Followers

Thursday, December 26, 2013

Look Closer 5

"Elementary lang?" Hehe
Mukhang elementary naman talaga si Van. College na ang level namin pero mukhang hindi pa siya nagmamature. Pero napaisip ako dahil sa sandaling pagkakatitig ko sa kanya kung susundan ko siya sa library gaya na din ng sinabi niya.
"Punta lang ako sa canteen ha?" Saad ko sa mga kasama ko.
"Katatapos lang natin kumain ah. Gutom ka na naman?"
"Nauuhaw ako tange." Palusot ko sabay tawa. Alam ko kasi na hindi naman sila maniniwala. Kaya bago pa man sila magtanong ulit, umalis na ako sa tabi nila.
Nagbaka sakali akong makikita ko si Van sa library. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang patong-patong na libro na nakapatong sa isang mesa sa sulok ng library.
"Hi" bati ko sa kanya
"Hello" maiksi nitong tugon. (Suplado naman) sa isip isip ko
"Suplado ka ba...?" Wala sa isip kong nitanong
"Huh?"
"Ay mali. Ang sabi ko, may klase ka ba ngayon?"
"Obvious ba? Syempre wala"
(Aba! Akala mo naman kung sino 'to.) Aktong tatayo na ako nang bigla siyang nagsalita.
"Pasensiya ka na, hindi lang ako sanay na may kumakausap sa akin. Thanks for the effort."
"You're welcome." Nag-stay pa ako at nagkuwentuhan pa kami ng mahaba. Nalaman ko na apat silang magkakapatid. Siya ang panganay kaya puspusan ang pag-aaral nito dahil ayaw niyang biguin ang daddy niya na kasalukyang mayor ng Cagayan. Hindi ko rin namalayan na malapit nang mag lunch break kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang gutom.
"Van, mamaya pa naman after lunch ang next subject natin. How about you treat me lunch?" Pag-anyaya ko sa kanya sabay tawa ng malakas.
"Yun lang pala. Where do you want to go?"
"Biro lang naman yun. Pero since parang agree ka naman, Kahit saan" patawa kong sinabi sa kanya.
"May restaurant sa labas, malapit lang dito. Gusto mo dun na lang?"
"Sossy ka naman. Jan lang sa canteen ok na!" Iniisip ko kung nagpapa-impress lang ito.
"No! Ok lang... Hindi kasi ako kumakain kung saan saan. Sabe kasi ni mommy, hindi ka sigurado sa mga kinakain kaya dapat sa alam mong malinis.
"Hindi dahil sa canteen lang ang meron sa campus, doesn't mean na hindi na malinis. Hindi naman sila makakatagal dito kung hindi sila malinis magluto." Nagkaroon pa kami ng debate tungkol sa kakainan kaya ang ending... Sa restaurant kung saan niya gustong kumain ang pinuntahan namin.
Habang kumakain kami, "Aldrin, thank you for sharing this meal with me. Will you be my best friend?" Seryoso niyang tanong sa akin.
"Sorry, pero may best friend na ako." Nabigla naman ako sa lungkot na ipinakita niya. Halatang dismayado.
"We're good friends naman diba? It doesn't mean na dahil hindi sa iyo ang best friend title means you're less important. Close friends na lang muna..."
"Thanks!" Lumapad ang ngiti niya at nagulat sa bigla nitong pagyakap sa akin.

To Be Continued

4 comments:

  1. bat wala na pong ksaunod author?? an tagal na p man din -.-
    hayyyy.. sana meron nacutan po ako e

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  2. Nakaka kilig at the same time cute yung nangyayari sa characters hehehe can't wait for the next UD :)

    ReplyDelete
  3. Nakaka kigil yung story and at the same time ang cute ng nangyayari sa characters :) hehehe can't wait for the next UD :)

    ReplyDelete
  4. San na ang kasunod nito? Author please naman wag kaming masyadong ibitin :))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails