FB:iheytmahex632@gmail.com
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Twitter:@roviyuno
Author:Rovi Yuno / Unbroken
Blog: http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
* * *
Comments are welcome pala ha? Hehehehe
* * *
Spoiled
brat. Isang tipikal na anak-mayaman. Chinito. He has the proper mix
of sophistication and arrogance for he's the only son of Randell
Chua-Madrid, isang stockholder ng ilan sa mga bigating
multi-corporation internationally.
Lumaking mariwasa at di nakakaramdam ng
hirap. Hindi alam kung paano ang magcommute, laging nakakotse sa
t'wing papasok ng eskwela. Baon nya sa isang araw ang tuition sa
school ng ibang estudyante. Kahit anong ituro nya sa mall, regardless
of the price, agad nyang makukuha. That's how he was raised. It's not
his fault that he's born with a silver spoon.
He can be sociable, he can be snob.
He's totally unpredictable.
He and his father always fight. May
pagkarebelde sya. He follows his heart kahit ano pa ang sabihin ng
ibang tao. He goes for what his heart feels. His father wants him to
take Medicine, he took Fine Arts. Lagi silang nagaaway, his father
wants him to be like him. Pero ayaw nya, for him, businesses are like
shit. Mahalaga sa kanya ang kanyang passion sa pagpipinta, maging sa
musika. He likes composing songs, he likes singing, he likes
performing, pero para sa kanyang ama, walang papatunguhan ang buhay
nya kung ito ang kanyang landas na tatahakin.
He likes to surround himself with
people that share the same passion with him, regardless of their
financial statements. Kahit na may pagkaspoiled at maluho, he knows
how and when to be humble. Though he's very vocal with what he feels
and drops it in front of you.
He's very private. No one knows his affairs and his flings. No one knew he's got an understanding with his bestfriend Miguel.
He's in a relationship with a girl
named Carly, an Irish-girl that has lived in the Philippines for a
few years now. He thought they share the best relationship until one
day, he saw her cheating. He felt devastated. He became bitter. He
doesn't want to love again. Until one day, bumalik si Carly sa kanya.
“Please. Let me in again. Please. I'm
wrong and I'm sorry. I won't do it again.”
“Please.”
He saw her shed tears. Being the
merciful and the kind-hearted guy he is, binigyan nya ito ng
pagkakataon. Naging sila ulit. At first, naging aloof sya at si Carly
ang patuloy na nanunuyo, pero ng maglaon, nasanay na siya with Carly
around, again. He felt that he has already forgiven her, but he's
uncertain kung nakalimutan nya na ang mga ginawa nito sa kanya. They
have continued their relationship.
On their 3rd year
anniversary, he planned to surprise Carly. He arranged a dinner for 2
sa paboritong restaurant ni Carly. He called her several times pero
unattended ang phone. Lumipas ang araw pero walang paramdam mula sa
nobya. Kinabukasan, agad nyang sinilip ang phone to see if Carly
messaged him, sa kasamaang palad, wala kahit isa. Feeling so
depressed, he grabbed his favorite Black Long Sleeves, faded jeans at
ang kanyang Salvatore Mann na leather shoes. He has to go to his
comfort place. He has to go to Baguio.
He drove alone to that place. He drove
alone to Baguio. Para makalimot. Para kahit papaano ay marelax.
His name is John Daniel Chua-Madrid.
Palaban.
He's the kind of guy that gets what he wants and fights for what he
wishes to have. Isang tipikal na iskolar na galit sa kahirapan.
Naranasan nyang kumain ng NFA rice once at pinangako nya sa sarili
nya na hindi na ulit sya makakakain nun. Kahit hirap na hirap,
pinilit nyang pagsabayin ang pagaaral sa kolehiyo at ang pagteteatro.
Main stay din sya ng isang lounge sa Pasay kung saan kumakanta sya ng
American Standards.
Nakita nya kung gaano kalaki ang
Maynila. Naaral nya kung paano gumalaw at magisip ang mga tao sa
syudad. Naging mas bukas ang kanyang isip sa panganib at kagandahan
ng Maynila. Nasanay syang makibagay sa lahat ng uri ng tao. He
garnered a lot of friends
Isa syang ambisyosong tao. Lagi nyang
iniisip kung paano nya maiaalis ang kanyang nanay sa kanilang
apartment na inuupuhan sa loob ng 19 na taon. Kung rent to own nga
ito ay malamang matagal na itong sa kanila.
Galing sya sa isang broken family, di
nya kasundo ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki at tanging
ang nanay lang nila ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid. Alam nya
ang hirap nito, alam nya na dapat nyang iprioritize ang kanyang
pamilya. Dapat nyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.
Dapat.
Mula nang sya'y pinanganak, alam nya na
sa sarili nya na iba sya. Hindi sya tulad ng ibang lalaki. Alam nya
sa sarili nya na may kakaiba sa kanyang kaloob-looban. He still plays
with boys. He does games na pisikal. Lagi syang napapaaway nung bata
pa sya at nakikipagsuntukan sya. Ganunpaman, alam nyang may atraksyon
syang nararamdaman para sa kapwa nya lalaki.
Tulad ng ibang kabataang dumadaan sa
tinatawag nating identity crisis, nilabanan nya ito. Pinilit nyang
itama ang kanyang mga nararamdaman. Alam nyang mali at natatakot sya
sa magiging reaction ng mga tao sa paligid nya. He decided to go in a
relationship with a girl named Patricia Elise or Pixel. Ilang buwan
lang silang nagtagal at naghiwalay din sila. After months, naging
close friends sila ulit. Naging parang wala na lang ang nakaraan sa
kanila. Mahalaga sa kanila ang ngayon. Magkaibigan sila, matalik na
magkaibigan.
Dumating ang ilan pang mga buwan,
nagkaroon sya ng bagong nobya, si Cindy. Laking tuwa nya dahil
naramdaman nya talaga na tinatangi nya ito. Ramdam nya na mahal nya
ito at mahal sya nito. Maganda din si Cindy, maputi at makinis.
Parang biglang nawala sa isip nya ang atraksyon sa kapwa-lalaking
meron sya noon.
Naging mas masaya pa sila ni Cindy,
nagplano sila para sa kanilang bukas. Inisip nila kung ilang supling
ang gagawin nila at kung saan sila titira. They planned for their
future. They planned for their family. They planned to build a home.
One time, sinama sya ng amo ng kanyang
nanay sa Baguio to attend a convention. Nagaantay sya sa labas ng
hotel nang makita nya ang isang lalaking nakasuot ng black long
sleeves. Nakasandal ito sa kanyang itim na kotse at mukhang malalim
ang iniisip. He couldn't take his eyes off of him. Napuna ng lalaking
nakaitim na nakatitig sya rito, tumingin ito. Halata ang gulat sa
kanyang mukha, ito ay biglang napangiti. Kita nyang ang pantay-pantay
na ngipin nito. Bumilis ang kabog ng kanyang puso. Nakaramdam sya ng
kakaiba. Ang alam nalang nya ay nakaakbay sa kanya ang lalaking
nakaitim na long sleeve.
He is Franco Rovino Gamboa o FR.
I T U T U L O Y . . .
ang ikli naman po.
ReplyDeletebharu
maganda sana to, kaso matitigok naman pala si daniel. kawawang FR naman.
ReplyDeletebharu
Hmmmn. ..interesting
ReplyDeleteMay bago na nman akong susubaybayan sa MSOB ah
introductions pa lng yun...... cant wait for next chapter.....
ReplyDeleteHahahaha. Salamat po sa pagbabasa.
ReplyDelete