Followers

Tuesday, January 14, 2014

KUNDIMAN: A Seafarer's Love 1 - 5


KUNDIMAN
(A Seafarer's Love)
By SeaBoy


Chapter 1



Jason




Namomroblema ako dahil sa huling bilang ko sa aking pera, maaring hanggang ngayong linggo na lang ito tatagal. Hindi naman ako palabilang ng pera at lalong d magastos o maluho. Sanay lang akong isipin ang para sa bukas. Ako nga pala si Jason Rodriguez. Third year college student or shall I say Second Class cadet ng isang prestihiyosong akademya sa ating bansa taking BS Marine Engineering. Katatamtaman ang tangkad na 5'6" dahil isa ito sa requirements para makapasok sa scholarship ng aming akademya. 


Marahil lingid sa kaalaman ng marami, ang mga katulad naming seaman ay di lang naman sumasalok ng dolyar sa laot upang maipadala sa aming pamilya. At ang pinakamahirap na parte ay kung nasaan ako ngayon. Naghihintay ako sa mga result ng mga exam ko sa mga in-apply-an kong shipping companies (hindi ko na babanggitin ang mga pangalan). 

Malalim ang pag iisip ko ng biglang magring ang cellphone ko. Nagtext sila mama pala. At isa pa ito sa problema ko. Ayoko kasi silang mag isip at mag alala sa akin. Hiwalay sa asawa si Mama simula ng second year high school ako, apat na taon na ang nakalipas. Masuwerte at nung paggraduate ko ng high school ay nakapasok agad ako sa isang kilalang akademya sa gitnang Luzon para sa mga mandaragat bilang scholar dito kaya libre at hindi ako pabigat sa mahirap naming buhay. N

ang akmang babasahin ko na ang message, nagring ulit ang phone ko. 

Unregistered number. 

Sinagot ko naman. 

Si Sir Keith ng isang shipping company.

Naglululundag ako sa tuwa ng malaman kong ito ang tumawag. Siya kasi ung nagpatest at nag interview sa aming mga applicants kahapon sa Makati. At ang sabi niya kasi kahapon. 'we will call you na lang if you passed'. Marahan akong huminga ng malalim at sinagot ang tawag. Ngunit hindi pa man ako nagsasalita walang atrasan niyang sinabing-

"Magkita tayo sa Torre Lorenzo sa may Taft. I'll be waiting you sharp 7 pm. Come or never show your face again to me. Sa may Starbucks", parang may halong antipatikong sabi agad sa akin nitong si Sir Keith. Sasagutin ko na sana siya kaso naputol na ang linya at naiwan akong tulala. Napabuntong hininga nalang ako. Lumabas ako ng apartment ko at nagpaload. Ngunit ng tawagan ko si sir, out of coverage area na ang phone niya. Bakit ganun ang tono niya? Siguro na wrong number pero sasakyan ko na lang ito kasi mukhang may problema ung tao.



Chapter 2



Keith




"Pesteng Buhay naman to!". Sabay balibag ng laptop bag ko sa kama ko. Napurnada kasi ung promotion na christmas gift pala sana ni boss sa akin. Paano kasi ung isang officer sa barko na ipinasok ko two years ago sinisiraan ako. Kaya ayun sayang ang promotion na iyon. 

Napasulyap ako sa wall clock. 

4 pm na pala. 

Mabilis lang akong nakarating sa condo ko galing sa office dahil sa hindi pa rush hour kanina. At kung hindi ewan ko lang baka may sumabog na na sasakyan dahil sa init ng ulo ko. I need to cool off my mind. I need to refresh. Naalala ko ung lumapit sa akin na kadete kanina sa office. Matagal na rin akong hindi nakakatikim. Napasulyap ako sa may salamin ko malapit sa pintuan ng maalala kong two years na pala ang nakaraan matapos ako magkaroon ng seryosong relasyon. Dahil dun, kung hindi one night stand, puro flirt lang ang ginawa ko.


Ayos pa naman ang sarili ko. Sa laging ayos ko, walang nakahalata na di na ako straight. Mas umitim lang ako ng konti ngaun kaysa nong nagbabarko pa ako. Nakakaputi naman kasi talaga kapag di ka nasisikatan ng araw. Para tuloy na tan ako ngaung nasa Makati ako. Dahil na rin sa hindi na muna ako sumakay. Mas lalong napagtuunan ko ng husto ang aking pangangatawan. Dahil na rin sa five times a week ako nagji-gym, mas naging health conscious ako. 

Ulit, pumasok ulit sa aking utak ang paglapit sa akin ng kadete. Alam mo na. Hindi ko naman tatanggihan eh. Ang kondisyon? Makasampa siya sa barko and that was just a piece of a cake. 

Konting magic lang, problem solved. Hinugot ko ang phone ko sa hinubad kong pantalon kanina upang tawagan ang kadeteng iyon. Siyempre kailangang pagtaasan siya ng tono para sumunod ito. Matagal naman na kasi akong d nagpaparaos at dahil sa mismong ang kadete na ang lumapit, Im sure sanay na to. Inalala ko ang pangalan niya. Jonard ba? O Leonard? Ewan ko. Pati nga mukha hindi ko nasaulo dahil sa pagka bad trip ko sa pagkapurnada ng promotion ko. Sasabihin ko na lang ang tagpuan.

"Magkita tayo sa Torre Lorenzo sa may Taft. I'll be waiting you sharp 7 pm. Come or never show your face again to me. Sa may Starbucks", sabi ko dirediretso. 

Pagkatapos, gumuhit sa labi ko ang isang ngiting aso. 

Forget ur problem Keith for a while. 

Face the grace.

Chapter 3



Jason




Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili. Kahit na sa probinsya ako lumaki, hindi naman nahawa ang aking pananalita dahil na rin sa tagalog din ang ginagamit namin linggwahe pagdating sa bahay. Kung sa porma naman, baduy ako noong high school pero dahil sa military training sa akademya at nagkaroon ng foster parent na mayaman, nauso na rin sa akin ang tinatawag na "fashion" at "pagdadala". Gumanda rin kasi ang hubog ng katawan ko dahil sa mga push ups, squat thrusts at iba pang exercises sa amin.


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ayos naman ako sa tingin ko. Light blue na Semifit poloshirt at dark jeans. Presentable naman tignan. Pumanhik na aq at naghanap ng taxi para di na hassle papuntang Vito Cruz.



Nasa may Baclaran na ako at bandang alas sais y media na nang magring ang phone ko. Si Sir Keith himala nagtext!


"May dala ka?", tanong niya. Napaisip ako. Complete documents naman ako. Dala ko ang mga training certificates ko gaya ng BST, SBFF, GTF at iba pa tulad ng passport at seaman's book. Bago pa man ako makapagreply, naunahan niya na ako. "Dont worry I got an extra one. I can give it to you afterwards if you dont mind", saad nito. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niyang ito. Dahil sa lalim ng pag iisip ko sa mga sinabi nito, hindi ko na namalayang nasa tapat na ako ng DLSU.

"Bossing, saan po ba kau?", tanong bigla ng taxi driver. Nakalimutan ko palang sabihin sa taxi driver na sa Vito Cruz lang pala ako. Kanina kasi sabi ko diretso lang sa Taft.

Sinabi ko na lang na balik kami sa Vito Cruz. Sa may Starbucks. 

Agad-agad namang itong nag-U turn ang driver para bumalik. Napailing na lang ako dahil sa kapabayaan ko. Nadagdagan tuloy ang bayad ko. Mayamaya pa huminto na ang taxi. Nandito na ako. Nagbayad na ako at bumaba sa taxi. Agad ko namang nakita sa glass wall si Sir Keith, nagla-laptop. Ayos talaga kapag buhay mayaman. 

Halata naman sa kanya eh. Elegante siyang magdala. Kung artista ito, magpapa autograph ako rito at magpapa picture. Halatang maputi ito kahit na medyo nangitim ito dahil na rin siguro sa mainit na panahon sa Pilipinas. Napansin ko un dahil sa nakalimutan ni sir magrelo. At dahil sa bakat ng watch sa wrist area ni sir. Agad naman akong pumanhik sa loob ng coffee shop upang umorder ng caramel frappe at blue berry muffin at tumungo ako kay Sir.


Chapter 4



Keith




Lalong ngumiting aso ako ng makakita ako ng lalaking gwapo na bumaba sa taxi. Ganito ung mga tipo ko. Student type, parang walang kamuwang muwang sa mundo pero sa totoo may sungay pala ang loko. Ung smile niya noong nakita niya ako parang ang inosenteng inosente, mala anghel. 

Napaisip tuloy ako kung itutuloy ko ang balak ko kapalit ng pagsakay niya sa barko. 

But immediately I deleted that idea kasi siya naman ang nag-offer. 

Ibang iba ang porma nito sa suot niyang poloshirt litaw ang magandang hubog ng katawan niya. Tantiya ko nasa 19 or 20 lang siya. Hindi ko matandaan kung siya ba ung nag offer sa akin pero alam kong isa siya sa mga applicants sa opisina kahapon. Agad naman siyang pumunta sa counter at nag order ng kape niya. Ng tuunan ko siya ng pansin, napakanatural ng ngiti nya sa akin. Tila walang bahid ng kalokohan. Tinapunan ko naman siya ng malaking ngiti na naging dahilan upang pamulahan siya ng mukha. Maputi rin ito at may pagkachinito. 

Naalala ko tuloy si Zander. 

Si Zander na naman........


Pinilit kong inalis iyon sa aking isip at itinuon ito sa kaharap ko ngayon.

"Good Evening Sir, can I sit beside you if you don't mind?", sabi nito ngunit walang halong pacute di tulad ng inaasahan kong gagawin nito. Sinara ko agad ang laptop ko para kausapin siya.

"Are you ready? Basta pagkatapos nito, we will go directly to my condo and talk about what will happen next", sunod sunod kong sabi sa kanya. Biglang nagbago ang kanyang reaksiyon.

Kumunot ang kanyang noo at tila naguguluhan pero pagkatapos nun umupo na rin siya sa tabi ko. Ako na lang ang lumapit sa kanya. Inaamin ko na attract talaga ako sa kanya. Parang straight talaga kasi siya. Nakita ko andami niyang dalang envelopes. Tapos katahimikan.

"Para saan yan?", nguso ko sa mga envelope na dala niya.

"In case po na maghanap po kayo ng cartificates sir", matipid nitong sagot.

"Oh, but you dont need that!", nairita ko ng sagot dahil di ko maintay na siya ang magfirst move.

Dahil sa sinabi ko lalo siyang naging confused at tila nataranta.

"Sorry sir talaga nakakahiya naman po sa inyo", sabi nito na ikinasaya ko. Bigla kong hinawakan ang kamay nito bilang first move ko sa batang marino. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa kakaibang sensasyon na nadama ko. Napatayo ito. Napansin ko ring naiilang rin ito. 

"Sige tara na sa kotse at punta na tayo sa condo unit ko para di ka mailang", sabi ko sabay hila sa kanya at abot sa aking laptop at alis sa coffee shop. 

Sumunod naman ito sa akin.

Chapter 5



Jason




Simula ng tumabi ako kay Sir Keith naging mas maalinsangan na ang pakiramdam ko. Dahil na rin sa kaba at sa di ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin nito sa akin. 

At kung sino ba ang unang magsasalita sa aming dalawa. 

Nang mag-usap na kami, mas lalo akong naging confused dahil sa kakaibang mga tanong nito. 

Nahalata ko rin ang pagkairita nito. Mas lalo akong nabigla ng pagbanggit niya about sa kanyang condo dahil doon daw kami tutuloy matapos kong magkape. Naitanong rin niya kung bakit andami kong dalang certificates eh di naman raw kailangan. Isang banda ng isip ang sumisigaw, oo nga naman bakit ba kasi andami kong dalang gamit? 


Then mas nataranta ako ng hinila niya yung kamay ko dahil parang nakiliti ako sa lamig o ewan ko kasi parang may kuryente na sumagi sa akin. Nabigla pa niya ako dahil napabitiw siya bigla sabay hawak ulit ng kamay ko at laptop niya sa lamesa. Iritadong iritado nga si sir kasi bigla niya nasabing naiilang daw ako sa kanya at sa condo na lang niya kami mag usap.



Napangiti naman ako kasi para siyang ewan. Napag isip isip ko siguro ay lasing ito kac parang naghahallucinate na babae ang kaharap niya. Kung makatingin kasi akala mo manliligaw. Eh ako lang naman un. Kunsabagay lahat ng tao na makasalubong namin ay nginingitian. 

Pero iba rin ang tama sa akin nito. 

Daig pa niya kasi ang mga ngiti naming magtrotropa noong high school kapag may naiisip na kalokohan. 

Nang makarating kami sa parking lotBigla kaming napatigil dahil sa may humarang sa aming mga lalaki parang mga basagulero. Kinabahan ako. Nang palapit na kami, tumakbo ang mga ito sa amin. Gusto kong kumaripas ng takbo kung di lang sa nakahawak sa kamay ko si Sir Keith.


"Good evening bossing may kasama pala kayo",sabi ng isa sa kanila. 

Linuwagan naman ni Sir Keith ang pagkakahawak niya sa akin tapos sumenyas sa akin na ok lang ang lahat.

Lalo akong humanga kay Sir ng umakbay ito sa isa sa mga mukhang basagulero.
Nakangiti na rin ito sa amin.

"Bossing graduating na si Junior ko ng elementary. Salamat po ulit at pinasok niyo ako sa trabaho kahit ex-convict ako", sabi nito.

"Masipag naman po kayo. Iyon po yung dahilan kung bakit po kayo natanggap", maikling saad ni Sir.

"Basta salamat Bossing. Sige ingat kayo bossing aalis na rin kami ng mga kasama ko at may aasikasuhin pa kami", paalam ng mga ito. 

At dahil sa mga nangyari, mas lalo akong napatulala kay Sir. Idol ko na Sir talaga, hindi lang kasi siya gwapings, talagang matulungin pa. Ibang iba rin kasi ang aura niya. 

Siguro kung may babaeng kapatid ito liligawan ko para maging close rin kami sa isa't isa.

5 comments:

  1. mukhang na wow mali si keith ah. ito kayang pagkakamali n ito ang maging daan para umibig syang muli? aabangan kopo ang nxt update. thanks.

    0309

    ReplyDelete
  2. Waaaah! Kada POV isang chapter! Haha pero maganda ah. :)
    -super

    ReplyDelete
  3. Exciting! 5years na ako nagbabarko sa tanker kaya nakakarelate ako...

    ReplyDelete
  4. seamen talaga! hehe...nice story sir!

    tonix

    ReplyDelete
  5. Nice OIC here... syrex_09@yahoo.com.ph

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails