Sa mga hindi pa kilala si Joey Boy. Pakibasa na lang yung Story nya :)
Please Click The Title Below To Read The Story:
Maagang maaga pa lamang ay napaka busy na ang buong mansion
dahil dito sa Philippines magse-Celebrate ng Christmas sina Ma'am Silvs and
Joey Boy. Ilang years na din kasing nagpupunta sa HongKong Disneyland ang
mag-ina to celebrate the Holiday Season.
This year kasi'y nagkaroon ng isang napakalaking pagbabago sa
buhay ng mag-ina kaya nama'y nagDecide itong si Ma'am Silvs na mag-Stay na
lamang upang makasama sa Holiday ang nadagdag na members sa kanilang Family.
Dati-rati'y ang naiiwan lamang sa Mansion tuwing
Christmas ay ang kanilang Driver na si Manong Cris at ang kanilang maid na si
Katie but this time ay makakasama nila itong si Carl at ang Nanay Cion nito. Si
Carl ay ang dating caregiver nitong si Joey Boy at nang naging legal guardian ito ng isip batang anak ni Ma'am Silvs ay naging part na siya sa kanilang
Family.
Sa side naman nina Carl ay ganoon din naman ang
nangyari. Parang naging anak na din na itinuring ni Nanay Cion si Joey Boy
dahil talaga naman kasing napalapit at napamahal ito sa kanila.
"Okay lang ba sa inyo Carl to spend Christmas
here..." Ang tanong ni Ma'am Silvs habang pinag-pla-planuhan nila kung
ano-ano ang mga kailangan pang bilhin para sa kanilang iluluto bukas sa Noche Buena.
"Ayos lang po Ma'am Silvs..." Ang nakaSmile
na reply naman ni Carl.
NagRequest at nangulit kasi itong si Joey Boy sa
kaniyang Kuya Carl na samahan siya nito sa Christmas kaya nama'y inimbitahan na din
ni Ma'am Silvs si Nanay Cion at sa kabutihang palad nama'y nag-Yes ang mga ito.
"Okay lang yun Ma'am Silvs... Doon sa bahay ng mga
Balae ko kasi magpapasko sina Carmie at ang apo ko kaya kami lang dalawa ni
Carl ang maiiwan sa bahay... Mas maganda nga po ito at marami tayo at para
maiba-iba na din naman ang Pasko namin... Lagi na lang kami sa bahay namin eh..." Ang
explain naman ni Nanay Cion kay Ma'am Silvs.
"Salamat talaga sa inyo... Tuwang-tuwang talaga
ang Baby ko..." Ang reply naman ni Ma'am Silvs sa mag-ina.
"Ati..." Ang naiinis na pag-singit naman ng maid na si Katie
nang lumapit ito sa tatlo.
"Ano yun..." Ang sambit kaagad ni Ma'am
Silvs.
"Si Joey Boy Ati... Pasaway..." Ang sumbong
kaagad ni Katie at On cue namang lumapit sa kanila itong si Joey Boy.
"ATE KATIE... ATE KATIE... PLEEEEASE..." Ang
paiyak na pakiusap nito sa kanilang maid.
"No Joey Boy... You can't come with me sa SM..."
Ang tanggi naman ni Katie.
"I want to see the Grocery Store..." Ang
pilit ulit ni Joey Boy.
"Paano namang nalaman ni Joey Boy ang pagpunta mo
sa SM..." Ang nagtatakang tanong naman ni Ma'am Silvs sa kanilang Maid
dahil sa tuwing mag-gro-Grocery itong si Katie ay hindi nila ipinaalam ito kay
Joey Boy upang hindi magpilit na sumama.
"Narinig po kasi ako ni Joey Boy nang sinabihan ko si
Manong Cris sa kusina na magpapa-Drive po ako sa SM para mag-Grocery eh..." Ang explain naman
ni Katie.
"Oh Ate Katie... Please..." Ang muling
pagmamakaawa ni Joey Boy.
"Bakit ayaw mo namang isama si Joey Boy..."
Ang tanong naman ni Carl kay Katie.
"Kasi hindi ko siya mababantayan at napakakulit
nyan sa Grocery eh..." Ani naman ni Katie.
"Sasama na lang ako para ako ang
magbantay..." Ang volunteer naman ni Carl.
"EHEEEK... REALLY..." Ang hindi
makapaniwalang outburst ni Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl sabay yakap niya dito
ng mahigpit.
"Ati Silvs..." Ang sambit naman ni Katie sa
kaniyang Amo upang humingi ng saklolo.
"PLEASE MOMMY..." Ang maluha-luhang sambit
naman ni Joey Boy.
"Basta magbe-Behave ka doon ha..." Ang sambit
naman ng nakaSmile na si Ma'am Silvs.
"YES MOMMY... PWAMIS... MWAAAAH..." Ang
masayang-masayang sambit ni Joey Boy sabay hug and kiss niya sa kaniyang mommy
Silvs.
"Hay... Basta Dong ikaw magbabantay kay Joey
Boy... Gumala na lang kayo sa Mall at huwag nyo na akong samahang mag-Grocery..."
Ang nakaFrown na sambit na lamang ng talunang si Katie sa biglang nagtakang si
Carl.
"Nagkakaproblema ba si Joey Boy kapag nasa
Grocery..." Ang hindi mapigilang tanong naman ni Nanay Cion kay Ma'am
Silvs.
"Kung ano-ano lang kasi ang pinabibili niya at
kapag hindi siya ibinili eh iiyak na lang yan..." Ang explain naman ni
Ma'am Silvs.
Naintindihan naman kaagad nina Carl and Nanay Cion itong si
Ma'am Silvs and ang Dilemma ni Katie dahil narinig na nila kasing umatungal ng iyak itong si Joey Boy.
"Basta mamasyal na lang kayo ni Joey Boy sa Mall
at ayaw na ayaw ni Katie na naiistorbo siya kapag nag-gro-Grocery..." Ang
nakaSmile na bilin ni Ma'am Silvs kay Carl.
"Ako na pong bahala kay Joey Boy..." Ang pag-a-Assure
naman kaagad ni Carl.
"Ati ito na po ba lahat..." Ang tanong naman
ni Katie nang makita na niya ang listahan ng bibilhin niya.
"Yan na lahat yan..." Ang nakangiting sambit
naman ni Ma'am Silvs.
"Ba't para naman atang ang kaunti..."
"Namalengke na kami ni Ma'am Silvs kahapon ng mga
karne at gulay..." Ang explain naman ni Nanay Cion.
Nag-Suggest kasi itong si Nanay Cion kay Ma'am Silvs na
sa palengke na lamang sila bumili ng mga Meat and Vegetables upang makamura.
"Ah... Sige po alis na kami..." Ang ani naman
ni Katie.
"Alis na po kami..." Paalam naman ni Carl.
"Ba-Bye Mommy... Ba-Bye Nanay Cion... MWAAAAH...
MWAAAH..." Ang sweet na sweet namang pagbaba-Bye ni Joey Boy with matching
goodbye kisses pa kina Ma'am Silvs and Nanay Cion.
"LET'S GO BRITNEY..." Ang next na malakas na
pag-usal ni Joey Boy sa kaniyang Pet na Askal.
"ARF... ARF... ARF..." Ang malakas ding reply
ni Britney habang nagmamadali itong pumunta kay Joey Boy bitbit ang Adidas
sports bag na pinaglalagyan niya sa tuwing isasama siya nito sa pamamasyal.
***Please Click the Title Below To Read How Joey Boy Kidnapped Britney***
"Huwag mo nang isama si Britney Joey Boy..."
Ang mabilis na usal kaagad ni Katie.
"EHEEEK..." Ang shock na shock namang
expression ni Joey Boy.
Naging parang body guard na kasi nitong si Joey Boy ang
Askal na kaniyang napulot noon na si Britney kaya nama'y nasanay na siyang
kasa-kasama ito sa tuwing umaalis siya.
"Kayo na lang ang umalis Baby... May gagawin kasi
kami ng Nanay Cion mo and we really need Britney's help..." Ang sambit kaagad
ni Ma'am Silvs kay Joey Boy.
Mabilis kaagad na nakapag-isip itong si Ma'am Silvs ng
way para hindi na isama ng kaniyang anak itong si Britney.
"EHEEEK..."
"Or do you want to stay here na lang at samahan
kami nina Nanay Cion and Britney..." Ang next na usal ni Ma'am Silvs sa
nag-iisip na si Joey Boy.
"Babalik din naman agad tayo eh... Kailangan ng
Mommy mo ng help dahil marami silang gagawin at malapit na ang
Christmas di ba..." Ang explain naman ni Carl.
"Oh... okay... Kuya Carl..." Ang mabait na
pagsunod na lamang ng no choice na si Joey Boy na ikinahinga naman ng maluwag
ng lahat lalong-lalo na itong si Katie.
*************
Sinigurado muna ni Britney na nakasakay ng maayos itong
si Joey Boy sa loob ng Revo.
"Ba-Bye Britney... Bantayan mo sina Mommy
ha..." Ang sambit na lamang ng no choice na si Joey Boy sa kaniyang Pet na
Askal habang binibigyan niya ito ng flying kiss.
"ARF..." Ang reply naman nitong si Britney
habang kinakawayan siya ni Joey Boy mula sa loob ng bintana ng Revo.
Nang makaalis na ang Revo'y isinara na ng Askal na si
Britney ang gate ng mansion. Kapag nasa sa Mansion kasi itong si Britney ay
siya na ang naging tagapagbukas at tagapagsara ng Gate kapag may umaalis or may
bisita.
Tulad nina Carl ay para na ring member ng Family itong
si Britney and until now ay hindi pa din sila makapaniwala dahil napakasipag
nito't marunong ito sa gawaing bahay.
*******At SM*******
Kahit na anong gawing effort at pang-bra-bribe nitong
si Carl sa kaniyang alaga'y at wala siyang nagawa nang nagpumilit itong sumama
sa pag-gro-Grocery ni Katie.
"Sige na Joey Boy... Mag punta na lang tayo sa
Arcade... Di ba gusto mo doon..." Ang pagpupumilit pa din ni Carl.
"NO..." Ang matigas na reply lamang sa kaniya
nitong si Joey Boy habang sumusunod ito kay Katie.
Labis talaga ang ipinagtataka ni
Carl kung bakit ayaw na ayaw isama ni Katie si Joey Boy sa pag-gro-Grocery sa
SM at harmless na harmless naman ng sweet na si Joey Boy.
"BASTA DONG! WE DON'T KNOW EACH
OTHER!!!" Ang ibinigay na warning sa kanila ni Katie nang makapasok na
sila sa entrance ng SM Grocery Store habang kumukuha na ito ng PushCart.
Tahimik na pinagmasdan muli ng
binata itong si Joey Boy at hindi na namang napigilang mapa-iSmile ni Carl nang
lapitan nito si Katie at kinulit.
"STOP NA JOEY BOY!" Ang
inis na inis na saway ni Katie kay Joey Boy.
"But I want to ride on
it..." Ang hindi papatalong reply naman nito.
"DONG! ANO BA! HINDI AKO
MAKAPAG GROCERY NG MAAYOS!" Ang sambit naman ni Katie at inis na inis
talaga ito kina Joey Boy and Carl.
"Joey Boy... Big ka na kaya... Hindi ka na puwedeng sumakay sa push cart..." Ang explain naman ni Carl
nang hinawakan na niya ang isang kamay ni Joey Boy upang ilayo sa push cart ni Katie.
"But I want to... Why can
they ride on the cart..." Ang tanong naman ni Joey Boy sa kaniyang Kuya
Carl sabay turo niya sa isang batang nakasakay sa Push Cart.
"Kuya ka na diba... Hindi na
sumasakay ang mga Kuya sa Push Cart..." Ang mahinahong explain naman ni
Carl sa napasimangot na si Joey Boy.
"Sabi ko sa iyo eh... Kaya
hindi namin isinasama yang si Joey Boy kapag nag-gro-Grocery ih..." Ani
naman ni Katie.
"MERRY CHRISTMAS!!! HAPPY
SHOPPING!" Ang biglang narinig na lamang sa buong Grocery from the Public
Address System ng SM Grocery Story at pagkatapos nito'y nagbigay ng masiglang two Claps ang
mga Staff.
Kaagad na napansin ni Carl na
biglang nanlaki ang dalawang mga mata ni Katie na tila ba nag-pa-Panic...
"MERRY CHRISTMAS... HAPPY SHOPPING!!!
EHEEEEK!!!" Ang walang pasabi na lamang na biglang isinigaw ni Joey Boy at
pagkatapos ay malakas na nag Clap din ito ng kaniyang hands gaya ng mga salesman
and saleslady ng SM Grocery.
"HINDI KO KAYO
KILALA!!!" Ang malakas na sambit ni Katie kina Carl and Joey Boy sabay
alis niya and that time din ay biglang nanliit na lamang si Carl nang
napagtanto niyang nakatingin na pala ang lahat ng mga tao sa loob ng Grocery sa kanilang
direction.
"ATE KATIE... WAIT!!!"
Ang malakas na pagtawag bigla ni Joey Boy nang makita niyang malayo na ito sa
kanila.
"EHEK... EHEK... EHEK..."
Ang sunod-sunod na outburst ni Joey Boy habang hinahabol niya ang pilit
lumalayo sa kanilang si Katie.
Napayuko na lamang itong si Carl
dahil tumutunog at kumakalansing pa ang mga laman sa loob ng backpack ng
tumatakbong si Joey Boy at nakangiting pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Free taste..." Ang
bigla na lamang narinig ni Joey Boy mula sa isang saleslady na nagtitinda ng
Ham.
"EHEK..."
"Eto oh..." Ang
nakaSmile na sambit ng Saleslady nang binigyan niya ng isang pirasong ham na
nasa toothpick si Joey Boy.
"TSALAP... TSALAP...
TSALAP... Can I have one more pa please..." Ang usal ni Joey Boy sa
nakaSmile na Saleslady.
"Joey Boy let's go
na..." Ang nahihiyang pagyaya naman ni Carl nang malapitan na niya ito.
"Okay lang sir... Eto pa
oh..." Ani naman ng Saleslady kasabay ng pagbibigay niya ng isang
heartwarming smile kay Carl habang inaabutan niyang muli ng isa pang ham na nasa toothpick ang eager na eager na si Joey Boy.
NaGets na ng mga Saleslady and Salesman at pati na din ang mga namimili ang condition ni Joey Boy.
"Can Kuya Carl have one
too..." Ang sweet na sweet na isinunod na request naman ni Joey Boy na
masayang pinagbigyan namang muli ng saleslady.
"Miss thank you..." Ang
nahihiyang sambit ni Carl nang inabutan siya ng Free Taste Ham ng saleslady.
"TENCHU... MWAAAH...
Ba-Bye..." Ang next na sambit ni Joey Boy sabay kiss niya sa cheeks ng mabait na
saleslady na kaagad namang nagBlush.
"Merry Christmas..." Ang
sambit na pahabol naman ng Saleslady sa kumakaway na si Joey Boy.
"Merry Christmas... Happy
Shopping... EHEK!!!"
"Joey Boy... Let's go
na..." Ang nasambit ni Carl nang biglang tumigil itong si Joey Boy.
"Joey Boy..." Ang muling
pagtawag ni Carl nang hindi pa din ito kumilos.
"What are you looking
at..." Ang tanong kaagad ni Carl nang nilapitan niya si Joey Boy ngunit after
just a few seconds ay kaagad na nanlaki sa panic ang dalawang mga mata ni Carl nang
makita niya kung nasa saang isle sila.
"I want that Kuya Carl...
That one also... and that... and that... that... that... that one too..."
Ang sunod sunod na sambit ni Joey Boy habang masaya siyang nagtuturo ng mga items na kaniyang nagustuhan sa Snacks and Sweet Isle ng SM Grocery.
"Yan kasi eh... Ayaw makinig
eh..." Ang biglang narinig na lamang ni Carl sa kaniyang likuran.
"Hindi ko talaga alam kasi...
Sorry..." Ang paghingi naman ng paumanhin ni Carl sa nakangiting si Katie.
"Ate Katie... Can you buy me
this one... Please..." Ang sweet na sweet na sambit ni Joey Boy habang ipinapakita
niya ang isang malaking box ng Orion's Choco Pie.
"One lang Joey Boy..."
Ang sambit naman ni Katie na ikinatuwa naman kaagad ni Joey Boy.
"Kuya Carl... Can you buy
this one for me..." Ang next na sambit naman ni Joey Boy sabay pakita niya
ng Isang malaking pack ng Kitkat dito.
Tumungo na lamang itong si Carl
dahil katulad ni Katie'y hindi nila matanggihan itong si Joey Boy.
"Don't tell Mommy ha..."
Ang next na sambit naman ni Joey Boy sa dalawa.
Mahigpit kasing pinagbabawalan ng
kaniyang Mommy itong si Joey Boy na kumain ng mga sweets dahil kung minsa'y
nasosobrahan ito sa pagkaHyper.
"Basta ba magbe-Behave ka
palagi eh..." Ang nakasmile na sambit naman ni Katie.
"Promise Ate Katie..."
"Sige... Let's go na Joey Boy
para makauwi na tayo..." Ang pag-yaya naman ni Ate Katie na mabait namang
sinunod nitong si Joey Boy.
"Thank You Kuya Carl... Thank
You Ate Katie..." Ang paulit-ulit na sinasambit ni Joey Boy habang
nakapila sila sa counter ng Grocery Store.
Hindi talaga maipaliwanag ngunit
ikinatataba talaga ng puso ng mga tao kapag naririnig at nakikita nilang happy and grateful ang mentally challenge na si Joey Boy.
*******On The Way Home*******
Hindi pa din matapos-tapos sa
pagte-Thank you itong si Joey Boy sa kaniyang Kuya Carl and Ate Katie dahil talaga
namang happy na happy siya dahil nakaDelihensiya na naman siya ng mga Sweets.
"Manong Cris... Please don't
tell Mommy ha..." Ang pag-re-remind muli ni Joey Boy sa kanilang Driver at tinawanan na lamang siya nito.
Kahit si Manong Cris ay aliw na
aliw talaga kay Joey Boy. Matagal-tagal na din siyang naninilbihan kina Ma'am Silvs at ang asawa niyang si Manang Rosa kasi ang naging Yaya ni Joey
Boy since noong baby pa ito hanggang sa lumaki ngunit dahil sa katandaa'y nagpaalam na ito kina
Ma'am Silvs upang umuwi at magpahinga na lamang sa Province.
"Wait lang Joey Boy... Ano
ang wish mo nga pala kay Santa..." Ang biglang tanong kaagad ni Katie kay Joey
Boy.
"EHEEEK..."
"Bakit Joey Boy..." Ang
sambit naman ni Carl nang makita niya ang nakaFrown na expression ni Joey Boy.
"I don't know pa eh..."
"Hala... Malapit nang magChristmas
at wala ka pang wish kay Santa... Naku... Baka hindi ka niya bigyan ng
gift..." Ang pananakot ni Katie sa biglang nagPanic na si Joey Boy.
"I don't know pa talaga
eh..." Ang hirit naman ni Joey Boy.
Natatawang ini-explain ni Katie
kay Carl na isang big thing para kay Joey Boy ang pagwi-Wish kay Santa. Palagi
kasing ibinibida ni Joey Boy sa kanila ang gift sa kaniya ni Santa after every
Christmas.
"Ahmmm... Kuya Carl..."
"Ano yun Joey Boy..."
"Ahm... Kasi... EHEK..."
"Ano nga yun Joey Boy..."
"Can I have two wishes ba kay Santa..."
Ang curious na tanong ni Joey Boy.
"Isa lang dapat eh..."
Ang biglang pag-singit na pagbibiro naman ni Katie.
"EHEK..." Ang outburst
muli ni Joey Boy.
"Ano ba ang gusto mong ibigay
sa iyo ni Santa..." Ang curious na tanong naman ni Carl na hindi na
sinagot pa ni Joey Boy.
Napataas na lamang ng kanilang mga
kilay sina Carl, Katie and Manong Cris nang nanahimik bigla itong si Joey Boy at
halatang-halata nilang malalim ang iniisip nito.
Ang akala nila'y iniisip nitong si
Joey Boy na naniwala ito sa biro ni Katie at baka dalawa ang gusto kasi nitong
i-wish kay Santa.
Bothered na bothered itong si Joey
Boy dahil sa sinabi sa kaniya ng kaniyang Ate Katie na isa lang dapat ang
pupuwede niyang i-Wish kay Santa.
Sa katotohana'y wala pang naiisip
talaga itong si Joey Boy na gusto niyang i-Wish na Toy kay Santa dahil lahat
naman ng gusto niya ay naiibigay sa kaniya ng kaniyang Mommy at palagi din naman siyang
binibilhan ng mga Toys ni Sir Steve.
Ang talagang nagpapa-Bother sa
isip batang si Joey Boy that time ay nagamit na niya kasi ang kaniyang Wish kay Santa
noong naComatose ang kaniyang Mommy Silvs.
NagPray noon si Joey Boy na sana ay
magising at gumaling ang kaniyang Mommy Silvs and nagWish din siya ng same
thing kay Santa at natupad naman ang wish niya kaya ngayo'y medyo na-a-Upset
itong si Joey Boy dahil hindi na siya pupuwede palang magWish kay Santa sa
darating na Christmas Eve.
*******At The Mansion*******
Laking gulat talaga ni Joey Boy
nang madatnan niya sa kanilang Living Room ang kaniyang mga kaPlaymate.
Binigyan na lamang sila ni Katie ng snacks at pagkatapos
ay iniwanan nila ang mga ito to give them privacy.
"Joey Boy..." Ang sambit
ng grade two na ka-playmate sa kanilang Executive Village ni Joey Boy na si Rachel.
"What is it..."
"We want to invite you
kasi eh..."
"EHEK..."
"Sama ka sa amin Bukas Joey
Boy..." Ang sambit naman ng Grade One na si Richard.
"Where..."
"Mamamasko tayo..."
"EHEK... What's that..."
"Hi... hi... hi..." Ang
hagikhikan ng mga kalaro ni Joey Boy.
Palagi nga kasing pumupunta sa Hong Kong Disneyland sina Ma'am Silvs and Joey Boy tuwing Christmas kaya nama'y hindi pa
nararanasan ni Joey Boy na mamasko. Hindi din naman kasi noon pinapayagan itong
si Joey Boy when he was younger dahil nga sa kaniyang mental condition.
"Pupunta tayo sa mga
kapitbahay natin para humingi ng pamasko..." Ang explain ng mga bata kay Joey
Boy.
"What's pamasko..."
"Gift yun Joey Boy..."
"EHEK... All of our neighbors
will give us gifts..." Ang hindi makapaniwalang tanong ulit ni Joey Boy.
"Yes Joey Boy..."
"EHEEEK... WHEN..."
"Tomorrow..."
"WAIT LANG... EHEK...: Ang
outburst ulit ni Joey Boy at pagkatapos ay nagExcuse siya sa kaniyang mga
playmates sabay takbo niya papuntang kusina.
"MOMMY... MOMMY..."
"Ano yun Joey Boy..."
Ang tanong ni Ma'am Silvs habang nag-aayos sila ng mga pinamiling Groceries ni
Katie.
"Mommy... Can I come with my
playmates..."
"Where naman..."
"We will go...
...
...
...
Ahm...
...
...
...
Ahm...
...
...
...
I forgot na Mommy what it's called
eh...
Basta our neighbors will give gift
to me and my playmates..." Ang explain na lamang ni Joey Boy sa nakaSmile niyang Mommy Silvs.
"Hmmm..."
"Please Mommy... It's sound
so fun kasi eh... Can I go with them please..."
"Sige na nga..." Ang
natatawang reply ni Ma'am Silvs sa nagtatalon na si Joey Boy.
Noong isang araw pa sinabihan ng
mga HomeOwner's Association Officers itong si Ma'am Silvs na may gagawing mga
activity ang mga Bata sa kanilang executive village this coming December 24 at
ito nga ay ang gagawing pamamasko ng mga ito sa lahat ng mga bahay sa kanilang
buong village.
"TENCHU MOMMY...
MWAAAAH..."
"Sige Joey Boy... Tell your
playmates na..." Ang natatawang usal na lamang ni Ma'am Silvs sa kaniyang
anak.
"Bakit po bukas sila mamasko
eh 24 pa lang naman po bukas eh..." Ang curious na tanong naman ni Carl.
"Tradition na nila yun
Dong..." Ang explain naman ni Katie.
"Tradition..." Ulit ni
Carl.
"Yes Carl... Instead sa 25th
sila magbahay-bahay eh ginawa na lamang ng mga Home Owner's Association
Officers na sa 24 para hindi masyadong busy ang mga tao at para na din hindi na
gumala pa ang mga bata sa Pasko... Ang iba kasi eh umaalis din sa 25 kaya ganoon..."
Ang explain naman ni Ma'am Silvs.
"Ang sosyal talaga
dito..." Ang natatawang sambit naman ni Nanay Cion.
"Talaga naman po Manang
Cion... Pati Chinese New Year eh sine-Celebrate talaga dito..." Ang
natatwang sambit din ni Katie.
**************
"Pinayagan ka ba ng Mommy
mo..." Ang kaagad na itinanong ng kaniyang mga playmates nang makabalik na itong si Joey Boy sa living room.
"EHEK..." Ang masayang
sambit naman nitong si Joey Boy.
"YEHEEEEY..." Ang
outburst naman ng mga bata at talaga namang gusto nilang kasama nila itong si
Joey Boy para kumpletong-kumpleto silang magkakalaro.
"EHEK... EHEK...
EHEK..." Ang sunod sunod na outburst din ni Joey Boy at that time dahil
hindi talaga siya makapaniwalang there's something na mas higit pa kay Santa.
Isip-isip nitong si Joey Boy na
isang gift lang ang pupuwede niyang i-Wish at matanggap kay Santa pero ngayon ay marami
siyang matatanggap na gift from the neighborhood dahil makakapamasko siya this Christmas.
To Be Continued
Preview Sa Next Chapter:
"Santa... Hu... hu...
hu..." Ang mahinang pag-iyak ni Joey Boy.
"Thank you Santa because you
gave me my wish eventhough it was not yet Christmas when I wish my Mommy to
wake up... Hu... hu... hu..." Ang pagpapatuloy ni Joey Boy sa kaniyang
paghikbi.
Upset na upset talaga itong si Joey Boy that time dahil sa kaniyang nasaksihan at nadama sa kaniyang puso that day.
Upset na upset talaga itong si Joey Boy that time dahil sa kaniyang nasaksihan at nadama sa kaniyang puso that day.
"But Santa... I hope that you
will give me a gift this Christmas... Hu... hu... hu..."
"I want a gift Santa..."
"Santa... I wish..."
"I wish..."
"I wish... Hu... Hu...
Hu..."
"I wish... U... U...
U..."
"UWAAAAAH... UWAAAAAH...
UWAAAAH..." Hindi na naituloy pa ni Joey Boy ang kaniyang Wish kay Santa
dahil tuluyan na siyang humagulgol dahil sa kaniyang matinding kalungkutan lalo
na kapag sumapit na ang kinabukasang kapaskuhan.
4 DAYS TO GO BEFORE CHRISTMAS
ReplyDeleteEmbedded music comes from Britney's
All I Want
EHEEEEEEK!
MISS NA MISS NA NI PONSE SI JOEY BOY KASI EH! :))
Me too din neng , buti nalang at binanggit mo sya sa story ni Doms at Doc Racky ...
ReplyDeleteSayang at wala ka dito Ate Joy at hindi makapamasko ang inaanak mo sayo :))
DeleteJoey boy is in the house! Yeah yeah!! Merry Christmas!
ReplyDeleteMerry Christmas din Kuya Marc!!! :))
DeleteJoey Boy Merry Christmas inaanak. Have a blessed Christmas and Prosperous New Year to all :-)
ReplyDeleteSame to you and to your Family Mr.Stan!!! :))
Deleteyeheeeyyyy mamasko c joeyboy w his frends. so nice aman dis story of yours PONSE! sooooo cuteee. he he he
ReplyDeletethis will be the last Joey Boy story Tito Robert :)) See you po sa next part :))
Deletenice.. merry xmas
ReplyDeletemarc
Merry Christmas Kuya Marc :)) EHEEK!!!
DeleteAng cute ni Joey Boy! pwede ba Kuya Ponse sya na lang gift ko sa Christmas??please???hahaha!
ReplyDeleteSobra ko mamimiss si Joey Boy Kuya huhu
ReplyDeletePwede namang dyan senyo Kuya Riley mag Bagong Taon si Joey Boy eh :)) Kaya lang naTrauma na siya sa paputok :))
Deletenapaka inosente tlaga ni joey boy, nkakatuwa :3
ReplyDeletenkaka sad lang kc last story na pla nia to. peo sna sumisingit-singit pa dn xa sa mga future stories as cameo appearances :D
I'll try Lawfer :))
DeleteDear Author, Thank you for adding new chapters of this story, hindi lang nakakaaliw at nakakalibang na basahin, itoy nakakapag bago din ng pananaw ng mga mambabasa sa pagtrato sa mga bata o adult na may pagkukulang or abnormality sa kanilang pag iisip. Kasi pangkaraniwan na nating nakikita o nababasa na kapag ang bata ay may abnormality, tingin natin sa kanila ay puro problema o nakakapagbigay lamang ng kalungkutan o hinagpis sa kanilang pamilya. reading your story makes me feel to want someone like joey boy in my family. GOD Bless you!
ReplyDeleteBen from Aus.
ReplyDeletechristmas in the philippines Christmas is celebrated during the “ber” months, as it's called in the Philippines — that is, September, October, November and December