangamusta lang sa taong nagmomongha.”



“Gabi an ah.”



“Oo nga eh, madilim na ang paligid so gabi na talaga.”



“Pilosopo lang?”



“O kamusta ka na dito? Mukhang tinutubuan kana ng ugat dito ah.”



“Mas okay nga ako dito eh…”



“Nangangamusta lang ako. Wala na kasi akong makakwentuhan sa school.. busy naman lagi si Alex… inaagawan pa ako ni Kieth ng oras para sa kapatid ko.. then ikaw naman ay MIA, missing in action.”



“Sorry na.”



“Bumawi ka sa akin. Gala tayo bukas…”



“Hindi pwede…”


“At bakit…”


“Basta hindi pwede…”


“Ano bang nangyari sayo? Tungkol pa rin ba to kay Alex? Hanggang kalian mo ba ipagmumukmok ang sarili mo sa kapatid ko?”



“You don’t know anything.”



“Eh paano ko kasi malalaman ang lahat kung ayaw mong sabihin sa akin. Akala ko ba best friend mo ako? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba tayong dalaw ang magkaibigan? Speak up! Ano ka ba?”



“Hindi lahat ng bagay pwedeng sabihin! Hindi lahat ng bagay dapat ala ng kaibigan mo lalo na kung alam mong makakasama ito sa kanay. Ayaw ko lag kayong madamay sa anangyayari sa akin. Ayokong maapektuhan kayo nang dahil sa akin.”



“Kaibigan mo ako akya kahit anong sabihin mo apektado ako!”



“Wag ka na lang makialam. Mas mabuti kung wala kanga lam.”



“Hindi ko alam na ganyan ka kaduwag sa mga bagay-bagay. SI Alex lang yan, isang lalaki na pwede mong palitan. Oo mahalmo ang kapatid ko, oo mahal ninyo siya, pero alam mo ban a ayaw ka niyang nakikita na nagkakaganyan. Siya ang nahihirapan sa sitwasyon mo.”



“Hindi lang si Alex ang problema ko!”



“Eh ano pa ba? Naguguluhan na ako sayo. Magsalita ka nag! Magsalita ka!”



“Hindi…”


“RD…”


“Please…”


“best friend mo ako…”


“Magpapahinga na ako…”


“RD ANO BA?!”


“Wag mo akong pilitin!”


“Tangina naman yan oh! Magsalita ka nga! Hindi mawawala yan kung hindi mo sasabihin sa akin!”




“MAWAWALA? KAPAG SINABI KO BA NA MAMATAY AKO DAHIL SA PESTENG SAKIT NA TO EH MAWAWALA ANG LAHAT! OO ARJAY, I AM DYING. MAMATAY AKO DAHIL SA LINTEK NA SAKIT NA TUMAMA SA AKIN! TANGINANG BUHAY ITO!”






(Itutuloy)

4 comments:

  1. Kahit medyo matagal ang update sulit naman. Lalo gumaganda ang story. Tnx dylan.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. nice chapter dylan, sana lawakan ni kieth ang pang unawa nya at hayaan nya muna ung mag bestfrend na magkaron ng tym. request lng aman. he he he

    ReplyDelete
  3. Ouch! Sobrang nasasad talaga ako or rd yung feeling na yun na mawawla ka alam na alam ko haist sana mabugyan naman sila ng chance kahitbsandali lang para naman sumaya sia kahit bago sia mawala. At kilig pa din yung ibang moments ahaha nice talaga at si arjay sana sila nalang ni rd para sumaya na sila.. thanks sa update kahit mataga.. hehehe :-) :-) :-)

    ReplyDelete
  4. namis ko to. si RD nmn ngayon ang sinadista ni author haha. i like it. ibang-iba talaga dating. nakakainlove si alex at keith.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails