SI BLUE
Ilang sandali kaming nakatingin lang ni chris sa kisame ng kwarto niya.. parang hindi ko maramdan yung sarili ko ng mga oras na yun.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Pano kami ni aldred. Ano ng mangyayare.. Bakit ko ba nagawa sa kanya to...mahal ko sya pero niloko ko sya.. Ako pa rin si blue na minahal ni aldred.. O ako na yunng bagong blue na sinungaling at manloloko.. Ako pa rin ba to..isang buntong hininga ang pinakawalan ko.. Pinilit ko ngumiti saka umupo sa kama.. Naramdaman ko naman na hinawakan ni chris yung kamay ko pero agad ko tong hinugot saka tumayo.. Nagsimula lang akong magbihis.. Hindi ko sinuot yung polo ko hinayaan ko nalang to sa sahig.. Mukha namang hindi ko na yun masusuot..tumayo lang ako saka kinuha yung bag ko.
" blue I'm sorry.. I'm really sorry.."
" chris ito na yung mga gamit mo.. Kumpleto yan.. Yung slipers mo.. Short tshirt pati na rin yung underwear.. Don't worry sinugurado kong malinis lahat yan.. Specially the underwear.." saad ko lang saka nilabas yung mga gamit sa bag ko.
" blue Sana mapatawad mo ko..." nakatungong saad ni chris.. Pinilit ko naman ngumiti.
" hindi nalang ikaw yung may kasalanan ngayon.. Kasalanan ko na rin.." nakatungong saad ko habang inaayos yung mga gamit sa bag ko. "May option ako na hindi magpadala sayo pero hindi ko ginawa,, pumayag pa rin ako na may mangyare uli satin... Chris.. Maling mali to.. Sobrang mali At hindi ko alam sa ngayon kung pano itatama lahat ng to.." saad ko.. Tumayo lang ako saka umupo sa kama.
" blue I love you.." lumingon lang ako sa kanya saka binigyan sya ng pilit na ngiti.. " alam mo ang selfish mo.. Mahal mo ko pero anong ginagawa mo sakin..nilagay mo ko sa sitwasyon na hindi ko alam kung pano lulusutan.. Sana pinatay mo nalang ako.. Yung panlolokong to.. Alam mo walang kapatawaran to.."
" blue gusto lang naman kitang makasama eh.."
" araw araw naman tayong magkasama di ba.. Mula umaga hanggang hapon.. Halos tayong dalawa lang yung laging magkasama.. Chris hindi pa ba sapat yun..?."
" what i mean kasi.. Yung ganito.. Yung pwede kitang hawakan.. Pwede kitang yakapin.. Yung pwede kitang halikan.. Yung hindi ko kailangan magpretend na hindi kita gusto.. Yung pwede kong sabihin sayo na nasasaktan ako.. Na humihiling ako na sana akin na lang.."
" chris.. Bakit ganito.. Bakit parang nakikita ko na yung pagkasira ng relasyon namin ni aldred.. Bakit parang nararamdaman ko na yung sakit na mararamdaman niya sa oras na malaman niya to.. Ngayon palang nadudurog na yung puso ko.. Isipin ko palang yung mga luhang tutulo sa mata niya.. Parang unti unti na kong nanghihina Sigurado ako iiwan niya ko.."
" kapag iniwan ka naman niya andito naman ako eh.."
" anjan ka nga pero hindi naman ikaw yung mahal ko..? Chris hindi ikaw yung nandito sa puso ko eh.." saad ko lang umiwas naman sya ng tingin. " chris Si aldred.. Mahal ko sya.. Pero itong ginawa natin.. Parang wala na kong karapatan sabihin yung mga salitang yun sa kanya.. Kasi kung totoong mahal ko sya.. Hindi ko hahayaang mangyare to.. Hindi ko sya lolokohin. At lalong hindi ako magsisinungaling sa kanya.."
" alam mo sabi ni mommy sakin.. Ang love daw is a learning process.. Yun yung pinanghahawakan ko.. Na matutunan mo rin ako mahalin,. panget man pakinggan.. Pero aantayin kong iwan ka ni aldred.. And i think sapat na tong reason para gawin niya yun.. Sapat na tong panloloko mo sa kanya.."
" napakasama mo chris.."
" ganun naman ata.. Kapag nagmamahal ka.. Hindi mo na alam kung ano yung tama at mali.. Yung tipong ang gusto mo lang ay yung makasama yung mahal mo.. Wala ka ng pakialam kung makasakit ka.. Kahit may matapakan ka.. Nawawalan ka ng pakialam.."
" napakaselfish mo magmahal.."
" selfis na kung selfish.. Mahal kita eh.. At yun lang ang nasa isip ko.. Ang gusto ko lang maging tayo.. At makasama ka,"
" chris.. Sasabihin ko kay aldred yung tungkol dito.."
" sasabihin mo.?"
" oo.. Tingin mo ba makakaya ko syang harapin na puro kasinungalingan yung sasabihin ko.. Para na rin hindi mo na ko matakot sa bwiset na picture na yan.."
" eh kahit wala yun picture . I think papayag ka parin.."
" hindi noh.. Chris napakasama mo pa nga.."
" blue wag na tayong maglokohan.. Oo sige.. Mahal mo si aldred.. Pero i know.. Ginusto mo rin to.."
" chris..?"
" sabi mo nga kanina may option ka naman pero hindi mo ginawa.. Hirap ko tanggihan noh..?" ngiti ni chris.. Umiwas naman ako tingin... Bakit nga ba hindi ako consistent sa pagtanggi sa kanya. Haixt.. " well may silbi pala yung pagiging gwapo at yung katawan ko pa..kasi dahil dito.. Katabi kita ngayon.,."
" oo na chris.." simangot ko lang.
" matagal mo na siguro akong pinagpapantasyahan noh.?"
" ang kapal.. Mas gwapo kaya sayo si aldred.."
" weehh.."
" ok fine mas gwapo ka pero sya naman ang mahal ko.. Boooommmm basag ka noh.." sarkastiko koong ngiti sa kanya.
" yabang..atleast mas gwapo ako..eh sino mas magaling samin sa kama..?"
" fuck you ka.., magbihis ka na.. Turuan mo na ko maggitara."
" sagutin mo muna ako.."
" edi si aldred.. Kasi yung samin.. May halong PAGMAMAHAL.." ngiti ko sa kanya diniinan ko lang yung huling salitang sinabi ko.. Sumimangot naman sya.
" ewan sayo.. Pero sasabihin mo talaga kay aldred yung satin..?"
" oo.. Sasabihin ko.. Kaya ito na yung huling beses na may mangyayare satin kasi hindi mo na ko matatakot.."
" ows... Im sure.. Tatatwagan mo ko habang umiiyak ka.,, .si aldred iniwan na ako..huhuhuhuh.." asar pa sakin ni chris.
" pag ginawa ni aldred yun.. Hindi ikaw ang tatawagan ko.."
" eh sino naman..?"
" wala.. Eh bakit kailangan ba may tatawagan pa.. Hindi ba pwedeng umiyak mag-isa.?"
" eh wala ka naman palang tatawagan eh.. Edi ako nalang sasamahan pa kita umiyak.. Plus may pagpapaligaya pang kasama yun.." ngiti ni chris..
" no thankss.. " ngiti ko sa kanya saka tumayo.. " aantayin nalang kita sa baba.. Turuan mo na ko mag gitara anong oras na oh.."
" hindi ka na maguuniform.?"
" hello.. Tingin mo ba masusuot ko pa yan.. Eh halos wala ng mga botones.. Iwan ko nalang sabihin ko natapunan ng kung ano.. Kaya tinapon ko na.."
" magsisinungaling ka uli..?" natigilan naman ako. " blue nasasanay ka na magsinungaling huh.. " sinimnagutan ko naman sya.
" Saka baka maamoy ka pa ni aldred.. Baba na ko.."
" mabango naman ako ah..?"
" may sinabi ba kong mabaho ka...? Magbihis ka na nga.."
" blue sorry talaga huh.. Mahal lang naman kita kaya ko ginawa to.."
" may magagwa pa ba ko nangyare na eh.. Nagmakaawa na ko sayo't lahat.. Walang epekto.. "
" kiss mo naman ako..?"
" chris magbihis ka na nga tuturuan mo pa ko eh.. kahit dun man lang makabawi ka sa ginawa mo sakin.."
: pakiss lang.. Baka kasi ito na yung last eh.. Baka hindi na uli kita mahalikan.. Kahit sa huling pagkakataon.. Maramdaman ko lang yung labi ng nag-iisang taong naging dahilan ng pagiging desperado ko.."
" tama na nga chris.." simangot ko sa kanya tumayo naman sya sa kama saka lumapit sakin.. Napaatras naman ako.. " chris naman eh. Pinagbigyan na kita kanina ah. Tama na naman oh.."
" one last kiss.." ngiti ni chris saka mapusok akong hinalikan sa labi.. Wala naman ako nagawa kundi sagutin yung halik na yun.. Ilang sandali pa kaming nasa ganun pwesto ng unti unti ko syang tinulak.."
" chris.. Ang sama sama ko.. Haixt layuan mo na nga ako.."
" why..?"
" haixtt si aldred.. Napakalaki na ng kasalanan ko.." saad ko pero muli lang dinampian na chris ng halik yung labi ko saka ako niyakap.
" blue tandaan mo huh.. Kung sakaling iwan ka niya.. Do the jump.. And I'll catch you.. I will never leave you.. Not ever.."
" baba na ko.." saad ko humiwalay naman sya sakin tumalikod lang ako saka lumabas ng pinto.. Pagbaba ko naabutan ko lang yung mommy niya na nasa sala..
" blue.."
" hello again tita.." maikling saad ko.
" si chris..?"
" magbibihis pa po.." saad ko lang saka umupo sa sofa.. Kita ko naman yung pagtitig sakin ng mommy niya. Kinuha ko lang yung cellphone ko saka tinext ykay aldred yung address nila chris.." tita I know alam niyo po yung nangyayare.."
" iho. Mahal ka lang talaga ni chris.." napabuntong hininga naman ako saka pilit na ngumiti.
" hindi ko po sya mahal.."
" may mali ba sa kanya.. Para hindi mo makita na pwede pala syang mahalin.. Hindi lang bilang kaibigan.."
" wala pong mali kay chris.. Nagkataon lang po na may nauna na sa puso ko.."
" pero yung nangyayare sa inyo ni chris.. Para mo na ring sinabi na hindi mo talaga mahal yung taong sabi mong nauna jan sa puso mo.. Niloko mo sya.. Nasa matino kang pagiisip ngayon.. Pero still may nangyare pa rin sa inyo ni chris.. Hindi mo na madadahilan ngayon na lasing ka.."
" i know tita.. I know.." umiwas lang ako ng tingin dahil feeling ko may luha ng babagsak sa mata ko..
" I know iho kahit konti may nararamdaman ka kay chris.. Hindi nga lang siguro ganun katindi.. Pero i know meron.."
" meron nga po.. Kasi mahal ko sya.. Bilang kaibigan.." napalingon lang kami sa hagdan nakita lang namin si chris na may hawak na dalawang guitara..
" Iho subukan mo.. Mabait si chris.. Hindi sya mahirap mahalin.." ngiti sakin ng mommy ni chris..
" ano pinaguusapan niyo mom.?" tanong nito paglapit kinuha ko naman yung isang gitara na hawak niya..
" ah wala naman.. Anong gagawin niyo..?"
" tuturuan ko sya mag gitara eh.."
" ah ok.. Dito ba sala.?"
" hindi mom.. Dun nalang kami malapit sa pool.. Para may fresh air.." ngiti ni chris.
" dinner na muna kayo..?" tumingin naman ako kay chris saka umuling.." wag na mom.. Magsasabi nalang kami pag gutom na kami."
" ok sige.." ngiti ng mommy ni chris tinanguan ko naman to...
" tara na blue.." yaya niya sakin.. Tumuloy lang kami malapit sa pool.. Ang sarap lang ng hangin dito... Haixt huminga lang ako ng malalim.. Bahala na..
" ang ganda talaga ng pool niyo..?"
" hindi naman sakto lang.."
" para ngang naihi ako jan nung naligo tayo..?" saad ko saka umupo sa bench.. Kita ko naman yung pagtitig sakin ni chris..
" seryoso ka blue..?"
" uhm hindi ko sure eh.. Pero parang..?" ngiti ko sa kanya.
" nakakadire ka pa nga.. May cr naman bakit jan ka umihi.? Kaya pala hindi ka na lumusong nung nagiinom tayo.. Ang sama mo.."
" masama ako..? Eh ano pang tawag sayo.. Turuan mo na nga ako.. Hanggang 8:30 lang ako dito remember.."
SI CHRIS
Mahigit isang oras na nun ng simulan kong turuan si blue.. Natawa lang ako ng makita yung kawalan ng pag-asa sa mukha niya..
" sige chris pagtawanan mo ko..."
" eh kasi parang hopeless na hopeless ka na eh.."
"sa Friday na kasi yung presentation eh.. Tapos hindi pa ko marunong.. Chris kaya ko ba talaga matutunan to.?"
" yung mga daliri mo kasi ang titigas eh.. Tapos first time mo pa humawak ng guitara. Mahirap talaga sa una.. Pero i think naman kakayanin mo eh.."
" kainis kala ko madali lang.."
" alam mo sa youtube may mga tutorial dun.. Dalhin mo na yang isang guitara ko para matuto ka kahit nasa bahay ka lang.."
" ok sige.. Salamat huh.."
" wala yun.."
" sabagay.. Walang wala to sa atraso mo sakin.."
"anong atraso ko sayo..?"
" kunware ka pa.. Pinipilit ko na ngang maging ok eh... Pero hindi parin.. Tuwing nakikita kita.. Naalala ko si aldred.." napabuntong hininga naman sya. " mamaya sasabihin ko na kay aldred lahat ng nangyare satin.. Para tapos na to.."
" blue galit ka ba sakin.?"
" yeah sobra.. pero mas galit ako sa sarili ko.. Alam mo isang beses nanunuod kami ni aldred sa langit.. Then may nakita kaming falling star.." kita ko lang yung lungkot sa mga mata ni blue habang nakatingala sa langit.. " alam mo ba kung ano yung wish niya..?"
" ano.?"
" winish niya nun na sana wag ko syang lokohin.. Nakakatawa kasi hindi sinasadyang masabi niya yung wish niyang yun sakin.. Nagalit pa nga sya kasi daw baka hindi matupad."
" hindi nga natupad.. Kasi niloko mo sya.."
" i know.. Kinain ko lahat ng sinabi ko nun.. Na hindi mangyayare yun.. Na hindi ako capable para gawin yun sa kanya.. Pero nagawa ko."
" sure ka na bang sasabihin mo na sa kanya.?"
" yeah.. Bahala na.. Ang alam ko lang ayoko na syang lokohin. Kung iwan niya ko dahil dito.. Tatangpin ko.. Deserve ko naman yun eh.. Sana nga sampalin or suntukin niyako.. Para maramdaman ko yung katangahang ginawa ko.. Para kahit paano mabawasan ko yung sakit na mararamdaman ni aldred sakin.."
" blue ako lang yung may kasalanan.. Wag mo na sisihin sarili mo.."
" chris.. Parehas tayong may kasalanan.. Ang kasalanan mo lang naman ay yung minahal mo ko.. Yung akin kasi.. May mahal na ko pero niloko ko sya.." napabuntong hininga naman ako..ilang sandali pa ng mapalingon kami sa tawag ni mommy.
" wait blue huh.." saad ko saka tumayo.. malayo na ko kay blue ng lingunin ko sya nakatingala lang sya sa langit kitang kita yung lungkot sa mga mata niya.. Sorry talaga blue.. Paglapit ko kay mommy inabot lang sakin nito yung cellphone ni blue..
" si aldred.." saad ni mommy ilang sandali naman akong natigilan saka humugot ng malalim na buntong hininga.saka sinagot yung tawag.. " hello.."
" oh chris si blue..?"
" ah naiwan niya kasi yung phone niya sa sala.. Sa likod ko kasi sya tinuturuan.."
" ah ok.. Pakisabi Malapit na ko.."
" ok sige antayin ka nalang namin dito.."
" ok sige.." saad ko lang saka pinindot yung end botton ng phone ni blue at inabot kay mommy..
" pupunta dito yung boyfriend niya..?"
" yes mom.. Pupunta sya.. Susunduin niya si blue.."
" ok sabihin ko sa guwardia papasukin sya.."
" mom... " nakatungong saad ko.
" anong plano mo chris..? Baka kung anong gawin sayo nung boyfriend niya tama na anak...."
" mom bahala na.. Kung sapakin niya ko..deserve ko yun pero stanby niyo yung guard mom huh baka kasi masobrahan masira yung mukha ko.. " pinilit ko naman ngumiti.
" chris ano bang plano mo.."
" I know kasi mahihirapan si blue sa pagsasabi kay aldred about sa namamagitan samin.. Papadaliin ko lang para sa kanya.."
" kinakabahan ako sayo chris.."
" ok lang ako mom.."
" chris anak.." saad ni mommy pero ngumiti lang ako saka tumalikod.. Bahala na.. Pagbalik ko kay blue nakita ko lang na pinipilit niya tumipa sa guitara na hawak niya.
" nasa tono ka na ah.." biro ko sa kanya.
" baliw. Mukha hindi ko naman matutunan to eh.. Ang hirap hirap.."
" acoustic lang naman yan eh.. Mas mahirap kapag yung electric guitar.."
" kung hindi naman kailangan hindi talaga ko magaaral matuto nito. Ang hirap hirap eh."
" sus ikaw alam mo naman na lahat ng umpisa mahirap.. Pero darating yung time na masasabi mo nalang na madali lang pala.."
" siguro nga.. Tama ka.. Kailangan lang patience.." pilit na ngiti niya sakin..
" blue friends parin ba tayo.?"
" hindi ko alam.."
" bakit hindi mo alam?"
" uhm I don't know.. Siguro friends parin pero hindi na katulad ng dati.. Kung papatawarin ako ni aldred tapos hiniling niyang layuan kita.. Gagawin ko.."
" eh pano kung hindi ka niya patawarin.?"
" pwede parin siguro tayo maging magkaibigan. Pero yung higit pa dun.. Hindi.."
" hindi ka na maakit sakin.?."
" hindi na.. Saka hindi na ko babalik dito sa bahay niyo noh.. Kaya imposible pa na maakit mo ko.. Saka please wag mo na subukan huh.."
" paano kung gusto ko..?"
" iiwasan na kita.."
" ganun..?" sa gilid ng mata ko nakita ko na si aldred na kausap ni mommy... Humugot lang ako ng malalim na hininga.. " blue pwede magrequest..?"
" ano naman yun..?"
" can you kiss me.."
" baliw ka talaga.. Ayoko nga..?"
" blue please.. Last na to.. Last kiss mo sakin.. Hindi na kita guguluhin.. Basta gusto ko lang ikaw yung humalik sakin.. Yung maramdaman ko na kahit isang beses... Na gusto mo ko.. Please.. Kahit kunwari lang.. Kahit ngayon lang na ikaw mismo yung hahalik sakin.."
" ayoko chris.."
" blue please..."
" saka dito..?"
" yeah please blue.. Promise ito na yung last.. Yun lang yung last request ko sayo.." saad ko sa kanya.. Mula sa malayo kita ko na nakatingin lang samin si aldred kasama si mommy.. " blue please.." pagmamakaawa ko ilang sandali naman syang natigilan saka bumuntong hininga..
" close your eyes." pilit na ngiti niya sakin pinikit ko naman yung mata ko.. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung malambot na labi ni blue na lumapat sa mga labi ko..this is it.
SI ALDRED
"UHm kayo po yung mommy ni chris.?" ngiti ko pagpasok sa malaking bahay na yun.. Hinatid lang ako ng guardia mula sa gate.. Nagtaka lang ako ng pumasok rin to.
" yeah.. Ikaw si aldred right.. Boyfriend ni blue..?" natigilan naman ako sa sinabi nito.. " don't worry iho alam ko.."
" sinabi po sa inyo ni blue..?"
" parang ganun na nga.." ngiti ng mommy ni chris.
" tara na andun sila sa likod..." sumunod naman ako dito hanggang makarating kami sa likod tanaw na tanaw ko naman si chris at blue habang naguusap.. Aktong lalapit na ko ng hawakan ng mommy ni chris yung braso ko.. " wait kasi sabii ni chris matatapos na sila antayin nalang natin dito.."
" ganun po ba.. Kumain na po sila ng dinner..?"
" hindi pa eh.. Mukha seryoso si blue matuto ng guitara.. Gaano na kayo katagal.. I mean yung relasyon niyo ni blue.?"
" matagal na rin po.. Almost 4 months na po.."
" wow matagal na huh.. Mahal mo ba talaga sya.. ? I know gwapo si blue.. Mayaman.. Mayaman ka rin naman sabi ni chris.. So I think its not about the money right.?"
" kahit kailan naman po hindi naging issue samin ni blue yung pera.. Mahal ko po sya.. Actually po hindi lang po mahal.. Mahal na mahal.." ngiti ko habang nakatingin sa dereksyon ng dalawa..
" mahal ka ba niya..?"
" si blue po..?"
" yeah.. Sigurado ka bang mahal ka niya talaga..?"
" oo naman po.. Hindi naman kami magtatagal kung hindi namin mahal yung isat isa.. Sigurado po ako dun.."
" pano kung hindi pa pala..?"
" ano pong ibig niyong sabihin..?" kunot ang noong tanong ko.. Nagtaka lang ako mula sa malayo nakita ko si chris na nakapikit habang nakatitig lang dito si blue.. " wait po.." saad ko saka nagsimulang maglakad.. Napahinto lang ako sa paglalakad ng makita na nilapit ni blue yung mukha niya sa mukha ni chris saka masuyong humalik.. Kita ko naman yung pagsagot ni chris sa halik na yun.. Nagsimula naman dumaloy yung luha ko..parang biglang tumigil yung oras.. Parang hindi ako makahinga ng mga oras na yun habang pinagmamasdan yung paghalik ni blue kay chris.." blue.!!!!" nagpupuyos ang damdamin na sigaw ko.. Kita ko lang na natigilan sya saka dahan dahang lumingon sa kinatatayuan ko.
SI BLUE
"CLose your eyes.." saad ko kay chris.. Ilang sandali akong nakatitig sa kanya.. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nilapit yung mukha ko sa mukha niya saka sya masuyong hinalikan.. Naramdaman ko naman na sinagot yung halik na yun..
" BLue!" natigilan lang ako ng marinig yung sigaw na yun.. Boses ni aldred yun.. Dahan dahan akong lumingon saka nakita yung galit sa mukha nito..agad lang akong tumayo saka lumapit dito.
" aldred wait let me explain..?" saad ko pero hinawi niya ko saka tumuloy kay chris.. Agad niya lang tong bninigyan ng malakas na suntok natumba naman si chris. " aldred wait tama na.." saad ko saka sya hinawakan sa braso.. Pero tiiningnan niya lang yung kamay ko.
" bitiwan mo ko.."
" aldred please tama na.. Tara na.."
" sabing bitawan mo ko eh..!!!" sigaw ni aldred sakin. Nagsimula naman pumatak yung luha ko ska dahandahan tinanggal yung kamay ko sa braso niya.. "blue I trusted you.." gigil na saad niya.
" aldred pakinggan mo naman ako oh.."
" you kissed him! Nakita ko ikaw ang humalik.. Manloloko ka..!" sigaw pa niya.. Saka ako tinalikuran.. " chris ahas ka.. Di ba may girlfriend ka na!"
" girlfriend..? Nagsinungaling sya sayo.. Baka yung girlfriend na sinasabi niya ay sya.."
" chris..!" sigaw ko lang.
" totoo naman bue di ba.. Aldred bakit hindi ka nalang magpasalamat..?"
" for what..?"
" kasi kiss lang yung nakita mo.. Kasi alam mo sa kwarto ko.. Higit pa dun yung ginagawa namin... Higit pa dun.. And i think mas better ako sayo pag dating sa kama.. Hindi naman magahhanap si blue ng iba kung kuntento sya sayo eh.. Tama ba ko.." sarkastikong ngiti ni chris..
" chris shut up please.." saad ko lang. " chris shut up..!"
" bakit ayaw mong malaman ko..? Blue kailan pa to.. Kailan mo pa ko niloloko.. Blue i trusted you.. Sabi mo mahal mo ko.. Pero ano to..!"
" aldred mahal kita... Please makinig ka muna sakin.."
" shut up..! Mahal? Hindi eh..kung mahal mo ko hindi ka papatol sa desperadong yan..!"
" desperado.. ? Aldred sya ang unang humalik sakin hindi ako.. Sya ang nagbigay ng motibo.."
" chris tama na.. Please..?'
" matagal na ba to huh.. Blue bakit mo nagawa sakin to.. Blue sabihin bakit mo nagawa to..!!!""
" aldred hindi ko sinasadya.."
" matagal na aldred.. Matagal ng may namamagitan samin.." saad ni chris. Kita ko lang yung pagtingala ni aldred para hindi tumulo yung luha niya.
" matagal na..? Hayop ka!" sigaw ni aldred dito saka muling sinugod at sinuntok.
" oo matagal na!" sigaw din ni chris saka gumanti sa suntok ni aldred dito.. Dun naman lumapit yung gwardia saka yung mommy ni chris para awatin yung dalawa..
" bitawan niyo ko.." narinig ko pang sigaw ni aldred.. Nanatili lang akong nakatayo.. Parang hindi ko ramdam yungkatawan ko.. Halos walang tigil yung pagtulo ng luha sa mata ko ng mga oras na yun hanggang lumapit sakin si aldred..
" aldred..I"m sorry."
" let's go.." saad nito ska hinila yung kamay ko.. Nakakailang hakbang na kami ng muling sumigaw si chris.
" wait!" lumingon lang kami dito.
" blue Wag mo kalimutan yung sinabi ko sayo... Mahal na mahal kita.. Ako naman yung pipiliin mo di ba.?"
" chris tama na.. Tama na naman oh.. Chris parang awa mo na.."
" in your dreams.." saad ni aldred saka hinila yung kamay ko.. Pabalik sa bahay.. " asan yung mga gamit mo..?" saad ni aldred kinuha ko naman yung bag ko saka yung cellphone ko.. "wheres your uniform..?"
" uhm aldred natapunan k-"
" liar.!!. Bakit hindi ba agad nahubad..?" sarkastikong ngiti ni aldred. Napatungo naman ako halos madurog naman yung kamay ko ng muli niyang hawakan at hilahin.. " suotin mo..!" bato pa niya sakin ng helmet..
" aldred makinig ka naman muna sakin.." tumitig lang sakin si aldred saka gigil na sumuntok sa pader ng garahe nila chris.. Kita ko naman yung pag agos ng dugo sa kamay niya.
" blue hindi mo alam kung gano kasakit dito..!" sigaw ni aldred habang nakaturo sa dibdib niya.. " parang gusto kong mamatay.. Mas ok pa nga yun eh sana pinatay mo nalang ako..! Sana pinatay mo nalang ako....!!" sigaw niya saka muling sumuntok sa pader nila chris pinilit ko naman hawakan yung kamay niya.. Lumingon lang si aldred ng makita si chris na muling lalapit..
" chris aalis na kami.."
" lumayo kang hayop ka.. Dudurugin ko yang mukha mo..!" sigaw ni aldred dito.
" blue ok ka lang ba.." saad pa ni chris pinpilit naman syang hilahin ng mommy niya papasok sa bahay nila. " mom wait baka si blue saktan ni aldred.."
" kung ayaw niyo pong patayin ko yang anak niyo ilayo niyo sya skain.." gigil na saad ni aldred.
" aldred tama na.." tumitig lang sya saka ako nilapamsan at sumakay sa motor niya.
" sakay na.. "
" aldred please..?"
" sumakay ka na!!!" halos manginig lang yung katawan ko sa sigaw na yun ni aldred.. Parang wala naman akong sa sariling sumakay sa likod niya.. Ramdam ko lang yung gigil niya sa manibela.. Mayat maya lang syang nagpupunas ng mukha.. Alam ko tulloy lang sa pagtulo yung mga luha sa mata niya.. Kita ko rin yung patuloy na pagdugo ng kamao niyang nakahawak sa manibela..
" aldred I'm sorry..?"
" kumapit ka..!" nanatili nalang akong tahimik hanggang makaratinng kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba lang ako pero nanatiling nakasakay si aldred..
" blue hindi pa ba ko sapat..? Sagutin mo ko.. Hindi pa ba ko naging sapat sayo..!?"
" aldred.."
" blue bakit.. Bakit.. ?! Shittttt!!"
" aldred hindi ko sinasadya.. Aldred sana mapatawad mo ko... Mahal na mahal kita."
" mahal.. Ilang beses.. Ilang beses niyo ko pinagmukhang tanga...?"
" aldred dalawang beses lang nangyare yun.. Dalawang beses lang may nangyare smain.. Maniwala ka sakin.. Remember nu--"
" sinungaling..! Napakasinungaling mo blue.. Napakasinungaling mo...!!!"
" maniwala ka naman sakin oh.. Aldred.. Please paniwalaan mo ko.."
" maniwala..? Pagkatapos mong magsinungaling pagkatapos mo kong pagmukaing tanga... Blue mahal kita.. At ang sakit kasi nagawa mong lokohin at magsinungaling sakin.. Ano bang problema sakin huh..?"
" aldred mahal na mahal kita.."
" blue sana pinatay mo nalang ako.. Kasi yung sakit na dulot nun.. Parang namatay na din ako.. Ano bang kulang sakin.. Binigay ko naman lahat ah.. Lahat lahat.. Pinaglaban kita sa mgulang ko..nawalan ako ng pakialam kung husgahan man ako ng ibang tao.. Blue sabihin mo naman sakin kung ano kulang sakin para alam ko kung ano gagawin ko.. Sa kama.. Hindi ka ba masaya.." napatungo lang ako ng makita yung patuloy na pagtulo ng luha niya.. Ang sakit sakit..
"aldred i love you.."
" bullshit! Mahal mo ba talaga ko.. ? Minahal mo ba talaga ko huh..! " gigil na saad ni aldred sakin saka bumaba sa motor niya..
" aldred mahal na mahal kita..
" tigilan mo nga sa kasasabi ng walang kwentang mga salita na yan..! Kung mahal mo ko sana inisip mo muna kung ano yung sakit na mararamdaman ko.. Blue hindi naman ako nagkulang di ba.. Hindi ako nagkulang..! Minahal kita ng ikaw lang pero bakit hindi mo nakuhang mahalin ako ng ako lang..!"
" aldred please.. Patawarin mo ko.."
" blue mahal kita.. Mahal na mahal..Pero niloko mo ko.. Blue niloko mo ko.. Alam mo ba kung gano kasakit yun huh.. Ikaw yung taong naiisip kong huling gagawa nun.. Pero mali pala ko.."
" aldred i know nagkamali ako.. I know niloko kita.. I know nagsinungaling ako sayo.. I know Kasalanan ko... Kasalanan ko lahat.. " tumulo naman yung luha ko..saka lumapit sa kanya at hinawakan yung kamay niya pero umiwas lang sya ng tingin. Halos mapuno lang dugo yung kamay ko mula sa sugat niya sa kamao." aldred saktan mo ko. Sapakin mo ko.. Gawin mo yung gusto mo.." saad ko saka sinampal sa sarili ko yung kamay niya..pero pilit niya tong hinugot.. " aldred saktan mo ko please.. Ang tanga tanga ko.. Ang tanga tanga.. Saktan mo ko.." saad ko lang..
" blue minahal naman kita ah.. Blue bakit.. Bakit hindi ako naging sapat sayo.. Blue... Minahal kita.. Minahal kita.. Pero bakit ganito.. Ano ba ginawa ko.. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo para iparanas mo sakin yung ganitong sakit.. !"
" aldred saktan mo na ko please.."
" sabi nila ang love daw ay pagbibigay ng karapatan sa isang tao para sirain ka.. Pero kailangan mong magtiwala na hindi nila gagawin yun.. Blue i trusted you.. I trusted you..! At nagkamali ako dahil nagtiwala ako.. Binigay ko lahat.. Binigay ko yung sarili ko sayo ng buong buo.. Halos wala na kong tinira sa sarili ko.. Blue binigay ko lahat.. Blue binigay ko lahat eh.. Pero bakit!? Blue parang awa mo na sabihin mo naman sakin kung ano kulang.. kung san ako nagkulang..? Make me understand kung bakit mo ginawa sakin to..!" kita ko lang yung pagpatak ng luha niya habang nakatitig sakin.. "Sana kung gusto mo talaga si chris.. Sana sinabi mo.. Para alam ko kung san ako lulugar.."
" aldred hindi ko sya gusto.. Hindi.. At alam niya yun."
" sex.. Yun lang ba namagitan sa inyo.. " gigil na saad niya marahan naman akong tumango.. Kita ko lang yung pag ngangalit ng ngipin niya. " anong ginagawa niya na hindi ko kayang gawin..."
" aldred.. I was drunk nung nangyare yun.."
" blue hindi ka lasing ngayon.. Pero may nangyare sa inyo di ba...?" umiwas naman ako ng tingin.. " shit..!"
" aldred I love you.."
" naririnig mo ba yang sinasabi mo huh.."
" aldred I love you.. And I'm sorry.."
" sana sa sorry mo.. Matatanggal na lahat ng sakit dito sa puso ko.. Lahat ng kirot.. Para akong unti unting namamatay habang tinitingnan ka.."
" aldred maiintindihan ko kung ano magiging desisyon mo.. Maiintindihan ko kung kamumuhian mo na ko.. Maiintindihan ko kung iiwan mo ko.. Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat.. Aldred kasalanan ko.. Maiintindihan ko kung sa nagawa kong to hindi mo na ko papatawarin.. Aldred I'm really really sorry..mahal kita.. Mahal na mahal.. " niyakap naman ako ni aldred.. Ramdam na ramdam ko lang yung paghikbi niya.. " aldred maiintindihan kita.. Napaksama ko.. Napakasama ko aldred... You don't deserve this.. You don't deserve me..?" hikbi ko lang..
" blue I love you.." saad niya saka niya dinampian ng halik yung labi ko.. Mapusok.. Puno ng galit.. Parang madudurog yung labi ko sa halik na yun.. Hanggang unti unting naging malumanay.. Ilang sandali kaming nasa ganun pwesto ng humiwalay si aldred saka nagmamadaling sumakay ng motor niya at mabilis tong pinaharurot.. Para akong nawalan ng lakas habang nakatingin sa dereksyong tinahak ng motor ni aldred.. Hinayaan ko lang pumatak yung mga luha ko hanggang mapaupo ako..
" aldred.. Im really really sorry.." bulong ko saka tahimik na umiyak.. Ilang sandali akong nasa ganun pwesto ng mula sa likod ay may humimas ng likod ko.. Pag lingon ko nakita ko lang si irene.. "Bakit ka nandito..?" ngumiti lang sya saka naupo sa tabi ko.
" uhm mahabang kwento.. Alam mo ang tanga tanga mo.."
" ano bang ginagawa mo dito.."
" blue una gusto ko magsorry.. Gusto ko magsorry sa lahat ng nagawa ko sayo.. I know mali yung mga pinaplano ko against you.. Gusto ko nun makita kang umiyak.."
" irene ano bang sinasabi mo.."
" kapatid mo ko.."
" huh..?"
" anak ako sa labas ng daddy mo.. " nakatungong saad niya napalingon naman ako sa bahay namin.. Nakita ko lang si daddy at mommy na nakatingin saming dalawa..
" irene ano ba to.."
" alam mo sa galit ko sa daddy mo.. Gusto ko sana ikaw yung magdusa.. Yung makita kitang umiyak.. Kaya gumawa ako ng paraan para maagaw si aldred sayo.. Nung hinalikan ko sya nun. I know nakita mo yun.. So I'm really sorry about that.. Pero ngayon nung nakita kita umiiyak.. Ang sakit pala.. Ang sakit palang makitang umiiyak yung kapatid mo.."
" kapatid ba talaga kita..?"
" oo eh.. Alam mo yung pag iyak mo na yan.. Hindi ko kasalanan yan.. Dahil yan sa katangahan mo.. Alam mo si aldred.. Kahit minsan siguro hindi niya naisip na lokohin ka.. Mahal na mahal ka nun eh.. Kaya ang tanga tanga mo.. Akala ko hindi ka capable para gawin yun.. Pero kaya mo pala.. Actually dapat matuwa ako ngayon kasi finally nakikita na kitang umiiyak.. Pero I don't know what happened yung sakit na nararamdmaan mo.. Nararamdaman ko rin.."
" irene totoo ba talaga yung sinasabi mo..?"
" blue wala ka sa wisyo para intindihin yung sitwasyon nating dalawa.. Pero iooffer ko sayo yung balikat ko ngayon.. Kasi wala si chris.. Or si aldred para gawin yun.. So I'm here para punasan yung mga luha mo.. Nakakatawa pero ngayon pipilitin kong maging ate sayo.." tumulo lang yung luha ko..saka tumungo.. Niyakap naman ako ni irene saka marahang humimas sa likod ko.. " iiyak mo lang blue.. Hindi man maging ok sa ngayon.. Pero I know sa laki ng pagmamahal sayo ni aldred.. Marerealize niya na yung ginawa mo hindi enough reason para iwan ka niya.. Mahal ka ni aldred.. Tandaan mo yan .. Iiyak mo lang.." saad pa niya sakin.. Magulo pa yung sitwasyon pero ang alam ko lang gusto ko umiyak.. Kailangan ko ng isang taong yayakap at magsasabing magiging ok din ang lahat.. Malabo pa kung ano yung ugnayan namin ni irene.. Pero ang importante nandito sya.. Andito sya Para sakin..
Authors note: help me help me.. aldred and blue parin ba.. o chris and blue na..? haixt affected much na ko sa story na to. and I dont know kung ano susunod.. actually ni isang word wala pa kong nasusulat.. hehe hindi tulad dati 2 chapters yung advance ko.. hehe.. so comment kung ano gusto niyo mangyare.. makakatulong sakin yun.. thankssssss.. ang sakit ng chapter na to.. huhuhu
Authors note: help me help me.. aldred and blue parin ba.. o chris and blue na..? haixt affected much na ko sa story na to. and I dont know kung ano susunod.. actually ni isang word wala pa kong nasusulat.. hehe hindi tulad dati 2 chapters yung advance ko.. hehe.. so comment kung ano gusto niyo mangyare.. makakatulong sakin yun.. thankssssss.. ang sakit ng chapter na to.. huhuhu
Kung dti team chriblu ako now im lost kung cnu na gusto qng mag katuluyan I demand a recess
ReplyDelete-Lime
Kung dti team chriblu ako now im lost kung cnu na gusto qng mag katuluyan I demand a recess
ReplyDelete-Lime
wla ka naman pong dapat ikasakit ng ulo kung sino ang dapat. ako po ang intindi ko dito. si blue at red ay mahal na mahal nila ang isat-isa. kasama talaga yan sa isang relasyon, nagkakamali at minsan natutukso din. lasing lang si blue nung una, at yung pangalawa ay napilitan lang sya dahil sa picture at pagmamakaawa ni chris. samahan pa na may konting atraksyon si blue kaya ayun ang anngyari.
ReplyDeletenakita korin na hindi maganda yung laban na ginawa ni chris. mas nakakatakot yung ganung pagmamahal.
0309
Thank author for this chapter, sana sina Blue at Aldred pa rin, sa mga ginawa ni Chrism kahit kaibigan ay hindi siya nararapat. Good lucK and God Bless you always!
ReplyDeleteBen
Ako din author, sobrang affected na sa story. Feel ko ang galit ni aldred. Pro xempre sana red at blue pa din, pro pahirapan mo ng onti si blue, para nmnsa panloloko ni blue. Bago xa patawarin ni red.yung tipong makokonxenxa xa ng hus2.Wag na chris, nakakayamot lang yun.
ReplyDeleteBlue and Red pa rin!! :") Love the story and sana sila pa rin in the end. :")
ReplyDelete-Marc.Olivier-
Hindi ba pwedeng magalit ng todi c blue kay chris??? Nakakayamot lang kc todo emote xa kay aldred tas pag kausap nia si chris parang naglalandi pa, tas iiyak at sasabihing "mahal kita aldred" tama c irene, katangahan ni blue bakit cla nagaaway ngaun ni aldred. maaksidente sana c aldred para makoncnsya ng hus2 c blue. Kaso panu na yung play ni aldred. Kawawa aman c aldred.. :'(
ReplyDeletePunyeta.. Maaksidente wag naman kawawa naman sila haha
DeleteAre you crazy? You created a scenario then you will ask if Blue-Aldred or Blue-Chris. Aren't you supposed to have already conceptualized the ending? Ginawa mo ding stupid ang character ni Blue and weakling ang character ni Blue.. You started well with this story but it seems that prolonging it caused it to deteriorate.. Hope you find a way to get out of the mess you created in the last two to three chapters.. Just being honest and frank..
ReplyDeleteI AGREE to Migz and to the comment b4 this one!!!
DeleteI HAVE OBSERVED THAT TOO. :-( sad to say author...
It's seemed Blue lacks conviction of his feelings for Alred.
Blue could've resisted Chris' 2nd attempt, but obviously he succumbed to it, he let temptation/lust took control of the remaining rationality he had... (if he had any at all)...
I can live with the fact that relationships can't avoid problems like this but in Blue's case and from what he did, he totally lost it. And if Aldred would still accept Blue in the process, well he must be one hell of a martyr (true love eh?)... ANW, it's your story, your call.
^_^
Maharett
Diba nainlove naman si aldred kay irene dati tsaka nagkikita pa sila ng palihim sa school? Edi may kasalanan din somehow si aldred :P pero pinaka gusto ko talagang magkatuluyan ( take not, PINAKA, hindi lang mas :))) aldred-chris pa rin eh, edi pag di sila nagkatuluyan parang nadaig na ng kasamaan ang power rangers loveteam :D
ReplyDeletegrabe!! bwisit yang si chris, sa kaniya pa nman ako boto. pero aldred na ulit. ang bilis nman mgbago ng ugali ni irene, sana nagpaka kontrabida mna sia kahit sandali ung tipong aagawin nia na talaga si aldred.
ReplyDeletealdred and chris na lng...... hahaha.... mahinatarupok si Blue....
ReplyDeletered at blue ranger pa dn ako ..madami matitinding pagsubok silang pagdadaanan pero sana sa huli pagmamahalan pa dn nila ang manaig ..
ReplyDeletelei andrew
Daming affected hihihi...dati gusto ko c Chris honestly. ..but dun pa rin ako sa Rangers !!
ReplyDeletehindi nMan bagay si chris at blue. Aldred at Blue talaga, kwento nila talaga to eh sa simula pa lang. parang walang kwenta kung si chris at makakatuluyan, i mean seriously, hindi deserving si chris. at walang kwentang ina yung mommy ni chris, mas masahol pa sya kay irene. turuan ba naman ang anak ng maling paraan.
ReplyDeletegalit daw si blue kay chris, pero yung actions at mga salita hindi tugma. tapos sinisiraan na sya ni chris sa harap ni aldred ang nasabi lang nya "Chris tama na please." promise si blue yung gusto ko masuntok ng moment na yun. haha!
--ANDY
Sinabi mo pa! Alisin na sa story si blue kakaiyamot sya! Pinakatangang character na nabasa ko hahaha joke. Hanap ka ng way to redeem blue's image ha mr writer para maging worthy ulit sya kay red... kasi for now blue is better off with chis - they are both pathetic... hahaha
Deleteano nangyari sa kwento mo author sana parang napakasama naman no blue dito,,,anyway ayusin niyo naman bawiin niyo naman sas pamamagittan ng blue aldred tandem pa rin. sana iomit niyo nalang ang chapter na ito....ang sweet na dapat nang kwento niyo...
Deletehay naku naman dapat iyamh cris na iyan ang parusahan sa kwento perfect picture nang hudas na kaibigan...Blue-aldred parin please...
Deletegio nlng
ReplyDeletegio nlng
ReplyDeleteBlue and Red prin sna s huli'
ReplyDeletethanks author'
Kaya mo yan' !
:)
_ace
blue at red hanggang huli ..kasama sa relasyon ang mga pagsubok ..haixt ..ang galing ni mr. author ..keep up the good work!!
ReplyDelete*lei andrew
Sa rangers pa rin aq, wahahah.
ReplyDelete*JRDII6794
Wala ng alam sabihin si Blue kundi,
ReplyDelete"Aldred, I love you!"
"Aldred, mahal kita!"
-Ampf! Eh kung magsimula ka na kayng mag-explain na bata ka?! Sarap batukan eh!
Nakakainis si blue dito. Mukhang tanga!
haist guys , kuya author youre the best ,, hope you guys add me at facebook .. Joshua badua name ko sa facebook ,, pati sana si author iadd ako hehehhe
ReplyDelete