"Sige. Anong
pinakafavorite mo na game?"
"V-rally"
"Talaga?! Wow. Pareho pala
tayo. Tara na sa taas" excited niyang sagot.
Nasa ikahuling hakbang na siya
ng bigla siyang ma-out of balance.
"Aray! Aldrin,
tulong."
"Ano ba naman kasi.
napakalampa mo. patingin nga ako."
"Aaaaaah.. Aray.
Dahan-dahan lang."
Halos manlumo ako sa nakita ko
kaya isinugod namin siya sa pinakamalapit na clinic at tinawagan ang lolo at
lola nito. Na-sprain si Troy at hindi siya makakalakad ng maayos for the next 2
weeks.
Kung abutan ka nga naman ng
malas. Hindi na natuli, na-sprain pa si mokong.
"Aldrin, ok lang ba kung
sa inyo ako makikituloy? Wala din kasi mag-aalaga sa akin sa bahay eh."
Dahil dito, nakiusap ako kay
papa at mama na sa bahay muna si Troy dahil na rin sa kalagayan niya at dahil
sa bahay din naman siya nadisgrasya.
At sa bahay nga natulog si
Troy. Siyempre todo alaga ako sa kanya.
"Aldrin, salamat ha. Sana
maging magkaibgan tayo ng matagal na panahon." Mangiyak ngiyak niyang
sambit.
"Oh, bakit ka
umiiyak?"
"Masaya lang ako kasi
ngayon lang ako nakahanap ng taong nag-alaga sakin ng hindi nag-aapura saka
hindi ako iniisip na abala." Sabay patak ng luha na kanina pa niya
iniimpit na ibuhos. "Bestfriends na tayo ha? Walang iwanan."
"Aaah, eh.. Oo
naman.." Pautal-utal kong sagot. Sino ba naman ang hindi mapapaurong ang
dila. Isang napakagwapong lalaki ang nasa harap mo na humihingi ng pabor ng panghabang-buhay.
Iyon na siguro ang pinaka
sincere na narinig ko mula sa isang tao. haha... Masyadong madrama. Anyway,
that's what really happenned.
2 years passed, sobra kami
naging close ni Troy na kahit ang mga naging girlfriends niya ay nagseselos sa
akin. And if you ask me, I've never been kissed, never been touched (virgin pa?
I think not. haha! Oh my gawd). Kidding aside, hindi pa ako nagkakagirlfriend.
I do have m.u.'s pero hindi ko pinapansin kasi mas nakatuon ang atensiyon ko
kay Troy.
Very fragile itong bestfriend
ko kaya walang nagtatagal na girlfriend eh. Mas maarte pa sa babae pagdating sa
paghandle ng relasyon.
One time, nagbreak sila ng
girlfriend niya, na super crush niya nuon pang elementary kami. Umabot sa point
na nagpapakalango na siya sa alak. Dinamayan ko ang mokong para naman hindi
niya maramdaman na wala siyang kakampi.
Sinasabayan ko na lang ang
lahat ng trip niya pati mga sinasabi dahil alam ko na hindi rin niya maalala
lahat ng mapag uusapan naming dalawa. So I laid a half meant joke.
Hinawakan ko siya sa kamay at
buong tapang kong sinabi na... "Troy, dre, matagal na kitang
gusto..." Tingnan ko nga kung anong sasabihin mo (sa loob-loob ko)
Biglang tumahimik.
"Hoy Troy. Joke lang un!
Ano ka ba! Para kang timang. Hindi ka na naman nagsasalita." Binawi ko
agad ang sinabi ko dahil alam ko kung saan pupunta ang usapan.
"..." Matagal na
katahimikan. "Uuwi na ako Aldrin" bigla niyang iwas sa akin at
tumakbo siyang palabas ng bahay.
Puzzled ang dating ko. Hindi ko
alam kung ano ang nangyari. Kung ok na ba siya o hindi pa. So natulog na lang
ako at nagdecide na bukas na lang siya tatawagan. Sakto namang friday today..
Bakasyon bukas...
Samantala, mabilis na umuwi ng
bahay si Troy.
"Pano niya nasabi iyon!
May usapan kami. Aaaaaaargh! Ano ba nangyayari sa kanya. Nahihibang na ba siya.
Alam naman niyang hindi pwede." Pagsasalita niya ng mag-isa.
Tarantang taranta siya na halos
lunukin na rin niya pati baso na iniinuman niya ng tubig para mahimasmasan.
Pagbalik niya sa katinuan,
pinilit niyang kalmahin ang sarili bago niya hawakan ang cellphone at nag
umpisang mag dial ng numero.
(Riiiiiiinnnngggggg)
"Hello? Gabi na. Sino
ito?"
"Aldrin..."
"Oh Troy... Matulog ka na,
hindi pa maayos ang..."
"Kailangan natin mag-usap
bukas"
Bigla akong natakot sa anumang
pag-uusapan namin ni Troy. Alam ko kung paano ito maging seryoso at magbitaw ng
salita. This time, very serious ang mangyayari... Pinapangunahan ko na.
To Be Continued
Ang cute ng story :)
ReplyDeleteBitin naman. Too short. Pero thanks mr. Author. Maganda flow ng story.
ReplyDeleteMaganda yung takbo ng story :D
ReplyDeleteKaso pakihabaan naman yung chapter... or maglagay ka lang ng mga filler para mapahaba.. haha.. sayang yung momentum ang bilis ng transition ng mga pangyayari eh..
Aabangan ko next update :D
ok nmn sya.
ReplyDeletemedyo nakakalito lang sa mga POV.
tsaka dun sa pagbabalik tanaw.
kc di ba dun sa introduction nya e high skul na sila, tpos nagbalik tanaw nung magkakilala sila nung magpapatuli sana kaso hindi natuloy, at napilay pa.
after ba nung aksidenteng napilay sya e yun yung lumipas ang 2 taon. kc hindi nmn pwede lumipas ang dalawang taon kung yung present.
hehe..
looking forward sa next chapter!
go! go! go!