Salamat po sa pagbabasa ng Final Requirement Pasensya na po at medyo maikli ang mga Chapters pero kapag nagtagal unti unti po yang hahaba.
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook
Final Requirement 07
J e t --- >>>
Thankgod nagamot na
ang mga sugat ni Andrei, eto siya tulog parang walang iniindang sakit kung
titingnan. Kawawa naman si Andrei hindi niya dapat dinadanas to eh, napakabait
na tao, totoong kaibigan at kapatid na ang turing ko sa kanya.
Makalipas ang 30
minuto dumating si Tita at Kuya Kian.
"Diyos ko anu
nangyari sa anak ko?" < --- Tita
"Ah eh tita
napagtripan po ng tambay naglasing po kasi si Andrei" < --- Ako
"Ha? Di naman
palainum yang kapatid ko ah, anung nangyari" < --- Kuya Kian
"Kay Andrei
nyu na lang po itanong, hindi ko po alam ang ibang detalye eh" < ---
Ako
"Salamat Jet
ah . . . At niligtas mo ang anak ko tatanawin ko itong malalaking utang na
loob" < --- Tita
"Nako tita
wala pong anuman" < --- Ako
"Nasaan si
Chard? Bakit wala yun dito" < --- Kuya Kian
"Ah eh di ko
po alam eh" < --- Ako
Ayoko maki-alam dahil
wala akong alam sa nangyari kay Andrei at Insan. Mas mabuting kay Andrei nila
malaman ang lahat o kaya naman kay insan. Tinawagan ko na din si Alexa para
malaman niya ang nangyari kay Andrei. Hindi na ako nagtaka sa reaksyon niya.
"Huwhat?!
Anung nangyare?! Kamusta naman papa ko?! Oh my god oh my god! Di siya pwede
mamatay hindi pa kami nagkakaroon ng anak!" < --- Alexa
"Kausapin mo
ako kapag nasa katinuan ka na ah bye" < --- Ako
Kung ganyan
makakausap mo araw araw matutuyuan ka ng dugo.
Umuwi muna si Tita
para kumuha ng gamit ni Andrei sa kanila. Kami ni Kuya Kian naman ang natira dito
para bantayan si Andrei baka kasi tumakas hehe biro lang. Dahil may kalaliman
na ang gabi nang umuwi si Tita, mas mabuting ipagpabukas na ang pagpunta dito
sa ospital para sa kaligtasan nito.
"May alam ka
sa nangyari diba?" < --- Kuya Kian
"Ah . . . Wala
po kuya" < --- Ako
"Hindi ka
magaling magsinungaling Jet" < --- Kuya Kian
Tss. Matalino
talaga ang kuya ni Andrei. Napakagaling nitong humuli ng mga taong hindi
nagsasabi ng totoo, at hindi ka mananalo kapag nakipag argumento ka dito.
"Huli mo na
ako kuya pero sabi ko nga, ayoko sa akin magmula" < --- Ako
"Tss. Sige na
nga pero dapat malaman namin ito agad ah" < --- Kuya Kian
“Opo”
.
. .
Kinabukasan maaga
akong nagising ang hirap kasing matulog ng nakayuko di ako sanay masakit pa sa
likod. Si kuya Kian naman ay maagang umalis para sunduin si Tita. Si Andrei
tulog pa din, kaya naman isang tahimik na umaga ang sumalubong sa akin pero. .
.
"Papa
Aaaandreeeiii!!! Wag kang bibitaw! Di pa tayo nakakagawa ng mga anak
natin!" < --- Alexa
"Tss. Abot
hanggang kabilang building ang sigaw mo eh" < --- Ako
"Maganda
naman" < --- Alexa
"Ewan"
< --- Ako
"Anyway,
kasama ko si Papa Chard bumibili lang ng pagkain" < --- Alexa
"H-ha? B-bakit
mo . . . Haist bahala na nga " < --- Ako
Sinabi ni Alexa kay
Insan kung nasaan si Andrei, patay tayo nan mahaba habang paliwanagan nanaman
ito. Pero I have my reason kung bakit hindi ko siniba kay insan ang tungkol sa
nangyari kay Andrei.
"Anung
nangyari sa kanya insan?" < --- Chard
"Pinagtripan
siya ng mga tambay, lasing kasi kagabi si Andrei" < --- Ako
BLAG!
Isang malakas na
suntok ang natanggap ko mula kay Insan na naging sanhi ng aking pagkatumba,
kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Bakit hindi
mo sinabi" < --- Chard
"Galit sayo si
Andrei insan eh kung sasabihin ko sayo panigurado pupunta ka dito eh kung
magising yan at magwala dahil nakita ka?" < --- Ako
"Pero wala
kang karapatan insan WALA! Alam mo kung gaano ko kamahal si Andrei" <
--- Chard
"Parang
kapatid na ang turing ko kay Andrei insan ayoko lang na sumama pa ang loob niya
kapag nakita ka alam ko kasi may hindi kayo pagkakaunawaan at isa pa ayokong
sisihin mo ang sarili mo kapag nalaman mo ang nangyari kay Andrei" <
--- Ako
"Pero mali
insan, wala ka sa lugar upang itago sa akin to" < --- Chard
"Patawad
insan, pangako babawi ako sayo" < --- Ako
"Mabuti,
nagkakaintindihan tayo pero sana di na maulit ito" < --- Chard
"Kaloka kayo!
May gash akala ko mag-jojombagan kayong dalawa dito! Tatawag na dapat ako ng
pulis para awatin kayong dalawa!" < --- Alexa
A n d
r e i --- >>>
Kaninang madaling
araw ay nagising ako, bakit ako nasa Ospital? Anung nangyari sa akin? Sinubukan
kong bumangon pero kumirot ang buo kong katawan lalo na sa parteng tyan at
tagiliran.
Tulog naman si kuya
at si Jet sa gilid ng kama ko. Bakit nga ba ako nandito? Ang alam ko . . .
nag-away kami ni Chard. Hai sana di nalang ako nag-isip bumalik ang galit ko sa
kanya, nakakainis kasi napakasimpleng away sa pagitan naming dalawa pinalaki ni
Chard ng ganun, nagsorry na ako eh pero wala hindi manlang nakinig.
Dahil wala pa
namang umaga ay sinubukan kong matulog muli, ayoko muna isipin ang mga nangyari
naiinis lang ako.
. . .
"Papa
Aaaandreeeiii!!! Wag kang bibitaw! Di pa tayo nakakagawa ng mga anak
natin!" < --- Alexa
Ah grabe to si
Alexa nakalunok ba ng megaphone to?! Anong anak ang sinasabi nito?! Lakas
talaga nito eh.
"Anyway,
kasama ko si Papa Chard bumibili lang ng pagkain" < --- Alexa
Si Chard, bakit
nandito yan?! Badtrip naman oh . . . Ayoko muna siya makita, mainit pa din ang
dugo ko sa kanya.
BLAG!
Shit! Mag-aaway pa
ba itong dalawang to? Pero bakit?
"Bakit hindi
mo sinabi" < --- Chard
"Galit sayo si
Andrei insan eh kung sasabihin ko sayo panigurado pupunta ka dito eh kung
magising yan at magwala dahil nakita ka?" < --- Jet
Hindi pala sinabi
ni Jet kay Chard na nandito ako, at si Alexa pala ang nagsabi kay Chard na nasa
Ospital ako. Kahit kailan talaga to si Alexa, sabagay hindi ko naman siya
masisisi.
Mabuti naman hindi
na nasundan ang pagsuntok ni Chard kay Jet kung hindi babangon na ako dito at
ako mismo ang sasapak sa kanya.
May umupo sa gilid
ng kama ko, hinawakan ang kamay ko at hinalikan, alam mo kung kaninong pabango
iyon, si Chard to panigurado.
"Babe. .
." < --- Chard
"Hindi pa din
siya nagigising simula nung nabugbog siya ng tambay kagabi" < --- Jet
Sabi nga ni Jet
nabugbog daw ako ng Tambay, kalian at bakit?
>>> Flashback
>>>
Habang pauwi ako sa
amin ay ramdam ko na ang espiritu ng alak na dumadaloy sa aking katawan, ngayon
ko lang napagtanto na naubos ko ang isang litrong alak na binili ko. Pasalamat
naman ako dahil medyo tuwid pa ang aking lakad pero sobrang hilo na ako, ikaw
ba naman ubusin ang isang bote ng alak mag-isa.
Lumiko ako sa
madilim na eskinita, pundi ang mga ilaw ng poste dito dahil pinapaltik ng mga
bata na nakatira dito, ang kaliwang parte nito ay isang mataas na bakod ng
isang kompanya at sa kanan naman ay kumpol na kabahayan. Sa lugar din na ito ay
talamak ang mga lasinggero na bigla ka na lang pagttripan at ang malala ay
bubugbugin ka ng walang dahilan. Sa tagal ko nang dumadaan dito ay hindi naman
ako napagtripan oh nabugbog kaya kampante ako na walang masamang mangyayari sa
akin.
Habang sinusuyod ko
ang lugar ay may nakita akong limang tambay na nag-iinuman.
"Pssst!"
< --- Tambay1
Hindi ko ito
pinansin.
"Pssst!"
< --- Tambay1
Nagpatuloy lang ako
sa paglalakad, wala naman kasing sense kung kakausapin ko pa ang mga ito at
mainit ang ulo ko wag na silang dumagdag pa.
Ang buong akala ko
ay lulubayan na ako ng mga tambay na ito pero nagkamali ako, hinarangan nila
ang daanan at talagang hindi sila umalis doon. Dahil mainit ang ulo ko at dala
na din ng alak ay di ko na napigilan ang sarili ko.
"Anu ba?! Alam
nyung dadaan ako bigla kayong haharang" < --- Ako
"Aba pre
matapang itong isang to ah" < --- Tambay2
"Oo nga eh,
tingnan mo mukang problemado, wag ka mag-alala totoy mahal ka nun" <
--- Tambay1
"Pwede na
akong dumaan? Dami dami mong sinasabi eh" < --- Ako
"Aba loko to
ah" < --- Tambay3
"Mga pre,
konting lamig baka doon nanaman tayo mag-overnight sa Barangay" < ---
Tambay4
"Mabuti pa
itong kasama niyo marunong umunawa alam kung saan lulugar" < --- Ako
"Ang angas mo ah"
< --- Tambay5
"Mga pre
pigilan nyo ako" < --- Tambay1
"Punyemas
naman tumabi nga kayo!" < --- Ako
"Aba gago ka
talaga Mmm!" < --- Tambay1
Sinuntok ako sa
sikmura nung isang tambay halos isuka ko ang lahat ng nainom ko sa sobrang
lakas kasabay nito ang paglagpak ko sa maduming kalsada ng eskinitang ito
"Matuto kang
lumugar! Ang tapang mong ba. . . . ." < --- Tambay1 Tumaob dahil sinapak
ko sa muka pagkatayo ko
"Eh gago ka
pala eh, anung akala mo uurungan kita?!" < --- Ako
Hinawakan ako sa
magkabilang kamay ng dalawang tambay, dali daling tumayo ang sinapak ko at
pinaulanan ako ng mga suntok sa muka at katawan. Halos mamanhid ang aking
katawan sa sakit ng mga suntok niya pero nakahanap ako ng pagkakataon para
makabawi. Nang bumwelo siya ng pagsuntok ay agad ko siyang sinipa dahilan para
muli ko siyang mapatumba. Nagpumilit din akong magpumiglas para makawala ako
pero. . .
"Lumalaban ka
pa ah" < --- Tambay5
"Aaaaah!"
< --- Ako
Muli akong
sinikmuran, halos umikot na ang paningin ko, eto at sinusubukan ko pang din
manlaban. Pansin ko na sa dinami dami ng nakakakita sa pagbubugbog ng mga
tambay sa sa akin bakit wala manlang nagmalasakit na tumulong? Etong limang
tambay na ito yata ang kinatatakutan sa lugar na ito.
"Eto pa!"
< --- Tambay1
"Lubayan nyo
si Andrei"
Kilala ko ang boses
na iyon, hindi ako pwedeng magkamali
"J-jet?"
< --- Ako
Natuwa ako nang
makita ko si Jet pero muli akong sinuntok sa sikmura nung isang tambay at dito
ay nawalan na ako ng malay.
>>> End of Flash Back
>>>
"Babe,
patawarin mo ako, this is a-all my fault kung s-sana nakinig ako sa mga
paghingi mo ng sorry n-none of this would happen" < --- Chard
Nagsimula nang
humikbi si Chard, ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko. Gusto ko na
bumigay, gusto ko na idilat ang mga mata ko at sabihing "Pinapatawad na
kita babe wag ka nang umiyak" pero gusto ko turuan siya ng leksyon, kung
anung pakiramdam ng hindi pinapakinggan. Hindi ko ito gagawin para gumanti
gagawin ko ito para matuto siya.
"Babe promise
t-this won't happen again, sorry babe, this is all my fault" < ---
Chard
Sa totoo lang
kanina pa ako naiiyak, sincere si Chard sa apologies niya. Hindi ko na
napigilan pa ang pagtulo ng aking luha, pero pinaninindigan ko pa din ang
pagtutulugtulugan ko.
"Babe? Whats
wrong?" < --- Chard at nagsimula mag-panic
"Kagabi nung
nasa loob kami ng Ambulansya sigaw ng sigaw yang si Andrei pagkatapos umiyak
din ng umiyak pero tulog naman" < --- Jet
"Kahit tulog,
I'm so g-guilty kung alam mo lang babe kung p-pwede ko lang ibalik ang oras na
yon, you won't suffer this much I'm so sorry" < --- Chard sabay kiss sa
noo ko
Hearing Chard cry
breaks my heart kaya naman pinilit kong makatulog.
Dumating si Kuya at
Nanay.
"Chard ikwento
mo sa akin ang nangyari" < --- Kuya Kian
Umandar nanaman ang
pagiging imbestigador ng kapatid ko tss.
"Kasi Kuya
nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ni Andrei aminado naman ako na kasalanan ko
ang lahat, kung sana nakinig ako sa kanya di sana mangyayari to" < ---
Chard
"Ah ok atleast
aminado ka" < --- Kuya Kian
"Ako na lang
po ang magbabayad ng expenses ni Andrei" < --- Chard
"No,
paniguradong may kasalanan din yang kapatid ko kung bakit yan binugbog"
< --- Kuya Kian
>___< Kapatid
ko ba talaga to? tss.
"Chard anak
sana di na mauulit ito ha" < --- Nanay
"Opo Tita
sorry po talaga" < --- Chard
"Sana
magka-ayos kayo ng anak ko Chard, alam mo ngayon ko lang yan nakita ng ganyan
kasaya” < --- Nanay
“Opo Tita sana po
magkasundo na po ulit kami” < --- Chard
“Naku Chard,
mahirap paamuhin yan kapag galit para yang babae” < --- Kuya Kian
Ansama ng ugali
nitong kapatid ko parang gusto ko nang bumangon dito at paulanan to ng sapak
tss.
“Kasalanan ko naman
Kuya kaya ako na po ang bahala” < --- Chard
Kinilig naman ako
dun, aminado naman si Chard na siya ang may kasalanan, pero hindi ako basta
bibigay gusto ko makita ang effort na gagawin ni Chard.
“Ah pinagpapawisan
ang future Father na anak ko” < --- si Alexa! Pinupunasan ang ilong ko, ay
nalintikan na nababahing ako.
“Achooooo!” <
--- Ako
-__- Tapos na alam
na nilang gising ako thanks a lot Alexa
“Papa Andrei!!!”
< --- Alexa
“B-babe! Mabuti
naman gising ka na thank god” < --- Chard
"Anung
ginagawa mo dito?" < --- Ako
"Please? Let
me explain" < --- Chard
"Alis"
< --- Ako
"I'm sorry
please Babe" < --- Chard
"ALIS! HINDI
KA BA NAKAKAINTINDI?! AYAW MUNA KITA MAKITA!" < --- Ako
Nakita ko ang
pagtangis ni Chard, ang sakit sa puso, Sobrang sakit. Dahan dahan siyang tumayo
habang nakatitig kami sa isa.
Ng walang sabi sabi
ay bigla niya akong niyakap, ramdam ko ang pag-hikbi niya, yung mga kamay ko na
gustong gustong yumakap din sa kanya ay pilit kong pinipigilan.
"Sige na"
< --- Ako
Pagkatalikod ni
Chard ay siyang pagtulo ng aking mga luha, luha na kanina ko pa pinipigil.
Pagkalabas niya ay malayo ko nang pinakawalan ang aking nararamdaman, masakit
pero kelangan kong magmatigas.
"Pinaalis mo
tapos iiyak ka? Lakas mo din ano?" < --- Kuya Kian
"Gusto ko muna
mag-isip kuya" < ---Ako
"Alam mo?
Pareho kayo, pareho kayong tanga. Ayaw mo aminin na ikaw din mismo nagkamali
bunso, di sa lahat ng pagkakataon ikaw ang iintindihin, humihingi na ng tawad
sayo diba?" < --- Kuya
"Gusto ko lang
maramdaman niya kung anung pakiramdam ng hindi pinapakinggan" < --- Ako
"Bakit?
Magdudulot ba yan ng kasiyahan sayo?" < --- Kuya
Magiging masaya nga
ba ako? Tama ba ang ginagawa ko? Nagtatalo tuloy ang isip ko, dapat ba
ipagpatuloy ko ang pagmamatigas? Oh move on, lahat ng tao nagkakamali patawarin
mo na siya.
"Oh? Di
natahimik ka? Oh kayo muna bahala jan pupunta lang ako sa baba" < ---
Kuya Kian
R i c
h a r d --- >>>
"Achooooo!”"
"Papa
Andrei!!!"” < ---
Alexa
Gising na si Babe,
napakasaya ko thank you po lord. Walang pagsidlan ang kasiyahan kaya sinalubong
ko siya ng buong saya. Pero malamig ang pagsalubong niya sa akin, sinubukan
kong humingi ng tawad pero wala, hindi siya nakinig.
Ganito pala ang
pakiramdam.
"ALIS! HINDI
KA BA NAKAKAINTINDI?! AYAW MUNA KITA MAKITA!" < --- Andrei
Hearing those words
from him makes me cry kaya naman dahan dahan akong tumayo habang nakatitig sa
kanyang mata at niyakap siya.
"Sige na"
< --- Andrei
Bumitiw ako sa
pagkakayakap sa kanya at dahan dahan kong nilisan ang kanyang kwarto. Umupo ako
sa upuan sa may hallway at dito ay patuloy akong umiyak ng umiyak, hindi ko
alam ang gagawin, mapapatawad pa kaya ako ni Andrei?
.
. .
Nanatili akong
nakaupo doon, nag-iisip ng paraan para mapatawad ako ni Andrei. I cant afford
to loose him, kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Sabi ko sayo
eh"
"Kuya Kian,
paano ba? Anu bang dapat kong gawin?" < --- Ako
"Tss. Di ko
din alam eh, pero wag kang mag-alala paniguradong mapapatawad ka din nun, eh
nung paglabas mo iyak din ng iyak" < --- Kuya Kian
“Do you think
mapapatawad pa ako ni Andrei kuya?” < --- Ako
“Oo naman,
pakiramdam ko nga nag-gagalit galitan lang yun eh” < --- Kuya Kian
"Excuse me?
Ikaw ang kapatid ni Mr. de Dios diba?" < --- Doc
"Yes Doc bakit
po?" < --- Kuya Kian
"Since
everything is ok, pwede nyo na siya ilabas tommorow" < --- Doc
"Thank
god" < --- Kuya Kian
"Ah eh Kuya
gusto ko kayo makausap ni Tita dito sa labas" < --- Ako
“Tungkol saan?”
< --- Kuya Kian
.
. .
Umuwi na ako, since
ayaw naman akong papasukin ni Andrei sa kwarto niya, pumayag naman si Kuya at
Tita na ako ang mag-alaga kay Andrei since 6 days daw dapat siya hindi
mag-gagalaw.
Bigla na lang ako
napangiti :D
Nakaisip na ako ng
paraan to get him back, humanda ka Babe. Hindi mo kakayanin ang gagawin ko
sayo.
A n d
r e i --- >>>
Ngayon
nakokonsiyensiya na ako sa ginawa ko kanina, di ko dapat siya sinigawan.
Masyado akong kinain ng galit ko sa kanya, pero mas maganda na din ito, yung
nilalabas kaysa naman kinikimkim.
"Ok ka
lang?" < --- Jet
"Ok lang"
< --- Ako
"Anung gusto
mo kainin papa Andrei? May fruits dito may tinapay, pili na!" < ---
Alexa
"Ayoko kumaen
busog ako" < --- Ako
"Papa Andrei,
kailangan mo kumaen, tingnan mo hindi ka na macho, tingnan mo yang balat mo? So
black and white muka kang dalmacian!" < --- Alexa
"Ayoko pa din
kumaen" < --- Ako
"Ayaw mo
kumaen oh wala lang dito yung gusto mong magpakain sayo?" < --- Kuya
Kian
"Nasaan ba
yun?" < --- Ako
"Umuwi na,
ayaw mo naman papasukin eh, tapos ngayon hinahanap mo" < --- Kuya Kian
"Hindi manlang
nag-effort na mag-intay sa labas tss" < --- Bulong ko.
"Bukas
makakalabas ka na pala bunso, at syempre kailangan mo daw magpahinga ng 6 na
araw. Bawal magcomputer, bawal lumabas para gumala, bawal maglaro ng Barbie at
bawal magbuhat" < --- Kuya Kian
"Naglalaro ka
ng Barbie?" < --- Jet
"Timang!
Naniniwala kayo jan kay kuya" < --- Ako
"Eee! Patingin
ng Barbie mo Andrei!" < --- Alexa
"Trip nyo ako
ah!" < --- Ako
Alam ko pilit lang
nila akong pinapasaya, pero kulang pa din, malungkot ang buhay ko kung wala ang
isang Richard Alvarez dito sa aking tabi. Oo dati ok lang kasi sanay naman ako
na sila lang ang kasama ko at hindi ko pa alam ang pakiramdam ng may nag-aalaga
sa akin tulad ng ipanikita ni Chard
Nakakainis naman.
Bigla kong namiss ang mokong na yun.
"Ui si Papa
Andrei namimiss si Papa Chard yie!" < --- Alexa
"H-hindi ah!
Asa naman" < --- Ako
Maghapon ayan lang
ginawa nila sa akin, ang pagtripan, awayin at molestyahin lalo na to si Alexa
na talaga naming tuwang tuwa sa ginagawa niya sa akin.
Kinagabihan
dumating si Nanay may dalang Fries at Fried Chicken. Alam talaga ng magulang
natin kung paano tayo pasasayahin sa mga panahong tulad nito.
"Salamat Nay,
alam nyu talaga kung paano ako pasayahin"
"Naman, anak
kita kaya alam ko kung paano ka pasayahin" < --- Nanay
"Bakit Papa
Andrei?! Hindi ka ba namin napasaya ni Jet at ng kapatid mo?! May gad ka!"
< --- Alexa
"Hindi,
pinagtripan nyo ako buong maghapon" < --- Ako
"Oh siya kain
na anak, madami yang Fries na niluto ko" < --- Nanay
"Yey!"
"Penge
ako!" < --- Alexa
"Ayaw ko,
matapos nyo akong awayin maghapon?"
"Eto meron pa
dito Alexa, Jet, Kian eto kumain din kayo" < --- Nanay
"Bleh! Akala
mo ah. . . Buti itong Mother nature mo mabait" < --- Alexa
Medyo malalim na
ang gabi nang nagpasyang umuwi si Alexa at Jet. Si Nanay naman at kuya ang
naiwan sa akin para magbantay, eto una pa silang natulog kaysa sa akin.
Anu kayang ginagawa
ni Chard? Hindi manlang magtext oh tumawag? Eh bakit ba ako nag-eexpect?!
Pero eto ako
nakatitig sa Cellphone ko at naghihintay, di ko na namalayan na nakatulog ako.
.
. .
"Ha?!"
< --- Nanay
Nagising ako sa
sigaw ni nanay, magkausap sila ni Kuya malapit sa may pinto.
"Shhh. . . Wag
kayo maingay magising si Andrei" < --- Kuya Kian
"Pero anak
naman" < --- Nanay
"Nay magtiwala
kayo" < --- Kuya Kian
"Ah
Goodmorning Nay? Kuya? Anung pinagtatalunan nyo?" < --- Ako
“Ah wala anak, gusto
ko pa sana mag-stay ka pa dito ng isang araw pa eh tong kapatid mo ayaw na”
< --- Nanay
“Ah, ok nanaman po
ako nay, gusto ko na din po lumabas dito nakakatamad” < --- Ako
“Ah sige anak
bababa lang kami ng kuya mo aayusin yung bill ah, dyan ka lang” < --- Nanay
“Ok po sige” <
--- Ako
Pakiramdam ko may
tinatago si Nanay at kuya eh, halata naman kay nanay na nagsisinungaling. Anung
meron?
Si Chard kaya?
Hindi manlang umeffort dumalaw, lalo lang tuloy ako naiinis sa kanya.
Habang hinihintay ko
si nanay at kuya ay kumain muna ako ng pagkain na dala ng nurse.
"Good morning
sir Andrei, heres your breakfast, enjoy your meal" < --- Nurse
"Thankyou"
< --- Ako
"Toot
toot" --- Chard Calling
Abala naman tong
lalaking to, kung kelan nakain, lalo akong nababadtrip.
"Morning
Babe!" < --- Chard
"Tss"
< --- Ako
"Babe, galit
ka pa din ba? Sorry na oh" < --- Chard
"Nasaan
ka?"
"Sa bahay
kakagising lang po" < --- Chard
"Geh nakain
ako istorbo ka" < --- Ako
"Sagl. . .
" < --- Chard
Ayun nasa bahay ang
kumag, paano ko patatawarin yan? Tss kabadtrip eh. Bumalik na si Nanay at Kuya,
pero bakit may dalang maleta si kuya? May hindi talaga ako nalalaman dito.
"Kuya? Bakit
ka may dalang maleta?"
"Gamit mo,
kahapon pa namin yan dala, eh akala namin magtatagal ka dito eh hindi pala
napadami ang dala namin" < --- Kuya Kian
Duda ako sa sagot
ni kuya, may kakaibang mangyayari eh ramdam ko. Pagkatapos ko kumain ay muli
akong tiningnan ng doktor at pinirmahan ang clearance ko na nagpapatunay na ok
na ako at pwede na ako lumabas.
"Oh bunso,
bawal ang makulet ah, sinabi ko na sayo ang bawal kaya sumunod ka kung ayaw
mong dagdagan ko yang bugbog sayo" < --- Kuya Kian
"Nay oh"
< --- Napakasumbungero ko talaga
"Anak tama
naman ang kuya mo, subukan mong sumuway bubuhusan kita ng mainit na tubig"
< --- Nanay
"Nay, sayang
naman ang kagwapuhan ko kapag ginawa nyo yan" < --- Ako
"Nay ang lakas
ng hangin no? Sarado naman ang bintana, saan nanggagaling yun?" < ---
Kuya Kian
"Totoo naman
sinasabi ko kuya GWAPO ako" < --- Ako
"Nay, sa
tingin ko kailangan ipa X-ray natin ang ulo nito baka naapektuhan ng
pagkakasapak" < --- Kuya Kian
"Sa tingin
mo?" < --- Nanay
"Nay naman eh,
bahala kayo maglalaro talaga ako ng Computer games mamaya" < --- Ako
Toot toot --- May
natawag sa Cellphone ni Kuya
"Ok na? Sige
sige" < --- Kuya Kian
"Nurse,
turukan nyo na ng pampatulog masyadong maligalig yang batang yan" < ---
Kuya Kian
"Woi! Di na
kailangan, may binabalak ka no!"
"Sorry sir,
utos po ng kuya nyo" < --- Nurse
"Kuya umamin
ka? May binabalak ka eh!"
"Wala ah,
paano mo naman nasabi?" < --- Kuya
Nalintikan na
umeepekto na yung pampatulog. Pilit kong nilalabanan ang gamot pero wala ding
silbe.
"Goodnight
bunso sweet dreams" < --- Kuya Kian
"H-humanda ka
sa akin pag-gising ko"
"Nurse
pakisakay na siya dun sa . . . . . ." < --- Kuya Kian
Wala na akong
naintindihan sa sinabi ni Kuya. Hindi ko na kayang labanan pa ang antok. Hindi
ko alam ang binabalak ni Nanay at Kuya pero bahala na si Batman.
-___- ZzZZ
.
. .
"Shit!"
Balikwas ako sa
hinihigaan ko.
Nandito ako sa kwartong
may kalumaan, ang bintana nito ay gawa sa Capis, ang sahig at dingding naman ay
gawa sa kahoy. Dinig ko din dito ang hampas ng tubig, at ramdam ko ang lamig ng
simoy ng hangin.
Nasaan ako?
Kahit masakit ang
aking katawan ay pinilit kong bumaba sa hagdan kung saan ay may naririnig akong
nakanta.
Pagkababa ko ay
sumalubong sa aking harap ang mga pagkain tulad ng Tahong, Tilapia, Sugpo at
iba pang lamang dagat.
"Oh iho gising
ka na pala, hala tara dine ng makakain kana, eh ika'y maghapong tulog"
"Ah eh, nasaan
po ba ako? At sino po kayo?" < --- Ako
"Ako si Manang
Tess, ako ang nangangasiwa dito sa resthouse"
"Ah eh sino
pong kasama ko dito?" < --- Ako
"Ah . . . Ayan
na pala eh tara na dito ng makakain na" < --- Manang Tess
"Ikaw?!
Paanong . . ." < --- Ako
"Babe! Gising
ka na pala, tara kakain na tayo" < --- Chard
"Uuwi na
ako" < --- Ako
"You can't,
nasa isla tayo Babe" < --- Chard
"Shit!"
< --- Ako
"Hep hep!
Mamaya na yang away bata nyong dalawa, kakain na tayo, masamang pinaghihintay
ang grasya" < --- Manang Tess
Wala na din akong
nagawa kung hindi kumain, sa totoo lang ay kanina pa ako gutom kaya sige mamaya
na ang tanungan.
Ay grabe ang sarap
ng seafoods yung sugpo na sobrang laki, yung alimasag at tahong ay kasarap.
Tiningnan ko si
Chard, hirap na hira buksan yung Alimasag, natawa naman ako pero di ko alam
nakatingin pala siya sa akin.
"Ah Manang
Delia ang sarap po nga mga luto niyo" < --- Ako
"Naku salamat
naman at nagustuhan mo ang mga yan iho" < --- Manang Tess
"Favorite ko
po ang mga ito, eh kaso pagdating po nga mga ito sa siyudad pagkamahal na"
< --- Ako
"Lahat naman
kinakain mo Babe" < --- Chard
"Ay tinatanong
ka? Kami ni Manang Tess ang nag-uusap dito oh" < --- Ako
"Oh siya siya,
mga batang ito talaga oh oh, tapusin muna ang pagkain bago yang bangayan nyong
dalawa" < --- Manang Tess
Mabilis kong inubos
ang pagkain ko at pagkatapos ay nagtungo sa dalampasigan, gabi na kaya naman
hindi ko nasaksihan ang paglubog ng araw.
Umupo ako sa isang
malaking bato at doon ay pinagmasdan ko ang buwan at ang mga bituin sa
kalangitan.
"Ang ganda no
Babe?" < --- Chard sabay akbay sa akin
"Aray! Doon ka
nga!" < --- Ako
"Hanggang
ngayon ba galit ka pa sa akin?" < --- Chard
"Kasabwat mo
ba sila Kuya dito sumagot ka" < --- Ako
"Oo babe,
kinasabwat ko sila para madala kita dito upang makapagpahinga ka" < ---
Chard
Tanggap ko pa kung
si Kuya lang ang kasabwat eh pati si Nanay, pinagkaisahan nila ako.
Nakakainis!
Ngayon kasama ko sa islang to ang taong kinaiinisan ko. Pero sa isang parte ng
puso ko ay medyo natutuwa.
"Babe sorry na
oh, hindi ko na uulitin promise, please babe ayoko ng ganito tayo eh" <
--- Chard
"Pagod ako,
papasok na ako"
Sobra kong
naapreciate ang effort ni Chard para lang mapatawad ko siya pero ewan ko ba,
sabi ng isip ko ay kulang pa.
R i c
h a r d --- >>>
Ang saya ko dahil
pumayag si Tita at Kuya sa Plano ko na ako ang mag-aalaga kay Andrei ng 3 araw,
pagkakataon ko na ito para bumawi. Alam ko hindi magiging madaling patawarin
ako ni Andrei pero I'll do everything mapatawad lang niya ako.
"Pagod ako,
papasok na ako" < --- Andrei
habang palayo ni
Andrei ay hindi ko maiwasan nagpakawala ng buntong hininga, ganito pala magalit
si Babe. Ang hirap suyuin Umupo muna ako doon at pinagmasdan ang langit. Sana
bukas maging ayos na ang lahat.
Naalala ko oras na
pala ng pag-inum ng gamot ni Babe. Umakyat ako sa kwarto namin dala ang isang
basong tubig.
"Babe inom ka
muna ng gamot" < --- Ako
Tahimik, lumapit
ako kay Andrei binigay ko ang gamot, kinuha nya, ininom ito pagkatapos muling
humiga patalikod sa akin.
Napabuntong hininga
na lang ako sa kinilos nya.
"Ay Babe,
kailangan palang punasan kita yun kasi ang sabi ng doktor, teka kuha lang ako
ng mainit na tubig"
.
. .
Bumalik ako na may
dalang bimpo at mainit na tubig, kumuha na din ako ng pampalit ni Babe sa
maleta nya.
"Ako na"
< --- Andrei
"Kaya
mo?" < --- Ako
"Anung tingin
mo sa akin baldado?!" < --- Andrei
Wala naman akong
nagawa kung hindi ibigay kay Andrei ang bimpo. Nagsimula nang punasan ni Andrei
ang muka niya, pero nung sinubukan niyang punasan ang ibang parte ng katawan
niya.
"Aray. . .
Bakit kasi kailangan pa ng ganitong punas punas" < --- Iritableng sabi
ni Andrei
"Ako na"
Wala namang nagawa
si Andrei kung hindi ibigay sa akin ang bimpo at hayaan ako na ang magpunas sa
kanya.
"Hubarin natin
lahat ng damit mo" < --- Ako
"L-lhat? Ayoko
nga" < --- Andrei
"Biro lang,
itira mo ang boxer short mo" < --- Ako
Hinubad ni Andrei
ang Tshirt nya at short, bumulaga sa akin ang kanyang katawan. May mga pasa sa
may Parteng dibdib at sa may parteng tyan, mayroon din kaunti sa tagiliran at
likod. Halos mapaiyak ako sa aking nakita.
"Babe,
patawarin m-mo ako. H-hindi mo ako dadanasin ito kung hindi dahil sa akin, sorry,
sorry t-talaga"
"Bilisan mo
nilalamig ako" < --- Andrei
Kasalanan ko to eh,
grabe ang dami nyang pasa sa katawan, and all I can do is to say sorry. If only
I can turn back time just once. Pinunasan ko na ang buong katawan ni Andrei
sinimulan ko sa mga kamay niya, tapos sa leeg, sa likod, dibdib. Nang nasa
parteng hita ako ay napansin ko ay pagkabuhay ng Alaga ni Babe, may pagkapilyo
din.
"Wag ka
mag-alala hindi kita sinisisi kung bakit ako nabugbog, kasalanan ko to"
< --- Andrei
Natuwa naman ako
kahit papaano ay hindi nya ako sinisisi sa mga nangyari, medyo nabawasan ang
dinadala ng kalooban ko. Pinasok ko ang bimpo sa loob ng boxer niya, upang
punasan ang singit singit, nakita ko ang muka ni Andrei namumula.
"Blushing?"
"Bilisan mo
kasi!" < --- Si Andrei sabay taklob ng unan sa muka niya.
Matapos kong
linisan si Andrei ay bumaba ako upang maghilamos, ngayon ay kahit papaano ay
nakakangiti na ako, kahit hindi pa kami ayos ni Babe ramdam ko malapit na
mangyari yun.
Pagka-akyat ko sa
kwarto namin ay hindi pa din tulog si Andrei.
"Babe bakit
gising ka pa?"
"Di ako
makatulog" < --- Andrei
"Gusto mo dito
ka sa braso matulog?" < --- Ako
"Sinong may
sabi sayo na dito ka sa tabi ko matutulog?" < --- Andrei
"H-ha? Eh saan
ako matutulog?"
"Ayan ang banig
oh? Eto unan" < --- Andrei
"Hindi mo pa
ba ako mapapatawad babe?" < --- Ako
"Hindi pa tayo
bati" < --- Andrei
"Babe naman
eh, sorry na please?" < --- Ako
"Goodnight"
< --- Andrei
-__- Grabe to si
Babe.
Wala naman akong
nagawa nilatag ko ang banig sa gilid ng kama at humiga. Bakit naman kasi hindi
pa pinapaayos nila Daddy itong resthouse namin eh.
.
. .
45 minuto na ang
lumipas at eto hindi ako makatulog, paikot-ikot ako sa banig. Napakalamig din
dito lalo na kapag gabi, kaya naman ginaw na ginawa ko.
"Oh eto kumot
matulog kana"
Natuwa naman ako
kay babe kahit galit pa din sa akin inaalala pa din ako.
"Thankyou Babe
I love you" < --- Ako
"Love your
face, umakyat ka na nga dito baka sabihin mo napaka sama kong tao" <
--- Andrei
A n d
r e i --- >>>
Kanina nung
pinupunasan ni Chard ang katawan ko nawala ang inis ko sa kanya. Ramdam ko na
sincere siya sa paghingi niya ng tawad kanina. Siguro nga tama si Kuya may
kasalanan din ako kung bakit ako nabugbog.
"Wag ka
mag-alala hindi kita sinisisi kung bakit ako nabugbog, kasalanan ko to"
Nakita kong ngumiti
si Chard senyales na natuwa siya sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa
pagpupunas sa akin, hanggang sa nandoo na siya sa parteng singit, ewan ko bigla
akong nahiya, feeling ko ang pula pula ng muka ko nung oras na yon.
"Blushing?"
< --- Chard
"Bilisan mo
kasi!"
Sa sobrang hiya ko
ng mga sandaling yon ay kinuha ko yung unan at itinaklob sa muka ko.
Nang bumaba siya ay
nagbihis na ako at humarap sa malaking salamin.
"Ikaw bakit
ayaw mo pa patawarin si Chard?"
"Kapag yan
nagsawa kakahingi ng tawad sayo ikaw din"
Bakit ko ba
kinakausap sarili ko? Para akong timang makatulog na nga lang.
Ayun pa ang isa
kong problema, namamahay ako maliban sa bahay at sa braso ni Chard.
"Gusto mo dito
ka sa braso matulog?" < --- Chard
"Sinong may
sabi sayo na dito ka sa tabi ko matutulog?" < --- Ako
Nasanay na ata ako
na pahirapan si Chard ayan tuloy ang nasabi ko kaya sa banig siya natulog.
Pride ba yun? Di ko din alam.
Halos isang oras
nang patulugin ko si Chard sa banig, hindi ako dalawin ng antok kasi paikot
ikot siya sa sahig. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala nabigyan ng kumot.
"Oh eto kumot
matulog kana"
"Thankyou Babe
I love you" < --- Chard
"Love your
face, umakyat ka na nga dito baka sabihin mo napaka sama kong tao" <
--- Ako
Pagkahiga ni Chard
ay yumakap ako sa kanya, itinaas naman niya ang braso niya upang makahiga ako.
"Babe, sorry
ah, kung nakinig lang ako sayo nun, di na aabot sa ganito ang lahat" <
--- Chard
"Shhh. . . Wag
ka maingay matutulog na ako"
"Last
question" < --- Chard
"Ano nanaman
yon?"
"Napatawad mo
na ba ako?"
Mula sa pagkakahiga
ay tumingala ako, tiningnan ko siya mata sa mata.
"Sa tingin mo
ba papayag akong tumabi ka dito sa akin kung hindi?" < --- Ako
Muli ay nakita ko
ang pamatay niyang ngiti kasabay nito ang pagbagsak ng luha niya.
"T-thank you
babe, thank you for choosing us" < --- Chard
"Ok na? Tulog
na tayo antok na ako eh, alam mo? Di ka pwedeng nurse di mo ako
pinapatulog" < --- Ako
"Hug na lang
kita Mmmm!" < --- Chard
"Araaaay! yung
mga pasa ko! hindi ka talaga pwede maging nurse"
"Ay sorry Babe
sorry may pasa ka nga pala" < --- Chard
Niyakap ako ni
Chard at nagsumiksik naman ako sa kanya, namiss ko ganito naming posisyon kapag
natutulog.
"Babe di
talaga ako pwde magnurse, BSCS ang kinukuha ko eh para maprogram ko ang puso mo
at ma-simulate ko ang pagmamahal ko sayo" < --- Chard
"Aysus, tulog
na tayo bukas na tayo magbanatan" < --- Ako
"Wala ka
manlang Banat sa akin? daya mo naman" < --- Chard
"Fine, BSIT
ang kinuha ko kasi gusto ko I-hack ang puso mo" < --- Ako
"Bakit
hack?" < --- Chard
"Kasi, kapag
program, pwede yan palitan, eh kapag hack sisiguraduhin ko na kailanman ako
lang ang laman ng puso mo" < --- Ako
"Aw. . . .
Sweet" < --- Chard
"Tulog na tayo
please? Inaantok na ako" < --- Ako
"Goodnight
babe" < --- Chard
"Goodnight,
kiss ko?"
*Kiss
Ngayon mas magiging
maayos na ang tulog ko, sa bisig ni Chard na namiss ko ng sobra, dito ay ramdam
ko na ligtas ako sa panganib, walang makakapanakit sa akin. Hinahaplos ni Chard
ang buhok ko hanggang sa nakatulog na ako.
. . .
Kinabukasan ay mas
naging maaayos ang aking pakiramdam, naging magaan ang pagkilos at medyo
nabawasan ang sakit; Ang dami ng pasa ko sa buong katawan, maging sa muka meron
din.
Ngayon ko lang
napansin na wala pala si Babe sa tabi ko. Tatayo na sana ako nang biglang
dumating si Chard
"Morning
Babe"
"Morning, ano
yang dala mo?"
"Ah, kasi
kailangan mo magpahinga, kaya pinagdala na lang kita ng breakfast mo dito,
ayokong napapagod ang Babe ko" < --- Chard
"Salamat, tara
saluhan mo ako dito Babe" < --- Ako
"Hep! Ako ang
magpapakain sayo bawal ka gumalaw ng gumalaw" < --- Chard
"Napakaliteral
mo naman babe, kaya ko naman kumain mag-isa eh di naman ako baldado" <
--- Ako
"Nganga"
< --- Chard
"Babe naman
eh" < --- Ako
"Ay ang kulet
parang bata gusto ng palo sa pwet? Nganga" < --- Chard
Ang awkward man,
sinusubuan ako ni Chard, wala akong magawa eh nakailang pilit na ako.
Nakakainis natawa pa, para daw akong baby na nakasimangot. Nasaan ang hustisya?
"Oh last 3 na
lang baby" < --- Chard
-___- Ang sarap
hambalusen nito eh. Gawin ka ba namang na parang baby.
"Very good oh
last 2 na lang tapos papasyal tayo sa Beach yehey" < --- Chard
"Tuwang tuwa
ka sa kabaliwan mo no?" < --- Ako
"Sweet nga eh,
Oh aah ulet para last one na" < --- Chard
aaah
"Yehey! Oh
last one na say aaaah" < --- Chard
Aaaah
"Yehey!
Palakpak tayo tapos na kumain ang Baby Babe ko" < --- Chard
"Tara dali
gusto ko na magpunta sa Beach"
"Babe, bawal
sayo magkikilos eh" < --- Chard
"Hmp! Daya
daya, anu pang silbi nang pagdadala sa akin dito kung di manlang ako
makapag-gala sa sea side" < --- Paghihimutok ko
"Fine, sa
isang kondisyon" < --- Chard
"Ano? anything
para makalabas lang ako dito" < --- Ako
Naghubad ng T-shirt
si Chard, sinunod niya yung short niya.
"Hoy hoy!
A-anung binabalak mo?!"
"Ha? Nag-aalis
ng damit? Kasi po kakalungin kita sa likod ko" < --- Chard
"Aaaah, akala
ko naman . . . ." < --- Ako
"Na ano?
Rarapin kita? Mamaya na yung gabi Babe ayan agad nasa isip mo eh" < ---
Chard
"Utot mo! Wag
kang tatabi sa akin mamaya"
"Babe di ka na
mabiro"
"Halay kasi ng
Joke mo eh" < --- Ako
“Tara, pasan ka na
sa akin” < --- Chard
“Ha? Akala ko
nagbibiro ka lang?” < --- Ako
“Hinde, the doctor
said that you have to rest as much as possible, eh alam kong gusto mo makita
ang buong beach kaya naman kailangan mong pumasan sa likod ko” < --- Chard
.
. .
Akala ko joke lang
ang pagbuhat sa akin ni Chard yun pala seryoso siya doon. Pagkalabas namin ng
bahay ay bumulaga sa amin ang mala-paraisong lugar na dati ay nakikita ko lang
sa TV at mga litrato sa internet pero ngayon eto na nasa harapan ko na.
“amazed?” < ---
Chard
“Salamat sa
pagdadala mo sa akin dito” < --- Ako
Napakagada talaga
dito sa beach na pag-aaari nila Chard, Simulan natin sa pinong buhangin na
kulay puti katulad ng makikita sa Boracay; mamamangha ka naman sa kulay asul na
tubig, sobrang linis at talaga namang mayaman sa lamang dagat tulad ng isda at
corals.
"Babe ang
ganda dito"
"Kaya nga dito
kita dinala eh, para marelax at makasagap ka ng sariwang hangin" < ---
Chard
Nakapasan ako sa
likod ni Chard habang binababay namin buhanginan, mabuti na lang at walang tao
sa paligid kung hindi tampulan kami ng usapan. Napakaganda talaga dito wala
akong masabi kung hindi WOW.
“Ah eh Babe ibaba
mo na ako baka napapagod ka na oh” < --- Ako
“Hinding hindi ako
mapapagod kung ikaw lagi kong papasanin Babe” < --- Chard
“Iiiih panusot to
eh biglang babanat. Doon na lang tayo sa may lilong upo na lang tayo doon” <
--- Ako
“Ok boss oh kapit
ka lilipad tayo Yaaaaaaah!” < --- Chard
“Takte ka! Wag ka
ngang tumakbo! Oy! OOOOOOOOY!” < --- Ako
“Yaaaaaaah! Hahaha!
Wag ka malikot tutumba tayo!” < --- Chard
“Tumigil ka kasi!
Isa!” < --- Ako
“Ayoko! Hahaha at
marunong ako magbilang Babe! YIIEEAAAAAH!” < --- Chard
“Ayaw mo tumigil
ah, ayan! Ayan pa!” < --- Kiniliti ko si Chard
“Oy! Oy! Wag!
Tataob tayo” < --- Chard
(O___O) < ----
Ako
BOOOOGSH!!! Ayan na
nga ang sinasabi ko tumaob kami sa buhangin ni Chard. Submubsob siya
samantalang ako naman ay gumulong; pasalamat na lang at buhangin ito at kung
nagkataong semento man ito panigurado bangas ang abot namin.
. . .
“Ayan sabi ko sayo
wag ka nang tumakbo hahaha kumain ka tuloy ng buhangin” < --- Ako
“Ikaw eh, kung
hindi mo ako kiniliti hindi tayo tutumba” < --- Chard
“Hahaha eh ayaw mo
kasing tumigil kakatakbo” < --- Ako
“Sa isip ko kasi
ikaw lang lagi ang natakbo” < --- Chard
“Aysus biglang
ganun eh topak mo talaga” < --- Ako
"Thank you
Babe for choosing us again" < --- Chard
"Basta po next
time, matutong makinig"
"Opo"
< --- Chard
"Dahil sa
susunod na gawin mo yan, ako ang bubugbog sayo"
"Di na yun
mauulit Babe, I learn my lesson" < --- Chard
“Good” < --- Ako
Nandito kami ngayon
sa ilalim ng puno ng niyog, maaliwalas dahil sa lilong na binibigay ng dahon
nito. Nakasandal si Chard sa puno at nakahilig naman ang ulo sa balikat niya.
Magkahawak ang aming kamay at pareho kaming nakatingin sa dagat. Kung
papipiliin lang talaga ako mas gusto kong manirahan sa ganitong lugar, malayo
sa lahat yung tipong walang makikialam kahit anung gawin ko dito; kung ganito
lang sana kasimple ang buhay. Syempre hindi naman ganyan ang realidad, kailangan
nating magsumikap para gumanda ang ating katayuan sa buhay, kailangan dumaan sa
iba't ibang klaseng pagsubok upang maging matatag sa pagharap sa kinabukasan.
R i c
h a r d --- >>>
Yeah ako na yata
ang pinakamasayang lalaki sa mundo dahil pinatawad na ako ni Andrei sa wakas.Tawa
ako ng tawa nung tumatakbo ako eh pasan ko si Babe, takot na takot mahulog. Ang
ending nagtaob din kami dahil nawalan ako ng balanse dahil kiniliti ako ng
inam.
Heto kami ngayon
nakatingin sa kawalan, habang nasa silong ng puno ng niyog.
Nakahilig ang
kanyang ulo sa aking balikat habang magkahawak ang aming kamay. Nanatili kaming
tahimik, nakisama kami sa katahimikan ng paligid; hindi ko alam ang iniisip
niya pero alam ng puso ko na masaya ngayon si Andrei.
Dalawang oras ang
nakalipas ay nakaramdam ako ng gutom pero si Babe hindi pa nagugutom? Hindi pa
kasi siya nagyayaya kumain eh matakaw pa ito kaysa sa akin.
"Ba . ."
Hindi ko na naituloy tulog pala . . . Kaya pala tahimik tss.
Hindi ko na
ginising pa si Babe, pinasan ko na lang ulit ito pabalik sa bahay upang kumain.
"Aba mukang
magkasundo na kayong dalawa ah" < --- Manang Tess
"Opo, manang
kagabi pa po" < --- Ako
"Mabuti naman,
oh siya gisingin mo na nang tayo ay makakain na" < --- Manang Tess
"Babe kakain
na po"
Nagising naman agad
si Andrei.
"Papaano tayo
napunta dito?" < --- Andrei
"Pinasan kita
pabalik dito" < --- Ako
"Ah . . . Wow
kakain na?! Tara kain na po tayo" < --- Andrei
"Kapag talaga
kakain mabilis" < --- Bulong ko
"Ha anu
yon?" < --- Andrei
"Wala po ang
sabi ko kakain na tayo" < --- Ako
"Kayo talagang
dalawa puro kayo bangayan kumain na nga tayo kabataan talaga ngayon oo"
< --- Manang Tess
"Wow manang
tinolang tahong! Favorite ko din to" < --- Andrei
"Lahat naman
Babe favorite mo" < --- Ako
"Ewan ko sayo
Babe, eh ikaw nga pagbubukas lang ng alimasag nahihirapan pa eh" < ---
Andrei
"Mahirap naman
talaga buksan yun eh" < --- Ako
Kumuha ng isang
Alimasag at walang kaeffort effort na nabuksan.
"Sabi ko nga .
. . Hindi lang ako marunong magbukas" < --- Ako
"Kayo talaga,
lahat ng bagay pinagtatalunan" < --- Manang Tess
"Ihh yan po
kasi manang" < --- sabay turo sa akin ni Andrei
"Hai siya
siya, tayo ay kumain na lang wala nang magsasalita sa inyong dalawa, para kayong
mga bata sa sobrang kulet diyos ko matutuyuan ako ng dugo sa inyo" <
--- Manang Tess
. . .
Buong maghapon ay
kinukulit ako ni Andrei na igala ko pa daw siya dito sa isla, eh dahil nga
mahigpit na bilin ng doctor na dapat ay magpahinga at kung maari nga daw ay wag
nang magkikilos para mabilis ang paggaling.
"Baaaaabe sige
na labas tayooo" < --- Andrei
"Babe, paulet
ulet tayo hindi nga pwede"
"Boring naman
dito eh walang magawa" < --- Andrei
"Gusto mo
maglaro tayo?" < --- Ako
"Anong
lalaruin? Yung matino ah" < --- Andrei
"Bahay bahayan
Adult version" < --- Ako
"Ha? Anong
ginagawa dun?" < --- Andrei
"Madali lang
yun Babe, hihiga ka lang tapos mag-aalis ka ng damit and the rest is
extreme"
"Ang manyak mo
no?" < --- Andrei
"Normal lang
yan sa mag-asawa"
"Timang ka,
dami mong alam" < --- Andrei
A n d
r e i --- >>>
Ang daya daya naman
ayaw akong payagan lumabas ni Chard, painumin ko kaya to ng pampatulog.
TING! Bright Idea
"Babe tabi ka
nga dito sa akin" < --- Ako
"Bakit?
Namimiss mong humiga sa braso ko no" < --- si Chard sabay flex ng
muscles
Sige lang babe . .
. Bwahahaha
"Bilis! Ikaw
ang humiga sa braso ko kakantahan kita" < --- Ako
"Talaga? Ang
sweet naman" < --- Chard
"Naman Babe
ako pa"
Humiga na nga si
Chard sa braso ko at yumakap pa sa akin. Ok sana gumana ang plano ko.
When i see your face
theres not a thing that I would change
Coz your amazing
Just the way you are
Kinantahan ko nga
si Babe ng mga kantang nakakantok, habang sinusuklay ko ang kanyang buhok.
Halos nakasampung kanta din ako bago nakatulog si Babe, at talaga namang
pinagbuti ko para mahimbing ang kanyang tulog.
TING TING TING!
KNOCKOUT!
“Sweet dreams Babe”
. . .
At ngayon nandito ako
sa isang maliit na bahay kubo sa harap ng dalampasigan, pinapanood ang hampas
ng mga alon, dinadama ang bawat ihip ng hangin. Isang tanging dahilan kung
bakit ako lumabas dito ay para pag-isipan kung sasagutin ko na ba si Chard,
madami na ang nangyari sa amin sa maikling panahon. Halos isang oras ko na
pinag-iisapan ang tungkol sa amin nang may dumating . . .
"Hi!"
"Hi din"
< --- Ako
Dumating ang isang
lalaking halos kasing edad lang namin kayumanggi ang balat malalim ang mga mata
at banat ang katawan, eto yata ang anak ni Manang Tess
"Rodrigo na
lang, ako yung anak ni manang Tess, ikaw si Andrei diba?"
"Ah oo ako
nga, halika samahan mo ako dito" < --- Ako
"Bakit ka
nag-iisa nasaan si Chard?" < --- Rodrigo
"Ah pinatulog
ko, ayaw kasi akong palabasin"
"Aba nakahanap
na ng katapat yun ah" < --- Rodrigo
“Ahahaha oo ako na
nga ata katapat nun” < --- Ako
“Aba Andrei anak,
bakit ka nasa labas hindi ba ayaw kang palabasin ni Richard?” < --- Manang
Tess
“Ah binugbog ko po
ayun tulog hehehe” < --- Ako
“Oh kumain muna
kayo ni Rodrigo, masarap yan bagong luto” < --- Manang Tess
“Ah sige po manang
salamat, saluhan nyo na po kami dito ni Rodrigo” < --- Ako
Maghapon ay wala
kaming ginawa nila manang Tess at ni Rodrigo kung hindi magkwentuhan ng kung
anu-anong bagay, napuno ng tawanan ang bawat pag-uusap namin, si manang Tess
kasi kinukuwento ang kabataan ni Rodrigo eh makulit din pala tong si Rodrigo
parang kami ni Chard.
Dahil sa takbo ng
usapan namin ay hindi ko namalayan na hapon na at malapit na lumubog ang araw.
“Oh, Rodrigo anak
mag-iihaw ka mamaya ah, huling araw na nila Andrei at Richard dito” < ---
Manang Tess
“Sayang tol, huling
araw nyo na pala dito gusto ko pa kayo makabonding” < --- Rodrigo
“Oo nga eh, pero
hayaan mo yayayain ko si Chard na bumalik kami dito” < --- Ako
“Oh paano Andrei
iiwanan ka muna naming ah, aayusin na namin ni Rodrigo ang hapunan natin” <
--- Manang Tess
“Ah, sige po” <
--- Ako
Lumabas ako sa
bahay kubo at tinungo ang dalampasigan at doon umupo sa may buhangin upang
panoorin ang paglubog ng araw.
“Oh jacket baka
mahamugan ka”
“Ah, thankyou Babe,
gising ka na pala” < --- Ako
“Oo, grabe
effective ang plano mo” < --- Chard
“I know hahaha
kamusta tulog mo?” < --- ako
“The best, ikaw ba
naman naghele sa akin” < --- Chard
“Naman ako pa!”
< --- Ako
“Ikaw nga Babe, may
parusa ka sa akin mamaya hahaha” < --- Chard
“Wala naman akong
ginawang masama ah” < --- Ako
“Meron, hindi ka
nakinig sa akin, I told you to stay in that room but you tricked me kaya naman
may parusa ka sa akin mamaya” < --- Chard
Bigla naman akong
kinabahan sa ‘Parusa’ na sinasabi nito ni Chard. Kapag ito kasi ang nagsasabi
ng ganyan hindi ko maiwasan mag-isip ng maduming bagay na maari niyang gawin sa
akin, likas kasi sa kanya ang pagiging mahalay.
“Sorry na wag mo na
ako parusahan babe, tingnan mo hindi pa magaling mga galos ko” < --- Ako
“Ibang pagpaparusa
naman ang gagawin ko eh, mag-eenjoy ka doon” < --- Chard
“Isusumbong kita
kay Kuya Kian at Kuya Adam para bugbugin ka nila” < --- Ako
“Dami mo ding alam
Babe” < --- Chard
Mula sa masayang
usapan ay naging seryoso ako, siguro nga dapat ko nang sabihin sa kanya.
“Babe matagal kong
pinag-isipan to at pumapayag na ako” < --- Ako
“T-talaga?! Yohooo!
Wag ka mag-alala I’ll be gentle Babe Thankyou” < --- Chard
“Hindi doon! Ang
manyak mo talaga kahit kailan” < --- Ako
“Eh saan? Akala ko
pa naman . . .” < --- Chard
“Sa ating dalawa”
< --- Ako
“Y-you mean, ako at
ikaw?” < --- Chard
“Tayo na” < ---
Ako
1… 2… 3… 4… 5….
“Y-YES! YES!
YEEEEEEEEEEEEEES! Thankyou so much Babe I’m so happy I-i don’t know what to say,
wow Woooooooooo!” < --- Chard
“Ang dami mo ngang
nasabi eh” < --- Ako
*KISS
Ang saya ni Chard kanina, I never though that I can make
him so happy like that, syempre masaya din naman ako para sa amin; mahal ko
kaya yun. Ngayon were officially on, pero kung maka-asta kami nung mga
nakaraang araw parang kami na. Hindi namin alam ang maaring mangyari bukas pero
magkasama naming tatahakin ang bawat araw at magkasama naming lalampasan ang
mga pagsubok sa maari naming harapin sa hinaharap.
. . .
Kinagabihan ay
tumulong kami ni Chard sa pag-iihaw ng mga seafoods, grabe naamoy ko palang
habang iniihaw ay talaga naming kumalap na ang sikmura ko. Tapos kapag mayroong
luto na ay hindi ko mapigilang kumurot ng kapiraso. Si Manang Tess naman ay
nagpiprito ng Calamares at Tempura, parang gusto ko nang manirahan dito ang
sarap ng pagkain araw-araw. Gumawa naman ng bonfire si Rodrigo sa may
dalampasigan para doon kami kumain, pwede ba kaming mag-extend? EXTEND PA PO
KAMI MGA 72 HRS PA!!!
Bigla namang
dumilim ang paligid.
“Ay nalintikan na
nawalan pa ng kuryente”< --- Manang Tess
“Buti maliwanag ang
buwan kita ko pa din ang niluluto ko” < --- Ako
“Perfect ang mga
nangyayari para sa parusa mo mamaya Babe” < --- Chard
“Ewan ko sayo Babe,
mag-isa kang matulog sa kwarto” < --- Ako
“Hahaha as if that
will happen” < --- Chard
Matapos maluto
lahat ng kakainin namin ay pumuwesto kami sa may dalampsigan upang lantakan
lahat ng mga ito. Napakadaming ulam ang nakahain tulad ng Calamares, Tempura,
inihaw na Tilapia at pusit, Tahong Sugpo at Crab and corn soup. EXTEND PA PO
KAMI DITO MGA ONE MONTH!
“Babe dahan dahan,
parang mauubusan ka ah” < --- Chard
“Wag kang magulo
minsan lang ako makain nito ng sabay-sabay” < --- Ako
“Ahahaha tama nga
si Nanay ang kulet niyong dalawa” < --- Rodrigo
Wala akong pakialam
ang sarap talaga ng seafood’s last day na namin dito lulubusin ko na. EXTEND PA
PO KAMI 1 YEAR HAHAHA!
Matapos naming
kumain ay nagyaya mag-inuman si Rodrigo, si manang naman ay nagpasya nang
matulog dahil pagod na ito. Ang natirang ulam kanina ang nagsilbing pulutan.
Nagbukas ng tig-isang beer si Rodrigo at Chard, at nang akmang kukuha ako ng
isang beer, ay tinapik ni char ang kamay ko.
“Aray anu ba?!”
< --- Ako
“Bawal ka uminom ng
beer sabi ni doc” < --- Chard
“Anung iinumin ko?
Ang daya daya naman” < --- Ako
“Rodrigo nasaan
yung pinabili ko” < --- Chard
“Eto oh isang box
yan” < --- Rodrigo
“Chuckie?! Anung
tingin mo sa akin bata?!” < --- Ako
“Ok na yan Babe,
bawal kasi ang alcohol sayo kaya makinig ka na lang ha” < --- Chard
*KISS
“Ok na sige! Daya daya” < --- Ako
“Alam mo Andrei? Ikaw pa lang ang dinala ni Chard dito”
< --- Rodrigo
“Kasi sabi ko sa kanya ang isasama ko lang dito ay ang
taong mahal ko” < --- Chard
Hindi ako nakapag-react biglang ramdam ko ay namumula
nanaman ang aking muka, si Chard kasi may pabigla ng ganoon.
“Yieeee! Namumutla si Pareng Andrei oh hahaha!” < ---
Rodrigo
“Hahaha your cute when you blush Babe” < --- Chard
“iiih! Nakakainis kasi wag nga kayong ganyan!” < ---
Ako
*KISS
“Ahaha lalong namula oh!” < --- Rodrigo
“Ang lakas niyo ah! Kung hindi lang masakit ang katawan
ko binugbog ko na kayo” < --- Ako
“Wag naman ganun hahaha” < --- Rodrigo
Ang saya nilang dalawa kasi pinagkakaisahan nila ako,
tapos beer kanila ang akin Chuckie?! Nasaan ba ang hustisya dito?! Mabilis
naman natapos ang inuman nila oo hindi ako kasama kasi Chuckie ang iniinom ko
at inubos ko talaga yung isang box.
“Sige mga Chard, Andrei uuwi na ako, maaga pa kasi kami
papalaot ni tatay eh, balitaan mo na lang ako kapag babalik kayo para naman mas
mahaba ang bonding time natin” < --- Rodrigo
“Oo makakaasa ka, talagang babalik kami dito nagustuhan
ni Babe eh” < --- Chard
“Sige mauuna na ako, paalam” < --- Rodrigo
“Paalam Rodrigo babalik kami dito promise” < --- Ako
. . .
“Babe its time” < --- Chard
“Opo oras nang matulog”
Madilim ngayon sa kwarto namin dahil nawala ng kuryente,
tanging isang gasera at liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana ang
nagsisilbing liwanag sa amijng kwarto. Kitang kita ko kung paano hubarin ni Chard
ang kanyang damit, masama ang titig sa akin.
“B-bakit ka naghuhubad ng damit?”
“Mainit Babe” < --- Chard
Tumabi sa akin si Chard pero hindi ako umunan sa braso
niya may masama tong binabalak eh ramdam ko.
“Lord! Maraming salamat po sa lahat ng blessing na
dumadating sa akin at bigyan liwanag niyo po ang pag-iisip ng katabi ko ngayon,
napoposses po kasi siya ng masamang espiritu” < --- Dasal ko sa aking isip
“Babe?” < ---- Chard
“Bakit?”
“Bakit hindi ka sa braso ko natutulog” < --- Chard
“Ah eh eto na po”
“Ayan . . . “< --- Chard
“Babe naalala mo yung parusa mo?” < --- Chard
“Ihhh wag ka nga hindi pa ako handa sa ganyang bagay”
< --- Ako
“Hahaha kung anu-ano ang nasa isip mo Babe” < ---
Chard
“Kapag ikaw kasi ang nag-sasabi mahalay ang dating sa
akin” < --- Ako
“Babe? Ikaw lang yata ang mahalay eh?” < --- Chard
“Utot mo!”
“Tara na nga matulog na tayo” < --- Chard
“Eh anu yung parusa?”
“Gusto mo ituloy ko?” < --- Chard
“Wag na! hahaha goodnight Babe!” < --- Ako
“Pa-kiss nga! Mmp!” < --- Chard
“Abuso ka na sa kiss ah” < --- Ako
“Aysus gusto mo naman” < --- Chard
“Ayoko amoy beer” < --- Ako
Pumaibabaw sa akin si Chard.
“Anung sabi mo?” < --- Chard
“W-wala, tulog na tayo” < --- Ako
“Alam mo Babe, gigil na gigil na ako sayo” < --- Chard
“Tulog na tay…” hindi ko na natuloy dahil bigla akong
hinalikan ni Chard, banayad, puno ng pagmamahal; at dahil nadala na din ako ay
lumaban na din ako ng halik sa kanya.
“Thankyou Babe” < --- Chard
Bumalik si Chard sa gilid tabi ko at umunan ako sa Braso
niya; masaya ako sa kung anung meron sa amin ni Chard ngayon.
“Babe salamat ah I’m sa happy and finally tayo na” <
--- Chard
“Ako din naman masaya Babe” < --- Ako
“So ibig sabihin pwede na tayo gumawa ng Baby?” < ---
Chard
“Hindi pa din” < --- Ako
“Ok, I’m willing to wait kung kailan ka rereglahin eh
este papayag I love you Babe” < --- Chard
“I love you too Babe” < --- Ako
Natulog kami ng may ngiti sa labi, maraming nangyari pero
sabi nga nila past is past; matutong mag-move on matutong lumimot at magpatawad
dahil kapag nagawa mo ang mga yan isang masayang bukas ang nag-iintay sa inyo,
puno ng pag-asa, positibo ang pananaw at laging inlove araw-araw sa isang taong
pinag-alayan mo ng iyong puso.
Itutuloy >>>
Ano ba yun, puro kilig!!!!
ReplyDelete-hardname-
salamat po, mahaba napo ang kwento. tas lumiit pa yung letra haha! Last update puro away lang. Ngayon naman puro saya at kilig ang dala. Ang sarap naman ng mga food.
ReplyDeletebharu
i enjoyed reading it.nakakakilig mga eksena nila andrei at chard. tnx gio
ReplyDeleterandzmesia