Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 23]
By: Crayon
****Kyle****
10:36 pm, Saturday
July 11
Last day na namin sa isla ngaun. Bukas ng umaga ay babalik na kami sa Maynila. Pipirmahan na ni Aki ang resignation letter ko. Makikita ko na uli si Renz. Hahanap ako ng ibang trabaho. Hindi na muli pa kaming magkikita ni Aki. Iyan ang original plan ko bago kami tumungo dito. Hindi ko akalain na sa napakaikling panahon ay madaling mababago ni Aki ang isip at nararamdaman ko.
Ang totoo ay ayaw ko pang umalis. Kung maaari lamang ay mas nais ko na dito na lamang kami ni Aki sa isla habang buhay. Simple lang at tahimik pero masaya kami. Sobrang masaya. Pero alam kong hindi ko pwedeng takbuhan na lang ang mga bagay at taong naiwan ko sa Maynila.
Hindi ko maipaliwanag ang sakto kong nararamdaman ng mga sandaling iyon habang tahimik akong nakaupo sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga. Habang pinapanood ko ang pagsayaw ng mga alon at pagkinang ng bituin ay sinasariwa ko ang nagdaan sa maghapon.
Nakakatawa na para kaming linta ni Aki na di mapaghiwalay. Hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin ni Manang Delia sa amin. Tila natutuwa ito sa pagiging malapit namin ni Aki. Pagkagising ko pa lamang nung umaga ay agad kong napuna ang kakaibang lambing ni Aki. Nabungaran ko siyang nakatingin sa akin habang natutulog ako at hinihimas ang buhok sa aking ulo. Nang makitang gising na ako ay agad akong ginawaran ng mabilis na halik sa aking labi na nagpamula sa aking mga pisngi.
Hawak kamay naming tinungo ang kubo kung saan kami nag-almusal. Pagkatapos noon ay sabay kaming naligo sa dagat at naglakad sa paligid ng isla. Matapos kumain ng pananghalian ay pinili naming manatili na lamang sa loob ng tree house. Kapwa kami nakahiga sa kama. Yakap niya ako habang nakaunan ako sa kanyang dibdib. Masarap sa pakiramdam na may yumayakap ng ganoon sa iyo, parang walang sinuman ang makakapanakit sayo. Kuntento kong pinapakinggan ang paulit-ulit na pagtibok ng puso ni Aki, ang pagtaas-baba ng kanyang tiyan habang humihinga, at ang pakiramdam ng kanyang kamay sa aking katawan.
Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon. Alam kong hahanap-hanapin ko iyon kapag bumalik na kami sa Maynila.
Nakalimutan ko ng i-text si Renz o mas tamang sabihing pinili kong hindi na lang siya i-text upang makaiwas. Ayaw kong masira ang mga natitirang sandali namin sa isla ni Aki.
Hindi ko alam kung malas lang ako o sadyang tanga lang ako pagdating sa pag-ibig kaya lagi na lang kumplikado ang mga bagay para sa akin. Nakakapagod na din kasi. Tanda ko pa kung gaano ako nabaliw noon dahil sa pagkagusto ko kay Renz. Kung gaano ako kasaya sa tuwing magkasama kami. Kung gaano kalakas ang tawa ko sa tuwing nagkukulitan kami. Kung gaano ako kabwisit sa tuwing iinisin niya ako at kung gaano ako natutuwa sa tuwing aamuhin niya ako. Naaalala ko pa kung paano ako namanhid nang makita ko siyang may kasamang iba. Ramdam ko pa yung sapak niya sa akin dahil kay Alvin. Tanda ko rin ang bawat salitang sinabi ko sa kanya noon sa tapat ng bahay nila nung magpaalam ako na aalis.
Sa mga panahon na iyon ay kasama ko si Aki siya ang naging kakampi ko noon. Siya ang gumanti kay Renz ng suntok nung mga panahong hindi ako makagalaw dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Siya yung matyagang naghanap sa akin nung maaksidente ako sa Antipolo. Siya yung una kong pinagsinungalingan na boyfriend ko si Lui kahit na hindi naman. Sa kanya ko nakita yung sakit na madalas kong nakikita sa mata ko sa tuwing humaharap ako sa salamin. Siya yung nag-alaga sa akin nung may sakit ako. Tinuruan ako kung paano bumangon at magsimula uli.
After two years, malaki ang pinagbago naming tatlo. Nakatapos ako sa aking pag-aaral, nagtransform din ang itsura ko, at naging mas tiwala sa sarili. Iniwan ko na ang social whore na image, sinubukan ko nang magpakabait.
Si Renz ay nagkaroon ng sariling business. Binawasan na din ang kanyang night life. Mas mukha na siyang responsable ngayon kaysa dati na parang puro pagsasaya lang ang alam. Nanliligaw na din siya sa akin ngayon.
Aki, on the other hand, is still workaholic like before. Ang pinagkaiba lang nung nagkita kami ay hindi na siya ang knight in shining armor ko, parang siya ang stepfather ko na nagpahirap sa akin nung magtrabaho ako sa opisina nila. Ramdam ko kung gaano ang galit at pagkamuhi niya sa akin noon.
Sobrang dami ng nangyari sa aming tatlo, kapwa sila naging malaking parte ng buhay ko kaya hindi madali sa akin ang isipin na isa sa kanila ay masasaktan ko. Alam ko at ramdam ko kung sinu sa kanila ang mahal ko ngayon. Pilit ko mang itanggi ay malakas na isinisigaw ng aking puso ang kanyang pangalan.
Hindi ko alam kung kailan ko simulang naramdaman na mahal ko na siya ng higit pa sa isang kaibigan. Maaaring mahal ko na siya noon pa hindi ko lang nabigyang pansin dahil sa pagkahumaling ko kay Renz. Lalo ko na lamang naramdaman ang pagtatangi sa kanya nung malaman kong galit siya sa akin. Pero ngayon ay sigurado na ako sa aking nararamdaman. Sigurado akong mahal ko si Aki.
Hindi ko alam kung paanong siya na ang mahal ko. Ang malinaw sa akin ay hindi ko kayang isipin na mawawala siya muli sa akin. Kung pamimiliin ako sa gusto kong makasama ay mas pipiliin ko si Aki kesa kay Renz. Pero hindi naman ibig sabihin noon na okay lang sa akin na mawala si Renz. Matagal na kaming magkaibigan at best of friends ang turingan namin.
Naiiyak na ako dahil hindi ko alam kung paano ko ito lulusutan. Ayaw kong paasahin pa si Renz at ayaw ko rin na makita siyang nasasaktan. Ngunit higit roon ay ayaw ko ding pakawalan si Aki at higit na ayaw kong wala akong gagawin sa pagkakataong ito. Parang napakarami ko ng pagkukulang sa kanya, ngayong sigurado na ako sa aking nararamdaman ko para sa kanya ay handa kong suklian ang lahat ng pagmamahal na ibinigay niya sa akin sa mga nakalipas na taon.
Naniniwala ako noon na ang pag-ibig ay isang sugal. Malaki ang hinihinging taya kung gusto mong sumaya. Minsan na akong sumugal noon sa pagmamahal ko kay Renz. Malaki ang natalo sa akin at akala ko ay hindi ko na kaya pang magpatuloy sa buhay.
Ngayon ay walang alinlangan kong susubukan muling sumugal para sumaya. Matalo man ako ay okay lang. Mas gugustuhin ko na iyon kesa panoorin kong mawala muli sa akin si Aki. Maaaring si Renz ang maging kapalit ng kaligayahang inaasam ko. Makasarili kung iisipin pero handa akong ibigay ang lahat sa pagkakataong ito.
Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at bumalik na sa tree house. Baka magising si Aki at mapansing wala ako sa tabi niya. Dinatnan ko ang aking mahal na nakahiga sa may kama, tumabi ako sa kanya at agad na ipinikit ang aking mata para makatulog.
Ilang sandali pa lang akong nakapikit ng maramdaman ko ang paglapit ni Aki at ang pagbalot ng kanyang braso sa akin. Nakatagilid akong nakahiga, ang likod ko ay nakaharap sa kanya kaya ramdam ko ang bawat paghinga niya sa aking batok.
"Kyle, kung nahihirapan ka sa nangyayari... i just want to let you know na i want you to do whatever makes you happy. If you still love him, don't hesitate to tell him. Don't worry about me, i will be fine... At katulad ng pangako ko, hindi na uli ako mawawala. We can stay as friends, i won't terrorize you again...", narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Aki habang binubulong sa akin ang mga katagang iyon.
"Masaya ako sa pinagsamahan natin dito and i want to thank you for that. I've never been this happy. Whatever happens after this, i know that i would always have a reason to smile because of these memories we both share.", wika ni Aki sabay halik sa aking ulo. "Sleep now my little prince, maaga pa tayo bukas.", hindi ko mapigilang maluha sa sinabi niya. Hanggang sa mga oras na ito ay ang nararamdaman ko pa din ang iniisip niya.
Little prince. Minsan niya nang ginamit sa akin ang endearment na iyon nung may sakit ako at inalagaan niya ako. Noon ay nakokornihan ako sa tawag niya na iyon pero ngayon ay tumatalon ang puso ko sa pagkarinig ng mga salitang iyon. Ako ang munting prinsipeng lagi niyang iniingatan, pinagtatanggol, at inaalagaan. How can he love me this much when all i ever did is hurt him.
Hindi ko na nagawang harapin pa si Aki dahil wala nang tigil ang pagdaloy ng aking luha. Luha ng kasiyahan. I feel so blessed para mahalin ng isang katulad ni Aki.
'Salamat Aki... sobrang salamat sa labis mong pagmamahal. Pangako, oras na maayos ko ang problema kay Renz, we will start living our life together filled with happy memories...' , pipi kong sabi sa aking sarili,
****Aki****
11:54 pm, Saturday
July 11
Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin ang mga bagay na iyon kay Kyle. I just told him to go after Renz and don't care about me. That isn't the smartest thing to do when you're trying to win someone's heart. Ipinagtulakan ko siya sa karibal ko. Tanga na kung tanga pero hindi ko kayang tiisin si Kyle. Alam kong nahihirapan siyang magdesisyon. Patunay lamang ang tahimik niyang pag-iyak habang yakap ko siya. Lalo kong hinigpitang ang kapit sa kanya upang pakalmahin ang kanyang mga nararamdaman.
Gaano katagal na nga ba akong umiibig sa taong ito? Hindi ko alam kung anung gayuma ang meron si Kyle pero sa pagdaan ng mga taon ay lalo ko lamang siyang iniibig. I don't think i'll ever love someone as much as i love him. Hindi man kami ang magkakaroon ng happy ending ay masaya ako kung makikita ko siyang masaya.
Martir. Iyon ata ang tawag sa mga katulad ko. Mga taong walang sawang nagsasakripisyo para sa mga taong mahal nila. Sana lang ay dumating din sa akin yung pagkakataon na magagawa kong mag-move on para mahanap yung sarili kong happiness. O kaya sana sa ikalawang buhay kami naman ni Kyle ang magkaroon ng chance na maging masaya, yung ako naman ang mas pipiliin niya. Sana may time pa din siya para sa akin kahit sila na ni Renz, sapat na sa akin yung minsang pagco-coffee ng magkasama, 15 minutes na kwentuhan, o kaya kahit chat na lang sa facebook o skype. Sana ako na lang si Renz. Sana ako na lang yung mahal niya. Sana ako na lang ang piliin niya.
Napakaraming 'sana' na hindi ko alam kung magkakatotoo pa. Hindi ko na namalayan ang pamimigat ng talukap ng aking mata.
----------------------
Maganda ang naging panaginip ko ng gabing iyon. Tila lahat ng pangarap ko ay isa-isang natutupad sa panaginip ko. Nagising lang ako ng makarinig ng shutter ng camera. Agad kong kinusot ang aking mata, at tiningnan ang direksyon na pinanggalingan ng ingay na gumising sa akin.
"Good morning!", nakangiting bati sa akin ni Kyle.
"Piniktsuran mo ba ako?", medyo kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Oo, remembrance lang.", magiliw nitong sagot. Masayang-masaya ito at parang hindi umiyak kagabi. Marahil ay excited na itong makabalik ng Maynila. Nakatulong din siguro sa kanya yung mga sinabi ko bago matulog para makapag-desisyon. May kurot akong naramdaman sa aking puso sa realisasyong maaring ito na ang huling araw na magiging ganito kami ka-close.
"Patingin nga, baka naman nakanganga pa ko dyan.", nahihiya kong sabi. Hanggat maaari ay ayaw ko munang problemahin ang naging desisyon ni Kyle, mas tama siguro na mag-enjoy na lang ako hanggat magkasama pa kami.
"Hindi ah, pogi kaya.", sagot ni Kyle. Napangiti naman ako sa kanyang papuri.
"Talaga? Tara nga dito payakap.", pambubuyo ko sa kanya. Walang atubili naman itong lumapit at niyakap ako sabay halik sa aking pisngi na ikinagulat ko.
"Tara na, kain na tayo sa baba. Tatanghaliin na tayo masyado.", aya niya sa akin. Sinagot ko lamang siya ng isang matamis na ngiti.
Sabay kaming kumain ni Kyle, sa huling pagkakataon ay masaya kaming nag-usap habang kumakain. Matapos iyon ay naligo na kami at nag-ayos na ng kanya-kanyang gamit. Medyo malungkot kaming nagpaalam kay Manang Delia at nangakong babalik kami sa islang iyon kapag nagkaroon ng time.
Hindi na ako nagpasundo pa sa aking driver. Pinili na lang namin na mag-bus na lamang pabalik ng Maynila. Habang nasa bus ay walang tigil ang kwentuhan at kulitan namin ni Kyle. Binubusog ko naman ang aking sarili sa mga ngiti at halakhak ni Kyle dahil alam kong matatagalan bago kami muling magkasama ng ganito. Nang mapagod ay hinayaan kong matulog si Kyle nang nakasandig ang ulo sa aking balikat. Hindi na ako nag-abalang matulog pa, mas gusto kong panuorin na lang si Kyle sa huling pagkakataon.
May mga napapatingin at napapataas ng kilay sa aming ayos ni Kyle pero wala akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam sa nangyayari sa aking paligid. Malaya kong pinagmamasdan ang taong mahal ko. Kung maaari lamang na itigil ang oras ay gugustuhin kong mapako na lamang kami sa mga sandaling ito.
Madilim na ng makarating kami ni Kyle sa Maynila. Sinabi nito na uuwi siya sa kanila sa Bulacan kaya hinatid ko siya sa Terminal ng bus na sasakyan nya.
"Huwag mo na ako hintayin sumakay kasi baka magpuno pa yung bus bago umalis. Lalo ka lang gagabihin.", wika ni Kyle.
"Okay lang, mag-cab lang naman ako pauwe. Antayin na kita makaalis.", pagtutol ko dahil pilit kong pinapahaba ang nalalabing mga minuto na magkasama kami.
"Bahala ka, tara yosi muna tayo dun. Mukhang matagal pa bago mapuno yung bus.", yaya sa akin ni Kyle.
Magkasama naming tinungo yung smoking area at nagkwentuhan habang hinihithit ang kanya-kanyang sigarilyo. Wala na ang atensyon ko sa mga sinasabi ni Kyle. Napako lamang ang aking tingin sa kanya habang nakangiti siyang nagsasalita. Pilit kong ipinipinta sa aking alaala ang itsura niya habang masaya akong kausap.
Tahimik ring nagtatalo ang isip at puso ko. Nais ng puso kong pigilan si Kyle at magmakaawa na ako na lang ang mahalin niya. Ipinipilit naman ng utak ko na panindigan ang ginawa kong pagpaparaya kay Kyle para sa ikaliligaya nito.
"Yun na yung bus na sasakyan mo di ba? Paalis na ata, sumakay ka na.", pagtataboy ko sa kanya bago pa man ako may masabi na lalong magpapagulo sa sitwasyon.
"Puno na eh. Sa susunod na lang.", matamlay nitong sagot sa akin. Medyo naguluhan naman ako dahil tanaw ko na may ilan pang bakanteng upuan sa bus. Gayunpaman ay hindi na ako nagsalita pa. Kahit papaano kasi ay nadagdagan pa ang mga sandaling magkasama kami.
Inaya ko siyang maupo sa isang bench habang hinahantay ang susunod na bus. Hindi na kami gaanong nagsasalita o nagtitinginan. Wala akong ideya sa kung anu ang maaaring tumatakbo sa kanyang isip. Ayaw ko naman magbukas pa ng anumang topic na pag-uusapan, kuntento na akong magkatabi kaming nakaupo habang naghihintay ng bus.
Nagulat na lang ako nung hawakan ni Kyle ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at napangiti pero hindi siya nagbaling ng tingin sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay habang nakatingin ako sa malayo at inaaliw ang sarili sa panonood ng mga taong nagdadaan.
Alam kong tinotorture ko lamang ang aking sarili sa aking mga ginagawa. Hindi ko naman na maiiwasan na maghiwalay kami ni Kyle. Hindi ko siya masisisi dahil ako mismo ang nagsuko sa kanya kay Renz at ipinagtabuyan siya dito. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang malungkot. Yung pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa iyong dibdib at hindi mo magawang huminga ng maayos.
Dumaan muli ang pangalawang bus pero hindi sumakay si Kyle. Nanatili lamang siyang nakaupo at nakahawak sa akin. Hindi na rin ako nag-abala pang pauwiin siya dahil ayaw kong ipagdamot sa sarili ko ang mga natitirang sandali namin. Wala pa rin kaming kibuan. Kuntento na kaming magkahawak lang ang kamay.
Dumaan ang pangatlo, pang-apat, pang-lima, at ilan pang byahe ng bus pero pinalagpas lang iyong lahat ni Kyle, hanggang sa inanunsyo na ang last trip nung byaheng pa-Bulacan.
"Sakay ka na Kyle. Last trip na ata yun.", turan ko sa bus na nagpupuno ng pasahero.
"Paano ka?", mahina nitong tanong.
"I'll be fine.", pagsisinungaling ko.
"Magkita pa naman tayo bukas di ba?", tanung nito.
"Oo naman. Magpapa-clearance ka pa sa office di ba? Pwede naman tayo mag-lunch kasama si Sam.", pangungumbinsi ko para umuwi na ito. Ayaw ko naman na gabihin pa siya masyado dahil mag-aalas dyes na rin naman. Isa pa ay matagal na din kaming nakaupong magkasama sa bench na iyon.
"Ok. Ingat ka pauwi ah. Text mo ko kapag nasa bahay ka na.", paalam nito. Ngumiti lamang ako at tumango. Parang pagod na ako masyado para magsalita.
Naglakad kami patungo sa bus na sasakyan niya. Nanatili lang akong nakatayo sa terminal habang umuusad paalis ang bus na sinasakyan ni Kyle. Nakita ko sya nang tumapat sa akin ang bintana kung saan siya nakaupo. Kumaway ako bilang pamamaalam.
Lulugo-lugo akong naglakad palayo sa terminal at nag-abang ng taxi pauwi.
****Renz****
12:42 am, Monday
July 13
Ilang gabi na din akong lango sa alak. Matagal na ring panahon mula nang mag-inom ako ng ganito. Pilit kong nilulunod sa alkohol ang nararamdaman kong selos. I feel betrayed. Alam kong wala akong karapatan para angkinin si Kyle pero hindi ko mapigilan ang magngitngit sa isiping magkasama sila ni Aki at hindi man lang sinabi sa akin ni Kyle.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko, kaya ako lalalong naiinis. Hindi ko alam kung paano ko susuyuin si Kyle. Gusto kong sabihin sa kanya na ako na lang ang mahalin niya dahil hindi ko siya sasaktan at paiiyakin pero kabaligtaran iyon sa mga nagawa ko sa kanya noon.
Regrets. Nag-uumapaw ang nararamdaman kong panghihinayang. Napakaraming oras at pagkakataon ang sinayang ko. Napakaraming bagay at tao ang hindi ko pinahalagahan noon kaya nawala sa akin. Isa na roon si Kyle.
Hindi ko sukat akalain na mapapamahal ako ng ganito sa mataba kong bespren. Yung lagi kong kasama sa tuwing gigimik ako. Yung laging sumusaway sa akin sa mga kalokohan ko. Hindi ko inisip na mahal ko na siya noon dahil malayo siya sa trophy boyfriend na gusto ko. I keep on looking for the perfect guy, i missed the chace to be with the right guy.
At nung ma-realize kong gusto ko siya ay huli na ang lahat. Pinili niya ng lumayo. Ngayong nagbalik na siya, i don't know where i stand. Hindi ko alam kung ako pa din ba yung Renz na crush nya, na mahal niya, na bestfriend niya.
Knowing that he's with Aki now just makes me feel more hopeless. Anu namang laban ko dun. Do i deserve Kyle better than him?
Despite the odds, i refuse to give up. Kumakapit ako sa katiting na posibilidad na baka mahal niya pa din ako. Baka sakaling kami ang magkasama sa isang happy ending.
Natigil ang aking pagmumuni-muni ng umilaw ang aking cellphone. May nagtanggap akong text mula sa isang unregistered number.
"Nakabalik na sila Kyle. -Lui"
****Kyle****
11:32 am, Monday
July 13
Tanghali na nang magpasya akong bumangon sa aking kama dahil hindi maganda ang aking pakiramdam. Pasado alas onse na ako dumating sa bahay kagabi at inabutan pa ako ng malakas na ulan sa daan. Halos maligo ako sa ulan habang binubuksan ang gate ng aming bahay kagabi kaya ako nilalagnat ngayon.
Nakatulugan ko na rin ang paghihintay ng text ni Aki. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi o kung nakauwi ba siya ng ligtas.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din kung gaano kahigpit ang hawak niya sa aking kamay bago kami maghiwalay kahapon. Ilang oras rin kaming nakatambay sa terminal ng bus bago ako nagpasyang umalis. Alam kong magkikita pa kami pero parang hindi ko siya magawang iwan. Natatakot ako na baka kapag bumalik ako sa opisina nila ay hindi ko na siya madatnan pa roon at nagpakalayu-layo na uli siya.
Agad kong hinagilap ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Aki para siguruhing hindi siya bigla na lang mawawala at para na rin sabihing hindi ako makakapunta sa opisina ngayon. Naka-ilang dial na ako pero hindi ko makontak si Aki. Hindi ko alam kung low bat lang sya o walang signal sa kinaroroonan niya. Ite-text ko na lang sana si Sam nang may kumatok sa aking pinto.
"Anak, gising na tanghali na.", wika ng aking ina sabay bukas ng pinto. "Gising ka na pala eh, bakit ayaw mo pa bumaba para kumain?", patuloy nito.
"Kakagising ko lang po, susunod na po ako.", matamlay kong sagot.
"Medyo maputla ka anak, may sakit ka ba?", alala nitong tanong.
"Para pong ta-trangkasuhin ako. Naulanan kasi ako kagabi tsaka sa pagod din po."
"Hala, bumangon ka na dyan. Ihahanda ko na yung pagkain mo para makainom ka na ng gamot. Sumunod ka na agad sa akin sa baba.", dire-diretsong sabi ni mama saka lumabas ng kwarto.
Nagpalit naman ako ng damit at naghilamos, para makakain na ako at makainom ng gamot. Ayaw kong lumala pa ang aking pakiramdam. Nais kong bumuti na ang lagay para magkita na kaming muli ni Aki.
Matapos kumain ng pananghalian ay nagpaalam ako na babalik na sa kwarto para makapagpahinga na. Nagkakagulo din kasi ang mga kapatid ko sa uwi kong ilang pasalubong sa kanila at nakadaragdag lang iyon sa sakit ng ulo ko.
Nang makabalik ako sa kwarto ay hinarap ko ang aking laptop. Nag-check lang ako ng email at facebook para tingnan kung mayroon akong importanteng mensahe. Habang nagbabasa ako ng email ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng chatbox ng facebook.
Lui: skype ka dali.
Agad naman akong tumalima dahil ilang araw ko ring hindi nakausap si Lui. At ngayong napakaraming nangyari sa nakalipas na isang linggo ay alam kong kailangan ko ng isang kaibigang makakausap.
"Okay ka lang?", bungad sa akin ni Lui ng bumungad ang aking mukha sa screen ng kanyang laptop. Marahil ay napansin nito ang aking pamumutla at panlalata.
"Magkaka-trangkaso ata ako eh.", matamlay kong sagot.
"Bakit? Pinahirapan ka ba masyado ng boss mo?", nag-aalala nitong usisa.
"Hindi, naulanan lang ako kagabi habang pauwi. May pasalubong pala ako sa'yo. Bigay ko na lang kapag nagkita tayo.", pag-iiba ko ng topic.
"Okay.", maikling sagot ni Lui. Nanibago naman ako sa pagiging tahimik nito. Normally, sasabihin nitong sweet ako sa tuwing bibigyan ko siya ng anumang bagay. Pansin ko rin na parang hindi siya mapakali.
"May problema ba Lui?", agad kong tanong na lalo lang nagpabalisa sa kanya.
"Wala ah.", pagtanggi nito pero huli ko na sya. Alam kong may itinatago siya sa akin base sa kanyang ikinikilos.
"Sinungaling. Parang hindi kita kilala. Anu ngang nangyare? Ginugulo ka ng ex mo? Buntis na ba?", biro ko sa kanya para ma-relax siya ng konti.
"Hindi, wala na akong pakialam dun. Alam ko nga may bago na yung dine-date."
"Nag-seselos ka?"
"Asa. Hindi. Anu kasi. Nadulas ako.", kita ang kaba sa kanyang pagsasalita.
"Nabagok ulo mo?", natatawa kong tanong. Nagmumukha na kasi siyang timang sa inaakto niya.
"Huwag kang magagalit ah.", napakunot noo naman ako sa kanyang sinabi. "Nadulas ako kay Renz. Nasabi ko atang boss mo si Aki at magkasama kayo nagbabakasyon."
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Pakiramdam ko ay lalong tumaas ang lagnat ko at kailangan ko ng ilang patong ng kumot para mawala ang panginginig ko.
"Ata?!?! Nasabi mo ata!?!?!", hindi ko maiwasang mapasigaw sa narinig. Agad pumasok sa isip ko ang problemang ginawa ni Lui.
"Relax lang Kyle.", pagpapakalma sa akin ni Lui. Halatang nagulat ito sa outburst ko.
"Relax mong mukha mo!!!! Naisip mo ba kung anung ginawa mo Lui?!?!", galit ko nang sabi.
"I know! Kasalanan ko. Hindi ko naman sinasadya. Nadulas lang talaga ako. Sorry na.", paghingi nito ng paumanhin.
"Sorry mong mukha mo!!! Kapag nagkita tayo hindi ka lang madudulas, itutulak pa kita sa harap ng rumaragasang tren ng MRT.", naiinis kong wika. Pagkasabi noon ay sinarado ko na ang skype account ko dahil sa sobrang inis. Ni-log out ko na din ang aking fb account dahil paniguradong dun naman ako kukulitin ni Lui.
Masyado pang mainit ang ulo ko at ayaw kong may masabi pa akong di maganda sa kanya, mabuti nang hindi ko muna siya kausapin sa ngayon. Napahiga na lamang ako sa aking kama, hawak ang aking cellphone. Parang biglang umikot ang aking buong paligid dahil sa mga sinabi ni Lui.
Hindi ko sinabi kay Renz na nagkita na kaming muli ni Aki dahil sa estado noon ng pakikitungo sa akin ni Aki. Alam kong magre-react si Renz sa mga ginagawa ni Aki at ayaw ko na mapasama ang tingin ni Renz kay Aki. Ang plano ko talaga ay sabihin na lamang ito oras na magtanong sya tungkol dito, na hindi naman nangyare, o kaya ay kapag nagka-ayos na kami ni Aki. Nung huli kaming magkita ni Renz ay hindi ko na rin ito nasabi dahil paalis na din naman ako sa kumpanya nila Aki noon kaya naisip kong hindi na siguro importante pang malaman nito ang muli naming pagkikita ni Aki.
Pero ngayong alam na niya na magkasama kami ni Aki ay di ko lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa utak ng aking bestfriend. Mas lalong naging mahirap na sabihin sa kanya na si Aki ang mahal ko. Ayaw kong isipin niya na pinaglaruan ko lamang siya all this time kaya hinayaan ko siyang manligaw. Hindi ko intensyon na gantihan si Renz sa mga nagawa niya noon at hanggat maaari ay gusto kong maging magkaibigan pa din kami sa oras na sagutin ko si Aki.
Napahawak na lamang ako sa aking sentido ng maramdaman ko ang pagpitik ng ugat roon. Lalong sumasama ang aking pakiramdam dahil sa pag-iisip. Nagulat pa ako ng tumunog ang aking cellphone. Sa pag-aakalang si Aki na yung nagtext ay agad akong napatingin sa aking phone.
Lui: Kyle, i understand kung gusto mo na kong patayin. I'm really sorry, hindi ko talaga sinasadya. It's not my intention to make things worse for you. Sorry talaga. And i guess you have to know na kinulit din ako ni Renz na ibigay yung address mo dyan sa Bulacan. Wala na talaga akong nagawa nung harangin niya ako sa daan at kulang na lang ay mag-eskandalo. Sorry talaga. Saka mu na lang ako puntahan para patayin kasi any minute now andyan na si Renz. Get well soon...
Hindi pa ako halos tapos na basahin ang text ni Lui nang marinig ko ang boses ng aking ina.
"Anak pwede bang bumaba ka saglit, may naghahanap sa'yong kaibigan mo.", parang gusto ng mabiyak ng ulo ko sa mga nangyayare. Humanda talaga sa akin si Lui kapag nagkita kami.
Pinagdarasal ko na lang na hindi si Renz ang naghahanap sa akin kasi hindi ko alam kung paano siya haharapin. Labag man sa aking loob ay pilit akong bumangon. Kung si Renz man ang naghahanap sa akin sa baba ay hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan na lang siya dahil baka lalo lang sumama ang loob niya.
Kalma lang Kyle... Kaswal lang... Huwag masyado magpahalata na guilty... , bulong ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim saka tinungo ang aming salas. Hindi nga sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan tayo ng Diyos sa ating mga hiling dahil nakaupo sa sofa namin si Renz habang kausap ang aking ina. Napalunok naman ako ng laway dahil sa pakiramdam ko ay bibitayin na ako.
"Hey...", yun lang ang nasabi ko nang magtagpo ang tingin namin ni Renz. May sasabihin pa sana ako pero nasamid ako at di na nakapagsalita.
"Kamusta? Bigla ka na lang nawala ah.", magiliw na sagot sa akin ni Renz. Wala namang bahid ng sarkasmo sa tono nito. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong kabahan sa pagiging kaswal nito. Napangiti na lang ako ng hilaw at dahan dahang lumapit sa kanyang kinaroroonan.
"Okay naman, medyo nilalagnat lang.", sagot ko.
"Anak iwan ko muna kayo ng kaibigan mo para makapaghanda ako ng meryenda ninyo.", paalam ng aking ina. Tumango lamang ako at naupo sa sofa na medyo malayo kay Renz.
Halos sampung minuto din kaming tahimik na nagtitigan lang ni Renz. Gusto kong magsalita para di maging awkward ang sitwasyon namin pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"Kailangan talaga malayo ang uupuan? Naligo naman ako at nag-tooth brush.", natatawang biro ni Renz matapos ang mahabang katahimikan.
"Hindi, baka kasi mahawa ka sa akin. Medyo may lagnat ako ngayon.", palusot ko. Ang totoo ay naiilang ako na maging malapit sa kanya ng mga oras na iyon.
"Hindi naman ako sakiting tulad mo no. Dito ka na lang please.", sagot nito sabay tapik sa bakanteng pwesto sa tabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang lumipat at tumabi sa kanya. Hindi na ako tumutol pa dahil ayaw ko namang maghinala siyang umiiwas ako sa kanya.
"Bakit pala napasugod ka dito?", inosente kong tanong.
"Wala naman. Namiss lang kita. Tsaka ang tagal na nating magkakilala hindi pa ako nakakapunta sa inyo kaya naisipan kong bumisita.", paliwanag ni Renz. "Kamusta pala yung paga-out of town mo?"
"Ayun medyo nakakapagod.", maiksi kong sagot. Hindi naman na ata tamang ikwento ko pa yung mga ginawa namin ni Aki doon.
"Iho kumain ka muna ng sandwich oh.", ipinagpasalamat ko naman ang pagdating ni mama. At least nakaiwas ako pansamantala sa mga tanong ni Renz.
"Salamat po Tita, nag-abala pa kayo.", magalang na sabi ni Renz.
"Ay nako wala iyon. Bihirang-bihira lang naman kasi magkaroon ng bisita itong panganay ko, nakakahiya naman kung magugutom ka di ba?", panimula ng aking ina habang inilalapag ang dala niyang sandwich sa lamesa.. Alam kong siya na ang babangka sa kwentuhan at sa unang pagkakataon ay ipinagpasalamat ko ang pagkamadaldal nito. "Taga-manila ka ba Renz?"
"Mandaluyong po."
"Hmmm... Ikaw pa lang ata kasi yung pangalawang kaibigan ng anak ko sa Manila na nakapunta dito. Sino nga yung una anak? Aki nga ba pangalan noon? Nasaan na iyon? Bakit hindi na nabalik dito?", usisa ng aking ina. Agad ko naman binawi yung pagpapasalamat ko sa kadaldalan ng aking ina. Parang lalo akong iginigisa sa sarili kong mantika nang banggitin nitong nakapunta na rito si Aki noon. Wala naman akong napansin na pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Renz nang marinig ang pangalan ni Aki. Kaswal lang itong nakikinig kay mama.
"Opo. Busy na po iyon.", maiksi kong sagot ayaw kong pahabain pa ng aking ina ang pakekwento tungkol kay Aki.
"Ah ganun ba. Sabihin mo kapag may time siya, pasyal sya uli dito sa atin. Kilala mo ba yung gwapong bata na iyon Renz?", baling ni mama sa aking bisita.
"O-opo.", maiksing sagot ng kausap ni mama.
"That's good sumama ka na din kapag bumalik dito yung Aki. Ipagluluto ko kayo. Next month sana kayo bumalik kasi fiesta dito, tyak na madami kayong magugustuhan na mga kababaihan dito. Isama nyo na din tong anak ko sa pangchi-chix para makapag-asawa na.", walang prenong litanya ng aking ina habang tumatawa.
"Ma, hindi kami makapag-usap.", medyo naiinis ko ng putol sa pagbangka ni mama. Mukhang lalo lang akong mapapasama kung ipapaubaya ko kay mama ang pagke-kwento.
"Ay oo nga, hahahaha sorry iho. Natutuwa lang talaga ako na binisita mo yung anak ko. Pakiramdam ko kasi nawala na yung social life nito simula nung ma-broken hearted 2 years ago. Grabe yun! Buti na lang hindi siya suicidal, pero mula noon, aral-bahay o kaya trabaho-bahay na lang siya. Natatakot nga akong tumandang binata to eh, alam mo na sayang ang genes.", paglilitanya ng aking ina. Pakiramdam ko ay pinagtitripan ako nito dahil yung mga sensitibong bagay pa talaga ang naisip nitong ikwento sa harap ni Renz.
Wala namang alam ang aking ina kung tutuusin sa nangyari sa akin noon. She just came up with the conclusion na brokenhearted ako dahil sa paglayo ko 2 years ago. Tama ang hinala niya pero hindi niya alam na ang kausap niya ng mga oras na iyon ang dahilan ng pagkawala ko.
"Ma....", muli kong pagpapatigil sa aking ina. Medyo naaalarma na ako sa maaari pa nitong ikwento kapag di ko pa siya inawat.
"Oh sige na! Mag-usap na kayo. Makikinig lang ako.", protesta ng aking ina nang mapansing pinapaalis ko na siya.
"Renz, tara sa kwarto na lang tayo. Kukulitin ka lang dito ni mama.", pag-aya ko kay Renz. Mas lalong hindi ko kayang makipag-usap kay Renz ng nakikinig si mama. Close kami ni Mama pero hindi ko ugaling magkwento ng mga bagay tungkol sa pag-ibig dahil di pa naman ako umaamin sa bahay.
"KJ mo anak. Paano ka makakahanap ng mapapangasawa mo kung lagi kang ganyan?", pang-aasar ng aking ina habang naglalakad na ako palayo.
"Utang na loob ina, lalong sumasakit ang ulo ko sayo.", reklamo ko.
"Nako may regla ka na naman.", banat pa nito.
"Ma!!!!!!", ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa mga sinasabi ni Mama. Kita ko naman ang pagpipigil ni Renz ng tawa sa mga pinagsasasabi ni mama.
"O sya, bahala kayo. Renz, anak, dito ka na maghapunan ha? Magpapahanda na lang ako ng early dinner para hindi ka masyado gabihin sa daan.", imbita ni Mama.
"Thank you po Tita.", pasasalamat nito.
"Tara na!", medyo inis ko nang sabi kay Renz. Nagpatiuna na ako sa paglalakad patungo sa aking kwarto bago pa may masabing kalokohan muli si Mama.
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Lalo kasing sumakit yung ulo ko at pakiramdam ko ay mabubuwal ako sa pagkahilo.
"Are you ok?", tanong sa akin ni Renz habang sinasara ang pinto.
"Yeah. Nahihilo lang talaga ako.", paliwanag ko. "Pwede ba ako umidlip saglit?", paalam ko kay Renz dahil pakiramdam ko ay masusuka talaga ako kapag pinilit kong tumayo o makipagkwentuhan pa sa kanya.
"Sige lang, magpahinga ka na. Pasensya ka na wrong timing pa yung pagbisita ko sayo.", paumanhin nito.
"Wala yon. Make yourself comfortable. Ayun yung laptop ko kung gusto mo mag-net, may mga dvd din ako dyan kung gusto mong manuod na muna.", suhestyon ko para hindi sya mabagot habang umiidlip ako.
"Hindi na, matutulog na lang din ako. Pwede patabi?", tanong nito habang nakangisi sa akin. Hindi ko naman malaman kung anu ang tamang isagot. Gusto kong tumanggi sana pero ayaw ko naman na sumama ang loob niya. Dati naman na kasi kaming nagtatabi sa pagtulog at tiyak na mapapansin niya kung bigla na lang ako tatanggi ngayon.
"Baka mahawa ka sa akin.", wika ko. Yun lang kasi ang valid na dahilan ko para hindi kami magtabi ngayon.
"Hindi yan. Tabi na tayo, para mabantayan kita.", sabi ni Renz habang naghuhubad ng sapatos. Hindi na ako tumutol pa at hinayaan na lang siya na tumabi sa akin.
Agad ko namang ipinikit ang aking mga mata para makatulog na. Habang nakapikit ay ramdam ko ang marahang paghiga ni Renz at ang unti-unti nitong paglapit sa akin. Kusa naman akong kumilos para bahagyang lumayo sa kanya. Parang sa isang iglap ay naging awkward para sa akin ang maging ganito kalapit sa katawan ng best friend ko samantalang dati ay ganito ang gustong-gusto kong mangyari.
"Giniginaw ka ba? Parang nanginginig ka.", bulong sa akin ni Renz nang mapansin ang pangangatog ko. Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko ang marahang pagbalot ng kanyang braso sa akin.
"Renz baka biglang pumasok si Mama.", naiilang kong sabi. Ayaw ko naman na mahuli kami sa ganitobg posisyon ng sinumang nasa bahay. Hindi rin ako komportable na niyayakap ako ng ganito ni Renz dahil pakiramdam ko ay lalo ko lamang siyang pinapaasa. Pakiramdam ko din ay nagtataksil ako kay Aki kahit na hindi pa kami ay nilalaan ko na ang sarili ko sa kanya.
"Saglit lang please. Sobra lang kitang nami-miss.", dama ko ang pagsusumamo sa kanyang boses. Gusto kong tanggalin na ang kanyang mga braso pero alam kong oras na gawin ko iyon ay labis kong masasaktan si Renz, lalo niyang mararamdaman na lumalayo ako sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap ng sitwasyon namin, lagi na lang magulo at kumplikado. Dahil sa nararamdaman kong sakit ay mabilis din akong nakatulog. Hinayaan ko na lang si Renz na yakapin ako ng ganito. Maaaring ito na lang din ang huling pagkakataon na magiging ganito kami kalapit sa isa't-isa. Mamaya ay kakausapin ko na siya tungkol sa aking nararamdaman at sa panliligaw niya.
****Renz****
2:11 pm, Monday
July 13
Mahimbing nang natutulog si Kyle habang mahigpit ko siyang yakap. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan. Sinubukan ko ding matulog ngunit hindi ko magawa dahil sa mga bagay na tumatakbo sa aking isip.
Nung mga panahong magkasama sila ni Aki ay pinag-isipan kong mabuti ang aking gagawin. Hindi naman kasi ako maaaring magalit sa kanya tungkol sa paglilihim niya sa pagtatrabaho sa kumpanya nila Aki, una dahil hindi ko naman siya kasintahan at nanliligaw pa lang ako. Pangalawa ay magkaibigan talaga sila ni Aki kaya walang dahilan para iwasan niya ito o para tanggihan ang trabahong inalok nito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya ito nabanggit sa akin.
Gayunpaman ay napagpasyahan ko na palampasin na lang iyon. Wala naman kasing magandang maidudulot ang pagmumukmok ko sa pagsisikreto ni Kyle. Naisip ko na surpresahin na lamang siya para makabawi ako sa mga araw na hindi kami magkasama. Hindi pa ako kailanman nakakapunta sa bahay nila sa Bulacan kaya nang makita ko kanina si Lui sa daan ay kinulit ko ito na ibigay sa akin ang address nila Kyle. Nakumbinsi ko naman ito at heto ako ngayon yakap-yakap ang taong mahal ko.
Pero parang ako yata ang mas na-surpresa sa aking pagbisita. Kahit kasi hindi sabihin ni Kyle ay nararamdaman kong may malaking nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Kita ko kung paano siyang nag-alinlangan kanina na tumabi sa akin sa sofa, ramdam ko na naiilang siyang yakapin ko siya habang natutulog siya, at alam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero natatakot lang siya. Kita ko ang mga bagay na iyon sa kanyang mga mata.
Ayaw kong isipin na nangyari na ang kinatatakutan ko, na may iba ng mahal si Kyle, pero alam kong kailangan ko itong harapin. Wala akong maisip na ibang taong magugustuhan ni Kyle maliban kay Aki. Naging ganito lang din naman siya kabalisa nung makauwi siya mula sa outing nila ni Aki.
Hindi ko alam kung kaya kong pakawalan o ipaubaya na lang si Kyle. Ayaw kong makita siya sa piling ng iba. Gusto kong ako lang ang nagpapangiti sa kanya.
Pero paano kung huli na ang lahat? Paano kong nasayang ko na yung chance ko nung masaktan ko siya noon? Paano kung hindi na ako mabigayan pa ng second chance? Paano kung siya na mismo ang gusto akong lumayo? Ipipilit ko pa din ba ang sarili at pag-ibig ko?
Lungkot.
Selos.
Panghihinayang.
Pagsisisi.
Halo-halo na ang nararamdaman ko. Isiniksik kong lalo ang aking sarili kay Kyle. Gusto kong sulitin ang mga pagkakataon na malaya ko siyang mahahagkan. Ipinikit ko ang aking mata, at kuntentong pinakinggan ang paghinga ni Kyle hanggang sa ako rin ay makatulog na.
****Aki****
2:40 pm, Monday
July 13
Buong araw akong hindi mapakali sa opisina dahil sa hindi pagpasok ni Kyle. Maaga akong dumating kaninang umaga sa pag-asang maaga ring darating si Kyle, pero agad nabawasan ang sigla ko ng mapansing bakante ang kanyang lamesa. Inisip ko na lamang na baka napahaba ang kanyang tulog kaya hindi nya nagawang pumasok ng maaga.
Nang pasado alas-otso na at wala pa ring Kyle na lumilitaw ay nagpasya akong tawagan na siya ngunit nakalimutan kong mag-charge ng phone at namatay na ang baterya nito. Tinanong ko si Sam kung may balita siya kay Kyle pero maging ito ay clueless kung bakit wala pa ang kaibigan. Sa pag-aakalang magha-half day ito ay hindi na ako nag-abala pang tawagan siya.
Kahit na nalulungkot ako na ito na ang huling araw ni Kyle sa trabaho ay nasasabik pa din akong makita siya. Kahit sana sa huling pagkakataon ay mapakisamahan ko siya ng maayos sa loob ng opisina.
Tila noon ko lang din napansin kung gaano kasipsip sa akin si Lyka. Marahil ay masyado na itong naging komportable at kaswal na kaswal ng kumilos sa harap ko na tila siya ang boss. I decided to give her the cold shoulder para na din maitama ang mga kamalian ko noon. I'm sure that she's still under the impression na gusto ko siya.
Ginawa ko na lamang abala ang aking sarili sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa aking lamesa. Hindi ko na namalayan ang oras dahil doon at natigil lamang ako ng ayain ako ni Sam na mag-lunch. Ayon dito ay hindi pa rin daw dumadating si Kyle. Mukhang hindi ito papasok ngayong araw, hindi ko naman mapigilang mapaisip at mag-alala.
Dahil sa pakiramdam ko ay hindi ko na magagawang magtrabaho hanggang hindi nasisigurong okay si Kyle ay nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila sa Bulacan.
Natatandaan ko pa naman ang daan papunta roon. Nagbilin lang ako ng ilang bagay kay Sam at umalis na ako ng opisina. Nang makarating ako sa bahay nila ay sinalubong ako ng ina nito.
"Good afternoon po Tita.", bati ko sa mama ni Kyle.
"Good afternoon din, ikaw yung kaibigan ni Kyle di ba? Yung nagpunta dito noon?", nangingilalang tanong sa akin ng ginang.
"Opo, ako po iyon. Aki po name ko.", magiliw kong sagot.
"Ang gwapo mo pa din iho ha? Halika pumasok ka at masyadong mainit dito sa labas.", pinagbuksan ako nito ng gate at saka ako hinatid papasok ng bahay.
"Tita, andyan po ba si Kyle?", hindi ko na mapigilang itanong sa kasama ko.
"Ay oo, nandoon siya sa kwarto niya. Pumasok ka na lang doon, alam mo naman kung saan iyon diba?", tumango naman ako bilang sagot. "Sige puntahan mo na lang siya doon. Medyo masama kasi ang pakiramdam niya kaya nasa kwarto lang. Ipaghahanda ko lang muna kayo ng meryenda.", paalam ng ginang at dumiretso na sa kusina.
Nang makaalis ito ay tinahak ko na ang hagdan papunta sa kwarto ni Kyle. Wala naman gaanong nagbago sa bahay kaya madali kong natunton ang kwarto nito. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
Bahagya pa lamang nakaawang ang pinto pero agad na akong napatigil sa aking kinatatayuan. Mahimbing na natutulog si Kyle sa kama nya habang yakap-yakap siya ng tulog ring si Renz. Mabilis kong isinara ang pinto bago pa man sila magising. Tahimik akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Agad ko namang nakita ang aking hinahanap.
"Ti-tita, tulog po pa-pala si Kyle. Babalik na lang po ako s-sa ibang araw. M-may emergency po kasi sa bahay.", nauutal kong pagpapaalam sa mama ni Kyle.
"Sayang naman, namiss ko pa naman makipagkwentuhan sayo. Babalik ka dito ha?", paniniguro ng mama ni Kyle.
"Syempre naman po."
"O sige, mag-ingat ka pauwe.", bumeso lamang ako sa matanda at hinatid na ako nito palabas ng bahay.
Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 24]
By: Crayon
****Aki****
5:17 pm, Monday
July 13
Tahimik akong nagdra-drive sa kahabaan ng Nlex pabalik ng Maynila. Hanggang ngayon ay parang namamanhid pa din ang buo kong katawan dahil sa dinatnang eksena sa kwarto ni Kyle.
Mukhang iyon ang dahilan kung bakit hindi nagawang pumasok ni Kyle ngayon sa opisina. Masyado niya atang na-miss si Renz kaya mas ginusto niyang matulog na lang maghapon kasama ito. Kung tutuusin ay magpapa-clearance na lamang siya sa opisina ngayon kaya okay lang kung hindi siya pumasok. Ako lang naman talaga ang nagpupumilit na makita siya ngayong araw.
He looks happy sleeping with the man he loves. Parang kailan lang ay ako yung nakayakap at nagbabantay sa kanya habang natutulog. Unti-unting tumulo ang mga luhang kanina ko pang nilalabanan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang iniyakan.
Hindi ako galit kay Kyle sa pagkakataong ito. Alam kong sinisikap niya na hindi ako masaktan sa mga desisyong gagawin niya. Hindi ko rin siya masisisi dahil ako mismo ang nagtulak sa kanya na si Renz na lang ang piliin. Nasa isla pa lang kami noon ay inihanda ko na ang aking sarili na pakawalan si Kyle. Noon pa lang ay kinukumbinsi ko na ang aking puso na hindi ako ang mahal niya at dapat kong matutunang tanggapin iyon.
Pero kahit anong paghahanda ang gawin ko ay di ko rin naiwasang masaktan. Nang makita ko siya kanina ay parang gumuho ang mundo ko. Balewala ang ilang oras kong pag-iisip noon kung paano tatanggapin na wala na si Kyle. Siguro ay pagkakamali ko rin na nagtira pa ako ng kaunting pag-asa na baka magbago pa ang isip niya at ako ang kanyang piliin.
Medyo nanlalabo ang aking paningin dahil sa pagbalong ng luha sa aking mga mata. Ilang gabi rin ang titiisin ko bago ko mapigilan ang hindi maiyak sa isiping nakapagdesisyon na si Kyle at si Renz pa din ang pinili niya.
Nalulungkot man ay pinilit ko pa ding ngumiti. Sa wakas ay tapos na. Maaaring malungkot ako ngayon pero tiyak na pagkatapos nito ay makaka-move on na ako. Sisiguruhin kong makaka-move on na ako. Ilang taon na rin akong nakatali sa pag-ibig ko kay Kyle. Ngayong nagawa ko na siyang pakawalan, ngayong nagawa ko nang ilayo ang puso ko sa kanya ay magagawa ko na din sigurong magmahal ng iba.
Siguro ay iyon ang naging pagkukulang k noon. Nagalit ako sa mga nagawa sa akin ni Kyle pero hindi ko natanggap na wala na siya at hindi ako ang mahal niya. Dahil doon ay di ko siya magawang pakawalan at hindi ko mapalaya ang sarili ko. Pero ngayong nagawa ko na ito, umaasa akong darating ang araw na magiging masaya din ako.
Hahayaan ko na lang muna ang sarili kong malungkot ngayon. Ako na lang muna ang magsasakripisyo sa aming tatlo. At least alam ko na sa bawat luhang pumapatak sa aking mata ay isang ngiti sa mga labi ni Kyle dahil sa wakas ay masaya na siya. Matagal din naman siyang naipit sa magulo at kumplikadong relasyon naming tatlo.
Katulad ng ipinangako ko sa kanya ay hindi ako aalis. I will remain as his friend, kahit na alam kong magiging mahirap iyon para sa akin. Pwede ko din naman iyong gamitin para makapag-move on. The more na nakikita kong masaya si Kyle sa piling ni Renz, the more na matatanggap ko na hindi siya para sa akin.
Hindi ko mapigilang mapahinga ng malalim. Parang may tinik na nabunot sa aking lalamunan. Inaamin kong sobra ko siyang mami-miss. Isa-isa kong inalala ang masasaya naming mga sandali.
Simula nung una ko siyang makasalubong sa cr ng isang bar. Kung paano niya ini-snob ang kapogian ko. Yung unang beses na nag-date kami sa mall at ang makulit naming kwentuhan noon. Natatandaan ko pa kung paano siyang nalasing nang mag-inuman kami kasama ang barkada at ang naging pagtatalik namin pagkatapos non.
Mami-miss ko yung pag-aalagang ginagawa ko sa kanya. Yung ipagluluto ko siya ng recipeng sopas ni mama kapag may sakit siya. Yung maghahabulan kaming parang bata, uminom lang siya ng gamot. Alam kong hahanap-hanapin ko yung matabang Kyle na niyayakap at hinahalikan ko bago matulog at pagkagising sa umaga.
Hindi ko alam kung magagawa niya pa ko muling ipagluto kapag ako naman ang may sakit. Tiyak kong lagi kong hahanapin yung bumabati sa akin ng 'good morning' sa opisina at mag-aalok sa akin ng kape kahit ilang beses ko man siyang sungitan. Hindi ko alam kung makakabalik pa kami sa isla nila Manang Delia ng kami lang dalawa.
Sana lang ay maging mabait naman sa akin ang tadhana at turuan ako nitong makasanayan ang mga bagay na alam kong wala na at di na maibabalik pa.
****Kyle****
6:04 pm, Monday
July 13
Medyo madilim na sa labas ng bintana ng aking kwarto ng magising ako. Hindi ko inaasahang mapapasarap ang tulog ko. Nang subukan kong bumangon mula sa pagkakahiga ay saka ko lamang napansin ang mabigat na brasong nakayakap sa akin.
Unti-unting nagbalik sa akin ang mga nangyari sa maghapon. Tahimik na nakahiga sa aking tabi ang katawan ni Renz. Dahan-dahan kong inalis ang kanyang brasong nakabalot pa din sa aking katawan.
"Mabigat ba?", nagulat ako ng bumulong ito sa akin habang inaalis ko ang kanyang kamay.
"Kanina ka pa ba gising?", tanong ko.
"Medyo.", sagot nito habang bumabangon na din mula sa pagkakahiga.
"Bakit di mo ko ginising? Inabot na tayo ng gabi dito sa kwarto."
"Eh ang sarap ng tulog mo, tulo-laway ka pa nga eh.", nang-aasar nitong balik sa akin. Medyo na-concious naman ako at napahipo sa gilid ng aking bibig para tingnan kung may umaagos pa doong panis na laway. Nakita ko namang napangiti si Renz sa aking inasta at na-realize ko na pinagti-tripan lang ako nito dahil wala namang basang parte sa aking pisngi.
"Siraulo ka talaga!", naiinis kong sagot.
"Hahaha namiss lang naman kitang inisin. Okay na ba ang pakiramdam mo?", tanong niya sa akin.
"Oo, hindi na gaanong masakit ang aking ulo. Tara bumaba na muna tayo para makakain ka, baka nagugutom ka na.", anyaya ko sa kanya.
"Mamaya na, dito na lang muna tayo.", pagpigil nito sa akin ng magtangka akong tumayo mula sa kama.
"Wala naman tayong gagawin dito eh, tsaka baka hinahanap na tayo nila Mama. Kanina pa kaya tayo nagkukulong dito.", protesta ko saka tinangka muling tumayo. Agad namang hinila ni Renz ang aking kamay kaya napa-dapa ako sa kanyang katawan.
"Madami kaya tayong pwedeng gawin, ikaw lang naman ang inaantay kong magising eh.", bulong sa akin nito sa malamyos niyang tinig na tila nang-aakit. Ramdam ko naman ang biglang pag-iinit ng aking mga pisngi.
"Hoy! Umiral na naman ang ka-manyakan mo!", bulyaw ko kay Renz saka mabilis na lumayo rito.
"Hahaha, bakit? Anu bang iniisip mo Kyle?", natatawa nitong sagot sa akin.
"Wala! Tumayo ka na nga dyan.", pangungulit ko sa kanya.
"Nakatayo na kanina pa.", muling sambit nito sa mapang-akit na boses habang nakanguso sa kanyang bukol.
"Tarantado ka talaga! Renz Angelo umayos ka kung ayaw mong pauwiin kita ng di oras.", pagbabanta ko para tumigil na siya sa kanyang kapilyuhan.
"Yes sir!", nakangiti nitong sagot saka tumayo ng kama ko.
Sabay kaming bumaba ni Renz para makakain. Agad naman naming natagpuan si Mama na inihahanda na ang lamesa para sa hapunan.
"Anak buti bumaba na kayo, kakain na tayo. Magsiupo na kayo dito.", aya ni mama. Hindi ko naman mapigilang kabahan dahil tiyak na kung anu-ano na naman ang ikekwento ni Mama habang kumakain.
Kaagad naman kaming pumuwesto ni Renz sa lamesa. Magkatabi kami ng upuan at nasa tapat naman namin si Mama.
"Ma, asan sila Papa?", tanong ko ng mapansin kong kaming tatlo lamang ang nasa hapag.
"Ay nako, gagabihin raw ng uwe. Yung mga kapatid mo naman ayaw magpa-istorbo may kung anung project daw na ginagawa. Renz, anak wag kang mahiya sa amin. Kumain ka lang diyan.", wika ni Mama kay Renz.
"Salamat po Tita, mukha pong masarap itong mga niluto ninyo.", pambobola ni Renz kay Mama.
"Di lang mukhang masarap, masarap talaga yan. Magaling din sa kusina si Mama parang si Tita.", tukoy ko sa mama ni Renz.
"Hindi naman masyado. Bakit nga pala ang tagal ninyo sa taas? Anu bang ginagawa nyo don?", simulang pang-uusisa ni Mama sa amin.
"Ah, ano po... wala naman ho... naga-ano lang kami...", di mapakaling sagot ni Renz na ikinatawa ko naman.
"Nakatulog ako. Medyo nahihilo pa po kasi ako. Tas nakitulog na din siya.", sagot ko. Tumango lamang si Mama at nagsimula na kaming kumain. Hindi kami gaanong nakakapag-usap ni Renz dahil iniinterview ito ni Mama.
"Matagal na ba kayong magkaibigan nitong anak ko Renz?", tanong ni Mama habang kumakain kami.
"Opo, mga four years na po. Sa Manila ko na po siya nakilala nung nagtatrabaho pa siya doon. Ipinakilala po siya ni Aki sa akin noon sa isang birthday party.", paggunita ni Renz sa una naming pagkikita.
"Ganoon ba? Pagpasensyahan mo na ang anak ko kung minsan parang ewan ang ugali at masungit.", patuloy ni Mama. Napatingin na lamang ako sa kanya at binigyan siya ng isang 'tama na' look pero hindi nito iyon pinansin.
"Hehehe ok lang po yon tita, sanay naman na po ako.", nakangiting tugon ni Kyle.
"May girlfriend ka na ba iho?", walang prenong tanong ni Mama.
"Ma! Hindi mo na kailangan malaman yon.", hindi ko na mapigilang awat kay mama. Masyado na kasing pribado yung mga tinatanong niya.
"Hindi okay lang.", singit ni Renz. "Wala pa po akong ka-relasyon tita pero meron po akong nililigawan."
"Ah, eh bakit hindi mo pa napapasagot?", inosenteng tanong ni Mama. Kung alam lang nito kung sino ang nililigawan ni Renz ay malamang sa mag-altapresyon ito.
"Pakipot po kasi Tita eh.", nakangising sagot nito sabay tingin sa akin. Bigla naman akong hindi mapakali sa mga titig na iyon. Natatakot ako na baka mahalata siya ni Mama.
"Sa gwapo mong iyan iho? Mukha ka pang mayaman at pang-model pa ang arrive mo, napakapihikan naman niyang nililigawan mo.", labis naman akong nahiya kay Renz sa pagiging taklesa ni Mama.
"Hahaha hindi ko na nga po alam ang gagawin eh. Nasaktan ko din po kasi yung taong iyon noon.", seryosong sabi ni Renz. Parang bigla namang nagbago ang reaksyon sa mukha ni Mama.
"Pero pinagsisisihan ko na po yung nagawa ko. Tsaka nung nasaktan ko siya, noon ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal at kung paanong hindi ko kayang masaktan o mawala muli siya sa akin.", medyo malungkot na paglalahad ni Renz. Paminsan-minsan pa siyang tumitingin sa akin.
"Kasalanan mo din pala eh.", maasim na komento ng aking ina.
"Hehe opo. Sa tingin nyo po ba tita anong dapat kong gawin?", paghingi ni renz ng payo.
"Hindi ko alam iho, sigurado naman akong ngayong nanliligaw ka na dun sa taong iyon ay ginagawa mo naman lahat ng makakaya mo para maging kayo. Hindi mo nga lang kayang kontrolin ang magiging desisyon ng taong mahal mo, lalo pa at nasaktan mo pala siya noon.", medyo seyosong pahayag ni Mama na pinagtaka ko naman dahil kanina lang ay sobrang ligalig nito.
"Ang tanging magagawa mo lamang ay magdasal at umasa na kaya ka pa niyang mahalin. Kasi ang pagmamahal sayo ng kasintahan mo parang isang mamahaling vase. Dapat lagi mong iniingatan, iwasan mong mabasag. Kasi kapag nabasag na yun hindi ka sigurado kung maibabalik mo pa sa dati. Maibalik mo man, hindi na siya katulad nung dating magandang vase. At habang sinusubukan mong ibalik sa dati yung pagmamahal o yung vase na iyon pwedeng ikaw naman ang masaktan. Kasi yung vase na nabasag mo marami nang lamat, may pira-pirasong bubog na yun. Ikaw naman ang pwedeng masugatan.", litanya ni Mama. Bigla naman kaming natahimik na tatlo, lalo na si Renz. Ako man ay napapaisip sa mga sinasabi ni Mama. Hindi ko alam kung napansin ni Mama ang bigla pagiging awkward ng sitwasyon sa paligid dahil patuloy lamang ito sa pagkain.
"Ma, kung anu-ano sinasabi mo, bawasan mo na kasi ang panonood ng mga mada-dramang palabas sa tv.", wika ko nang hindi ko matiis ang katahimikan.
"Hahaha pasensya ka na sa akin iho ha. Tsaka wag ka masyado nagpapaniwala sa mga sinabi ko, pwedeng mali naman ako.", ngumiti lamang si Renz bilang tugon kay Mama. "Oo nga pala, Kyle. Dumaan dito kanina si Aki, kaso tulog kayo nung pumunta siya sa kwarto mo kanina."
Bigla naman akong natigilan. Nabitawan ko pa yung kutsarang hawak ko dahil nanlamig ang aking pakiramdam. Parang gustong lumabas ng lahat ng kinain ko. Nandito si Aki kanina at inabutan niya kaming tulog ni Renz. Tulog at nakayakap sa akin ang bestfriend ko.
"A-anung oras ma?", nauutal kong tanong.
"Hapon na din eh, mga alas kwatro siguro."
"Bakit hindi niyo na lang po ako ginising?", nanghihinayang kong tanong.
"Eh pinapunta ko na lang kasi siya sa kwarto mo dahil akala ko gising kayo ni Renz. Maghahanda sana ako ng meryenda ninyong tatlo kaso bumaba din agad si Aki. Sabi nga tulog daw kayo at babalik na lang siya sa ibang araw dahil may emergency daw sa kanila.", pagsasalaysay ni Mama. Base sa kwento nito ay mukhang nadatnan nga kami ni Aki na magkatabing natutulog ni Renz.
"Nagising ka ba nung dumating si Aki?", medyo mapang-akusa kong tanong kay Renz.
"No. Hindi ko alam na pumunta siya dito.", sagot nito. "Are you okay Kyle? You look pale.", alalang tanong ni Renz.
"Nagulat lang ako sa kinuwento ni Mama. Excuse me, medyo nahilo uli ako. Babalik muna ako sa kwarto ko, sunod ka na lang Renz pagkatapos mo kumain.", dire-diretso kong sabi at tumungo na ako sa kwarto bago pa ako mapigilan ni Mama.
****Renz****
7:22 pm, Monday
July 13
Gusto ko sanang sundan na lang agad si Kyle ng magpaalam siyang babalik na sa kwarto niya, nahiya lamang akong iwang mag-isang kumakain si Tita. Takang-taka ito sa biglang pagtayo ni Kyle. Ako naman ay may ideya na kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Kyle matapos ikwento ni Tita ang pagbisita ni Aki.
Matapos kami kumain ay hindi na ako pinatulong pa ni Tita sa pagliligpit ng mga plato at pinasunod na lamang ako kay Kyle. Dinatnan ko si Kyle na nakadapa sa kanyang kama at nakatalukbong ng unan ang mukha. Hindi ko alam kung umiiyak siya o natutulog.
Marahan kong isinara ang pinto ng kanyang kwarto at saka tahimik na umupo sa gilid ng kanyang kama. Ayaw ko sana siya istorbohin sa kanyang ginagawa pero hindi ko matiis na makita siyang ganito.
"Kyle... What's wrong?", mahina kong sabi kay Kyle.
"Nothing.", pagsisinungaling nito.
"C'mon you can tell me whatever it is that's bothering you. I can stay here all night. Sabi ng mama mo pwede daw ako matulog dito kung gusto ko.", pamimilit ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko pa siya pinipilit na magkwento kahit na alam kong hindi ko naman magugustuhan ang mga maririnig ko. I guess i'm acting as Renz na bestfriend ni Kyle and right now i'm sure that its what he needs. A loyal friend not an aspiring boyfriend.
"Dito ka na lang matulog, dun na lang ako sa kwarto ng kapatid ko para hindi ka masikipan.", suhestyon nito. Tumayo naman ito at aktong lalabas na ng kwarto, pinigilan ko lamang siya at hinawakan sa kanyang kamay.
"Kyle, hindi ko kayang iniiwasan mo ko. I'd rather talk about what's going on between you, me, and Aki than have you avoiding me." Umupo naman siyang muli sa kama at hinarap ako.
"I'm sorry Renz. Masyado lang madaming nangyare, hindi ko naman gustong iwasan ka.", panimula ni Kyle. Ilang minuto din kaming natahimik bago muling nagsalita si Kyle. Dinig na dinig ko naman ang malakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at anticipation sa mga sasabihin sa akin ni Kyle.
"When i graduated from college, i came looking for work sa Makati. I saw a job post on the web from this company in Makati, they were looking for an executive assistant. I came for the interview and was surprised that the ceo of the company that i will be working for was Aki. That happened a few days after we saw each other again in that bar in Timog.", paglalahad ni Kyle. Tahimik lamang akong nakikinig habang pinapanood siyang magkwento tungkol sa muli nilang pagkikita ni Aki.
"He has changed so much, far from the Aki i used to know. I guess he was mad at me. I told him na boyfriend ko noon si Lui even if i know na he likes me. When i came back i made a promise to myself to make things right, i wanted to have you back as my bestfriend and i want Aki back as a close friend. But he had a different plan then. He gave me the cold shoulder and pretended as if he never knew me. We were like strangers. He wasn't nice at all, to me it was his way of getting back on me after what i did. Despite that, i did not give up because i was determined to be friends with him again.", kita ko ang pagpipigil niya ng luha habang nagkekwento. Gusto ko sana siyang yakapin ngunit alam kong hindi iyon makakatulong sa kanya.
"Until i got pass my breaking point. Hindi ko na kinaya yung mga ginagawa ni Aki at tinanggap ko na baka hindi na kami muli magiging magkaibigan. So i resigned from work, last week when i was out of town with him were my last days as his employee. Akala ko after noon ay hindi na kami magkikita pang muli. But i was wrong. Nung magkasama kami ni Aki nung nakaraang linggo parang bumalik yung Aki na kilala ko noon. And things suddenly changed for me, for us.", huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.
"I realized that i've fallen in love with Aki. Hindi ko nasabi sayo noon na nagkita na kami dahil sa paraan niya ng pakikitungo sa akin at ayaw ko na mag-isip ka ng masama. But now that i am sure of what i feel about him, you have to know na hindi na kita kayang mahalin as a partner dahil iba na ang tinitibok ng puso ko at ayaw kitang lokohin o paasahin.", nakayukong sabi ni Kyle.
Para namang pinipira-piraso ang puso ko sa mga naririnig ko mula kay Kyle. Ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang mga salitang kanyang binibitawan. Lihim kong ipinagdarasal na sana ay isa lang itong masamang panginip at sana ay magising na ako.
Gayunpaman, alam kong lahat ng ito ay totoo. Totoong nasa harap ako ng taong mahal ko na may iba ng mahal ngayon. Totoo ang bawat katagang lumabas sa kanyang bibig. Totoo ang bawat luhang dumadaloy sa aking pisngi. Totoo ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Totoong nangyayari na ang kinatatakutan ko. Totoong unti-unti nang nawawala ang katiting na pag-asa na maging kami ni Kyle.
Gusto kong magmakaawa kay Kyle. Kung kailangan kong lumuhod at humalik sa lupa ay gagawin ko bigyan niya lamang ako ng chance, huwag niya lang akong ipagpalit kay Aki. Handa akong isuko ang lahat ng mayroon ako kung gagawin niya iyon.
Pero walang salita ang lumabas sa aking bibig. Parang unti-unting napapatid ang aking hininga. Sa bawat pagtulo ng aking luha ay siya ring pagkadurog ng aking puso.
****Kyle****
7:42 pm, Monday
July 13
Alam kong magiging mahirap para sa amin ni Renz ang pag-amin ko sa aking nararamdaman pero hindi ko inaasahan ang mga nangyayare ngayon.
Sa tagal namin na naging magkaibigan ni Renz ay isang beses ko pa lang siya nakitang lumuha ng ganito. Iyon ay noong magpaalam ako sa kanya noon na lalayo muna ako. Parang naulit muli ang eksenang iyon ngayon. Medyo nagsisisi ako sa aking mga sinabi, pakiramdam ko kasi ay masyadong straight forward at masakit ang pagsasabi ko sa kanya na hindi ko na siya maaring mahalin pa.
Gusto ko pang magsalita, dahil madami pa akong gustong sabihin pero natatakot ako sa mga salitang maaaring lumabas pa sa aking bibig. Hinihintay ko na magsalita o magalit si Renz pero hindi nangyari iyon.
Magkaharap lamang kaming nakaupo sa kama ko. Basa ang kanyang magkabilang pisngi dahil sa pag-iyak. Mataman siyang nakatingin sa akin. Tumatagos sa aking kaluluwa ang kanyang bawat titig, maliban sa pag-agos ng maalat na tubig sa kanyang pisngi ay wala akong makitang ibang emosyon sa kanyang mukha.
Gusto kong ibalot ang aking kamay sa kanya ngunit hindi ko alam kung iyon ba ang tamang gawin. Maaaring hindi ko na siya mahal bilang isang kapareha pero mahal na mahal ko siya bilang isang matalik na kaibigan. Nagsusumigaw ang damdamin ko na bawasan ang sakit na nararamdaman niya pero anong gagawin ko kung alam kong ako ang dahilan ng sakit na iyon.
Alam ko ang pakiramdam ng masaktan. Ilang beses ko ng pinagdaanan iyon. Nakikita ko ang mata ko noong mga panahong bigo ako sa mukha ni Renz. Tama nga ba na saktan ko siya para lang maging masaya ako? Hindi ko mapigilang mag-alinlangan sa aking naging desisyon.
"Kyle....", halos bulong na sabi ni Renz matapos ang ilang minutong pananahimik.
"When i first met you, i never thought that i will badly fall in love with you. You were very fat then.", nakita ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi habang nagsasalita. "Yes, you're cute but still far from the kind of guy that i would date. I was surprised we became friends. Then it all started, i started to know you, i started to appreciate you, i started to treasure you, i started to seek your attention, i started to like you. I've fallen deeply in love with you even before i can admit it."
Hindi ko mapigilang mapaluha sa mga sinasabi ni Renz. Mula ng magkita kaming muli ay ngayon lang talaga kami nagkaroon ng seryosong pag-uusap tungkol sa mga nangyari dati. Kung ako yung dating Kyle ay tiyak na nagtatalon na ako sa tuwa sa mga sinasabi ni Renz. Parang mas madali kung ako na lang uli yung dating Kyle kasi alam kong eto na yung happily ever after ko. Pero hindi na ako yung dating Kyle, nag-iba na ang itsura ko, pananaw sa buhay at ang laman ng puso ko.
"I know that things have changed for us then. Hindi ko na kasi magawang tumingin sa ibang lalaki, gusto kong lagi akong pogi sa harap mo, gusto kong aprobado mo ang lahat ng bagay na ginagawa ko. I guess i'm a big fool not to take things seriously, i mean kahit na alam kong nagugustuhan na kita pinaniwala ko ang sarili ko na hindi kita type, na hindi ikaw ang klase ng taong gusto kong makasama habang buhay. I didn't know that i was making my biggest mistake.", patuloy ni Renz.
"When i had the chance, or maybe it's more right to say na when i had the courage to admit what i really feel for you, i asked you to be my boyfriend. Sabi mo hindi mo narinig, and nawala na yung katiting na tapang na pinanghahawakan ko ng mga sandaling iyon kaya i asked you to have sex with me instead. I messed it up that night but i want you to know na i meant what i said. Gusto kitang maging boyfriend noon pa lang. Gusto kong ako ang naghahatid-sundo sayo sa trabaho. Gusto kong ako lang ang ka-date mo. Gusto kong sinasamahan mo ko lagi sa tuwing magpapagupit ako para sigurado akong gusto mo yung gagawin nilang gupit sa buhok ko.", kahit na matagal nang nangyari ang mga bagay na ito ay may nararamdaman pa rin akong kirot sa bawat kwentong inilalahad ni Renz. Kahit kailan kasi ay hindi ko nagawang itanong sa kanya ang nararamdaman o pananaw niya noong mga panahong iyon. Kapwa kami naghuhulaan sa iniisip ng isa't-isa.
"Hindi ko rin boyfriend si Alvin. Inaamin ko i slept with him one time pero wala akong anumang romantic feelings para sa kanya. Nung birthday ni Gelo at nasapak kita, gustong-gusto kong saktan ang aking sarili dahil sa nagawa ko. Nung magpaalam ka sa akin sa tapat ng bahay, parang gusto ko na lang mamatay. Labis ang pagsisisi ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit ka lalayo sa akin. At lalo akong nainis kasi hindi kita nagawang pigilan. Lalo akong nainis kasi hindi ko man lang nasabing mahal kita. Nanghihinayang ako sa mga panahong sinayang ko, sa mga pagkakataong pinalagpas ko, sa taong pinakawalan ko.", muling tumulo ang mga luha ni Renz kasabay ng pag-alog ng kanyang balikat.
"Ngayong nagkita na tayong muli, gusto kong ibigay sayo lahat ng bagay na ipinagdamot ko sayo noon. Dalawang taon ka mang nawala Kyle ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo.", nagulat ako ng tumayo sa kama si Renz at lumuhod sa aking harapan. Inabot niya ang aking mga kamay at iniyuko ang ulo doon.
"Kyle...", pagsusumamo ni Renz. Agad namang nabasa ang aking mga palad ng kanyang mga luha.
"Kyle, alam kong madami akong pagkukulang at kasalanan sayo. Alam kong nasaktan kita at hindi ko na maibabalik ang mga panahong nasayang mo nang dahil sa akin, pero nagmamakaawa ako sayo. Huwag mo kong iwan Kyle. Hindi ko kaya. Please. Huwag mong iwan si starfish.", pagmamakaawa ni Renz sa akin habang walang tigil ang pagbaha ng luha sa kanyang mata.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ako man ay hindi na makapagsalita dahil sa pag-iyak. Nasasaktan ako sa nangyayare sa amin ni Renz. Gusto ko na lang bumalik sa pagtulog at takasan ang realidad. Hindi ko maatim ang mga ginagawa ni Renz para sa akin ngayon. At lalong hindi ko matanggap kung gaano ko siyang nasasaktan ngayon.
"Gagawin ko lahat Kyle, lahat ng makapagpapasaya sayo. Handa akong pakasalan ka Kyle. Handa akong isuko ang lahat ng meron ako, huwag mo lang akong iwan.", patuloy na pagsusumamo ni Renz.
"Aki is my happiness now, Renz.", hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon. Tangina! I sound so heartless, hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.
****Renz****
8:07 pm, Monday
July 13
Aki is my happiness now, Renz...
Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang huminga dahil sa pakiramdam ko ay tumigil na sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Kyle.
Nakaluhod ako sa harap ni Kyle at parang batang humahagulgol habang nagmamakaawa ako sa kanya. Pilit kong pinapalakas ang aking loob, ayaw kong sumuko. Hindi ko kayang panuorin na lang muling mawala sa akin si Kyle.
"I can be your happiness again. Please Kyle... please love me again...", para na akong nauupos na kandila.
"Renz....", naramdaman kong itinatayo ako ni Kyle. Inupo niya ako sa tabi niya sa kama at saka mahigpit na niyakap. Noon ko lamang napansin ang mga luha niya. Ginantihan ko ang higpit ng kanyang yakap sa akin.
"Renz, please know that i love you. The things that happened to us in the past just made us both stronger. Pareho tayong isip bata noon, pero malaki ang naitulong non para mapabuti tayo ngayon.", pagpapakalma sa akin ni Kyle kahit na siya rin ay walang tigil ang iyak.
"Now that im choosing Aki doesn't mean that i'm gonna love you less, i just decide to love you differently... You will still remain as my favorite starfish and i your faithful jellyfish. This isn't goodbye Renz. Ikaw pa din ang bestfriend ko. Pwede mo pa din akong isama kapag gusto magpagupit kung natatakot ka na pagtripan ng mga bakla sa parlor, pupunta pa din ako sa inyo kapag gumawa si Tita ng blueberry cheesecake, iinom pa din tayo ng magkasama, mag-aaway pa din tayo paminsan-minsan, lalaitin pa din natin si Gelo. Those things will not change Renz. Kasi ikaw ang bestfriend ko, malaking parte ka na ng buhay ko.", paga-assure sa akin ni Kyle. Ramdam ko naman ang sinseridad niya sa bawat salitang sinasabi niya at ang pagnanais na pagaanin ang aking loob.
"Remember when i told you na kapag nagkaroon ako ng ikalawang buhay gusto ko makilala pa din kita sa buhay na yon? Ganun kita kamahal Renz, ganoon ka ka-importante sa akin, na lagi kong gugustuhin na makasama ka sa bawat buhay na darating sa akin. Mahal kita Renz at ayaw kong lokohin ka o paasahin pa. If i will say yes to you now, we will be living the rest of our lives in half-hearted happiness.", tahimik na lamang akong nakayakap kay Kyle habang patuloy niya akong kinakausap. Sa paraan ng pagsasalita niya ay parang siguradong-sigurado na siya sa kanyang naging desisyon at wala na akong magagawa para baguhin pa iyon.
"I'd rather hurt you now than take away your chance to be with the right guy. I feel so blessed to have Aki and i've never been this happy and grateful in my life. And i want the same thing for you Renz, gusto kong ma-experience mo din yung ganitong pakiramdam sa tamang tao.", sinserong sabi ni Kyle. Nasasaktan pa din ako sa mga nangyayari pero i'm starting to see reasons. Reasons to let him go, to let him be happy with Aki.
"Pero ikaw ang gusto ko Kyle.", pangungulit ko sa pag-asang may katiting pang tyansa na magbago ang isip niya.
"Mahaba pa ang buhay Renz, hindi pa natin nakikilala lahat ng taong nakatakda nating makilala sa buhay na 'to. Pwedeng ngayon ako ang gusto o mahal mo pero hindi tayo sigurado kung iyan pa din ang mararamdaman mo 2 o 3 years from now."
"You were gone for more than 2 years and my feelings for you didn't change. I know mahal pa din kita 2 o 3 years from now, at maghihintay ako Kyle.", pagpupumilit ko.
"That's because you never let go of me Renz. Nawala man ako, hindi mo naman ako pinakawalan sa puso mo. At gusto kong mangako ka sa akin Renz... Okay lang na magalit ka o lumayo ka sa akin dahil sa ginawa ko but promise me that you will keep your heart open for someone else.", hiling sa akin ni Kyle habang inaayos ang unan para makahiga kami ng maayos sa kama. Nang makahiga ako ay muli niya akong binalot sa kanyang mga bisig. Bago ito para sa akin dahil noon ay mas gusto ni Kyle na siya ang niyayakap ng ganoon.
"I don't think that i'll ever be that mad at you.", bulong ko habang isnisiksik ko ang aking sarili sa yakap ni Kyle. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at tanging ang yakap lang ni Kyle ang nagbibigay ng lakas sa akin.
"Promise me Renz, that you will learn to love again.", sabi ni Kyle.
"I promise.", bulong ko dahil hindi ko makumbinsi ang aking sarili na magagawa ko pang magmahal muli ng iba tulad ng pagmamahal ko kay Kyle.
Marahil sa pagod sa pag-iyak ay di ko napanlabanan pa ang antok. Unti-unting sumara ang aking mga mata. Ang init ng yakap ni Kyle at ang amoy ng kanyang pabango ang huling mga bagay na naaalala ko bago ako nakatulog.
--------------
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaidlip pero ng magising ako ay nadatnan ko pang gising si Kyle. Tahimik siyang nakasandal sa headboard ng kanyang kama at nakatayo sa malungkot. Kita mula sa namumugto niyang mata ang kalungkutang kanyang nadarama.
Alam kong iniisip niya si Aki ng mga sandaling ito dahil ganito rin ang itsura ko nang mga nakaraang araw habang iniisip siya. Kahit na nasasaktan pa din ako sa naging desisyon niya ay hindi ko mapigilang yakapin siya at subukang pagaanin ang kanyang nararamdaman.
Halatang nagulat siya sa aking ginawa. Mukhang kanina pa siya nagmumuni-muni na mag-isa at hindi na rin napigilang mapaiyak nang isandal ko ang kanyang ulo sa aking dibdib.
Sa bawat paghikbi niya ay parang may panibagong sugat na hinihiwa sa aking puso.
Aki is my happiness now, Renz.
Paulit-ulit kong naririnig sa aking isip ang mga salitang iyon ni Kyle. Nakakalungkot na hindi na ako ang makakapagpatahan o makapagpapasaya kay Kyle sa mga eksenang ganito. Batid ko kung anong dapat kong gawin para maging masaya niya ngayon, ang problema ay hindi koalam kung handa o kaya ko bang gawin iyon.
Hinayaan ko lamang si Kyle na umiyak habang pinag-iisipan ko kung anong gagawin. Matagal na kaming magkaibigan, matagal ko na siyang mahal, matagal na din kaming nahihirapan sa magulong laro ng pag-ibig at tadhana, matagal na kaming umaasang maging masaya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako, kami, dapat na maghintay, magtiis at umasa.
Sa naging pag-uusap namin ni Kyle kanina ay alam kong matagal pa ang dapat kong ipaghintay. Pero para kay Kyle, eto na ang pagkakataon niya. Mahal niya si Aki at alam kong mahal din siya ni Aki. Magiging masaya siya kay Aki at ganoon din si Aki sa kanya. Hindi niya na kailangang umiyak ng ganito kapag magkasama na sila ni Aki. Hindi niya na kailangan pang maghintay, magtiis, at umasa dahil dumating na yung matagal niyang inaantay. Yung bagay na ipinagdamot ko sa kanya noon. Yung bagay na walang tigil na ibinibigay sa kanya ni Aki. Yung bagay na sinayang ko nung ibigay niya sa akin. He deserves to be happy after all the hurts and struggles. He deserves to be with the man he loves, he deserves to make his dreams come true with the guy that loves him unconditionally.
Kaya ko bang ipagakait sa kanya yung matagal na niyang inaantay? Kaya ko bang makita siya malungkot kasi ipinipilit ko na ako ang happiness niya? Kaya ko bang walang gawin para maging masaya siya?
"P-pwede kitang...", parang may bara sa aking lalamunan dahil hindi ko masabi ang gusto kong iparating kay Kyle. "ihatid ngayon kela Aki, kung gusto mo."
"Why?", tanong ni Kyle sabay punas ng luha at saka ako hinarap. Halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
May parte man ng aking sarili na tumutol sa aking ginagawa ay nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko ito para kay Kyle. Kasi gusto ko laging nakikita yung lalaki sa wallpaper ng shop ko na nakangiti at masaya.
"Coz i want you to be happy.", sagot ko. "Sasamahan mo pa din naman ako magpagupit di ba?", tumango lang siya bilang sagot. Kita ko ang relief sa kanyang mukha dahil sa mga sinabi ko. Ako man ay guminahawa ang pakiramdam nang makita ang unti-unting paggaan ng pakiramdam ni Kyle.
"Pupunta ka pa din sa bahay para kumain ng cheesecake?", tanong kong muli.
"Oo.", sagot ni Kyle.
"Sasama ka pa din sa aking gumala kahit na pigilan ka ni Aki?"
"Promise."
"Hindi mo tatawaging starfish si Aki?", biro ko na ikinatawa naman niya.
"Hahaha hindi, matalino kaya yun.", nang-iinis na ganti ni Kyle. Biro ko naman siyang sinimangutan.
"Okay. Sige na magbihis ka na para makaalis na tayo.", nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Kyle.
"Thank you Renz, sobrang thank you.", bulong sa akin ni Kyle habang mahigpit akong yakap. Ibinalot kong muli ang aking mga bisig sa kanya at mariin siyang niyakap.
"Anytime, lakas mo sa akin eh.",biro ko. "Tama na ang drama, magbihis ka na."
"Hahaha sori, sige na lumabas ka na para makapagbihis ako. "
"Bakit lalabas pa ako? Nakita ko na yan eh.", pang-aasar ko.
"Siraulo ka, hindi kasama sa pinag-usapan natin na okay lang sa akin na maghubo sa harap mo.", asik ni Kyle sa akin.
"Ah hindi ba? Pwede bang idagdag natin?"
"Tadyakan kaya kita? Dali na.", reklamo niya habang itinutulak akk palabas ng kwarto niya.
****Kyle****
1:12 am, Tuesday
July 14
Nangangamba man ako sa magiging pag-uusap namin mamaya ni Aki ay hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa ni Renz. Nabawasan ang mga agam-agam ko sa arwa na ito dahil sa kanya. Masarap sa pakiramdam na sinusuportahan ka ng bestfriend mo slash dating crush slash dating manliligaw sa taong pinili mong mahalin.
Pinagmamasdan ko ang mga ilaw mula sa nagdaang poste habang binabay namin ang daan patungong Maynila. Hindi ko magawang kausapin si Renz dahil busy ako sa pag-iisip ng sasabihin oras na magkita kami ni Aki. Lihim rin akong nagdarasal na maabutan namin si Aki at hindi nito naisipang pumunta sa kung saan mang lugar na hindi ko siya maaaring masundan.
Hindi ko na ininda ang panlalamig na nararamdamn ko dahil sa lagnat. Gusto kong makausap na ngayon si Aki, ayaw kong ipagpaliban pa ito. Hindi ko na namalayan na nasa tapat ng bahay nila Aki dahil sa aking pag-iisip.
Ito ang unang pagkakataon na nakarating ako dito. Doon lang naman kasi sa condo niya ako sa QC nakapunta noon. Malaki lang nang konti ang bahay nila sa bahay nila Renz.
"Dito ka na lang muna, kakausapin ko yung guard tatanong ko kung andyan si Aki.", wika sa akin ni Renz. Tumango lang ako bilang sagot kasi nanunuyot na ang aking lalamunan dahil sa mga maaaring mangyari.
Love.
Sex. Insecurity.
[Book
2 : The Finale]
By:
Crayon
****Kyle****
2:04
am, Tuesday
July
14
Ilang
sandali lamang ay nakabalik na din si Renz sa kotse.
"Wala
daw dyan si Aki, pero dito daw yun umuuwi kapag galing ng trabaho sabi nung
guard nila.", bungad sa akin ni Renz.
Lalo
lamang akong nalungkot sa aking narinig. Akala ko ay makakausap ko na si Aki
pero mukhang nagsisimula na namng maglaro ang tadhana.
"Kung
gusto mo dun muna tayo sa bahay, balik na lang tayo dito after an hour.",
mungkahi ni Renz. Ilang kalye lang naman kasi ang layo ng bahay nila mula kela
Aki.
"Hindi
na, umuwi ka na lang muna. Hihintayin ko na lang si Aki dito.", sagot ko.
Ayaw kong umalis sa tapat ng bahay nila hanggang di ko nakikita o nakakausap si
Aki. Nangangamba ako na baka habang naghihintay kami ni Renz sa kanila ay
biglang dumating si Aki at umalis agad para magpakalayo-layong muli. Ayaw kong
may masayang na pagkakataon kaya mas gugustuhin ko na lang na maghintay.
"Hindi
naman natin alam kung anong oras uuwi si Aki eh. Tsaka may sakit ka pa,
magpahinga ka nalang sa bahay akona ang bahalang mag-check kung nakauwi na si
Aki.", pamimilit ni Renz. Alam kong concerned lang siya sa aking kalagayan
at ang gusto kong mangyari ay wala sa lugar kaya ganito na lang ang pagtutol
niya.
"Kaya
ko naman, medyo mabuti na yung pakiramdam ko.", pagmamatigas ko.
"Ang
kulit mo din talaga eh, sige sasamahan na lang kita dito.", sagot ni Renz.
"Huwag
na, magpahinga ka na lang sa inyo tsaka kailangan kong mapag-isa muna. Magiging
mas madali para sa akin na kausapin si Aki kung kami lang dalawa.",
katwiran ko. Ayaw ko din kasi na datnan kami ni Aki na magkasamang naghihintay
sa tapat ng bahay nila. Ayaw kong maging awkward ang sitwasyon para sa aming
tatlo.
"Tingin
mo, hahayaan kitang mag-intay dito sa labas ng mag-isa lang?"
"Please
Renz, nakikiusap ako sayo. Pagbigyan mo na ako." Natahimik naman si Renz
nang marinig ang pagsusumamo ko na hayaan na lang muna akong mag-isa.
"Okay
fine, hahayaan kita sa gusto mo pero after an hour at wala pa rin si Aki,
susunduin na kita dito. Matutulog ka sa bahay at bukas mo na ng umaga
kakausapin si Aki. Ok ba yon?", tanong ni Renz. Tumango lamang ako at
lumabas na ng kotse niya.
"Mag-text
ka kung gusto mo magpasundo ng mas maaga ha?", pahabol ni Renz.
Pinanood
kong makalayo ang kotse ni Renz. Naglakad ako ng konti palayo sa gate ng bahay
nila Aki, ayaw ko naman mapagkamalang magnanakaw. Naupo ako sa isang malaking
bato na nasa gilid ng daan.
Hindi
ko iniinda ang lamig ng gabi o ang kagat ng lamok. Nanatili akong nakaupo at
nakatingin sa malayo habang tahimik na humihiling na makita ang headlights ng
sasakyan ni Aki. Sinisikap ko ring mag-isip kung paano ko kakausapin si Aki
pero dahil sa pagod sa nangyari sa maghapon at sa panaka-nakang pagsakit ng ulo
ay walang pumasok sa aking isip.
****Renz****
2:15
am, Tuesday
July
14
Kanina
pa ako nakaparada sa tapat ng bahay namin pero hindi ko pa magawang i-garahe
ang aking sasakyan. Nakaupo lamang ako sa loob ng kotse. Nag-aalala ako sa
kalagayan ni Kyle. Hindi ata tama ang ginawa kong iwan na lamang siya doon na
mag-isa. Pero wala akong nagawa kundi sumangayon nung makiusap siya sa akin.
Kita
ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Aki at kung gaano ang pagnanais
niya na magkausap sila ngayon. Mukhang si Aki na nga ang kanyang happiness.
May
isang parte naman ng utak ko ang nagsasabing sana ay hindi dumating si Aki at
hindi na magkaayos sila Kyle at Aki. Agad kong sinupil ang maliit na boses na
iyon. Tama lang na maging masaya na si Kyle.
Habang
naghihintay ay di ko mapigilang isipin kung ano naman ang mangyayari sa akin.
Parang sa isang iglap ay nawalan ako ng direksyon. Sa pakiramdam ko ay wala ng
kulay ang mundo ko at wala akong nararamdamang anumang pananabik sa kung ano
ang mga nagyayari sa mga darating na araw. Para bang nakikita ko na ang sarili
kong tatanda na lamang sa pagma-manage ng shop at di na makakapag-asawa pa.
Naisip
kong ibalik ang aking pagparty-party tuwing gabi para makalimot pero mabilis ko
din namang isinantabi ang ideyang iyon dahil alam kong lolokohin ko lang ang
sarili ko. Walang party o alak ang makakapagpalimot sa akin sa realidad.
Hindi
ko mapigilang mapabuntong-hininga sa pagiging helpless ko. Ang hirap ng
ganitong sitwasyon na alam mong wala ka nang magagawa pa. Hindi mo alam kung
saan ka magsisimula. Hindi mo alam kung paano mo aayusing muli ang sarili mo.
Natatakot
akong tumandang mag-isa. Alam kong nandyan pa din naman si Kyle bilang kaibigan
pero iba pa rin yung may minamahal ka at minamahal ka rin. Ito na ata yung
sinasabi nilang pinakamalaking challenge sa pagiging gay. Yung maghanap ng
lifetime partner.
Madali
para sa akin ang maghanap ng panandaliang aliw dahil madami pa din namang
nagkakagusto sa akin pero paano kapag kulubot na ang balat ko? May magkakagusto
pa ba sa akin nun? Hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal pang juli
tulad ng pagmamahal ko kay Kyle.
Napapikit
na lamang ako. Hindi ko na namalayang nakaidlip pala ako. Nagising lamang ako
dahil sa ingay sa labas ng aking kotse. Nang mapatingin ako sa labas ng aking
bintana ay malakas na ang buhos ng ulan.
Agad
kong naisip si Kyle. Wala siyang masisilungan sa tapat ng bahay nila. Wala pa
namang isang oras mula ng iwan ko siya at wala pa siyang text sa akin. Agad
kong ini-start ang kotse ko para sunduin siya. Lalo siyang magkakasakit kung
maliligo siya sa ulan.
Papaalis
na sana ako ng mapansin ko ang paparating na sasakyan. Bahagya pa akong nasilaw
sa headlights ng sasakyan pero sigurado akong nakita kong si Aki ang sakay nung
kotse nang lumagpas ito sa akin.
Nag-alinlangan
akong sunduin pa si Kyle dahil dumating na si Aki. Tiyak na papatuluyin naman
ito ni Aki. Bumusina na lamang ako sa tapat ng gate namin para pagbuksan ako ng
gwardya ng gate.
****Aki****
2:38
am, Tuesday
July
14
Binagalan
ko ng kaunti ang pagdi-drive dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nahihilo na ako sa dami ng aking nainom sa pinangagalingan kong bar, ayaw na
nga akong pag-drivin nung manager ng bar nagpumilit lamang ako. Awa naman ng
Diyos ay ligtas akong nakarating sa aming subdivision.
Nang
makaalis ako kela Kyle kanina ay dumiretso ako sa isang bar sa Makati. Alam ko
namang si Renz ang gusto ni Kyle at ito na ang pinili niya pero labis pa din
ang sakit na naramdaman ko ng datnan ko sila sa kanyang kwarto sa kanila.
Sa
totoo lang ay sawa at napapagod na din akong isipin ang kabiguan ko pero parang
nanadya ang aking utak at paulit-ulit na ipinaaalala sa akin ang mga masasayang
sandali namin ni Kyle sa isla. Pagod na din akong umiyak at maging malungkot
ngunit gustuhin ko mang maging masaya at tumawa ay hindi ko alam kung paano
gagawin iyon.
Malapit
na ako sa aming bahay ng ma mapansin akong taong nakaupo ilang metro mula sa
aming gate. Nakayuko ito kaya hindi ko mamukhaan. Hindi ko na lamang ito
pinansin dahil gusto ko ng magpahinga. Bibilinan ko na lamang ang gwardya
tungkol sa taong iyon dahil baka mga akyat bahay ang mga ito.
Nang
makatapat ako sa aming gate ay bumusina ako para pagbuksan ako ng gate ng aming
gwardya. Mabilis namang bumukas ang aming gate, agad akong umusad papasok sa
loob ng gate. Hindi ko na inayos ang pagparada ng aking sasakyan, gusto ko ng
humiga sa aking kama at matulog.
Halos
pagewang-gewang na ako nang maglakad papunta sa maindoor ng bahay. Hindi ko
alam kung dala lamang ng alak o narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ni
Kyle. Saglit akong tumigil sa paglalakad.
"Akiiii....",
sigaw muli ng pamilyar na tinig. Napalingon naman ako sa pinanggalingan nung
boses at nakita ko si Kyle na basang-basa sa ulan habang hinaharangan ng aming
guard dahil nagpupumilit itong pumasok.
"Kyle...",
bulong ko. Hindi ako makapaniwala na nandoon nga si Kyle. Hindi ko alam kung
totoo ang aking nakikita o bunga lamang ng aking imahinasyon
****Kyle****
2:36
am, Tuesday
July
14
Kakambal
ko talaga ata ang kamalasan. Nangangatog na nga ako sa lamig ng hangin ngayong
gabi ay bumuhos pa ang malakas na ulan. Luminga-linga ako para humanap ng
masisilungan pero walang waiting shed o malaking puno na maaaring sumangga sa
malalaking patak ng ulan.
Mukha
wala na akong magagawa kundi ang maligo na lamang sa ulan. Ayaw ko namang
magpasundo kay Renz dahil desidido ako na hintayin si Aki at hindi ako
mapipigilan ng ulan. Yumuko na lamang ako at niyakap ang sarili para di
gaaanong lamigin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing malungkot ako at nakaupo
sa kalye ng subdivision na ito ay bigla na lang bubuhos ang ulan. Tanda ko
noong nag-walk out ako palabas ng kwarto ni Renz at abutan ng ulan habang
naglalakad palabas ng subdivision.
Dahil
sa ingay na dala ng ulan ay hindi ko narinig ang paparating na sasakyan.
Napataas lamang ako ng ulo ng makarinig ng busina ng kotse. Nanlamig naman ako
ng makitang sasakyan ito ni Aki at umuusad na ito papasok ng gate. Agad akong
tumayo at lakad-takbong hinabol ang papasok na sasakyan.
"Aki
wait!", sigaw ko pero diskumpyado ako kung naririnig niya ako sa loob ng
kotse.
Nang
marating ko ang gate ay nakapasok na ang sasakyan ni Aki at nakita kong
pinaparada niya na ito. Sinubukan kong pumasok pero agad naman akong hinarang
ng gwardyang nagbukas ng gate para kay Aki.
"Hindi
po kayo pwedeng pumasok.", sita ng guard.
"Kelangan
ko lang makausap si Aki.", protesta ko at sinubukan muling lagpasan ang
guard pero agad din ako nitong napigilan. Nakita ko namang bumaba na ng kotse
si Aki at nagsimula nag lumakad papasok ng bahay. Sa kabila ng ingay ng
bumubuhos na ulan ay sinubukan ko muling sumigaw para kuhanin ang kanyang
atensyon.
"Akiiiiii!!!!",
buong lakas kong sigaw para lingunin niya ang aking direksyon.
Napatigil
naman si Aki sa kanyang paglalakad. Lumingon siya sa akin. Hindi siya gumagalaw
sa kanyang kinatatayuan at nanatili lamang na nakamasid. Paano kung galit siya
at ayaw niya akong kausapin? Paano kung tumalikod na lang siya at di ako
pansinin?
"Aki,
pleaseeee!", pagsusumamo ko.
Naramdaman
ko naman ang paghila sa akin ng guard palabas ng gate. Sinubukan kong manlaban
pero mas malaki sa akin yung gwardya at nanlalambot na din ang aking tuhod
dahil sa iniindang lagnat.
"Akiiii!!!
Talk to me please...", patuloy kong sigaw habang itinataboy ng gwardya.
Hindi na ako nakatiis at buong lakas ko ng itinulak ang gwardya. Marahil ay di
nito inaasahan ang ginawa ko kaya mabilis itong natumba. Kinuha ko na ang
pagkakataong iyon para tumakbo palapit kay Aki.
Nang
marating ko ang kanyang kinatatayuan ay agad ko siyang niyakap. Wala akong
pakialam kung galit siya sa akin, basta hindi ko siya pakakawalan.
****Aki****
2:47
am, Tuesday
July
14
"Sorry...
I'm sorry...", paulit-ulit na sabi ni Kyle habang mahigpit na nakayakap sa
akin.
Nakita
ko kung paano niya itinulak ang aming gwardya para matumba at kung gaano siya
kabilis na tumakbo papaunta sa akin at saka yumakap. Nang maramdaman ko ang
kanyang basang katawan na yumakap sa akin ay noon lang ako natauhan na hindi
ako nanaginip. Totoong nandito si Kyle at nakayakap sa akin.
Muli
na sanang lalapit ang aming gwardya pero iminuwestra ko na bumalik na lamang
ito sa kanyang ginagawa.
"Sorry
Aki kung lagi na lang kitang nasasaktan. You deserve so much better that this.
I'm sorry...", malinaw sa akin na umiiyak na si Kyle ng mga sandaling iyon
dahil sa pag-garalgal ng kanyang boses.
Hindi
ko nagawang makasagot agad dahil sa pagkabigla at kalituhan. Hindi naman siguro
siya pumunta dito para lang humingi ng tawad dahil pinili niya si Renz.
"That's
okay, you don't have to cry. And you don't have to bathe in the rain. C'mon,
let's get you some dry clothes.", bulong ko kay Kyle. Tumango lamang siya
at sumunod sa akin papasok sa loob ng bahay.
Nang
makarating kami sa aking kwarto ay inabutan ko si Kyle ng tuwalya at tuyong
damit. Pinagamit ko sa kanya ang aking banyo sa kwarto samantalang ako ay
bumaba sa unang palapag at doon naligo. Tahimik lamang si Kyle mula ng
makapasok kami sa bahay.
Nang
makapasok ako sa banyo ay hinayaan kong pawiin ng tubig ang kalasingan ko.
Nakatayo lamang ako sa ilalim ng shower habang nag-iisip. Hindi ko alam kung
bakit pa pumunta rito si Kyle. Maaaring naaawa siya sa akin kaya sumugod siya
rito para lang humingi ng tawad. Pero parang hindi naman iyon sapat na dahilan
para bumyahe siya ng dis oras ng gabi at magpakabasa sa ulan. Agad kong
tinigilan ang pag-iisip dahil alam ko na ang patutunguhan ng mga bagay na
tumtakbo sa aking isip, tiyak na aasa na naman ako na baka pumunta rito si Kyle
para sabihing mahal niya ako na malayo naming mangyare.
Pagkatapos
maligo ay bumalik na ako sa aking kwarto para kausapin si Kyle. Saktong
pagpasok ko ay palabas naman si Kyle ng banyo at nakatapis lamang ng twalya.
Tila nade-demonyo ako sa aking nakikita. Hindi ko alam kung anong meron si Kyle
pero kahit noon pa lang na mataba siya ay iba na ang dating niya sa akin.
Ngayong gumanda na ang hubog ng katawan niya ay lalong lumalakas ang pagnanasa
ko sa kanya. Pasimple akong tumalikod sa kanya bago pa ako may magawang di
maganda.
Muntik
pa akong mapatalon nang yakapin ako ni Kyle mula sa likod. Ramdam ko ang init
na nagmumula sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga
oras na iyon. Hindi nakakatulong ang tama ng alak sa akin. Malakas ang
udyok ng aking utak na gantihan ang bawat haplos na ginagawa ni Kyle.
“I
hope you didn’t come here to kiss and make out.”, wika ko para pakawalan niya
na ako sa kanyang yakap. Iniharap naman ako ni Kyle sa kanya at ginawaran ng
isang mabilis na halik sa labi. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi ko alam kung
anong tumatakbo sa kanyang utak ng mga sandaling ito.
“Why
are you doing this Kyle?”, bulong ko sa kanya ng maghiwalay ang aming mga labi.
“I’m
sorry Aki sa lahat ng bagay na nagawa ko na nakasakit sa’yo.”, sagot niya sa
akin.
“You
don’t have to kiss me and pretend that you want to make love with me to
apologize. Hindi parausan ang tingin ko sa’yo.”, seryoso kong sabi.
“I
know, kahit kalian hindi ko naramdaman sa’ yo yun.”, sagot ni Kyle habang
dahan-dahang lumalayo sa akin para makapag-bihis.
****Kyle****
3:34
am, Tuesday
July
14
Hindi
ko napigilan ang sarili kong halikan agad si Aki. Alam kong nabigla siya sa
aking ginawa kaya ganoon na lamang ang kanyang nagging reaksyon. Hindi naman
ako nasaktan sa kanyang mga sinabi dahil nangingibabaw ang sayang nararamdaman
ko. Masaya ako na magkasama kami ngayon.
Nahiga
ako sa kama ni Aki at hinintay siyang tumabi sa akin. Nakita kong pinatay niya
ang ilaw bago humiga sa aking tabi. Pansamantala kaming natahimik na dalawa.
Dinadama ko lamang ang kasiyahan na magkatabi kaming muli ni Aki sa iisang
kama.
“Bakit
ba lagi ka na lang naliligo sa ulan dito sa subdivision namin? Parang déjà vu
lang nung makita kita kanina.”, biro ni Aki. Napangiti naman ako sa kanyang
sinabi.
“Hindi
yun katulad nung nakita mo ko dati. Kasi dati naligo ako sa ulan kasi malungkot
ako. Malungkot ako kasi nasaktan ako ng taong mahal ko at kailangan kong
lumayo. Iba yung ngayon, nandoon ako kanina sa ulan kasi hinihintay kong
dumating yung taong mahal ko dahil ayaw kong lumayo siya sa akin.”, ramdam ko
ang paglingon ng ulo ni Aki sa akin. Nanatili lamang akong nakatitig sa kisame
ng kwarto niya.
“May
pagkamatatampuhin kasi yung mahal ko na yun. Hindi ko naman siya masisisi kasi
ilang beses ko na din siyang nasaktan at binalewala tulad nung ginawa sa akin
nung crush ko dati. Pero kahit na ganon bilib pa din ako sa kanya kasi parang
hindi siya napapagod na maghintay, umunawa, at magmahal sa akin.”, pagkekwento
ko kay Aki.
“Matagal
ko na nga ata siyang mahal hindi ko lang pinapansin yung talagang sinasabi ng
puso ko kasi nabulag ako sa pagmamahal ko sa crush ko noon. Pero nung makita ko
siyang muli, at malaman kong galit siya, noon ko na-realize kung gaano kalaki
yung nawala sa akin. Kaya ngayong nagkaayos na kami hindi ko na sasayangin pa
yung pagkakataon. Handa akong maligo sa ulan ng ilang beses masiguro ko lang na
hindi na uli siya lalayo sa akin. Kasi maha-------…..”, hindi ko na natapos pa
ang aking sasabihin dahil sa paglapat ng labi ni Aki.
“Please
sabihin mo sa aking hindi ako nanaginip at hindi mo ako pinagtitripan lang.”,
pakiusap ni Aki.
“No,
this isn’t a dream and I’m not fooling around. I’m sorry Aki kung matagal
kitang pinaghintay, sorry kung nasaktan kita ng ilang beses, sorry kung ikaw
lagi ang kailangang magsakripisyo…”, nakita kong bumuka ang bibig ni Aki pero
agad ko iyong tinakpan ng aking kamay kasi madami pa akong gusting sabihin sa
kanya.
“Maraming
salamat sa pag-aantay, salamat kasi lagi kang nandyan para sa akin, at higit sa
lahat salamat sa pagmamahal sa mataba at sa seksing Kyle.” Tinanggal naman ni
Aki ang kamay ko na nakatakip sa kanyang bibig at muli akong hinalikan.
“I
love you Aki, and I want to share every bit of my happiness with you. Alam ko
na darating yung mga pagkakataon na mag-aaway tayo at may mga panahon na hindi
tayo masaya pero alam kong kakayanin kong lahat yon kasi mahal kita. May mga
tututol at magtaas ng kilay pero wala akong pakialam kasi mahal kita. Mahal na
mah----….”, nagulat ako ng halikan akong muli ni Aki. This time ay mas malalim
ang kanyang paghalik. Ramdam ko ang pagkasabik at pagmamahal sa halik niyang
iyon. Lahat ng sinabi ko kay Aki ay tinumbasan niya sa tamis ng kanyang halik.
Nang
maghiwalay an gaming mga labi ay minasdan kong mabuti ang mukha ng aking mahal.
Kita ko ang galak sa ningning ng kanyang mga mata, halata ang ligaya sa lapad
ng ngiti ng kanyang mapupulang mga labi. Ipinangako ko sa aking sarili na
gagawin ko ang lahat para makita ko araw-araw ang mga mata at ngiting iyong ng
lalaking mahal ko. Muling nagtagpo ang aming mga labi at napaloob kami sa aming
sariling mundo na puno ng pagmamahalan.
“You
know I didn’t come here to kiss and make out.”, natatawa kong sabi kay Aki ng
maglayo ang aming mga mukha. “Say something.”, pilit ko kay Aki dahil wala pa
itong sinasabi mula ng umamin ako sa kanya.
“Sorry,
I’m just so happy right now I don’t know what to say. All I can do is kiss you
and make you feel how happy I am and how much I love you Kyle.”, nakangiting
sabi ni Aki.
“I
love you too…” bulong ko sa kanya habang dahan-dahan niya ako ipinaloloob sa
kanyang yakap. Ilang minutia rin kaming nanatili lamang sa ganoong posisyon at
tahimik na dinarama ang kasiyahan ng bawat isa.
“Paano
si Renz, Kyle?”, tanong ni Aki habang paulit-ulit na hinihimas ang aking
buhok.
“Nagkausap
na kami. Iyon ang dahilan kung bakit nasa bahay siya kanina. Alam kong nasaktan
ko din siya pero hindi ko naman kaya na walang gawin habang alam kong
nasasaktan kang uli. He seems okay though, siya pa nga ang naghatid sa akin
dito.”, naramdaman ko naman ang lalong paghigpit ng yakap sa akin ni Aki. Alam
kong pinapangamabahan pa din niya ang estado naming ni Renz kaya masaya ako na
nabigyang linaw ko na ang sitwasyon naming dalawa. “ Ikaw, bakit ka pumunta sa
bahay kanina?”
“Well,
I was expecting you at work today but you didn’t show up and I can’t reach your
phone, so I got worried that’s why i decided na puntahan ka sa inyo.”, sagot ni
Aki.
“Hmmm…
Nilalagnat kasi ako kaninang umaga kaya hindi na ako nakapunta pa sa office
----…”, halata naming nagulat si Aki sa aking sinabi dahil agad siyang kumalas
sa aking yakap at sinalat ang aking noo.
“Shit!
Ang taas ng lagnat mo, naligo ka pa sa ulan. Get up, dadalhin na kita sa
ospital.”, alalang sabi ni Aki sabay tayo sa kama. Napangiti naman ako dahil sa
concern niya sa akin.
“Lagnat
laki lang to! Di ka na nasanay.”, patawa ko. “What I need now is yung masarap
mong sopas.”, wika ko ng maalala ang sopas na niluto niya noon para sa akin.
“Hehehe,
okay. Tara nga dito payakap uli, bayad mo na sa sopas na lulutuin ko.”, agad
naman akong lumapit kay Aki at niyakap siya. Sabay naming tinungo ang kanilang
kusina at tinulungan ko siyang i-prepare ang sopas na lulutuin niya.
The End..........................for now……… :))
Author’s note:
Hayyy! Sa wakas natapos ko na din siya, haha…. Sa mga naghihintay
po ng updates maraming salamat po sa walang katapusan ninyong pasensya. Sa
lahat ng nag-comment sa story nila Kyle, Aki, at Renz, simula pa lang nung book
one, libu-libong pasasalamat po sa inyo hindi ko siguro magagawang paabuting ng
book two ang LSI dahil sa encouragement at motivation na nakukuha ko mula sa
mga comments ninyo. Sa mga nainis dahil sa naging mabagal na pag-usad ng
updates, again sorry po kung hindi ko na-meet yung expectations ninyo, bati na
tayo please? :))
Sa admin po ng MSOB at kay sir Mike Juha maraming salamat po sa
opportunity na makapagsulat sa inyong blog at maibahagi ang aking mga pananaw
sa buhay. This blog has been an avenue of hope. May we all prosper this 2014!
Pasensya na pala kung parang medyo bitin o hindi masyado nagging maganda
yung ending ng LSI, and hirap kasi mag-let go sa mga characters na ilang buwan
ko ring binigyang buhay sa kwentong ito. Sa mga bet si Renz, don’t worry guys
we’ll do something about him. At dahil dyan we will be looking forward for
another story next year about Renz, syempre andyan pa din sila Kyle at Aki. Hindi
ko pa alam kung kelan ko sisimulan kasi mayroon akong short story na gusting-gusto
kong isulat. Nasa isip ko sya the whole time na sinusulat ko itong LSI. It’s
the story behind LSI. Sana po ay abangan
nyo yan!
Merry Christmas to All and may we all have a blessed New year!
Enjoy reading !
------crayon :))
Ahh...grabe tagal ko tong inabangan..lagi ko tong sinisilip kung my update na..pero khit matagal ok lang..SOBRANG GANDA TALAGA..ANG GALING MO MR. AUTHOR..THE BEST KA!!!!
ReplyDeleteSANA YUNG NEXT WAG MASYADONG MTAGALAN..HEHE..JOKE...THANK YOU TALAGA....
thank you sa update kay tagal kong hinintay to Mr. author...merry christmas and god bless
ReplyDeleteWoth the wait! Love love love your work! Can't wait for Renz's story naman.:)
ReplyDeleteGanda crayon! Thank you..
ReplyDeleteAabangan k next story mo..
4 THUMBS UP! SALI MO NA IYONG SA PAA! DEF ONE OF MY FAVORITE! MERRY CHRISTMAS!
ReplyDeletePS. PALIMOS NAMAN SI RENZ AGINALDO MO NA HAHA DEJK PWEDE PANGALAN KO ANG KATAMBAL NI RENZ HAHAH JOKE ANG GANDA PRAMIS Keep writing po!
kaw pala yan cookie cutter luv u <3
Delete~Yeorim
Sulit na sulit ang paghihintay. Isa ito sa mga kuwentong inaabangan ko.
ReplyDeleteHappy din ako sa ending ng story. True, love is patient.
good job mister author..
ReplyDeleteMedyo bitin ang finale pero hindi ito nakaapekto sa ganda ng kwento.
ReplyDeleteCongrats author for the great story.
I hope in book 3 Renz will be the main character while Aki and Kyle in supporting roles as lovers he...he....
Brian Xander (Brix)
Wow haha happynang christmas nina aki at kyle hehe sana naman si renz din bigyan monng magandag pobe story hehe
ReplyDeleteJj hav
Been looking forward for the updates of this. Now that it comes to end, I can say it's the best ending for the three characters. At last Kyle find his true happiness. In.due time, Renz will have his own beautiful ending as the author promises. Thanks for the story
ReplyDeleteBeen looking forward for the updates of this. Now that it comes to end, I can say it's the best ending for the three characters. At last Kyle find his true happiness. In.due time, Renz will have his own beautiful ending as the author promises. Thanks for the story
ReplyDeleteBeen looking forward for the updates of this. Now that it comes to end, I can say it's the best ending for the three characters. At last Kyle find his true happiness. In.due time, Renz will have his own beautiful ending as the author promises. Thanks for the story
ReplyDeleteThanks for the great story
ReplyDeleteBeen looking forward for the updates of this. Now that it comes to end, I can say it's the best ending for the three characters. At last Kyle find his true happiness. In.due time, Renz will have his own beautiful ending as the author promises. Thanks for the story
ReplyDelete9 out of 10! Yung 1 sa slow update! Joke Lang! Haha.
ReplyDeleteWell I love the story! It's not all about how giggly and wiggly a love story can be but it's also about how painful, regrets, and waiting are behind it. Kudos to this! Def a must read! :)
-dilos
YES YES YES! THANK YOU PO SIR CRAYON! ANG GALING GALING NG PAGKAKASULAT NG STORY NA ITO.
ReplyDeleteSobra ko itong sinubaybayan at lagi akong naiinlove sa bawat chapter.
I thought I was just crying a while ago pero sulit yung ending!
Finally, Kyle has found his happiness in Aki (ETO YUNG GUSTO KONG MANGYARI!) after going through a lot of struggles.
THANK YOU SA NAKAPAGANDANG PAMASKO NIYO PO SA AKIN, and this one of the best things that I had before 2013 ends.
SALUDO AKO SA INYO. And thank you for teaching us a lot of lessons---- marami akong natutunan sa inyo, at isa iyon sa mga bagay na pinagpapasalamat ko.
And, ang hirap i-let go nito, kasi, simula umpisa, sinubaybayan ko na talaga sila Aki, Kyle at Renz! GRABEEEEEEEE. SO MUCH FEELS FOR THIS STORY.
I LOVE IT.
Kung magkakaroon man ng karugtong ito (I hope Renz will find his own happiness), I will be waiting for it!
Wag lang masyadong matagal ang update ha? ._. PERO QUALITY NAMAN.
THANK YOU SIR CRAYON AND I LOVE YOU SO MUCH BILANG FAN AT AVID READER NIYO!
OMG! i must say, this is my favorite so far! ,, matalino ang author, walang masyadong grammar errors, conversations are intellectually done. plus ang ganda ng pacing ng story,. naiyak ako ng sobra.lol.. i cant wait for the next story. RENZ and LUI perhaps? im so excited! thank you so much!
ReplyDeletenagsisimula pa lang ang love story nila ending na agad??? heheheheh
ReplyDeleteang ganda rin ah, pero bitin na bitin! heheheh
aabanga ko ang book 3... baka iba na din ang title....
gusto ko sanang magcomment muna nung nabasa kong si AKI na ng pinipili ni kyle.
ReplyDeletenagscrolk down na ko kaso i'm too excited for next things to happen.
kaya tinapos ko na muna. :)
ang galing2 mo po author!
LSI is worth the wait as always.
i'm so happy kasi sina KYLE at AKI ang nagkatuluyan. *cheers!*
i'll be looking forward to your next sequel and stories!
goodluck and god bless. ^-^
-Ms.C
KALOKA! Roller Coaster yung story...... Aakyat then bababa hanggang umiyak ka.... Then aakyat uli then iyak..... Pero biglang natigil... Hahaha Thumbs up!!!
ReplyDeletesplended! at last natagpuan na din ang tunay at wagas na pagmamahalan. hope may love story din para kay Renz! congrats for a job well done mr author. happy holidays too.
ReplyDeleteTwo thumbs up Mr. Author! Nung una pa lang bet ko na tlga si Aki for kyle. And tinupad mo naman! Galing! Hoping for more stories from you! Iba tlga magsulat ang isko! Btw, I'm soo glad sinama mo kahit papanu ang elbi! Miss na miss ko na yun! More power Mr. Author!
ReplyDelete-2006-***** :)
SANA SI RENZ AT LUI MAGKATULUYAN. hahaha. pwede naman dba. sayang sila pareho, nsakatan kay kyle.
ReplyDelete-louis
Bitin!!!!! Hayst.. Sana agad masulat ung book 3! 2 thumbs up sa author.. i can even borrow more thumbs just to praise ur wonderful work! Kaya ung book 3 sana mas maganda! Aasahan ko yan at sana iemail mo ko kng my updates ka na.. thank u! chinkyeyedpao@gmail.com
ReplyDeleteDear Mr. Crayon,
ReplyDeleteI've been a silent reader for this story of yours. I would like to say thank you for coming up with this exceptional art. You story has been part of my life for these past months. Medyo nakakainis nga lang sa matagal na updates. Nakaka-excite kasi yung plot and the twist itself gave a strong justice to it. I'm looking forward na makabasa ako ng continuation ng love story nila Aki at Kyle and ofcourse for Renz too. Their story absolutely gave me headaches and stomach butterflies at the same time. :)
More powers for you Sir Crayon. I hope we can meet personally if given a chance. It will be an honor to see the behind LSI. :)
Until then. Looking forward for the next book!
-Gelo
pwd sa book 3 si lui at renz naman ang bida.
ReplyDeleteAng ganda sulit na sulit ang panghihintay.salamat sa napakagandang story :)
ReplyDeleteganda
ReplyDeleteMaraming salamat sa napakagandaang story. It worth the long wait
ReplyDeleteBen
Wowwww tnx Mr. Crayon... :)))
ReplyDeleteDear author, maraming salamat!
ReplyDeleteIsang napakagandang pamasko para sa aming mga tagasubaybay mo!
Merry Xmas and Happy New Year sa yo! God Bless you always!
Ben
oh my oh my! Sana may epilogue yung story ni kyle at aki bago magstart yung kay renz next year at si lui sna hahaha bagay naman sila db parang asot pusa haha isa ang story na toh sa mga inabangan ko at aabangan kupa sa mga susunod pa at isa rin talaga sa mga pinaka nagustuahn ko dito salamat sir crayon thanks tlaga ang galing mo kahit matagal yung update napaka worth it ng paghihintaybsana sa lahat ng writer ganito din hahaha pero superb sir kudos!! I'm wishing youna great year and sa lahat ng manunulat at lahat ng taga basadito like me may we all have a peacful New Year. Amd Merry Christmas pala hahaha God Blessed folks.
ReplyDeleteAng galing! Ang galing galing talaga! Ang ganda ng kwento. Happy ako na c kyle at ike ang nagkatuluyan. Pwede bang akin n lng c renz? Hehehehe. Hihintayin ko ang kwento nya.
ReplyDelete-hardname-
Ay mali. Aki pala. Cno c ike? Hahahahaha
ReplyDelete-hardname-
wow! now the story ended... nakakalungkot kc npamahal n sakin sila aki, kyle, and renz.. i was hpoing for renz-kyle but anyway its ok.. hehe!! agree ako sa ibang nag comment na sana sila Lui and Renz ang mgkatuluyan sa next story mo.. hehehe!! natuwa na ko nung cnbi ni Lui sa txt na na corner sya ni Renz. hehehe!! sana nga sila na lang.. hahaha.. anyway great job mr. crayon. lagi akong nag aabang sa chapter ng story mo, khit matagal worth it ang wait. silent reader ako pero mg papakilala na nga ako..
ReplyDeletehehehe!! hreetings!! i'm kinsler..
you really do possess talent and skill. but genius possesses you. a great story of love. wish there would be next story soon.
ReplyDelete-kiko of SK
SUPER DUPER LOVE q tlga ang story n to.., Mr Author ang galing galing ksi ung story ay super lapit s real life Bi love Story
ReplyDeleteThank you s pagshare ng napakagandamg story m
AUTHOR SAN KO PO MAKIKITA UNG BOOK ONE
ReplyDeleteUhmm Kung gamit nyo po ay phone sa pagbabasa at nka-mobile version kayo baka d nyo po makita yung book one kc wala sya sa TOC. Kelangan nyo pong i-click yung web version sa baba para makita nyo yung complete list ng story ng site or basahin ung book one gamit yung pc o laptop nyo.. :))
DeleteGuys, sa mga nag-iintay po ng story ni Renz gusto ko pong ipaalam na hindi ko pa po sya maipost ngayon. Most likely mga March pa po sya magsimula. Salamat. ;))
ReplyDeleteMaganda, kaso so bitin...
ReplyDeleteHello :)
ReplyDeleteJust done with the series and what a very unique way of telling a story.
Mararamdaman mo talaga ang emosyon at may pinaghuhugutan at katutuhanan ang pagkakasulat.
Nakakatuwa na minsan pag sa publiko ko binabasa pigil ang hagikgik at kilig o kaya namay pinipigilan ang mga luha. Ganoon na lamang kalakas ang dating ng istoryang napakaganda ng pagkakalikha.
Salamat Author and we are looking forward to another great installment of your wonderful creation.
Salamat po kay Crayon, Kuya Mike and lahat ng tumulong mapaganda ang istoryang ito na labis namin ikinagalak at kinapulutan ng aral.
God bless po and Stay aware of the infinite blessings around us Advanced Happy Chinese New Year At naway buksan natin ang ating mga sarili sa umaapaw na pagpapala lagi po tayong maging mabuti at masaya
next chapter n po . . huhuhu gusto q n malaman mangyayari sa knila ni aki. . ang saya saya. . araw araw aq naghahanap ng update . pleasse po. . update k n. .
ReplyDeletegusto q n kiligin ulit. ahekheks.. UPDATE!UPDATE!UPDATE!UPDATE hehe. .
akin k n lng. . renz. . o kya kay alvin knlng. . bgay mn dw bga kau sbi ni kyle. .
ang saya nung pumunta cla sa beach. . sana masundan un. . ung mas romantic. .
ang saya ko pra kay aki . . na22nan n syang mahalin ni kyle. . ako kea kelan mamahalin ng babaeng mhal q?? :(
update k n po mr.author. . pleassssssssse
next chapter n po . . huhuhu gusto q n malaman mangyayari sa knila ni aki. . ang saya saya. . araw araw aq naghahanap ng update . pleasse po. . update k n. .
ReplyDeletegusto q n kiligin ulit. ahekheks.. UPDATE!UPDATE!UPDATE!UPDATE hehe. .
akin k n lng. . renz. . o kya kay alvin knlng. . bgay mn dw bga kau sbi ni kyle. .
ang saya nung pumunta cla sa beach. . sana masundan un. . ung mas romantic. .
ang saya ko pra kay aki . . na22nan n syang mahalin ni kyle. . ako kea kelan mamahalin ng babaeng mhal q?? :(
update k n po mr.author. . pleassssssssse
next chapter n po . . huhuhu gusto q n malaman mangyayari sa knila ni aki. . ang saya saya. . araw araw aq naghahanap ng update . pleasse po. . update k n. .
ReplyDeletegusto q n kiligin ulit. ahekheks.. UPDATE!UPDATE!UPDATE!UPDATE hehe. .
akin k n lng. . renz. . o kya kay alvin knlng. . bgay mn dw bga kau sbi ni kyle. .
ang saya nung pumunta cla sa beach. . sana masundan un. . ung mas romantic. .
ang saya ko pra kay aki . . na22nan n syang mahalin ni kyle. . ako kea kelan mamahalin ng babaeng mhal q?? :(
update k n po mr.author. . pleassssssssse
next chapter n po . . huhuhu gusto q n malaman mangyayari sa knila ni aki. . ang saya saya. . araw araw aq naghahanap ng update . pleasse po. . update k n. .
ReplyDeletegusto q n kiligin ulit. ahekheks.. UPDATE!UPDATE!UPDATE!UPDATE hehe. .
akin k n lng. . renz. . o kya kay alvin knlng. . bgay mn dw bga kau sbi ni kyle. .
ang saya nung pumunta cla sa beach. . sana masundan un. . ung mas romantic. .
ang saya ko pra kay aki . . na22nan n syang mahalin ni kyle. . ako kea kelan mamahalin ng babaeng mhal q?? :(
update k n po mr.author. . pleassssssssse
next chapter n po . . huhuhu gusto q n malaman mangyayari sa knila ni aki. . ang saya saya. . araw araw aq naghahanap ng update . pleasse po. . update k n. .
ReplyDeletegusto q n kiligin ulit. ahekheks.. UPDATE!UPDATE!UPDATE!UPDATE hehe. .
akin k n lng. . renz. . o kya kay alvin knlng. . bgay mn dw bga kau sbi ni kyle. .
ang saya nung pumunta cla sa beach. . sana masundan un. . ung mas romantic. .
ang saya ko pra kay aki . . na22nan n syang mahalin ni kyle. . ako kea kelan mamahalin ng babaeng mhal q?? :(
update k n po mr.author. . pleassssssssse
Thumbs up!
ReplyDeletetnx Mr.Author
aabangan ko ung next mong story :D
ano po title ng next story nyo po Mr. Author?? thanks
ReplyDeleteStarfish... may teaser na sya.. :))
Delete