Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 19]
By: Crayon
****Kyle****
9:26 am, Wednesday
July 08
Matapos
kumain ng agahan ay nagpaalam na ako kay Aki na magpapalit na ako ng
damit pampaligo. Hindi nakatulong ang aking excitement na pababain ang
aking kinain. Napasarap kasi ako ng kain sa hinaing fried danggit, itlog
na pula at tocino ni Manang Delia. Hindi malayong tumaba akong muli
kung mananatili kami sa islang iyon ng mahigit sa isang buwan.
Pagbalik
ko ng tree house ay agad kong hinubad ang aking suot na damit. Since
hindi ko alam na dagat pala ang pupuntahan namin ay nahirapan akong
mamili ng damit na susuotin. Maliban sa boxer shorts ko ay wala ako
halos maayos na short na maaring isuot para makalangoy ako ng maayos sa
dagat. Nag-settle na lamang ako sa isang gym short na dala ko. Mas
maayos naman iyon kumpara sa boxers na alam kong kakapit sa balat ko
oras na mabasa ng tubig.
Shit! Mangingitim ako nito... sabi
ko sa aking sarili ng mapagtantong wala akong dalang sunblock. Medyo
nainis ako na hindi ako sinabihan ni Aki tungkol sa aming pupuntahan,
hindi tuloy ako nakapaghanda ng maayos. Nagpasya na lang ako magsuot ng
sando at nagtungo na ako sa pinag-iwanan ko kay Aki.
"Bakit ganyan ang suot mo?", bungad na tanong sa akin ni Aki. Tila nanadya talaga ang isang ito.
"Wala
po kasi akong dalang maayos na pang-swimming.", sagot ko na pilit
tinatago ang pagkainis ko sa tanong niya. "Hindi ko po kasi alam na
dagat pala yung pupuntahan natin at may mga ganitong activities. Sorry
po sir.", hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng paumanhin. Marahil
ay nasanay lang ako na takot na makagalitan ni Aki.
"Silly,
hindi mo kelangan mag-sorry.", nakangiti nitong wika, tila natutuwa sa
itsura ko. Alam ko namang mukha akong tanga sa ayos ko. Buti na lamang
at wala masyadong turista sa lugar na iyon kaya kahit papano ay
nabawasan ang kahihiyan ko. "Dun sa cabinet ko may mga maayos na short,
pinagdala na kita. Nakalimutan ko kasi sabihin sayo na dagat yung
pupuntahan natin. Don't worry bago yun at di pa nagagamit. Nasa second
level nung cabinet, yung mga may price tag pa.", natatawang wika ni
Aki.
"Ok
po.", maiksi kong tugon dahil nakakaasar na babalik pa uli ako sa tree
house at magpapalit pero nagpapasalamat na din ako na hindi ko kailangan
magtiis sa suot kong mukha akong tanga. Tumalikod na ko kay Aki para
makapagpalit ulit nang muli itong magsalita.
"Kyle,
may sunblock din don kung gusto mo mag-apply medyo mataas na din ang
araw. Feel free to use it.", concerned nitong sabi. Tumango lang ako
bilang sagot.
Hindi
naman mapigilan ng puso ko ang bahagyang tumalon dahil sa pinakita
niyang concern. Naisip niya pa talagang ibili ako ng bagong shorts dahil
alam niyang hindi ko alam ang aming pupuntahan. Sweet.
Sweet mo muka mo! Assuming!, sigaw ng isang parte ng aking isip.
Agad
ko namang nakita ang tinuran ni Aki na shorts pagbalik ko sa aming
treehouse. Sakto naman sa akin ang sukat kaya nawala na ang kaninang
inis na nararamdaman ko. Pinili ko yung kulay green dahil iyon ang
paborito kong kulay. Nagpahid na din ako ng sunblock sa aking katawan.
Lalong
tumingkad ang kulay ng aking balat dahil sa paglalagay ng sun block.
Hindi ko mapigilang pagmasdan ang aking sarili sa full length mirror na
nakasabit sa haligi ng tree house. Tila naglagay ako ng body oil sa
katawan dahil nagmukhang define ang hugis ng aking muscles. Bahagya ko
pang ibinaba ang pagkakasuot ng aking shorts para lalong magmukhang
seksi. Napangisi na lamang ako sa taong nakatayo sa harap ng salamin.
Hindi mo aakalaing two years ago ay puno ng taba ang katawan ng taong
iyon. Sinuot ko rin ang dala kong shades para makadagdag sa aking
appeal.
Nang
makuntento ako ay bumaba na akong muli sa tree house at binalikan si
Aki. Inabutan ko siyang sumasakay sa isang balsa sa may pampang. Gawa sa
kawayan at malalaking pipe ang sahig ng balsa. May apat ring poste ng
kawayan na sumusuporta sa pawid na bubong para hindi ka mabilad sa init.
Nang
mapalingon si Aki sa aking direksyon ay tila naging bato ito at
nakatayo lamang na nakatitig sa akin habang bahagyang nakaawang ang
bibig. Napangiti ako sa reaksyon niya. Kung tutuusin ay ngayon niya pa
lang makikita ang bago kong katawan.
Huminga
naman ako ng malalim at sinubukan patigasin ang laman sa aking tiyan
para makita niya na may pandesal din ako sa tiyan. Naalala ko ang eksena
namin kaning umaga ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Nang makasakay ako ng balsa ay nakatitig pa din sa akin si Aki at nakabukas pa rin ang kanyang bibig.
"Naghihikab
ka din sir?", bati ko sa kanya habang pinipigilan ang matawa. Agad
naman niyang isinara ang kanyang bibig at tumalikod sa akin.
Napahagikgik naman ako.
Gamit
ang isang mahabang kawayan ay itinulak na ng bangkero ang balsa palayo
sa pampang at pinaandar na ang makina. Tahimik lang si Aki at nang
lingunin ko siya ay bahagya pang namumula ang kanyang mukha.
Mataas
ang sikat nang araw. Kalmado ang dagat at halos hindi ko ramdam ang
alon hindi tulad kahapon. Sa kalayuan ay tanaw ko ang bangka ng mga
mangingisda. Mahina ang ihip ng hangin at napapalibutan kami ng mga
maliliit na isla na hitik sa mga puno. Napakagandang tanawin.
Nakarinig
ako ng shutter ng camera kaya napalingon ako sa aking likuran. Tahimik
na kumukuha ng mga litrato si Aki sa dala niyang slr na camera. Hindi ko
alam na mahilig pala siya sa photography. Humakbang ako palayo para
hindi ko matakpan ang scene na kinukuhanan niya.
"No.
Don't move, its perfect. Just stay there, please.", mahinang sabi ni
Aki ng gumalaw ako. Parang napaka-sensual ng kanyang pagsasalita
atbramdam ko ang himig ng pagsusumamo sa kanyang boses.
****Aki****
10:16 am, Wednesday
July 08
Salamat
sa lente ng aking camera malaya kong nakukuhanan ang magandang tanawin
sa aking harapan. Malaya kong napagmamasdan ang taong kay tagal ko ng
minamahal ng hindi nahihiya.
Gusto
kong tumalon na lang sa dagat kanina nang mahuli niya akong nakatitig
sa kanya habang nakanganga. Nang makita ko muli si Kyle makalipas ang
dalawang taon ay nagulat ako sa malaking pagbabago ng kanyang itsura.
Halatang tumangkad siya at nawala ang taba sa katawan. Gayunpaman ay
hindi nawala ang charm niya na unang pumukaw sa aking atensyon.
Kanina
habang naglalakad siya sa buhanginan papunta sa balsa ay hindi ko
mapigilang mapanganga sa aking nakita. Alam kong hindi na siya mataba
pero hindi ko akalain na ganito na siya ka-sexy. Tumingkad ang kulay
niya sa suot niya green na shorts. Tila kagagaling lang niya sa
pagwo-work out dahil sobrang define ang hugis ng kanyang muscle. Proud
chest, muscled arms, washboard abs. Lalo pang nakadagdag sa angas niya
ang suot niyang shades. I had to convince myself several times that i am
looking at Kyle.
Ngayon ay malaya ko muli siyang napagmamasdan sa likod ng aking camera. HOT.
Naputol
ang aking pag-iisip ng huminto ang sinasakyan naming balsa. Malayo na
kami sa pampang. Ibinaba ko na ang aking camera at tiningnan ang dagat.
Mahina lamang ang mga alon at nakakahalina ang malinaw na tubig ng dagat
kita ko ang mga corals sa ilalim nito at ang maliliit na isdang
lumalangoy sa paligid nito.
"Sir,
eto po yung goggles niyo tsaka pang-snorkle niyo. Magsuot na din po
kayo ng life vest para safe.", wika sa akin nung kasama ng bangkero.
Agad naman kaming nagsuot ng life vest ni Kyle. Kita sa mata nito ang excitement habang sinusuot ang goggles sa kanyang ulo.
"Ready?", masigla kong tanong kay Kyle. Tumango naman ito.
Nauna
na akong tumalon sa dagat. Kahit na mataas na ang sikat ng araw ay
malamig pa rin ang tubig. Hinihintay kong sumunod si Kyle na tumalon
pero nanatili lamang itong nakatayo sa may gilid ng balsa. Naalala ko
ang pagkabalisa niya nung sumakay kami ng bangka patungo sa isla, naisip
ko na baka may trauma pa ito sa tubig dahil sa pagkalunod nito nung
outing ng kumpanya.
"Wala namang shark dito di ba?", parang bata nitong tanong. Hindi ko na mapigilang matawa ng malakas.
"Hahaha
sira. Tara na! Akong bahala sayo, hindi kita ipapakagat sa shark.",
wika ko sabay kindat. Bahagya naman siyang napangiti saka tumalon sa
dagat.
Nang
nasa dagat na siya ay para siyang isdang kawag ng kawag, matatawa na
sana akong muli ngunit nakita ko ang panic sa mukha ni Kyle.
"Shit! Aki lulubog ata ako.", bakas na ang takot sa boses niya kaya agad na akong lumangoy palapit sa kanya.
"Calm down Kyle.", wika ko sa kanya.
"Shit!",
muling mura nito habang walang tigil sa pagkawag. Sa itsura niya ay
hindi naman siya mukhang malulunod dahil maayos namang nakasuot sa kanya
ang life vest. Mukhang may trauma pa din siya sa pagkalunod kaya ganito
na lamang ang pagpapanic niya. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng
guilt.
Nang makalapit ako kay Kyle ay agad ko siyang niyakap para matigil ang pagkakawag niya.
"Calm
down. I got you now. You're wearing a life vest remember? Hindi ka
malulunod.", bulong ko sa kanya habang tangan ko siya sa aking bisig.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkapit niya sa aking leeg.
Naramdaman
ko ang mga matang nakatingin sa amin kaya napabaling ang aking tingin
sa may balsa at nakita kong nakatitig sa amin yung isa sa kasama namin
sa balsa. Sinuklian ko naman iyon ng isang nagbabantang tingin at agad
namang tumalikod yung lalaki.
Ramdam
ko ang mabilis na paghinga ni Kyle. Hinayaan ko lamang siya na kumapit
sa aking leeg habang nakayuko. Hinigpitan ko na lang ang pagyakap sa
kanya para kumalma siya.
"Gusto
mo bang bumalik na lang tayo sa island?", nag-aalala ko nang tanong.
Ayaw ko naman na patindihin pa ang kanyang nararamdaman na takot baka
tuluyan na niyang hindi ma-overcome ang trauma niya sa pagkalunod.
Umiling
lang siya bilang sagot. Makalipas ang halos sampung minuto ay kumalas
na mula sa pagkakayakap sa akin si Kyle. Mas kalmado na siya at hindi na
nagkaka-kawag pero mahigpit pa din ang kapit niya sa aking braso.
"Balik na tayo?", tanong kong muli.
"No. Sayang naman andito na tayo eh.", medyo nag-aalangan niyang sagot.
"Sigurado ka ba? Pwede namang next time na lang tayo mag-snorkling."
"Kaya
ko na, salamat.", sagot ni Kyle. Dahan-dahan na akong lumayo sa kanya
dahil baka naa-awkwardan na siya sa aming pagkakalapit. "Aki! Huwag mo
akong bitawan. Please....", alarmang sagot nito habang hinihigpitan ang
hawak sa aking braso.
"No. Not again. Hindi na uli kita bibitawan.", malaman kong sagot.
"Salamat.",sagot ni Kyle. Pinagsalikop ko ang aming mga kamay at mahigpit siyang hinawakan.
"Ayusin mo na yung goggles mo, baka magtampo na yung mga isda at corals kung puro ako lang ang titingnan mo.", biro ko kay Kyle.
"Hahaha, sige.", natatawang sang-ayon ni Kyle.
****Kyle****
10:46 am, Wednesday
July 08
Magka-hawak
kamay kaming lumangoy ni Aki, para kaming magsing-irog na
nagsno-snorkling. Nagpapasalamat ako na kasama ko siya kanina. Hindi ko
akalaing magkakaroon ako ng ganung katinding trauma dahil sa pagkalunod
ko. Mabuti na lamang at na-overcome ko ang panic ko at hindi niya ako
pinagtawanan kanina.
Nakatulong
ang magandang tanawin sa ilalim ng tubig para mawala ang takot ko.
Hindi man kasing-ganda ng mga kilalang diving spot ay nahalina pa din
ako sa aking mga nakita. Hindi naman kasi ako madalas magpunta sa dagat
at ito ang first time ko mag-snorkling kaya na-amaze ako sa aking mga
nakita. Ang mga isdang lumalangoy sa paligid ng mga corals, kumpol ng
mga sea urchins, at mga starfish sa sahig ng karagatan.
May
isang oras din kaming nasa dagat bago kami bumalik sa isla. Habang nasa
balsa ay tahimik lamang akong nakaupo sa gilid ng balsa habang umaandar
kami. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga ginawa ko kanina.
Batid ko kung gaano kahigpit ang naging yakap ko kanina kay Aki at ang magkahawak naming kamay habang lumalangoy.
"Are you okay?", tanong sa akin ni Aki habang umuupo sa tabi ko.
"Yeah,
im good. Medyo napagod lang sir.", naisip kong maging pormal na uli.
Masyado ko na ata ginagawang komportable ang sarili ko kay Aki.
Nakakalimutan kong boss ko nga pala siya at ayaw kong may masabi pa siya
sa akin.
"Wala
naman tayo sa office, wag mo muna ako tawaging sir. Kaninang nagpapanic
ka hindi mo naman ako tinatawag na sir eh. Aki na lang."
"Sorry po kanina. Tsaka salamat na din sa tulong.", nahihiya kong tugon.
"Ngayon naman pino-po mo ko. Ganun na ba ako katanda?", natatawa nitong sabi.
"Sorry po.", naguguluhan kong sabi. Hindi ko na naman kasi maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.
"Ang
kulit mo talaga no?", natatawa nitong sabi sabay gulo sa buhok ko.
Napatanga na lamang ako sa kanyang ginawa. Hindi ma-proseso ng utak ko
ang mga kinikilos niya, parang kailan lang ay maya't-maya niya akong
sinisigawan tapos ngayon ay tila gusto niyang makipagkulitan sa akin.
Tila nahiya naman si Aki sa kanyang ginawa ng walang makuhang reaksyon mula sa akin. Napayuko na lamang siya.
"Uhmmm
Kyle....", bulong niya. "I know we're not really in good terms right
now, and i know it is too much for me to ask, pero kung pwede sana, kung
posible,", ramdam ko ang pag-aalinlangan niya, para bang nakalunok siya
ng bato at nahihirapang magsalita.
"...
let's try to be friends again like how we are before. Before things got
so complicated. Nami-miss ko lang talaga yung Kyle na katawanan ko non.
Let's be friends again at least while we are on this island.", kita ko
ang sinseridad sa kanyang mga sinasabi.
"But i would understand if you can't do that, i was just hoping that------"
"Ok
lang. That will work.", agad kong sagot. Parang hindi dumaan sa utak ko
yung desisyon na iyon at awtomatikong sinabi ng bibig ko ang gustong
mangyari ng puso ko.
Puso?, usig ng aking isip.
"Thank you Kyle.", sabi ni Aki habang nakangiti di lamang ang kanyang labi kundi maging ang kanyang mga mata.
Nang
makarating kami ng isla ay pinayuhan kami ni Manang Delia na magbanlaw
na para makakain na kami ng pananghalian. Ilang oras pa lamang mula ng
mag-almusal kami pero hindi ko maitatangging nagugutom na muli ako.
Idagdag pa ang excitement sa pag-iisip kung anu ang ihahaing ulam nila
Manang.
Sabay
kaming bumalik sa treehouse ni Aki para makakuha ng gamit pampaligo.
Hindi pa kami masyadong nag-uusap mula ng bumaba kami sa balsang
sinasakyan namin kanina. Kahit na nagkasundo kaming kalimutan ang mga
di magandang nangyari sa amin noon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng
awkwardness.
Una
ay dahil sa hindi ko alam kung paano ba dapat ang aking maging approach
ko sa kanya. Sa tagal naming hindi nagkita at nagkausap ay napakaraming
pagbabago sa ugali ni Aki. Hindi ko sigurado kung may natitira pa dun
sa aking kilala ko noon.
Pangalawa
ay pinipigilan ako ng isip ko na maging komportable o malapit muli kay
Aki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na buwan ay parang ang hirap
magtiwala. Ayaw ko naman na masaktan, mapahiya, o umasa sa kung anuman
mula kay Aki.
'Iyan
ang nagbibigay sa'yo ng problema Kyle. Hindi ka marunong magtiwala. You
have a very little understanding of the word trust.' , biglang wika sa isip ko ng boses ni Alvin. Tanda ko ang pagkakataon na kinomfort niya ako ng minsan kaming mag-inuman.
Hindi ko mapigilang mapabuntung hininga sa aking mga iniisip.
"Okay ka lang?", biglang sabi sa akin ni Aki, marahil ay napansin nito ang malalim kong paghinga.
"Medyo
gininaw lang ako bigla. Tara, bilisan na natin para makapagbanlaw na
tayo.", ngumiti lamang si Aki bilang sagot. Dapat ko bang pagkatiwalaan
ang mga ngiting iyon? Dapat bang bigyan ko pa ng chance muli ang taong
ito?
Matapos
kunin ang aming mga gamit ay nagtungo kami ni Aki sa itinurong paliguan
ni Manang delia. Katulad ng sabi nito ay wala pang maayos na water
supply ang isla maliban sa dalawa nilang poso na ginagamit nila sa
paliligo.
"Sige na maligo ka na. Ako na muna ang mag-ooperate nitong poso.", nakangiting sabi ni Aki.
"Sigurado
ka?", hindi ko mapigilang mag-alinlangan dahil hindi ako sigurado kung
marunong siyang mag-igib. Laking Maynila kasi siya at mula sa may kayang
pamilya. Hindi ko alam kung nasubukan niya na ba dati ang gumamit ng
poso o ito ang unang beses na makakahawak siya ng poso.
"Hindi
na, ako na ang mag-iigib para sa atin.", agad kong dagdag. Since sa
Bulacan naman ako lumaki ay sanay akong makakita ng mga poso lalo na sa
mga lumang bahay gaya ng sa lola ko. Tanda ko pa kung paano kami maglaro
ng mga pinsan ko noon sa may poso.
"Kuleeeeet!
Hahaha wala ka bang tiwala dito?", natatawa niyang sagot sabay flex ng
kanyang braso para ipakita sa akin kung gaano kalaki ang mga muscle
doon.
Napailing
na lamang ako sa kanya at hinayaan siya na mag-igib. Inayos ko ang
timba at itinapat sa bibig nung poso. Sinimulan ni Aki na mag-pump ng
tubig pero walang lumabas na tubig. Kita ko ang pagtatakang rumehistro
sa mukha niya ng mapagtantong walang lumalabas na tubig mula sa poso.
Sinubukan muli nitong mag-pump at sinamahan pa niya ng dagdag na pwersa
sa pag-asang may lalabas na tubig para hindi siya mapahiya. Ngunit tulo
lamang ang lumabas mula sa bibig ng poso.
Hindi
ko na mapigilang matawa sa nangyari. Bakas na kasi ang pagkairita sa
mukha ni Aki habang iniinspeksyon ang nguso ng poso. Sa hula ko ay uhaw
yung poso kaya wala pa masyado lumalabas na tubig. Inismiran naman ako
ni Aki ng mapansin akong humahagikgik sa isang tabi.
"Ako na kasi.", pagprepresinta ko.
"Kaya
ko 'to. Sira lang ata talaga tong posong to eh.", naiinis niyang sabi.
Bumalik siya sa hawakan ng poso at muling nag-pump ng ubod ng lakas.
Nang wala muling lumabas na tubig ay paulit-ulit nitong pinump ang poso
ng mabilis dahil sa pagkainis.
Lalo lamang akong natawa sa pinaggagawa niya. Lumapit na ako sa kanya bago pa niya masira yung poso.
"Tawagin na natin si Manang Delia, sira naman 'tong poso nila eh.", naiinis na wika ni Aki.
"Ganito
kasi.", sabi ko. Tinakpan ko ng aking kamay ang bibig ng poso at saka
siya sinabihang mag-pump habang nakaharang ang kamay ko sa bibig ng
poso. Nang maramdaman ko na ang agos ng tubig ay tinanggal ko na ang
aking kamay at saka tumulo ang mas malakas na agos ng tubig patungo sa
timba.
"Wow! Ang galing ah! Expert!", parang batang papuri ni Aki sa akin. Napailing na lang ako sa kainosentihan niya.
Nang mapuno niya ang dalawang timba ay sabay na kaming naligo. Nang maubos ang laman ng mga timba ay ako naman ang nag-igib.
"Huwag
mo kayang paglaruan yung tubig?!",medyo naiinis kong sabi ng mapansin
kong nanandya si Aki na mabilis ubusin yung naiigib ko.
"Hahaha nahihilam kaya ako.", pagdepensa nito pero alam kong nagsisinungaling lang siya dahil wala naman siyang bula sa mukha.
"Ah okay!", sarkastiko kong sabi sabay dakot ng naipong bula mula sa buhok ko saka ko ipinahid sa mukha ni Aki.
"Hoy ano ba!?! Oy!?!", protesta nito habang nagpapanambuno kami sa pagpapahiran ng bula sa mukha.
"Kyle!
Tama na nahihilam na ako... Awww! Arggh!", mukha nahilam na talaga siya
kaya lalong lumakas ang tawa ko dahil mukha siyang batang paslit na
natataranta dahil nahihilam ang mata.
Natigil
lamang ang aking tawa ng biglang may sumaboy na maraming tubig sa mukha
ko. Napalitan ng pag-ubo yung tawa ko dahil may pumasok na tubig sa
ilong ko.
"Hahahaha
sige tawa pa...", tawa-tawang sabi sa akin ni Aki. Nang linguni ko
siya ay tangan pa niya ang isang timba na ginamit niya para sabuyan ako
ng tubig.
Nang maka-recover ako mula sa pag-ubo ay kinuha ko yung isang timbang puno ng tubig at ubod ng lakas na sinabuyan siya ng tubig.
"Ah!
Gumaganti ka!", uubo-ubong sabi ni Aki. Naglakad ito palayo dala ang
timba at pumunta sa isa pang poso na medyo malapit sa amin at nag-igib
ng tubig. Nang mapagtanto ang kanyang binabalak ay mabilis din akong
nag-igib sa aking poso.
Maya-maya
ay naghahabulan kami ni Aki, kapwa may tangang timba at tabo na
ginagamit namin para sabuyan ng tubig ang isa't-isa. Malakas ang tawanan
namin habang para kaming mga batang naglalaro ng basaan sa mabuhanging
islang iyon.
Natigil lang ang aming kasiyahan ng lumabas si Manang Delia mula sa kubo nito.
"Ay
Diyos ko ang mga batang ito oh! Baka mabasa ninyo yung sinampay ko.",
turan ng matanda sa mga nakasabit na daster sa paligid ng poso.
"Ayan po Manang! Si Aki ang pasimuno!", tila bata kong pagsusumbong sa matandang natatawa sa aming kalokohan.
"Nanghihilam po kasi si Kyle Manang...", ganti ni Aki.
"Ay nako, tumigil na kayo. Magbanlaw na kayo at handa na ang tanghalian.", pagsaway ng matanda.
Tawa-tawa
naman kaming sumunod ni Aki at tinapos na ang aming paliligo. Hindi ako
makapaniwala kung paano ko nagawang tumawa ng wagas at totoo sa
pakikipagkulitan kay Aki.
Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 20]
By: Crayon
****Kyle****
12:36 pm, Wednesday
July 08
Pagkatapos
maligo at magkulitan ay sabay naming tinungo ni Aki ang canteen ni
Manang Delia kung saan kami kakain. Labag man sa aking isip ay naging
palagay ang kalooban ko kay Aki. Ang naging kulitan namin kanina ang
kumumbinsi sa aking sarili na pansamantala munang kalimutan ang mga di
magandang nangyari sa amin. Kung tutuusin ay ito din naman ang gusto ko
noon at kung sakali mang niloloko niya lang uli ako ay wala nang
mawawala sa akin dahil pa-resign na din naman na ako sa kumpanya, so
maari ko na siyang iwasan ng tuluyan kung gugustuhin ko.
Nang
makaupo kami sa harap ng lamesa ay inihain na ni Manang Delia ang
kanyang mga niluto. Bigla namang kumalam ang aking sikmura ng makita ang
nakahain : Sinigang na sugpo, calamares, at corn and carrots.
"Favorite!", sabay naming sabi ni Aki. Nagkatinginan naman kami at sabay ding tumawa.
"Sige magpakabusog kayo, tawagin niyo lang ako kapag gusto niyo pa ng kanin.", paalam ni Manang Delia.
"Salamat po Manang.", wika ni Aki.
"Alin diyan ang favorite mo?", curious kong tanong.
"Yung sinigang na sugpo, ikaw?", masaya nitong sabi.
"Calamares.", maiksi kong tugon.
"Bakit allergic ka ba sa sugpo?", tanong ni Aki.
"Hindi
naman. Mahilig din ako sa sugpo. Hindi ko lang talaga trip yung mga
masasabaw na pagkain. Mas gusto ko yung mga prito o kaya may sarsa.",
paliwanag ko.
"Hmmm, baliktad tayo. Mas gusto ko yung may sabaw. Tara kain na tayo.", pahayag nito.
Magana
kaming kumain ni Aki dahil sa paborito namin ang mga nakahain na ulam.
Noon lang ata uli kami natahimik na dalawa mula ng maligo kami. Gusto ko
sana makipag-kwentuhan pa sa kanya kaso hindi ko naman alam kung ano
ang dapat kong sabihin.
"Kamusta naman yung naging pag-aaral mo sa UP?", usisa ni Aki habang sumusubo ng pagkain.
"Okay naman, thank God. Nakatapos din sa wakas."
"Hindi ka naman nahirapan?"
"Mahirap
kasi medyo matagal din ako tumigil sa pag-aaral so nangapa ako nung
bumalik ako. Ikaw? Balita ko nasa Singapore ka nung mga panahon na
iyon.", balik kong tanong sa kanya.
"Hmmm,
oo yun yung time na nag-expand tayo sa Singapore, ako yung na-assign ni
Chairman na mag-over see ng business doon since hindi niya maiwan yung
asawa niya dahil sa sakit nito.", pagkukwento ni Aki.
Marami
pa kaming napag-usapan ni Aki habang kumakain kami. Balitaan sa mga
bagay na nangyari sa amin sa nakalipas na dalawang taon. Pero halatang
iniiwasan namin ang mga topic na patungkol kay Renz o kay Lui.
Matapos
kumain ay kapwa namin napagdesisyunan ni Aki na bumalik muna sa tree
house at mag-siesta. Makalipas lamang ang ilang minuto ay agad nang
nakatulog si Aki. Hindi naman ako dalawin ng antok dahil sa patuloy na
pagbaha ng mga tanong sa aking isip. Mga tanong na ayaw kong hanapan ng
kasagutan.
Pinasya
kong bumaba muna ng tree house at maglakad-lakad muna sa lilim ng mga
puno. Nakakita ako ng isang puno ng mangga na malapit lang sa may
dalampasigan, may nakasabit na net na duyan roon kung saan ako umupo.
Inilabas
ko ang aking cellphone at saka ko itinext si Renz. Kailangan ko ng
diversion mula sa tila panaginip na mga pangyayari sa nakalipas na
dalawang araw.
****Renz****
2:26 pm, Wednesday
July 08
Pinili
kong magkulong na lang muna sa loob ng opisina ko sa shop. Masyadong
maraming customer sa labas at kahit na alam kong ngayon ako mas
kailangan ay mas ginusto ko ang katahimikan sa loob ng aking opisina.
Ilang
araw pa lang mula ng huli kaming magkita ni Kyle pero nami-miss ko na
agad siya. Pilit kong isinasantabi ang lungkot na nararamdaman ko pero
balewala ang aking effort dahil apektado pa rin ako sa katotohanang
ilang araw kong hindi makikita si Kyle.
Biglang
umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa aking lamesa. Nang tingnan ko
ang screen ay bahagyang bumilis ang tibok ng aking puso ng makitang
nagtext na si Kyle.
Kyle: Starfish! :))
Ako: Bakit ngayon ka lang nagtext? :(
Kyle: Sorry, madami kasi kaming ginagawa kanina eh... nasa shop ikaw?
Ako: opo, bakit?
Kyle: gusto ko ng cheese cake... :P
Napangiti naman ako sa sinagot sa akin ni Kyle. May pagkaisip bata pa din siya hanggang ngayon.
Ako: naglalambing? :D
Kyle: hahaha sira! Gutom lang...
Ako: kung di ka pa magutom di mo pa ako itetext, tsaka buti pa yung cheesecake mas nauna mo pang naalala kesa sa akin.
Kyle: haha tampo pa o! Kahit saan kaya ako tumingin dito ikaw ang naaalala ko.
Ako: weh? Asan ka ba ngayon?
Kyle: oo nga! Andito ko sa may tabing dagat, dami mo kayang kamag-anak dito hahahaha
Ako: pfffft! Dyan ka magaling, sa awayin ako. Hmp.
Kyle: gusto mo naman eh! :)
Ako: ayaw!
Kyle: ayaw talaga? Hahanap na lang ako ng ibang aawayin kung ayaw mo.
Ako: hmmm... konti lang.
Kyle: hahaha anung ginagawa mo? Wala ba masyado customer diyan?
Ako: madami ngang tao sa labas kanina pa, nagpapahinga lang ako.
Kyle: ok, kumain ka na ba?
Ako: kyle...
Kyle: hmm?
Ako: uwi ka na... miss na kita... :'(
Kyle: :) hindi pa pwede eh... alam mo namang work to eh, wala akong choice kundi sumunod sa boss ko... baka 1 week kami dito...
Ako: ganun...
Kyle: uuwian naman kita eh... :))
Ako: kahit wag na, basta umuwi ka lang ng safe ok na ko dun. I love you Kyle.
Medyo nanginginig pa ang kamay ko habang tinitipa ang huli kong reply.
Kyle: uuwian kita buhangin... :)
Ako: deadma lang?
Hindi
ko mapigilang lalong malungkot ng hindi pansinin ni Kyle ang pagsasabi
ko ng 'i love you'. Alam kong masyado pang maaga para umasa ako na
sagutin ni Kyle pero hindi ko mapigilan ang kabahan dahil sa pakiramdam
ko ay habang malayo siya sa akin ngayon ay lalo ding lumalayo ang loob
niya sa akin.
Lumipas
ang sampung minuto at hindi pa din nagrereply si Kyle. Alam kong hindi
niya na ako rereplyan dahil iniiwasan niya ang mga maari ko pang sabihin
o itanong sa kanya.
Kinuha
ko na lang ang aking wallet at mula roon ay inilabas ko ang isang
larawan namin ni Kyle. Kuha iyon nang minsan kami pumunta sa isang bar.
Mataba pa siya sa picture na iyon pero nandoon pa din ang maganda niyang
ngiti.
Sa
nakalipas na dalawang taon ay napakalaki ng kanyang pinagbago.
Natatakot ako na ang pagmamahal niya para sa akin noon na hindi ko
nasuklian ay wala na.
Oo,
gwapo ako, maganda ang katawan, at may sariling negosyo pero ganun na
din si Kyle. Gwapo, maganda ang katawan at may magandang trabaho.
Malamang sa hindi lang ako ang nagkakagusto o nanliligaw sa kanya.
Maraming mas gwapo at mas mayaman na pwedeng ma-in love sa kanya.
Insecurity.
Why
would he choose me after what i did? Do i deserve to be loved by Kyle
again? Kaya ko nga ba siyang pangalagaan at hindi na saktan pang muli?
Napatigil
ako sa aking pag-iisip ng may kumatok sa aking opisina. Nang bumukas
ang pinto ay nandoon ang isa sa aking mga crew, may nagahanap daw sa
akin.
Agad
naman akong tumayo para tingnan kung sino ang aking bisita. Wala naman
kasi akong inaasahan na ka-meeting ngayon. Iniisip ko na baka sila Gelo
ang nanggugulo sa aking ngayon.
Nang
makarating ako sa may counter ay napansin kong hindi pa rin nauubos ang
tao sa loob ng shop. Maganda na din talaga ang itinatakbo ng shop na
ito, tulad nga ng sinabi ni Mama ay maaari na kaming magtayo ng isa pang
branch.
"Day dreaming?", bati sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Pre ikaw pala. Kamusta?", sagot ko naman sa lalaking nakaharap sa akin. "Lui, right?"
"Yup.", sagot nito at nakipagkamay sa akin.
"Hinahanap mo daw ako?", agad kong tanong sa pakay nito.
"Ahmm,
ano... hindi talaga ikaw, i am looking for Kyle. Baka lang napadaan
siya dito.", medyo pautal na sagot nito. May pagka-weird din talaga ang
isang ito base na din sa obserbasyon ko sa kanya noong unang beses na
nakita ko silang magkasama ni Kyle dito sa shop.
"Hindi eh, bakit hindi mo siya i-text, wala ka bang number niya?", taka kong tanong.
"Ah tama, sorry madami lang akong iniisip. Naistorbo pa kita, sige una na ako.", paalam nito.
"Wala siya sa kanila, nasa Zambales ata siya, business meeting daw.", sabi ko kay Lui dahil mukhang napahiya siya sa sinabi ko.
"Ah ok, magkasama na naman pala sila nung Aki.", wala sa sariling sagot ni Lui na nagpamanhid naman sa aking katawan.
"Aki?", tanong ko bilang paglilinaw kung tama ang narinig ko.
"Oo
yung boss niya na dati niyang friend na inaaway na siya ngayon, i think
kabarkada------- Shit!", parang biglang naubos ang dugo niya sa mukha
ng mga sandaling iyon. "Forget it, wala akong sinabi! Sige na bye.", at
saka na ito mabilis na lumabas ng shop.
Naiwan
naman akong nakatayo dahil hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Kasama
ni Kyle si Aki. He is working for Aki. Alam kong madaming Aki sa
Pilipinas pero sa sinabi ni Lui i'm a hundred percent sure na si Aki na
kaibigan ko ang tinutukoy nito.
Sa
dinami-rami ng kumpanya at mayayamang tao sa Pilipinas, sa kumpanya pa
siya nila Aki nagkatrabaho. Higit pa doon magkasama sila ngayon.
Agad
akong lumabas at tinungo ang aking kotse. Hindi ko alam kung saan ako
pupunta basta gusto kong umalis. Gusto kong sundan si Kyle at ilayo siya
kay Aki. Bakit lagi na lang umeepal sa amin si Aki.
Bakit ngayon ka lang nagtext? :(
Sorry, madami kasi kaming ginagawa kanina eh...
Paulit-ulit
na tumatakbo sa isip ko kung anu ang ginagawa ngayon ni Kyle at Aki.
Bakit hindi niya nabanggit sa akin na nagkita na pala sila ni Aki at
siya pa ang boss niya? Ilang buwan na nga bang nagtatrabaho si Kyle?
Malamang sa araw-araw sila nagkikita o nagdadate.
Achilles
Ross del Valle. Gwapo. Matangkad. Matipuno. Mayaman. Galing sa kilalang
angkan. Mabait. Matalino. Responsable. Kyle's knight in shining armor.
Insecurity.
Lalong humigpit ang hawak ko sa manibela habang lalong bumibilis ang takbo ng aking sasakyan.
Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 21]
By: Crayon
****Kyle****
8:26 am, Thursday
July 09
Nagising
ako ng umagang iyon mula sa isang magandang panaginip pero hindi ko
maalala ang kabuuan ng panaginip basta ang alam ko masaya ako ng mga
sandaling iyon. Agad kong narinig ang kahol ng mga aso sa ibaba ng tree
house at ang tila musikang hampas ng alon sa buhangin ng isla na naghele
sa akin sa pagtulog ng nagdaang gabi.
Nang
imulat ko ang aking mata ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni
Aki. Base sa ayos nito ay bagong gising din ito, medyo nakatinghas pa
ang kanyang buhok at halata pa na kakagaling lang sa tulog ang mga mata
nito. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong puting t-shirt.
"Good
morning!", nakangiti pa ring bati nito sa akin. Ang sarap naman ng
ganito. Gigising ka ng may gwapong mukhang babati sayo ng good morning,
parang may sarili akong araw na bumabati sa akin sa bawat pagmulat ng
aking mata.
"Tara
na bangon ka na, lakad-lakad tayo sa baba.", imbita nito sa akin bago
pa man ako makasagot. Magkalapit ang aming mukha ng mga sandaling iyon
kaya naamoy ko ang kanyang hiningang kay bango kahit bagong gising.
Tumango
lamang ako bilang sagot. Matapos kami makapaghilamos at makapagsipilyo
ay sabay kaming naglakad sa palibot ng isla. Pinanood namin ang mga
maliliit na isda na lumalangoy sa mababang parte ng dagat. Tinungo rin
namin ang parte ng isla na tinutubuan ng mga mangroves. Habang
naglalakad ay walang tigil ang aming kwentuhan at tawanan. Unti-unti ay
naging palagay ang loob namin sa isa't-isa, parang walang nagyaring
anumang gusot sa pagitan naming dalawa.
Habang
pinapanood ko ang mga maliliit na bangka sa kalayuan ay biglang hinubo
ni Aki ang aking short na ikinagulat ko. Mabuti na lamang at walang tao
sa paligid. Parang bata siyang nagtatawa at tumakbo palayo. Hindi naman
ako nagpatalo at hinabol siya pabalik sa mga cottages. Nang abutan siya
ay binatukan ko siya dahil sa kanyang kapilyuhan.
"Andyan lang pala kayo, halika na at kakain na tayo.", aya sa amin ni Manang Delia ng abutan kaming naghaharutan.
"Sige po manang susunod na po kami.", tugon ko sa ginang.
Masaya
ang naging almusal, inimbitahan ni Aki na sumalo na sa amin si Manang
Delia na pinaunlakan naman nito. Matapos ang almusal ay nagpaalam si Aki
na magpapasama sa isa sa mga bangkero sa bayan dahil may kailangan
siyang bilhin.
Sa
pag-alis ni Aki ay mabilis na lumipas ang maghapon, di ko naman
mapigilan ang malungkot dahil mag-isa lang ako sa tree house. Hapon na
nang makabalik si Aki. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya
natagalan pero pinili ko na lang na manahimik. Hindi ko na siguro dapat
pang panghimasukan iyon.
Sabay
kaming naghapunan ni Aki. Matapos iyon ay naghanda na akong magpalit ng
pantulog ganun din naman si Aki. Nauna akong matapos sa kanya at nahiga
na ako sa aming kama habang hinihintay siya na pumanhik.
"Kyle...", tawag sa akin ni Aki ng madatnan akong nakapikit na nakahiga.
"Hmmmm...", tanging sagot ko.
"Matutulog ka na ba?", ayon sa tono ni Aki ay alam kong may gusto itong sabihin ngunit nahihiya sa akin.
"Hindi pa naman, bakit?", tanong ko sa kanya.
"Tara muna sa baba.", aya nito. Hindi na niya hinintay na makasagot ako at nauna nang bumaba sa akin.
Nang
makababa ako ay naabutan kong hinahantay ako ni Aki sa hagdan ng aming
tree house. Nakasuot ito ng sandong puti na humahapit sa kanyang
matipunong katawan at boxer shorts. Nang makita ako ay inaya na ako nito
na maglakad.
Sabay
kaming naglakad sa nakakabulag na dilim ng kapaligiran. Pinatay na kasi
nila Manang Delia ang ilaw sa isla. Habang naglalakad ay inabot ni Aki
ang aking kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Nilingon ko siya pero
hindi ko makita ang kanya mukha dahil sa madilim na paligid.
Nang
makalagpas kami sa mga puno ay bahagyang lumiwanag dahil sa liwanag na
hatid ng buwan. Nasa may malapit na kami sa dalampasigan at lalong
lumalakas ang tunog ng mga alon. Noon ko lang din napansin ang malamlam
na ilaw ng kandila sa di kalayuan.
"Anu yan? Mag-spirit of the glass tayo?", inosente kong tanong. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Aki.
Nang makalapit kami sa liwanag ng kandila ay noon ko lamang nakita ang kabuuan nito.
Nakalatag
malapit sa dalampasigan ang isang banig, mayroon ding dalawang maliit
na unan, nasa bandang gitna ang kandilang nasa baso. May mga chichiria
rin na nakalatag doon, dalawang baso, cooler at isang bote ng alak.
"Ah! Spirit of the wine.", bulong ko. Hindi ko alam na narinig pala ako ni Aki dahil lalo itong tumawa sa aking nasabi.
Kusa
naman akong napangiti, iba ang sayang hatid sa akin ng mga pagtawa ni
Aki. Idagdag pa ang romantic na ayos ng aming pagiinuman. Kung tutuusin
ay pwede naman na sa loob na lang kami ng tree house uminom pero mukhang
nag-effort pa si Aki na ayusin ang lugar na ito para sa amin.
Nang
makaupo kami sa banig ay hindi ako mapakali dahil sa mga tingin sa akin
ni Aki nasa magkabilang panig kami ng banig at ako ay nakatalikod sa
dagat habang si Aki ay nakasandig sa isang piraso ng malaking trunk ng
puno na nasa dalampasigan.
"Bakit
ang layo mo? Di naman ako mabaho. Dito ka na lang sa tabi ko para
makasandal ka, isa pa mas masarap dito.", nakangiting sabi ni Aki.
"Si-sige.",
medyo nauutal kong sagot. Tumayo naman ako at lumipat sa kanyang tabi.
Nang makaupo ako at napatingala ay saka ko lang napagtanto na tama si
Aki.
Sa
kadiliman ng gabing ito ay naiilawan kami ng liwanag ng bilog na buwan.
Tila masaya kaming pinapanood ng mga kumikinang na bituing nagkalat sa
buong kalangitan. Isang napakalawak na kalangitan na tila hindi
kailanman mauubusan ng kumikinang na mga tala. Hindi ko mapigilang
mapangiti at i-appreciate ang tanawin. Hindi ka makakakita ng ganito
kagandang kalangitan sa Maynila dahil doon kapag tumingala ka ay
billboard ni Anne Curtis o Kris Aquino ang makikita mo.
"Sabi
sa news kanina nung nasa bayan ako may meteor shower daw ngayong gabi
kaya naisipan ko na dito tayo uminom. Tagay na Kyle.", noon ko lamang
napansin na sa akin pala nakatingin si Aki, marahil ay pinagmamasdan ang
katangahan ko sa pagkakita ng langit
"Salamat.",
iyon lang nasabi ko pero alam kong napakaraming nais iparating ng
pasasalamat na iyon. Para akong lumulutang sa mga ulap ng mga oras na
iyon. Kinuha ko ang aking tagay at nilagok ito.
Gusto
ko sanang magsalita pa pero hindi ko alam kung anu ang tamang sabihin.
Ayaw kong masira ang sandaling ito. Parang kami lang ang tao sa islang
iyon at amin ang mundo. Ang ihip ng hangin at hampas ng alon ang
musika namin sa tahimik na gabi. Buwan ang aming liwanag at ang mga
bituin ang saksi sa kung gaano ako kasaya ng mga sandaling ito.
"Bakit
ka umiiyak Kyle?", puno ng pag-iingat at pag-aalala ang tinig ni Aki.
Wala sa sariling pinahid ko ang mga luhang hindi ko namalayang pumapatak
na pala.
Hindi
ko nagawang sumagot dahil hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak.
Naramdaman ko na lamang ang lalong paglapit sa akin ni Aki. Inihiga niya
ang aking ulo sa kanyang balikat at iniyakap sa akin ang kanyang kanang
kamay.
"Sobrang
masaya lang ako, parang first time ko atang makakita ng stars,
nakakaiyak lang.", maging ako ay hindi kumbinsido sa sinabi ko, dahil
malakas na isinisigaw ng puso ko kung bakit ako umiiyak.
"Iba
ka talaga mag-isip.", natatawang sabi ni Aki sabay halik sa aking ulo.
Natatandaan ko kung paano niyang lagi iyong ginagawa sa akin noon na
para bang isa akong napaka-importanteng bagay na ayaw niyang mawala sa
kanya.
Sandali
kaming natahimik ni Aki, naputol lamang iyon ng marinig kong mag-hymn
si Aki ng isang kanta. Kahit hindi ako ganun kagaling kumanta ay pilit
ko siyang sinabayan.
Naalala ko pa nung nililigawan pa lamang kita,
Dadalaw tuwing gabi, masilayan lang ang iyong mga ngiti
At ika'y sasabihan bukas ng alas-syete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko marinig ko lang ang mga himig mo.
Para
naman akong nanonod ng music video habang isa-isang bumabalik sa aking
alaala ang mga pinagsamahan namin ni Aki. Tila tumutugma sa bawat linya
ng kanta ang mga bagay na pinagdaanan namin noon.
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Maghihintay sayo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko...
Sa
pagdaloy ng mga alaala ay tila pagbuhos din ng luha sa aking mga mata,
parang sa napakahabang panahon ay ngayon ko lang nabigyang pansin ang
mga ginawa sa akin noon ni Aki. Oo, alam ko na malaki ang utang na loob
ko sa kanya bilang isang kaibigan. Pero bilang isang taong minamahal
ako, ang laki pala ng naging sakripisyo nya.
Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko...
Hindi
ko na mapigilang mapahikbi. Sa tagal naming hindi nagkita at nagkausap
ay nararamdaman ko pa din hanggang sa mga sandaling ito na mahal ako ni
Aki. Ikinubli niya man ang kanyang mga nararamdaman at ipinakita na
galit siya sa akin ay kabaligtaran iyon ng mga kilos at ginawa niya para
sa akin habang nasa isla kami. Lahat ng naging sama ng loob ko sa kanya
nang mga nagdaang araw ay tila nawala. Parang hindi ko rin lubos maisip
kung karapat-dapat ba ako na nasa tabi niya ng mga oras na ito.
Labis
ang saya ko dahil yakap ako ng kaibigan ko, ng taong totoong nagmamahal
sa akin. Masaya ako dahil minamahal pa din ako ng lalaking kailanman
hindi ko nagawang suklian ang pag-ibig, ng lalaking paulit-ulit na
inilalayo ang sarili sa akin pero paulit-ulit ring bumabalik. Naiiyak
ako sa saya dahil hanggang ngayon hawak pa din ako ng lalaking hindi ako
nagawang tuluyang iwan ilang beses ko man siyang nasaktan.
"I love you Kyle, i always do, i always will....", bulong sa akin ni Aki habang mahigpit niya akong hawak.
"I know, and i'm sorry sa lahat ng nagawa ko Aki.", humihikbi ko pa ding sabi kay Aki.
"Huwag
kang mag-sorry Kyle. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa mga nagawa ko
sayo nung muli tayong nagkita. Alam kong nasaktan kita ng sobra dahil
sa gusto kong makaganti sa'yo. Hindi ko dapat ginawa iyon. Sana
mapata----....", hindi ko na pinatapos pa si Aki sa kanyang sasabihin si
Aki. Hinawakan ko ang kanyang mukha at saka siya hinalikan.
Isang
halik na puno ng pagmamahal at pasasalamat. Naaalala ko pa kung paano
ko tinatawanan ang mga librong nagsasabing tila tumitigil ang iyong
paligid kapag hinahalikan mo ang taong mahal mo, ngayon ay nilunok kong
lahat ng sinabi ko. Mahirap ipaliwanag pero ganoon ang nararamdaman ko
ng mga oras na ito. Habang magkalapat ang aming mga labi ay tila walang
ibang bagay akong naiisip kundi kaming dalawa lang ni Aki. Hindi ito ang
unang beses na naghalikan kaming dalawa pero itong ang unang beses na
hinalikan ko siya ng may emosyon, ng may pagmamahal, ng may pasasalamat.
Hindi
ko maikukumpara ang halik naming ito sa mga halik na pinagsaluhan namin
ni Renz noon. Mahal ko si Renz noon at labis ang pagtatangi ko sa kanya
pero iba ng saya at kiliting hatid ng mga labi ni Aki.
Sa
pagtindi ng aming paghahalikan ay ramdam ko ang pagganti ng halik ni
Aki. Tinutumbasan niya ang bawat emosyon mula sa aking mga labi. Parang
ayaw ko ng kumalas pa sa halikang iyon, pero ayaw ko din naman na mauwi
na lamang kaming bigla sa pagtatalik.
Alam
kong pa-virgin ang ganung pag-iisip at hindi iyon nababagay sa akin
lalo na at numero uno akong pakawala noon. Pero malakas ang udyok ng
aking puso na itigil na muna ang paghalik, na sa unang pagkakataon ay
huwag kong hayaang manaig ang tawag ng laman. Itanggi man ng aking isip
ay batid ng puso ko na sa maikling panahong naging masaya kami ni Aki sa
islang ito ay may espesyal na bagay nang namumuo sa aming dalawa.
Sa
isiping iyon ay pilit kong inilayo ang aking sarili kay Aki. Ilang
minuto kaming nagtitigan ni Aki matapos na maghiwalay ang aming mga
labi. Kapwa may ngiti sa aming mga labi. Hindi namin kailangan na
magsalita dahil kapwa mata namin ay nagungusap na.
"So ano na? Manliligaw ka ba o magtitinginan na lang tayo?", wika ko kay Aki ng hindi ako makatiis.
"Hahahaha,
naman! Ang tagal ko na nga nanliligaw sayo eh ayaw mo lang ako
pansinin.", natawa din ako sa kanyang sinabi. Muli niyang ibinalot ang
kanyang braso sa akin at hinayaan akong sumandal sa kanyang matipunong
dibdib.
Nagpatuloy
kami na mag-inuman ni Aki. Parang sa isang iglap ay naging iba ang
aking paligid. Hindi ko maipaliwanag pero parang mas tumingkad ang kulay
ng mga bagay, mas naging kaaya-ayang musika ang tunog ng alon at
hangin, mas naging makislap ang mga bituin, higit sa lahat ay parang
ngayon ko lang naranasan ang maging sobrang masaya. Korni na kung korni
pero hindi maikakailang ganun ang nararamdaman ko ng mga oras na yon.
Sa
tuwing titingin ako sa mukha ni Aki ay aabutan ko siyang nakatingin rin
sa akin. Wala ding tigil ang paghalik niya sa aking ulo at ang ang
marahan na paghimas sa aking braso habang nakayakap sa akin. Hindi ko
mapigilang mailang o mas tamang sabihing kiligin sa mga simpleng bagay
na ginagawa niya habang magkatabi kaming nakaupo at nakabalot sa akin
ang kanyang mga braso.
Tahimik
lamang kaming umiinom halos hindi kami nagsasalita pero batid namin
dalawa kung gaano ang ligayang aming nadarama na hindi na kailangan ang
mag-usap pa para maging masaya kami. Ang mga katawan at puso namin ang
tahimik na nag-uusap sa kalaliman ng gabi.
Sigurado
ka ba sa mga ginagawa mo? Handa ka na ba Kyle? Alam mo na ba kung paano
ipagkatiwala ang puso mo? Handa ka bang masaktan kung sakali? , tila demonyong bulong ng isip ko sa akin.
Marami
man ang agam-agam ko ay tila balewala iyon sa akin dahil mas nananaig
ang pagmamahal ko sa taong may hawak sa akin ng mga sandaling ito.
"Do
you remember Lui?", maya-maya ay wika ko kay Aki. Hindi dumaan sa isip
ko ang mga salitang iyon tila awtomatikong bumukas ang aking mga bibig
at inilabas ang mga salitang iyon. Naramdaman ko naman ang biglang
pagkabalisa ni Aki.
"Yeah.",
dinig ko ang bahagyang panginginig ng boses ni Aki. "Yung boyfriend mo,
pero i don't care mas gwapo naman ako dun.", alam kong pinapalakas
lamang niya ang kompyansa niya sa sarili. Lalo kong isiniksik ang aking
sarili kay Aki para pagaanin ng konti ang kanyang pakiramdam. Alam kong
hindi ito ang pinakamagandang pagkakataon para pag-usapan ang topic na
iyon dahil sa isang iglap ay pwedeng masira ang aming masasayang
sandali. Gayunpaman ay ayaw kong itago ang mga ganitong lihim kay Aki.
Kung desidido ako na kunsintihin ang mga binubulong ng puso ko sa akin
ay mas makabubuti nang sabihin ko ang lahat ngayon.
"Hindi
ko siya boyfriend, never been my boyfriend.", hinihintay ko ang
magiging reaksyon sa akin ni Aki. Iniisip ko na magagalit siya dahil sa
pagsisinungaling ko noon pero lalo ko lang naramdaman ang paghigpit ng
mga yakap niya sa akin. "Hindi ka galit?", agad kong tanong ng wala
akong makuhang reaksyon mula kay Aki. Narinig ko ang kanyang bahagyang
pagtawa bago ko sumagot.
"Bakit
naman ako magagalit? Mabuti nga yon eh para wala na akong kakumpetensya
sayo.", sagot niya sabay halik sa aking ulo. Uminom naman ako muli ng
alak bago muling nagsalita.
"Sino naman nagsabi sa'yo na wala kang kakompetensya?", pang-iinis ko kay Aki.
"Bakit meron ba akong kasinggwapo?", nakangising sagot sa akin ni Aki.
"Si Renz.", nakita kong natigilan si Aki sa pag-inom ng alak ng banggitin ko ang pangalan ni Renz.
Shit ka talaga Kyle! Anu na namang pinaggagawa mo?! Sinisira mo lang ang gabi nyo ni Aki.
"Right,
i bet nanliligaw siya sa iyo.", tumango lang ako bilang tugon. Mas
mabuti na yung ganitong sinasabi ko sa kanya lahat para isang bagsakan
na lang ng mga sikreto. Salamat na lang din sa alak dahil nagkaroon ako
ng lakas ng loob na pag-usapan ang mga bagay na to sa harap ni Aki.
"Mahal
mo pa din ba siya?", seryosong tanong ni Aki habang nakatingin sa
langit. Alam kong iniiwasan niya ang mga mata ko dahil ayaw niyang
makita ang maaaring maging sagot ko.
Kahit
ako ay natigilan sa tanong na iyon. Noong magsabi si Renz na manliligaw
siya sa akin ay ilang beses ko din itong itinanong sa aking sarili pero
nahihirapan akong sumagot ng hindi. Sa tagal ng panahon na pinilit kong
ibaon sa limot ang aking nararamdaman ay dapat madali na sa akin ang
sagutin ang malaking tanong na iyon. Pero bakit noong tanungin ako ni
Renz at ngayong tinatanong ako ni Aki ay hindi ko magawang sabihing
hindi na.
"Kapag
sinabi ko bang mahal ko pa din siya, lalayo ka uli? Iiwan mo ba uli
ako?", tanong ko na lang kay Aki ng wala akong maibigay na konkretong
sagot.
****Aki****
11:16 pm, Thursday
July 09
"Kapag sinabi ko bang mahal ko pa din siya, lalayo ka uli? Iiwan mo ba uli ako?"
Nabigla ako sa tanong ni Kyle. Alam ko ang isasagot ko o ang sa malamang ay gagawin ko oras na piliin ni Kyle si Renz. 'Iiwan mo ba uli ako?'. Takot? Iyon nga ang narinig ko sa kanya ng sinabi niya ang mga salitang iyon? Takot ba siyang mawala ako sa tabi niya?
Hindi
man ako mahal ni Kyle bilang isang kapareha ay alam kong mahal niya ako
bilang isang kaibigan. Kaya nga niya nagawang tumagal na magtrabaho sa
akin sa kabila ng mga pakikitungo ko ay dahil gusto niyang maging
magkaibigan muli kami.
Ang
haba na ng roller coaster na love triangle naming tatlo nila Kyle at
Renz. One way or another ay nasaktan na ang bawat isa sa amin, and i
love Kyle so much. Mahal na mahal ko siya na handa na akong
mag-sakripisyo. Kung kay Renz siya magiging masaya ay magiging masaya na
lang ako para sa kanya.
Higit
sa kislap ng mga tala sa langit ay mas gusto kong nakikita ang
nakangiting mukha ni Kyle. Matagal ko nang pinapangarap na ako lagi ang
maging dahilan ng mga ngiting iyon, i guess its about time na harapin ko
ang katotohanan na baka hindi ako ang magiging dahilan ng kanyang bawat
pag-ngiti sa hinaharap.
"Depende
sayo, kung gusto mo kong lumayo, ok lang. Kung gusto mo ko mag-stay, i
will. Ang importante sa akin ngayon, maging masaya ka.", pinilit ko ang
ngumiti kahit na napakahirap para sa akin ang sabihin ang mga bagay na
iyon kay Kyle.
Nang
lingunin ko si Kyle ay mataman siyang nakatingin sa akin. Hindi ko
mabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata. Napatawa na lamang ako para
itago ang lungkot na biglang bumalot sa aking puso. Ginulo ko ang
kanyang buhok para mawala ang kaseryosohan sa kanyang mukha.
Kanina
lamang na naghahalikan kami ay walang pagsidlan ang sayang nadarama ko.
Parang sa napakahabang panahon ay nagawa kong huminga muli. Sa pagpunta
namin sa isla na ito ay plano ko na magkaayos muli kami ni Kyle at
mapasaya siya sa maiksing panahon na magkasama kami. Pero kabaligtaran
ang nangyari parang ako ang mas nag-eenjoy at siya ang nagpapasaya sa
akin. Sa mahigit dalawang taon ay nagkulong ako sa lungkot, galit, selos
at inggit na nararamdaman ko, nang makarating kami sa lugar na ito ay
parang noon ko lamang muli natutunan ang ngumiti, tumawa, maging masaya,
at magmahal.
Sobra
na ngang komplikado at magulo ang sitwasyon namin nila Kyle at Renz.
Hindi namin maiiwasan na may isa talagang labis na masasaktan oras na
magdesisyon si Kyle. At alam kong nahihirapan siyang gawin iyon dahil
natatakot siyang mawalan ng isang importanteng kaibigan.
Kung
kinakailangan ay ako na ang magpaparaya. Hindi ko isinusuko si Kyle,
gusto ko lang na maging masaya na siya. Nakita ko kung paano siyang
nasaktan noon dahil kay Renz, at ilang buwan lang ang nakakaraan ay
nakita ko rin kung paano ko siyang nasaktan. Para siyang isang punching
bag na tinitiis ang ang lahat ng sakit, ngunit sa kabila ng mga nagawa
namin ni Renz ay hindi niya kami nagawang talikuran. Alam kong hindi
perpekto si Kyle at hindi rin siya ang pinakamabait na tao pero he truly
deserves to be happy.
"Mangako
ka sa akin Aki, please..." Mataman ang tingin sa akin ni Kyle nang muli
siyang magsalita. "Mangako ka na hindi ka na uli aalis, na hindi ka uli
basta na lang mawawala. Please mangako ka Aki.", pagmamakaawa sa akin
ni Kyle.
"I promise.", nakangiti kong sabi. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at ginawaran siya ng halik sa noo.
To
sacrifice is to give up or let go of something or someone that is truly
important to you without expecting anything in return.
Minsan
kapag nagmahal tayo, sobra ang kapit o hawak natin sa taong mahal natin
kasi takot tayo na mawala sila. Handa tayong ipaglaban sila sa lahat ng
pagkakataon dahil hindi natin kayang wala sila.
Pero
minsan dumarating ang pagkakataon na kailangan nating pakawalan ang
taong mahal natin, hindi dahil sumusuko o napapagod na tayo kundi dahil
yung kapit natin sa kanila ay para nang tanikalang pumipigil sa kanila
para maging masaya.
Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 22]
By: Crayon
****Aki****
10:26 am, Friday
July 10
Nang magmulat ako ng mata ay ramdam kong mataas na ang sikat ng araw. Napuyat ako sa inuman namin kagabi ni Kyle at sa pagkakatanda ko ay pasado alas dos na kami ng madaling araw natapos dahil sa kahihintay ng meteor shower. Hindi ko rin nagawang matulog kaagad nung pumanhik kami dahil sa sobrang saya at lungkot na nararamdaman ko.
Masaya ako dahil makalipas ang dalawang taon ay nagawa ko muling iparamdam kay Kyle kung gaano ko siya kamahal at naramdaman ko din naman kung gaano ako ka-importante sa kanya. Higit roon ay nag-kiss pa kami. Hindi iyon ang unang beses na naghalikan kami pero alam kong pareho naming naramdaman ang kaibahan ng halik na pinagsaluhan namin kagabi. Namalayan ko na lamang ang kusang pag-angat ng gilid ng aking mga labi sa isang ngiti.
Hindi ko maiwasang isiping mahal ako ni Kyle dahil sa init ng halik na pinagsaluhan namin kagabi. Habang naghihintay ng mga meteors na hindi rin namin nakita ay masaya kaming nagkwentuhan ni Kyle. Malaya kong pinagmamasdan ang kanyang mukha habang nakasansal siya sa aking dibdib, marahil ay iyon ang dahilan kung bakit hindi na namin natyempuhan ang mga bulalakaw kagabi. Pero ayos lang dahil hinding-hindi ko ipagpapalit sa anumang klase ng meteor shower ang mga sandaling magkasama kami ni Kyle.
Nang mapagod na kami pareho sa pagtawa ay sabay na kaming bumalik sa tree house. Katulad ng dati ay hinayaang kong unanin ni Kyle ang aking braso habang mahigpit siyang nakayakap sa aking dibdib. Paulit-ulit kong hinihimas ang kanyang buhok hanggang sa makatulog siya.
"Aki kantahan mo ko uli...", bulong sa akin ni Kyle habang nakasiksik sa akin. Pinagbigyan ko naman siya at kinantahan siya hanggang sa makatulog siya. Nang marinig ko siyang humihilik na ay hindi ko din nagawang makatulog agad dahil hindi ko maawat ang aking sarili na panoorin ang kanyang pagtulog. Hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog.
Noon ko lamang napagtanto na wala na sa aking tabi si Kyle. Maayos na nakasalansan ang ginamit niyang unan kagabi. Marahil ay bumaba na siya ng tree house upang kumain dahil ayon sa oras sa cellphone ko ay mag-aalas onse na pala.
Agad akong bumangon at inayos ang aking pinaghigaan. Nagpalit na din ako ng damit. Excited akong makita nang muli si Kyle. Dalawang araw mula ngayon ay kailangan na namin bumalik sa Maynila at hindi ako sigurado kung ganito pa din kami magiging kasaya sa aming pagbalik.
****Kyle****
9:17 am, Friday
July 10
Mahimbing pang natutulog si Aki ng bumaba ako ng tree house. Hindi na ako nag-abala pang gisingin siya dahil alam kong late na kami nakatulog kagabi. Habang kumakain ng almusal ay hindi ko mapigilang mapangiti habang isa-isang bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari kagabi.
Aaminin kong hindi pa din ako maka-get over aa nararamdaman kong kilig buhat sa mga ginawa ni Aki. Kahit noon pa man ay lagi na siyang nag-eeffort na pasayahin ako kahit na hindi siya ang mahal ko.
"Iho, nasan ang kasama mo?", tanong sa akin ni Manang Delia ng mqpansing mag-isa lamang akong kumakain.
"Tulog pa ho Manang eh, kain na din po kayo.", imbita ko sa matanda para may makasabay naman akong kumain.
"Sige lang iho, nakakain na ako. Salamat."
"Manang saan po ba pwede bumili ng mga pang-rekados dito? Gusto ko po sana kasing magluto.", bigla kong tanong sa matanda.
"Pwede kitang pasamahan sa bangkero, may maliit na talipapa sa kabilang isla.", suhestyon ni Manang Delia.
"Ay sige po, tatapusin ko lang po itong pagkain ko at pwede na po kaming umalis."
Mabilis kong tinapos ang aking pagkain dahil nae-excite ako na ipagluto si Aki. Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay nakabalik na ako sa isla dala ang aking mga pinamili. Mukhang tulog pa din si Aki dahil hindi ko siya nakikita sa paligid.
Dumiretso naman ako sa canteen nila Manang Delia para masimulan ko nang magluto. Masaya naman akong tinulungan ni Manang Delia at ito pa mismo ang nagsabi ng masarap na putaheng pwede kong iluto para sa mga pinamili ko. Likas na mabait ang ginang kaya mabilis ko itong nakakwentuhan habang naghahanda kami ng pananghalian.
"Boyfriend mo ba yung kasama mo iho?", kaswal na tanong ni Manang Delia. Kamuntikan ko namang mahiwa ang isa kong daliri dahil sa pagkagulat. Hindi ko tuloy mapigilan na mamula at maginit dahil sa hiya. Masyado na ata kaming obvious kaya napansin na kami ni Manang Delia.
"Hindi po.", matipid kong sagot.
"Aysus nahiya pa itong batang ito. Halata naman sa kilos at tingin niyo kung gaano ninyo kamahal ang isa't-isa eh.", patuloy na panunukso ni Mnang Delia habang nakangiti.
"Magkaibigan lang po kami ni Aki.", pagtanggi ko.
"Pero bagay kayong dalawa, pareho kayong gwapo at matipuno. Kay babait nyo pa.", tila kinikilig na komento ng matanda. Hindi ko naman maiwasang magtaka dahil sa edad ni Manang Delia ay hindi ko lubos maisip na naiintindihan at sumasangayon ito sa klase ng relasyon namin ni Aki.
"Anak hindi mo dapat kailanman ikahiya ang pag-ibig, pagmamahal man yan sa kapwa mo lalaki. Yung namamagitan sa inyo ng kaibigan mo ay sobrang espesyal kaya naiintindihan ko kung natatakot ka na madami ang magtaas na kilay sa klase ng pagmamahalan ninyo.", dugtong ni Manang Delia. Napatigil naman ako sa paghihiwa at napatitig na lang sa matanda.
"Sang-ayon po kayo sa ganitong klaseng relasyon?",bulalas ng aking bibig. Tila hindi ako makapaniwala na isang old school pa na tulad ni Manang Delia ang makakaunawa sa mga tulad ko.
"Oo naman. Wala namang mali sa ginagawa ninyo.", nakangiting sagot sa akin ni Manang Delia.
"Sabi po nila kasalanan daw po ang magmahal sa kapwa lalaki.", wika ko.
"Wala naman iyon sa sampung utos ng Diyos. Natatakot ka ba iho?", tanong ng ginang sa akin. Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko alam kung natatakot ako. Pero ilang beses na ding sumagi sa isip ko kung tama ang ginagawa ko.
"Anak ang kakayahang magmahal at makaramdam na pagmamahal ay galing sa Taas. Tingin mo ba demonyo pa ang magtuturo sa taong magmahal? Kapag ang pag-ibig ay totoo at wagas, iyan ay kaloob ng Maykapal. Alam kong kinalakihan mo na marami ang nagsasabing masama ang maging bakla, iyon ay dahil sa iyon na ang naging dikta ng lipunan.", pangaral sa akin ni Manang Delia. Tahimik lamang akong nakinig sa kanya.
"Walang tao ang kasing talino at kasing dalisay tulad ng Panginoon, walang kahit sinong pari, madre o eksperto sa Bibliya ang makakapantay sa kagalingan ng Diyos. Kung alam mo sa sarili mong tunay at dalisay ang pagmamahalan ninyo ay wala kang dapat na ikatakot. Ang Diyos natin ay mapagmahal at malawak ang pang-unawa, alam niya ang lahat ng bagay na nagyayari sa mundong ito, alam niya ang tunay na nararamdaman ng mga katulad mo, at hindi kanya gagawing itakwil dahil sa nagmahal ka ng tunay.", parang gusto kong maiyak sa mga sinasabi ni Manang Delia.
"Salamat po Manang.", iyon lamang ang nasabi ko.
"Walang anuman, halika na at simulan na nating maggisa.",sumunod naman ako sa matanda.
Malaki ang ginaan ng aking loob dahil sa sinabi ni Manang Delia. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nakakunawa sa iyo. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang magkwento kay Manang Delia. Ikinuwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Aki. Naibahagi ko din ang ilang bagay na nagyari sa amin ni Renz at ang sitwasyon ko ngayon.
"Aba eh, kay gwapo mo naman pala talaga at napakaraming nag-aasam ng matamis mong oo.", humahagikgik na sabi sa akin ni Manang Delia.
"Hehe hindi naman po, sa tingin nyo po ba anung dapat kong gawin?", paghingi ko ng tulong sa aking kausap.
"Iho, gusto man kitang tulungan eh hindi ko rin alam ang sagot. Pero base sa kwento mo mukhang madami ka nang napagdaanan at ilang beses ka na ring nasaktan. Kapag ang tao minsan nang nasaktan, sa tuwing susubukan nitong magmahal ay lagi na nitong kinokunsulta ang sinasabi ng kanyang isip dahil nagtanda na siya at ayaw na niyang masaktan muli. Lagi mong iisipin ang mga pwedeng mangyare sa hinaharap dahil pilit mong iniiwasan ang masaktan o makasakit.", patuloy na pagsasaad ni Manang Delia habang naglalagay ng rekado sa aming niluluto. "Ang mali sa ganoong klase ng strategy natatabunan ng pag-iisip ang sinasabi ng iyong puso. Puso ang gamit sa pagmamahal, paminsan-minsan kailangan mo din ng utak pero kadalasan ay puso ang magdidikta. Sa sitwasyon mo ay kailangan mo lang pakinggan ang iyong puso. Huwag mong isipin kung kanino ka hindi masasaktan, ang gawin mo ay makinig sa isinisigaw ng iyong puso. Kadalasan nabibingi ka sa sinasabi ng puso mo dahil laging nakakontra ang isip mo."
Hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon pero tumango na lamang ako sa sinabi sa akin ni Manang Delia.
****Aki****
11:36 am, Friday
July 10
Nalibot ko na ang buong isla pero hindi ko pa rin matagpuan si Kyle. Medyo nagugutom na din ako kaya pinasya kong dumiretso sa canteen ni Manang Delia para itanong kung sakaling nakita nito si Kyle.
Malapit na ako sa canteen ng matanaw ko ang pamilyar na tindig ni Kyle. Nasa ilalim ito ng lilim ng isang puno habang nag-aayos ng lamesa. Nagtaka naman ako sa ginagawa nito kaya binilisan ko ang aking paglakad para makarating na ako sa kanya.
"Good morning!", magiliw kong bati sa kanya mula sa kanyang likuran sabay halik sa kanyang pisngi. Nakita ko naman na bahagya siyang nagulat na ikinatawa ko naman.
"Tanghali na po.", ngisi nitong sagot.
"Sorry, napasarap ako ng tulog. Sana kasi ginising mo ako.",sagot ko kay Kyle.
"Mabuti naman at gising ka na iho. Maupo ka na at nang matikman mo ang niluto nitong boyfriend mo para sayo.", bungad sa akin ni Manang Delia na may tangang isang plato ng kanin.
Nakangiti naman akong napatingin kay Kyle para kumpirmahin kung tama ang sinabi ng ginang sa akin.
"Wala kasi ako magawa kaya naisipan ko magluto...", nahihiyang sabi ni Kyle. Bahagya pang namumula ang kanya pisngi, hindi ko alam kung dahil sa init o sa hiya.
"Wow! Mukhang mapapadami na naman ang kain ko ah!", wika ko sabay upo sa upuan. Sakto namang bumalik si Manang Delia kasama ang mga katulong nito na dala ang mga ulam namin para sa tanghalian.
Mayroong sinigang na isda, tempura, malalaking alimango, at ginataang kalabasa't sitaw. Lalo naman kumalam ang aking sikmura sa dami ng nakahain sa aming harapan.
"Ikaw nagluto ng lahat ng 'to?", namamangha kong tanong.
"Tinukungan ako ni Manang Delia, baka kasi hindi mo makain kung ako lang mag-isa ang magluluto.", sagot naman ni Kyle.
"Hahaha hindi ah, masarap ka kaya magluto. Pinagluto mo pa nga ako nung may sakit ako noon sa condo eh.", pagpapaalaala ko sa kanya ng unang beses niya akong ipagluto.
"Maiwan ko muna kayo ha, tawagin niyo lang ako kung gusto niyo pa ng kanin.", paalam ni Manang Delia.
"Sumabay na po kayo sa amin Manang.", imbita ni Kyle.
"Wag na, sa loob na lamang ako kakain baka makaistorbo ako sa date ninyo.", nakangiting sagot ni Manang saka naglakad palayo.
"Talaga date to?", natatawa kong tanong kay Kyle.
"Kumain ka na nga.", pag-iwas niya.
"Sus nahiya pa! Eh sabi kanina ni Manang Delia, boyfriend mo daw ako. Tayo na ba talaga?", gatol ko pa dahil natutuwa ako sa reaksyon ni Kyle at sa ideyang sinabi niya kay Manang Delia na boyfriend niya ako.
"Alam mo kung anu-anong naiisip mo dahil sa gutom kay mabuti pa kumain ka na.", medyo inis nang sabi ni Kyle. Lalo lamang akong napatawa dahil mukhang nakorner ko na siya.
"Umamin ka na kasi...", pangbubuyo ko pa.
"Kakain ka ba o hindi? Ipapakain ko na lang to sa aso.", pagbabanta ni Kyle.
"Ayaw! Kakain na po.", parang bata kong sagot sa kanya.
Hindi ko mapigilang matuwa habang kumakain kami ni Kyle, ito ang pangalawang beses na ipagluluto niya ako at di ko maitatangging may talent siya sa pagluluto. Ramdam ko na pinagmamasdan ako ni Kyla habang kumakain ako ng magana.
"Ako ba ang ulam mo? Bakit nakatingin ka lang sa akin at ayaw mo pang kumain?", bati ko sa kanya.
“Sige lang busog
pa naman ako eh.”, pagtanggi ni Kyle.
“Kumakain ka
na, hindi masayang kumain mag-isa.”, hindi na nag-atubili pa si Kyle at
sinabayan na ako sa pagkain.
“Bakit naman
naisipan mong magluto?”, tanong ko sa kanya.
“Wala naman,
sinu-surprise ka lang.”
“Hindi ko
naman birthday ah?”, pag-uusig ko.
“Bakit ba
ang dami mong tanong.”, medyo naiinis nang sagot nito. Marahil ay ayaw nitong
sabihin ang tunay na dahilan ng kangyang
pagkukusang magluto ngayon.
“Hahaha ang
cute mo kasi kapag naiinis.”, kita ko naman na
bahagya siyang pinamulahan sa aking sinabi. “ Tsaka bakit sabi ni
Manang, boyfriend mo daw ako?”
“Ayaw mo ba?”,
ganting tanong ni Aki. Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang pinamulahan sa
kanyang sinabi.
“ Gusto!”,
malakas kong sagot.
“Tapusin mo
na yang pagkain mo. Gusto ko mag-swimming.”, pagmamadali sa akin ni Kyle.
“Thank you!”
“Anong thank
you?”, naguguluhang tanong ni Kyle.
“Sa masarap
na pananghalian. Ikaw lang saka si Mama ang iilang taing naisip akong ipagluto.”,
seryorso kong sabi kay Kyle.
“Walang
anuman.”, tipid na sagot nito habang nakayuko.
“I love you.”,
natatawa kong sabi. Nagtaas naman ito ng tingin at tiningnan ako ng masama.
Napansin na siguro nito na kinatutuwa ko ang pagkailang niya.
Matapos ang
isang masarap na tanghalian ay sabay kaming nagpalit ni Kyle nang damit upang makapaglangoy
na kami sa dagat. Katulad nung una, ay napatanga ako sa kakisigan niya sa suot
niyang shorts. Nakita ko pa siyang natatawa habang pinagmamasdaan ako. Masaya
kaming naglaro sa dagat. Para kaming mga bata na first time makarating sa
dagat.
Nang mapagod
ay magkatabi kaming naupo sa lilim ng isa sa mga puno sa dalampasigan.
“Nag-enjoy ka
ba?”, wala sa sarili kong tanong kay Kyle.
“Oo naman.”,
sagot niya habang nakatingin sa malawak na dagat. “Nasaan na pala yung mg aka-meeting
mo? Baka lumubog na yung sinasakyan nilang balsa?”
“Hahahaha,
sorry. Gawa-gawa ko lang talaga iyon. Alam ko naman kasi na hindi ka sasama sa
akin ditto kung hindi dahil sa work.”, pag-amin k okay Kyle ng mabuko niya ako.
Hinihintay ko na magalit siya pero lalo lamang siyang lumapit sa akin at
iniakbay ang aking kamay sa kanyang balikat saka humilig sa aking dibdib.
“Mami-miss
ko yung ganito.”, malungkot na sabi ni Kyle.
“Pwede naman
tayo lagi bumalik dito. Kung gusto mo isama pa natin sila Gelo at Renz para
masaya.”, suhestyon ko para mawala ang lungkot niya.
“Ayaw ko…”
nagulat ako sa nagging sagot ni Kyle. “Gusto ko tayong dalawa lang… Ayaw ko na
may ibang tao.”, hindi ko mapigilang kiligin dahil sa kanyang mga sinasabi. Lalo
ko siyang inilapit sa akin at mahigpit na niyakap.
...to be cont'd...
Kiliiiiiiggggggg!!! I thought you won't post this anymore! Thank you for the update! :)
ReplyDelete-dilos
Ganda ng story sobra.
ReplyDeleteKinilig ako
Ngaun k na nagets ung title.
Love - aki
Sex- kyle
Insecurity - renz
Hintayin k po next update crayonbox
Author's note:
ReplyDeletePasensya na sa delay... maraming salamat din sa mga matitiyagang nag-iintay at sumusubaybay sa story na to. labis po akong nagagalak sa naging pagtamggap ng mga readers sa akda kong to.
malapit na pong matapos ang story na to... probably four chapters na lang. sana po ay patuloy ninyong subaybayan ang love story nila Kye, Aki,at Renz...
again maraming salamat at happy reading!!!
----crayon :))
haha tagal ko nang inaantay ito eh salamat naman nagising kana rin Mr. CRAYON.. More POWER and God Bless Always :)
DeleteYun oh! ang tagal kong inantay ito at sa wakas andito kana pero sa CP na lang kita basahin para paulit ulit haha xD...
Deletebelated happy birthday pala kay. 'in dubio pro reo' hehe pasensya na kung di ko kinaya yung 5 chapters, overload na ako dito sa apat eh... i wish you a happy life...
ReplyDelete"you won't be truly happy if you will alwatys be afraid to do what makes you happy..." -----Aki
worry less. live more.
:))
Salamat din sa admin ng MSOB for giving me the opportunity and space sa blog nila... salamat na din sa pag-consolidate nung 4 chapters na pinost ko... ill do it this way next time.... :))
ReplyDeletekay Mr Mike Juha thank you for inspiribg me to write through your beautiful works.... and giving me a chance to be lart of your Msob family... more power to you sir and God bless!!
:)))
grabeeeee killliiigg much... go Aki wag mo ng pakawalan si Kyle... at Kyle focus kana kay Aki ha wag mo ng isipin si Renz hehehhehe
ReplyDeleteAki <3 Kyle
haaayyyyyy.. at naisingit ko talaga ang pagbasa neto while working... salamat sa update.. worth waiting.. GOD bless!
ReplyDelete-arejay kerisawa
Hay nko lab lab lab et kilig nmn ito
ReplyDeleteRenki 4evah
-Lime
Renz-kyle pa din ako... hahaha!!! anyway thanks author.. kelan po b tlga date ng pg update nyo ng story mo? prng isang buwan ang pag update eh. haha!
ReplyDeletegaling talaga.. nice
ReplyDeletemarc
Kilig! Ang sweet nila sa isat isa. So sino kaya talaga ang pipiliin ni kyle? Ang haba lng ng hair.
ReplyDelete-hardname-
Tangina kinikilig talaga ako! Sorry for swearing but shit, I love the way you write this story. Napakagaling. Ang galing mo ring mambitin though, pero aaminin ko, bawing-bawi talaga sa updates mo yung pambibitin! Talagang quality over quantity. Pero sana naman, wag masyadong matagal. Pero as usual, matiyaga pa rin naming hihintaying ang iyong updates!
ReplyDeleteAnd nanghihinayang ako kasi malapit na matapos to. Sana ito na yun, para kay Kyle. Gusto silang dalawa ni Aki ang magkatuluyan.
And I hope you'll write again an another story after this (or pwede ding spinoff, pwede namang si Lui at Renz! para may pambawi!) Basta, hihintayin ko yung susunod mong kuwento. You're one of the reasons I keep visiting this site---- kahit mamatay-matay na ako kakahintay dito!
kakakilig nman talaga. sana cla na lang wag ng umepal c renz cla na lang ni lui. tnx crayon
ReplyDeleterandzmesia
ganda.. sana mabasa ko na ung ending.. go aki-kyle
ReplyDeleteomg. todo kilig
ReplyDeletekyle-aki.. :)
Great! Ganda ng kwento, I hope Aki-Kyle na talaga. Gawan mo na lang ng bagong love interest si Renz :-))
ReplyDeleteBrian Xander (Brix)
Kiliiiiiggg!:) Hope you get to post updates regularly for us who are really into your story.
ReplyDeleteAll the best,
Rico
the best talaga ang story na to..
ReplyDeletesana before xmas na ung ending crayonbox.. sarap cguro ng pasko ng mga readers mo kung matapos mo na xa agad.. :)
Wow! sulit na sulit yung paghihintay ko dito, so excited for the next update!
ReplyDeleteDear Author maraming, maraming salamat talaga.... ang galing mo!
Ben
Ah grabe ang ganda..sobra talaga akong kinlig dito..ang sarap basahin..
ReplyDeleteMr. Crayon ang galing galing mo.SALUDO ako sayo!!!!
Nice!!!
ReplyDeletesuper kilig to team aki-kyle!
ReplyDeletesana silang dalawa n talaga ang magkatuluyan. ^_^
thank you author. okay lang kahit matagl ang pinaghintay namin.
worth the wait naman.
at as usual bitin. :p
we'll be waiting for the next chapters! ;)
-Ms.C
wah!! ang sarap talaga ng feeling ng inlove :)
ReplyDeleteang galing mo talaga magsulat sir! idol na kita!!
thank you sir for sharing your story!! nakaka inspire!! :D
kudos!!
Guys, sa mga may google+ na account you can check on me there, just search kevin ross... thanks...
ReplyDeletesaan doon? ang daming lumabas na kevin ross
ReplyDeletekindly update na mr. author.. please!
ReplyDelete@pjberdz, yung nakasalamin po...
ReplyDeleteyung updates po ay konting tiis pa... hindi pa tapos eh...
update na po..
ReplyDeleteexcited much
konting tiis na lang po isang chapter na lanag ang sinusulat ko... hopefully ma-post ko sya before Christmas... :))
DeleteUpdate po please??
ReplyDeleteMagaling magaling magaling. . . Pero Christmas na po...
ReplyDeletesana magupdate na!!!
Merry xmas crayonbox.. Update na please.. :)
ReplyDeletesorry ngaun lang ako makakapag-update... give me an hour... :))
ReplyDeleteupdate na author.. madami na naghihintay.. hehe
ReplyDelete