Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
Email: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com
Just comment if you find some errors in the story. Thanks....
(Andrew POV)
"Talaga?" ang agad kong tanong sa kanya.
"Yes. Actually marami nang naikwento ang isa kong friend sayo."
"Ha! Eh sinong friend naman iyon?"
"You dont remember your bestfriend Lui?"
"Si Lui?"
Susundan ko pa sana ng tanong iyon nang biglang dumating ang aming professor.
Pagkatapos ng unang klase ay sabay kaming lumabas ng taong nagpakilalang si Henry.
"Saan ang susunod mong klase?" ang tanong niya sa akin.
"Doon
sa taas." ang tugon ko sa kanya. "Pero mamaya pa yun mga 11am." Bigla
ko namang naalala ang sinabi niya sa akin kanina. "Teka nga tatanong ko
lang ulit kung paano mo ako nakilala?"
"Si Lui. Natatandaan mo ba
nung minsang pumunta ka sa Tondo noon, nasa tindahan ka pa nga habang
kumakain nang biglang tumabi sayo si Lui, Natatanaw kita mula sa
kabilang kanto. Nandoon kami noon nagpapahinga dahil katatapos lang
naming magbasketball. Nung umalis ka saka ko siya tinanong tungkol
sayo."
Kahit papaano ay naging malinaw sa akin ang
lahat. Naalala ko si Lui. Nagpalitan pala kami ng mga numero ngunit
hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap.
"Kinuha ko na rin pala ang number mo sa kanya. Kung may magtext man sayo na unknown number, ako na iyon."
Nahiwagaan ako sa taong kasama ko ngayon dahil sa ibinibigay niyang atensyon sa akin.
"Siyanga pala Andrew, ilan pala ang mga subjects mo sa araw na ito?"
"Anim lang, graduating na kasi ako next year."
"Really? Nice. Ako kasi mga 2 years pa."
"Ah... ok"
"Tara upo muna tayo para makapag-usap." ang yaya niya sa akin.
Umupo
kami sa may batuhan malapit sa isang puno. At doon ay nagsimula na
siyang magkwento tungkol sa kanyang sarili. Nalaman kong nakatira pala
sila malapit lang doon sa tinitirahan nila Lui, isa sa mga bagong
nakatayong bahay nakita ko noon. Mas matanda ako sa kanya ng 1 taon at
pareho ang kinukuha naming kurso ngunit magkaklase lang kami sa dalawang
subjects.
"Paano kayo nagkakilala ni Lui?" ang sunod kong tanong sa kanya.
"Actually
nagkakilala lang kami nung minsang sumali siya ng laro namin ng
basketball. Kaunting usap-usap ayun naging magkaibigan na."
"Ah..."
"Ikaw naman ang magkwento..."
"Ano naman ang gusto mong malaman?"
"Marami
nang naikwento sakin si Lui tungkol sayo. Magkababata daw kayo at base
sa kanyang mga sinabi na mabait ka. At ngayon masasabi kong totoo pala
iyon."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba maaga pa para sabihin mo yan, ngayon pa lang kaya tayo nagkakilala."
"Ano
ba ang ginagawa mo ngayon? Hindi ba nakikipag-usap ka na sa akin. Kahit
pa na kakakilala pa lang natin ay naging maayos na ang pakikitungo mo.
Kung hindi ka mabait, hindi mo ako papansinin."
Sa isip-isip ko ay may punto siya.
"Sige na Andrew, magkuwento ka pa tungkol sayo."
"Interesado ka talaga ha?"
"Siyempre naman, di ba friends na tayo?"
"Friends agad!"
Oo naman, ayaw mo ba nun, sa unang pasok mo may bago kang kaibigan."
Sa
loob ko ay masaya ako dahil sa bago kong kakilala sa aking pagbabalik.
Kahit papaano ay may makakausap na ako habang narito sa campus.
"Alam
mo bang nag-aral na ako dito dati. Ngunit nagkaroon ng problema kaya
lumipat kami sa probinsya ng aking ina." Sa pagsasabi ko nito ay muling
bumalik sa aking alaala ang mga nangyari sa akin noon.
"Ah... So ano ang nagtulak sayo para bumalik ulit dito?"
"Una
akong nakapasok dito dahil sa scholarship. At gaya nga ng nasabi ko
kanina, dahil sa isang problema ay natanggal ako. At ngayon ay may taong
nagpapaaral ulit sa akin. Doon kami nakatira ngayon ni nanay sa kanya."
Hanggang doon na lang ang sinabi ko baka malaman pa niya ang tungkol sa
ugnayan namin ng taong tinutukoy ko.
"Kung ganoon ay
maswerte ka. At least nabigyan ka ulit ng chance na makapag-aral. Ang
bait din pala sayo ng taong ito ha dahil pinatira pa kayo sa bahay niya
right?"
"Tama ka mabait nga siya sa aking pamilya."
"Thats good. Kaya dapat ipakita mo sa kanya na nagpupursige ka at makatapos. Para naman sulit ang pagpapaaral niya sayo."
"Oo nga, at yan rin ang pangako ko kay nanay."
Inabot
ng halos dalawang oras ang aming pag-uusap. Bago kami maghiwalay ay
sinabi niyang magpapadala na lang siya ng text sa akin.
"Sasabihin
ko rin kay Lui na nagkausap na tayo. Im sure matutuwa yang kababata mo.
I hope makapagbonding tayong tatlo next time."
"Sure. Basta available ako. Sige Punta na ako sa next class ko."
"Ok. Kita-kits na lang next time tol."
_____________
"Hows your first day?" ang tanong niya sa akin habang nagmamaneho.
"Ayos lang. Medyo naninibago lang ako dahil mga block sections ang napapasukan ko."
"Talaga."
"Oo.
Hindi ko nga naiwasang pagkumparahin yung unang pasok ko noon saka
ngayon. Alam mo ba napansin kong mas naging maayos na ngayon ang campus
di tulad noon na.... na meron mga taong nagsisiga-sigaan at nambubully."
"Grabe ka talaga Andrew, ako na naman.... Good boy na nga ako di ba hmmmpppp!"
Natawa naman ako nang makita ang reaksyon sa kanyang mukha. Para siyang batang nagtatampo.
"Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang tingin mo sa akin...." ang kanyang pagpapatuloy.
"Oh
sorry na...wala naman akong ibig sabihin doon eh." ang nasabi ko na
lang sabay patong ng kamay ko sa kanyang balikat. Sa puntong iyon ay
napatingin siya sa akin at nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha sabay
lingon sa aking kamay.
Ako man ay nagulat sa aking
nagawa. Unang pagkakataon ko kasing gawin ulit ang bagay na iyon simula
nang magkita kami. Agad kong tinanggal ang kamay kong iyon sa kanyang
balikat.
Sa nakikita ko ngayon sa kanya ay sobra ang
kanyang pagkakangiti. Hanggang sa aming pag-uwi ng bahay ay ganoon pa
rin ang kanyang itsura.
Nahalata rin iyon ni nanay habang kumakain kami ng hapunan.
"Mukhang maganda ang naging araw mo ngayon Bryan ha..." ang pagpuna ni nanay sa kanya.
"Opo
nay...dahil naramdaman ko po ulit ang haplos ng mga kamay ni Andrew.
Grabe po para akong nakuryente. Mababaw man pero malaking bagay iyon sa
akin. Hinahawakan ko rin naman siya minsan sa kanyang braso pero iba ang
naging dating sa akin ng ginawa niya kanina..."
"Talaga. Ayos yan ah..." ang nakangiting pahayag ni nanay."
___________
Habang
nakahiga ay nagbabalik-tanaw ako sa mga nangyari sa buong araw na ito
pati na rin sa mga nakaraan. Noon ko lang napansin sa aking sarili na
napapalapit na pala ako kay Brya, parang nagsisimula nang gumaan ang
loob ko sa kanya. Nung una kasi kahit na tinulungan niya si nanay ay
medyo mailap pa rin ako sa kanya dahil sa mga nangyari noon.
Habang
nag-iisip ay kinuha ko sa aking cabinet ang isang bagay na may
mahalagang kaugnayan sa aking buhay pag-ibig... ang kwintas.
Doon
ko rin napagtanto kung bakit nasa akin pa rin ito hanggang ngayon sa
kabila ng mga masasakit na alaala sa taong nagbigay nito sa akin. Dahil
siguro na may nararamdaman pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
Habang
nakatitig dito ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Dina na bigyan ko
ulit ng pagkakataon si Bryan nang sa gayon ay lubos na akong magiging
masaya tulad ng sa kanila ni Elmer. Sa ngayon parang gusto ko na nga
gawin iyon pero may pumipigil pa rin sa akin, ang masaktan ulit pati na
rin ang mga taong may kaugnayan sa kanila tulad nina Sarah at kanilang
anak.
Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip nang biglang
tumunog ang aking cellphone at nang tignan ko ang screen nakita ko ang
pangalan ni Lui.
"Hey tol! Whats up?!"
"Ito ayos lang."
"Sorry dude kung ngayon lang ako tumawag ha."
"Ayos lang yun."
"By
the way kaya pala ako tumawag dahil makikibalita lang ako. What a
coincidence ha na magka schoolmate pala kayo ng katropa kong si Henry."
"Oo nga. Nasabi na rin niya sa akin na magkaibigan daw kayo."
"Ah.
Alam mo bang sobrang saya nitong kaibigan ko. Simula nang makita niya
tayong nag-usap noon sa tindahan dito, halos araw-araw ka na niyang
tinatanong sa akin."
"Talaga... Nakakapagtaka naman siya kung bakit ganoon siya sa akin."
Sa pagkakataong iyon ay natahimik siya saglit.
"Lui... Hello..."
"Yes tol nandito pa ako."
"Bakit natahimik ka yata?"
Ah wala... Mas maganda siguro kung siya na ang magsasabi sayo. Diba twice a week naman kayo magkikita."
"Ok." ang nasabi ko na lang bagamat nag-iisip pa rin ako.
"Sabi pala niya sa akin na pumayag ka daw na magbonding tayong tatlo minsan."
"Ah oo kapag may available akong oras."
"Good. So kailan ka ulit dadalaw dito?"
"Hmmmm.... Titignan ko baka mga next week. Tatawagan ko na lang kayo tol."
"Ok tol. Im sure na matutuwa nito si Henry. Oh siya baka may ginagawa ka pa see you next time."
"Salamat tol goodnight."
Matapos ang aming pag-uusap ay binalik ko na sa cabinet ang kwintas at humiga.
(Bryan POV)
Ang
magandang pakiramdam na nararamdaman ko ay biglang naglaho sa aking
narinig. Pupuntahan ko sana si Andrew sa kanilang silid nang marinig
kong may kausap siya sa kanyang cellphone. Kahit wala akong idea sa
sinasabi ng taong kanyang kausap, ay nararamdaman kong may kakaiba.
Lui...
Ito ang pangalang nakita ko sa cellphone ni Andrew nang minsang palihim
kong kinuha ang kanyang number. Sa mga oras na iyon ay parang
kinakabahan akong di ko maintindihan. At ngayon base sa takbo ng
kanilang pag-uusap ay may isa pang taong involved. Ngayon pa lang na
nagsisimula nang maging malapit ulit si Andrew sa kanya saka naman
papasok sa eksena ang mga taong iyon.
Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Ayaw kong mawala na sa akin ulit ang taong mahal ko. Dapat ayusin ko na ang mga bagay-bagay.
Isa
na riyan ang tungkol kay Sarah at sa aming anak. Hanggat maaari ay
hindi ako nagbabanggit sa kanya tungkol dito dahil alam kong
makakaapekto iyon sa kanya. Pero alam ko namang hindi mababago ang
katotohanan na may asawa at anak na ako.
Nitong
nakaraan lang ay dumalo ako sa birthday ng aking anak lingid sa kaalaman
nina Andrew at kanyang ina. Kahit papaano kasi ay hindi ko rin naman
matitiis na wala ako sa tabi ng aking anak. Ngunit hindi ibig sabihin
nito na mahal ko si Sarah. Kahit pa na kasal kami ay kaibigan lang
talaga ang turing ko sa kanya. Naroon lang ako para sa bata. Nung mga
panahong iyon ay wala pa silang alam sa pagtira nina Andrew sa aking
bahay. At inaasahan ko namang malalaman rin nila iyon.
Sa
puntong iyon habang naglalakad pabalik sa aking kwarto ay tuliro ang
aking isip. Sinisisi ko ang aking sarili sa lahat. Ginawa kong
kumplikado ang sitwasyon. Naguguluhan ako. Ayaw kong mawala sa akin si
Andrew, pero alam kong hindi niya matatanggap ang aking pagiging ama at
asawa ng ibang babae.
Gaya nga ng naisip ko kanina na
gagawa ako ng paraan Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. At the
same time ay natatakot ako sa magiging resulta, isa na riyan ang
mangyari ulit na iwan niya ako.
____________
Isang linggo
ang nakalipas, wala naman akong napapansing kakaiba kay Andrew. Magiliw
pa rin ang pakikitungo niya sa akin. May mga banat siyang biro sa akin
na sa halip ay ikagalit ay kinatutuwa ko pa dahil napapalagay na ang
loob niya sa akin.
Sa mga nagdaang araw ay hindi ako
nagtanong sa kanya tungkol Sa taong nagngangalang Lui pati na rin sa
isa pang pinag-uusapan nila. Hinhintay ko siyang mag-open tungkol sa
bagay na iyon.
At dahil sa kanya ako nakapokus
maliban sa aking trabaho ay hindi ko na nabigyan pa ng pansin sina Sarah
at aking anak. Biglaan akong pinuntahan ni Mama sa aking
pinagtatrabahuan.
"Ano na namang kabaliwang ginagawa mo
Bryan! Pinatira mo ang Andrew na iyon sa bahay mo. Mas pinili mo pa
sila kaysa sa iyong mag-ina. Mahiya ka naman sa pamilya ni Sarah." ang
agad na bungad niya sa akin.
Inaasahan ko namang malalaman rin niya iyon.
"Sabi ko naman sayo Ma na mahal ko si Andrew at hindi na iyon magbabago."
"Alam na ito ni Sarah. Anytime ay pupuntahan ka niya."
"At
ano naman ang gagawin niya. Ang kausapin ako na hiwalayan siya. Hindi
iyan mangyayari. At pwede ba Ma na tigilan mo na ako. May sarili na
akong buhay. Hindi na ako nakadepende sa inyo. Ako na ang magdedesisyon
sa aking sarili!"
"Talagang nagmana ka nga sa baklita
mong ama! Nalason na niya ang iyong isipan. I dont know kung bakit
dumadami ang mga tulad niya gayong wala silang kakayahang mag-anak."
Sa
puntong iyon ay nag-init na ang ulo ko dahil sa paglapastangan niya sa
taong kakampi ko at sumusuporta sa akin. Hindi ko napigilang kalampagin
ang mesa.
"Huwag mong idadamay si Papa dito."
"Aba!
Wala ka nang respeto! Iyan ba ang tinuro niya sayo. at bakit totoo
naman di ba. Kaya ko hiniwalayan ang ama mo dahil sa pagiging bakla
niya. Nakakahiya sa ating pamilya."
Hindi na ako nakatiis. "Pwede ba Ma umalis na kayo. Sige na please lang!" ang pagpipigil kong pahayag.
"Sige aalis ako pero hindi pa rin ako titgil. Itatama ko ang lahat. Gagawin ko ang nararapat."
Ang
pagbabantang iyon ng Mama ang nagpadagdag pa ng aking problema. Hindi
talaga siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam ko
na malaki ang magiging epekto nito sa amin ni Andrew. Napatakip na lang
ako ng mukha at nagbuntung-hininga sa pagtuliro ng aking isip.
Kahit
may problema ako ay hindi ko iyon pinahalata kay Andrew, bagkus ay mas
lalo pa akong nagpapasweet sa kanya. At sa nakikita ko ay masaya naman
siya.
Hanggang sa isang araw. Habang nasa biyahe ay may pinaalam si Andrew sa akin.
"Baka
gabihin ako ng uwi Bryan mamaya. May dadalawin lang akong kaibigan sa
dati naming tinarahan.Nagpaalam na rin ako kay nanay."
"Yung Lui ba ang tinutukoy mo?" ang tanong ko sa kanya.
"Kilala mo siya?"
"Ah hindi... Nabanggit lang siya ni nanay sa akin."
"Ok. Matagal din kaming hindi nagkita kaya magbonding lang kami."
"Sige
lang." ang malungkot kong tugon na hindi ko pinahalata. Ayaw kong
isipin niya na pinipigilan ko siya sa gusto niyang gawin kaya pumayag
ako. Hangad kong maging malaya ang taong mahal ko.
"Kung gusto mo pwede kang sumama."ang sunod niyang sinabi sa akin.
Medyo kinagulat ko naman ang kanyang alok.
"Okay lang ba sa inyo na sumama ako?"
"Sus... oo naman. Nabanggit ko rin kasi kay Henry na may taong tumutulong sa amin ni nanay at gusto kitang ipakilala sa kanila."
Ang
pagyaya niyang iyon ay pabor sa akin. Kaya pumayag na rin akong sumama
sa kanya, para na rin makita ko ang isa pang taong tinutukoy niya na
nagngangalang Henry."
Itutuloy....
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Naku pina-impressed mo naman ako Mr. Author,kaninang umaga lang sabi ko muntik ko na makalimutan ang akda mo pero ngayon may kasunod na agad. Wag mo na ulit kami bitinin pls :)
ReplyDeletewow! ang bilis ng update ah. thanks u po. eto na naman si mama, manggugulo na nmn sa nagsisimulang pagsasama nila andrew at bryan. tas eto pa yung lui at henry, papasok pa sa eksena. haist!
ReplyDeletebharu
nice may update agad. may panggulo n nman sa umaayos na relasyon ng dalawa. sana naman maging masaya na cna bryan at andrew. tnx daredevil.
ReplyDeleterandzmesia
echosera talaga ang mama ni bryan.. hahahahaha.. salamat sa update mr. author.. kahit natagalan.. keep it up.. God Bless!
ReplyDelete-arejay kerisawa
Hay finally may update na akala ko wala na toh e kahit yung ibang story na inaabangan ko mukhang pawala na rin pero buti nalang bumalik isa toh sa mga pinaka gusto kung story na sana maging okay na lahat at yung nanay ni brayan atrabida talaga ang sarap sampalin at imudmud sa carbonara hahaha pero exciting can't wait sa susunod again thanks for coming back and again kudos!
ReplyDeleteang galing talaga nito ganda much!! keep up the good work :)
ReplyDeleteSalamat mr author!
ReplyDelete?
ReplyDeleteCan't wait for the next chapter.
ReplyDeleteUnang una, salamat at nasundan/naipagpatuloy pa ang love story ni Bryan & Andrew! Yiiiii!!! Kala ko talaga hindi mo na ipagpapatuloy e! Ang ganda pa naman ng love story nila! Buti na lang Mr. Author at hindi mo pinakinggan yung mga taong hindi makapag antay! Kudos sayo! Sana lang e may pasabi ka Mr. Author kung masusundan pa... (enough for that) Sana masundan agad! Goodluck & Godbless! (:
ReplyDeletetagal ko din inintay to..... sana may update na... thanks po author
ReplyDeletesa 2014 na,naman cguro next update at 2015 ung susunod....
ReplyDeleteHi Dear Author. I just want you to know that there are people who appreciate and admire your work. I am a silent reader and this is the first time that I will leave a comment in a post in this blog. I am really hoping that you'll finish this story. You are one of the best authors in this blog, swear. Kahit na bago ka palang sa pagsusulat. Please take the negative criticisms as an inspiration to improve your work. But never ever stop writing beautiful stories dahil madaming nag-aabang. I'll be patiently waiting for updates. Kudos! Regards, Xavier
ReplyDeletekailan po kaya next update neto?
ReplyDeleteHays.... its already march na wala pa din update .... maganda sana ang flow ng story kaya lng mukhang wala ng mag uupdate nito nkkbitun .... sad :(((((
ReplyDeletenasan na po update. Lakas makabitin
ReplyDeleteWala parin ba matagal kong hinihintay to
ReplyDeleteAny update po?
ReplyDeletebkit wala pang update author? saan na ang chapter 12?
ReplyDelete-jc ferrero
Wala na pong update ito?
ReplyDeleteHay naku.. Bitin :(
ReplyDeleteAnyareee?! Kabitin! author naman eh :/
ReplyDeleteWala na update.. Tinigil na
ReplyDeleteWala parin bang update sa chapter 12-whatsoever na number ang storya na ito? Excited na ako sa mga mangyayari!!! Paki UPDATE na PLEASE LANG!!!!
ReplyDeleteAuthor please e update mo ang story sayang ang ganda kasi
ReplyDeletedear mr. author i dont know kung anung nangyari sayo pero sana dont let us hanging po ang sama lang po kc sa dibdib na inabangan mo ung buhay ni andrew but in the end d m alam kung anung nangyari i hope and pray na sana magkaruon k po ng inspirasyon para tapusin ang story thank you and more powers to come :)
ReplyDeleteWala pang update? Huhu any suggestion na magandang basahin?
ReplyDelete