Hi, guys! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa akda kong ito! And I hope you all enjoyed Christmas. :)
BTW, Uhm... Medyo rated PG itong chapter na ito. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa akin noong gabi ng Pasko (the time I was writing this chapter) at naging ganito ang takbo ng mga pangyayari. I always tell myself to keep my stories wholesome, pero ewan ko ba talaga kung ano ang mayroon sa akin that night.
Comment na lang kayo on what you think, please. First time kong magsulat ng ganitong klaseng mga scenes. Please tell me if gusto niyo pa ng ganitong klaseng mga tagpo or dapat tumigil na ako hahaha.
Happy Holidays and Happy Reading! :)
--
Chapter 15
“So ginawa niyo na ba?” aligagang
tanong sa akin ni Trisha the following Saturday. Nagdesisyon akong puntahan
siya sa bahay niya dahil may hihiramin din akong notes mula sa kanya. “Ang
alin?” oblivious kong tanong habang isa-isang inii-scan ang pages ng notebook
niya sa scanner nila. “That!” pagpipilit niya. Itinigil ko muna ang ginagawa ko
at hinarap siya. Binigyan ko siya ng isang nagtatanong na tingin. Nang madatnan
ko ang mukha niya ay nakita kong naghihintay ito ng sagot at tila excited na
excited ito.
“Ang alin ba?” naguguluhan ko pa
ring tanong sa kanya. Wala naman kasi kaming particular na pinag-uusapan kaya
hindi ko talaga maintindihan ang gustong iparating ng tanong niya. Ako’y
tahimik lamang na gumagawa sa computer niya habang siya naman ay tahimik na
naglalagay ng nail polish sa paa niya. “Iyon! That! Sex?!” sigaw niya na siyang
ikinalaki ng mata ko. Wala akong maisagot sa kanya, dahil hindi ko alam kung
saan niya biglang hinugot ang tanong niyang iyon.
“Don’t play innocent with me,
Gab. Alam kong hindi ka na virgin, noh! And ano naman gagawin niyo ni Justin sa
kwarto niya? Magtititigan na lang? Mag-on kaya kayo tangina.” depensa niya. Ako
naman ay nakaramdam ng pamumula sa mga pisngi ko. “B-bakit? Dapat ba kapag matutulog
ang dalawang tao sa isang kwarto magse-sex agad sila? At ss-aka virgin pa ako!”
balik ko sa kanya na siyang ikinatawa niya. “Oh my God, Gab! Huwag ka ng
magmalinis. Hindi ka na virgin noh. When you kissed me in my car that one—“
“STOP! Ayoko ng maalala ‘yan, please.” pagpigil ko sa kanya. Kinilabutan ako sa
mga pinagsasabi niya. “’Yung paghalik mo, hindi halik ng virgin ‘yon!”
pagtatapos niya.
“Okay, I’m going out!” pahayag ko
sabay tayo. Ayoko na ang nagiging takbo ng usapan namin ni Trisha. Hindi naman
ako ilang sa mga ganitong topic, pero kapag si Trisha kasi ang kaharap ko ay
hindi ko maiwasang maging awkward. Unang-una, napaka-prangka at maingay kasi
nito, kaya siguradong kahit anong sabihin ko ay magiging OA ang reaksyon nito.
Ikalawa, parang kapatid ko na kasi siya at nakakailang talagang magkwento ng
mga ganitong uri ng bagay sa isang tao kung kapatid ang tingin mo dito.
“Hey! Joke lang ‘yon. Hindi ko na
ulit ipapaalala.” pilya niyang tawa bago ako hilahin pabalik. Tinulak niya ako
sa kama niya na siyang dahilan kung bakit ako napaupo doon. “Gabby, magkwento
ka na noh. Kung gusto mo pati details ng sex life ko kkwento ko rin basta
magkwento ka lang, please.” pagmamakaawa niya. “Ano bang nakain mo ngayon,
Trish? Bakit ganyan ka?” asar na tanong ko sa kanya. “Nako naman kasi. Sa
tinagal-tagal nating naging friends, ngayon ka lang nagka-love life noh! At isa
pa, interested ako kasi ang hot hot ni Justin.” paliwanag niya.
“Ano ba nangyari noong sleepover
mo? Gifted ba siya?” pagpilit niya, at wala na nga akong magawa kundi
magkwento... kahit pa sobrang nakakahiya ang nangyari, dahil kahit naman anong
gawin ko ay alam kong hindi siya titigil kaka-kulit sa akin.
--
Flashback.
“Pwede bang dito matulog si Gab ngayong gabi?” tanong ni Justin sa
daddy niya na siyang ikinagulat ko. “Huh?” baling ko sa kanya, dahil wala naman
akong alam na may plano pala siyang ganito. Ewan ko ba kung bigla lamang niya
iyon naisip, o matagal na niyang pinlano ito. Panandalian natahimik ang
hapagkainan, kaya naman naisip kong sumabat na sa usapan. “Tito, okay lang po
kung busy kayo...” pagsisimula ko ngunit sumagot agad ang daddy niya.
“Nonsense, hijo. You’re always welcome here. Matalik naming kaibigan sila
Ronald at Audrey kaya naman hindi ka na iba sa amin.” magiliw na pahayag niya,
ngunit nang bumaling siya sa anak niya ay nawala ang ngiti nito. “Justin,
sabihan mo na lang si manang na i-set ang guest room.” cold na utos niya sa
anak. “No need, pa. Sa kwarto ko na lang matutulog si Gab.” malamig din na
sagot ni Justin.
Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng mag-ama, kaya naman sa
ikalawang pagkakataon ay sinubukan kong isalba ang sitwasyon nang maging
matiwasay naman ang hapunan namin.
“Tita, ang sarap po nito. Kayo po bang nagluto?” pahayag ko bago
sumubong muli ng isang kutsara ng kanin at ulam. Napangiti naman si tita at
sumagot. “Oo, pero tinulungan ako ni Manang. Mabuti naman at nagustuhan mo.
Minsan na nga lang ako nakakapagluto, eh. I’m glad you actually got to try it.”
magiliw niyang sagot. Napansin kong nagpatuloy lamang sa pagkain ang mag-ama na
parang walang nangyari. “Minsan po turuan niyo naman ako. I cook when I have
the time.” pagsisinungaling ko. Sa sinumang nakakakilala sa akin ay alam nilang
isang malaking kasinungalingan ito, dahil kahit nga magprito ng itlog ay hindi
ko magawa ng tama.
Natuwa naman si tita sa narinig niya sa akin at nagsimula ng magkwento
ng kung anu-ano tungkol sa mga putaheng niluluto niya tuwing special occasions.
Umarte na lamang ako na naiintindihan ko ang mga pinagsasasabi niya kahit sa
loob-loob ko ay alam kong nagsasayang lamang ng oras si tita sa pagpapaliwanag
sa akin. Habang nakikipag-usap sa kanya ay sinusulyap-sulyapan ko si Justin at
nakita kong mataman akong tinitingnan nito. Ganoon na ang naging takbo ng
hapunan hanggang sa matapos kaming lahat kumain.
--
Lumipas ang ilang oras at nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo
sa harap ng kama ni Justin. Si Justin naman ay kasalukuyang nakahiga na sa
kabilang gilid ng kama. Malaki ang kama niya, ngunit hindi ko alam kung
tatabihan ko ba siya o matutulog na lamang sa sahig. Nagkatinginan kaming
dalawa bago niya basagin ang katahimikang kanina pa naghahari sa pagitan naming
dalawa.
Tinapik niya ang bakanteng side ng kama. “Gab, tulog na tayo.” pahayag
niya. “Wala ka bang comforter o foam? Pwede naman ako sa lapag. Baka kasi hindi
ka sanay na may katabi sa pagtulog.” request ko. Agad naman siyang umiling.
“Tsk. Bakit? Ayaw mo ba akong makatabi? Ouch.” pagbibiro niya na miya mo ay
nasaktan talaga siya dahil napahawak pa siya sa dibdib niya na siyang
ikinahagikgik ko. “Baliw.” saad ko bago ko siya tuluyang tabihan.
Nang makapwesto na ako ay sumunod namang pinindot ni Justin ang switch
ng ilaw na malapit sa kama niya. Tanging ang lampshade na nakapatong sa side
table ang nagbibigay liwanag sa kwarto.
Tahimik.
“Hindi ko alam na marunong ka palang magluto.” pahayag ni Justin, na
siyang bumasag sa katahimikan. Natawa ako ng lihim dahil sa narinig ko.
“Hindi... actually, I suck at it. Hindi ko lang talaga matagalan ‘yung tension
kanina. Napansin ko kasi, eh. So I tried to make small talk with your mom.”
tugon ko. Sandali siyang natahimik bago sumagot. “Wow... that’s really sweet of
you, Gab.” sabi niya sa akin. “Uh, sure... Ayoko kasing ganoon, eh... I care
about you.” hindi ko alam kung saan ko ba nahugot ‘yung huli kong sinabi, pero
lumabas na lang iyon sa bibig ko. “Wow... thanks. Ako rin naman, eh.” sagot
niya.
“So you’ve seen how perfect my family is.” mapait niyang saad. “Maybe
you just have to open up to them; speak up your mind. Hindi ko alam, pero baka
magandang makipagcommunicate ka sa kanila para malaman naman nila ‘yung side
mo.” suhestyon ko. “Siguro nga, pero I never had the chance. Hindi ko pa
ginagawa ang isang bagay, hinuhusgahan na nila agad ako. Ewan ko ba, pero mahal
ko pa rin sila. Naiinggit lang ako dahil ‘yung mga kapatid ko hindi naman sila
ganoon tratuhin nila mom and dad.” paglalahad niya. “Buti na lang nandiyan ka
para sa akin.” pagtatapos niya na siyang ikinabigla ko. Tiningnan ko siya,
ngunit napansin kong nakatalikod na siya mula sa akin kaya hindi ko na siya
sinagot.
Matapos noon ay wala na akong narinig pa mula sa kanya. Lumipas pa ang
ilang minuto at I assumed na nakatulog na siya, at kahit ako man ay unti-unti
ko ng nararamdaman ang antok.
“Gab...” saad ni Justin na muling nakapagpasing sa akin.
“Hmm?” tanong ko sa kanya.
“Sorry for asking, but... do you find me attractive?” tanong niya na
siyang ikinagulat ko.
Naramdaman ko ang pag-alog ng kama na siyang dahilan kung bakit ako
napatingin sa pwesto niya. Napansin kong nag-iba ito ng pwesto at tuluyan na
niyang iniharap ang katawan niya sa akin. Doon ko napansin ang mapupungay
niyang mga mata, at ang gulu-gulo niyang buhok na siyang lubusang bumagay sa
kanya.
“Huh?” hindi ko pa rin makapaniwalang tanong. Napansin kong lalo pa
niyang inilapit ang ulo niya sa akin. Itinapat niya ang labi niya sa tainga ko
at bumulong.
“Ewan ko ba, Gab..., but for someone na ngayon lang nagkaroon ng
ganitong relationship, I don’t know why, but I really, really find you
attractive.” bulong niya na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon.
Ramdam ko ang init sa hininga niya, naaamoy ko ang pinaghalong pabango at toothpaste
niya. Ewan ko ba, pero noong mga oras na iyon ay naisip kong mayroon siyang
pinapahiwatig at hindi naman ako inosente para hindi ko malaman kung ano iyon.
Nanatili ang bibig niya malapit sa tainga ko kaya naman lalo pang nagtagal ang
pagdama ko sa hininga niya na siyang lalong nagpapaigting ng kanina ko pa
nararamdaman.
“A-attracted din naman ako sa’yo...” nauutal kong tugon. Naramdaman ko
ang pagngiti niya sa tainga ko at ang mahinang pagtawa na resulta ng sinabi ko.
“Good.” pahayag niya. “And uhm... Gab, if you don’t mind... are you still a
virgin?” tanong niya bago bumangon at tanggalin ang t-shirt niya. Lubusang
nagising ang diwa ko sa ginawa niya. Ngayon ay alam ko na, sigurado ko na, kung
ano ang gusto niyang iparating. Wala na akong haka-haka pa dahil sa tanong
niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Unang beses pa lamang
mangyayari sa akin ito kasama ang isang lalaki, kung sakali kaya naman
nakikipagtalo na ako sa sarili ko kung bibigay ba ako o ano. Naisip kong may
relasyon naman kami, kaya ayos lamang iyon, ngunit naisip ko rin na masyado
pang maaga. Isa pa, natatakot din ako, dahil truth to be told, I was never
sexually active. Kaya naman ang mga ikinikilos niya ngayon ay sobrang bago para
sa’kin.
“N-no. I-ikaw ba?” nanghihina kong sagot sa kanya. Pinagmamasdan ko pa
rin siya sa harapan ko. Hindi ko ikakailang maswerte ako dahil isang lalaking
tulad niya ang boyfriend ko ngayon. Ewan ko ba pero masasabi ko lang na kahit
sinuman ay matutuwa kung makikita lang nila ang nakikita ko ngayon. Napansin
kong napangisi siya sa naging sagot ko. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at
muling inilapit ang labi niya sa tainga ko. “Find out for yourself.” pahayag
niya bago niya tuluyang higupin ang lakas ko.
Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang mga halik sa pisngi ko,
pababa sa leeg ko kung saan siya nagtagal. Hindi ko ikakailang ang ginagawa
niya ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. Noong una ay
nakikipagtalo pa ako sa sarili ko kung hahayaan ko siyang ipagpatuloy ang ginagawa
niya, ngunit nang laliman pa niya ang mga labi niya sa leeg ko ay tuluyan na
akong nagpaubaya hanggang sa ako na ang humahawak sa batok niya para huwag
siyang huminto.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lamang na itinaas niya ang t-shirt
ko hanggang sa mahubad niya ito. Matapos noon ay ipinagpatuloy pa rin siya sa
ginagawa niya sa leeg ko hanggang sa maramdaman ko na lamang na hinahawakan na
niya ang harapan ko na siyang dahilan kung bakit ako napa-ungol. Dahil sa
narinig niya ay naramdaman ko ang pilyong paghagikgik nito bago niya
ipagpatuloy ang ginagawa niya, hanggang sa tuluyang himasin na niya ito.
Unti-unting bumaba ang mga halik niya sa dibdib ko. I felt his warm lips on my
right nipple kaya naman napasinghap at napa-ungol na ako.
Nagtagal siya doon habang hawak pa rin ang harapan ko, at aaminin kong
hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko. Puro singhap at ungol lang
ang naririnig ko sa kwarto. Dito ko nalaman na he likes taking things slow, if
you know what I mean. Ilang sandali pa ay patuloy niyang ibinaba ang mga halik
niya sa tiyan ko. All the time ay hawak pa rin niya ang harapan ko na siyang
lalong nagpapasarap sa pakiramdam nang biglang bumalik ako sa realidad.
“Oh, shit. Wait, Justin. May tumatawag sa akin.” pagpapanic ko. Tumigil
naman siya sa kanyang ginagawa at masusi lamang akong pinanood habang kinukuha
ko ang cellphone ko sa side table niya. “Hello, Selah?” bungad ko. “Kuya! Tita
Sylvia called here and she told us na diyan ka daw matutulog. Is that true?”
tanong niya. “Uhm, yeah. Biglaan lang. Sorry nakalimutan kong magpaalam. Buti
na lang pala tuma—waaag si tita diyan.” nagsasalita ako nang maayos nang bigla
na namang ipinagpatuloy ni Justin ang kanyang ginagawa kanina na siyang dahilan
kung bakit pumalya ang boses ko. Tiningnan ko siya ng masama ngunit hindi niya
ako pinansin at imbes ay ipinagpatuloy lamang niya ang ginagawa niya sa katawan
ko. Pilit kong pinakikinggan ang sinasabi ng kapatid ko kahit pa nasisiraan na
ako ng bait dahil sa ginagawa ng kasama ko.
“Right?” tanong ni Selah. “Oo... yeah. Ahh.” hirap kong sagot sa kanya.
“Kuya, are you okay? Parang you’re out of breath.” nag-aalalang tanong niya.
Tinapik ko ang balikat ni Justin para tumgil siya sa kanyang ginagawa ngunit
hindi pa rin niya ako pinapansin. Gustong-gusto ko na siyang patigilin, pero
ayaw kong matapos itong sensasyon na nararamdaman ko. “O—okaay lang ako,
Selah.” sagot ko sa kanya, pilit pa rin nilalabanan na hindi niya mahalata ang
sitwasyon ko ngayon. “Okay, then kuya. Ay—may kwento pala ako sa’yo!” excited
na tugon niya. Nang maramdaman kong binababa na ni Justin ang garter ng pyjama kasama
ng brief ko ay nanlaki ang mata ko at nagpanic na ako. “Selah! Good night na! I
need to go, bye!” nagmamadali kong saad bago putulin ang tawag.
“Justin! What the fuck?!” sita ko sa kanya. Tumigil siya sa kanyang
ginagawa at nagtatawa ng parang walang bukas. “You should’ve seen your face! I
doubt hindi nahalata ni Selah ‘yon!” natatawa pa rin niyang tukso sa akin. Ramdam
kong pulang-pula na ang pagmumukha ko sa pinaghalong hiya at inis dahil sa
nangyari. “Not funny.” pikon kong sabi sa kanya bago ko tuluyang isuot muli ang
hinubad na t-shirt ko at bumalik sa pagkakahiga—patalikod sa kanya.
“Aww, babe. That was a joke. Pero seryoso, ituloy na natin, please? I know
that wasn’t enough.” pag-aalo niya sa akin. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga
braso niya sa katawan ko. “The fuck, babe? No.” pagmamaktol ko pa rin. Pero
truth to be told, ngayon parang nakakaramdam na ako ng something. Sa ayos namin
ngayon, para kaming ewan, mag-asawa? Ewan ko ba, pero may kakaiba talaga akong
nararamdaman ngayon. Hindi ko rin masigurado kung ano iyon, pero what I’m sure
of is that it’s something positive. “Good night, babe.” pagpilit pa rin niya,
at wala na rin akong nagawa.
“Good night rin... babe.” wala sa loob kong sagot.
--
“Oh my God, Gab. Tangina lang.
Nakakahiya nga.” reaksyon ni Trisha matapos akong magkwento sa kanya. “Pero
shit lang, I didn’t expect that from him. Akala ko ikaw ang unang gagawa ng
move.” dugtong niya na siyang naging dahilan para batukan ko siya. “Ouch, pero
seryoso ang funny talaga. And he called you babe!” at ngayon ay nagsimula na
siyang tumawa. Napabuntong-hininga ako. “Pero sayang talaga at naudlot! You
didn’t see his... anyway and buti na lang inosente ‘yang sister mo. If ako
‘yung kausap mo sa phone, nahuli agad kita for sure and... I might have joined
you hihi.” pahayag niya. “Okay. That’s just... creepy.”sagot ko sa kanya.
“I’m kidding of course. If that
happens, papalabasin kita ng room para ako na lang ang--“ hihirit pa sana siya
nang bigyan ko siya ng isang pamatay na tingin para magtigil na siya. “Okay...
stop na nga, eh. Anyway, kamusta na kayo ni Caleb?” tanong niya. At dahil sa
naging tanong niya ay nawala ang atensyon ko sa kanina pa namin pinag-uusapan
kahit pa pahiyang-pahiya na ako sa kanya. “You know, after noong confrontation
niyo? Okay na ba kayo?” concerned na tanong niya.
“Palagi niya akong ina-approach.
I tell him that I have already forgiven him everytime, which is true, pero ayaw
ko pa siyang makausap.” sagot ko sa kanya. “Kaya lang, ang awkward sa bahay.”
dugtong ko. Tumango naman si Trisha, parang iniintindi ang sinabi ko. “Uhm, ‘di
ba single pa siya? Pakilala mo naman ako.” pahayag niya na siyang dahilan para
mabatukan ko siya. “Ang landi.” bulong ko kaya ako naman ang nabatukan.
--
Lumipas pa ang ilang araw at
nagpatuloy lamang ang mga karaniwang nangyayari. Kakatapos lamang ng midterms
namin at unti-unti ng palapit ang sembreak. Okay naman ang mga nangyayari sa
bahay, except for one thing—si Caleb. Ewan ko ba, pero parang sumuko na rin
siya, dahil hindi na niya rin ako pinapansin, ngunit ipinagsa-walang bahala ko
na lamang iyon dahil alam kong kailangan lang namin siguro ng space mula sa isa’t-isa
bago kami mag-usap. Si Trisha naman ang palagi kong nakakasama sa araw-araw
dahil for some apparent reason ay naging busy si Juno sa isang bagay na ayaw
niyang sabihin sa amin.
At si Justin?
Ewan ko ba, pero simula nang may
nangyari sa aming dalawa noong makitulog ako sa kanya ay napansin kong nagiging
mas malapit na kami sa isa’t-isa—emotionally, and uh, physically that is.
Madalas na siyang mag-open up sa akin tungkol sa pamilya niya which is a good
thing. At as for the physical aspect, he finally kissed me, at hindi lang basta
kiss, we made out. As unusual as it may sound, everytime we get the chance to
do it in private, ginagawa namin iyon, at siya palagi ang nagi-initiate noon.
When our lips met for the first
time, naisip ko kung totoo ba ‘yung sinasabi nilang sparks. With Justin, siguro
totoo nga. Pero I sensed something different, and I can’t quite put my finger
on what it is. One thing’s for sure, I felt the emotion tuwing ginagawa namin
iyon, pero mayroon pa akong ibang naramdaman—lust? Ewan ko ba, pero I just know
that we’ve taken our relationship to the next level. But we haven’t done “it”
yet. We never went too far. Ang nangyari sa amin noong nakitulog ako sa kanila
na ang pinakamalala naming nagawa. And I always refuse tuwing inaaya niya akong
matulog sa kanila.
Ngayon, naghahanap ako ng magandang
ireregalo sa kanya for his birthday. Kanina pa ako nandito sa mall—magda-dalawang
oras na ata, ngunit wala pa rin akong mahanap kaya nauurat na ako. Hindi ko
naman kasi alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Unang-una, halos lahat ata
ng bagay ay mayroon na siya eh. Ikalawa, gusto ko ‘yung regalo na special pero
hindi magmumukhang cheesy since, uhm, tago ang relasyon namin. Kaya hindi
talaga ako makaisip kung ano ang gusto kong ibigay sa kanya, if makikita ko
iyon sa mall.
Kaya naman dahil sa sobrang pagod
ay nagdesisyon akong kumain muna sa isang fast food chain. Tinext ko na rin ang
driver namin na maya-maya na ako sunduin dahil nga wala pa rin akong mahanap na
regalo para kay Justin. Inorder ko ang usual na inoorder ko tuwing kumakain ako
doon. Nang matapos akong umorder ay umupo ako sa isang bakanteng table at
nagsimulang tanggalin ang wrapper ng burger ko nang biglang may isang pares ng
mga kamay ang tumakip sa mga mata ko.
Dahil sa pagkagulat ay hindi ko
na tinanong kung sino iyon at napabalikwas na lamang ako ng biglaan. Nang
madatnan ko kung sino—or rather, kung sinu-sino—ang gumawa noon ay lahat ng
pagtataka at gulat ko ay napalitan ng saya, at pangungulila sa mga taong
nadatnan ko.
“Josh, Matt. Long time no see.”
nakangiti kong bati sa kanila.
--
Itutuloy...
So what do you think? Leave your comments below. :)
konting kilig lang naramdaman ko. hehe. nagagandahan parin ako pag si caleb at gab ang magkausap. Happy Holidays!
ReplyDeletebharu
sows. in this liberated generation, ang babaw pa nga ng mga ganoong scenes eh. magkaedad kami ni gab and wilder things happen in our age. hahaha. bitin po.
ReplyDelete-JP
At bumalik sa eksena cna Matt at Josh ano kaya maitutulong nila kay Gab? Makakagulo kaya cla? Exciting ang nxt part. Tnx sa update
ReplyDeleterandzmesia
The part you said na PG is already actually nothing. Better pa nga sana if you prolonged it. It is a natural thing at sa tema ng m2m story is expected siya. There is nothing wrong in purting scenes like that because they help make the story better and make us readers understand the characters better too. Keep it up author. However, I still sense Justin is just using Gab to get to Caleb. Honestly though author, I am rooting for Caleb and Gab, they seem to make a lovely , rather handsome pair. Sana sila na lang parang mas may spark.. Please.. Wala kasing kilig factor pagdating kay Gab and Justin.. And please, huwag mo nang gawing masyadong emo si Gab, just make him fall in love kay Caleb and vice versa.. Hehehe.. Thanks author, your story is indeed an interesting read.. Really really nice work..
ReplyDeleteI'm from UP and I assume you are, too. Please finish this story or I will hunt you down. Keep up the good work!
ReplyDeleteYup, I'm from Diliman haha. Wow, that means a lot, coming from you. Thank you so much. Happy New Year, dear. :-)
DeleteWhen will the next chapter be posted? Haha Monday pa pasukan natin hehe
DeleteI'll be writing it tonight. Naghahanap pa ako ng inspiration for it, though haha. Ngayon lang ako nagka-chance magsulat due to my acads and all the festivities. Ako Tuesday pa, eh. Wala daw 'yung prof for my Monday class. Hopefully I can update by Friday afternoon. :P
DeleteThanks! Good luck :D
DeleteCrush ko na si Trisha! May friend ka bang kaugali niya? Pakilala mo ko please ang funny niya hahahaha
Delete