Followers

Thursday, November 28, 2013

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 16



Salamat po sa pagsubaybay at sa patience sa paghihintay.  Sana magustuhan niyo po ang chapter.  

Announcement po muna!  Ikinalulungkot ko pong sabihin na baka mahinto po muna ang aking pagsusulat.  I need to finish this particular paper until the second week of January at wala pa akong nasisimulan.  It's a life or death situation for me kaya naman I choose to do that paper muna.  Its getting difficult for me using my left part of my brain while my right part is active.  I decided not to open this blogsite, my dummy facebook account nor my dummy email for me to focus on writing that paper.  Please pray for me para magkaroon ng wisdom na tapusin iyon.  

Baka po before the end of January or the start of Feb pa po ako makapag-update nito. Sorry po talaga.  For those anyone curious about the new character in this chapter, I intend to make him the protagonist for my next book.  Slight lang po siya mamemention sa kwentong ito but I already made a concept on what 'super' ability he possesses much like Yuri being a karate master himself.  Kaya watch out for the book that tells about Wolfram and Andre.

Comment, suggestion or violent reaction?  Comment lang po dito o e-mail po niyo ako sa karatekid.stories@gmail.com.  I truly hope na matapos ko na ang dapat kong tapusin para makabalik na po muli ako sa pagsusulat.  

Salamat po uli.  :)





Chapter 16



-AN-



Pagkatapos kaming kausapin ni Diana, umuwi agad ako sa aking condo.  Sinuri ko ang aking sarili kung kaya ko bang gawin ang ipinagagawa niya.  Inalala ang mga pagkakataon na nakita ko si Yuri: noong una ko siyang makita sa tapat ng aming silid sa karate; noong makita ko siyang nakaapron habang nagpeprepare ng Japanese food; noong makita kong kasama niya ang batang si Cathy at ang pagiging sweet niya dito; noong inihatid ko siya at binigyan niya ako ng hindi ko malimutang ngiti; noong mga klase namin sa karate kung saan palagi siyang ikinocorrect ni sensei; noong panahong natuklasan ang kanyang pagkatao at paano siya nagpakatatag sa gitna nito; noong nakipagbreak ako kay Katrina kung saan kaharap siya nito; noong ipinagtanggol niya ako sa mga fratman at kung paano siya nasaktan para sa akin; at higit sa lahat noong hinalikan ko siya habang natutulog ito. 

Parang sirang plakang paulit-ulit kong naaalala ang pangyayaring ito lalong-lalo na ang malalambot na labi ni Yuri kaya naman inamin ko na sa aking sarili na I like him.  I like him very much.  Nang tanggapin ko ito, itinanong ko sa aking sarili kung ano ba ang nagustuhan ko sa kanya.  And I realized, I admire everything about Yuri.  Ang kanyang mukha.  Ang kanyang katawan.  Ang kanyang ugali.  Maybe because of his cold treatment towards me that I started to like him.  But seeing him as a different person, makes me like him more.  Unang pagkakataon sa aking buhay na may naramdaman ako sa kapwa ko lalaki.  Kahit pa sabihin kasing bakla ito, sa itsura, kilos at pananalita ay makikita mo talaga itong lalaki kaya naman ipinagtataka ko kung paano rin nangyari ito sa akin.

Naisip ko rin ang sinabi ni Diana na itinuring ako ni Yuring kaibigan noong Sabadong inihatid ko siya.  Nagsisi ako dahil hindi ko itinuloy ito at sinunod ko na lamang ang gusto noon ni Katrina.  Pero what’s done is done.  Ang importante ngayon, iresolve ko muna itong nararamdaman ko.     

Magdamag kong tinimbang kung dapat pa ba akong lumapit kay Yuri o hindi na lang.  Sa huli, nagdesisyon akong sundin ang nais ko naman talagang gawin, ang makipagkaibigan sa kanya.  Wala akong pakialam kung magalit si Diana at Luke sa aking naging desisyon.  Totoo ang sinabi ni Diana na maaaring hindi na kailanman kami magkita pagkatapos ng kanyang exam kaya naman kailangan ko talaga siyang makausap sa araw na iyon.



Pumunta ako sa gym kung saan gaganapin ang kanyang exam.  Maaga ako sa lugar kaya naman naghanap ako ng puwestong walang makakakita sa akin.  Hindi ko rin dinala ang aking sasakyan.  Sasabay ako sa kanyang paglalakad mamaya at ililibre sa pagkain.  Alam kong hindi magiging madali pero kukulitin ko talaga siya kaya naman umaasa akong mapapapayag ko ito.  Hindi naman niya ako mapipigilang maglakad at sumunod sa kanya, at kung bubugbugin niya ako dahil sa pagiging makulit ay bahala na. 

Ilang saglit pa ay nagsidatingan na ang mga manonood kasama na sina Diana at Luke.  Napansin ko rin ang pagdating ng grupo nina Alex.  Naalala ko ang ibang binalian ni Yuri na kasama rin ni Alex ngayon.  Nang halos mapuno na ang gym ng mga manonood, dumating na rin si Yuri na nakapangkarate na rin.  Nilapitan naman ito kaagad ng grupo nina Alex at kitang kita ko kung paano napangiti nito si Yuri.  Dahil si Alex ang unang nagustuhan ni Yuri, alam ko sa aking sarili na nagseselos ako sa kanilang paglalapit.  Pwede ring bumalik ang pagkagusto rito ni Yuri lalo na’t mukhang mabuti na silang magkaibigan base sa ipinapakita nila.  Pero hindi ako dapat magpadalos-dalos sa pagkilos kaya naman naghintay pa ako ng mangyayari.     
Inisip ko sa aking sarili na dapat bago magtapos ang araw na ito ay maging tunay kaming magkaibigan ni Yuri.  Doon ko sisimulan at bahala na kung ano ang susunod na mangyayari.  Basta ang mahalaga ay ang gagawin ko ngayon.  Kaya naman kalkulado ko dapat ang aking bawat kilos para makorner ko siya mamaya sa aming paglalakad.  Nagdesisyon akong hindi magpakita sa kanya para mas madali akong makalapit sa kanya mamaya pag-uwi.          

Lubos akong humanga sa kanyang ipinakitang mga kata at kumite.  Masasabi ko talagang iba ang istilo niya sa aming natutunan sa karate.  Kahit ako, hindi ko kayang sumuntok ng may maririnig na hangin kaya naman masasabi ko talagang eksperto siya sa ginagawa niya.  Wala ring nagawa ang kanyang kasparring na kapitan ng karate club kahit parang bata si Yuri kumpara dito.

Humanga rin ako sa kanyang tapang nang may magtanong kay Yuri ng kanyang pagkatao at hindi ito tumangi.  Sabagay, wala naman sigurong mangangahas mang-insulto dito matapos nilang mapanood ang ginawa ni Yuri sa straight na kapitan ng karate club. 

Nang sinabi ni sensei ang desisyon ng kanyang exam, naghanda na rin ako para sundan siya sa kanyang paglabas.  Akala ko talaga ay babalik ito noong tinawagan ito ni sensei sa opisina dahil nandoon pa si Diana sa loob ng gym.  Nang makalipas ang ilang minuto, lumabas si sensei, pumunta sa rubber mat at sinabi nga na umalis na si Yuri.  Isa ako sa nakadama ng disappointment dahil sa pagtakas ni Yuri sa mga tao.  Naisip kong hingin ang kanyang celfone number kay Diana pero alam kong hindi nito ibibigay ang aking hihingin kaya naman tumakbo ako palabas ng gym para habulin na lang si Yuri.

Sa labas, halos mabali na ang leeg ko kahahanap sa kanya pero ni anino nito ay hindi ko na nakita.  Malamang sumakay na ito ng jeep pauwi dahil wala siya sa daan na nilalakaran ng mga ito pauwi.  Nawalan na ako ng pag-asa na mahabol pa siya kaya naman nagdesisyon na akong umuwi ng condo. 



Habang nag-iintay ng masasakyan, nakita ko namang palabas ng gym si Keith.  Alam kong kagrupo ito ni Yuri kaya naman kahit papaano ay may numero ito ng celfone niya.  Alam ko ring minsan na ring nakapunta si Keith sa bahay ni Yuri kaya malamang alam rin nito ang kanyang address.  Hihingin ko ang numero ng celfone o kaya naman ang address ng bahay ni Yuri kaya naman nagdesisyon akong makipag-inuman kay Keith.  Inakbayan ko siya, inaya (mabuti na lamang at hindi ako nahirapan sa pag-aya sa kanya) at sumakay na kami sa kanyang sasakyan. 

Sa biyahe, tinanong ako nito kung nasaan ang aking sasakyan.  Sinabi ko sa kanyang tinatamad akong magdala na ipinagtaka pa nito dahil never pa ako nitong nakitang walang dalang kotse.  Maikling kumustahan lang at nawalan na nang ingay sa loob ng sasakyan.  Parang  nagkailangan rin kami sa isa’t isa sa hindi malamang dahilan.

Nagdesisyon kami ni Keith na mag-inuman na lamang sa isang malapit na restobar sa kanilang apartment.  Walking distance lang mula sa kanilang apartment kaya naman iniwan na rin niya ang kanyang sasakyan sa kanilang compound para ipark.  Wala pang customer na nag-iinuman dahil masyado pang maaga para dito.  In short, kami ang unang mag-iinuman doon.

Umorder muna kami ng kakainin at iinumin.  Dahil parehas kaming walang ganang kumain, pulutan at anim na bote ng beer ang aming binili.  Habang nag-iinuman, paminsan-minsan nagkukumustahan pa rin kami.  Halos ikinuwento ko na ang lahat ng tungkol sa akin pero mahahalata ang pagkawalang intres ni Keith na makipag-usap. Tanging mahinang tango o simpleng sagot kung hindi ‘oo’ o ‘hindi’ lang ang isinasagot nito kapag ako ang nagtanong.  Kakaiba, dahil kalimitan siya ang nag-iinitiate ng conversation kapag lumalabas ang barkada.  Dahil sa kanyang ikinikilos, hindi ako makahanap ng tiyempo na tanungin ito ng tungkol kay Yuri. 

Matapos ang ilang oras, tuluyan na ngang walang namagitang usapan sa aming dalawa.    Ang anim na bote ay naging isang case na nadagdagan pa ng ilang bote ng mamahaling alak kaya naman tinamaan na rin ako ng aking ininom.  Agaw pansin na rin kami sa loob dahil bukod sa matagal na kami sa lugar na iyon, masyado na ring lasing si Keith, kaya naman nagdesisyon na rin akong bayaran ang aming bill, ihatid si Keith (parang di na kasi niya kayang maglakad) at umuwi.

Pagkatapos kong bayaran ang bill, nagsalita si Keith  “Paaareee, pabasa namannnnn nitoooo? Baka importanteeeee” sa lasing na tono.  Inabot nito sa akin ang kanyang celfone para ipabasa kung sino ang nagtext sa kanya.  Malamang related sa org kaya naman kahit lasing na lasing ito ay concern pa rin sa text.  Nagkahint na akong pwede kong kopyahin ang number ni Yuri sa celfone nito kaya naman dali-dali ko ring kinuha ito.

Nakita kong kay Yuri galing ang text kaya naman mabilis kong binasa ito sa harap niya.  ‘Keith, pumunta ka sa project presentation before 1 pm bukas.  Kailangan ka doon para makapagpresent ka sa ating project.  Pumunta ka na lang earlier para mabigyan kita ng kopya ng ipepresent at ituro ko sa iyo ang magiging part mo.’       

Pagkatapos ko itong basahin, biglaang hinablot ni Keith ang celfone, itinapon ito sa sahig ng restaurant at tinapaktapakan ito.  Dahil sa kanyang ginawa, lahat ng tao sa bar ay sa amin na nakatingin.

Nang makabawi sa kanyang ginawa, hindi ko rin napigilan ang aking sarili.  “ANO BANG PROBLEMA MO?” sigaw ko dito.

“WALANG KANG PAKIALAM” ganting sigaw nito.  “HINDI MO CELFONE ‘TONG TINATAPAK-TAPAKAN KO.”

“MAY PROBLEMA KA BA KAY YURI?” sigaw ko ulit dahil pakiramdam ko ay si Yuri ang kanyang itinapon at tinatapakan.  Natigilan ito at wala akong nakuhang sagot kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagsigaw.  “AKALA KO PA NAMAN SA LAHAT NG TAO, IKAW ANG HINDI MANG-IIWAN NG KAIBIGAN.  ALAM MO RIN ANG KANYANG MGA PAGHIHIRAP PERO INIWAN MO PA RIN SIYA SA ERE NOONG MALAMAN MONG BAKLA SIYA.”

Bigla niya akong kinuwelyuhan at pinanlisikan ng mata.  “WALA KANG ALAM KAYA WALA KANG KARAPATANG SABIHAN AKO NG GANAN.  BAKIT WALA KA RIN NAMANG GINAWA PARA SA KANYA ‘DI BA?”

Tinamaan ako sa huli niyang sinabi kaya naman kinuwelyuhan ko na rin siya.  Alam ko kasing totoo ito.  “TAMA KA NGA.  WALA NGA AKONG GINAWA PARA SA KANYA.  PERO IKAW, SINAKTAN MO PA SIYA. MAS MABUTI NAMAN SIGURO YUNG WALANG GINAWA KAYSA NANAKIT PA, DI BA?” sigaw ko habang nakangiting-aso pa. 

Walang anu-ano ay sinuntok ako nito sa mukha.  Ginantihan ko rin naman ito agad ng suntok. 

Nang lalapit muli ito sa akin, inawat na kami ng mga bouncer ng bar.  Nagpupumilit kaming abutin ang isa’t isa pero lubhang malakas ang mga bouncer sa amin.  Pwersahan kaming inilayo sa isa’t isa at inilabas ng bar.  Nang nasa entrance na kami ay binitawan na rin kami ng mga ito.  Ibinigay rin ng isa ang pinulot na celfone ni Keith.  Buhay pa naman ito pero hindi ko lang alam kung gumagana dahil sa mga lamat ng screen nito. 

Tila natauhan na rin kami kaya naman ang mainit na tensyon sa aming dalawa ay napalitan ng katahimikan.  Kahit wala ng nakahawak sa amin ay walang kumikilos sa aming dalawa.

“Sorry tol” ako ang unang humingi ng despensa dahil may kasalanan rin ako sa pangyayari.

“Sorry rin pre” humingi na rin ito ng tawad.  Tila nabawasan ang tama ng alak naming dalawa.  “Ako ang may kasalanan.”

Umupo kaming dalawa sa may lobby ng bar.  Nang masiguro ng bouncer na hindi na kami mag-aaway, iniwan na rin kami ng mga ito.  Ilang saglit namayani ang katahimikan bago ito binasag ni Keith.

“’Yung text kanina ni Yuri ay tungkol sa aming project sa klase.  Ang totoo niyan, simula ng malaman ng lahat na bakla si Yuri, nilayuan ko rin ito.  Kahit sa aming lab na magkapartner kami, hindi ko ito kinakausap man lang.  Siya ang gumawa ng lahat ng aming exercise pero wala akong nakinig na reklamo mula sa kanya.  Ang project na sinasabi niya ay ang aming huling requirement sa klase na dapat ipepresent ng magkapartner na gumawa nito.  And guess what?  Hindi ko rin siya tinulungan doon” mapait na ngiti ang makikita sa kanya. 

“Kaya naman ng makinig ko na binasa mo ang kanyang text, sobra akong nagalit sa aking sarili.  Biruin mo, kahit na ang pagtrato ko sa kanya ay parang basura, nagagawa pa rin niyang maging concern sa akin.  Alam kasi niyang maari akong bumagsak sa klase kapag nalaman ng prof namin na hindi ako nagparticipate sa paggawa ng exercises at project.  Ang bobo-bobo ko! Ang tanga-tanga ko!  Pinakawalan ko si Yuri at hinayaan ko lang siyang maghirap mag-isa.  Tama ka sa sinabi mo, sinaktan ko siya kaya nga wala na akong karapatan na lapitan man lamang siya.”  Tuluy-tuloy na ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata nito.  Wala siyang pakialam sa mga taong dumadaan at nakikita siyang umiiyak.

“Mas kilala mo siya sa akin Keith.  Pero alam ko, kapag humingi tayo ng tawad sa kanya ay mapapatawad rin niya tayo” wika ko sa kanya para mapagaan ang dinaramdam naming dalawa.

“Ewan ko AN.  Ewan ko” parang nawawalang pag-asang sagot nito.  Nagiging first name ang tawagan naming magbabarkada kapag nagiging ganitong kaseryoso ang aming pag-uusap.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, nagdesisyon na rin kaming umuwi.  Mas nasa huwisyo pa naman ako kaysa kay Keith kaya ihahatid ko na lang muna din siya sa apartment.  Medyo umuulan sa labas pero kaya naman dahil malapit lang naman ang kina Keith mula dito.



“Sumama kayo sa amin” bulong sa amin ng isang tao.  Nakakailang hakbang pa lang kami mula sa restobar ng may biglang sumabay sa aming limang taong nakabonnet habang naglalakad.  Hindi namin sila napansin hanggang magsalita ang mga ito.  Nasa isang madilim na parte kami ng kalsada dahil ang ilaw mula sa pinakamalapit na poste ay patay.  Dalawa ang dumikit sa akin, dalawa rin ang dumikit kay Keith at bahagyang umuna naman ang nasa gitna namin.  Maaninag sa kakaunting liwanag na higit silang malaki sa amin.

“Huwag kayong maingay” wika muli ng lalaking nasa gitna.  Bigla kong naramdaman na may itinutok ang isang tumabi sa akin na matigas na bagay.  At nang aking maaninag kung ano iyon, parang nawala ang ispiritu ng alak na bumabalot sa akin.  Baril.  Pasimple ang pagkakatutok nito.  Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila.

Saglit kong sinulyapan si Keith.  Katulad ko, tinututukan rin ito ng lalaki sa tabi niya na sa hula ko ay baril rin.  Ang isa pang lalaking nasa kabila ni Keith (katulad ng nasa aking tabi) ay hinaharangan ang posisyon ng dalawa mula sa malayo.  Tila bigla ring nahimasmasan si Keith dahil takot na rin ang makikita sa mukha nito kumpara kanina na inaantok.     

Habang sumusunod sa paglalakad, mabilis kong inikot ang paningin sa paligid.  Wala akong taong nakita.  Kahit ang kalsadang trapik kapag umaga ay walang dumadaang sasakyan ngayon.  Pilit ko ring kinikilala ang mga lalaki pero dahil sa suot (mata lang ang nakikita mula rito) hindi ko sila makilala. 

Nakakailang hakbang na kami at may nakita akong isang van na nakaparada sa unahan namin.  Bukas ang ilaw mula sa loob kaya naman sigurado akong may tao doon.  Sa pag-aakalang pwedeng makatulong ito, inipon ko ang aking boses at sisigaw sana ako para mapansin kami ng nasa sasakyan.  Nakabuka na ang aking bibig para sumigaw pero tinakpan ito ng lalaking nasa aking kabilang tabi. 

Nagmakawala ako at pagkatapos ng ilang subok nakasigaw ako ng “TUUUUUUULONG”.  Mabilis namang nakabawi ang lalaking nagtakip ng bibig sa akin, binalik ang kamay sa aking bibig at sinuntok ako ng malakas sa sikmura.  Napaluhod ako sa sakit pero inalalayan rin ako nito para maglakad. 

“Sabi ko sa inyo tumahimik kayo” mahinang wika ng lalaki sa gitna.  Nagpalinga-linga naman ang iba niyang kasama sa paligid para tingnan kung may nakarinig sa akin.  “Pag hindi kayo tumahimik, ipababaril ko kayo.”

Dahil sa sakit ng aking sikmura sa suntok, alam kong totohanin ng mga ito ang kanilang banta.  Tuluyan ng nawala ang aking pag-asa nang ang inakalang van na makakatulong sa amin ay ang amin palang tutumbukin ng paglalakad.  Doon pala kami isasakay at dadalhin sa ibang lugar.  May lumabas ring lalaki mula doon at binuksan ang van.

Ilang hakbang mula sa van ng biglang tumumba ang lalaking nagtutok ng baril sa akin.  Napalingon ako sa lalaki at nakita kong kahit ang lalaking nagtutok ng baril kay Keith ay natumba rin.  Tiningnan ko ang direksyon ng nagpatumba at nakita ko ang lalaking kanina ko pa gustong makausap, si Yuri.  Mabilis nitong ibinabalik ang katana sa lalagyan nito na nakasukbit sa kanyang beywang. 

Pagkabalik ng katana, hinawakan niya ang balikat naming dalawa ni Keith at sumigaw ng, “YUKO”.  Mabilis kong nakuha ang gusto niyang mangyari kaya naman sumunod ako sa kanya.  Tila nagulat naman ang lalaking nagtakip ng bibig sa akin kaya naman ng yumuko ako, hindi na ako nahirapang tanggalin ang kamay nito.  Tumalon si Yuri na nakatuon sa aming balikat at sabay sinipa ang lalaki sa aking tabi at ang lalaking nasa tabi ni Keith.  Tumilapon ang dalawa sa sipa. 

Kabababa pa lang ni Yuri mula sa pagkakasipa ng muli itong tumalon na nakatuon pa rin ang mga kamay sa aming balikat ni Keith.  Sinipa naman nito ang lalaking nasa harap namin at tumilapon ito sa lalaking nagbukas ng van at sabay silang tumumba.  Ang mga nahulog na baril na hawak ng dalawang lalaki ay isa-isa ring sinipa ni Yuri para lumayo.     

Nagulat rin kami ni Keith sa bilis pangyayari kaya naman kinailangan pa kaming hilahin ni Yuri sa braso para matauhan.  “TAKBO NA!” sigaw ni Yuri. 

Umatras na ako para tumakbo pero si Keith ay nagsalita, “Tara na Yuri.”

“TUMAKBO NA KAYO SABI EH.  AKO NA MUNA ANG BAHALA DITO.”  Nilapitan nito ang mga lalaking una niyang pinatumba (dahan-dahan nang tumatayo ang mga ito) at binigyan ng sipa sa mukha dahilan para mapahiga uli ang mga ito.  Hinila ko na si Keith dahil alam kong kailangan naming sundin agad si Yuri para makahingi agad ng tulong.    

Tumatakbo kami ni Keith sa direksyon patungo ng kanyang apartment ng makarinig kami ng malakas na sigaw.  “HULIHIN NYO UNG MGA UN LALO NA UNG RAZON.  PATAY TAYO KAY BOSS KAPAG NAKATAKAS YAN”  boses ito ng lalaking nasa gitna kanina.  Mukhang ako ang tinutukoy nito ng sinabi nitong Razon.  Mabilis naman itong napalitan ng malakas na “UGGHHH”, daing nang nasaktan. 

Si Keith naman ay may ginagawa sa celfone nito habang tumatakbo.  Nakarinig na lang ako mula sa kanya, “Tulungan nyo kami, may mga taong nakabaril.  Isinasama kami ng pilit pero nakatakas kami.  Dito kami sa kalsada papuntang campus.  Bilisan nyo.”  Ibinaba na rin nito ang celfone.  Himala at gumana ang celfone nitong basag-basag na.  Hindi ko na rin nagawang itanong kung sino ang kausap niya dahil sa pagkataranta.

Patuloy pa rin kaming tumatakbo ni Keith. Medyo malayu-layo na kami ng makarinig kami ng putok ng baril.  Naramdaman ko pang may lumipad na bala malapit sa amin kaya naman hindi namin naiwasang tumigil at tingnan kung anong nangyari. 

Habang nakahiga ang iba mga lalaki, ang isang may hawak ng baril ay hawak-hawak ni Yuri sa braso (na may baril).  Inihampas niya sa kanyang tuhod ang braso nito dahilan para mahulog ang baril.  Sinipa na rin niya ang lalaki at natumba muli ito.  Sinipa rin ni Yuri ang baril para lumayo rin ito. 

Habang pinapanoond namin si Yuri na hindi pinababayaang tumayo ang mga lalaki, kita mula sa malayo na may tumutulo mula sa kaliwang braso nito.  Iba ito sa tulo sa kabilang braso na dahilan ng pagkabasa sa ulan.  Mas malakas ito.  Hindi na rin niya iniaangat ang braso niyang ito kahit ang isa ay abala sa pagsuntok.  Nang aking maalala ang putok ng baril kanina, sigurado akong tinamaan nito si Yuri.   

Nagsimula na akong bumalik sa paglalakad para kumpirmahin ang lagay ni Yuri ng bigla itong sumigaw.  “ANONG GINAGAWA NYO? BAKIT KAYO TUMIGIL? TAKBO NA!”

“Huwag AN.  Alam ko ang nararamdaman mo” wika ni Keith habang hawak ako nito sa braso.  Tumigil na rin ang ulan.  “Pero mas makakagulo lang tayo kapag bumalik pa tayo.  Hintayin na lang natin ang mga pulis.”  Nagkabaliktad kami ng dialog ngayon ni Keith.

Pagkasabi noon ni Keith, nakarinig kami ng sirena mula sa isang pulis patrol car.  Tila nataranta na rin ang mga lalaki sa pagdating ng pulis kaya naman mabilis tumayo ang mga ito at nagmamadaling pumasok sa van.  Naiwan si Yuri na nakatayo habang nagsisimulang tumakbo ang van.  Hawak nito ang brasong tinamaan ng bala. 

Mabilis namang naharangan ang papasibat na sasakyan ng pulis patrol car kaya naman hindi na natuloy ang pagtakas ng mga ito.  Lumabas ang mga pulis, pinalabas ang mga lalaki at pinataas ang mga kamay ng mga ito.  Kita rin namin na tumaas ang kamay ni Yuri.  Mabilis naman kaming tumakbo pabalik ni Keith para sabihin na hindi kasama si Yuri ng mga lalaki.

Malapit na rin kami ni Keith sa pangyayari ng marinig namin ang pulis.  Nakababa na rin ang braso ni Yuri at hawak nito ang tinamaan.  “Mr. De Leon sigurado ka bang ayos ka na?” wika ng isang pulis.  Namumukhan ko ito na humarap sa amin ng nasa pulis station kami noong isang araw.

“Ok lang ‘to boss.  Daplis lang.  Kunin ko lang ung first aid kit ko sa bag.”  Naglakad na ito sa direksyon ng isang poste.  Hindi nito kami tiningnan man lamang.

“Boss ako po ang tumawag.  Buti nakarating agad kayo”  panimula ni Keith sa mga pulis.  Hindi ko na naintindihan ang usapan ng dalawa dahil tinitingnan ko si Yuri sa kanyang ginagawa.  Nilapitan ko na rin siya.

Nang makarating si Yuri sa poste, kinuha nito ang nakalapag niyang bag.  Gamit ang kanang kamay, hinalungkat nito ang loob at may kinuha sa loob nito.  Inilabas nito ang isang plastic.  Mula sa plastic, inilabas nito ang isang bote at ibinuhos ang laman sa kanyang tama.  Naaamoy ang alcohol sa paligid.  Nang makalapit ako sa kanya, pinipilit nitong lagyan ang sugat ng bulak habang binabalutan ng bendahe.  Pero dahil isang kamay lang ang gamit, nahihirapan ito.  Kaya naman, kinuha ko ang bendahe sa kamay niya ng hindi nagpapaalam at ako na ang nagbalot sa kanyang braso.

“Huwag kang umiyak.  Hindi ka naman nasaktan, di ba?  At saka hindi naman masyadong masakit” wika ni Yuri sa akin.  Hinayaan na lang din niya ako.  Noon ko lang din napansin na umiiyak na rin pala ako.  Marahil dahil sa pagkatakot ko kanina.  Akala ko kasi tuluyan ko na siyang hindi makikita.     



Isinama kaming tatlo sa pulis station kasama ang mga lalaking dudukot sana sa amin.  Madali rin kaming namukhaan ni Yuri ng mga pulis.  Hayagang paghanga naman ang ipinaramdam ng mga pulis, babae at lalaki, kay Yuri dahil sa pangalawang pagkakataong napasabak ito sa labanan, napatumba nito ang mga kalaban.  Laking pasasalamat rin ng mga ito dahil ang katanang dala ni Yuri ay hindi nito ginamit.  Sinabi ni Yuri sa mga pulis na kinailangan niya lang ang katana para makalapit siya sa mga ito ng hindi napapansin.  Kung nagkataon kasing nakapatay pa siya, malamang makukulong pa ito kahit pa sabihing pagtatanggol ito sa sarili. 

Dahil hindi namin kilala ang mga lalaking dudukot sa amin, ipinakulong na namin ang mga ito.  Pilit tinatanong ng mga pulis kung anong motibo ng mga ito pero walang nagsalita sa kanila.  Tinawagan rin ng mga pulis ang aming mga magulang para ipaalam ang mga pangyayari.  Alalang alala pa si Mommy pero ng malaman nito ang aking kalagayan, nakahinga rin ito ng maluwag.  Nagpahayag pa ito na gusto raw niyang pasalamatan ng personal si Yuri.  Pagkatapos ng imbestigasyon sa amin ni Keith, pinayagan na rin kaming umalis. 

Sabay-sabay kaming tatlong umalis sa pulis station habang tahimik kaming naglalakad.  Ito ang ikalawang pagkakataon na iniligtas ako ni Yuri kaya naman ako na ang nangahas na bumasag ng katahimikan.

“For the second time Yuri, maraming maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin.  Sa amin ni Keith”  nahihiya kong wika.  Bumagal sa paglalakad si Yuri kaya naman alam kong nakikinig ito sa akin.  “Kung hindi dahil sa iyo, baka kung saan na kami dinala nung mga yun.  Hindi ko alam kung paano kita magagantihan sa kabutihan mo.”          

“Salamat lang ok na” wika nito habang tuluy-tuloy pa rin sa paglalakad.  “At saka hindi nyo naman hiniling na tulungan ko kayo kaya wala kayong atraso sa akin.”  Napahawak ‘tong bigla sa kanyang braso.  Walang itsurang nasasaktan pero sa higpit na pagkakahawak nito dito, alam kong dinaramdam niya ito.  Nagsisimula na namang dumugo ang braso nito at tumatagos na ito sa bendahe. 

“Dalhin ka na namin sa hospital.  Mukhang masama ‘yang tama mo” nag-aalala kong wika.

“Hindi na” wika nito.  “Sa bahay ko na lang ito ipapagamot.” 

“Hindi dadalhin ka na namin.  Delikado yan baka maimpeksyon” wika ko muli.

“Anong gagawin nyo?  Pupuwersahin nyo ako?” bahagya itong ngumiti na parang nakakaloko.  “Sa amin ko na lang gagamutin ito.”

Walang anu-ano ay hinawakan ni Keith ang braso ni Yuri na tinamaan ng bala.  Pilit nagmakawala si Yuri pero binabalik ni Keith ang kamay nito sa braso.  Dahil sa kulit ni Keith, nagpaubaya na si Yuri.  Binuksan nito ang bendaheng inilagay ko sa sugat ni Yuri.

“May ibang bulak at bendahe ka pa ba diyan?” tanong ni Keith. Walang salitang ibinaba ni Yuri ang bag at kinuha muli ang plastic na naglalaman ng hinihingi ni Keith at ibinigay dito.

Pagkatapos linisin muli ni Keith ang sugat, nilagyan muli nito ang sugat ni Yuri ng maayos na dressing.  Alam kong ilang first aid training na rin ang dinaanan nito bilang miyembro ng Red Cross kaya naman alam kong alam nito ang kanyang ginagawa.  Nagpatuloy muli kaming maglakad pero hindi na tinanggal ni Keith ang pagkakahawak sa dressing para raw hindi dumaloy ang dugo.  Ilang metro pa ang aming nalakad at narating na namin ang sakayan ng jeep na sasakyan ni Yuri pauwi.

“Sige iwan niyo na ako dito.  Dito na ako sasakay pauwi” wika ni Yuri sa aming dalawa.  Mag-aalas onse na nang gabi kaya naman bibihira na rin ang mga sasakyan sa kalsada.  Nagkatinginan kami Keith kaya naman alam kong parehas lang kami ng iniisip.

“Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid ka namin sa inyo” wika ko sa kanya.



-Keith-



Nakasakay na kami ni AN ng jeep (na walang ibang pasahero kundi kaming tatlo) para ihatid si Yuri habang hawak ko pa rin ang braso niyang dinudugo.  Sinabi kong para hindi dumugo kaya naman pumayag na rin ito kahit noong una ay siya ang nagpupumilit humawak nito.  Nagpresinta si AN na siya ang hahawak dahil mukhang nangangawit na raw ako pero hindi ko rin siya pinayagan.   Pagkatapos ng maikling dialogo, wala nang namagitan sa aming tatlong usapan habang nasa jeep kami. 

Habang nasa biyahe, nagkaroon ako ng pagkakataon makapag-isip ng mabuti kahit pa may tama na ako ng alak kanina.  Marahil dahil na rin ito sa mga nangyari at sa presensiya ni Yuri.  Inalala ko ang mga nangyari kanina.  Buti na lang at may malapit na patrol car sa pinangyarihan kaya madali ring nakaresponde ang mga pulis.  Kung nagkataon at natagalan pa sila ng kaunti, marahil nanganib rin ang buhay ni Yuri dahil sa pagkawala ng dugo.  Inisip ko ang nararapat kong gawin.  Bago bumaba, nakapagdesisyon rin ako ng dapat kong gawin.

Ilang minuto pa ay bumaba na rin kami sa malapit na kalsada sa bahay ni Yuri at binitiwan ko na rin ang braso niya.  Habang naglalakad kaming tatlo, bigla-bigla akong umuna, hinarangan ang nilalakaran ni Yuri, humarap sa kanya at lumuhod sa lupa kahit medyo maputik pa dahil sa ulan kanina.  Tumigil sa paglalakad si Yuri at AN dahil sa aking ginawa.

“Yuri, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad” panimula ko habang nakatingin sa kanyang paa.  Hindi ako makatingin sa mga mata niya.  Nagsisimula na ring mamuo ang mga butil ng luha sa aking mga mata pero pinigilan ko muna ito.  Pagkatapos ng sandaling katahimikan, ipinagpatuloy ko muli.  “Inaamin ko, malaki ang kasalanan ko sa iyo.  Iniwan kita lalo na sa panahong kailangan mo ng kaibigan.  Sorry talaga.  Hindi ko na ipagtatanggol ang aking sarili.  Inaamin kong naging makasarili rin ako.  Noong una, natakot akong lumapit sa iyo dahil alam kong maaapektuhan noon ang aking imahe sa campus na ilang taon ko ring binuo” tuluyan na ngang tumulo ang aking mga luha. 

“Pero pagkatapos ng ilang linggo, narealize ko kung gaano ako katanga.  Totoo ang sinabi nila na malalaman mo lamang ang kahalagahan ng isang tao kapag nawala sila sa ‘yo.  Pinagsisihan ko ang una kong desisyon na lumayo.  Kaya nga ng makita kita sa likod ng library noon, pinuntahan kita para magkaayos sana tayo muli.  Pero noong makita kitang lumuha, alam kong masama ang loob mo sa akin kaya naman hindi ko alam ang aking sasabihin noon.  Ang tangi ko lang naisip na paraan para mawala ang sama ng loob mo sa akin ay hindi magpakita sa iyo at simula noon hindi na rin ako halos magpakita sa iyo.  Alam kong mawawala rin ang galit mo sa akin kaya naman humingi at umasa ako ng isang senyales na nangyari nga iyon. At ang aking hiningi ay kapag muli kang kumain sa canteen.  Pero natapos ang sem na hindi ka na muling kumain pa sa canteen.  Nang malaman ko ang iyong sitwasyon mula kay Diana, na realize kong hinding hindi pala mangyayari ang senyales na hinihingi ko.  At muli ko naman pinagsisihan ang hindi ko paggawa ng hakbang para magkaayos tayo.  Alam kong wala na akong karapatan kahit makipagkaibigan man lamang sa iyo pero humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng bagay na ginawa ko.  Gagawin ko lahat kahit bugbugin mo ako ngayon mapatawad mo lang ako at muling matanggap bilang kaibigan.”  Tuluy-tuloy pa rin ang daloy ng luha mula sa aking mga mata. 

Lumipas ang ilang saglit na natahimik ang paligid.  Ang tangi lang maririnig ay ang aking mga hikbi.  Hindi ko man lamang magawang itaas ang aking paningin dahil sa kahihiyan kaya naman sa paa pa rin niya ako nakatingin. 

“Tumayo ka na diyan” wika ni Yuri.  Iniangat ko ang aking paningin sa kanyang mukha.  Nakasimangot ito habang hawak nito ang brasong nilagyan ko ng benda.  Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad kaya naman ibinalik ko na muli ang tingin sa kanyang paa.  “Papatawarin sana kita kaso sa haba ng sinabi mo, sumakit na naman itong braso ko.  Tayo na sa loob para mapatawad kita.” 

Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mukha at aking nakita ang kanyang ngiting matagal ko ring ipinalangin na makita.  Sobrang galak ang aking naramdaman.  Kaya naman walang anu-ano ay tumayo ako, binigyan siya nang mahigpit na yakap habang tuluy-tuloy pa rin ang daloy ng aking mga luha.

“ARAYYYYYY” napasigaw si Yuri dahil sa aking ginawa.  Binitiwan ko ulit siya at nag-aalalang tiningnan ang kanyang braso.  Nagsimula na namang dumugo ito dahil sa aking ginawa.

“Tayo na nga sa loob” wika ni Yuri pagkatapos makabawi sa sakit.

Hindi ako makapanilawala sa bilis magpatawad ni Yuri kaya naman ibinalik ko muli dito ang usapan habang naglalakad muli kami.  “Yuri, wala ng bawiaan yan ha?  Magkaibigan na tayo uli.”

“Bakit sinabi ko bang pinatawad na kita?” nakasimangot na muli ito at halatang pilit na itinatago ang pagngiti.  “Ang sabi ko kapag nasa loob na tayo kita patatawarin.  Kaso nagbago ang isip ko.”

“Bakit?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. 

“Pinadugo mo na naman kasi ang sugat ko” galit-galitang wika ni Yuri. 

“Ikaw talaga” sagot ko sa kanya.  Alam kong bumalik na muli ang dati naming turingan ni Yuri kaya naman inakbayan ko ito at hinimas himas ang kanyang ulo na parang bata (madali lang ito dahil sa kanyang liit).  Madalas ko itong ginagawa sa kanya noon.  Nagsalita pa akong parang nakikipag-usap sa paslit, “Kawawa naman ang baby.”  

Pilit itong nagmakawala sa pagkakaakbay sa akin at napagtagumpayan naman nito.  Muli akong bumalik sa kanyang tabi at nagwika “Ikaw naman, hindi ka talaga mabiro”.  Inakbayan ko muli ito.

“Seriously Yuri, hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Sa totoo lang, hindi naman talaga malaki ang galit ko sa iyo.  Baka nga wala at nagtatampo lang.  Alam ko rin naman kasing mangyayari iyon kapag nalaman niyo na bakla ako kaya simula pa lamang na makipagkaibigan ako, isinet ko na rin ang utak ko kapag nalaman niyo ito.”  Naging malungkot muli ang boses nito.  “Pero pagkatapos ng ginawa mo kanina at kung paano ka humingi ng tawad, tuluyang nawala na rin ung tampo ko sa ‘yo.”  Nakangiti na ito.

“Bakit ka nakatawa diyan?  Nakakatawa ba ang ginawa ko?” galit-galitan kong wika.

“Akala ko ba ako ang bakla dito” sagot nito.  “Eh bakit parang mas mabilis pa kayong paiyakin sa akin.  Kanina sa campus, si AN.  Ngayon naman, ikaw.” 

Naalala kong kasama pala namin si AN.  Napatingin ako dito.  Nakasimangot ito sa ‘di malamang dahilan.  “Uuwi na kami Yuri.  Naihatid ka na rin naman namin.  At saka mukhang kaya mo na naman.  Keith tara na.”

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood nito sa gayong siya ang nagpumilit kay Yuri na ihahatid namin siya.

“Sige.  Hindi ko kayo pipilitin” wika ni Yuri.  “Pero wala ng masasakyan ng ganitong oras.  Baka mamaya pang mga alas singko ang biyahe ng jeep pacampus.  Sige una na ako sa loob.”  Nakatungtong na kami sa bakuran nila at ilang hakbang na lang ay ang kanilang pinto na.

“AN narinig mo si Yuri” wika ko sa kanya.  “Wala na raw masasakyan.”  Bumaling ako kay Yuri.  “Ok lang bang makituloy muna.”

“Wala naman akong magagawa, di ba?” wika nito sa akin.  “Tara sa loob.”

Gusot pa rin ang mukha, sumama na sa amin si AN patungo sa bahay ni Yuri.  Kumatok na rin si Yuri at ilang saglit pa ay pinagbuksan na rin siya ng pinto ng kanyang bagong gising na ina.  Tila nagulat pa ito dahil mayroon siyang kasama sa pag-uwi.  Ipinakilala kami ni AN sa kanyang ina.  Pagkatapos ng maikling batian, pinapasok na rin kami nito.  Medyo nahihiya pa ako sa kanya dahil alam kong alam nito ang ginawa ko kay Yuri pero malugod pa rin niya kaming tinanggap.

Sa loob, mabilis kong sinuri ang bahay ni Yuri.  Mayroon itong limang pintuan habang walang naghihiwalay sa sala at sa kitchen.  Simple lang pero masasabi kong maaliwalas dahil sa pagkasimple ng mga dekorasyon at disenyo sa loob.  Pinapaligo na rin kami ng ina ni Yuri dahil suot pa rin namin ang aming nabasang damit.  Pinagpalit na rin kami nito ng damit pambahay.  Dahil biglaan ang pagsama namin, pinagamit lang nito ang mga iniwang pambahay ng kapatid ni Yuri.  Medyo malaki pa ito ng kaunti sa akin kaya naman iniisip ko kung paano nagkaroon ng malaking kapatid si Yuri. 

Pagkatapos naming makapag-ayos ng sarili ay lumabas na rin kami ni AN mula sa kuwarto ni Yuri (doon raw muna kami matulog).  Unang nag-ayos ng sarili si Yuri kaya naman nang lumabas kami ay matatapos na ring linisin ng ina nito ang sugat ni Yuri.  Nakahubad ito habang abala ang kanyang ina sa pagbabalot ng sugat niya.  Ngayon ko lang nakita si Yuring walang damit pang itaas at masasabi kong napakaganda nang kanyang katawan.  Daig pa ako nito dahil kitang kita sa maputi nitong kutis ang well-defined six-pack abs nito habang ang sa akin ay hindi na halos makita dahil bibihira naman akong maggym.  Kapansin-pansin ang pilat nito sa katawan kaya naman hindi ko ring napigilang mag-usisa.

“Wiwit” wika ko na parang sumisipol.  Napatingin naman ito sa akin dahil hindi nito alam kung para saan iyon.  “Wow, ang ganda pala ng katawan mo Yuri”  hindi ko mapigilang bulalas. 


“Tumigil ka nga diyan” mahina nitong kontra sa aking papuri habang bahagyang namumula ang mukha.  Tila naconscious naman ito at pilit itinatago ang sariling katawan sa sandong isusuot nito. 

“Seriously Yuri, mas maganda pa ang katawan mo sa akin” nangingiti kong wika.  “Pero saan mo nakuha yang mga yan” lumapit ako sa kanya at itinuro ang kanyang mga pilat.  Kakaibang kuryente ang dumaloy sa akin ng hawakan ko ang parte ng katawan niyang may pilat.

Tinanggal naman niya ang aking kamay na tila nabigla sa aking ginawa. “Sa training namin sa katana ni ama.”  Bad topic.  Mahahalata ang lungkot nito sa pagkakaalala sa ama.  “Sa sparring namin kapag nasusuwertehan.”

Mukhang alam ng ina ang pagpapalit ng mood ng anak kaya naman pinilit nitong ibahin ang paksa.  “Sige kumain na muna kayong tatlo.”

Noon ko lang din napansin na may nakahain palang pagkain sa hapag.  Isang mainit na sabaw na parang nilaga o sinigang ang ulam.  Tatanggi sana ako dahil alam ko ang sitwasyon nila pero dahil nakahain na at parang kabastus-bastos namang tanggihan, pumayag na rin ako.  Gutom na rin ako dahil hindi pa naman ako nagdidinner.  Sabay kaming umupo ni AN (na wala pa ring imik hanggang ngayon) sa hapag at nagsimulang kumain noong matapos bendahan ng ina nito ang sugat at magsuot ng damit pambahay. 

Alam ko ang ugali ni Yuri kapag kumakain kaya naman hindi na rin ako nagsimula ng usapan.  Mabilis namang natapos ang kainan, inayos ng ina nito ang mga pinggan (nagpumilit pa kaming tatlo pero hindi talaga pumayag ang ina nito) at naupo sa hapag. 

Habang naghihimpil ng pinggan ang ina nito, nagtatanong naman ito ng tungkol sa aming mga buhay-buhay.  Paminsan minsan sumasagot si AN sa ina ni Yuri pero halatang walang gana itong makipag-usap kaya ako na rin ang talagang nakausap nito.  Likas na mabait naman din ang ina ni Yuri kaya naman mabilis ring makapalagayan ng loob.  Si Yuri ay tahimik at nakikinig lang sa aming usapan.

Matapos maghugas ng pinggan, pinatulog na rin kami ng kanyang ina.  Dahil medyo malaki naman ang kanyang higaan, akala ko ay tatabi sa amin ito sa pagtulog.  Pero ng nasa pintuan na kami ng kanyang kuwarto, nagpaalam na ito sa amin na tatabi sa kanyang ina.  Hindi ko akalain na tumatabi pa ito sa kanyang ina kahit 20 anyos na ito.  Medyo nalungkot ako sa di malamang dahilan pero hinayaan ko na lang siyang pumasok sa silid ng ina at hindi na ito pinigilan pa.

Sa loob ng kuwarto, tinext ko lang si Mama na kina Yuri ako natulog dahil baka nag-aalala ito dahil sa nangyari kanina.  Katabi ko si AN sa higaan.   Malaki ang higaan kaya naman malaki ang pagitan namin ni AN sa isa’t isa.  Wala pa ring usapan sa aming dalawa kaya naman mabilis rin akong dinalaw ng antok.  Ito siguro ang first time sa mahabang panahon na makakatulog ako ng maayos kaya naman kahit medyo matigas ang higaan, tuluyan na rin akong nakatulog.



Naalimpungatan ako ng ‘di ko mawari ang oras.  Madilim pa naman kaya sigurado akong ilang oras pa lang ako nakakatulog.  May naririnig na akong mahinang usapan sa labas.  Pero dahil masarap ang aking tulog, inakala ko lang itong panaginip at bumalik na muli sa pagtulog.



Nagising ako ng mga alas-otso ng umaga.  Medyo disoriented pa ako ng una dahil wala pala ako sa apartment.  Maingay rin sa labas kaya naman nagtataka ako kung bakit hindi ako nagising.  Nang maalala ko ang nangyari kagabi, bumalik na muli ang ngiti sa aking labi.  Sa wakas, ang matagal ko ng inasam na magkaayos kami ni Yuri ay natupad.  Wala na rin sa aking tabi si AN kaya naman tumayo na rin ako at lumabas sa kuwarto ni Yuri.  Medyo nahihiya pa ako dahil tinanghali ako ng gising sa hindi ko bahay kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto. 

Pagkabukas ko ng pinto, lubos kong ikinagulat ang dami ng tao sa bahay ni Yuri.  Kaya pala maingay.  Mabilis kong sinuri ang mga tao.  Si Mama, Papa, ang kambal kong kapatid na sina Kian at Kianna, Diana, Luke, Andre, Karl, AN, at ang kanyang Mom and Dad.  Kausap ng mga magulang namin ni AN ang ina ni Yuri sa may hapag kainan nila habang magkakausap naman ang aking mga kabarkada, kapatid, si Diana at si Yuri sa may sala.  Napatingin si Kian sa aking kinatatayuan.

“Good morning kuya” wika ni Kian.  Napatingin ang lahat sa akin.  “Para kang mantikang matulog ah.  Kanina pa kami dito, ngayon ka lang nagising.”

Nagulat ako kaya hindi ko magawang makapagsalita.  “Keith, anak, fix yourself muna.  May muta ka pa kasi.”  Nagtawanan ang lahat ng taong naroroon dahil sa biro ni Mama.  Mabils ko namang kinapa ang aking mata para tanggalin ang muta pero wala akong makapa.  Muling nagtawanan ng sinabi ko kay Mama na wala naman. 

Mabilis kong tinungo ang sink at naghilamos.  Ibinigay naman ni Yuri ang towel na ginamit ko kagabi para matanggal ang tubig sa aking mukha.  Pagkatapos kong maghilamos, pinakain na rin ako nito.

Habang kumakain, tinanong ko sina Mama.  “Mama, Papa why are you here?”

“Why are you here ka diyan” wika ni Mama.  “Siyempre nag-aalala kami sa iyo.  Sino bang hindi mag-aalala kapag tinawagan ka ng police station tungkol sa anak mo ng dis-oras ng gabi?  Akala ko kung ano na kaya naman maaga kaming lumuwas dito ng Papa mo kasama sina Tita at Tito mo” tukoy nito sa magulang ni AN.  Humarap si Mama kay Yuri mula sa kinauupuan nito sa lamesa.  “Yuri, maraming salamat talaga.  Kung hindi dahil sa iyo, baka kung saan na pinulot ‘tong anak ko.”

“Wala po uling anuman Mrs. Sarmiento” nakangiti ito kay Mama.  “Kanina pa po kayong nagpapasalamat” wika nito. 

“Hay naku, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda dito sa anak kong ito” wika ni Mama.  “Ikaw rin paulit ulit yang Mrs. Sarmiento mo.  Sabi ko na ngang tita na lang.”  Nagkatawanan muli.

“We’d been to police station” wika ni Papa sa akin.  “Wala pa raw preliminary imbestigation regarding the case.  Hindi raw kasi nagsasalita ung mga muntik ng mangkidnap sa inyo.  Pero inadvice ng mga pulis na huwag muna raw kayong lumabas basta basta ni AN dahil mukhang hindi isang simple case ang napasukan niyo.  Masyado raw organize kaya imposible na petty crime lang daw iyon.  Wala ka bang nakakagalit tao?  Si AN, wala naman raw.”

“Wala po Pa” sagot ko dito.  “Masyado po akong mabait para may makagalit” biro ko dito.

“Wala raw” sabat naman ni Kianna.  “Inaway mo nga raw si kuya Yuri sabi ni ate Diana.”

Tumingin ang lahat kay Diana.  Napagawi rin ang aking tingin kay Yuri na parang pinandidilatan si Diana. 

“What?  I have to say it” wika ni Diana kay Yuri.

“Totoo ba iyon?” tanong ni Papa sa akin.  Wala akong masabi dahil nabigla ako sa topic.  Hindi pa rin naman hayagang sinasabi ni Yuri na nagkaayos na kami kahit malinaw sa ipinakita niya na napatawad na niya ako.

“May kaunting misunderstanding lang po kami these past few days” wika ni Yuri.  “Okay na po kami ni Keith ngayon.”

“Ang bait mo talaga” ang sarcastic na wika ni Diana na tiningnan naman ni Yuri ng masama.  Halata pa rin ang galit ni Diana sa akin.

“We’ll talk about this” wika ni Mama sa akin. 

Natahimik ako sa pagkain dahil alam kong galit sa akin si Diana.  Baka mag-open na naman ito ng usapan na dahilan para malaman ng lahat ang pinagmulan ng away namin ni Yuri.  Ayokong bumaba ang tingin ng aking mga magulang kay Yuri.

Habang kumakain, tuluy-tuloy ang usapan ng lahat.  Iniinterview ng mga matatanda ang ina ni Yuri.  Tinatanong ito ng pinagmulan pero halatang umiiwas ito na mapag-usapan ang kanyang mga magulang na iginalang naman ng mga kausap.  Sila na rin ang nagbago ng topic at ginawang topic ang mga kapatid ni Yuri.  Napag-usapan rin ang nasirang asawa nito at sinagot naman sila ng ina ni Yuri ng maayos.

Sa sala naman, pinag-uusapan ng lahat ang mga bagay tungkol sa martial arts.  Napag-usapan rin ang pag-aaral ni Diana ng aikido under sa ina ni Yuri.  Biniro pa nito si Luke na kapag nagloko ito ay babalian niya ito ng buto na ikinatawa naman ng lahat.  Napag-usapan rin ang final exam ni Yuri.  Dahil wala naman sina Andre at Karl noon, nagulat sila ng malaman na walang nagawa ang kapitan ng karate club kay Yuri.  Marami pa silang napag-usapan pero tulad ko, tahimik lang din nakikinig si AN. 

Matapos kong kumain, nagyaya na sina Mama na umuwi na.  Ibinigay naman ni Yuri ang printed presentation para mamaya.  Sinabi nitong pag-aralan ko na lang ang Introduction at Related literature part para sa presentation mamaya.  Siya na lang daw ang bahalang magpresent ng method kung paano ginawa ang project.  May sinabi lang itong mahahalagang part na dapat daw ay mabanggit ko na wala sa presentation niyang ginawa.  At sabay sabay na nga kaming umalis sa bahay ni Yuri.  Nagwika pa itong magkita kami mamaya para sa ilang pointers sa presentation.  Nagyaya rin ang barkada ng dinner kasama si Yuri na ikinapayag naman nito. 

Sa sasakyan (may sariling sasakyan sina AN at iba pang sasakyan sina Luke, Andre at Karl habang si Diana ay naiwan sa bahay nina Yuri), napagdesisyunan na ihatid na lang ako sa aking apartment habang sila ay dederetso na pauwi sa bahay.  Gusto na sana nilang isama ako pero dahil may presentation ako mamaya at may final exam pa next week, hindi ako puwedeng sumama. Walang tigil ang paalala ng mga ito na mag-ingat hanggang dumako muli ang topic kay Yuri. 

Sa unahan nakaupo si Mama habang kaming tatlo sa likod.  Pumihit si Mama sa akin at nagtanong.  “Keith, anong nangyari sa inyo ni Yuri?” tanong ni Mama.  I was caught off guard again kaya hindi na naman ako nakasagot. 

“Is this about Yuri being gay” nagulat ako sa sinabi ni Mama.  Paano niya nalaman iyon?

“How did you find that out?” tanong ko kay Mama.

“He told us” sagot nito.  “Kanina, when you were sleeping soundly, we asked him about having a girlfriend.  And mind you, lahat kaming hindi nakakaalam ay nagulat when he fearlessly confessed to us that he is gay.  Wala sa itsura niya ha.  At saka, a gay that is able to knock out 6 fully grown man, it’s the first time I heard that.”  Tumigil ito saglit bago muli nagsalita, “So tell me Keith, when you found out that he is gay, iniwasan mo siya?”

Tango na lang ang isinagot ko sa kanya at iniiwas ang tingin kay Mama.  Mula sa pagkakaupo, pumihit si mama at binigyan ako ng palo sa ulo gamit ang isang clipboard na naglalaman ng ilang documents.  Medyo matigas ito kaya parang bumukol ata ang palong iyon.  Nagulat ako sa ginawa ni Mama kaya naman napatingin ako dito habang hawak-hawak ang parte ng aking ulong tinamaan.

“Keith, hindi ka namin tinuruan ng papa mo manghamak ng tao kahit ano pa ang itsura o kasarian.  Kung ako si Yuri, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Baka binalian pa kita” mariin lang akong nakinig kasama ng mga tao sa loob ng sasakyan.  “We’d met Yuri a day after your party, and I can say, he doesn’t deserve to be treated like that.  Had you already apologize to Yuri?”

Sinagot ko si Mama ng ‘oo’ na ikinatuwa naman nito.  Pero sinabi nito na kulang pa raw ito at kailangang kahit papaano ay mabayaran ko ito lalo na ang pagliligtas nito sa amin.  Nabanggit ko ring hindi maganda ang sitwasyon nina Yuri sa pera kaya naman nagsabi ang mga ito na pag-iisipan nila kung paano nila ito matutulungan.  Ni remind ko silang hindi basta basta kukuha ng tulong si Yuri na ikinasang-ayon naman nila dahil nakikita raw nila ito sa personality ni Yuri.  Pagkatapos ng ilan pang pangaral mula kay mama, nakarating na rin ako sa aking apartment. 



Sa apartment, pumunta na muna ako sa aking kuwarto dala ang printed presentation na ginawa ni Yuri.  Alam kong wala akong participation sa paggawa ng project kaya naman nakokonsensya ako para dito.  Para kasing lalabas na may nagawa ako kapag nagpresent kami kahit wala naman talaga.  Nagdesisyon ako ng dapat gawin, pinag-aralan ang aking ipepresent at pagkatapos ng ilang oras, pumunta na rin ako sa building. 

Pagdating ko sa building, naroon na rin si Yuri.  Nilapitan ko ito at muli kaming nag-usap tungkol sa presentation.  Habang nag-uusap, hindi ko maiwasang maconscious sa mga tingin sa akin ng aking mga kaklase.  Alam naman kasi nilang hindi ako tumulong kay Yuri kaya marahil iniisip ng mga ito kung gaano kakapal ang mukha ko.

Nang mag-aala una na, pinapasok na kami sa computer room kung saan namin ipepresent ang aming project.  Dumaan ang ilang oras at natapos ng mabilis magpresent ang aming mga kaklase ng kani-kanilang project.  Huli kaming magpepresent ni Yuri dahil ito ang nabunot namin ng idecide ang order ng presentation.

Mabilis kong natapos ipresent ang parte na ibinigay ni Yuri.  Habang nagsasalita si Yuri, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang katalinuhan kung paano niya naconceptualized at naprogram ang aming project.  Pagkatapos magsalita ni Yuri, nagpalakpakan ang mga tao sa loob.  Hindi pa nakakaalis sa kinatatayuan si Yuri mula sa gitna ng muli akong tumayo at nagsalita. 

“Ehem” pag-agaw ko sa atensyon ng lahat.  “Good afternoon ulit sa lahat.  I like to take this opportunity para umamin at humingi ng tawad.  Siguro all of you here, except Engr. Ramoso, knows how big a jerk I am towards Yuri.  Again Yuri, I am truly sorry.”  Napatingin ang lahat sa akin at halatang naging curious sa sasabihin ko.  Kanina kasi nang nagsasalita ako, makikita ang pagkadis-interest ng aking mga kaklase sa aking ipinipresent.  Si Yuri ay tila nagulat rin at napako sa kinatatayuan nito.  “Kay Engr. Ramoso, I admit that I had no participation in making this project nor the weekly exercise that you are giving us.  All of it is Yuri’s work.  So please sir, can you put a zero mark on my weekly exercises and this project?”

“Are you serious Mr. Sarmiento?  Alam mong mahuhulog ka sa klase kapag ginawa ko ‘yun” tanong ng instructor namin.

“Yes sir.  Definitely” sagot ko dito.  “Last night, I was saved by Yuri from some bad guys that tries to kidnap me and my friend, AN.  He managed to knock down six fully grown men but he didn’t get by unscathed.  The wound in his left arm was from a gunshot that is supposed to be for one of us.  Thank God the police arrived early.  If they are an hour too late, Yuri might be in danger.”  Nagulat ang mga tao sa silid sa aking inamin.   Nagbulung-bulungan ang mga ito.  “If Yuri didn’t finish our project last night, I may be a goner myself.  That’s why I also want to take this opportunity to thank you for all the things you do to me.”  Tumingin na ako kay Yuri pero makikita ang pamumula ng mukha nito.  Wala itong salita.  “Sir, its enough for me that Yuri was able to save my life because I didn’t help him in making this project.  I don’t want to take credit for this very good project that he presented so please do what I ask you.”

Natahimik ang buong klase dahil sa aking sinabi.  Kahit si Engr. Ramoso ay natahimik.  Pagkatapos ng mga ilang saglit, nakapagsalita na rin ang guro.

“Mr. Sarmiento, I’m disappointed and at the same time admiring you.  Disappointed because you made me believe that you participated in all of this.  Admiring because you got the courage to tell the truth.  But I wonder, what if nothing happens last night.  What will you do?”

“Sir, I will not dare to show my face to any of you and let you give me a failing mark for this course” ang matapang kong pag-amin.  Wala akong balak talagang pumunta kung hindi lang kami nagkaayos ni Yuri kagabi. 

Pagkatapos makapag-isip, nagsalita na muli si Sir. “I’ll let Yuri decides on what will happen to you.”  Tumingin ito kay Yuri.  “What will we do with Keith?”  Nag-isip rin muna ito bago sumagot.

“Sir, if it is okay with you, can you give him a chance to redo the exercises?” nakatingin ito kay Sir.  Hindi ko alam ang iisipin sa kanyang sinabi.  Masyado itong mabait para bigyan pa ako ng chance hindi lamang para gawin muli ang mga exercise kundi pati na rin ang patawarin ako.  “For the project, I considered the presentation he did earlier as help so you can give him the same mark that you will give me.”

Dahil sa tuwa sa sinabi ni Yuri, nilapitan ko ito at walang pag-aalangang niyakap siya sa harap ng lahat ng aming kaklase at guro.  Kahit kasi hindi pumayag si sir sa kanyang sinabi at ihulog ako nito sa klase, ikinatuwa ko kung papaano ako ipinagtanggol ni Yuri para hindi ako bumagsak sa klase. 

“ARAY” napasigaw si Yuri dahil sa aking pagyakap.  Tinamaan ko na naman pala ang kanyang sugat kaya tinanggal ko rin agad ang pagkakayakap sa kanya.

“Ok.  Let’s do what Yuri wants.  You should pass the exercises on Monday or else you will fail this class” wika ni Sir.  Lalo pang lumuwag ang aking ngiti dahil sigurado na akong hindi babagsak.  “Dapat ilibre mo siya para naman makabawi ka” wika muli nito na ikinatawa ng lahat.  May nagsecond the motion naman na dapat ilibre si Yuri at dapat ay kasama raw ang buong klase.  Pagkatapos ng ilang paalala, pinalabas na kami ng silid.

Pagkalabas, kinausap ko muli si Yuri para magpasalamat.  Sinabi na naman nitong walang anuman at ano pa at naging magkaibigan sila.  Sinabi ko sa kanyang lulubus lubosin ko na ang pakikipagkaibigan dahil magpapaturo ako para sa aming exercise.  Biniro lang ako nito na siya pa ang napahamak sa kanyang suggestion pero pumayag naman ito.  Itinanong ko sa kanya kung pwede sa bahay na lang niya kami gumawa tutal hindi naman ito papayag na makitulog para gawin lang ang aking mga exercise.  Sigurado kasing kailangan itong pagpuyatan dahil dalawang araw lang ang palugit na ibinigay ni Sir.    



Pagkatapos naming mag-usap tungkol dun, dumeretso na kami sa restaurant na napag-usapan ng grupo na pagdidinneran namin.  Dumating si Luke kasama si Diana, si Karl Marx kasama ang girlfriend na si Pinky Guevarra na isang Pol Sci rin, at ang ikinagulat ng lahat, si Andre kasama ang ‘asawa’ nitong si Wolfram Williams.

Naging tampulan ng tukso ng barkada si Andre dahil sa pagsasama nito kay Wolfram.  Lean, matangkad (mga mahigit 6 feet siguro), sobrang puti, na makikitaan mo ng features ng typical German sa mukha.  Kapansin-pansin ang malamlam nitong asul na mata.  Parang German version siya ni Yuri in a way na hindi mo makikitang tagalog rin pala ang salita.  Pero kung si Yuri ay hindi mahahalata ang pagiging bakla, si Wolfram, kahit lumulutang ang pagiging magandang lalaki, ay kita na agad dahil sa lamya niyang kumilos.  Katulad ni Yuri, wala rin itong imik at hindi katulad ng normal na bakla.

Nagpaliwanag naman agad si Andre tungkol sa pagsasama niya sa kanyang ‘asawa’.  Si Andre raw kasi ang nabunot sa kanilang fraternity na ‘magpakasal’ sa isang bakla bilang parte ng kanilang activity sa school fair.  Move daw ng kanilang frat un dahil nababalita silang mga homophobic.  Masama kasi kung magiging kilala ang isang frat sa pagiging homophobic dahil pwede itong maging grounds for expulsion o kaya ng termination nang pagiging recognize nila sa campus.  Naalala ko rin na may nabanggit ang isa kong kasamahan sa student council about sa paghohold ng frat nina Andre ng ‘kasal’ sa school fair pero hindi ko talaga naisip na siya ang ikinasal.  Si Wolfram raw happens to pass noong time na naghahanap sila ng baklang ikakasal.  Sapilitan ang pagpapakasal kaya wala silang magawa.  Effective till end of summer raw ang ‘kasal’ at during that time, dapat raw ay ipakita nila sa mga tao na nagdadate sila kaya napilitan naman itong si Andre.

Habang kumakain, nainterview ng grupo lalo na nina Diana at Pinky si Wolfram.  Hindi naman kasi ito nagsasalita kaya tinatanong talaga ito ng dalawa para mapilitan itong magkuwento sa kanyang buhay.  Napag-alaman ng grupo na kahit ka year level namin itong magbabarkada, mas matanda pa ito sa amin ni Yuri ng isang taon.  Sa Germany raw kasi siya nag-aral ng hanggang secondary education kaya 18 na siya ng magsimulang magcollege.  Lumipat sila ng kanyang nanay, na isa raw Filipina, ng magcocollege na siya.  Kapag tinatanong ang ama, hindi ito nagsasalita o kaya naman iba ang isinasagot nito kaya halatang ayaw pag-usapan nito ang tatay.  Veterinary medicine ang course nito. 

Dahil sa pagiging curious namin kay Wolfram, hindi na namin napansin na hindi pala dumating sa dinner si AN.  Kung hindi pa nagtanong si Karl kay Luke (nang umalis si Wolfram para mag CR) kung nasaan si AN, walang makakapansin na hindi pala ito dumating.  Sinagot ni Luke na nagtext daw si AN na hindi makakarating dahil masama raw ang pakiramdam nito.  Pagkatapos ng ibinalita ni Luke, nagpaalam itong si Yuri para mag-CR din, halata ang pagkalungkot nito.  Dahil dito, narealize kong baka gusto ni Yuri si AN na pilit itinatanggi ng aking puso.

23 comments:

  1. galing nyo po author

    love kita tska yung author ng gapangin mo ako saktan mo ako



    hehehehe<3

    shin27

    ReplyDelete
  2. salamat po update. maya nako magcomment. antok nako.

    bharu

    ReplyDelete
  3. worth the wait.... nice


    marc

    ReplyDelete
  4. Magandang resulta...Thankd you Mr Author for the update...

    ReplyDelete
  5. Ang ganda! Hihintayin ko ang mga kasunod na chapters.

    -hardname-

    ReplyDelete
  6. karate kid.. ang ganda! salamat sa update

    sa uulitin. :) pero sana mabilis ng konti. bitin kc.. hehehe

    arjay

    ReplyDelete
  7. this is the best story so far! next update pleas

    ReplyDelete
  8. sulit pay-aantay k.. :)

    great job mr author

    ReplyDelete
  9. di k alam, pero umiiyak ako habang binabasa ko to
    .. hahaha

    next chapter na po mr author

    ReplyDelete
  10. goodluck on your paper mr author.

    we will wait for your update..

    mike

    ReplyDelete
  11. Naks!! sulit ang paghihintay ko ng kasunod na chapter,jelly agad si AN kay keith,hahaha :D

    ReplyDelete
  12. thank you sa update karatekid. Sulit ang paghihintay. Nakakaexcite yung mangyayaring love teams. Hindi ko din alam kong kanino ako papanig. siguro may kanya kanya silang POV. hmm kaabang abang, Nakakaiyak yung part para sa akin nung pinapagalitan si keith nung parents nya, nakakaiyak sa part ni yuri.

    PS
    nxt chapter na po. hahaha. keep up the excellent work.

    ReplyDelete
  13. waahhhh mami-miss ko to Mr. Author, grabe intense talaga...Ito na lang binabasa kong story eh tapos matagal pa ulit mag update. But, I pray na matapos mo lahat ng kailangan mo gawin. Btw, kung may maitutulong ako sayo available ako just email me seanm1669@gmail.com I have writing experience din naman through my mba. pahinga muna ako sa pagbabasa hanggat wala update to...Happy Christmas everyone

    ReplyDelete
  14. GJ author, hihintayin ko yung update mo!

    ReplyDelete
  15. ang ganda talaga... salamat sa update mr. author..

    maghihintay ako kung kailan ang next UD :))

    God Bless

    ReplyDelete
  16. galing naman! nagkabati na sila. kaso biglang natahimik si AN, mukang super inggit at sobrang selos kay keith, puro akap kasi ang ginawa kay yuri, gud luck Mr. Author alam ko may pinagdadaanan ka. Hindi molang masabi kung ano yun. Parang mabigat kasi yung dinadala mong problema. Kaya moyan at malalagpasan modin yan. God bless.

    bharu

    ReplyDelete
  17. galing na.. napa aka nice... sana bilis ng ang update...

    ReplyDelete
  18. sana may isang chapter pa bago mg respite si author..

    ReplyDelete


  19. Sana kahit isa lang meron pang updates for the month of dec...This one of my favourite series here !

    ReplyDelete
  20. Ang ganda talaga nito!! kalungkot naman matatagalan yung update, isa talaga to sa inaabangan ko eh.

    ito ang perfect example ng chapter na malaman, ito yung kahit matagal ka maghintay sa update eh sulit yung pinaghintay mo kasi mabubusog ka talaga sa isang chapter lang. tamang tama ang timpla at hindi sobrang cheesy na. well done author.

    ReplyDelete
  21. Sige lang Mr Author...maghintay kami...

    ReplyDelete
  22. Ala pang update? Huhu..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails