Followers

Monday, November 18, 2013

'Untouchable' Chapter 10

Hi, guys! Again, sorry for the late update. Sana ay patuloy niyo pa rin suportahan 'to kahit medyo natatagalan ang update. Sana maintindihan niyong busy lang talaga ako sa school. :(

Anyway, dito niyo malalaman kung ano nangyari sa vacation ni Gab at Justin. :) Maraming salamat for the continuous support!
Happy Reading!

--

Chapter 10

Flashback.

“You like it?” tanong ni Justin nang makapasok na kami ng resort—or rather—ng villa. Namangha naman ako sa nakita ko, dahil hindi ko inaakalang masosolo namin ang ganitong klaseng lugar. Ang villa na narentahan namin ay may dalawang floors. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang sala na may isang malaking TV set, at isang bar malapit sa kusina na nasa likod nito. Dumiretso pa kami at natanaw ko ang garden sa likod ng bahay kung saan naroon ang isang malaking swimming pool.

“Yes, ang ganda nga dito.” pagsang-ayon sa kanya.

“Nasaan mga friends mo?” tanong ko, dahil pansin kong wala pang mga tao sa loob ng villa. Ang sabi kasi ni Justin ay magkikita na lang kami ng mga kaibigan niya sa patutunguhan namin. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita kong nagkakamot ito ng ulo. “Ah... eh,” natatamemeng bulong nito. “What? Tayo ba ang pinakanaunang dumating?” inosenteng tanong ko.

Umupo si Justin sa sofa at tiningnan ako ng diretso mata. “Look, Gab. The thing is... I have no friends.” pahayag niya na siyang ikinagulat ko, dahil hindi ko iyon nahalata sa kanya. Cool ang personality niya at alam kong marunong naman siyang makibagay sa mga tao kahit papaano. “What? Loner ka? Ganon?... Oh, sorry baka na-offend ka. What I meant was—“ at naputol na lamang ang sinasabi ko, dahil sa paghagikgik niya. “Gab, ano bang gagawin ko sa’yo? Ang clueless mo talaga.” natutuwang sabi niya sa akin.

For some unexplainable reason, naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko.

“Gab, ang ibig sabihin ko, wala ang friends ko... dahil in the first place, wala akong inimbita.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya.

“You mean...”

“Yes, tayong dalawa lang dito.” nakangiting pahayag niya.

--

“Ibig sabihin, he tricked you into thinking na marami kayong magba-bakasyon?” pagconfirm ni Trisha sa kwento ko. “Yup.” buntong-hininga ko. “I should’ve known na may mangyayaring malaki sa simula pa lang. Tama siya, napaka-clueless ko nga.” dagdag ko. “What else happened, Gab? And how did he... alam mo na, paano ka niya tinanong?” curious na tanong ni Trisha.

--

Flashback.

“Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong ko kay Justin. Nakaupo ako sa dining area habang siya ay nagluluto ng pasta sa kusina. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko kung ano ang mga pinagagagawa niya. “Ang alin, Gab?” inosente niyang tanong habang naghahalo ng sauce. “Ito. I mean, why did you lie to me na kasama mo ang barkada mo tapos tayong dalawa lang pala?” pagklaro ko.

Tiningnan muna niya ako at ngumiti bago sagutin ang tanong ko.

“Dapat ba lahat ng ginagawa ng isang tao may dahilan?” nakangiti niyang balik sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa naging pahayag niya.

“Just... answer the question.” pagpilit ko.

Napabuntong-hininga siya, at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Ang buong akala ko ay wala na siyang balak sagutin ang tanong ko dahil nagpatuloy lamang siya sa paghalo ng sauce at sa pagre-retoke nito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga spices. Magsasalita na sana ako nang putulin ako ng kanyang sagot.

“Look, Gab. I just want to spend some time with you. Special ka sa akin, eh. Kaya I did this kasi gusto pa kitang makilala.” Habang sinasabi niya iyon ay nahahalata ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi at ang mahina nitong pag-iling. “And at the same time, gusto ko rin na makilala mo rin ako. Importante iyon para sa akin. There. Nasagot ko ba ang tanong mo?” pagtatapos niya habang iwinawagayway ang sandok na hawak-hawak niya.

“I... still don’t see the point of all of this.” litong pahayag ko.

“Oh you’ll see. Tonight.” sabi niya bago siya kumindat.

--

“Dapat pala nakuha ko na ‘yung hint niya! When he said that I’m special akala ko naman kaibigan lang ang tingin niya sa akin... Hindi ko talaga akalaing...” at hindi ko na natapos ang sinasabi ko kay Trisha nang mapabuntong-hininga ako dahil naalala ko na naman ang sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon.

“W-wait, Gabby. Ikwento mo muna kung paano siya nagtapat. And ano naging reaksyon mo after niya sabihin?” balik ni Trisha sa akin.

--

Flashback.

“Ang dami! Patatabain mo ata ako, eh!” natatawang komento ko nang madatnan ko ang napakaraming putahe na nakahain sa lamesa. Hindi ko maiwasang makatulog kaninang hapon dahil sadyang napagod ako sa pagmamaneho, kaya naman hindi ako nakatupad sa pangako ko na tutulungan ko siyang maghanda ng hapunan... kahit alam ko namang wala ako gaanong maitutulong dahil sadyang bobo ako sa kusina. Baka makasagabal pa ako kung ganoon. Natawa lamang si Justin sa inasal ko.

“Bakit hindi mo ako ginising? Nakatulong sana ako.” Still, nag-offer pa rin ako ng tulong. “Nah, it’s okay. Ako ang nagyaya sa’yo kaya dapat pagsilbihan kita.” sabi niya. “Ganoon ba talaga ‘yun?” ako. “Oo, bisita kita. Halika na. Gutom na rin ako, eh.” pagyaya niya sa akin na umupo na para kumain. Talaga namang natakam ako, dahil lahat ng kanyang hinain ay mukhang masarap.

“Kanino ba ‘tong villa na ‘to?” pagsisimula ko ng conversation. Tinikman ko ang ginawa niyang baby back ribs, at lubusang nasarapan dito. Hindi ko mapigilang mapa-ungol dahil sa sarap ng luto niya. Sana man lang ay nagkaroon ako ng ganitong talento sa kusina gaya niya. “Sa dad ko. Dito kami pumupunta kapag mayroong may birthday sa family namin. Or sometimes, kapag stressed ako at gustong tumakas sa city, I go here on my own para magpakalma ng sarili.” paliwanag niya na siyang tinanguan ko.

“May kapatid ka ba?” sunod na tanong ko. “Yup. I have one older brother Owen, and ‘yung mas bata sa akin si Jasper.” sagot niya. “Nice, so close kayo?” tanong ko. Napansin ko ang pagbabago sa aura ni Justin dahil sa tanong kong iyon. Umiling siya at napabuntong-hininga. “You know the middle child syndrome?” tanong niya. Tumango ako bilang tugon. “Well, I don’t know. Black sheep ata ako sa amin, eh. My dad wanted me to become a doctor, pero heto ako, Engineering ang kinukuha. I never wanted them to run my life for me, kagaya ng ginawa nila sa kuya ko. Si Kuya... favorite nila mama and papa, lahat ng iutos susundin niya. He adores them so much, kaya naman ayaw niya sa akin dahil hindi na daw ako sumunod kila mama. He’s ‘the perfect son’ of our family, and I’m the rebel.” napapailing niyang paliwanag. “Si Jasper naman... dati close kami, pero since nang magbinata siya, parang lumalayo na rin ang loob niya sa akin... there, that’s my lovely family.” mapait niyang pagtatapos.

“I’m so sorry to hear that.” ang tanging naisagot ko lamang sa mahaba niyang kwento. Matapos marinig ang paglalahad ni Justin ng kwento ukol sa pamilya niya ay hindi ko maiwasang maawa dito. Nakakapagtaka lamang na ang gaya niyang tao na masayahin, at bukas ang isip sa lahat ng mga bagay ay may pinagdadaanang ganito. Moreover, nakakalungkot na hindi sinusuportahan ng pamilya niya ang gusto niyang landas na tahakin sa buhay. Alam ko kung gaano kasakit ang pakiramdam na iyon, dahil ginawa na rin sa akin iyon ni mommy recently.

“Ikaw, Gab... I never knew your story. Bakit bigla ka na lang napunta kay Tito Ronald?” tanong niya sa akin matapos ang nakakailang na katahimikan. Hindi ko na napansin na hindi ko pa nagagalaw ng mabuti ang pagkain ko, dahil sa mga napag-usapan namin. Nevertheless, sinagot ko ang tanong niya. Tama lamang iyon dahil sinagot niya ang tanong ko.

“Nakakatawa, actually. My mom kicked me out of the house... because she doesn’t support me uh, with my preference. Hindi ko akalaing mangyayari ‘yon, but boom! Here we are.” sagot ko sa kanya. “But napabuti na rin na napalipat ako kay daddy. It’s nice to finally know him... how good he really is after all these years. Masaya na rin ako. Mabait silang lahat, and tinatrato nila akong pamilya.” dagdag ko.

“Kumain ka na nga lang. Nalulungkot ka na naman, eh. Heto salad oh.” natatawang pahayag niya habang nilalagyan ng gulay ang plato ko. Alam kong dahilan lamang niya iyon para maiba ang usapan na siyang ikinatuwa ko sa kanya.

Matapos naming kumain ay pumunta siya sa ref at naglabas ng isang bote ng alak. “Ayos lang?” tanong niya. Tumango naman ako at kumuha ng baso sa kusina.

--

Makalipas ang isang oras ay nararamdaman ko na ang tama ng alak sa sistema ko. Nararamdaman ko na ang init sa loob ng katawan ko, ngunit hindi ko pa naman masasabing lasing na ako. Medyo mabigat lamang ang pakiramdam ko, pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Nang sipatin ko si Justin ay napansin kong may malalim siyang iniisip na parang bumabagabag sa kanya. Nag-alala naman ako, dahil baka may problema siyang gusto niyang ilabas sa iba. At bilang kaibigan, gusto kong makatulong sa kanya kahit papaano.

“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya.

“Gab, na-experience mo na ba magmahal ng tao na ngayon mo pa lang nakilala? Na kahit alam mong marami ka pang hindi alam sa kanya, for some unexplainable reason na kahit ikaw hindi mo alam, mahal mo na agad ‘yung tao?” tanong niya.

Oh. Buhay pag-ibig pala ang problema niya.

“Hmmm, hindi pa naman. Why?” sagot ko. Totoong hindi pa ako nakakaranas ng ganoong klaseng attraction sa isang tao na lumalim hanggang maging pagmamahal iyon. Palagi akong nahuhulog sa mga taong matagal ko ng nakilala. Kaya usually dapat may prior bond muna kami ng dalawang tao bago tuluyang lumalim ang pagtingin ko dito.

Napailing siya bago magsalita.

“Ang hirap kasi, tapos idagdag mo pa na kailangan kong i-adjust ‘tong sarili ko. Damn, I don’t know why, but one day nagising na lang ako tapos na-realize ko sa sarili ko na mahal ko pala siya.”

Wala akong naisagot. Ngunit nagtaka ako tungkol sa sinabi niyang pag-aadjust.

“And it frustrates me na malabong magustuhan din ako ng taong iyon dahil nga hindi pa niya ako gaanong kilala. Kaya nga ginagawa ko lahat para makilala pa niya ako, eh.”

“I think you’re doing the right thing. Dapat nga makilala ka muna niya.” sagot ko sa kanya.

“Really?” pagsisiguro niya na siyang tinanguan ko.

“Thanks.” sabi niya bago lumagok muli ng alak sa baso.

“Hmmm, ano na bang mga effort na ginawa mo?” tanong ko.

“Uhm. First, hinahatid ko siya sa school everyday. Tapos dinadalhan ko siya ng lunch, tinetext palagi... and now, dinala ko siya dito sa lugar na ‘to, na kaming dalawa lang, kasalukuyang umiinom. Ako ngayon parang gago na umaamin sa harap niya.” pahayag niya na siyang sinundan niya ng isang mapait na tawa.

...

It took me a while bago magsink-in sa akin ang mga sinabi niya. Nang marealize ko ang punto niya ay hindi na napigilang manlaki ng dalawang mga mata ko.

“J-jjustin?” ang tanging nasabi ko na lang.

Bigla niyang hinampas ang lamesa gamit ang isang palad niya at hinablot ang mga kamay ko. Tiningnan niya muna ako ng diretso sa mga mata ko. Hindi ako makapag-react at tila isa akong estatwang nakapako sa lupa dahil sa mga narinig ko sa kanya.

“Screw this. Gab, H-hindi ko na alam ang gagawin ko. This feeling in my chest, it’s just too overwhelming for me to ignore! Hindi ko na kaya na nakikita at nakakasama kita araw-araw knowing na kaibigan lang kita. G—gab, look... I like you! Oo, gusto kita! Hindi ko alam kung mahal na ba kita, o ano... pero papunta na ako doon, and sigurado ako doon.  At wala akong pakialam kung sabihin mo sa akin na lalaki ako, na masyado pang maaga... Gab, I just want to be honest with you. Ito ang nararamdaman ko, Gab. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko kapag hindi mo pa iyon malaman. Gab... please give me a chance.” salaysay niya. Halata sa kanya ang pagpa-panic habang inaamin niya sa akin ang mga sinabi niya sa akin.

Nanatili pa rin akong tuod sa kinalalagyan ko, dahil pilit kong inaabsorb ang mga narinig ko mula sa kanya. Ewan ko, pero magpapakatotoo ako. Mabait si Justin, pero hindi ko siya mahal... siguro may mga pagkakataong nagugustuhan ko ang mga ginagawa niya, ang physical appearance niya, pero pagmamahal? Wala pa talaga. To be fair, ever since Josh and I fell out, wala pa talaga akong minahal na kahit sino.

“Gab, say something. Please.” pagmamakaawa niya, hawak-hawak pa rin ang dalawang kamay ko.

--

“Trisha, say something. Ano bang gagawin ko?” iritang tanong ko kay Trisha, dahil ang tagal niyang natahimik matapos ang salaysay ko. “Anong sinabi mo after that?” buntong-hininga niya. “Knowing you, gagawa ka ng something to screw it up.” dagdag niya. “Uhm... naglakad ako palayo. Sabi ko lasing siya at dapat umuwi na kami bukas ng umaga.” ingat kong sagot kay Trisha, dahil sa pagkakilala ko sa kanya, siguradong bubulyawan niya ako ng kung anu-ano matapos noon.

At mukhang tama nga ang hinala ko.

“What?! The fuck, Gabby?! You could’ve at least been more considerate! Binuhos na nung tao sa’yo ‘yung puso niya, Gab! Tapos bigla ka na lang aalis at babaliwalain siya. Sana sinubukan mo man lang magreason out sa kanya. Or icomfort siya, kasi what he did was honestly not easy. Pero instead, you walked away! Ang galing talaga! If you were him, hindi ba masasaktan ka? Kung ayaw mo sa kanya... Wait, oo nga noh? Gab, be honest. Anong nararamdaman mo para kay Justin?” tanong niya matapos ang nakakatakot niyang lecture sa akin.

“Honestly? Wala. You know me, Trish. I don’t force myself to like somebody. Bigla na lang dadating iyon sa akin. And I didn’t expect him to like me sa ganoong paraan. Siguro I had my guard up, thinking that if ever the time comes, kapag naging close kami, that I should not like this person. Siguro iyon ang dahilan kung bakit wala akong maramdaman para sa kanya.” sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

“Okay... But Gab? Don’t you think it’s time?” si Trisha.

“Time para?” takang tanong ko.

“To finally let yourself be with someone you deserve! Kailan ka huling nagka-girlfriend? Senior high school?! Boyfriend? Never! Two years na ang nakakalipas ever since you’ve been in a relationship, Gab. I think you deserve to be in a relationship. Also—“

“Hey, niligawan kita noon. Hanggang ngayon tayo pa dapat if hindi mo ako binasted.” natatawang komento ko sa kanya, panandaliang nakalimutan ang kasalukuyang sitwasyon ko. Alam ko ngayon ay namumula na siya matapos niyang marinig ang sinabi ko.

“Shut up! Huwag mo ng ungkatin ‘yon. Ang awkward! Anyway, wala rin namang problema sa family mo for sure, since alam na nila ‘yung preference mo to begin with. And Gabby, this time for sure it’s not unrequited love! This time, alam mong mahal ka na noong tao... ang “oo” mo na lang ang kulang.”

Napatahimik ako ng sinabi niya. Sadyang napaisip ako, dahil nakikita ko ang punto ni Trisha.

“See? I know what you’re thinking. At least now napapaisip ka na. Gabby, I think ang dapat mong gawin is just to go with the flow. Tell Justin that you’re willing to try this out, pero huwag mo siyang paasahin. Make it clear na wala dapat siyang i-expect from you if kasi it might not work out, or baka naman hindi mo talaga siya kayang mahalin after you try. Just give him the chance. Wala namang mawawala sa’yo, Gabby.” pagrarason niya.

“I’ll think about it.” sagot ko sa kanya.

“You better do. Anyway, thanks for telling me. I really appreciate this. I gotta go. Talk to you later, Gabby. Get some sleep. Bye.” pamamaalam niya.

“Bye, Trish.” sabi ko bago i-end ang tawag.


--

Itutuloy...

4 comments:

  1. nakakabitin naman, pero nasagot naman yung tanong sa last chapter. love naba talaga ni justine si gab or ginagawa nya ito na may dahilan? feling ko kasi parang may nakaraan si caleb at justine. Masaya to, parang gamitan ang mangyayari. KAsi wala nmn palang feelings si gab kay justine. Pakiramdam ko si justine at gab parehong magkukunyari. Dahil si caleb ang pareho nilang gusto haha.

    bharu

    ReplyDelete
  2. I like ur idea bharu na c Caleb ang gusto nila hehe. Bitin but nice ang pagkkrelate sa flashback. Sana mkapagdecsion c Gab ng ayos. Tnx sa update.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  3. Sir kayo rin po ba ung A. Lim sa wordpress ni sir lui?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup. Sobrang idol ko si Lui. Hooked na hooked ako sa Shufflin'. :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails