Author's note : salamat uli sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta sa blue.. thank you thank you talaga.. sana sa nalalapit na pagtatapos nito patuloy niyo parin abangan.. nakakalungkot kasi isang kwento nanaman ang kailangan kong gawan ng ending.. uhmmm haixt ilang buwan din akong humarap sa computer habang sinusulat yung kwento ni blue..ininis, pinaiyak., pinatawa at pinakilig ako netong story na to.. kung ako lang gusto ko parin sya ituloy kasi masyado na kong naattached sa mga characters eh.. pero super haba na kaya abuso naman...hehehe so thank you so much.. sabi nga di ba every ending's a new beginning.. abangan nalang yung ibang stories ko..thank you again and I love you all
SI BLUE
Alas onse na nun ng gabi pero hindi parin ako makatulog nakatitig lang ako sa kisame..nagiisip ng kung ano ano.. Pilit inaalala yung mga bagay na nabura sa utak ko.. Napabuntong hininga lang ako saka umupo sa kama..haixt kailan ko ba maalala lahat..Napansin ko naman yung computer..ilang sandali pa kong nakatingin lang dito saka tumayo at humarap dito.. Pagbukas ko bumungad agad sakin yung picture naming dalawa ni aldred. Nakangiti ako tapos sya nakahalik sa pisnge ko. " mahal na mahal ko nga siguro sya dati.." napangiti lang ako.. Napalingon lang ako ng marinig yung katok sa pinto.. Bumukas naman to dun ko lang nakita si mommy.
" mom why.?"
" anong ginagawa mo.?"
" wala lang mom hindi po ako makatulog eh.. Pasok po kayo." ngiti ko pumasok naman to saka umupo sa kama humarap naman ako dito. " may problema po ba mommy.?" tanong ko ng makita na nakatitig lang sya sakin.
" uhm hindi lang ako makapaniwala na nasa harap na uli kita.."
" I'm here na mom.. At hindi na po ako mawawala.."
" talaga anak..? Sana nga.. Napakalungkot ng bahay nung wala ka.." ngumiti lang ako.. Nakita lang na nangilid yung luha sa mta nito.
" oh mom i"m here na wag na po kayo umiyak.."
" ang cute niyo jan ni aldred sa picture na yan." turo ni mommy sa screen ng computer.. Napangiti lang ako.
" parang ang saya po namin jan noh.? Jan palang sa picture na yan kitang kita na yung love sakin ni aldred.. Yung ngiti ko jan.. Kitang kita yung saya sa mukha ko." saad ko lang habang nakatingin sa sceen.
" anak alam mo nung wala ka.. Laging nandito si aldred..hindi sya umalis sa tabi ko.. sya yung nagpapangiti sakin kapag malungkot ako.. Kapag umiiyak ako.. Kahit nahihirapan din sya hindi niya pinakita sakin na dapat ng sumuko..Napakabait na bata nun... Nung minsan gusto ko na sumuko sa paghahanap sayo.. Sya nagsabi sakin na kumapit pa.. Umasa pa.. Hindi sya sumuko para mahanap ka.. At ngayong nandito ka na.. Hindi parin sya sumusuko na babalik yung dating ikaw.. Ikaw na mahal na mahal sya.."
" mahal na mahal po ako ni aldred noh.?"
" sobra anak.. Sobra.. Mas mahal ka niya kesa sa sarili niya.. Gagawin niya lahat for you.. Lahat lahat.. At masaya ako kasi sya yung minahal mo.. Kasi yung pagmamahal niyo walang katulad.. totoo.."
" mom I know may nararamdaman ako sa kanya.. Pero po si chris.. Nasa puso ko po sya.. Gusto ko na po maalala lahat.. Para po hindi ko na masaktan si aldred.. Gusto ko maalala na sya lang talaga yung mahal ko.."
" si chris ba anak mahal mo talaga sya.?"
" opo mom... Mahal ko po sya.. I know mali po pero po ayun yung nararamdaman ko.. Gusto ko na bumalik yung memories ko para tong nararamdaman ko kay chris mawala na din.. Ayoko saktan si aldred."
" blue naiintindihan kita.. Pero sana anak maging sensitive ka sa nararamdaman ni aldred.. Masakit sa kanya na marinig na si chris yung mahal mo.. Ang tagal niyang naghintay.. Ang tagal niyang umiyak.. Ang tagal niyang naghanap para makita ka lang.. Umaasa na pag nagkita kayo.. Walang nagbago.. Mahal ko na si aldred.. Para ko na rin syang anak at masakit na makita syang umiiyak.. Kala ko pag nakita ka na.. Makikita ko na rin yung saya sa mukha ni aldred.. Pero hindi parin pala.. Yung lungkot sa mga mata niya.. Kitang kita ko yun.."
" umiyak sya mom.?"
" kanina pag kagaling dito sa room mo.. Umiyak sya."
" bakit po.?"
" kasi sabi niya parang nakuha na ni chris yung puso mo.. Parang hindi na ikaw yung blue na mahal sya.."
" nasabi ko po pala kanina sa kanya na mahal ko si chris.. I'm sorry mom."
" alam mo nung tumawag si geo sa kanya na nakita ka niya sa mall.. Walang katumbas yung saya na nakita ko sa mukha ni aldred nun.. Yung ningning sa mata niya muling bumalik.. Ako nga yung nanay pero mas oa pa sya sakin.. Sabik na sabik na kasi sya sayo nun."
" yeah nakita ko po pala si geo sa mall nun.. Pinigilan pa nga niya ko eh.."
" anak alam ko may amnesia ka pa.. Pero sana naman isipin mo din yung nararamdaman niya.. Na nasasaktan sya.. Hindi mo man maalala na sya yung mahal mo.. Magiging sensitive ka.. Kung pwede wag mo nalang banggitin si chris pag naguusap kayo.. Kasi lalo syang masasaktan."
" mom lahat naman po ng pwede kong ikwento nung nawala ako,.. Kasama si chris.. Lahat ng bagay na naging memorable sakin nung panahon na wala ako dito.. Si chris yung katabi ko.."
" I know pero hanggang maari wag mo ng baggitin yung pangalan niya... Kasi si aldred.. Nasasaktan sya.. At nasasaktan ako para sa kanya."
" sige po mommy.. Susubukan ko.. Sobrang close na kayo ni aldred mom noh.?"
" anak na rin ang turing ko sa kanya.. Pamilya na din.. Kaya ayokong nasasaktan sya."
" mom pano niya ko nagustuhan.. Ang gwapo gwapo niya.. Pag tinitingnan ko sya hindi ako makapaniwala na mahal na mahal niya ko.. Parang ang imposible.."
" bestfriend kasi kayo dati bago naging kayo.. Ang alam ko sya talaga yung unang nagkagusto sayo.. Nakwento niya sakin na natulala daw sya nung una ka niyang nakita.."
" talaga po.. Mom alam mo ba gusto ko sya yakapin.. O halikan.. Ewan ko pero yun yung gusto ng katawan ko.."
" kasi nga sya naman talag yung nasa puso mo kaya ganyan yung nararamdaman mo."
" ang dami ng patunay na sya talaga yung mahal ko pero naguguluhan parin ako.."
" don't worry son.. In time maalala mo rin lahat."
" sana nga mom."
" alam mo ba anak kung bakit hindi ka makatulog,?"
" bakit po.?"
" kasi before lagi kayong nakatambay ni aldred sa labas ng bahay natin.. Nagkukwentuhan lang kayo minsan nga halos abutin na kayo ng umaga kasi ayaw niyo maghiwalay.. Pinapagalitan nga kita nun eh kasi nagrereklamo ka lage na inaantok ka sa school niyo."
" talaga po mom.?"
" oo.. Nasa labas nga sya ngayon eh.."
" huh sa labas po.?"
" yeah.. Sige na anak.. Inaantay ka niya.."
" late na po ah.. Sigurado po kayo.?"
" hay naku anak.. Ikaw kaya nagpauso ng pagtambay sa labas ng gate habang ginagawa yung nakakangalay na pagtingala sa mga stars.. Dati ikaw lang kilala kong ganun ngayon pati si aldred na..nung wala ka lage syang nandun.. Labas ka na."
" magisa lang po sya lage.?"
" isang beses sinabihan ko si irene na samahan sya.. Ayun umalis iniwan si kapatid mo.. Di talaga sila close anak eh."
" ganun po? Mabait naman po si irene ah.?"
" ewan ko kay aldred.. Sabi nga niya sakin praning daw yung kapatid mo.. Pero parang ok naman.?"
" baka po hindi talaga gusto ni aldred si irene..?"
" baka nga.. Labas ka na.. Kawawa naman si aldred.. Baka nilalamok na yun dun.. Labas ka na."
" sige po.." pilit na ngiti ko saka tumango. Tumayo naman si mommy saka lumabas ng kwarto.. Ilang sandali akong nakatulala lang.. Kaya pala hirap na hirap ako matulog before.. Sabi ni chris baka epekto lang ng aksidente.. Tumayo lang ako saka pumunta sa cabinet at nagsuot ng jacket.. Hindi ko napansin ng dalhin ako ng paa ko sa kusina saka kumuha ng juice.. Napakamot lang ako sa ulo. Paglabas ko ng bahay nakita ko agad si aldred na nakaupo habang nakatungo napalingon lang sya ng buksan ko yung gate. "hi." ngiti ko. " juice.." abot ko sa kanya ng zesto napangiti naman sya saka kinuha sa kamay ko yung juice.
" finally may uubos na netong juice na to sa bahay niyo.."
" huh.?"
" uhm favorite mo to eh.. Si tita tuwing maggogrocery hindi niya kinakalimutan bumili niyan.. Sakin niya pinapaubos eh.. Sayang daw kasi.."
" zesto.? Ang isip bata ko noh.?" ngiti ko lang.
" bakit nakajacket ka. Ang init init eh.?"
" uhm kasi.?" tiningnan ko lang yung suot ko. " kasi sabi ni chris kapag lalabas daw ng gabi kailangan nakajacket baka daw kasi magkasakit ako eh.?"
" ganun ba.?" tumungo lang sya.
" aixt sorry huh nabanggit ko nanaman sya.. Napakainsensitive ko talaga.. Sorry huh.?"
" ok lang noh ka ba.. Naiintindihan ko naman eh.."
" sorry aldred.."
" ok lang nga. Ikaw pa malakas ka sakin.. Saka hindi naman kita pinagbabawalan na wag bangitin si chris eh.. Alam ko naman na kahit anong gawin ko part na sya ng buhay mo.. Magagalit siguro ako kung pinaiyak ka niya habang kasama mo sya.. Pero mukhang masaya ka naman sa mga kwento mo eh.. Ok na ko dun."
" aldred sorry kung nasasaktan kita huh."
" blue naiintindihan ko naman eh.. Kahit mahirap.. iintindihin ko kasi mahal kita.. Mahal na mahal..kahit ano payan pipilitin kong intindihin ka."
" sana maalala ko na lahat noh.. Magpabangga kaya uli ako.?" pilit na ngiti ko natawa naman sya sa sinabi ko.. Napagmasdan ko lang yung mukha niya.. Yung labi niya.. Sya ba talaga yung mahal ko.?
" maalala mo rin lahat.. At nandito lang ako para antayin na mangyare yun.."
" ang understanding mo noh.. Sobra.. Kaya siguro minahal kita.. Ang bait bait mo.." ngumiti lang sya saka tinaas yung kamay niya saka lumadlad yung isang kwintas. Na may pendant na BR. " ang ganda naman niyan.?" ngumiti lang sya saka nilabas yung suot niyang parehas na kwintas..
" sayo to eh.."
" akin.?" tumango naman sya saka pumunta sa likod ko at sinuot yung kwintas.
" wag mo na hubarin yan huh.. Para kahit paulit ulit mabura memories mo magkadikit parin tayo."
" ano ibig sabihin ng BR.?"
" blue and red.. Power rangers ninja storms...!" ngiti niya natawa naman ako.. " red yung una mong pagkakakilala sakin.. Red ranger nga tawag mo sakin dati tapos ikaw si blue ranger ng buhay ko. .. Uhm ikaw pala unang nagpakilala sakin nun natawa nga ako sa name mo nun kasi blue.. At may sarili ka pang definition ng name mo."
" ano naman.?"
" sad and depressed.. Emo ka kaya dati. Buti nalang may red ranger na dumating sa buhay mo."
" talaga..?"
" huwag mo na hubarin yan huh.."
" pano kung mawala to.. Parang ang mahal neto eh."
" ingatan mo kasi yan yung magiging simbolo na magkadikit na tayo forever,, na si blue ay para kay red lang at si red ay para kay blue lang.." ngiti niya.. Para namang nagecho yung mga salitang yun sa utak si red ay para kay blue lang.. Natigilan lang ako. " ok ka lang blue.?"
" uhm aldred..."
" why..?"
" sumasakit ulo ko.?"
" huh gusto mo pumasok na..?" umiling naman ako sa kanya.. " pasok ka na kaya baka mapano ka pa eh..?"
" ok lang ako.. Aldred kuha ka ng kahoy.?"
" bakit.?"
" paluin mo nga ulo ko..?'
" huh bakit naman.. Blue para kang sira,..?"
" uhm baka kasi pag pinalo mo maalala ko na lahat eh.. Nung sinabi mo yung sinabi mo kanina parang may naalala ko kaso hindi nagtuloy tuloy.. Puluin mo ko please.?"
" ano naman yung naalala mo.?"
" naalala ko nung sinabi mo sakin yung mga salitang yun.. Na si blue ay para kay red at si red ay para kay blue lang.. I was standing in a front of you.. Nakangiti ka lang sakin.. Napangiti naman sya sa sinabi ko.
" birthday gift ko sayo yung kwintas at binigay ko yun habang naglalakad tayo.. Sinabi ko sayo yun.."
" aldred ipaalala mo naman sakin lahat.. Tingin ko since nandito na ko sa lugar natin unti unti ko ng maalala yung mga memories na nabura sa utak ko.."
" sana blue.."nagsimula naman syang magsalita pinagmasdan ko lang yung mukha ni aldred habang nagkukuwento ng mga nangyare dati... Napangiti lang ako..mahal ko nga sya.. Sya nga ang mahal ko.
" hey makinig ka naman.?"
" nakikinig ako.."
" alam mo ba blue na ikaw nagturo sakin magmotor.. Galing mo nga magturo nun... Pinagtyagaan mo ko.."
" ako nagturo sayo..?"
" oo ang galing mo nga eh..pinagtatawanan mo pa ko nun kasi hindi ko mabalance yung motor.." natigilan lang sya sa pagsasalita ng mapansin na nakatitig ako sa kanya.. Umiwas naman ako ng tingin..
" uhm ano pa.. Kwento ka pa..?"
" blue sana maalala mo na lahat.. Para pwede na ulit kitang halikan o yakapin..?"
" uhm eh di ba nahalikan mo na ko kanina..?"
" uhm naiilang kasi ako eh.. Hindi naman kasi ako yung alam mong mahal mo eh.. Parang hindi pa ok na halikan kita.."
" uhm sorry aldred pinipilit ko naman alalahanin lahat eh.. Sorry kung hindi ko pa masagot yung mga halik mo."
" ok lang yun.. Ang importante nasa tabi kita ngayon.. Kasama na kita.."
" salamat huh.."
" nung birthday mo.. Kinanta ko yung angel of mine.."
" di ba yun yung request mong song sakin kanina.. Uhm memorable pala yung song na yun.. Pasensya na huh di ko kasi naalala eh." saad ko ngumiti lang sya sakin saka tumingala sa langit.
When I first saw you I already knew
There was something inside of you.
Something I thought that i would never find.
Angel of mine.
" aldred.?" bulong ko ng bigkasin niya yung lyrics ng kanta.. Pinagmasdan ko lang yung mukha niya habang nakatingala sa langit.. Hanggang makita ko yung pagtulo ng luha sa mata niya saka tumitig sakin.
I look at you looking at me.
Now i know they say the best things are free
Blue i love you..boy you are so fine..
Angel of mine.
" one and only angel of mine.." ngiti niya.. Ilang sandali akong natigilan pagkatapos niya bigkasin yung kanta.. Tinitigan ko lang yung mukha niya.
" nasa hagdan ka nun habang nakaputing suit may hawak kang mike habang kinakanta sakin yung kantang yan..parang tumigil yung mundo ko nun habang nakatingin ako sa mmukha mo na may ngiti sa labi.. Lumapit ka sakin tapos hinawakan mo yung pisnge.." wala sa sariling saad ko.. Napangiti lang sya kasabay ng mga luha.. " yung mga mata mong nakatitig sakin.. Yung ngiti mong ang sarap pag masdan yung pagyakap mo sakin na sobrang higpit.. That night is one of happiest moment in my life."
" blue naalala mo na lahat..?"
" uhm hindi pa lahat.. Naalala ko lang yun gabing yun.. When you gave me this necklace.." ngiti ko habang hawak ko yung kwintas.. " yung pinatalon mo ko nung twelve midnight na kasi sabi mo birthday ko na.. Pinagmukha mo kong tanga nun.?" ngiti ko. Natawa naman sya. " aldred.. Sabi ng doctor babalik yung memories ko basta kasama ko yung mga taong mahalaga sakin.. Nasa lugar ako kung saan marami akong aalala.. Tingin ko ikaw nga yung kailangan ko para tuluyan ko ng maalala lahat.. Make me remember everything aldred.. Lahat lahat.. Ipaalala mo sakin na si blue ay para kay red at si red ay para kay blue lang.." natawa lang sya sa sinabi ko. " eh bakit ka tumatawa..?"
" ang power ranger loveteam na tatalo sa pwersa ng kasamaan." natatawa niyang saad..
" ang baliw mo.."
" tapos magkakaanak tayo.. Sila green' yellow at black.. Power ranger family.."
" ang sagwa pa nga aldred." tawa ko lang.
" blue I love you.. I love you not just because you love me.. I love you because i love you.." ngiti niya
" ialam ko aldred na mahalkita at nararamdaman ko yun.." kita ko naman na may tumulong luha sa mata niya pagbanggit ko sa mga salitang yun.. Napangiti lang ako saka pinunasan yung luha sa mukha niya.
" i love you I love you more..i love you today, I love you tomorrow i love you the day after tomorrow and i will love you forever.. And even after that. Blue you will always be here in my heart.. Forever and always.. Kahit anong mangyare.. Hindi magbabago yung nararamdaman ko sayo."
" thank you aldred.. For loving me.."
Lumipas pa ang isang linggo unti unti na rin bumalik yung alaala ko.. Unti unti na rin akong nalilinawan.. Pero hindi ko parin matatangi yung nararamdaman ko kay chris.. Nandun parin.. Namimiss ko parin sya..Pagkatapos ng graduation nila aldred nagpaalam si irene na pupunta sya ng states para dun magaral ng college.. Kahit ayaw ni mommy hindi parin nagpapigil si irene..
" irene kailangan ba umalis ka.?" tanong ko lang dito.. Nasa kwarto kami ng mga oras na yun.. Ngumiti lang sya sakin saka tumitig sa mukha ko.
" oo blue eh.. After college babalik ako.. Si mommy kasi gusto dun ako mag-aral sa states.."
" hindi ka na ba talaga magpapapigil.. Kahit sakin.?"
" blue.. Hindi na.. Gusto ko rin to.. Saka ok ka nanaman.. Unti unti ng bumabalik yung mga alaala mo."
" mamimiss kita irene.."
" mamimiss din kita my handsome brother.. Humanda ka sa pagbabalik ko.." ngiti niya.
" aantayin ko yung pagbabalik mo.."
" dapat lang.. Alagaan mo si aldred huh.. Wag mo na yun paiyakin.. Kailangan pagbalik ko. Ok pa rin kayo..at si chris.. Kalimutan mo na sya.. Kasi yung mga taong katulad niya dapat binabaon sa lupa.."
" irene naman eh."
" blue si aldred sa kanya ka magpokus ok.. Sa kanya lang sa oras na may mangyare sa kanya.. Ibabaon din kita kasama ni chris.."
" gannun..?"
" blue babalik ako ok.. At sa pagbabalik kong yun..sinisigurado kong magiging masaya na ko.."
" bakit hindi ka ba masaya ngayon.?"
" masaya.. Pero sa pagbabalik ko.. Mas sasaya na ko.." ngiti niya saka yumakap sakin. " mag-ingat ka blue.. At paghandaan mo yung pagbabalik ko.."
" oo naman.."
Pagkalipas pa ng isang linggo ay lumipad na papuntang states si irene matagal na palang nakaprocess yung papers niya..alam ko malungkot si mommy pero buti nalang nandun si aldred para pangitiin sya.. Si aldred na mahal ko..
" blue..!' bungad sakin ni aldred pag pasok niya ng kwarto.. Nakahiga pa ko ng mga oras na yun pagtingin ko sa orasan alas siyete palang ng umaga.
" ang aga mo naman..?"
" uhm kasi gusto kita makita eh.?"
" magkasama lang tayo kagabi ah."
"basta gusto kita makita at saka tinawagan ako ng mommy mo kagabi eh.. Nakwento mo daw sa kanya na marami ka ng naalala about satin.. Bakit hindi mo sinabi sakin eh magkakwentuhan naman tayo kagabi. .?"
" eh hindi pa naman lahat kasi eh.. May naalala lang ako pag nagkukwento ka sakin." tumabi naman sya sa higaan ko saka yumakap. " hindi pa ko naliligo..?"
" ok lang.. Naalala mo ba na ako talaga yung mahal mo.? Sabi ng mommy mo yun daw yung sinabi mo sa kanya." ngiti niya sakin.
" uhm mejo.. Pero mahal ko parin si chris..?" nawala naman yung ngiti niya sa mukha. " mahal ko parin sya pero syempre nararamdaman ko na mas mahal kita..?"
" pero mahal mo parin sya.?"
" uhm oo.. Kasi matagal din kami nagkasama.. Maybe mahal ko nalang sya kasi naging mabait sya sakin.. Mahal ko nalang sya as chris na naging kaibigan ko.."
" pero yung love as in love yung nasa puso mo. Ako na ba uli.?" ngumiti lang ako saka tumango. " talaga pano mo naalala.?"
" kasi pagkapasok ko kagabi dito sa kwarto naghalungkat ako ng gamit.." kinuha ko lang yung rosary sa ilalim ng unan ko. " naalala ko nung binigay mo sakin to." inagaw naman niya sakin yung rosary saka hinalikan.
" sabi ko na nung binili ko to alam ko swerte to eh." ngiti niya sakin.
" kinatok ko si mommy at daddy kagabi kasi may naalala ako.. Mommy talaga tinawagan ka agad.."
" mahal na mahal ako ng mommy mo eh.. Blue pwede kita ikiss.. Naalala mo nanaman di ba.?"
" huh hindi pa ko nagtotoothbrush eh..?"
" ok lang sakin please..?"
" aldred ayoko.." ngumiti lang sya saka hinawakan yung kamay ko at tinaas.. " aldred hindi pa ko nagtotoothbrush.." saad ko lang saka tinikom yung bibig ko.
" blue kahit mabaho pa yung hininga mo.. Kahit bumaho pa yan ng sobra pag matanda ka na ok lang sakin.. Ikikiss parin kita.."
" ehhh." saad ko nagulat lang ako ng bigla niya kong halikan.. Masuyo yung halik na yun ramdam ko lang na binubuka niya yung bibig ko..nagparaya nalang ako.. Ngumiti lang sya nung maghiwalay yung labi namin.
" blue i really miss you.. Finally ikaw na talaga yan.. Ikaw na talaga yung kasama ko..?"
" what do you mean.?"
" kasi nung dumating ka parang hindi na ikaw si blue eh.. Ngayon ikaw na talaga yan."
" ganun.. Eh hindi ko pa naman naalala lahat eh.?"
" konti nalang yan maalala mo na lahat. Kaya i"m happy.."
" ok lang ba aldred kung ikiss kita kahit hindi pa ko nagtotoothbrush..?"
" uhm nalasahan ko yung bibig mo.. Mejo ano kasi eh.." ngiti niya.
" aldred naman eh.?"
" joke lang.." ngiti niya saka ako hinalikan sa labi sinagot ko naman yung halik niya hanggang maramdaman ko yung kamay niya na gumagapang sa katawan ko..
" uhm aldred.." tulak ko sa kanya.
" ayaw mo.?"
" uhm nilock mo yung pinto.?" ngiwi ko sa kanya natawa naman sya sinabi ko saka tumayo.. Ilolock niya na yung pinto ng may kumatok.. Napakamot naman sya ng ulo saka binuksan yung pinto.. Nakita ko naman si daddy.
" breakfast na.. Nakahanda na yung mesa..?"
" tito hindi pa naliligo si blue ayaw pa tumayo.?"
" blue tayo na pupunta tayo ng doctor ngayon di ba.. Bangon na.?"
" uhm ok po dad maliligo na po ako.." saad ko lang.
" ikaw aldred baba ka na.. Baka nagugutom ka na.?"
" uhm tito sabay na po kami ni blue bababa.."
" kaw bahala .. Blue bilisan mo na.." saad ni daddy saka tumalikod.. Sinara naman ni aldred yung pinto.. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumayo.
" pati daddy mo istorbo na rin ngayon... Tuloy na natin.?"
" maliligo na ko.."
" ganun.. Sige na blue sandali lang..?"
" tara samahan mo ko maligo.." ngiti ko sa kanya..kita ko naman yunng nakakaloko niyang ngiti saka naghubad ng damit.. Lumapit lang ako sa kanya saka sya mapusok na hinalikan..hanggang makarating kami sa cr..
" blue wait.."
" why..?"
" eh baka ano isipin nila pag bumaba ako na basa ang buhok...?"
" edi labas ka na.. Wag ka na maligo..?" simangot ko.. Lumabas naman ng cr si aldred saka hinala yung kamay ko papunta sa kama.
" dito nalang tayo..?"
" uhm nilock mo na ba yung pinto.?"
" naman.. Blue miss na miss talaga kita."
SI CHRIS
Tanaw na tanaw ko lang si blue habang nasa labas ng gate aktong lalapit ako ng lumabas din si aldred.. Humalik lang to sa pisnge ni blue.. Mukha naalala niya na lahat.. Kita ko lang yung ngiti niya sa labi.. Magkahawak kamay pa silang pumasok sa sasakyan.. Pinagmasdan ko lang yung kotse habang papalayo..
" blue babantayan kita.. Hinding hindi ako lalayo.. Lagi lang akong nasa paligid mo at hindi ko hahayaan si irene sa kahit na anong plano niya sayo.... Blue I love you..and I will always be." saad ko lang.
SI IRENE
" hello alex.." saad ko lang habang nasa kwarto ako..
" irene.. Kamusta malamig ba jan.. Yung boses mo tunog states na huh.." narinig ko naman yung mahina niyang pagtawa.
" alex yung plano.. Alam mo nanaman gagawin mo di ba..?"
" areglado..wag kang magalala..ako ng bahala.. Wala bang I love you jan.?". Napailing lang ako ng marinig yung sinabi niya.
" just make sure na hindi masasaktan si aldred.. Dahil kung hindi papatayin kita.."
" yung boyfriend niyang kinababaliwan mo.. Eh kung yun kaya ang unahin ko."
" subukan mo lang.. Sinusugurado kong makukulong ka.. At syempre hindi mo na ko makakasama ulit.. Hinding hindi na.."
" wag mo ko takutin.. Hindi ako natatakot sayo.."
" alex.. Bibigay ko sayo lahat.. Basta gawin mo yung gusto ko.. Gusto mo ko di ba.. I'm all yours. Pero sakin si aldred.."
" so magiging dalawa kami sa buhay mo..?"
" oo.. Di ba sabi mo ok lang naman sayo..? Yung plano wag mo kalimutan.. Pagaralan mong mabuti.. May gagawin pa ko.. Ingat nalang babe.."
" ok sabi mo eh.. Areglado.." maikling saad nito pinindot ko naman yung end botton ng cellphone ko.. Blue hindi pa ko tapos sayo.. Humanda ka...
ahhhhh nakakabitin author inantay ko pa nmn to hiuhuhuhuhu galing mo po pero plss sa sususnod wag mo bitinin hehehehe salamt ha galing po mo
ReplyDeleteNice one. Hays sana di mapahamak si blue
ReplyDeleteok nman, nabalik na ung alaala ni blue, kaso masiadong paulit ulit nalang, gaganti si irene, tapos makakligtas si blue, tapos gaganti nnman si irene. sana matapos na ung kay irene.!!!! hahaha
ReplyDeleteHaist. Sabi na di pa din papatalo c irene. Malalabanan yan ng power rangers. Hehehehehe. Buti nmn sumaya na c aldred. Sana hanggang ending na masaya c aldred. At sana makalimutan na totally ni blue yung feelings nia kay chris. ^_^
ReplyDeletePunyeta talaga tong si irene eh , sarap ipalapasa leon
ReplyDelete-miikee silva