Followers

Sunday, December 22, 2013

'Untouchable' Chapter 14

Hi, guys! Maraming salamat sa patuloy na suporta sa Untouchable. It really means a lot to me. :) And again, sorry sa delay ng update na ito. :(

Pwede magshare? Sobrang inspired ko magsulat, dahil kakagaling ko lamang sa isang field trip (overnight) at ang maganda pa doon ay naging roommate ko ang crush ko by accident hahaha. Tapos isa lamang ang kama kaya magkatabi kami matulog lol. Anyway...


Happy Reading, and Happy Holidays! :)

--

Chapter 14

Ngunit hindi ko inaasahang madadatnan ko sa may pintuan ko si Selah. Aninag sa mukha niya ang awa para sa akin, na nagsasabi sa aking narinig niya ang naging komprontasyon sa pagitan namin ng kuya niya. Nginitian ko siya ng hilaw bago ko tuluyang buksan ang pintuan ko.

Sumunod siya sa sa akin. Ayoko man ay hinayaan ko na lamang ito. Wala ako sa mood makipag-usap pa kaya hindi na ako umangal o nagreklamo. Narinig ko ang pagsara at ang pagkandado ng pintuan. Humiga ako sa aking kama at idiniin ang mukha ko sa unan ko. Walang mapagsidlan ang nararamdaman ko. Normally, ang expectation is magwawala ako, ngunit hindi ako ganoon magreact. Tama si Josh, I always bottle up my emotions para may cover-up ako—para magmukha akong matatag at hindi mahina. Kaya siguro kahit na nag-uumapaw at gusto ng kumawala sa dibdib ko ng puso ko ay wala pa rin akong reaksyon.

“Gab... I heard everything. Do you want to talk?” seryosong tanong ni Selah. Naramdaman ko ang mahinang paghagod niya sa balikat ko na siyang nakapagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano. “You know, talking is good. You’ll feel lighter inside after, promise. Sige na, kuya. Talk to me.” pagpilit niya. Napabalikwas ako sa pwesto ko. “Hindi ko alam kung saan magsisimula.” totoong sagot ko sa kanya. Marahil ay kailangan ko na nga ng taong makakausap.

“That’s good. Actually, nagsimula ka na by saying that. Bakit sa tingin mo hindi mo alam kung saan ka magsisimula?” tanong niya, halatang handang makinig sa kung anuman ang magiging sagot ko. “Uhm, kasi hindi ako sanay sa mga ganitong usapan?” litong tugon ko sa kanya. Napatango siya. “You know what, Gab. Don’t listen to what Caleb is saying. For all I know is that he doesn’t know you. I don’t know you for that matter. The point is, ikaw lang naman ang nakakakilala sa sarili mo ng lubusan, eh. Tama ba?” pahayag niya.

Tumango ako.

“See. So whatever he said doesn’t matter. Whatever I say doesn’t matter. Again, ‘yung point ko lang is it’s up to you. You can listen to whatever shit others say, but sa huli, nasa-sa’yo if you’ll let it affect you or not. Ikaw naman may hawak ng buhay mo, eh. What Caleb said won’t matter 10 years from now. Kaya—“ patuloy niyang pag-aalo sa akin, ngunit for some unexplainable reason ay nakita ko na lamang ang sarili kong pinutol siya.

“I’m just a broken boy that wants to be loved. What’s wrong with that? Sobra-sobra ba ‘tong hinihiling ko?” nanghihina, ngunit honest kong paglalabas ng sama ng loob. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya, ngunit nang mahinuha kong wala na ay kinuha ko iyon bilang hudyat na magpatuloy.

“Kaya ako naapektuhan sa sinabi ni Caleb... kasi mayroong part ng sarili ko na matagal ng sinasabi sa akin ‘yan. Kung bakit hindi ako pinili ni papa noon, kung bakit nawala ang pagmamahal ni Josh sa akin, kung bakit hindi ako magawang tanggapin ni mama. Dahil dito, naniniwala akong hindi ko deserve ang pagmamahal ng iba, na walang nagmamahal sa akin.” pahayag ko. Nararamdaman kong nagsisimula ng manginig ang katawan ko hanggang sa lumabas na ang unang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko.

“That’s why everyday, since then, I try to play it strong para malaman nilang hindi ako nasasaktan, na matatag ako. But Selah, ang totoo niyan... mahina ako.” Sa mga oras na iyon ay sunud-sunod na ang daloy ng luha ko. “Pakiramdam ko walang taong kayang magmahal sa akin dahil sa ganito ako. Akala ko dahi sa pagpapanggap ko naging matatag na ako, pero lalo pa pala akong humina.” pagpapatuloy ko.

Niyakap ako ni Selah and in an instant naramdaman ko ang pag gaan ng mga pasanin ko. “Gab, that’s not true. Maybe you just haven’t met that person yet... or maybe you have. Si Justin. Yieee.” pahayag niya na siyang ikinatigil ng pagtangis ko. “If I were you, instead of focusing on my idiotic brother, focus on your man! Sarili mo isipin mo huwag si kuya. If I know, selos lang iyon.” natatawag pahayag niya. “S-selos?” takang tanong ko na siyang ikinakunot ng noo niya. “Uhm, yeah? Kasi wala siyang love life?” uneasy niyang sagot.

Tahimik.

“You know what? I think you’d make a great psychologist. Galing mong magpakalma, eh.” ako.

“Gee, thanks. I just hope when that happens hindi kita maging patient.” pahayag niya na siyang ikinatawa namin pareho.

--

“Hey, Gab.” bungad sa akin ni Justin kinabukasan pagkasakay ko sa kotse niya. Now that he’s my uh, boyfriend, kailangan ko na sigurong mas buksan ang sarili ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya. I checked him out. Nakasuot siya ngayon ng v-neck shirt, shorts, at top-siders. Lumapit ito at ikinagulat ko na lamang ang paghalik niya sa aking pisngi na siyang ikinapula ko. Sinabihan ko na lamang ito na simula ng paandarin ang kotse.

“How did your brother take it?” tanong niya habang binabaybay ang daan papuntang school. “I mean, paano siya nagreact after he saw what was supposed to happen?” tanong niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kahit pilit niyang pinapakitang cool lamang siya. Alam kong wala dapat na makakita sa ginawa niya kagabi kaya nakalagay siya ngayon sa isang alanganing posisyon.

“He didn’t take it well.” honest at malungkot kong sagot sa kanya. Tiningnan ko siya at nagtama ang paningin namin. Mabuti na lamang at kasalukuyan kaming nakatigil sa harap ng traffic lights. “So he’s still not cool with your... uh, preference?” maingat na tanong niya. Umiling ako. “Then what is it, Gab?” tanong pa niya. “He’s not happy na ikaw iyon... sabi niya lolokohin mo lang daw ako. Na ginagamit mo lamang daw ako.” maingat ko rin na balik sa kanya. Tiningnan ko siya, naghihintay ng reaksyon mula sa kanya.

“Gab, you don’t believe him, right?” paniniguro niya. “No.” sagot ko sa kanya. “Gab, I will never do that to you. I won’t keep promises, ipapakita ko na lang sa’yo.” pahayag niya na siyang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. “I’m glad na ganyan ang tingin mo. I love you.” ngiting pahayag niya. Natahimik ako, dahil unang beses pa lamang niya iyon sabihin sa akin. Hindi ko napansin na medyo napatagal na pala akong walang imik. Napabuntong-hininga siya. “It’s okay. Hindi mo kailangang sagutin ako ngayon. I just want you to know that.” pahayag niya, and I immediately felt guilt dahil naramdaman ko ang lungkot sa boses niya. “I’m getting there. Just give me time.” sagot ko na sinuklian lamang niya ng paghawak sa kamay ko.

“Nga pala, I’m taking you out later.” pahayag niya. “Saan naman tayo pupunta?” curious kong tanong. “You’ll see.” sagot niya sabay kindat.

--

“Gab, I’m really sorry. Let me make it up to you. I’ll pick you up after class. Let’s?”

Ito ang text ni Caleb na nakapagpagulo ng araw ko. Aaminin kong ayoko pa siyang makita, at dahil sa ginawa niya ay lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Sa kabilang banda, lalo akong nairita dahil tila nalagay na naman ako sa isang alanganing sitwasyon kung saan kailangan kong mamili. Alam kong maaari kong i-cancel ang lakad namin ni Justin para sa kapatid ko, pero ayoko namang saktan siya. Isa pa, siya naman ang naunang nagyaya sa akin eh.

Ayoko pa rin makaharap si Caleb, kaya hindi ako nagreply sa text niya.

Buong araw akong napapaisip, dahil nakakapagtaka talaga. Alam ko na ako iyong uri ng tao na hindi gaano nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Sanay na sanay na akong balewalain lahat ng mga puna sa akin maging sa student council man iyan, o sa mga side comments ni mama tungkol sa mga desisyon ko sa buhay. Ngunit iba talaga ang epekto noon dahil sa kanya iyon nanggaling.  Tila mas masakit ang tama noon sa akin, ang marinig na hindi ako kayang mahalin ng isang tao, dahil sa kanya iyon nanggaling.

Para na rin sinabi niyang hindi niya ako kayang mahalin.

Whew. Magtigil ka nga, Gab!, inis kong pagkastigo sa sarili ko.

“Hey, saan tayo magkikita later?” text ko kay Justin. I made that as an excuse not to see Caleb. Kailangan ko ng maraming oras na malayo sa kanya. These past few days hindi ko gusto ang direksyon ng mga bagay na naiisip ko tungkol sa kanya. I need to be distracted bago pa ito ma-develop sa isang bagay na pagsisisihan ko sa huli.

“Parking. Can’t wait. ;)” reply niya. Hindi ko ikakailang bago pa rin sa pakiramdam ko ito, pero aaminin ko, natutuwa ako. Ito na ba ang tinatawag nilang kilig? Ewan ko ba. Pero sigurado akong maraming tatawa sa akin, lalo na iyong mga tao kong kakilala noong high school, kapag nalaman nila ito.

“MR. TAN!” at nagitla naman ako dahil sa narinig ko. Binaling ko ang tingin ko sa kaliwa at kanan, and to my shock, napagtanto kong nasa klase pa pala ako. “Yes, sir?” ingat kong tanong. Pinagmasdan ko ang inis na mukha ng professor ko, at talagang kinabahan. Napailing si sir at napabuntong-hininga. “I will repeat the question. How many percent of votes does a party list candidate need to earn in order to earn a seat?” tanong niya. At naging mabilis pa sa alas kwatro ang naging sagot ko. “At least two percent, sir.” sagot ko. Mabuti na lamang at nakasagot ako, dahil hindi ko ikakailang pahiyang-pahiya na ako sa mga kaklase ko.

Tumango si sir. Akala ko ay tapos na niya akong gisahin, ngunit may pasunod pa pala siya. “Mr. Tan, next time, don’t text in class okay? Hindi lang ako nagalit dahil isa ka sa mga pinakamagaling kong estudyante dito sa class, and ngayon lang naman nangyari ito sa’yo. But please, respeto naman sa susunod, okay?” paalala niya sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Gusto ko ng lamunin ako ng lupa sa kinauupuan ko ngayon. “Yes, sir. Sorry po.” nakayuko kong sagot.

“Sir, pagbigyan niyo na po si Mr. Tan. Ngayon lang po ‘yan nagkalove life, eh.” natatawang singit ni Trish na siyang lalong nakadagdag sa kahihiyan ko. Inangkla niya ang katawan niya patalikod at sinabi sa klase, “Kaya sorry sa lahat ng may crush sa kanya, because he’s taken.” anunsyo niya. Kahit istrikto si sir ay magaan ang loob niya kay Trish for some reason. Siguro ay dahil tatlong beses na niya itong nagiging estudyante. Narinig ko naman ang bulung-bulungan ng mga kaklase ko. “Very good, Trish.” inis na bulong ko sa kanya. Siguradong uulanin ako ng mga tanong matapos ang klaseng ito.

“Sir, may I go out?” biglang tayo ni Juno. Napansin kong medyo hindi maganda ang tono ng pananalita niya, na tila ba naiinis. Nevertheless, pinayagan siya ni sir.

Gusto ko ng matapos ang araw na ito, ugh.

--

Medyo napaaga yata ang dating ko sa parking ni Justin. Napansin kong 3:45 pa lamang dahil maaga kaming pinalabas ng professor namin para daw makapag-aral kami sa quiz next meeting. Ang akala ko ay maghihintay pa ako para sa kanya, ngunit nadatnan ko na siya sa may kotse niya—at hindi siya nag-iisa. May kasama siyang babae at tila masayang-masaya silang dalawa. Naka-akbay si Justin doon sa babae at ngingiti-ngiti lamang ito. Hindi ko ikakailang maganda talaga iyong babaeng kasama niya, pero...

Nagseselos ba ako? Siguro.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Justin at tila binuhusan ito ng malamig na tubig base sa naging reaksyon niya, na parang hindi ko dapat nakita ang nakita ko. Agad niyang tinanggal ang braso niya mula sa pagkaakbay doon sa kasama niyang babae at napayuko. Naglakad ako papunta sa kanilang dalawa, pilit itinatago ang nararamdaman kong inis. Ngunit may parte ng pagkatao ko na nagsasabing magtiwala lamang sa kanya at huwag magpadala sa agos ng damdamin. Wala naman akong alam sa totoong nangyayari kaya hindi dapat ako magreact agad hangga’t hindi ko siya nakakausap.

“Hey.” kaswal na bati ko sa kanya. Tiningnan ko ang kasama niya at binigyan ko iyon ng isang pamatay na ngiti na siyang sinuklian din nito. “Ang aga mo naman, Gab.” sabi niya, tila hindi mapakali. “Oo nga, eh. Buti na rin pala maaga ako... nandito ka na rin pala.” sagot ko. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumanib sa akin at nagawa kong magpasaring ng ganoon. “Pakilala mo naman ako sa kasama mo.” hamon ko. Sinapian na nga ata ako.

“Hi! Ako si Casey, orgmate ni Justin. Anong name mo and kaano-ano ka niya?” ngiting pahayag ni Casey. “Gab...” pagsisimula ko. Tiningnan ko si Justin, at napansin kong kinakabahan ito. Malamang natatakot ito na sabihin kong boyfriend ko siya. Naalala kong hindi pa nga pala siya handa. At dahil ayoko ng lumaki pa ang gulo ay pinalampas ko na lamang iyon at pilit pinakalma ang sarili ko. “... kapitbahay niya.” ngiting pagtatapos ko.

Binaling ko ang atensyon ko kay Casey at nag-usap kami ng panandalian. All the while ay pinakikiramdaman ko si Justin. Alam kong nag-aalala siya sa magiging reaksyon ko, ngunit napagdesisyonan ko ng huwag ng palakihin pa ang issue. Kung gusto niyang i-bring up iyon ay doon ko na lamang siya kakausapin tungkol doon. Magtiwala ka lang, Gab, determinado kong utos sa sarili ko. Alam kong pinakikiramdaman din niya ang timpla ko.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Casey at sinabihan akong masaya siya at nagkakilala kami. Nginitian ko na lamang siya. Binaling niya ang atensyon niya kay Justin. “I’ll see you tomorrow sa GA.” simpleng pamamaalam niya dito bago maglakad palayo. Panandalian kaming natahimik nang magdesisyon akong basagin iyon. “Ano pang hinihintay natin? Let’s go!” pahayag ko na parang walang nangyari. Natauhan siya at binuksan ang kotse niya. Sumakay ako sa harap at hinintay siyang paandarin ito.

--

“Bakit ang tahimik mo ata?” inosente kong tanong sa kanya habang naka-ipit kami sa traffic sa EDSA. Kahit pa sinabi ko sarili kong hindi ko uungkatin ang nangyari kanina ay may pagnanais pa rin ako mula sa kanya na siya ang magkusa at magpaliwanag tungkol sa nasaksihan ko kanina. I’ve decided to deal with this in a mature manner.

“Gab... galit ka ba sa akin?” aninag ang pag-aalala sa boses niya. “Huh? Bakit naman, Justin?” pagmamaang-maangan ko, ngunit sa loob-loob ko ay alam kong hindi naman talaga ako galit sa kanya. “What you saw earlier... feeling ko kasi na-misinterpret mo, eh.” pagpapatuloy niya. “Si Casey, parang bestfriend ko ‘yon. Just like how you are with Trish. Please don’t—“ magsisimula na sana siyang magpaliwanag nang putulin ko siya. “Shhh, tapos na. Just keep your eyes on the road. Baka maaksidente pa tayo. Ayoko pang mamatay.” pahayag ko. Natahimik siya ng panandalian bago siya magsalita. “Gab...” ngunit pinutol ko ulit ang sasabihin niya.

“Look. I know what you’re thinking. Yes, nagulat ako, pero I’m not mad. I trust you... and for the record, I’m not the crazy jealous boyfriend type. And I like the fact na feeling guilty ka agad... you care about me that much, no?” natatawa kong pahayag na siyang ikinatigil niya. “Calm down, Justin. Okay lang sa akin. Hindi ako galit.” nakangiti kong pagtatapos. Tiningnan ko ang mukha niya. Naramdaman kong parang nakikipagtalo siya sa loob-loob niya for some reason na ikinatataka ko. Ngunit sa huli ay ngumiti siya, ngunit ang ngiting iyon ay hindi iyong masayang ngiti. Kahit pa nakikita kong masaya siya, ay parang may nararamdaman akong mali sa ngiti niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

“Thank you, Gab. Seryoso.” pahayag niya bago hawakan ang kaliwang kamay ko. Pinisil ko ang kamay niya bilang paraan ng pagsasabi ko sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala. Matapos ang ilang sandali ay napansin kong pamilyar ang daan na tinatahak namin. “Oh, bakit parang pauwi na tayo? Akala ko ba lalabas tayo?” nagtataka kong tanong. “Oo nga, uuwi tayo... sa amin.” sagot niya.

--

Kinakabahan ako.

Bakit ba ang aga-aga pa lamang ay ipapakilala na niya ako sa parents niya. Magtatapat na ba siya? Ipapakilala na ba niya ako bilang ka-relasyon niya? Pucha, pakiramdam ko babae ako ngayon.

Pumasok na kaming dalawa sa pintuan ng bahay nila. Kahit pa medyo matagal na kaming magkakilala at magkatapat lamang ang mga bahay namin ay ni minsan ay hindi pa ako nakapasok dito. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang malaking painting na nakadikit sa isang mahabang pader. Ginabayan ako ni Justin hanggang sa marating namin ang sala nila. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakita ko. Kahit mas maliit ng kaunti ang bahay nila kaysa sa amin ay hindi naman nagpahuli ito pagdating sa interior. Napansin kong maraming antiques ang nagkalat sa paligid, at ang pagkaaliwalas ng paligid.

“Manang Tess!” pagtawag ni Justin. Agad-agad namang sumulpot ang isang babaeng may katandaan na. Nagmano dito si Justin. “Manang, si Gab po. Siya po ‘yung bagong nakatira sa tapat. Anak nila Tito Ronald.” pagpapakilala niya sa akin. “Magandang gabi po.” magalang kong bati sa matanda. “Kay gwapo naman nitong batang ito. Magandang gabi rin naman sa iyo, hijo. Justin, kumain na ba kayo?” tanong niya. “Ah hehe. Hindi pa nga po, eh. Paluto naman po ako ng paborito ko.” medyo nahihiyang sagot ni Justin na siya kong ikinatuwa. “Oh sige. Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na.” pagtalima ng matanda.

“Ah, manang. Sino pong tao ngayon?” tanong ni Justin bago pa tuluyang pumasok sa kusina ang kausap. “Nandiyan ang papa at mama mo. Si Jasper ata late na makakauwi dahil may practice sa varsity. Si Owen naka-duty sa ospital.” sagot nito. Tumango si Justin at nagpasalamat. Nang mawala na sa paningin namin si Manang Tess ay bumuntong-hininga ito. “Whew. I didn’t expect that my parents would be here.” pag-amin nito. “Well, I’m sure magugustuhan ka nila. Just be yourself, okay?” ngiting sabi niya sa akin habang nakahawak sa magkabila kong balikat. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Niyaya niya ako sa kwarto niya at sinabihang doon na lang muna kami maghintay bago maghapunan. Nang makapasok kami ay pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto niya. It was a typical boy’s room, malayong-malayo sa kwarto ni Caleb. Napailing ako sa bagay na iyon. Bakit ba inaalala ko na naman si Caleb? I shook the thought away.

“Pasensya ka na, ah. Medyo makalat kasi.” paghingi niya ng dispensya. “Sus. Wala iyon. Pag nakita mo kwarto ko mas malinis pa ‘to.” saad ko, ngunit hindi niya iyon pinansin. “And uhm... when you see my parents later...” hindi niya mapakaling pagsisimula, ngunit alam ko na ang gusto niyang tumbukin kaya naman inunahan ko na siya para hindi na siya mahirapan. “Yeah. I won’t say anything. I understand, don’t worry.” pag-aasure ko sa kanya na siyang sinuklian lamang niya ng isang matabang na ngiti.

Tahimik.

“So... kamusta naman ang araw mo?” tanong niya. Dahil sa tanong niya ay bigla kong naalala ang nangyari kanina sa klase ko na siyang ikinatawa ko. “Kanina doon sa huli kong class, ‘di ba magka-text tayo? Nahuli ako ng prof ko.” pagsisimula ko. Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya. “Gab, sorry...” pagsisimula niya, ngunit pinabulaanan ko iyon. “No, it’s okay. Oo, natakot ako dahil strict si sir at major subject ko iyon, pero hindi naman siya nagalit kasi first time lang naman daw nangyari sa akin ‘yon.” pahayag ko. Tumango naman siya, tila gumaan ang loob sa paliwanag ko. “Pero si Trish kasi... ‘di ba alam na niya ‘yung tungkol sa atin? Sabi niya sa prof namin na hayaan na lang daw akong magtext dahil ngayon lang daw ako nagka-love life.” natatawa kong pagkwento. “Tapos sabi pa niya sa mga classmates ko na taken na daw ako kaya huwag na silang umasa.” pagtatapos ko.

Tinitingnan ko ang reaksyon ni Justin. Ang buong akala ko ay maiilang siya sa topic dahil nga ayaw niyang napag-uusapan ang relasyon namin kapag may ibang taong involved, kaya nagtaka ako kung bakit ngumisi itong bigla. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin. “It’s good Trish said that... para malaman nilang pagmamay-ari ka na ng iba. Wala ng aagaw sa’yo sa akin.” sabi niya sabay kindat na siyang ikinatahimik ko, ngunit sa loob-loob ko ay tuwang-tuwa ako sa inaakto niya.

--

“It’s finally nice to meet you, Gabriel. Ronald’s always telling us stories about you.” magiliw na pahayag ng nanay ni Justin habang kumakain kami sa dining table nila. Magandang babae ito na may maporselanang kutis at talagang pinong-pino kumilos. Ang tatay naman ni Justin ay tahimik lamang, ngunit wala naman akong ikinatatakot dito dahil palangiti naman ito. “Likewise, tita.” ngiting sagot ko sa kanila.

“Buti naman at nakilala mo ‘tong si Justin. It’s time na magkaroon siya ng bagong kaibigan dito.” pahayag niya. Naramdaman ko naman ang pagtense ng katawan ni Justin. Hindi man niya sabihin ay alam kong pasaring iyon ng kanyang ina. Naalala ko ang kinwento niya sa akin noong nasa villa kami na hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa pamilya, at ngayong magkakasama kaming kumakain ay hindi ko ikakailang nararamdaman ko iyon. Siguro ay dahil kasama nila akong kumakain kaya mas magaan ang pakiramdam ng paligid. Napaisip tuloy ako kung paano ang takbo ng usapan sa hapag-kainan kapag sila-sila lamang ang kumakain.

“Ah, opo. Bigla lang po kaming nagkakilala sa club house dito. Then I found out that we go to the same school. Tapos ayun po, nakikisabay na ako sa kanya araw-araw. Sayang po gas niya, eh.” pagbibiro ko na siyang ikinatawa ng mag-asawa. “You know, when I found out that Ronald finally took you to his custody, I was really happy for him kasi matagal ka na niyang kinukwento sa amin.” pagsingit ng tatay niya na siyang sinuklian ko ng ngiti dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “Kamusta naman ang buhay mo kasama ang family ng dad mo?” dagdag niya. “Sobrang bait po nila. I don’t feel out of place. Akala ko nga po hindi ko makakasundo si tita Audrey pero she’s been more than welcoming.” sagot ko.

“Alam mo? Kamukhang-kamukha mo ang papa mo. Siguro may girlfriend ka na, noh?” sabi ng mama niya. At sa puntong iyon ay pareho kaming nasamid ni Justin. Agad-agad akong uminom ng tubig na siyang ginaya niya. Ang nakakatawa pa ay matapos naming gawin iyon ay sabay naming tinapik ang likod ng isa’t-isa para bumaba ang kinain namin.

“Oh, mga anak? Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?” alalang tanong ng mama niya.

Ugh, this is gonna be a long night.

Nang mahimasmasan kami ay biglang nagsalita si Justin. “Pa, can I ask for something?” tanong ni Justin. “Ano iyon, anak?” tanong ng papa niya. Napansin kong medyo hindi maganda ang tono ng papa niya sa naging tanong ni Justin. Siguro ay ito na nga ang sinasabi niya sa akin tungkol sa pagiging hindi niya paborito. Ewan ko ba.


“Pwede bang dito matulog si Gab ngayong gabi?” 

--

Itutuloy...

NOTE: Baka sa next chapter ko na ipasok si Josh and Matt. ;) If not, the chapter after the next. Rest assured that they'll show up soon, kaya abang-abang na lang ng updates. :D Have a Merry Christmas, people! :)

7 comments:

  1. I love this story! So sana everyday ang update! Good job Mr.Author! !

    ReplyDelete
  2. I like how the story is unfolding.. I do not trust Justin though.. Thanks author and Have a very Merry Christmas and a Prosperous New Year..

    ReplyDelete
  3. I like how the story is unfolding.. I do not trust Justin though.. Thanks author and Have a very Merry Christmas and a Prosperous New Year..

    ReplyDelete
  4. baka naman po pwede niyong gawing twice a week ang update. nagawa niyo naman po dati sa unexpected eh. sige na po. papasko niyo na samin. ikikiss kita author. muuah. lol

    ReplyDelete
  5. bitin!

    Christmas break naman diba?

    Araw-arawin na yan!!! (pwera nalang kung nagthe-thesis ka ngayon, Ramdam kita:D)

    -Hiya!

    ReplyDelete
  6. Christmas break! Kailangang dalasan sang update para kinikilig ako buong break!

    Ken

    ReplyDelete
  7. Sinong prof to sa PolSci? At anong polsci to? Hahaha shet naiimagine ko talaga yung scene. Even the chairs and board.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails