SI BLUE
"1 am napala.." saad ko lang sa sarili ko habang nakatingin sa cellphone ko.. Napabuntong hininga lang ako saka tumingala sa langit..dinama yung lamig ng simoy ng hangin.. Balik nanaman ako sa dataing gawain ko.. Ang tumambay magisa sa harap ng gate ng ganitong oras.. Sana pwedeng balikan ang lahat pwedeng maayos yung mga pagkakamali mo sa nakaraan.. Kung pwede lang hilahin yung oras pabalik..kung pwede lang gagawin ko Para lahat ng sakit na nararamdaman ni aldred ngayon.. Mawala.. Yung pain na dulot ng ginawa ko maglaho nalang.. Siguro kung hindi niya ko nakilala hindi na sya masasaktan ng dahil sakin.. Yung sakit na ginawa ko sa kanya.. Alam ko walang kapatawaran yun.. Niloko ko sya.. At alam ko habang buhay ko yung pagsisihan at pagbabayaran.. Hinayaan ko lang pumatak yung luha sa pisnge ko.. Masakit pero ito na yun.. Ilang sandali akong nasa ganun pwesto ng may motor na pumarada sa harap ko.. " aldred..?" saad ko lang..
" pwede patambay..?"saad niya habang nakatingin sa ibang dereksyon ilang sandali lang akong natigilan saka tumango.. Bumaba lang sya sa motor niya saka tumabi sakin.. Ilang minutong walang nagsalita samin hanggang marinig ko yung buntong hininga niya.. Paglingon ko sa kanya kita ko lang yung lungkot sa mga mata niya habang may pilit na ngiti.
" aldred.." bulong ko.
" blue naalala mo ba dito tayo unang nagkita..?" ngiti niya sakin. Napatungo naman ako para akong nadudurog makita yung mga luha niya.." dyan ako nabangga sa basurahan na yun.. Tapos dito mo ginamot yung sugat ko.. Dito sa lugar na to una tayong nagkwentuhan.." rinig ko lang yung pagsinghot niya hindi ko lang mapigilan yung paghikbi ko.. " Dito ko unang narinig yung nakakatawa mong pangalan.. At yung sarili mong difinition nun.. Blue dito ko unang nakita yung mga ngiti mo.. Yung mga ngiti ilang segundo nagpatigil ng mundo ko.. Dito ko unang nakita yung magagagndang mong mata.." nanatili lang akong nakatungo ng mgaoras na yun.. Damang dama ko yung lungkot sa boses niya..at yung paggaralgal nito.
" aldred I'm really sorry.."
" tapos alam mo ba kinaumagahan nun.. maaga ako gumising nun para pilitin si mommy magluto.. Ewan ko pero umaga palang nun parang sinisilihan na ko para pumunta dito sa inyo.. At ang naisip kong paraan ay yung dalhan ka ng ulam.. Nagkataon pang favorite mo yung dinala ko.." kita ko lang ngiti niya habang may luhang tumutulo..sa bawat luhang umaagos sa pisnge niya parang tumatagos sa puso ko.." yung mommy mo ang hirap hulihin ng ugali nun.. Pero nagtyaga ako.. Kasi seryoso ako sayo.. Yung kahit araw araw adobo ulam niyo ok lang basta makasabay lang kita kumain.. Basta makasama lang kita.. Kahit halos magtampo na si mommy kasi lagi akong wala sa bahay.. Nawalan ako ng pakialam sa paligid ko basta nanjan ka.. Ang alam ko masaya na ko.."
" aldred..." naluluha kong saad..
" yung daddy mo na nakakatakot talaga yun.. Sobra.." iling niya kasabay ng mga hikbi.. " alam mo bang Halos manginig ako kapag tinitingnan niya ko.. Feeling ko kasi baka bigla nalang akong suntukin.. Grabe takot ko nun kasi hindi pa niya alam yung tungkol sa relasyon natin.. Tapos one day nagulat nalang ako pagkagising ko kausap niya na si mommy at daddy.. Gusto ko yakapin daddy mo nun ng pakiusapan niya yung parents ko na bigyan tayo ng chance.. Na hayaan tayo kung san tayo masaya.. Sobrang saya ko ng araw na yun.. Simula ng araw na yun nagakkabiruan na kami ng daddy mo.. Nawala na yung takot ko sa kanya.. Sya nga yung pumili nung kanta ko nung birthday mo.. Angel of mine..kasi sabi niya naging anghel daw tayo sa isat isa.. Blue ikaw yung pinakamagandang nangyare sa buhay ko.. Ikaw yung taong nagparamdaman sakin kung gano kasarap mahalin.. ."
" Aldred.. Im really really sorry.. Im sorry sa pananakit ko sayo.. Hindi ko dapat ginawa yun.. Aldred kung kaya ko lang ibalik ang oras para itama lahat to.. Para wag ka ng masaktan.. Aldred patawarin mo ko.. Im really really sorry.." umiiyak na turan ko sa kanya pero ngumiti lang sya saka pinunasan ng mga daliri niya yung mga luha ko.. " aldred.."
" blue I'm sorry kung hinusgahan kita nang hindi pa naririnig yung side mo.. Nagalit ako ng hindi ka pinakikinggan.. I'm sorry sa mga nasabi ko sayo kagabi.. Hindi ko dapat sinabi yun.. I'm really sorry kung iniwasan kita kanina.. Hindi ko lang alam kung pano ka haharapin.. Hindi ko alam kung anong sasabhin ko sayo.. Gustong gusto kita lapitan kanina nung nanjan si chris.. Kaso naisip ko baka si chris yung kailangan mo.."
" aldred."
" blue sorry kung nagalit ako.."
" aldred naiintindihan ko yun at karapatan mong magalit.. Kase kasalanan ko eh.. Kasalanan ko.."
" blue gusto kita pakinggan ngayon.. Gusto ko marinig lahat.. I know masakit pero gusto ko intindihin kita.. Pipilitin kong maintindihan yung paliwanag mo.. Blue gusto ko maintindihan.. Kaya please blue ipaintindi mo sakin.. please.."
" aldred tama na.. Ayoko ng dadagan yung sakit na nararamdaman mo.. Hindi mo deserve yung pain na to.. Lalong hindi mo deserve yung kagaya kong manloloko at walang kwenta.."
" blue please gusto kita intindihin.. Gusto ko.. Sabihin mo sakin lahat. Kung ano ba talaga nangyare.. Kung bakit.. Kung anong dahilan.. Blue gusto ko malaman lahat.. Gusto ko marinig mula sayo.. Pipilitin ko maintindihan pangako.. Sayo ako maniniwala.. Sayo lang.. Lahat ng lalabas ng sa bibig mo.. Yun ang paniniwalaan ko.."
" aldred.."
" blue please..?" kita ko lang yung pagtulo ng luha niya.. "blue parang awa mo na.." saad niya lang habang nakatitig sa mga mata ko Napabuntong hininga naman ako..
" nung Friday.. Nakita ko yung paghalik ni irene sayo.. Nandun ako.." nakatungo kong saad.
" nakita mo..? Bakit hindi mo sinabi.."
" yeah.. Naging makitid yung utak ko ng mga oras na yun.. Hindi ako nagisip.. At dun nagsimula yung katangahan ko.. Hanggang nagtuloy tuloy na.." saad ko lang saka tumingala para pigilan pa yung mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko... " Sinimahan ako umiyak ni chris nun... Niyaya niya ko magswimming. Gusto ko lang umiyak nun.. Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko.. Naisip ko nun anong laban ko kay irene. Babae sya.. Hindi malabong ipagpalit mo ko sa kanya.."
" di ba sabi ko sayo.. Hinding hindi mangyayareng ipagpapalit kita kay irene.. Blue mahal kita.. Ikaw lang.."
" I'm sorry aldred kung inisip ko yun.." nakatungo kong saad.. " Hanggang nung gabing yun naglabas ng alcohol yung mommy niya.. Naginuman kami.. Wala sa plano kong malasing nun.. Pero nalasing ako.. Siguro sa sama ng loob..Gusto ko sana umuwi nun pero pinigilan na ko ng mommy ni chris dahil lasing na daw ako.."
"naghihintay ako ng tawag mo.. Sana tumawag ka para nasundo kita..?"
" i was so drunk that time.. Hindi ko na alam kung nasaan phone ko nun.. Aldred inaamin ko ako yung unang humalik kay chris.." saad ko lang saka nasapo ng dalawang palad yung mukha ko.. " Hindi ko alam kung ano yung nasa isip ko nun bakit ko ginawa yun..wala na ko sa katinuan ng mga oras na yun.. Siguro sa init narin ng katawan.. Kasalanan ko kasi hindi ko na nakontrol yung sarili ko hanggnag nangyare nga yung hindi dapat... Kinabukasan nung umuwi ako dito hindi ko alam kunng pano sasabihin sayo.. Kung pano ipapaliwanag sayo yung nangyare.. I know masasaktan ka kaya pinili kong magsinungaling.. Aldred.. Im sorry.. Hindi ko sinasadya."
" kahapon.. Hindi ka lasing pero may nangyare sa inyo di ba..?" nakatungo niyang saad..
' tinakot ako ni chris.. Tinatakot nya ko na ipapakita niya sayo yung picture naming dalawa na naghahalikan.. Hindi ko alam kung pano niya ko nakunan ng picture siguro wala na kong alam sa sobrang lasing nun.. Pinilit kong pigilan.. Alam ko kasi kahit ano namang pananakot niya sakin choice ko parin naman eh.. Pero still nagpadala parin ako.. Napakatanga ko.. Sobra.. Napakatanga..ang bobo ko kasi nagawa ko sayo yun.." kita ko lang yung pagpupunas niya ng mukha.. "Aldred hindi mo deserve yung taong tulad ko.. Lahat ng sinabi mo kagabi.. Lahat yun totoo. Lahat yun.. Lahat lahat..Na sinungaling ako.. Manloloko.. Aldred tanggap ko kung dahil dito hindi mo na ko mapapatawag.. Kailangan kong tanggapin yung consequence ng ginawa ko.. Kasalanan ko.. Yung taong tulad ko hindi nababagay sa pagmamahal na kaya mo ibigay.."
" blue si chris.. Mahal mo ba sya.. Or may nararamdaman ka ba sa kanya..?"
" pure lust.. Nakakahiya aminin pero yun talaga..hindi ko sya mahal.. Hindi.. Im really sorry aldred.. Im really really sorry.."
" blue mahal kita.." bulong niya.. muli naman tumulo yung luha ko ng marinig yung mga salitang yun.... " blue mahal na mahal kita.. Mahal na mahal.." rinig ko lang yung hikbi niya habang nakatungo.
" aldred mahal kita.. Pero wala na kong karapatan sayo.. Yung ginawa ko hindi mo deserve yun.. Aldred wala na kong karapatan kaya maiintindihan kita kung iiwan mo ko.. Tatangapin ko kung dito na tayo magtatapos.. Mahal kita.. Pero niloko kita.. Aldred hindi ko dapat ginawa sayo yun..kasalanan ko.."
" blue.. Aayusin natin to.."
" aldred..?"
" blue aayusin natin to.. Maayos natin to naiintindihan mo.."
" aldred.. Ok lang naman sakin kung masakit pa sayo.. Aldred magaantay ako.. Aantayin ko yung araw na mawala na yung pain jan sa puso mo.."
" Mahal kita blue mahal na mahal.. Hindi ko kaya.. Hindi ko kayang wala ka.. Hindi ko kayang iwan ka.. Blue aayusin natin to naiintindihan mo.. Kahit anong mangyare hindi ako papayag na masira tayo... Na iwan mo ko.. Blue ipinglaban ko yung nararamdaman ko sayo.. Kaya ipaglalaban ko to hanggang sa huli.. Kahit anong mangyare hindi ako bibitaw.. Hindi.." saad niya lang habang umiiyak..
" aldred nasasaktan ka na masyado dahil sakin.."
" blue hindi ko kaya.. Oo nagkamali ka pero di ba wala naman taong perpekto.. Lahat nagkakamali.. Lahat nadadapa..blue magsisimula tayo uli.. Blue kakalimutan natin lahat to.. Kakalimutan ko.. Mahal na mahal kita.. Tatangapin ko lahat.." hinawakan niya lang yung palad ko.. " blue can we start again..?"
" aldred mahal kita mahal na mahal... Sa laki ng kasalanan ko sayo.. Hindi mo parin ako binitawan.. Nanjan ka parin.. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti to deserve you in my life.."
" blue di ba sabi ko sayo hindi ako bibitaw.. Kahit bitawan mo pa ko.. Hindi parin ako aalis sa tabi mo.. Blue mahal kita.. Mahal na mahal.. At walang makakapagbago nun.. Kahit anong gawin mo tatangapin parin kita.. Tatangapin ko lahat.. Blue ganun kita kamahal.."
" aldred I'm really sorry sa nagawa ko.."
" pinapatawad na kita.. Without any conditions.. Basta just stay with me.. Just hold my hand.. And don't ever leave me.. Blue hindi kita hahayaang mawala sa buhay ko.." napatungo lang ako saka tahimik na umiyak.. Mayamaya niyakap niya ko saka hinalikan sa noo.. " blue mahal na mahal kita.. "
" mahal na mahal din kita aldred.."
" pwede na ba kitang ikiss.?" tumango naman ako.. Tinaas niya lang yung mukha ko saka dinampian ng isang halik..ngumiti lang sya kasabay ng paghikbi niya.. " yung sipon mo tumutulo na.." saad pa niya.. Agad ko naman pinunasan too ng damit ko.." kadiri. Nalasahan ko pa ata.." tawa pa niya.
" aldred naman eh.. "
" konti nalang masisinghot na kita.. " ngiti niya saka mahigpit na hinawakan yung kamay ko.." kakalimutan natin yung nangyare magsisimula tayo uli.. Si chris o kahit si irene.. Hindi natin hahayaan masira nila yung relasyon natin.. Hindi ako papayag.. Alam ko gagawa sila ng paraan para maghiwalay tayo pero sorry sila.. Hinding hindi ako hahayaang mangyare gusto nila.. Magkakasama tayong haharapin sila di ba..?"
" yeah aldred.. Magkasama tayo.. Kapit kamay.."
" blue I love you.."
" I love you too forever and more.." muli lang niya kong niyakap..
" tapos na ba.?" sabay lang kaming napalingon saka namin nakita si geo na nakatayo sa di kalayuan..
" kanina ka pa jan.?" kunot ang noong tanong ko.
" yeah kasama ko sya.. Pinababa ko lang bago ako lumapit sayo.." nakangiting saad ni aldred... Lumapit naman samin si geo na nakasimangot saka umupo malapit samin.
" hinay hinay sa pagsinghot baka masinghot niyo ko.." binato naman ni aldred to ng maliit na bato..
" kuya aldred naman eh. Pagkatapos kong makipagsagupaan sa mga dragon dun babatuhin mo pa ko...?"
" anong dragon..?" tanong lang ni aldred.
" lamok.. Ang dami kayang lamok dun sa pinagbabaan mo sakin.. Tapos ang tagal niyo pa nagusap.. So ok na kayo..?"
" yeah.. Ok na kami.."
" oh ikaw blue.. Magparty ka pa..suportahan kita..?"
" ewan ko sayo.." simangot ko lang.
" gusto mo ng sapak geo..?" banta lang ni aldred.
" blue dapat magthank you ka sakin..?"
' why..?"
" pinilit ko kaya kausapin ka ni kuya.. Pagdating namin sa bahay kanina nagwala yan sa kwarto niya basag lahat as in lahat.. Pwera lang dun sa picture mo.. Na mukha namang ewan.. Nilista ko nga eh.. Papabayaran kasi sayo ni tita lahat. " ngiti ni geo,
" geo umuwi ka na nga.." simangot lang ni aldred..
" napakasama mo kuya aldred huh.. Sana hindi mo na ko pinagantay kung pauuwiin mo rin pala ko.."
" ang daldal mo kasi..?" saad ko lang.
" hoy blue yung thank you ko..?"
" ok fine thank you.."
" kahit naman hindi ako pinilit ni geo kakausapin naman talaga kita eh.."
" weehhhh.."
' umuwi ka na nga.." amba dito ni aldred.
" umuwi ka na din kuya.. May pasok ka pa bukas kala mo.. Tara na.."
" may pasok ka papala bukas sige na uwi na kayo..?"
" uhm ayoko. Kaw geo umuwi ka na.."
" kuya aldred naman eh.." binato naman dito ni aldred yung susi ng motor niya. " umuwi ka na dalhin mo na yung motor.."
" pano ka may pasok ka bukas.?"
" dito ako matutullog hindi nalang ako papasok bukas.." napalingon naman ako kay aldred pinisil naman nito yung palad ko.. " umuwi kana.!"
" may pasok ka bukas kuya.?"
" hindi nga ako papasok kaya umuwi ka na.." napakamot naman ng ulo si geo.
" may gagawin lang kayo eh.. Sali niyo ko pwede akong referee..?"
" sapak gusto mo..?" saad ni aldred dito.. hindi ko naman mapigilan matawa. "Alis na.."
" blue pwede akong maging referee.. Sige na.." ngiti sakin ni geo tumayo naman si aldred..
" eh kung si blue kaya maging referee.. Sya yung taga awat kapag sinapak kita.."
" oo na alis na ko.. Kwento mo sakin kuya bukas kung nakailang rounds kayo huh..?"
" umalis ka na nga.. Isa pa sasapakin talaga kita.."
" oo na alis na.. Nagmamadali..? Blue alis na ko.. goodluck " simangot ni geo saka pinaandar yung motor.. Nappakamot lang na tumingin sakin si aldred..
" yung pinsan mo nakakainis parin hanngang ngayon..?"
" hayaan mo na yun." saad ni aldred saka muling umupo sa tabi ko..
" masakit pa ba yang kamay mo.. Alam mo kasi ako nalang dapat sinuntok mo eh.. Nasugatan ka pa tuloy.."
" hindi ko namna kayang saktan ka eh.. Mas gusto ko pang saktan yung sarili ko kesa makita kang masaktan.. Doble kasi ang sakit sakin kapag ikaw yung nasasaktan.."
" aldred nagiisa ka lang ba sa mundo..?"
" huh.?" tumingala lang ako sa langit.
" 7 billion ang tao sa mundo.. Salamat kasi sa dami ng tao.. Nakilala ko yung tulad mo.. Ang swerte ko noh.."
" blue... Mas swerte ako ?"
" swerte ka sakin..? Paranng hindi naman..?"
" swerte ako kasi nakilala kita.. Nakilala ko yung taong makakasama ko habang buhay.. Swerte ako kasi mahal mo ko.. Swerte ako kasi katabi parin kita.. Kasama parin kita.. Hawak ko parin yung mga kamay mo.. As long as I have you.. I"ll always be gratefull.."
" basta mas swerte ako sayo.."
" blue ikaw lang ang buhay ko.. Ikaw lamang ang mahal ko.." napangiti lang ako sa sinabi niya.. " blue parang hindi ko yata kayang mabuhay na wala yung mga ngiti mong ganyan.. Parang hindi ko kaya kung wala yung tingin mong ganyan.. Wag mo ko iwan huh.. Mamatay ako..?"
" aldred alam mo ayoko tumanda..?"
" why..?"
" yun ang pinakaayaw ko.. Mas ok pang mamatay nalang ako.. Basta ayoko tumanda.."
" bakit nga ayaw mong tumanda..?"
" ayokong tumanda.. Kapag hindi ka kasama..?"
" talaga..?"
" oo naman.. Mahal na mahal kita aldred.."
" i love you too.."
" aldred alam mo na bang kapatid ko si irene.?"
" uhm oo ? ah eh kasi matagal ko ng alam...?"
" matagal na pano..?"
" one time kasi nakita ko syang naglalakad.. Naawa ako kaya hinatid ko sa kanila.. Actually nakaalis na ko sa kanila ng maalala kong nasa akin pala yung I.d niya.. So I decided na bumalik.. Tapos nakita ko dun yung daddy mo.."
" nakita mo si dad dun..?"
" yeah kinausap ako ng daddy mo na itago muna.. Hayaan ko daw sya na magsabi sayo..kinausap ka na ba nila.?"
" yeah kanina.. Aldred dito na titira si irene.."
" dito na sya titira sa inyo..?"
" yeah,.."
" ok lang sayo..?" napatungo naman ako..saka bumuntong hininga..
" matagal ng pangarap ni mommy na magkaroon ng anak na babae.. Pero dahil nagkaroon ng kumplikasyon pagkapanganak sakin.. Hindi na sya pwedeng magbuntis.. Pangarap ni mommy yun.. Ayoko naman humadlang.."
" pero hindi ok sayo.?"
" ok lang naman.. Pero kasi I know gusto ka niya.. Pero alam mo mabait naman sya.. Mejo madaldal nga lang.. Parang walang preno yung bibig.. Tapos makwento.."
" blue I know kapatid mo sya. Pero don't trust her.."
' bakit naman..?"
" basta don't trust her.. Jan na ba sya natulog ngayon.?"
" hiindi umuwi sya kanina pagkatapos naming magusap usap.. Tomorrow dadalhin niya na dito yung mga gamit niya.."
" eh yung mommy niya..?"
" pupunta na daw ng states yung mommy niya.. Dun kasi nagtatrabaho yung mapapangasawa nito.. Ayaw nga sana pumayag ng mommy niya kasi gusto nito isama si irene sa states. Kaso si irene ayaw sumama.."
" bakit daw ayaw niya sumama.?"
" kasi daw gusto niya makasama si dad at ako.. Pati si mommy.. Para daw kasing masaya yung family namin.. Syempre si mommy natuwa.." kita ko naman yung payak na pagtawa ni aldred..
" blue I know her.. Wag mo syang pagkatiwalaan I know may pinaplano sya against you..?"
" against me..?"
" yeah.. Believe me.. Wag mo syang pagkatiwalaan.."
" aldred.. Gusto ko rin maranasan magkaroon ng kapatid..pumunta nga sya sa kwarto ko kanina para icomfort ako eh.. Iba parin talaga magkaroon ng kapatid.."
" ok sige.. Pero magingat ka.. Mapagpanggap sya.."
" aldred naman eh.. Gusto ko bigyan ng chance na mging close kami.. Saka sabi niya..yung feelings niya sayo.. Wala na daw yun simple crush lang.."
' maniwala ka dun..?"
" basta kikilalanin ko sya.. Hindi bilang babaeng may gusto sayo.. Kundi bilang kapatid ko.. Siguro mahirap sa umpisa yung pagaadjust sa ugali niya pero makaksanayan ko rin sigurado.."
" basta mag-ingat ka huh..blue oo nga pala.. Si geo marunong sya maggitara.. Sa kanya ka nalang paturo.. Musikero yung lokong yun eh.."
" talaga..?" ngiti ko.. Natigilan lang kami ng huminto yung motor sa harap namin.. Si geo..
" speaking of the devil.." bulong ni aldred.
" kuya aldred huh ang sama mo talaga.?"
" bakit ka bumalik..?"
" nagikot ikot kasi ako.. May nakita akong nagbebenta ng balot.. Naisip ko kayong dalawa kaya bumili ako.." saad nito saka tinaas yung hawak nitong plastik.. " kala ko nga pumasok na kayo eh..?" saad pa nito saka bumaba ng motor.
" bakit naman kami naisip mo.?" kunot ang noong tanong ko.
" ayt syempre balot.. Pang palakas ng tuhod.." ngiti nito.. Natawa naman si aldred..
Kinabukasan pagpasok ko ilang sandali akong nakatayo sa harap ng gate saka bumuntong hininga.. Simula ngayon hindi ko na kilala si chris.. Hinding hindi ko na lolokohin si aldred.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad.. Pagdating ko sa room umupo lang agad ako ng lingunin ko yung upuan ni chris.. Wala ito duon..nakahinga naman ako ng maluwag..
Kinabukasan pagpasok ko ilang sandali akong nakatayo sa harap ng gate saka bumuntong hininga.. Simula ngayon hindi ko na kilala si chris.. Hinding hindi ko na lolokohin si aldred.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka naglakad.. Pagdating ko sa room umupo lang agad ako ng lingunin ko yung upuan ni chris.. Wala ito duon..nakahinga naman ako ng maluwag..
Ilang sandali pa ang nakalipas ng may nagpatong ng paper bag sa harap ko.. Pagtingala ko nakita ko lang si chris na nakatingin sa ibang dereksyon habang hawak yung gitara niya..
" mga damit mo.." maikling saad nito.
" salamat.." saad ko
" ito na yung gitara ko.. Sayo nalang.." saad pa niya saka nilapag yung gitara sa katabing upuan.
" no chirs.. Thank you nalang.. Hindi ko na kailangan yan.."
" ok.." saad nito saka muling kinuha yung gitara at naglakad..napalingon lang ako sa kanya.. Si chris ba talaga yun.. Tanggap niya na..? Kita pa rin yung mga pasa niya sa mukha.. Umiling lang ako.. Pagkatapos nun hindi ko na sya muling tiningnan..
Kinahapunan nagulat lang ako ng makita si geo sa harap ng school.. Ngumiti lang to sakin..
" anong ginagawa mo dito..?"
" sinusundo ka.."
" alam ko naman ang daan pauwi eh.. Hindi ako kailangan sunduin..?"
" sabi ni kuya aldred eh.. Yung chris nilapitan ka ba uli..?"
" hindi..?"
" hoy blue ikaw umayos ka huh.. Wag ka na nga magsinungaling.. Imposibleng hindi ka nilapitan nun.. Eh kahapon lang halos magmakaawa yun makausap ka lang."
" nilapitan pala niya ko.." napapakamot kong saad..
" aixxt sinungaling.. Lagot ka kay kuya aldred..?"
" binigay niya lang sakin to.." tinaas ko lang yung paper bag.. " tapos ipapahiram parin sana niya yung gitara niya sabi ko wag na.. Paggkatapos nun hindi na sya lumapit.. Hindi ko na rin sya tiningnan.."
" talaga..?"
' oo nga... Wish ko din na hindi na sya lumapit.."
" pag lumapit uli.. Sabihin mo agad sakin para mabasag ko na talaga yung mukha."
" geo basagulero ka ba..?"
" hindi naman.. Pero nakakgigil kasi yung lalake mo eh..?"
" anong lalake ko?.. tara na nga..wait asan yung motor.?"
" tricycle lang tayo.."
" bakit..? Susundo ka lang hindi mo pa dinala yung motor..?"
" sinusundo ka na nga magrereklamo ka pa..?"
" naman eh..?"
" saka pupunta kasi tayong mall.. May bibilihin tayo.."
" mall..? Bakit..?eh si aldred pano? Alam ba niya.?"
" oo naman noh.. Susunod sya satin pagkatapos ng praktis niya. Kaya tara na.." nagsimula naman kaming maglakad papunta sa sakayan.
" ano bang bibilihin mo dun..?"
" tayo.. Anong ako lang..?"
" ano nga bibilihin natin dun..?"
" basta sabi ni kuya kumain daw muna tayo habang inaantay sya.. Gutom na din ako eh tagal mo lumabas.." simangot sakin ni geo.
Pagdating namin sa mall nagpunta lang kami ni geo sa isang restaurant na andun.. Nagdalawang isip pa ko kung papasok nang hilahin ako ni geo..
" geo mahal kaya dito..?" saad ko pagkaupo naming dalawa.
" sabi ni kuya dito daw eh.. Reklamo ka pa..? Remember may kasalanan ka pa kaya bawal kumontra..?" ngiti ni geo saka tiningnan yung menu " ikaw ano gusto mo..?
" ikaw nalang umorder sakin.." saad ko nalang saka kinuha yung cellphone ko.. Sinabi naman ni geo yung order namin sa waiter." anong oras kaya matatapos yung praktis ni aldred..? Hindi ako nakapagpaalam eh.?"
" galing ako sa inyo.. Nagpaalam ako sabi kasi ni kuya aldred eh.."
" pumunta ka samin hindi ka pa kilala ni mommy di ba..?"
" uhm nagpakilala ako.. Saka nakita pala niya ko na kasama ni kuya aldred eh.." ngiti lang niya.. Halos kalahating oras din bago dumating yung order ni chris.. Nagsimula lang kaming kumain dalawa.. Natigilan lang ako ng makitang nakatitig sya sakin..
" why..?"
" iniisip ko lang ano ba talaga nangyare? Si kuya aldred kasi ayaw magkwento..??"
" magkwento ng alin.?"
" about dun sa pagpaparty mo..?"
" anong party.?"
" pagtataksil mo sa kanya.. Sus naman..? Ayaw magkwento ni kuya kung pano ka niya nahuli.. Kung saan..? Pero tingin ko namanhindi masyadong malala yung nakita niya kasi ang bilis ka niyang napatawad eh.. Kwento mo naman.. "
" bakit gusto malaman..?"
" wala lang.. Mahal na mahal ka ni kuya aldred.. Wag mo naman syang paiyakin.. Ngayon ko lang nakitang umiyak yun eh.. Ibig sabihin yung nararamdaman niya sayo.. Totoo.. Saka yung ipaglaban ka nga lang sa magulang niya.. Katunayan na seryoso talaga sya sayo.."
" alam mo geo.. Mahal na mahal ko yun.."
" pero niloko mo sya eh.. Blue sana pakita mo sa kanya na deserve mo yung pagpapatawad niya sayo.. Alam mo kung ako kasi sa kanya.. Kahit mahal ko pa yung tao pag niloko ako.. Hindi na ko magaaksaya ng oras sa kanya.. Kasi hindi malabong ulitin niya yung panloloko niya."
" promise geo.. Hinding hindi na.. Hindi ko na lolokohin si aldred.. Hindi ko na hahayaang masayang yung chance na binigay niya.."
" dapat lang.. Alam mo kapag tumatawag sa bahay yun.. Puro blue yung nasa kwento niya.. Kesyo nakaperfect ka daw sa exam.. Kesyo ikaw din yung representative ng section niya.. Kesyo ikaw daw yung pinakamatalino sa section niyo.. Tapos ikaw dun yung escort.. Lahat na.. Alam mo simula siguro ng bangitin niya yung pangalan mo samin.. Wala syang nasabing negative sayo..as in wala.. Wala akong maalala eh.. Pati nga amoy ng paa mo mabango daw eh..yung kwarto mo daw sobrang linis.. Minsan nga naaiinis na ko dun pagkausap sa phone eh.. Paulit ulit na yung sinasabi niya about you.." napatungo naman ako sa sinabi niya.. " blue he really loves you.. Ngayon lang sya naging ganun.."
" pero geo naisip ko kung dapat ba ko dun sa pagmamahal niyang ganun.."
" just prove it.. Patunayan mo na you deserve each other.. Marami mang mas better.. Pero prove to him na sya lang enough na sayo.. Sobra sobra pa.. Blue sana ito na yung last na gagawin mo to kay kuya.. Dinadaan ko sa joke pero pinsan ko parin yun kaya ayokong nasasaktan yun.."
" promise geo.."
" alam mo ba last night pupunta dapat sila tita sa inyo kasi nagwala si kuya.. Seryso yun.. Nagbasag talaga sya sa kwarto niya.. Buti nga napigilan ko saka ni mommy.. Sinabi namin na hayaan kayong umayos ng problema niyo baka kasi lumaki pa pag nakialam si tita.. To the point na baka hindi talaga maayos.."
" tingin mo galit sakin mommy at daddy niya..?" umilinng naman si geo saka ngumiti..
" basta bayaran mo lahat ng nabasag ni kuya..? Madami dami yun.?"
" di ba sabi mo nilista mo.. Tingin mo magkano kaya lahat yun..?" natawa naman sya sa sinabi ko.. " wait parang nasa hundred thousand yung kwenta ko eh..?"
" talaga..? Papagalitan ako ni mommy pero sige sasabhin ko kasalanan ko naman eh.." napabuntong hininga lang ako..
" hoy joke lang sineryoso mo naman.. Hindi papabayaran ni tita yun noh.. Si tita pa.. Nagkausap narin sila ni aldred mukha ok na.. Baka kausapin ka rin non"
" huh..?"
" takot ka noh..?"
" kakausapin ako..? Anong sasabhin ko..?"
" ewan ko sayo.. Kakausapin ka lang nun hindi kaya alam ni tita yung ginawa mo kaya wag kang magalala.. Hindi naman sinabi ni kuya aldred eh.. Nung nagwala sya sinabi ko lang na nagaway kayo..tinanong ako kung bakit sabi ko ewan ko..?"
" haixt kasi naman eh.."
" kaya ikaw wag na ulitin yun.. Sa oras na ulitin mo pa yun. Lilipad ako papunta dito para bigyan ka ng malaks na sampal... Plus suntok at sipa pa yun kaya umayos ka blue.."
" yeah hindi na talaga.." nagulat lang ako ng may umakbay sakin mula sa likod .. Paglingon ko nakita ko lang yung ngiti ni aldred.
" hey sorry natagalan ako nainip ba kayo..?" saad ni aldred saka umupo sa tabi ko. Hinawakan niya lang yung kamay ko sa ilalim ng mesa..
" sobra ang tagal mo kuya.." simangot ni geo dito.
" tara na... Bayaran mo na geo.." saad ni aldred. Kumunot naman yung noo ni geo.. " bayaran mo na." ngiti pa ni aldred dito.
" kuya bakit ako magbabayad..?"
" uhm sino umorder ng lahat ng to..?" ngiti ni aldred habanag tinitingnan yung mga nasa mesa.
" si blue..?"
" hoy geo hindi naman ah..?"
" geo hindi si blue umorder niyan.. Eh halos lahat ng nasa mesa niyo favorite mo lahat eh. Kaya imposibleng si blue umorder niyan..? Ito nga lang mash potato.. Eh hindi naman kumakain si blue niyan.?"
" ayt grabe ka kuya.. Sabi kasi ni blue na daw bahala eh..?"
" bayaran mo na bilis na para makauwi tayo ng maaga..?"
" kuya naman eh.. Mauubos pera ko may bibilihin kaya ako.?"
" tara na blue hayaan mo si geo magbayad.." saad ni aldred saka tumayo hila yung kamay ko...
" kasi naman ang mahal dito eh dapat sa jolibbee or mcdo nalang tayo eh.." saad ko lang.
" si kuya aldred kaya nagsabi na dito tayo kumain.. Kuya ikaw na magbayad..?" simangot ni geo..
" ako nalang.." saad ko aktong bubuksan ko yung wallet ko ng kunin to ni aldred.. " akin na yung wallet ko."
" hayaan mo si geo magbayad.. Ang laki kaya ng binigay ni tita jan kaya tara na.. Geo its payback time.. Ginawa mo sakin to before.." saad ni aldred saka tumalikod..
" kuya wait.. Oo na sige na ako na magbabayad.. Antayin niyo ko."
" wait ka namin sa labas bilisan mo na.." nagsimula naman kaming maglakad palabas.,. Inabot lang sakin ni aldred yung wallet ko..
" nakakahiya kay geo." saad ko lang.
" sus hayaan mo yun.." ngiti lang ni aldred maya maya lumabas si geo habang nakatingin sa wallet niya..
" kuya nakakainis ka pa nga."
" tara na.." saad lang ni aldred saka nagsimulang maglakad.. Sumunod naman ako sa kanya..
" blue libre mo ko sa susunod huh.."
" di ba sabi mo sakin babawi ka kay blue kasi hindi maganda yung ugali mo nung pumanta kami sa inyo.. Kaya ito na yun..?" ngiti ni aldred.
" weehh basta blue libre mo ko sa susunod huh..?"
" sure sige.." ngiti ko nalang kay geo.. Tumuloy lang kaming tatlo sa tindahan ng mga instrument sa mall na yun.. Hinnawakan lang ni aldred yung kamay ko saka ngumiti.. " anong bibilihin niyo.?"
" pako.. Baka kasi may pako dito eh." ngiti ni geo.. Binatukan naman to ni aldred.. " kuya ano ba..?"
' ang gwapo mo kasi.. Sarap mo batukan.." ngiti lang ni aldred natawa naman ako.. Tumuloy naman si aldred sa tao sa tindahan na yun maya maya may binigay tong guitara.. Agad naman tong kinuha ni geo.
" bibili kayo ng gitara..?"
" gift sayo ni geo.." saad ni aldred.
" hoy kuya sumosobra ka na huh... Hindi ako magbabayad nito.."
" joke lang.. Gift ko sayo.. Para matuto ka ng gitara.. Tuturuan ka ni geo.." ngumiti naman sakin si geo habang tumitipa sa gitarang hawak niya.
" joke lang.. Gift ko sayo.. Para matuto ka ng gitara.. Tuturuan ka ni geo.." ngumiti naman sakin si geo habang tumitipa sa gitarang hawak niya.
" eh mahal ata yan ah..?"
" eh mahal naman kita eh..?"
" aldred naman eh.. Hati nalang tayo.."
" wehh.. Sige na geo bayaran mo na.." ngiti ni aldred..kita ko naman yung pagsimangot ni geo." joke lang.."
" baka kasi hindi ko na din matutunan yan eh.. Late na eh.. Sa Friday na yung presentation ko.. Nakiusap ako sa teacher namin kanina kung pwedeng wag nalang ako magperform..?"
" anong sabi..?"
" hindi pumayag eh.. Kailangan daw sa grade yun,.."
" eh pano yan..?"
' uhm kakanta nalang ako sa unahan.. kaso yung grades na ibibigay ni ma'am hindi ganun kataas.."
" baka kaya pang matutunan mo bukas..?"
" ang hirap eh. Parang hindi.."
" ganun... Pero bilihin ko na rin yung gitara para sa susunod marunong ka na.. Para rin may silbi si geo habang nasa bahay..?"
" ang mahal kasi aldred eh..?"
" ok nga lang..? Wag ka na kumontra..?" ngiti ni aldred sakin. Napatungo naman ako..pagkatapos namin sa store na yun ay nagpaalam si geo na may pupuntahan sya naiwan naman kami ni aldred sa worlds of fun. Hinawakan niya lang yung kamay ko habang nanunuod kami sa mga batang naglalaro.... Napakaswerte ko talaga sayo aldred.. Ngiti ko lang habang nakatingin sa mukha niya.
" bakit ganyan ka naman makatingin sakin..?"
" uhm wala lang.. Alam mo aldred napakagwapo mo..?" napangiti naman sya sa sinabi ko.." totoo kaya yun..?"
" Alam ko kaya.. Hindi mo na kailangang sabihin..?"
" wehh yabang.. Kamusta na yung stage play niyo.?"
" mga props nalang yung ginagawa namin.. Then tapos na.. Para sayo gagalingan ko.. Ako na yung pinakagwapong prinsipeng makikita mo.."
" talaga.. Kaso dun sa play niyo si irene yung princes mo.."
" yung play namin.. Hindi naman totoo yun.. Acting lang.. Yung totoong fairytale ko.. Katabi ko ngayon.. At yung fairytale ko totoong pang forever.. "
" ako ba yung tinutukoy mo..?" ngiti ko.
" uhmmmm" kibit niya ng balikat.
" aldred parang sobra naman yung pagbili mo ng gitara.. Ang mahal eh.. Bayaran ko nalang sayo.."
" blue naman eh.. Gift ko na sayo yun.."
" pero parang ano lang kasi eh.. May kasalanan pa nga ako sayo eh. Kasi parang."
" sshhhh... Di ba sabi ko kakalimutan na natin yun. Wag mo na ulit babangitin yun.. "
" pero aldred.?"
" blue please.. Kalimutan nalang natin yun.. Ayoko na din kasing maalala eh.. Kaya move on nalang tayo.. Na parang walang nangyare.. Yung nararamdaman ko sayo.. Walang nagbago dun.. As in wala.. Si chris alam ko hindi mo naman sya maiiwasan kasi classmate mo.. Pero blue.. Yung trust ko.. Binibigay ko uli sayo yun.. "
" pangako ko aldred. Si chris hindi ko na sya kakausapin.. Hinding hindi na.."
" ok lang naman kausapin mo sya.. May tiwala naman ako sayo.."
" basta ayoko na.. "
" bahala ka.. Basta hindi na ko magtatanong sayo kung nagusap kayo o hindi. Ang importante ako yung mahal mo.. Ako lang.. Sabi nila pag yung trust daw nasira mahirap na ibalik.. Hindi ako naniniwala dun.. Kasi kung mahal mo yung tao.. Handa mong ibigay uli yung pagtitiwala na yun ng buong buo..ng walang pagaalinlangan.. Kasi once na wala ng trust.. Wala na din yung love.."
" ok lang ba payakap aldred..?" pilit na ngiti ko sa kanya.. Tumango naman sya.. Agad lang akong yumakap dito.. " bakit ganyan ka kasi kabait.."
" tama na.. May mga nakatingin na satin.?"
" ok lang ba sayo kung wala na kong pakialam sa kanila..?" natawa lang sya saka yumakap din sakin..
" wait tama na talaga yung guitara baka mawala.." ngiti niya humiwalay naman sya sakin nagsimula lang kaming maglakad paikot sa lugar na yun.. Napakasaya ko kasi hindi nagbago si aldred sakin..
Halos magaalasnuebe na kami nakauwi nila aldred.. Paghinto ng taxi sa tapat na gate natigilan lang kami ng makita si chris sa loob ng gate kausap si irene..
" anong ginagawa nanaman niyan dito..?" simangot ni geo.
" aldred di ko alam na pupunta sya dito..?"
" I know.. Alam ko naman na hindi sya titigil eh..?"
" sapakin ko kuya gusto mo..?"
" ako na.. Subukan lang niya may gawin dudurugin ko mukha niyan..?" saad lang ni aldred..
" injured pa nga yang kamay mo.. I don't think madudurog mo mukha niyan kuya.?" ngiti ni geo..
" papaalisin ko nalang.. Para hindi na magkasakitan.."
" makatyempo lang ako blue sapak sakin yan.." saad pa ni geo.. Bumaba naman ako ng taxi sumunod lang silang dalawa sakin..
" chris what are you doing here.?" saad ko lang paglapit sa dalawa.. Pero hindi man lang tumingin sakin si chris,
" uhm irene alis na din ako.. See you tomorrow..?" ngiti ni chris saka lumabas ng gate.. Hinarangan naman to ni geo. " excuse me.."
" tinatanong ka kung anong ginagawa mo dito..?" sinimaan lang to ng tingin ni chris.
" uhm blue kasi si chris tinulungan niya ko sa pagdala ng gamit ko dito.. " saad ni irene.
" why..?" kunot ang noong tanong ko.. Hinawakan naman ni aldred yung kamay ko.
" uhm wala lang.. Friend naman kami kahit paano ni chris kaya i asked him kung pwede niya ko tulungan.. Ok lang naman di ba..?"
" pero irene.?"
" uhm chris sige na thank you ulit." saad ni irene tumango naman si chris saka nilampasan si geo.. " blue wala namang masama kung tulungan niya ko di ba..?"ilang sandali naman akong hindi nakapagsalita.. pinilit ko lang ngumiti dito saka tumango.
" blue uwi muna kami magbibihis lang ako.." saad ni aldred ska inabot sakin yung gitara..
" wow bumili kayo ng gitara.. Marunong ka blue..?" ngiti ni irene umiling naman ako..
" uhm wait.. I'm geo.." alok ni geo sa kamay niya.. Napalingon lang kami ni aldred dito.. " what..? Masama ba magpakilala.?" kunot ang noong tanong ni geo.
" blue sige pasok na ko." simangot ni irene saka tumalikod. At naglakad papasok ng bahay.
" blue sino sya.?" nakangiting tanong pa ni geo. Sinimangutan ko naman sya.
" tara na geo uwi na tayo.. Mukhang ewan ka nanaman.?" hila dito ni aldred.
" wait kuya.. Kilala mo sya.. Ang ganda grabe..?"
" sige na blue uwi na kami. Bibihis lang ako.." ngiti sakin ni aldred tumango naman ako...
SI CHRIS
Nagaayos na ko ng gabing yun para matulog ng magring yung cellphone ko.. Si irene.. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka sinagot yung tawag..parang hindi ko kaya yung plano ni irene.. haixt
" chris.. Di ba sabi ko magkita tayo kanina..?" rinig ko lang yunng gigil sa boses nito.
" I'm sorry irene masakit ulo ko.. Sinabi ko naman sayo di ba..?"
" chris ano bang drama to.. Kala ko ba nagkakaintindihan na tayo..pinaliwanag ko nanaman sayo yung plano natin di ba.. Sumusuko ka na ba..?"
" irene kapatid mo si blue.. ? Bakit ginagawa mo to..?"
" so may kunsensya ka pa pala.?"
' mahal ko si blue. Masakit sakin na umiiyak sya..?"
' masakit.. ?? Ilang beses mo na nga uli sya pinaiyak..? Chris after nito makukuha mo na si blue.. Bakit nagdadalawang isip ka..?"
" irene.. Drugs yung gusto mong ipainom ko sa kanya.. Nababliw ka na ba..?"
" kung ayaw mong ikaw ang magpainom edi ako..? Kailangan lang mahuli kayo ni aldred para siguradong tapos na sila.."
" irene hindi ko kaya.."
" sigurado ka ba chris...? Kasi kung ayaw mo talaga maghahanap ako ng iba para gumawa nito.."
" irene baliw ka na..!"
' matagal na chris.. Kaya kung ayaw mo marami akong kakilala.. Yung mas gwapo sayo.. Im sure pag wala na sa tamang katinuan yung tanga kong kapatid mageenjoy sya.."
" irene wala ka bang kunsensya.. Tanggap ko na hindi na talaga kami pwede.. Hayaan mo na sila..?."
" fine chris kung ayaw mo.. Madali akong kausap..? Hayaan na sila.. ?? Mas kabaliwan yang sinasabi mo..!"
" irene please don't do this.."
" tatanungin uli kita chris.. Itutuloy mo ba yung plano natin o maghahanap nalang ako ng iba..?"
" irene please..?"
" fine.. Kung ayaw mo di wag..?"
" irene.. Tama na.. Ok na ko.. Hindi ko na ipipilit yung sarili ko kay blue.."
" bullshit chris.. Kung ayaw mo edi wag.. Goodbye..!!"
" wait irene.."
" what..!?" humugot naman ako ng malalim na hininga..baka kung sino pa kahain ng demonyong to.. Haixt bahala na..
" ok irene.. Gagawin ko..." rinig ko naman yung mahina niyang pagtawa.. Patawarin mo ko blue.. I'm really really sorry..
" gagawin mo rin pala ang dami mo pang arte."
" irene.. Yung papainom mo sa kanya san talaga galing yunn..? Gumagamit ka ba nun..?"
" may mga kakilala ako.. Pwede ba wag ka ng magtanong.. Ok ganito.. After ng play namin sa Saturday.. Gagawin natin yung plano.. Congratz chris.. Sa Sunday sayo na si blue.. Sayong sayo na sya.."
SI BLUE.
Friday ng umaga ng makasabay ko si chris sa gate ng school.. Nagmadali lang to sa paglalakad ng mapansin na ako yung kasabay niya.. Napabuntong hininga naman ako saka tinuloy yung paglalakad.. "Sorry chris".. Bulong ko lang.. Pagdating ko sa room Pinilit ko na wag mapalingon sa upuan niya.. Para hindi na makita yung lungkot sa mga mata nito..
" chris it's. Your turn." saad ng teacher namin sa music subject napalingon naman ako kay chris.. Nakatungo lang sya habang naglalakad papunta sa unahan habang hawak yung gitara niya.
" goodmorning classmate.." pilit na ngiti ni chris.. Napatungo naman ako ng mapadako yung tingin niya sa dereksyon ng upuan ko. " first of all.. Dinededecate ko tong kantang to sa taong.. Mahal ko.." rinig ko lang yung bulung bulungan sa paligid ko., pag tingin ko ay chris..nakangiti lang sya.. "dinededecate ko tong kantang to sa taong nagparamdam sakin kung ano ba yung pakiramdam ng nagmamahal.. Nagturo sakin na kung mahal mo.. Ipaglaban mo.. ang true love daw ay dumadating ng hindi mo inaasahan.. Minsan dun pa sa taong hindi ka kayang mahalin.. Kahit magmukha ka ng tanga.. Ok lang sayo.. Kahit sobrang sakit na.. Titiisin mo.. I know at tanggap ko na kahit kailan hindi masusuklian yung love ko para sa kanya.. Masakit pero.. Sabi nga nila.. Be like a soldier, know when to fight, know when to surrender...motto ko dati. If theres a will theres a way.. Pero. Ginawa ko na lahat eh.. Wala pa din..Mahal kita pero I'm letting you go.. " kita ko lang yung tumulong luha sa mata ni chris habang tumitipa sa gitarang hawak niya.
Measuring days in the spaces between our goodbyes
Learning to wait through the endless parade
Of our same old see-you-next-time's
But when I close my eyes the miles melt away
Like you're here in my arms at the end of the day
So bring me the night, send out the stars
'Cause when I'm dreaming we don't seem so far
Darken the sky and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
Bring me the night
That brings me to you
You
Swear I don't know if the days are as slow as they seem
Wondering when you'll be with me again and this
Finally can be more than just a dream
But when I close my eyes I want only to stay
Where the farthest you are is a heartbeat away
And it's enough knowing you...
are calling to me
While you're dreaming beneath the same moon
All it takes is imagining you
So that I can get through
One more long and lonely day
Learning to wait through the endless parade
Of our same old see-you-next-time's
But when I close my eyes the miles melt away
Like you're here in my arms at the end of the day
So bring me the night, send out the stars
'Cause when I'm dreaming we don't seem so far
Darken the sky and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
Bring me the night
That brings me to you
You
Swear I don't know if the days are as slow as they seem
Wondering when you'll be with me again and this
Finally can be more than just a dream
But when I close my eyes I want only to stay
Where the farthest you are is a heartbeat away
And it's enough knowing you...
are calling to me
While you're dreaming beneath the same moon
All it takes is imagining you
So that I can get through
One more long and lonely day
Nang tingnan ko si chris nakatungo lang sya pero kita dito yung pagtulo ng luha niya.. Ng iangat niya yung ulo niya at tumitig sakin hindi ko alam kung iiwas ba ko ng tingin.. Kita lang sa mata niya yung lungkot.. Sa bawat luhang pumapatak sa mata niya.. "Im really sorry.." bulong ko lang saka tumungo..
So bring me the night, tell me it's near
Give me the chance to pretend that you're here
Darken the sky and light up the moon
Please bring it soon, bring it soon
So bring me the night, send out the stars
'Cause when I'm dreaming we don't seem so far
Darken the sky and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
Bring me the night,
Bring me the night,
Bring me the night,
Bring me the night
That brings me to you
So bring me the night, tell me it's near
Give me the chance to pretend that you're here
Darken the sky and light up the moon
Please bring it soon, bring it soon
So bring me the night, send out the stars
'Cause when I'm dreaming we don't seem so far
Darken the sky and light up the moon
So that somehow you'll be here with me soon
Bring me the night,
Bring me the night,
Bring me the night,
Bring me the night
That brings me to you
Hanggang matapos syang kumanta.. Halos wala kang maririnig na kahit anong ingay sa loob ng kwartong yun.. Lahat nakatingin lang kay chris.. " Ma'am tapos na po.." ngiti ni chris..
" oh.. Heartbreaking song from mr christian castillo.. Give him a round of aplause.." saad ng teacher namin.. Nagpalakpakan naman lahat ng classmate namin.. Paglingon sakin ni chris ngumiti lang sya sakin saka tumango..
inulit lang pov ni blue sa last chapter. konti lang nadagdag. Panira ka parin irene. wala kang atay! May konsensya din naman pala si chris.
ReplyDelete0309
Ayan na nmn author ahh. Gagawin mo n nmn kumplikado, may drugs pa ngaun. Wag ganun. Bad yun. ^_^ sana di mag-succeed ang plano nila irene. So
ReplyDeletemr. Author may crush ka ba kay chris?? Hehehe. Pilit mo kc ginagawan ng way pra magustuhan xa ng readers. :P at kay irene, sobra nmn kung mdrugs nia si blue. Wag nmn ganun.. ^_^
ReplyDeleteWLANG BASAGAN ng TRIP guys BUTI NGA NAG A-UUdate c author eh kaya ......... BE thankful nlng po ska ANG GANDA NGA NG sequence ng event eh kaya THUMB UP ! sayo author =D
ReplyDeleteGUY'S BE THANKFUL nlng po bute nga nag a-update c author eh .....ang ganda nga ng sequence ng events eh kaya THUMBS UP po..... tnx po s update =)
ReplyDeleteYung Story na to ang nagpapa kilig sakin. :) Ano ba pa ang pwede ko basahin na parang ganito din ung story? wala na ako mahanap na almost same dito eh.
ReplyDeletehaaay! ang sweet Talaga ni Aldred 5ever and 5ever
-Klen
Thank you Author! :]
I'm not a big fun of this blog to be honest, but this story keep me from checking and visiting the site.
ReplyDeleteAmazing story, brings back the "Love Story" that I had back in Highschool days.
Keep on writing!
Congrats on the story.
Ciao!
-Thadeus