I
NEED TO 10
POV ROME
“What did you said?”
mataray na tanong ni Shirley kay Amiel.
“Excuse me?” sagot ni
Amiel.
“Sinong sinasabihan mo
ng malandi?” naiinis na tanong ni Shirley.
“Wala, bakit ba?”
muling sagot ni Amiel.
“Hoy Amiel Enriquez.
Dinig na dinig kita. Sinasabihan mo ako ng malandi. May nagawa ba akong masama
sa iyo?”
“Actually hindi ikaw
ang sinasabihan ko. Binabasa ko ang text sa akin ng kaibigan ko,” depensa ni
Amiel sabay pinakita sa amin ang text message ni Rica.
Napahiya si Shirley at nag-apologize.
Grabe nakahinga ako ng maluwag ng oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit
biglang ganoon ang inaasal ni Amiel. Sigurado ako hindi lang nagkataon iyon.
Sinadya iyon ni Amiel.
Sa loob ng klase…
“Miel okay ka lang?”
tanong ko.
Tumango lang siya.
Feeling ko nagseselos siya at may tampo na naman siya sa akin.
Hindi ko na muna
tinuloy yung lakad namin ni Shirley mamaya. Babawi muna siguro ako kay Amiel.
Parang ang tagal naming hindi nagkakasama. Namiss ko siya seryoso. Paano kaya
ako babawi sa kanya? Bahala na mamaya. Yayain ko na lang siya kung saan.
Sinundot ko yung pisngi
niya.
Napatingin siya sa akin
na kulang na lang ang sabihiin niya ay anong problema ko. Nakakunot ang noo.
Ang sungit talaga ng taong ito. Pero ito ang gusto ko sa kanya eh. Hehehehe.
“Kain tayo after
class?” yaya ko sa kanya.
“Busog pa ako eh,”
sagot niya.
“Ahmmm samahan mo na
lang ako kumain?”
“Bakit? Kailangan mo ng
taga subo?”
“Sungit. Wag na nga
lang. Namiss lang naman kita eh.”
“Wow huh. Araw araw
kaya tayong magkatabi.”
“Araw araw nga pero
parang wala ka rin naman kasi sobrang tahimik mo.”
“Ako pa may kasalanan
sa yo?”
“Hindi naman. Naiinis
lang ako dahil nagbago ka na. Napakatahimik, napaka modest at napaka-cold mo sa
akin ngayon.”
“Tapos?” sarcastic
niyang tugon.
Naiiinis na ako nang
oras na iyon. Parang sinsasadya niyang maging sarcastic. Parang useless ang
pag-eemote ko. Huminga ako ng malalim. Magiging sarcastic na rin ako.
“Akala ko lang naman
kasi po ay okay na tayo matapos yung mga nangyari last year?”
Tumingin lang ulit siya
sa mga mata ko. “Ano bang gusto mo mangyari?”
“Bumalik yung dati.”
“Okay.”
Hindi ko namalayan na
dinismiss na kami ng prof namin. Buti na lang hindi naabala yung klase sa
arguemnto namin ni Amiel.
Dali dali siyang
tumayo. Pinigil ko siya. Hinawakan ko kamay niya.
“Bakit?”
“Eh di ba sasamahan mo
pa ako kumain?”
“Oo nga pala.”
Napabuntung hininga
siya. Nakakainis naman tong taong ito oh. Minsan na nga lang ako magrequest.
POV AMIEL
Narito kami ngayon at
kumakain. Oo, kumakain na rin ako. Di ko matiis ang gutom ko. Sorry na hahaha.
Kumain kami sa Adobo Connection. Ewan ko ang sarap ng kain naming dalawa.
“Akala ko ba hindi ka
nagugutom?” nang iinis na tanong ni Rome.
“Ah eh nagutom ako
bigla. Bakit ba?” balasubas kong sagot.
“Iniiwasan mo na naman ba
ako?”
“Wow nahiya naman ako
sayo. Kapal ah.”
“Tara sa condo.”
“Bakit? Anong gagawin
natin?”
“Inuman?”
“Anong meron?”
“La lang. Gusto ko lang
ng kakwentuhan.”
“Ah. Kausapin mo mga
nasa katabing kwarto mo,” pilosopo kong sagot.
Tumaas ang kilay ni
Rome. Feeling ko napipikon na siya sa akin.
“Joke lang. Tara,” sabi
ko. Hindi ko alam kung tama sinagot ko. Hindi ko yata alam ang pinapasok ko.
Nasa loob na kami ng
condo ni Rome. As usual magulo ito. Kwarto ng isang lalaki. Nilabas niya ang
ilang beer-in-can. Umorder din siya ng pizza para pulutan namin. I helped him
to fry some prawn crackers. We watched a movie. Ako pinapili niya. Horror ang
pinili ko dahil alam kong ayaw niya noon. Hindi ko alam kung bakit pumayag siya
agad at hindi na siya nakipagargue pa sa akin.
Alam kong takot siya.
Oo duwag siya sa mga horror movies dahil bigla na lang siyang napapakapit sa
braso ko since nakaupo siya sa sofa at nasa sahig naman ako. Natatawa ako sa
scene na iyon. Kilig? Ewan ko. May tama na yata ako.
Malapit na matapos ang
movie at hindi pa ubos ang aming alak. Medyo may tama na ako dahil medyo malala
na ang antok ko. Namumula na rin siya at humihikab. Bumaba siya bigla sa sahig
at tumabi sa akin. Nagkadikit ang aming mga braso. Bigla siyang nag-initiate ng
usapan.
“Kamusta ka naman?”
tanong niya.
“Ayos naman ako,” sagot
ko.
“Namiss kita.”
Tinungga ko lang ang
aking beer bilang pagsagot. Bigla akong inatake ng hiccup.
Namalayan na lang namin
na bigla na lang umuulan ng malakas sa labas. Lalong lumamig sa unit niya dahil
na rin sa aircon.
“Anong
pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong niya sa akin.
“Wala naman. As usual,
pag-aaral tapos yung sa publication.”
“Oo nga pala. No
offence, hindi ka ba nababagot sa buhay mo?”
Pumanting ang tenga ko.
Ito ang ayoko sa lahat. Yung mas marunong pa sa akin at pinakikialaman ako.
“Anong ibig mong
sabihin?!” medyo tumaas ang boses ko.
“Easy lang. Napapansin
ko lang kasi na parang routine lang lagi ang ginagawa mo. Ayaw mo magventure sa
mga new things.”
“Wala kang alam sa mga
ginagawa ko sa buhay. In short, wala kang pakialam.” Nilapag ko yung lata ng
beer sa table.
“Uy wag ka namang
magalit. Hindi ko naman intension na laitin ang buhay mo. Nagtataka lang kasi
ako.”
Hindi na lang ako
umimik tutal hindi rin naman siya papatalo at ipipilit niya na gayahin ko siya
na paYOLO YOLO lang. Tsss. I hate that outlook. Sobrang carefree. Hindi nila
ako katulad. May sense of responsibility ako.
“Galit ka ba?”
“Hindi. Naiinis lang.”
“Sorry. Hindi ko
sinasadya. Hindi na ako mangingialam.”
Bumuntong hininga na
lang ako. Bigla siyang umakbay sa akin.
“Bakit?”
“Wala lang. Masama bang
umakbay?”
Hindi ako sumagot.
“Namimiss ko iyong
dating ikaw.”
“Hindi kita
naiintindihan.”
Tumingin siya sa mga
mata ko. “Namimiss ko yung dating ikaw. Yung dati. Yung Amiel na mabait. Yung
hindi masungit. Yung maalalahanin. Yung laging concern sa akin. Yung Amiel na
handa lagging makinig. Yung Amiel na hindi kaharap ko ngayon.”
Ngumiti ako. Nakita ko
na lang na naluluha ang mga mata niya. Napatungo na lang ako dahil naawa ako sa
kanya. Hindi ko siya kayang makita ng ganoon. Hindi ko siya matiis.
“Hindi naman ako ang
nagbago eh. Ikaw.”
“Oo siguro may
pinagbago nga ako pero pareho tayo. Simula ng makilala mo yung Xavier na iyan.
Nag-iba ka na.”
“Bakit ikaw? Eh di ba
best buds kayo ni Amber?”
“Bakit pati si Amber
napasok ditto?”
“EH bakit si Xavier
dinadamay mo?”
“Kasi nga…Argghhh.
Nawawalan ka na kasi ng time sa akin…Este lagi na lang siya ang kasama mo.
Parang siya na ang bestfriend mo.”
“Eh si Amber? Eh di ba
tuwang tuwa ka pa sa kanya dahil pinakilala niya sayo si Shirley tapos naging
close kayo kaya kinakalantari mo na siya?!” naiinis kong sagot.
“Nagseselos ka na naman
ba?”
Tumayo na ako para
kunin ang gamit ko. Shit mali nga ang pinasok ko. Dapat hindi na ako pumayag
makipag-inuman. Mabubuko na naman ako. Ayoko na maulit yung last year.
Unfortunately, nadapa ako dahil sa kalasingan. Inangat niya ako para makatayo.
“Ikaw kasi. Ang lampa
lampa mo. Lakas lakas mo magwalk out eh may tama ka naman.”
Tinabig ko siya. At
ayun nadapa na naman ako at medyo napalakas ito. Dito na ako napaluha.
“Amiel. Bakit ba? May
nasabi na naman ba akong mali?”
SInuntok ko ang semento
at nagsimulang umiyak. Wala itong tunog. Basta nakita na lang niya na tumutulo
na ang luha ko.
“Anyare?” Itinayo niya
ako at pinaupo sa sofa. Nahihilo na ako at umiikot ang paningin ko.
“Ayoko na Rome. Pagod
na ako masaktan. Alam mo iyon na ang sakit…Ang hirap! Araw araw kang nag-aalala
at nagseselos. Nagaalala ka dahil baka kung ano anon a ang ginagawa niyo ng
malanding si Shirley. Nagseselos ka dahil akala mo noon na okay na ang lahat at
magtutuloy tuloy na kaso hindi. Ang tanga ko Rome. Ang tanga tanga ko.”
Niyakap ako ni Rome.
Mahigpit. Namalayan kong umiiyak na rin siya.
“Ako ba itong tinutukoy
mo?” tanong ni Rome.
Dinabog ko ang dibdib
niya.
“Rome ayoko na. Sana
hindi na lang ako naging ganito. Sana hindi na lang ako nainlove sayo.
Sana…sana…”
“Miel, please wag mong
sabihin iyan. Natatakot akong marinig. Huwag mo namang pagsisihan iyong ilang taon
natin.”
Inaalo alo niya ako at
hinihipana ng aking ulo para ako ay kumalma.
“Miel. Lalayuan ko na
si Shirley. Promise. Kung iyon ang magpapaginhawa sayo. Tahan na.”
“Tapos ano? AKo ang
gagawin mong dahilan?!”
“Hindi! Ano ka ba?”
Tinitigan niya ako sa
mata at namalayan kong nakadampi na ang labi niya sa aking labi. Nakapikit siya
habang nakahalik sa akin. Gusto kong pumalag kaso mahigpit ang kapit niya at
gusto ko din ang nangyayari sa amin. Pero mali ito. Aasa na naman ako at
masasaktan.
Lalo niyang idiniin ang
pagkakahalik niya sa akin. At dahil sa kalasingan ay umayon na rin ang katawan
ko. Nilabanan ko na rin ang halik niya. Pareho kaming lumuluha at sarap na
sarap sa ginagawa namin. Sabik na sabik kami sa isa’t isa. It was a bittersweet
kiss. Oo nasasaktan pa din ako habang kahalikan ko siya pero nandoon iyong
matamis na aftertaste kasi nga mahal ko siya at hindi ko mapigilan ang
nararamdaman ko.
Nagsimulang igalaw ni
Rome ang kanyang mga kamay at sinumulang himasin ang aking dibdib. Pababa ito
ng pababa nang biglang nahulog kami sa sofa at naalimpungatan ako. Nagulat ako
sa ayos namin at naitulak ko siya.
“Sorry hindi ko
sinasadya,” sabi ko. Dali dali akong tumayo at pinahid ang mga luha ko.
Pinigil niya ako dahil
malakas ang ulan. Hindi raw ako makakauwi.
“Rome, salamat pero I
need to go. Magtataxi na lang cguro ako,” sabi ko.
“Cant you see?
Imposible kang makaalis baka bumaha,” pagpigil ni Rome.
Niyakap niya ako ng
mahigpit habang nakatalikod ako.
“Huwag mong pandirian
ang sarili mo. Hindi lang ikaw. Ginusto ko din yung nangyari,” pagpapakalma sa
akin ni Rome.
“Please Rome payagan mo
na akong umalis bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa sarili ko,”
pagmamakaawa ko sa kanya.
“O sige pero sa
dalawang kondisyon,” pagpupumilit niya.
“Ano?”
“Ihahatid kita.”
“Agreed.”
“And kakalimutan mo ang
nangyari ngayong gabi? Totally wala. Huwag magbabago ang pakikitungo mo sa
akin.”
I nodded as a sign of
agreement.
Sabay kaming lumabas at
kinuhanan niya ako ng taxi. Pinayungan niya ako. Para akong babae. I mean para
akong maysakit na todo alaga. Ang sarap. Kaso I shouldn’t get off my guard.
Basang basa kaming
pumasok ng bahay at nakakatawa ang nangyari. Hindi ko na siya pinayagang umalis
kasi bumabaha na sa labas. Pumayag na rin siya. Pinaligo ko siya at pinahiram
ng aking damit. Medyo Malaki ito sa kanya pero tama lang.
POV ROME
Masaya ako na kahit
malaki yung resentment niya towards sa akin eh hindi pa din niya maiwasang
hindi mag-alala at mag-care. Alam ko marami akong kasalanan sa kanya. Gaya ng
pangako ko babawi ako. Nagsisisi ako dahil nalimutan ko iyong mga sinabi ko sa
kanya bago mag Christmas vacation. Pero paano si Shirley? Masasaktan ko siya.
Ang hirap naman ng kalagayan ko kaso kailangan kong mamili. Pero…oo masaya ako
kay Amiel. I care for him. I…I…yes…mahal ko na rin talaga siya.
Actually this is my
first time galugarin ang bahay ni Amiel. Ngayon ko lang napasok ang mga kwarto
at tagong lugar nito. Pinatulog ako ni Amiel sa guest room pero I insisted na
kung pwede sa kwarto na lang niya ako matulog.
“Hindi ba pwedeng sa
kwarto mo na lang din ako matulog?” pagpapacute kong request.
“Bakit? Hindi kasi ako
sanay na may kasama sa kwarto,” sagot niya.
“Ngayon lang naman eh.
Natatakot ako matulog mag-isa.”
“Sinong niloko mo eh
mag-isa ka lang sa unit mo?”
“Eh kasi. Basta ang
creepy sa room mo eh. Sorry sa nasabi ko. Pero…”
“Don’t worry.
Naintindihan kita. Diyan kasi sa room na iyan namantay yung lola ko.
Hahahahaha”
I approached him ang
kinurot ko siya. Pinaghahampas ko yung braso niya as a sign na nakakainis siya.
“Walang hiya ka talaga! Gusto mo na talaga ako mamatay no?”
“Hahaha. Sige na sa
kwarto na tayo matutulog.”
Sa loob ng kwarto…
“Dito ka na sa kama. Sa
sahig na ako matutulog,” deretsong sabi ni Amiel.
“No, ikaw ang may-ari
ng kama. AKo ang bisita ditto so hindi ako papaya na sa sahig ka matutulog,”
pagtutol ko.
“So palit tayo?”
“Hindi! Ayaw mo ba
akong katabi?”
“Hindi
ako sanay na may katabi matulog eh.”
Naglungkot
lungkutan ako para mahalata niya. Success. Nadistract nga agad siya.
“Sige
na. Sige na. Tabi na tayo. Wag kang malikot matulog ha?”
“Opo.” Nagpacute ang
aking mga mata sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at hinawi ang ayos ng aking
buhok. Nakakatuwa. Di ko alam. Masaya ako.
Nakahiga kami ng
biglang napansin ko ang isang hanay ng mga gamot sa shelves ni Amiel.
“What are those?”
tanong ko sa kanya.
“Gamot? Ano pa ba sa
tingin mo?” sagot niya.
“I mean bakit ka
mayroon noon? May malala ka bang sakit?”
“Siguro.”
“Bigyan mo nga ako ng
matinong sagot!”
“Bakit ka ba nagagalit
eh hindi ko nga alam”
“Nag-aalala ako sa iyo.
High dosage yung mga gamot na iyan.”
“High dosage ba talaga
ang tamang term? Haha” pang-aalaska ni Amiel.
“Ah basta ewan ko pero
alam ko yung mga gamot na iyan pang may mga cancer.”
Humarap si Amiel sa
akin. Tiningnan niya ako sa mata. Ewan ko ngunit kahit madilim at tanging ilaw
lang sa labas ang sumisinag sa amin nakikita ko na nagniningning ang kanyang
mga mata. Masaya ito.
“Rome, matulog ka na.
Lasing ka lang. Pahinga na tayo.”
“Pero?”
He kissed me on my
forehead. Nakakabigla dahil ginawa niya iyon sa kabila ng mga nangyari kanina.
That kiss is not made out of lust or init ng katawan. I can feel it. It was a
kiss full of respect and gratitude.
“Everything will be
okay soon. Maiintindihan mo rin ang lahat.” Namalayan kong nakatulog na siya.
I decided to sleep
also. Naguguluhan pero mas pinili kong kumalma. Kung ano ano ang pumapasok sa
isip ko.
SIDE STORY
“Tita kamusta pala yung
sakit ni Amiel noong maliliit pa kami?” tanong ni Xavier sa kanyang Tita Gina,
nanay ni Amiel.
“Ayun. Nawala yung
symptoms. Pero sabi nung doctor baka raw bumalik since hindi madetect kung ano
yun,” sagot ni Gina.
“Pero…” tugon ni
Xavier.
“Oo alam ko. Aware din
si Amiel. Natatakot ako para sa kanya,” naluluhang sagot ni Gina.
“Gina, don’t worry.
Makakahanap tayo ng paraan. We will consult the best doctors. Tutulong kami ni
Xavier sa sakit ni Amiel,” sabat ni Tesa, ang yaya ni Xavier.
“Maraming salamat,
Tesa. Ang mahirap dito ay walang nakakaalam kung anong sakit ni Amiel. Ang
tanging diagnosis ay leukemia,” sabi ni Gina.
“May awa ang Diyos, Gina.
Makakahanap tayo ng gamot. Magpasalamat na lang siguro tayo at hanggang ngayon
ay nakakasama pa natin siya,” pagpapakalma ni Tesa.
POV XAVIER
Nagulat ako sa narinig
ko. Hindi lang pala basta basta ang sakit ni Amiel. Leukemia is not a nobody
ailment. It is severe. It is a form of cancer! Kahit matagal kaming nagkalayo
ni Amiel, nakilala ko ng husto ang buong pagkatao niya noong Christmas
vacation. Napakabuti niya. Napakabait. A perfect model of a friend.
Ang nakapagtataka rito
ay ang kanyang pagiging masigla with no signs of any sickness. Hindi ko siya
nakikitang mamutla or mapagod. He’s very jolly and optimistic. He’s very active
and energetic. He’s… he’s full of hope.
Suddenly, Tita Gina
approached me…
“Xavier, nagpapasalamat
ako sa Diyos dahil bumalik ka. Alam mo simula ng maging magkaibigan kayo ulit
ng anak ko napapansin kong muli siyang sumaya.”
“Wala po yun.”
“Xavier, ngayon may
clue ka na sa state of health ni Amiel. Pero alam ko lahat tayo clueless. Sabi
ng doctor madedetermine lang ang kanyang sakit pag may isang symptom ang
lalabas after many years. Xavier, hindi natin alam kung kalian at gaano
katagal.”
“Tita wag po kayong
magsalita ng ganyan.”
“Xavier, may simple akong
hiling.”
“Ano poi yon?”
“Pwede mo bang
pasayahin ang anak ko in all means?”
“Paanong pasayahin?”
“Basta. Sana lagi kang
nariyan para sa kanya.”
“Yes, Tita.”
“Mas gusto kita maging
bestfriend ng anak ko kesa sa Roma na iyon. Madami siyang nagawang sakit sa
anak ko.”
“Tita, igalang natin
ang preference ni Amiel.”
“Alam ko. Kaso nga
lang…”
“Pero Tita I will
fulfil my promise to you.”
“Thank you Xavier.
Thank you.”
Itutuloy…
Wow thanks author lately ko lang nabasa toh gondo, pero aw! May sakit din pala si miel I know how it feels pero makakaya nia yn pero may happy ending kaya toh pero kung wla sna maganda yungbpagtatapos salamat ulit at kay rome at xavier haha sino kaya? Haha :-) :-). Gondo mo miel ikaw na! Lels kudos! :-) :-)
ReplyDeletePlease be informed that I have a new blog wherein I will recreate a different universe for Amiel. Thank you.
Deletehttp://lexetamore.blogspot.com/
tga-UST sguo ung author. prang sa UST kc ung setting eh..
ReplyDeleteor feeling ko lang?
San na po yung kasunod author?
ReplyDelete