Learning to love aga
Blue
Kinabukasan ay hinatid ako ni aldred sa mall para bumili ng gift sa kanya. Pagbaba ko sa parking lot tumitig lang ako sa mukha niya ng bumaba din sya sa motor.
" why.?"
" uwi ka na. Sabi mo hatid and sundo lang walang "hintay" sa gitna nun di ba..?"
" eehh aantayin nalang kita dito.. Ok lang naman sakin kahit abutin ka pa ng gabi ok lang talaga." ngiti niya.
" aldred naman eh para naman kaya kong pag-antayin kita dito ng matagal. Umuwi ka muna. Matatagalan ako promise.."
" blue ok lang talaga ko dito. Gusto ko antayin kita.. Ayaw mo naman ako isama eh. Nakakainis basta ok na ko dito pasok ka na."
" aldred naman eh.?"
" blue please..?" napabuntong hininga naman ako saka hinawakan yung kamay niya. " sige na naman. Nag-aalala kasi ako sayo eh.. Para in case na may mangyare. Nandito lang ako. Para makakapunta agad ako sa tabi mo."
" pero aldred?"
" sige na please.. Hindi naman kita susundan eh. hindi ko naman sisirain yung suprise gift mo sakin. Pagbigyan mo na ko please. Saka the best ako when it comes to waiting di ba. Anim na buwan nga kitang inantay di ba ano pa kayo tong 3 to 6 hours na pag-aantay ko sayo here."
" pero..?"
" wala ng pero pero ok. Sige na pasok ka na."
" ok ganito promise bibilisan ko nalang.. Tatawagan nalang kita pag tapos na ko.."
" ok sige pero ok lang talaga. Take your time.?"
" promise mabilis lang to."
"ok sige im just here waiting." ngiti ni aldred. Binigyan ko naman sya ng mabilis na halik sa pisngi saka naglakad papasok sa mall na yun.. Halos kalahating oras na kong nag-iikot ng magpasya akong pumunta ng cr. Bago pumasok dinial ko muna yung number ni aldred..
" hello aldred ok ka lang jan..?"
" uhm oo naman.. "
"Sandali nalang to promise.. Nahihirapan kasi ako eh pero may choices na ko.. Cr lang ako sandali tapos balikan ko na.."
" ok kaw bahala.. "
" ok sige love you.."
"love you too blue.."napangiti lang ako saka binalik sa bulsa ko yung cellphone. Binuksan ko lang yung pinto ng cr ng mall na yun.. Natigilan lang ako ng makita yung lalakeng nakasumbrero habang nakaharap sa salamin.. Napalingon lang to ng buksan ko yung pinto
" chris.?"
" blue.?" kita ko lang yung gulat sa mata nito.. Ngumiti lang ako saka yumakap.. Nang Humiwalay ako sa kanya ngumiti lang ako. kita ko lang yung titig niya sa mukha ko ilang sandaling walang nagsalita samin hanggan Napangiwi sya saka hinawakan yung tyan niya. " blue wait lang." saad niya saka nagmamadaling pumasok sa isang cubicle na nanduon.
" chris are you ok.?"
" mukha ba kong ok.. Ang sakit ng tyan ko eh."
" so may tissue kang dala.?"
"wala nga eh.. blue do you have tissue.?" rinig kong saad nito. Hindi ko naman mapigilang matawa. " blue I'm serious. Meron sa labas ng cr ok lang ba.?"
" ano nanaman kinain mo kasi.. Tagal mo ng problema yang tyan mo huh.? Hindi ka parin ba ok hanggang ngayon."
" blue yung tissue bilis na.?"
" open mo muna yung door."
" huh why.? Blue after nito magpapaliwanag ako.. Pero yung tissue kuha mo muna ako bayaran ko nalang sayo."
" buksan mo nga muna yung pinto..? Bahala ka jan iiwan kita dito."
" blue naman eh.?"
" isa."
" blue please.? Sige nanaman oh."
" dalawa.."
" oo na..." rinig kong saad niya bumukas naman yung pinto ng cubicle na yun kita ko lang na nakaupo sya habang nakasimangot sakin. " ano ba kasi yun.?" lumapit lang ako sa kanya saka kinuha yung sumbrero sa ulo niya saka sinuot sa ulo ko. " ano nga kasi yun.. Kuha mo na kong tissue please.?"
" namiss lang kita.. Hindi bagay sayo nakasumbrero mukha kang goons.." ngiti ko saka sinara yung pinto. " chris ang baho huh." saad ko pa saka lumabas ng cr para kumuha ng tissue sa machine na nanduon. Pagbalik ko inabot ko lang sa kanya yung tissue. Maya maya narinig ko na yung pagflash niya ng cr.. Natawa lang ako ng makita yung pagkakamot niya ng ulo pag labas. " maghugas ka muna ng kamay kadiri ka."
" ewan ko sayo.." simangot niya. " akin na nga yang sumbrero ko." lumayo naman ako sa kanya saka nilagay sa trash can yung sumbrero niya. " blue bakit mo tinapon.?"
" I know chris hindi ka nagsusumbrero.. Sinusundan mo ko noh.?"
" kainis ka naman eh mahal ang bili ko dun eh."
" sumbrero? Mahal? kalokohan mo huh.. Parang bangketa lang yun eh So sinusundan mo nga ako.?"
" bangketa ka jan.. Mahal yun.. Bayaran mo yun huh."
" ewan ko sayo chris." ginulo niya naman yung buhok niya saka inis na tumingin sakin. " bakit ganyan tingin mo.?"
" eh kasi nahuli mo na ko.. Kainis naman kasing tyan to eh. Nagkadabuhol buhol na siguro yung bituka ko kakaikot mo dito sa mall.. Ano ba kasi bibilihin mo.?"
" sinusundan mo nga ako.?"
" mejo lang. Ano tingin mo sa sarili mo artista.. Ano ba kasi bibilihin mo. Saka bakit iniwan mo si aldred sa parking lot.?"
" uhm wala ka na dun." sumimangot naman sya.
" hindi pwedeng sabihin sakin.?"
" oo na.. Anniv namin this coming Friday.. Isang taon na kami chris."
" half lang.. Akin ang kalahati ng taon na yun."
"weeh.. chris namiss kita.. Bakit bigla nalang kayo nawala ni tita.. Si tita kamusta na sya.. Galit ba sya sakin..? Ok lang ba sya.. Miss na miss ko na sya."
" blue I'm sorry."
" kamusta ka na.. Ok ka lang ba.. Chris kung iniisip niyo na magdedemanda kami dahil sa nangyare nagkakamali kayo. Wala kaming plano.. Nakausap ko na yung parents ko. Ok na sa kanila.. Pinaliwanag ko sa kanila na wala naman dapat ikagalit sa inyo kasi higit sa pamilya yung naging turing niyo sakin."
" blue Galit ka ba sakin.? O kay mommy" marahan naman akong umiling.
" hindi na.. Siguro nung una nagalit ako pero narealize ko chris nung kasama ko kayo wala naman kayong ginawa para maging dahilan ng galit ko eh.. Ang bait niyo nga sakin eh. Pero chris gusto ko malaman kung ano talaga nangyare.?" kita ko naman yung pag-iwas niya ng tingin.
" blue hindi mo kasi naiintindihan eh.?"
" huh.? Kaya nga gusto ko ipaliwanag mo para maintindihan ko. Hanggang ngayon kasi may mga bagay pa kong hindi maalala. Lalo na yung gabi na naaksidente ako.."
" hindi mo parin maalala yun.?" tumingin lang ako sa kanya saka umiling.. Duon naman may pumasok na kabataan sa cr. " tara duon na tayo sa labas." saad niya saka naglakad palabas ng cr sumunod naman ako sa kanya.
" chris please sabihin mo na sakin.?" sumandal lang ako sa barandila na andun saka tumanaw sa baba ng mall..
" blue I'm sorry sa lahat ng nangyare. Mahal lang naman kita kaya ko nagawa yun eh. I'm really sorry."
" so yung tangkang pagkidnap sakin kagagawan mo yun.?" agad naman syang umiling.. " eh sino may kagagawan.?"
" blue kasi."
" chris mahirap ba sabihin kung sino. Si irene ba.? Ay mali si irene di ba.?"
" pano mo nalaman.?"
"sinabi ni aldred.. Kutob niya daw.. so totoo nga kagagawan ni irene lahat pero pano saka bakit.. Kapatid ko sya .?" napabuntong hininga naman sya saka tumingin sa malayo. " chris sabihin mo bakit nagawa sakin ni irene yun.?"
" blue galit sya sayo akala niya inagaw mo sa kanya lahat.. Yung daddy mo, yung pamilyang pinangarap niya. Simula bata palang nagtanim na sya ng galit sayo.. Naiingit sya sa lahat ng meron ka At gusto niya magdusa ka, umiyak ka at mangyayare yung gusto niya kapag iniwan ka ni aldred kaya gumawa sya ng paraan para maghiwalay kayo. nung gabing yun ako dapat. ako yung kukuha sayo para dalhin sa isang motel tapos si irene ang magdadala kay aldred para mahuli tayo."
" pero sino yung mga lalaking kumuha sakin.? Kung ikaw dapat ang kukuha sakin.?"
" tumanggi ako sa gusto ni irene. Alam niya kasi na hindi ka papayag na sumama sakin kaya binigyan niya ko ng drugs para ipainom sayo. Hindi ko gusto yung plano niya pero nagpanggap ako na itutuloy ko.. Tinapon ko yung drugs. Nandun ako nung play ni aldred para siguraduhin na walang mangyayare sayo. Akala ko nabulyaso ko na yung plano ni irene hindi ko alam may tatawagan palang syang tao para ituloy yung gusto niya."
" drugs.. Napainom nila ako ng drugs.?"
" tingin ko kasi nung naabutan ko kayo sa high way wala ka na sa sarili mo. nagpambuno kami nung mga kumidnap sayo. Pinatakbo kita nun pero dahil sa epekto ng drugs siguro hindi mo na kaya.. Nadapa ka sa gitna ng kalsada. Dun naman dumating si aldred para tulungan ako hanggang nabangga tayong dalawa ng kotse.."
" teka kung nabangga ka rin.. Sino nagligtas satin.. Sabi ni aldred may pumalo daw sa ulo niya..?"
" nung gabing yun tinatawagan ko si mommy para sana humingi ng tulong pero hindi niya nasagot yung tawag ko kaya hinanap niya ko.. Nakita niya si irene . Si irene yung nagdala kay mommy kung nasaan tayo at si irene yung pumalo sa ulo ni aldred."
" totoo ba yan chris. Kaya ba talaga ni irene yun.?"
" hindi mo alam yung kayang gawin ni irene para makuha lang niya si aldred sayo. Gagawin niya lahat. Gagawin niya lahat para maagaw si aldred..Hindi mo sya kilala blue."
" pero chris naging mabuti si irene sakin.?"
" magaling sya magpanggap.. Blue hindi mo sya ganun kakilala.. Lahat ng pinakita niya sayo..hindi totoo."
" saan sya nakakuha ng drugs.?"
" I don't know. Pero madami syang kakilala na pwedeng magbigay sa kanya."
" nung sinabi sakin ni aldred na pwedeng si irene yung may kagagawan ng lahat hindi ako naniniwala kasi ang imposible.. Napakabait niya sakin. Wala syang pinakitang hindi maganda nung magkasama kami.. Tinuring niya kong kapatid.. Nandun sya kapag kailangan ko ng kausap o kung may gusto akong maalala.. Actually nagtyaga sya sa mga pulit ulit kong tanong.. Chris napakabait ni irene sakin."
" kung hindi lang masama pumatay.. Pinatay ko na si irene dahil sa ginawa niya sayo. Napakasama niya. Kapatid ka niya blue eh pero nagawa niya parin syao yun." napabuntong hininga naman ako saka pilit na ngumiti.
" alam mo chris kapatid ko parin sya. Siguro sya nga yung may gawa ng lahat. Pero look siguro nakunsensya na sya kaya umalis nalang sya.. Siguro naisip niya parin na kapatid niya parin ako after all.." lumingon lang ako kay chris nakita ko lang yung pag iling niya. " narealize niya siguro chris na wala naman talaga syang dapat ikagalit sakin.. Na wala naman akong ginawang masama sa kanya para gawin niya yung mga yun sakin. "
" malay mo may plano pa sya.?"
" what do you mean chris.?"
" sabi ko nga di ba hindi mo alam yung kaya niyang gawin. Hindi mo alam."
" so may pinaplano pa sya against me.?" lumingon lang sya sakin saka nagkibit ng balikat. " chris tell me may plano sya.. Ano yun?" ngumiti lang si chris saka hinawakan yung kamay ko.
" blue Sorry sa lahat ng nagawa ko."
" chris.." binawi ko lang yung kamay ko.
" blue I love you.. Sumama ka na sakin." tinitigan ko naman sya. " blue kapag ako ang kasama mo hindi ka magagalaw ni irene. Itatago kita. Maproprotektahan kita."
" ano ba sinasabi mo chris."
" sinabi mo sakin na mahal mo ko.. Sinabi mo yun blue."
" oo chris minahal kita nung panahon hindi ko maalala si aldred.. Chris si aldred ang mahal ko."
" pero blue ni hindi ka nga niya kayang protektahan eh. Pag sakin ka sumama mailalayo kita kay irene.. At sisiguraduhin kong walang mangyayare sayo. Blue hindi ka magsisisi, akong bahala sayo."
" ayoko chris."
" pero bakit."
" mahal ko si aldred." umiling naman sya saka tumingin sa malayo. " chris tama na.. Pinapatawad na kita sa lahat ng nagawa mo. Ok na sakin pero chris sumuko ka na.. Mahal ko si aldred at hindi ko hahayaang maghiwalay pa uli kami.. Mahal kita chris pero hindi sa paraan na gusto mo.. Kaibigan chris. Yun lang.. yun na lang."
" blue mahal kita.. Hindi ba pwedeng ako nalang alam ko nung panahong magkasama tayo ako yung mahal mo at naramdaman ko yun."
" panahon yun na hindi ko maalala si aldred."
" pero blue kung natutunan mo kong mahalin dati.. Ibig sabihin may pag-asang mahalin mo ko ngayon."
" tama na chris.. Hanggang kaibigan lang kaya kong ibigay sayo. Yung mga panahon na pinagsamahan natin itetressure ko yun kasi nung panahon na yun.. Masaya ako. Please chris hindi mo nanaman kami guguluhin ni aldred di ba.. Wala na si irene.. Kaya tama na. Gusto ko ng sumaya gusto ko na ng tahimik na buhay kasama si aldred chris kung mahal mo talaga ko ibibigay mo sakin yun.. Ayoko na ng gulo kaya please tama na.. Tama nanaman oh. Ayoko na umiyak chris.. Sawang sawa na ko."
" blue gusto kita ipaglaban. Gusto ko ilaban yung nararamdaman ko sayo."
" chris mahal ko si aldred, mahal na mahal ko sya kung gusto mo pa kong maging kaibigan wag ka ng gumawa ng bagay na pwede naming ikasira ni aldred.. Mahal kita bilang kaibigan at ayokong masayang yun." kita ko naman na pumatak yung luha niya saka tumingin sa malayo. " chris hindi lang ako ang tao sa mundo kung titingin ka sa paligid mo makikita mo na marami yung mas higit sa sakin at yung kayang ibigay yung higit sa pagmamahal na kaya mong ibigay.. Chris hindi ako yung para sayo.. Kaya tama na."
" blue alam mo nakakainis eh ilang beses mo na sinabi sakin yang mga salitang yan pero tuwing naririnig ko.. Nadudurog parin ako. Akala ko kapag narinig ko uli sayo yan ok lang.. Hindi parin pala."
" chris please ok na ko. Wag mo na kami guluhin.."
" mahirap blue.. Mahirap na basta ko nalang kakalimutan yung nararamdaman ko sayo."
" mahirap.. Oo.. Pero chris posible kung susubukan mo."
" ilang beses ko na sinubukan at alam mo yun. Pero nandito ka parin sa puso ko eh."
" chris keep moving forward. Kasi kung susubukan mo lang ng susubukan tapos hahakbang ka lang uli pabalik walang mangyayare.." kita ko naman yung malalim niyang paghinga saka tumitig sakin. " chris trying is not enough hindi mo lang basta dapat subukan.. Pilitin mong gawin kasi yun ang tama.. Gusto ko na sumaya.. Gusto ko na ng tahimik.. Ibibigay mo naman skain yun di ba.. Chris ayoko na."
" mahal kita blue."
" minsan hindi naman masama sumuko eh.. Tangapin mo lang na wala ng pag-asa.. Move on.." ilang sandali naman syang hindi nagsalita saka tumungo.
" susubukan ko blue."
" hindi mo susubukan chris.. Gagawin mo." pilit lang syang ngumiti sakin. " chris sana may makilala ka ng tao na totoong magmamahal sayo." ngiti ko sa kanya.
" sana."
" chris kamusta.?" nagulat lang ako ng may umakbay sakin ng lingunin ko ay nakita ko si alex.
SI CHRIS
" chris kamusta.?" saad ni alex saka umakbay kay blue sinimaan ko naman sya ng tingin.
" uhm alex ikaw pala. Nandito ka uli.?" pilit na ngiti ni bue saka tinggal yung kamay ni alex sa balikat niya.
" yeah inaantay ko nga yung text mo eh. Malapit lang ako kaya I decided na dumaan dito."
" chris sabi niya bestfriend mo daw sya.?"
" ah ehh yeah actually bestfriend natin dalawa." pilit na ngiti ko. Kita ko naman yung ngiti sakin ni alex kaya umiba lang ako ng tingin.
" bakit parang umiyak ka chris. May problema ba.?"
" ah wala naman."
" close nga siguro tayo dati noh.. Pero I really don't remember."
" ok lang yun blue. So you're here para bumili na ng gift tutulungan kita.?"
" uhmn no ok na bibilihin ko nalang then uuwi na ko ok lang ako."
" uhm ganun ba"
" chris can I have your number tatawagan kita later.." saad ni blue sakin.. Natigilan naman ako.
" number mo daw bestfriend.?"
" ah yeah. " saad ko saka tinype yung number ko sa phone ni blue.
" chris maguusap pa tayo tatawagan kita huh.." tumango naman ako sa kanya. " uhm alex I have to go may nag-aantay kasi sakin eh.. Chris huh." ngiti sakin ni blue saka nagmamadaling tumalikod. Ng tingnan ko si alex nakita ko lang yung ngiti sa labi niya saka sumandal sa barandilya ng mall na yun.
"anong sinabi mo sa kanya.?"
" lahat." sarkastikong ngiti ko.
" uhm ganun ba hindi mo sya binalaan about me. Gusto mo talaga mawala si aldred huh.? besfriend."
" hindi kita bestfriend ok. Alam niya ng si irene lahat may gawa ng nangyare sa kanya pero don't worry kasi hindi ko sinabi yung plano mo.."
" eh hindi mo naman alam yung plano ko eh so ano sasabihin mo. Ang tanga mo rin noh."
" alex yung name mo di ba. Yung last name mo ano.?"
" why.?"
" schoolmate ka namin before di ba."
" wala ka ng pakialam dun.. Aalis na ko mag-antay ka lang yung plano ko malapit na yun. Make sure katabi ka ni blue ng oras na yun."
" ano ba kasing plano mo.?"
" hindi mo na kailangan malaman.. Aalis na ko bestfriend."
" teka.. One more thing since sinabi mong bestfriend kita kay blue. Make sure malinis mo tong gagawin para hindi ako madamay."
" oo naman. Ingat bestfriend." ngiti nito saka naglakad tiningnan ko lang sya habang papalayo sakin.
SI ALDRED
Humugot lang ako ng malalim na hininga habang tinitingnan yung box ng singsing na hawak ko. Binuksan ko lang to. " blue this is for you." ngiti ko haixt kailangan maging perfect lahat sa Friday. Nilagay ko lang sa bulsa ko yung box saka naglakad papunta sa parking lot naabutan ko lang si blue na nakasimangot.
" blue sabi mo tatawag ka pag papunta ka na dito.?" pilit na ngiti ko.
" san ka galing huh.?"
" uhm kasi nainip ako kaya nagice cream muna ako."
" at kailan ka pa nahilig sa ice cream.?"
" uhm ngayon lang.. Yan na ba yung gift mo sakin.?" ngiti ko saka tinuro yung paper bag na hawak niya agad naman niyang nilagay to sa likod niya.
" oo na.. Bawal makita." simangot niya sakin. " kanina pa kaya ako dito nakakainis ka kala ko iniwan mo na ko."
" bakit naman kita iiwan."
" aldred oo nga pala.. Si chris nakita ko sya." natigilan naman ako sa sinabi niya. " narinig mo naman ako aldred right.?"
" uhm yeah yeah I heard you. What happened.. Mahal mo pa ba sya anong naramdaman mo ng makita mo sya.. Bumalik ba yung feelings mo sa kanya.?" kita ko naman yung pag ngiti niya. " blue ako parin naman yung mahal mo di ba.. Naalala mo na yun.. Si chris wala na sya jan sa puso mo.?"
" Aldred naalala ko na ikaw ang mahal ko don't worry."
" aixt kala ko yung nararamdaman mo sa kanya bumalik pag nagkita uli kayo. So what happened nasaan na sya..?"
" uhm baka nanjan pa sya sa loob iniwan ko kasi baka nainip ka na kasi dito eh pero kinuha ko yung number niya."
" nagkausap ba kayo.. Sinabi na ba niya kung ano talaga nangyare.?"
" yeah."
" blue are you sure nanjan pa sya sa loob.?"
" siguro.. I don't know? Bakit.?"
" ang tagal ko na syang gustong sapakin.. Makaisa lang ako gagaan na yung pakiramdam ko.. Wait lang huh." aktong tatalikod ako ng hawakan ni blue yung braso ko. " sandali lang to.. Isang sapak lang blue."
" aldred.?"
" bakit..? Grabe yung ginawa niya satin.. Di niya alam kung gano kasakit yun."
" aldred naman eh.?"
" blue sige na. Isa lang."
" tigilan mo na nga.. Sinabi niya na sakin lahat.. Si irene nga talaga yung may kagagawan ng nangyare sakin at yung pumalo sa ulo mo nung gabing yun.. Si irene nga yun."
" hayop talaga sya.. Sabi na eh."
" relax ok.. Wag muna natin sabihin kala mommy at daddy.."
" pero bakit.?"
" I think naman nagbago na si irene lumayo na sya di ba.. Malay mo natanggap na niya at narealize niyang mali sya."
" pero dapat malaman to ng parents mo."
" wag na aldred.. Kapatid ko parin si irene.. Kung may taong mang pilit iintindihin sya dapat ako yun or kami nila mommy.. Pero sa ngayon ako muna. Hayaan nalang natin sya ."
" blue mali yung ginawa niya sayo... Dahil sa ginawa niya maraming oras ang nawala sating dalawa." gigil na saad ko hinawakan naman ni blue yung kamay ko. " blue kapatid mo ba talaga sya.. Bakit ganun sya kasama.. Sarili niyang kapatid nagawan niya ng ganung bagay.. Demonyo sya."
" ssshh aldred kapatid ko yun kung demonyo yun malamang demonyo din ako kaya wag mo sabihin yan."
" blue kailangan malaman ng parents mo to."
" ok ako na magsasabi sa kanila pagkatapos kong makausap si irene."
" kailan ba uuwi yan si irene. Sarap niya suntukin."
" babae yun aldred huh.."
" kahit na.. Yung mga pinaggagawa niya parang hindi sya babae.. Basta kailangan malaman to ng parents mo huh kung hindi mo kayang sabihin ako magsasabi sa kanila."
" heh tigilan mo ako magsasabi understand.?"
" sigurado ka.?"
" oo nga tara na mag gagabi na oh."
" ok tawagan mo si chris huh papuntahin mo sa bahay niyo dun ko nalang sya sasapakin.. Blue nangigil na yung mga kamao ko."
" aldred para kang sira.?"
" bakit mahal mo pa ba sya.? Bakit ayaw mong sapakin ko sya.?"
" oo mahal ko sya. Bilang kaibigan syempre ayako namang makitang masaktan sya noh. Ang tagal din naming nagkasama."
" ahh edi sasapakin ko sya kapag wala ka para hindi mo makita."
" weh tigilin mo na kasi pag sinapak mo sya sasapakin din kita.?" kumunot naman yung noo ko saka tumitig sa kanya.
" kaya mo kong saktan.?"
" uhmmm ang tigas kasi ng ulo mo eh.."
" kaya mo talagang saktan ako dahil lang kay chris.?"
" ewan ko sayo aldred huh tara na nagugutom na ko eh."
" dahil kay chris sasaktan mo ko.?"
" dahil kay chris sasaktan mo ko.?"
" ay naku sya.. Tara na kasi." ngiti niya saka hinawakan yung kamay ko tinangal ko naman yung kamay niya saka tumitig sa mukha niya. " mabait naman si chris eh. Si irene talaga daw yung may gawa ng lahat nadamay lang sya. Di ba nakita mo naman na nasagasaan din sya nung gabing yun.?"
" pero tinago ka niya."
" kasi mahal niya ko."
" oh di ba anim na buwan yung kinuha niya sakin."
" aldred naman anim na buwan lang yun.eh ikaw Makakasama mo ko forever.?"
" pero gusto ko parin sya sapakin."
" naman to oh.. Wag na please..?"
" kailanagan pag sinabi mo sa parents mo lahat kasama si chris huh para maipalawanag niya rin yung pagtatago niya sayo."
" oo na sige na."
" oo na sige na."
" basta sasapakin ko sya kapag nagkita kami."
" ewan ko talaga sayo ang tigas talaga ng ulo mo.. Bahala ka magagalit talaga ko sayo."
" basta sasapakin ko sya."
" pag sinapak mo sya kalimutan mo na din ako.."
" blue dahil ka-"
" heh heh shut up basta yun."
" bast-
" I said shut up aldred ayoko na marinig yang sasabihin mo basta pag sinapak mo sya kalimutan mo na ko."
" pero blue nama-"
" isa pa aldred iiwan kita dito.?" simangot niya napakamot naman ako sa ulo.
" blue isang sapak lang naman eh.?"
" ewan ko sayo." angil niya sakin saka naglakad agad ko naman pinigilan yung braso niya.
" fine fine fine.. Oo na hindi na po.. Wag ka ng magalit."
" nakakainis ka kasi."
" sorry na nga hindi na."
" magpromise ka muna.?"
" ayoko magpromise pano kung hindi ko mapigilan yung sarili kong sapakin sya.. Edi hindi ko natupad yung promise ko.?"
" ewan ko talaga sayo."
" haixt oo na nga promise.. Hindi ko sya sasapakin.."
" promise yan huh..?"
" promise yan huh..?"
" oo na promise.." simangot ko napangiti naman sya.
" ok huh promise is a promise. Tuparin mo yun."
" oo na.."
Thursday ng umaga nun ng pumunta ko sa bahay nila blue bisperas din ng anniversary namin ng araw na yun. Napangiti lang ako ng maalala yun. Binubuksan ko palang yung gate ng may mapansin akong motor sa garahe nila. Kay chris to ah. Pag pasok ko sa bahay naabutan ko lang si chris na nakaupo sa sala.. Sinimaan ko lang sya ng tingin napatayo naman to ng makita ako.
" a-aaldreed.." tarantang saad nito.
" aldred yung promise mo.?" napatingin naman ako sa taas ng hagdan nakita ko lang si blue na nakangiti habang nakatayo duon.
" uhm blue aalis na ko.?" pilit na ngiti ni chris. Tumango naman ako kay blue saka lumapit kay chris.. Tinitigan ko lang yung mata niya. " Uhm aldred I'm really sorry sa nangyare.?"
" aldred tumigil ka na.?" saad ni blue pagkababa sa hagdan. Ngumiti lang ako kay blue saka binigyan ng isang malakas na sampal si chris napasubsub naman sya sa sofa. " aldred.!" sigaw ni blue. Sumimangot lang ako aka umupo sa sofa. Kita ko naman yung pagdugo ng labi ni chris. " aldred nagpromise ka di ba..?!"
" nakausap na ba sya nila tita.?"
" uhm yeah nakausap ko na yung parents ni blue.?"
" ok kalang ba chris.?"
" yeah ok lang ako blue don't worry."
" ikaw aldred nagpromise ka di ba.. Bakit sinaktan mo parin sya.?"
" ang promise ko sayo blue hindi ko sya sasapakin.. Kaya nga sampal yung ginawa ko di ba.. So hindi counted yun." sarkastikong ngiti ko saka tumitig kay chris..
" aixxt nakakainis ka talaga.." lumapit naman ako kay blue saka sya hinila sya paupo sa tabi ko, " aixt nakakinis ka pa nga.!"
" blue I'm ok hindi naman masyadong malakas yung sampal niya."
" ulitin natin gusto mo.?" simangot ko dito.
" tigilan mo na aldred huh."
" eh mahina naman talaga eh.. Imbis na sabihin kong malakas eh sa mahina naman talaga.. "
" ulitin nga natin.. Hindi mo alam kung gano ko kagustong patayin ka.. Teka blue hindi naman ako nagpromise na hindi ko sya papatayin di ba.. Teka kukuha lang ako ng kutsilyo." sinimaan ko lang sya ng tingin aktong tatayo ako ng yakapin ako ni blue.
" aldred tama na nga.. Ikaw chris isa ka pa tumigil na nga.?"
" ano sabi ng parents mo blue.. Ipapakulong ba nila tong gagong yan.?"
" aldred tigilan mo na nga.. Ok na kala mommy.."
" ok na agad sa kanila.. Agad agad.. Yun na yun sinampal ba ni tita yang lalakeng yan.?"
" pinagalmusal pa nga ako ng mommy nya eh.." ngiti ni chris.
" aixt sana pala mas maaga ako pumunta para nalagyan ko ng lason yung pagkain mo.?"
" aldred ok na kay mommy.. Napaliwanag ko na sa kanila nasabi ko narin yung tungkol kay irene I think nasa kwarto sila daddy kausap sa phone si irene."
" anong plano nila.?" nagkibit naman ng balikat si blue. " oh ikaw tapos ka na kumain tapos ka na rin kausapin pwede ka ng umalis baka mapatay pa kita dito."
" blue aalis na ba ko. Sabi mo may papakita ka pa sakin sa kwarto mo.?" ngiti ni chris agad naman akong tumayo saka tinayo sya sa pagkakaupo sa sofa.
" anong sabi mo huh.?" gigil na saad ko.
" aldred ano ba. Wala naman akong ipapakita sayo chris ah.?"
" joke lang .. Bawal na ba magjoke.?" nialagay ko lang lahat ng lakas ko sa palad ko saka sya binigyan ng isa pang malakas na sampal.. Rinig ko naman yung mahina niyang pagtawa habang hawak yung namumula niyang pisngi.
" aldred tama na please.?"
" blue pwede bang wag ko na tuparin yung promise ko na hindi ko sya sasapakin.. Gigil na gigil na ko eh.?"
" edi sapakin mo ko.?" ngiti pa ni chris.
" chris tama na pwede.?"
" ok ok.. I'm sorry aldred Im just kidding."
" pwede ba umalis ka nalang.?"
" bakit bahay mo to.?"
" fuck! Blue paalis mo na nga yan kung ayaw mong mapatay ko pa sya.!"
" haixt chris umalis ka na."
" pano kung ayoko.? Blue 6 months tayong magkasama wala man lang bang halaga sayo yun.? Gusto ko pa sana tayong magkwentuhan eh. Hindi ba pwede yun.?"
"yung mga panahong inagaw mo mula sakin..?" sarkastikong ngiti ko. "blue please paalisin mo na sya.. Baka hindi ako makapagpigil mapatay ko pa yang hayop na yan."
" chris please naman umalis ka na. ako ng bahala kala mommy."
" ok ok ok.. Tatawagan kita blue.?"
" wag ka ng mag-abala,. Since nasabi mo na lahat hindi ka na namin kailangan." simangot ko sa kanya. Ngumiti lang to saka tinungo yung palabas ng pinto.
" hatid ko lang sya aldred." saad ni blue hinawakan ko naman yung kamay niya.
" bakit pa hindi ba niya alam yung palabas ng gate niyo.?"
" sandali lang pwede..?" simangot sakin ni blue saka naglakad. Napabuntong hininga naman ako.
SI BLUE
Naabutan ko lang si chris sa garahe ng bahay namin na naglalagay ng helmet. Ngumiti lang sya ng makita ako sinimangutan ko naman sya.
" blue masakit yun huh joke lang na hindi masakit yung sampal ni aldred. Nadislocate yata yung panga ko." ngiti niya.
" you deserve that chris.. Ininis mo sya eh."
" uhm I'm sorry about that.. Hindi ko lang napigilan.. Pasensya na blue hindi talaga kami magkakasundo ng boyfriend mo."
" chris kung hindi kayo magkakasundo,.. I'm sorry yung friendship natin kalimutan mo nalang."
" ganun nalang yun.?"
" chris pwede mo namang subukan kilalanin si aldred eh.. Kung gusto mo parin ako maging kaibigan.. Kaibiganin mo rin sya.. Saka di ba dapat magpasalamat ka nalang kasi after ng nangyare kaibigan parin ang tingin ko sayo."
" blue kahit kailan hindi ko gugustuhin maging kaibigan yung taong kaagaw ko sa puso mo.."
" then go.. Umalis ka na." simangot ko sa kanya.
" blue babalik ako.."
" wag na chris.."
" no babalik ako. Tandaan mo yan." saad niya saka nilabas ng gate yung motor niya napabuntong hininga naman ako saka sinara yung gate..
" sa oras na bumalik pa yun hindi ko na maipapangakong hindi ko sya masasapak. Kasi babasagin ko na yung mukha niya." napalingon lang ako ng marinig yung boses ni aldred.
" aldred I'm sorry."
" dapat talaga magsorry ka.. Sinisigawan mo ko kasalanan naman nung hayop na chris na yun."
" sorry na.. Mabait naman yun eh sayo lang ata hindi.. Ok naman sya kanina kala mommy eh."
" kasi nga daw hindi nga daw niya kayang kaibiganin yung taong kaagaw niya sa puso mo."
" nakikinig ka samin.?"
" oo sasapakin ko sana buti nalang pinaalis mo na."
" haixt gusto ko din sana sya sapakin eh. Hindi kasi yun yung chris na nakasama ko ng anim buwan eh.. Ibang iba."
" blue yun yung totoong sya.." napabuntong hininga naman ako saka tumingin kay aldred.
" sorry kung nasigawan kita huh."
" ok lang.. Pwede bang bawiin ko na yung promise ko na hindi ko na sasapakin si chris sa susunod na magkita kami.?"
" bahala ka. Sapakin mo kung gusto mo basta wag lang sa harapan ko." inis na saad ko. " hindi na sya yung chris na nakilala ko."
" buti naman masasapak ko na sya next time.. Ang tigas ng mukha halos mamaga yung palad ko sa pagsampal sa kanya hindi parin sya nasaktan.?"
" maniwala ka dun. Halos magkulay red nga yung mukha niya.. Hindi ko hahayan aldred na masira pa uli tayo hindi na.."
" talagang hindi na. Blue anniv natin tomorrow.." ngiti ni aldred naglakad naman ako papasok ng bahay. " hoy sabi ko anniv na natin tomorow.?" sinimangutan ko lang sya saka naupo sa sofa.
" oo nga narinig ko.. ano naman.?"
" uhm wala lang.. Excited lang ako.. Hindi ka ba excited blue.?"
"Syempre excited.. Tomorrow susunduin kita dito ng 7pm."
" huh bakit saan tayo pupunta.?"
" secret.. Magbihis ka ng pinakamaganda mong damit."
" san mo nga ako dadalhin bukas.. Pwede naman dito nalang sa house di ba..?"
" wag ka ng kumontra ok.. Anniv natin yun." ngiti ni aldred skain.. Napangiti naman ako. " payakap nga." saad niya saka yumakap sakin.
" i love you aldred."
" i love you too blue.
SI ALDRED
If you want a rainbow, you gotta put up with the rain; in order to love, you gotta risk the pain.. Madami ng pinagdaanan yung relasyon namin ni blue.. Umiyak,tumawa, nalungkot, sumaya..nasaktan at natutong magpatawad.. Hindi naging madali para saming dalawa ang lahat pero lumaban kami.. Ginawa namin lahat ng makakaya namin para magwork out yung relationship na binuo namin..yung masayang relasyon na sinimulan namin, Nagkahiwalay man pero eto muli kaming magkasama.. Para patunayan sa lahat that love really exist. Na hindi lang to nangyayare sa isang fairytale.. Na pwede kang mahalin ng taong mahal mo..that everything is possible, Blue changes my life he change everything in me. How I see the future. Minsan ang love nagiging teacher natin.. Tuturuan tayo sa maraming bagay. Tuturuan tayo na pahalagahan yung bagay na alam natin na hindi natin kayang mawala..
Napangiti lang ako saka tiningnan yung box ng singsing na hawak ko. Hindi ko naman mapigilan yung luha na tumulo sa mata ko. Blue loving you makes my life worth living.. Natigilan lang ako ng marinig yung ring ng cellphone ko. Si mommy.
" hello mom ok na po ba lahat jan.?"
" ok na lahat.. 6:30 na bihis ka na ba.. Baka malate ka sa pagsundo kay blue.?"
" mom thank you.." ilang sandali naman tong hindi nagsalita. " mom thank you sa lahat."
" son mahal na mahal kita.. Gagawin ko lahat para sumaya ka. Susuportahan kita kahit sa anong gusto mo."
" mommy thank you sa pagtanggap samin ni blue thank you sa pag unawa... Salamat po kasi mahal niyo kami ni blue." hindi ko naman mapigilan yung mga luha sa mata ko.
" anak wag ka ng umiyak ok.? Anniversary niyo lang hindi ka pa ikakasal..?"
" mommy naman eh.."
" ayusin mo yung pagpopropose mo. Kahit ang aga baka after 2 to 3 years pa yung kasal niyo eh.?"
" mom tingin niyo tatangapin niya yung kasal.?"
" mom tingin niyo tatangapin niya yung kasal.?"
" malamang anak.. Mahal na mahal ka nun eh.. Don't tell me kinakabahan ka.?"
" mejo po.?"
"suus kaw talaga.. nakabihis ka na ba make sure na gwapo ka huh.. Gabi niyo tong dalawa.. Goodluck anak."
" thank you mom."
" sunduin mo na si blue nagaantay na yun sayo.. I love you my son. Nandito na ko sa parking lot pauwi na. Ikaw na bahala anak huh." naputol naman yung linya napangiti lang ako habang nakatingin sa salamin. This is it aldred..humugot lang ako ng malalim na hininga saka lumabas ng bahay. Nakamotor lang akong pumunta sa bahay nila blue.pagtapat ko sa bahay nila nagbusina lang ako. Ilang sandali pa lumabas na si blue. Hindi ko naman mapigilan pagmasdan sya..ilang segundong tumigil yung mundo ko ng makita yung ngiti sa labi niya.
" hoy tara na wag mo na ko titigan jan.?"
" blue napakaperfect mo grabe."
" ewan ko sayo.. Ang gwapo mo aldred... Ay mali napakagwapo mo pala.. Ang ganda ganda ng suot ko tapos sa motor mo ko papasakayin.. Noh ba yan.?"
" uhm ang ganda rin naman ng suot ko ah pero sa motor ako nakasakay.." ngiti ko. " tara na.. Wag ka ng magreklamo.. To talaga oh."
" happy anniversary red ranger." ngiti niya.
" happy anniversary blue ranger." ngiti ko sa kanya. " tara na."
" ok my prince." ngiti ni blue saka sumakay sa likod ko.
" magiging magical ang gabing to blue.."
" talaga lang huh.." saad niya hanggang makarating kami sa isang building.. Pinark ko lang yung motor.. Pagbaba ni blue kunot ang noong tumingin sya sakin. " aldred sa rooftop tayo pupunta.?"
" uhm yeah.." ngiti ko. Nakanganga naman syang tumingala sa tuktok ng building na yun. " tara na."
" tara." ngiti niya..naglalakad na kami ni blue papasok ng magring yung cellphone ko. Si mommy. Sinagot ko naman to.
" son wait lang."
" why mom."
" talikod ka.." saad nito tumalikod naman ako nakita ko lang yung kotse nito sa harap ng building nakangiti lang to saka lumabas ng sasakyan. " lapit ka anak may nakalimutan ako."
" blue wait here si mommy oh." nguso ko
" sama na ko."
" wag na sandali lang to." ngiti ko saka naglakad papunta sa kotse ni mommy. " ano nakalimutan niyo mom.?"
" uhm yung flowers.." saad nito saka kinuha sa loob ng kotse yung bulaklak.
" ah kasi mom di ba sabi ko hindi naman mahilig si blue bulaklak.?" pilit na ngiti ko.
" aixt kasi hindi kumpleto yung gabi niyo kung wala ka man lang flowers na ibibigay sa kanya.. Hindi naman sya allergic sa bulaklak di ba.? Sige na."
" ok sige mom thank you."
" goodluck son huh.. Ang gwapo gwapo mo.. Parang dati lang ang bata mo pa..tapos ngayon magpopropose ka na ng kasal.. Haixt binata ka na talaga."
" mom magdadrama ka pa ba.?" ngiti ko ng makitang may luhang tumulo sa mata nito.
" panira ka naman ng momment anak eh.. I love you son."
" oo na mom.. Thank you na aakyat na kami ni blue.. Silent ko na po yung phone ko bawal na po ang istorbo."
" ok fine.. Goodluck again anak.." yumakap lang sakin si mommy saka humalik sa pisngi ko. " i love you anak."
" ok mom ingat sa pag-uwi." ngiti ko muli namang sumakay ng kotse si mommy saka to pinaandar pinagmasdan ko lang yung sasakyan nito habang papalayo sa lugar na yun.. Tumalikod lang ako upang pagmasdan si blue habang nakangiting nakatingin sakin.. Nakita ko naman na naglakad to papalapit sakin..ngumiti lang ako saka kinapa yung box ng singsing sa coat ko..this is it..
" aldred.!" sigaw ni blue napalingon naman ako sa gilid dun ko lang nakita yung mabilis na motor na patungo sa pwesto ko.. " aldred tumabi ka.!" sigaw pa ni blue habang nakatingin sa motor. Wala sa sariling tumabi ako pero nahagip parin ako ng motor kaya napasadsad ako gilid ng kalsada nabitawan ko lang yung mga bulaklak na hawak ko.. Agad lang lumapit sakin si blue. " aldred are you ok.?" tinitigan ko naman si blue. " hey aldred ok ka lang ba my god yung kamay mo dumudugo." tiningnan ko lang yung kamay ko nakita ko naman na may dugo dun.. Pilit lang akong ngumiti kay blue.
" haixt ang tanga ko blue sorry.."
" hindi mo naman kasalanan eh.. Bwiset na motor yun ah parang sinadya na sagasaan ka buti nalang nakailag ka agad.. Dalhin kaya kita sa ospital.?"
" no ok lang ako.. Gasgas lang to noh."
" gas gas ka jan.. Dumudugo nga oh.?"
" shshh gasgas nga lang oh.." kinuha ko naman yung panyo sa bulsa ko saka tinali sa kamay ko. " oh see wala na.. Hindi pwedeng masira tong gabi na to ok.. Ok lang ako don't worry hayop na motor yun ah sisirain pa yung anniversary natin."
" sure ka ba talagang ok ka lang.?"
" yeah ok lang ako tara pasok na tayo.. Yung bulaklak nasira pa ata." ngiti ko kinuha naman ni blue yung boquet ng bulaklak saka ngumiti. ' ok pa ba.?"
" ok pa to.. Hindi naman ako mahilig sa bulaklak eh.. Pero thank you."
" sabi ko nga kay mommy ok na yung walang flowers eh ang kulit."
" eh kasi ang romantic pag meron nito noh.. Hayaan mo na." ngiti niya saka inamoy yung mga bulaklak. " ang bango.. Feeling ko babae ako.?"
" sira ka.. Tara na nga pasok na tayo." tinayo naman ako ni blue. " grabe muntik na ko dun ah.."
" eh kung tinitigilan mo kasi yung pagtitig sakin kaya nawawala ka sa sarili eh.."
" hindi ko kasi mapigilan blue eh.?" pilit na ngiti ko.
" ewan ko sayo." simangot ko sa kanya. Pumasok na kami saka sumakay sa elevator pag akyat palang namin sa roooftop ng building na yun tumugtug na yung kantang naging memorable saming dalawa...angel of mine.. Napangiti lang ako habang tinitigan si blue habang nakatingin sa mga petals ng rose sa sahig..para kaming nasa isang fairytale..hinawakan ko lang yung kamay niya.
" aldred ang ganda.." manghang saad ni blue.. Dahan dahan lang kaming naglakad ni blue sa red carpet na punong puno ng pulang petals.. Sa dulo nun ay may pangdalawahang mesa habang may tumugtug ng violin sa dulo.. " aldred sa panaginip ko lang nangyayare tong ganito." ramdam ko lang yung higpit ng hawak niya sa kamay ko.. Dinala ko lang to sa labi ko saka dinampian ng isang halik. " aldred thank you.. Thank you."
" blue this is our night..you and me together." ngiti ko. Inurong ko lang yung upuan para makaupo sya saka ako umupo sa tapat niya.. Muli ko lang hinawakan yung kamay niya saka tumingala sa mga langit ngumiti lang ako saka linanghap yung hangin. " blue gusto ko makasama kita forever sabay tayong titingala sa langit para pagmasdan yung mga naggagandahang mga stars.
" ang ganda ng mga stars..para silang maliliit na ilaw sa paningin."
" mga stars na nging saksi sa pagmamahalan nating dalawa.. At patuloy na magiging saksi sa mgha darating na panahon."
" aldred super ganda my god.. Totoo ba talaga to.. Haixt sana hindi na ko magising.."
" blue naman totoo to.. Totoong totoo tong napakagwapong prinsipe na nasa harap mo." ngiti ko.
" wushhuuu.."
" haixtt pwede bang dito nalang tayo forever.."
" kasama si kuyang nagviviolin.?" ngiti ko habang nakatingin sa tumutugtug.
" ay oo nga kawawa naman si kuya.. Ok na yung walang music basta dito nalang sana tayo forever.."
" hindi naman pwede yun.. Kasi yung mga susunod na mangyayare satin ay mas magiging perfect at mas espesyal.."
" aldred I love you..?"
" i love you too blue.." ngiti ko kinapa ko naman yung box ng singsing sa bulsa ko.. Natigilan naman ako ng maramdaman na wala to sa coat ko. Tumayo naman ako saka kinapa yun sa bulsa ko.
" why.?" kunot ang noong tanong ni blue.
" uhm kasi nandito lang kanina yun eh. Aixt naman oh."
" ang alin..?" kinuha ko lang yung cellphone sa bulsa ko saka tiningnan yung oras. My god malapit na yung fireworks. " hey aldred may problema ba.?"
" blue may nahulog ata sakin nung muntikan ako mabangga ng motor kanina.? Pwede bang tingnan ko lang sandali.?"
" huh importante ba yun.?"
" sobrang importante eh.. Sandali lang.. Sana wala naman nakakuha." ngiwi ko lang. " blue wait lang titingnan ko lang." saad ko saka tumalikod pababa sa building na yun.. Paglabas ko ng elevator patakbo naman akong pumunta kung saan ako bumagsak kanina. Ilang sandali ko pang inikot yung lugar na yun ng mapansin ko yung maliit na box sa di kalayuan. Agad ko lang tong nilapitan.. " haixt buti nalang nandito pa." binuksan ko naman to pinagmasdan ko lang yung singsing, napangiti lang ako. " haixt kala ko masisira na tong gabing to eh." Natigilan lang ako ng may tumapat na motor sa gilid ko.. Halos manlaki yung mata ko ng makita kung sino yun.. Ngumiti lang to.. " ikaw..!?" hindi ako pwedeng magkamali.. Sya yun... Sya yung isa sa mga lalakeng kumuha kay blue ng gabing yun. At sya yung nasa panaginip ko.. " anong ginagawa mo dito huh.?"
" oo aldred ako.. Do you know me.? Andito ako para kay blue." ngiti nito.
" hayop ka..!" gigil na saad ko mabilis naman nitong pinatakbo yung motor niya nilingon ko lang kung saan nakapark yung motor ko saka agad tumakbo papunta dito. Sumakay lang ako saka mabilis na pinaandar yung motor ko patungo sa dereksyon na tinahak ng lalakeng yun.. Yun yung motor na muntikan bumangga sakin kanina.. Hayop ka hindi ko hahayaang saktan mo si blue. Mabilis ko lang pinaandar yung motor ko hanggang makarating kami sa highway.. Humanda ka sakin.. Kinapa ko naman yung box na nasa coat ko saka to kinuha..blue hindi ko hahayang saktan ka niya..hindi.. Hinding hindi! Pag tingin ko sa kalsada parang tumigil yung mundo ko ng makita yung truck na kasalubong ko mabilis yung takbo nito.. pinilit ko naman magpreno pero ayaw nitong gumana..kinilabutan lang ako.. My god ayaw kumagat ng preno.. God..tuymulo lang yung luha ko saka pumikit.
hanggang isang nakakabinging tunog yung maririnig mo sa pagsalpok ng motor ko sa truck na yun.. Yung nakakabinging langitngit ng mga bakal. Parang tumigil yung oras sa paligid ko hanggang maramdaman ko yung malakas na pagbagsak ko sa gilid ng kalsada.. Tumulo lang yung luha ko ng makita yung box ng singsing sa di kalayuan.. Rinig na rinig ko lang yung pag hinto ng ilang sasakyan.. May mga sumisigaw.. Yung iba nakatingin lang sakin.. Pinilit ko naman abutin yung box..sinubukan kong gumapang papunta duon pero kahit anong gawin ko hindi ako makaalis sa pwesto na yun.. Blue. Blue.. Tanging pagluha lang yung nagawa ko ng hindi ko maigalaw yung katawan ko.. "Blue poprotektahan kita pangako.." umiyak lang ako ng maramdaman yung pagtulo ng dugo sa ulo ko.. Dun naman nagilaw yung kalangitan sa mga nagagandahan pailaw.. Nagliwanag yung paligig. Hinayaan ko lang tumulo yung luha ko.. Blue I'm really sorry.. Hanggang unti unting nagdilim yung paningin ko.
SI BLUE
Nakatingala lang ako sa langit habang pinagmamasdan yung mga stars.. Ang perfect ng gabing to.. Sana hindi na to matapos..kung pwede lang patigilin yung oras gagawin ko.. Napalingon lang ako sa dereksyon na tinahak ni aldred.. " ang tagal naman oh.?" saad ko lang.. " uhm kuya ok lang kahit wag ka muna tumugtog.." ngiti ko sa lalakeng nagviviolin tumango naman to sakin saka umupo sa gilid.. Natawa lang ako ng makita yung hilot nito sa braso niya. " ok ka pa kuya.?"
"opo.. salamat po.." ngiti pa nito.
" uhm wala po yun.. Kanina ka pa kasi tumutgtug.. Nakakapagod yan." ngiti ko lang ilang sandali pa kong nakatingala lang sa langit.. Maya maya namangha lang ako ng makita yung fireworks sa kalangitan napatayo naman ako saka ilang sandaling pinagmasdan yung magagandang ilaw na nagpapaliwanag sa kalangitan..
"ang ganda... aldred nasan ka na ba..?" saad ko lang.
" saan po pumunta yung kasama niyo.. Ang alam ko po kasama po sa suprise niya sa inyo fireworks.. Saan po sya pumunta.? Sayang naman po."
" hindi ko nga alam eh .. May nahulog daw po sa kanya eh.."
" pano po yan..?" nagkibit naman ako ng balikat kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa saka dinial yung number ni aldred pero puro ring lang yung narinig ko.
" aixt nasaan ka ba.?" simangot ko lang.. " uhm kuya bababa lang po ako baka po kasi nasa baba po sya."
" sige po.." ngiti nito tinungo ko naman yung pababa.. Paglabas ko sa building na yun tinanaw ko lang kung saan nakapark yung motor ni aldred pero wala na yun duon..
" haixt saan ka ba pumunta." muli ko lang dinial yung number niya pero puro ring parin yung narinig ko. Dinial ko naman yung number ng mommy ni aldred. " uhm hello po tita.?"
" oh blue napatawag ka.. Tapos na ba kayo. Tapos na din yung fireworks.? Bakit ka napatawag dapat sulutin niyo yang moment niyo ah.?" napatingala lang ako sa langit.
" tapos na po yung fireworks tita.." "
" do you like it blue.?"
" sobrang ganda po tita Pero wala po si aldred dito.?"
" huh anong wala.. Panong wala.?"
" uhm kasi po kanina muntikan po syang masagasaan ng motor pero nakailag po sya.. Bumagsak lang po sya sa gilid ng kalsada.."
" kanina.. Oh nasaan na sya ngayon.?"
" magkasama na po kami kanina sa taas tapos sabi niya may nahulog daw sa kanya.. Kaya bumaba po sya tapos until now po hindi parin sya bumabalik.. Tatanong ko po sana kung umuwi po sya.?"
"hindi eh san sya pumunta..?"
"hindi ko po alam tita.. Wala na po yung motor niya dito sa parking lot eh.. Sinubukan ko na rin pong tawagan yung cellphone niya pero hindi niya po sinasagot."
" eh anong nangyare dun.?"
" hindi ko po talaga alam tita.. Subukan ko pong hanapin sya dito."
" yung singsing naibigay ba niya sayo.?"
" singsing po.? Wala po eh.. Tingin ko po yun po yung nahulog niya eh kaya po bumaba uli sya dito..nasaan na po kaya sya.?"
" I don't know blue. Ok pupunta ko jan huh."
" ok po tita susubukan ko po uling tawagan sya." napabuntong hininga naman ako saka muling dinaial yung number ni aldred ilang sandali pa tong nagring saka may lalakeng sumagot.
" hello goodevening po." saad nito rinig na rinig ko lang yung sirena sa kabilang linya na lalong nagpakaba sakin.
" sino po to... Bakit hawak niyo po yung phone ni aldred."
" naaksidente po sya.. Nasa ambulansya po kami ngayon.. Pumunta na po kayo sa ospital ngayon din po.." hindi naman agad ako nakasagot ng marinig yung sinabi ng nasa kabilang linya naaksidente si aldred..? No!! Hindi pwede.. Nagsimula lang tumulo yung luha ko ilang sandali pa kong nakatingin lang sa cellphone na hawak ko.. My god no please wag naman po.. Parang awa niyo na.. Agad lang akong tumawid sa kabilang kalsada saka nagpara ng taxi.. Hindi ko na mapigilan yung mga luha sa mata ko ng mga oras na yun.. Dinial ko lang yung number ng mommy ni aldred.
" tita." umiiyak na saad ko.
" blue what happened nandito na ko sa tapat ng building..nasaan ka na..?" natutop ko lang yung bibig ko para pigilan yung paghagulgol ko. " blue magsalita ka nasaan ka na.?"
" tita si aldred po naaksidente daw..?" napatingala lang ako.
"ano uli yun blue.. Aksidente..?"
" tita si aldred po.. Naaksidente po sya.. Nasa taxi po ako ngayon papunta sa ospital.." ilang sandali naman hindi nakapagsalita yung mommy ni aldred. " tita magkita nalang po tayo dun."
" blue totoo ba to.. Please wag ka naman magbiro.. Hindi ginagawang biro yung mga ganitong sitwasyon."
" tita please pumunta na po kayo duon.. Aantayin ko po kayo." hikbi ko pa.. Naputol naman yung linya.. Parang napakabagal tumakbo ng oras parang napakalayo na ng tinatabo ng taxing sinasakyan ko pero parang napakalayo parin ng ospital... Ang tanging nagawa ko nalang ay yung umiyak..halos walang tigil yung pagbagsak ng luha sa mata ko.. Pagbaba ko sa taxi hindi ko alam kung saan ako pupunta nakita ko na sa labas yung isang emergency mobile.. Agad naman akong lumapit sa lalakeng nanduon. " kuya yung sakay po niyan.?"
" nasa emergency room na po sya.." tumulo lang yung luha ko pero agad ko tong pinunasan.. Saka patakbong pumasok sa ospital na yun magtatanong pa sana ako sa front desk ng matanaw ko yung mga nagkakagulong doctor habang may pinapump na pasyente.. Tumulo lang yung luha ko saka dahan dahan lumapit dito parang tumigil yung mundo ko ng makita yung katawan ni aldred na pinapalibutan ng mga doctor.
" aldred..!" histerical na saad ko aktong lalapit ako sa kanya ng pigilan ako ng mga nurse na andun. " please aldred lumaban ka please.." hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi ng mga doctor ng mga oras na yun.. Nakatingin lang ako sa mukha ni aldred habang may oxygen sa bibig. " aldred please.. Lumaban ka.. Wag mo kong iiwan please. Wag naman.. Parang awa mo na."
" magantay nalang po kayo sa labas ginagawa po naming lahat." saad ng nurse sakin.. Pero umiling lang ako saka pinanunod yung ginagawa ng mga doctor.. Nakakabingi yung tunog ng makina na nasa gilid ni aldred parang yun yung magsasabi kong buhay pa sya. Kung tumitibok pa ba yung puso niya.. Ng mga oras na yun parang ayokong marinig yung tunog na yun.. " aldred lumaban ka please..!" wala na kong nagawa kundi umiyak habang pinapanuod yung nangyayare kay aldred parang nadudurog yung puso ko na makita syang nasa ganung sitwasyon..napalingon lang ako ng marinig yung boses ng mommy ni aldred patakbo lang akong lumapit dito saka yumakap. " tita si aldred po.!"
" blue tell me what happened..?"
" tita I don't know.. I don't know.. Si aldred po. Ti-tita si aldred.." umiiyak na saad ko.. Hinawakan naman ng mommy ni aldred yung kamay ko saka pumunta sa nagkakagulong mga nurse at doctor. Naramdaman ko lang yung higpit ng hawak ng mommy niya sakin.. " tita please si aldred,. Tita sabihin mo niyo po sa kanya lumaban sya.. Wag po ngayon tita please..? Tita marami pa kamning gustong gawin tutuparin pa po naming yung mga panagarap namin.. Tita parang awa niyo na po hindi po sya pwedeng mawala.. Hindi ko po kaya." rinig ko lang yung bawat hikbi ng mommy niya.. Saka mariing pinisil yung palad ko..
" blue calm down magiging ok sya naiintindihan mo.. Please calm down..."
" tita si aldred po.." umiiyak na saad ko para akong mawawalan ng lakas ng mga oras na yun.. Nanatili lang akong nakayakap sa mommy ni aldred.. Ramdam na ramdam ko rin yung bawat hikbi nito habang hinihimas yung likod ko., Unti unti namang nagalisan na yung mga nakapalibot kay aldred..
" magiging ok sya blue .. Magiging ok sya believe me.. He's fighter.. Malakas si aldred maniwala ka sakin."
" sa labas na po tayo.. Stable na po ang pasyente.. Magantay nalang po tayo sa sasabihin ng doctor." saad ng nurse na naduon.
" buhay pa po sya di ba.. Mabubuhay po sya.?" hikbi ko lang.
" lumalaban po sya. Hindi po sya bumitiw gagawin po namin lahat para mailigtas sya."
" parang awa niyo na po.. Gawin niyo po lahat.. Iligtas niyo po si aldred.. Parang awa niyo na po.." umiiyak na saad ko habang hawak yung kamay ng nurse.
" ginagawa namin lahat.. Please pray for him.. Yun nalang po muna ang pwede niyong maitulong.."
" salamat.." hikbi ng mommy ni aldred.. Dinala naman kami ng nurse sa waiting area ng ospital na yun.. Hinayaan ko lang tumulo yung mga luha sa mata ko.. " blue anong nangyare.?"
" I really don't know tita.. Nung tinawagan ko po si aldred iba yung sumagot.. Sinabi nga po na nasa ambulansya nga po sila papuntang ospital."
" sinabi sakin nung nasa ambulansya.. Motor accident daw sa highway pano sya napunta duon.. Pano.?"
" hindi ko po talaga alam.. Sabi niya po bababa lang sya sandali tapos hindi na po sya bumalik.." nasapo naman ng mommy ni aldred yung mukha nito ng dalawang palad..
" my god yung anak ko.. Please.." tahimik lang akong umiyak.. Tumayo naman yung mommy ni aldred saka nagdial sa cellphone nito parang wala na ko sa sarili ng mga oras na yun parang wala na kong naririnig habang inaantay bumukas yung pinto ng emergency room..nanatili lang akong nakatungo maya maya ay muling tumabi sakin yung mommy ni aldred.." blue be strong.. Be strong ok.. Si aldred lumalaban sya kaya magpakatatag ka.. Hindi sya mawawala ok .. Naiintindihan mo... Wag ka ng umiyak.. Yung mga pangako niya sayo. Tutuparin niya yun" pilit na ngiti ng mommy niya pero pumatak pero yung luha ko pinunasan naman nito yung pisngi ko. " blue I said be dtrong.. Wag kang panghinaan ng loob.. Kaya niya to mallaapasan ng anak ko to."
" tita hindi ko mapigilang isipin na pano kung-."
" no.. Wag na wag mong iisipin yun ok.. Kaya niya to.. Kaya natin to.. Pano sya lalaban kung pati ikaw nawawalan na ng pag-asa.. Be strong please.."
" tita I love him.." naluluhang saad ko.
" ok you love him di ba.. So magpakatatag ka.. Kaya niya to.. Maniwala ka lang.. Maniwala ka blue." humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumango. " ok good.. Kung makikita ka nbi aldred ngayon mas gugustuhin niyang lumaban para sayo.. Pakita mo sa kanya na kasama ka niya sa laban na to ok.. Hindi sya susuko para sayo tandaan mo yan blue.."
" salamat po tita."
" mahal na mahal ka ni aldred... At hindi ako papayag na walang matupad sa mga pangako niya sayo.. Hindi ako papayag blue.." niyakap naman ako nito. "tama na wag ka ng umiyak.. Tama na ok.."
" susubukan ko po tita.. Susubukan ko pong tiisiin yung sakit. Titiisin ko po.."ramdam ko lang yung higpit ng yakap nito sakin.. maya maya dumating si mommy at daddy.. At yung daddy ni aldred.. Agad lang akong yumakap dito.
" blue whathappened kay aldred..?" naluluhang saad ni mommy.mahigpit lang akong yumakap dito. " blue magiging ok sya.. Magdasal lang tayo. Sabay sabay lang kaming napalingon ng bumukas yung pinto ng emergency room at lumabas yung doctor.. Pilit lang na ngumiti to samin.
" doc.?"
" stable na sya pero he's still under observation for the next 48 hours.. Malakas yung pagkakabagok ng ulo niya.. May bali sya sa paa dahil nadaganan sya motor niya. Lumalaban po sya magdasal nalang po tayo.. Ililipat na po sya sa ICU in a while."
" doc magiging ok po sya di ba.?"
" ipagdasal po natin.. Pero tingin ko po pilit po syang lumalaban.. Gusto po niyang mabuhay nakikita ko po yun sa response ng katawan niya.. Pinipilit niya pong mabuhay.. Kaya magtiwala lang po tayo.." yumakap lang ako kay mommy saka tahimik na umiyak.
Mabilis na lumipas ang isang linggo.. Sabi ng doctor nasa comma daw si aldred dahil sa namuong dugo sa ulo nito.. Patuloy naman kaming nagdadasal sa paggaling niya at naniniwala ako na magiging ok sya.. Naniniwala ako na babalik sya sakin. Mahigpit ko lang na hinawakan yung kamay niya.. Naluha lang ako ng makita yung mga makinang nakadikit sa katawan niya.. " aldred please gumising ka na..? Napakadaming machine sa paligid mo naiinis ako sa tunog kaya please gumising ka na" umiiyak na saad ko saka hinalikan yung kamay niya.
" gumising ka na please. When I first saw you I already new.. There was something inside of you.. Naririnig mo ba ko aldred kanta mo yun para sakin di ba?.. Gumising ka na oh gusto ko na marinig yung boses mo ang panget kasi pag ako yung kumakanta eh.. Gusto ko na makita yung magaganda mong mata.. Aldred wake up na.. Hindi ko alam kung matyaga ako pagdating sa paghihintay.. Pero kahit anong mangyare aldred hindi kita bibitawan.. Hindi ako susuko.." muli ko lang hinalikan yung kamay niya saka tumungo sa gilid niya. " you came into my life sent from above when I lose the hope you showed me love.." bulong ko sa lyrics ng paborito naming kanta.. Napabuntong hininga lang ako saka tumayo at ginawaran ng halik yung pisngi niya.. Napangiti lang ako ng makita yung mansanas sa table na malapit sa higaan niya.
" naalala mo ba aldred nung nasa palengke tayo..binagyan mo ko ng mansanas na may kagat mo.." saad ko lang saka umupo.. Kumagat lang ako sa mansanas saka to pinagmasdan.. Ngumiti lang kasabay ng mga luha. " gumising ka na oh..nakikita mo ba to." hawak ko sa kwintas na suot ko. " di ba forever na tayong magkadikit.. Wag kang maduga huh walang iwanan." saad ko lang saka nilabas yung kwintas niya sa hospital dress na suot niya. " suot mo din yung sayo so walang dugaan aldred.. Wag mo ko iiwan." muli lang gumaralgal yung boses ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko. " aldred gumising ka na please.. Miss na miss na kita.. Nakakainis ka kasi eh.. Hindi naman ganun yung ineexpect ko sa 1st anniv natin eh.. Bakit kasi maty ring pa eh.. Ang bata pa natin di ba.?" pinunasan ko lang yung mga luha sa pisngi ko. "aldred gising na please.. Gising nanaman oh." napalingon naman ako ng bumukas yung pinto ng kwartong yun..
" tita maaga pa po ah.?" saad ko lang..saka pinisil yung kamay ni aldred ng muli akong lumingon nakita ko lang si irene na nakatayo.. Kita ko lang yung pag-iyak niya..
" blue.. Magiging ok si aldred di ba..?" saad ni irene saka pumasok sa kwarto na yun.. Tumungo lang ako saka pinunasan yung mga luha sa mata ko. " blue magiging ok si aldred di ba sagutin mo ko please..?"
" anong ginagawa mo dito.?" gigil na saad ko.
" blue.?"
" sabing anong ginagawa mo dito eh..!" sigaw ko tumayo lang ako saka sya hinarap.
" blue I'm really sorry.." umiiyak na saad nito.. Tumulo lang yung luha ko saka gigil syang tinitigan.
" anong ginagawa mo dito.!"saad ko saka sya binigyan ng isang malakas na sampal.. Isa, dalawa.. Tatlo.. Hindi ko na mabilang kung ilang sampal yung ginawa ko.. Hindi ko na kayang pigilan yung kamay ko hanggang pumasok si mommy.. Aga lang pinigilan nito yung kamay ko s apagsampal kay irene.. Napaupo naman sa sahig si irene habang umiiyak.
" bakit ka umiiyak..? Di ba dapat masaya ka na.. Di ba dapat matuwa ka.. Ito yung gusto mo di ba ang magdusa ako ang umiyak ako.. Tumawa ka na.. Tumawa ka na kasi nagtagumpay ka.. Napakasama mo..!! Ang sama sama mo.. Irene napakasama mo.!" sigaw ko dito kasabay ng mga luha. " ireen ang sama sama mo.".
" blue I'm really sorry.. Hindi ko sinasadya."
" damn it irene..!!! Damn it.. Damn it!! Di ba sakin ka galit di ba ako naman kinamumuhian mko pero bakit si aldred.. ! Bakit sya..! Sana ako nalang.. Sana ako nalang eh.. Napakademonyo mo.!" hinawakan naman ni irene yung kamay ko habang nakaluhod sya.. Pilit ko naman tinggal yung kamay niya. Natakpan ko lang yung mukha ko dahil hindi ko na mapigilan yung pag hugulgol ko. " irene ang sama sama mo.. Sana ako nalang eh.. Irene wala syang ginawa sayo.. Irene wala.. Di ba sakin ka naman galit.. Irene sana ako nalang.."
" blue patawarin mo ko.. Blue hindi ko sinasadya to.. Blue I'm really really sorry.."
" irene.. Mahal ko si aldred.. Mahal ko sya.. Hindi ba pwedeng ako nalang yung patayin mo.. Wag lang sya.. Wag na sya."
" patawad blue patawarin mo ko.I'm really sorry."
" sorry..? Irene kapatid kita kaya pilit kong inintindi lahat lahat ng ginawa mo sakin.. Lahat irene.. Pero yung saktan mo sya ng dahil lang sa galit mo sakin. Yun ang di ko maintindihan.. Sana ko nalang eh.. Di ko alam bakit naging kapatid kita.."
" blue I know nagkamali ako.. Blue maniwal aka pinagsisihan ko na lahat.. Blue mahal kita. Blue patawarin mo ko."
" damn..! Sana mamatay ka nalang!!"
" blue.." umiiyak na saad nito. " blue I'm really really really sorry s alahat ng nagawa ko.."
" lumabas ka na.. Lumabas ka na bago kita mapatay..!! "sigaw ko.
" irene lumabas ka na.." saad ni mommy kita ko lang yung mga luhang tumulo sa mata nito.
" Blue I'm really really sorry.."
" go to hell!!!!" sigaw ko saka pilit syang tinayo at tinulak palabas ng kwarto na yun.. Pabagsak ko lang sinara yung pinto.. Napaupo lang ako saka hinayaang tumulo yung mga luha sa mata ko.. Napakahayop mo.. Napakahayop mo.. Ilang sandali akong nasa ganun pwesto.. Pilit kinakalma yung sarili.. " napakasama mo irene.. Sana ako nalang. Bakit kailangan pang si aldred. " bulong ko lang kasabay ng mga luha.
" blue.." ilang sandali akong natigilan ng marinig yun dahan dahan naman akong tumingin kay aldred kita ko na nakabukas yung mata nito habanga nakatitig sakin.
" aldred..!" saad ko agad lang akong lumapit dito. " aldred.. Aldred sandali lang tatawag ako ng doctor." umiiyak na saad ko pero pinigilan niya yung kamay ko... Mahigpit niya lang yung hinawakan. " aldred what happened..?' pinilit naman niyang ngumiti sakin.. Tumulo lang yung luha ko. " aldred tatawag ako ng doctor." saad ko saka tumalikod.. Pinunasan ko lang yung mga luhang tumutulo sa mata k.. Gising na sya.. Agad naman pumunta yung mga nurse at doctor sa kwarto ni aldred.. Dun naman dumating yung mommy niya. " tita gising napo sya." yakap dito. " tita si aldred gising na po sya.. Gising na sya.."
" talaga.?"
" yes po tita." ngiti ko kasabay ng mga luha. Agad lang kaming pumunta sa kwarto nito nakita kong tinaggal na yung tubong nasa bibig nito..
" nakita ko si irene saka yung mommy mo.. I'm sorry blue huh nasampal ko yung kapatid mo.."
" she deserve that tita. Kulang pa yun.. Gustong gusto ko po syang patayin kanina.."
" oh tama na yung sampal.. Wag ka ng gumaya sa kanya.."
" oo naman po tita.." pilit na ngiti ko. Lumapit naman samin yung doctor.
" doc how is he.?"
" doc kamusta po..?"
" nagising na nga sya pero delikado parin yung lagay niya.. So kailangan parin nating observahan pa sya.."
" ok na po sya diba.?"
" hindi pa tayo sigurado iho.. Pero just keep on praying.. He need to undergo CT scan again para sa ulo niya.."
" salamat po doc."
" tawagin niya lang kami agad kapag may nangyare ok.. Critical yung mga susunod na oras para sa kanya.."
" ok po.." lumapit naman ako kay aldred saka mahigpit na hinawakan yung kamay niya.
" blue." kita ko lang yung pagsilip ng luha sa mata nito. Aagd ko lang tong pinunasan. " blue I'm sorry.."
"ssssshh wag ka muna masyadong magsalita.." agad ko lang pinunasan yung mga luha sa mata ko.
" son magpagaling ka ok kaya mo yan.. Magiging ok ka din."
" mom." yumakap naman dito yung mommy niya saka agad humiwalay pumunta lang to sa likod ko.
" blue yung singsing..?" ngumiti lang ako saka kinuha sa bulsa ko yung box ng singsing.. Ngumiti lang sya kasabay ng mga luha.
" aldred papakasalan mo pa ko kaya kailangan bumanagon ka jan. Hindi pwedeng hindi mo tuparin yun pangako mo yun eh.." pinunasan ko lang yung mga luhang tumulo sa mata niya habang nakatingin sya sa mukha ko.. " aldred sabi mo hindi toto yung saying na "promises are made to be broken".. Kaya patunayan mong hindi totoo yun.."
" our house on the hillside.. Kung saan tayo bubuo ng pamilya.. Magkakaroon tayo ng simple pero masayang pamilya.." saad niya hindi ko naman mapigilan yung mga luha ko kasabay ng mga hikbi.. " kung saan tayo bubuo ng power ranger family. Blue pwede bang bawiin ko na yung pangakong yun..?" ngiti niya mahigpit ko naman hinawakan yung kamay niya hindi ko lang mapigilan yung pagpatak ng mga luha ko. " blue I'm not sure kung matutupad ko pa yun.. Blue.." humugot lang ako ng malalim na hininga saka mahigpit na hinawakan yung kamay niya.
" asshole..! Walang bawian ng promise.. Hindi naman pwede yun aldred.. Wala ng bawian.. Sinabi mo na yun eh.. Please naman..?" umiiyak na saad ko.
" pero blue..?"
" wala ng pero pero aldred naiintindihan mo..!! Kakayanin mo to.. Lalaban ka... Yung forever natin magiging posible yun.. Bawal ang excuse.. Bawala yun ok." kita ko lang yung pagiwas niya ng tingin saka dumaloy yung luha sa mata niya. " aldred hindi pwede.. Aldred lumaban ka naman oh.. Walang bibitaw.. Sabi mo di ba kahit kailan hindi mo ko bibitawan.. Wala naman ganyanan aldred.."
" I love you blue.."
" ayoko.. Sabihin mo yan sakin kapag ok ka na.. Hindi ako magsasabi ng I love you too hanggang hindi ka nagiging ok.. Please aldred kaya mo to.. Hindi ito yung magiging ending natin.. Hindi. Kung may mamatay man sating dalawa di ba sabi ko ako muna.. Or kung pwede sabay tayo.. Aldred hindi ko kaya yung sakit wag naman oh.?"
" blue open the box for me.." rinig na rinig ko lang yung hikbi ng mommy niya sa likod ko saka humawak sa balikat ko. Binuksan ko naman yung box. Tanging pagluha lang yung nagawa ko habang pinagmamasdan yung singsing sa loob nito.
" I Aldred Castro take alexander blue sebastian.." napatungo lang ako habang binibigkas niya yung mga salitang yun saka tahimik na lumuha.. Umiling lang ako. " as my lawful partner for sickness and in health for richer and for poorer.. Til death do us part.." ng tingnan ko sya nakangiti lang sya sakin. " blue it's your turn.." ramdam ko lang yung pisil niya sa palad ko.
" aldred ayoko.. Gusto ko sa simabahan natin gawin to..?" umiiyak na saad ko.
" blue please gusto ko tuparin tong promise ko sayo.. Kahit ito lang blue.? Kahit ito nalang." umiiyak na saad niya.
" aldred please naman.."
" blue parang awa mo na.?" naramdaman ko naman yung pisil ng mommy niya sa balikat ko.. Ng lingunin ko to tumango lang to skain. Napasinghap lang ako..saka mahigpit na hinawakan yung kamay niya.
" I Alexander blue sebastian take Aldred Castro." garalgal na saad ko.. Ramdam ko lang yung hawak ng mommy niya sa balikat ko. " As my lawful partner for sickness and in heallth." pilit ko naman pinupunasan yung bawat luha na tumutulo sa mata ko. " aldred hindi ko kaya."
" blue continue." rinig kong saad ni aldred. " please blue.?"
" for richer and for poorer till death do us part." pilit na ngiti ko.
" kasal na tayo.. Sayang isa lang yung singsing..sa kamay mo na isuot." sinuot ko naman yung singsing saka ngumiti tumabi naman sakin yung mommy ni aldred saka hinabad yung singsing na suot nito saka sinuot sa daliri ni aldred pero sa hinliliit lang to nagkasya.
" kasal na kayo." umiiyak na saad nito.
" thank you mom." napatingin lang ako sa makina sa gilid ko ng bumagal yung tunog nito napatingin lang ako kay aldred.. Mahigpit ko lang na hinawakan yung kamay niya.
" I will always love you.. Forever and always.. Forever blue.. forever." hindi ko naman mapigilan yung paghikbi ko ng marinig yung mabagal niyang pagsasalita. " blue please always remember remember, remember.. even if I'm not there.. I always love you.. Forever and always." halos hindi na tumigil yung pagtulo ng luha ko hanggang unti unting nawala yung higpit na hawak niya sa kamay ko..
" aldred wag please..?" histerikal na saad ko.
" blue I love you.."
" tita doctor po.. Please tawagin niyo po yung doctor.." umiiyak na saad ko nagmamadali namang lumabas ng kwarto yung mommy niya.. Ngumiti lang si aldred saka dahan dahan pumikit yung mata nito.. Napalingon naman ako sa makina sa gilid nito.. Tumulo lang yung luha ko ng marinig yung nakakabinging tunog nito. " Aldred please wga naman oh.. Aldred lumaban ka please.,. Aldred parang awa mo na wag muna wag muna oh please..!!" umiiyak na saad ko. Dun naman pumasok yung mga doctor.. Pilit naman akong nilayo ng mommy niya. " aldreddd" hagulgol ko lang.
" anak lumaban ka pa please.."
" aldred please wag. Wag mo ko iwan please aldred.. Wag..!" histerikal na saad ko. " wag aldred.. Wag please.. Wag naman please.."
After 2 months
Nagising lang ako sa alarm ng cellphone ko. Pinilit ko naman idilat yung mata ko saka pinatay yung cellphone.. Naginat inat lang ako.. Pag tingin ko sa cellhone ko lampas alasais na ng umaga.. Agad naman akong tumayo saka nagmamadaling pumasok sa cr para maligo.. My god baka malate ako..
Paglabas ko ng cr nagmamadali na kong nagbihis ng uniform pang pasok.. Saka nakangiting tumingin sa salamin inayos ko lang yung buhok ko sabay pacute. " ang gwapo mo talaga blue." ngiti ko.. Pagbaba ko sa dining area naabutan ko lang si mommy na naghahain.
" mom sandwich nalang ako." ngiti ko.
" pero nagluto ako blue.. Kumain ka muna.?"
" mom wag na po.. Mabubusog na po ako dito." ngiti ko habang hawak yung dalawang sandwich.."
" ok but make it four.?"
" mom ok na sakin tong dalawa."
" no hindi pwede.." simangot ni mommy saka nilagay sa bag ko yung dalawa pang sandwich.
" mom naman eh.."
" sige na malelate ka na." ngiti na ni mommmy saka humalik sa pisnge ko.
" ok bye mom."
" ingat ka." saad ni mommy nagmamadali naman akong lumabas ng bahay saka agad nagpara ng tricycle.. Malayo palang tanaw na tanaw ko na si chris habang hawak yung kamay ng girlfriend niya.. Napangiti lang ako. Agad naman akong bumaba saka nakangiting sumalubong sa kanya.
" chris.!" ngiti ko dito saka umapir. " inaantay mo ko.?"
" si erika kasi sabi antayin ka daw namin." napangiti lang ako habang nakatingin ka erika.. Napakaganda niya ang swerte talaga ni chris..
" bakit mo ko inaantay?"
" uhm sandwich.." ngiti ni erika saka inabot sakin yung sandwich na hawak niya..
" para san naman to.. Di ba dapat si chris ang bigyan mo neto dahil sya naman yung boyfriend mo.?"
" uhm syempre meron din ako..?" ngiti ni chris saka tinaas yung nasa kamay niya. " ang sweet noh.?"
" eh bakit pati ako meron.?"
" ah kasi pathank you kasi kung hindi mo sinabi kay chris na magmove on na sya hindi niya marerealize na nageexist pala ko.?" kumunot naman yung noo ko.
" huh.?"
" basta thank you.?"
" magwelcome ka nalang blue pwede..?" ngiti ni chris.. Napakamot naman ako sa ulo saka ngumiti.
" ok welcome.." ngiti ko. " pasok na tayo malelate na tayo actually."
" oo nga noh." saad ni chris. Napangiti lang ako saka nagsimulang maglakad.. Linanghap ko lang yung sariwang hangin ng umagang yun. Haixt ang sarap mabuhay.. napakasarap. Nasa kalagitnaan na kami ng klase nun ng magring yung cellphone ko..
" mr. Sebastian.?!" rinig kong saad ng teacher.. Napangiwi lang ako saka tinaas yung cellphone ko.
" mom excuse me po, I have to take this call."
" sino ba yan.?"
" sister ko po..nasa amerika po sya mahal po tong tawag na to." ngiti ko. Tumango naman yung teacher namin agad lang akong lumabas saka sinagot yung tawag. " hello irene.?"
" blue kamusta ang first day.?"
" kasalukuyan pong nasa gitna ng klase." simangot ko.
" oh.. I'm sorry.. So kamusta.?"
" so far so good.. Nag-aalala ka pa sakin matalino po kaya ang kapatid mo so don't worry." narinig ko naman yung mahina nitong pagtawa. " totoo po kaya yun bakit ka tumatawa.?"
" uhm sabi ko nga matalino ka.. Ok blue I have to go na.. Ingat ka lage huh.. I love you."
" love you too ingat ka din.. Magaral kang mabuti jan huh."
" opo kapatid ko." narinig kong saad nito natawa naman ako saka pinindot yung end botton ng cellphone ko napangiti lang ako habang nakatingin sa cellphone na hawak ko..kung may bagay man na tinuro sakin si aldred yun ay kung pano magpatawad. If you really want to be happy..forgive and forget.. Pinuno ko lang ng hangin yung dibdib ko saka nagsimulang maglakad pabalik sa room..
Magaan yung pakiramdam ko ng araw na yun hanggang maguwian.. Naglalakad na ko palabas ng makasalubong ko si chris.
" oh chris bakit ka babalik.?"
" may girlfriend na pala ko ngayon blue noh.. Nakalimutan ko.. Naiwan ko si erika sa loob.?" kamot niya sa ulo.
" aixt talaga to oh..?"
" oo na.. May nagaantay sayo sa labas."
" sakin..?"
" sayo nga bilisan mo na."
" sino.?"
" sino pa ba.. Malamang si mr wheelchair.?" ngiti ni chris saka nagmamadaling naglakad.
" baliw ka chris ah.!" sigaw ko dito lumingon lang to saka ngumiti sakin.. Nakangiti lang ako habang naglalakad palabas.. Malayo palang tanaw ko na yung lalakeng nakawheelchair sa tabi ng isang kotse.. Sinimangutan ko lang sya ng magtama yung mata namin.
" hello blue.?" ngiti nito.
" ikaw aldred ang kulit mo talaga noh.. Hindi pa nga ok yang paa mo.. Tigas talaga ng ulo mo..?"
" eehh pagbigyan mo na ko lagi na nga akong nakaupo sa pesteng wheelchair na to eh pagbabawalan mo pa kong sunduin ka."
" ewan ko sayo.."
" yung singsing mo suot mo.?" ngumiti lang ako saka tinaas yung kamay ko para makita niya yung singsing.. " good.. Tara na uwi na tayo."
" ako bubuhat sayo.?"
" please..?"
" ay ang bigat mo eh... Manong help me po.?" tawag ko sa driver ng sasakyan nila.. Sinimangutan lang ako ni aldred pagsakay namin sa sasakyan nila.
" ayaw mo ko buhatin kainis ka."
" ang bigat mo kaya." ngiti ko saka yumakap sa kanya.. "I love you aldred.." ngiti ko saka sya binigyan ng mabilis na halik sa labi.
" I love you too."
" thank you kasi hindi mo ko iniwan.. Thank you thank you..!"
" magagawa ko ba namang iwan ang blue ranger ng buhay ko.?"
" oo na.. Red ranger ng buhay ko." ngiti ko.. Mahigpit naman niyang hinawakan yung kamay ko..
Sabi nila ang love daw ay parang isang magandang bahaghari.. Kailangan mo munang maranasan ang malakas na ulan bago mo ito masilayan.. Pero tulad ng isang rainbow hindi rin to magtatagal ang importante naman daw ay ito ay nasilayan.. pero for me everything in life is temporary, because everything changes. That's why it takes great courage to love.. Knowing it might end anytime but for me.. Having the faith it will last forever.. Maniwala ka lang..
Authors note.: whooo ending na po..! Seriously umiyak talaga ko habang tinatype ko to.,. Nakakainis nga eh.. Bwiset.. Ending na kasi.. So gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumasa from start to ending.. Super thank you po.. Sa lahat ng nakaapreciate at sa hindi thank you parin kasi binigyan niyo ng time yung gawa ko..yun lang .. I love you all..mwuuuuuhhhhhhhhh -bluerose
Waaaaahhh. Ending na c blue. Mamimiss ko ng hus2 ang mga character a kwentong to. Thanks sa mala-roller coaster na buhay nila blue at red, napatawa ako, napaluha, nainis, nagalit, kinilig at kung anu pa. Thank you author. Aabangan ko ang susnod mong kwento. ^_^
ReplyDeleteThanks author :)
ReplyDelete-ylden
Nice one.. Maganda ang kinalabasan ng storya. Nagmahal, nasaktan, malungkot, nagpatawad at sa bandang huli naging masaya silang lahat..
ReplyDeleteJs
worth ang pagsubaybay ko sa love story ni Blue Ranger and Red Ranger....
ReplyDeleteThanks dear Author......
BOOK 2 NAMAN OH PLEASE.. :)
ReplyDeletesana mapararusahan ang dapat maparusahan..
ReplyDeletePinaiyak mo din ako ah, kala ko tragic na. Hopefully, everything turned out well...
ReplyDeleteKala ko dedo din c Alfred e..buti hndi
ReplyDeleteThanks author for almost 2 months ko din tong sinubaybayan :))
ok kahit paulit-ulit ang eksena ni blue at red at paulit-ulit din yung eksena ni blue at chris ok lang. sige po, ituloy nyo na yung pending nyo na nasimulan. aabangan ko yun, promise.
ReplyDeleteShet! Kinikilig ako!! I love aldred! If ever man magmamahal ako sana tulad ni aldred. .haist!! Congrats po Mr. AUTHOR! ! sana si chris nlang and yung pinsan ni alred..gawan nyo po ng story!@ hihihi thanks
ReplyDeleteASTIG NG ENDING !!!
ReplyDeletegrabe intense ng ENDING dre,
JOB WELL DONE Mr. AUTHOR...
REQUEST KO lng dre sana ASAP din yung nxt STORY mo kasi i LIKE the way you write :)
well ang ganda ng ending mr author.. hope sa susunod mong story ay ganito din.. keep it up
ReplyDeleteGreat work great ending hai ang gondo so touch na amaze naman ako kakainlove. Basta can explain the feeling pero sobrang natuwa ako sa story mo. At tama ka kahit gaano ka kagalit o kasama ng ginawa sayo hindi ka magiging masaya pag di ka magpatawad isa yun sa pinaka lesson ng buhay natin. Kudos and congratulations job well done! 😊😊😊
ReplyDeleteOkay sana 'tong story na 'to eh. Nagandahan ako sa simula kaso hindi ko rin natagalan kasi yung kahit hindi naman tanong may question mark pa din sa dulo. Ako kasi pag nagbabasa, iniimagine ko yung dialogue, so pag binabasa ko na, naguguluhan ako kasi may question mark kahit hindi naman tanong. -_-
ReplyDeleteNataps q rin sa wakas
ReplyDeleteKuya mike bkt wala s Table of Contents ung
Chatmate ko si utol
paraffle na pag-ibig
Tol...I love you
At
Kaya kung crash ng bayan
???
Diba ikaw din gumawa nun???
Dear Author,
ReplyDeleteMaraming salamat sa yong napakagandang story. Well satisfied sa ending too.
Yung susunod naman!!
Ben
niec. .ang cute ng story. . .3days ko xa pinag pagurang basahin hahahaha keep it up. . . . more stories to come. .
ReplyDeletetnz sa story. . . .more stories to come. . . na may pganda at exciting. .
ReplyDeleteweeeeh,, ganda ng story.. lahat na ng emotions naramdaman ko dto..
ReplyDeleteCHAPTER 34 nassan ka na
ReplyDeleteChPter 34 wala po
ReplyDeletenice story naka relate talgah Ko dto..12 hrs ko din to binasa...h
ReplyDeletesobrang nakakaiyal
ENZO OF KM
SANA MAY BOOK2 PA..
ReplyDeleteSANA MAY BOOK2 PA PO THEN SANA TITLE NMN AY RED
ReplyDeletejust done reading this, i still have some questions to ask ung mga nawalang characters sa story, tska what happened to them xD
ReplyDelete* ung kapatid ng ex ni blue (i forgot the name)
* what happened to chris' mom
* what happened to geo
ang ganda ng story! nice one author :)
Thank you, halos kalahati pa lang ng chapter, napapaiyak nako, nakakainis, hanggang sa nahirapan nako ng nahirapan basahin kasi humahagulgol nako kakabasa, sobrang thank you kasi ang sarap sa pakiramdam, ang sarap kasi kahit simpleng blog lang, may ganitong effect saken, ang sarap mangarap na sana ako naman, sana mameet ko rin yung aldred ko.
ReplyDeletehayyyysssss!!! just finished reading it for the second time, and it still made me cry and cry and cry even more. the best ending, as in. it's been a while since a wel-crafted story was shared to us. And for that i would like to thank the author of his wonderful story for inspiring us to overcome our fears inorder for us to be happy.
ReplyDeletehanggang sa pagtanda ko hinding hindi ko malilimutan ang story na to. as in!!! it might not be the best wel-written story (sir mike juha's stories are really superb in terms of the lines given in his stories), but it surely is the most inspiring story ever written (for me lang naman). ang gagaan ng scenes, para ka lang lumulutang sa ere tapos kikiligin ka, then tatawa, then kakabahan, then iiyak, then kikiligin uli. grabe yung emotions na dulot nito sakin!!!
i love you na Mr. Author!!! marry me hahahaha!!!!
Since anonymous yung name mo hehehe di kita ma msg sa fb or maemail.. so dito nalang ako magtathank you hhehe.. salamat sa pagtanggap ng story ko.. mwuaahhhugs
DeleteI have been contemplating for weeks kung babasahin ko itong last chapter kasi I know may mangyayri kay aldred. Nd yun nga .eron nga. Napaiyak pa.. grabe! Ang ganda. At ang crossover ng chracters ah. Haha. Nauna ko kasing basahin yung Nicko and All I see is you kaya alam kong my crossover na nagaganap sa stories mo. Si chris pal ang bf ni ericka. Haha
ReplyDeleteBilib na talaga ako sayo BlueRose. Ikaw na!!! Ang Ericka consistent ang cameo sa lahat ng story mo ha. Hehehe good job!
ReplyDeletepangalawang beses ko na tong nabasa... at hindi nakakasawa..napakaganda... nakakaiyak.. halo halong emosyon.. sana may kasunod pa.. book 2.. ang galing mo mr. author.. gusto kitang makilala.. nga pala im 17 years old.. hehe kaedaran ko sila blue and red.. how I wish na may totoong taong pwedeng makatagpo tulad nila.. hays.. salamat sa inspiration author.. :) :')
ReplyDeletePS Naiyak pa din ako.. hays :3
Jeth :)
Tank u sa author nato,,,I really like dis,kahit paulit2x ko tong basahin,hndi ako magsasawa,,,good job,,:-)
ReplyDeleteTank u sa author nato,,,I really like dis,kahit paulit2x ko tong basahin,hndi ako magsasawa,,,good job,,:-)
ReplyDeleteThank you author. From NEDZ your silent reader.
ReplyDeleteThank you author. From NEDZ your silent reader.
ReplyDelete