By Hopeless Bisexual
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng kotse ni Rica at umiiyak. Si Rica ay matiyagang nakikinig sa akin. Sa lahat ng kwento ko maging sa bawat singhot at hagulhol ko habang umiiyak."Friend, stop crying na. Halos mag-iisang oras ka ng umiiyak eh. Hayaan mo may plano ako."
"Ano yun?"
"Bago ko sabihin iyon, may isheshare ako sayo. Alam mo friend nung nakita ko kayo kanina na hawak niya yung braso mo ay nakaramdam ako ng spark sa pagitan ninyong dalawa."
"Kung sinasabi mo iyan dahil gusto mo lang pagaanin ang loob ko ay tumigil ka na. Do not comfort me with your lies."
"Bobo. Kailan ba ako nagsinungaling sayo. Malakas ang pakiramdam ko malansa din yang si Rome."
Hindi ako sumagot sa sinasabi ni Rica. Pinakalma ako ni Rica at tinulungan ko ang sarili. Rica started to drive in order to bring me to my residence.
"Amiel. Be strong. Kaya mo iyan. Malalampasan mo iyan. Heto ang plano natin."
Tumingin ako sa kanya.
"Magpapanggap akong fiancee mo. Hihintayin natin kung ano ang magiging reactions ni Rome. "
"Sige. Ikaw ang bahala."
Inuwi ako ni Rica sa bahay namin. She kissed me on my cheek before I went out of her car.
Dumaan ang tatlong linggo at maraming pagbabago ang dumaan sa akin. Madalas akong malungkot at tulala. Bumababa na rin ang grades ko. Hindi na ako nakakapag-aral ng mabuti. Malimit din akong nag-iinom kapag gabi kahit ako lang mag-isa sa bahay kaya palagi akong may hangover sa school. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang mga ito. Isa lang ang nararamdaman ko sa panahing ito: PAGOD NA AKO SA BUHAY KO. BAKIT AKO NAGING SILAHIS? SANA HINDI KO NA LANG SIYA NAKILALA. Grabe, sobrang sakit.
Natapos ang unang semestre nang taong iyon. Hindi ko inaasahan ang mga nakita ko sa grades ko. Mababa lahat. Nawala ang aking scholarship. Pinagalitan ako ng mga magulang ko. Kinausap ako ng aking mga propesor. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Nalugmok ako. Malaking kahihiyan ito para sa aking pride. Wala na akong naiisip kundi ang magseryoso sa buhay. Hindi pwedeng sa kanya nalang umikot ang buhay ko. Kailangan kong mas pagbutihin ang pag-aaral ko. Yung mga nararamdaman ko sa kanya? Saka na muna siguro. Paano lahat ng mga sakit na nararamdaman ko? Balang araw, sinusumpa ko makakaganti ako sa kanya. Darating iyong araw na ikaw naman ang masasaktan.
Darating ang araw na ako naman ang makakaganti sa kanya.
Darating ang araw na gaganti ako sa kanya.
Darating araw na masasaktan ko siya.
Darating ang araw na siya naman ang masasaktan.
Ito ang mga katagang umiikot sa isipan ko nang mga panahong iyon.
***********
Nagsimula ang ikalawang semestre. Naglalakad ako papunta sa aking building ng may biglang tumabi sa akin. Hindi niya alam kung aakbayan niya ako hindi. Ngunit sa huli, naipatong niya ang kanyang kamay sa kanang balikat ko.
"K-kamusta? Balita ko hindi ka na scholar. Paano ka nakapag-enroll?" Nagulat ako dahil si Rome pala yung tumabi sa akin.
Isang matipid na ngiti ang sinagot ko sa kanya.
"Uyy okay lang iyan. Makakabawi ka pa naman." sagot niya habang hinihimas niya ang likod ko na parang nagpapakalma ng isang umiiyak na tao.
"Nilalait mo ba ang katayuan ko sa buhay?" asik ko sa kanya. Seryoso, hindi ko alam kung bakit ako na-offend sa mga oras na iyon. Basta ang alam ko nasaktan ang ego ko at isa siya sa mga may kasalanan kung bakit hindi ko na-maintain ang scholarship ko.
"Grabe ka naman. Ngayon nga lang tayo nakapag-usap ulit ganyan pa ang sinasabi mo sa akin. Ganoon ba kasama tingin mo sa akin?" Malungkot niyang tugon.
Hindi ko siya sinagot.
"Ano ba kasing problema, Amiel? Ang tagal mo na akong hindi kinikibo. Lagi kang galit sa akin. Wala akong balita sa'yo nung sembreak."
Ang sarap pakinggan nung mga sinabi niya. Oo. Miss na miss ko na siya. Pero kailangan ko nang dumistansya. Ako ang dehado sa pagkakataong ito. Sa huli, ako lang ang masasaktan.
"I got to go. Nagtext sa akin si Rica. Magkikita pa kami. Magkita na lang tayo sa classroom." Malamig kong tugon sa kanya.
Umalis na lang ako bigla. Umiba na ang trajectory ng lakad ko. Ine-expect ko na pipigilan niya ako or may sasabihin siya kaso mali pala inaakala ko. Medyo nasaktan ako. Nakita ko siya na tahimik na naglalakad papasok ng building. Mas mabuti na siguro ang ganito.
Nakipagkita nga ako kay Rica. Lalapit pa lang siya sa akin ay tumutulo na ang luha ko.
"Friend, anyare?"
"Nakokonsensya na ako sa hindi ko pagkibo kay Rome eh. Nagtatanong na siya kung bakit nilalayuan ko siya. Kung may problema daw ba kami."
"Be strong. Kaya mo iyan. Nandito lang ako. Poprotektahan kita." sabay yakap at alo sa akin.
Na-touch ako sa sinabi ni Rica. Wait, ano yung narinig ko? Poprotektahan niya ako? Anong ibig sabihin noon? Ganoon na ba ako kahina tingnan? Naawa ako sa sarili ko. Nahihiya ako kay Rica. Anong nangyayari sa akin?
"Ganito. Tuloy mo ang buhay mo. Maging cold ka pa din kay Rome. Dont expect anything. I will diagnose the events. Be ready for the worst circumstances. Understand?"
"Yes. Thank you."
POV: ROME
Naguguluhan na ako sa ikinikilos ni Amiel. Parang ang laki ng galit niya. Lagi niya akong iniiwasan. Hindi niya ako kinakausap. Wala na yung katulad nang dati. Parang ang layo layo na niya sa akin.
May kasalanan ba ako sa kanya? Hindi ko alam. Wala akong naaalalang ginawang masama sa kanya.
Naoffend ba siya sa sinabi ko kanina? Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi naman talga iyon ang intensyon ko. Teka bakit nga ba ako nag-aalala kung inosente naman ako?
Biglang may pumasok sa pinto. Si AMiel. Naghahanap siya ng upuan. Unfortunately, isa na lang ang upuan na natitira. Ito yung katabi ko. Syempre sinave ko ito para sa kanya. Bestfriends kami eh.
Bestfriends....
Bestfriends....
Bakit nga ba siya ilang sa akin ngayon? Masasayang ba yung dalawang taong pagkakaibigan namin?
Wala siyang nagawa kundi umupo katabi ko. Bahala na. Nadadala naman sa pangungulit si Amiel. Baka pag piangpatuloy ko itong pangungulit imikan niya ako. Tutal, may times na nagtatampo siya sa akin dati pero konting kwneto ko lang sa kanya nagkakabati na kami. Hehehe.
"Kamusta bakasyon mo?"
Hindi niya ako sinagot. Tumalikod siya at may tinanong kay Steve. Pero nung bumalik siya, sinundot ko siya sa tagiliran. Nagreact siya at ngumit dahil alam kong may kiliti siya doon.
"Anong problema mo?"
"Inaano kita dyan?"
"Ang sakit nung sundot mo sa tagiliran no?"
"Hindi mo kasi ako pinapansin. Ang sungit sungit mo."
"Wala naman tayo dapat pag-usapan eh." Biglang lumamig na naman ang kanyang tugon.
"May regla ka ba ngayon?"
Dito na siya tumingin sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon upang kulitin, sundutin at kurutin siya. Sa pagkakataong iyon, gumanti na siya ng hampas. Malaks iyon. Nasaktan ako. Pero nakangiti siya. Pinapansin na niya ulit ako. Yehey!
Kaso nga lang dumating na ang aming professor. Natigil ang kulitan namin. Boring ang professor na iyon. Buti na lang nagtext si Lourdes at nagkukwentuhan kami sa text. Sweet na girlfriend si Lourdes. Mabait. Masipag. Matalino. Maaalalahanin. Hindi naman perfect. May konting arte siya sa katawan pero mahal ko siya at nagkakasundo kami.
Habang magkatext kami ni Lourdes ay tahimik lang si Amiel. Minsan nakikita ko siyang tinitingnan ang katext ko. Pinakita ko naman na si Lourdes ang katext ko. Ngumiti lang siya. Isang matipid na ngiti.
POV: AMIEL
Oo nga pala. Magsyota na nga pala si ROme at Lourdes. Ang sweet nila maging sa text. Hindi ko kinakaya. Anu ba yan? Namumula na naman ako. Nakakainis. Hindi maitago ng katawan ko ang pagseselos. Shit! Baka makahalata na si Rome. Anong gagawin ko?
Humiga ako sa desk ko.
"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Rome.
"Wala. Masama lang talaga pakiramdam ko."
"Namumula ka. Wala ka bang lagnat?"
"Wala. Huwag mo akong hawakan."
Natapos ang klase para sa araw na iyon. Wala na rin kami naging usapan ni Rome. After class, jumingle muna ako. Nang pabalik na ako sa barkada, naisipan kong maghide at makinig sa pinaguusapan nila.
"Saan tayo kakain ng dinner?" tanong ni Steve.
"Sa McDo," sagot ni Mark.
Sumangayon ang karamihan.
"Ok lang ba na isama ko ulit sa atin si Lourdes?" tanong ni Rome.
"Oo naman. In namna siya sa barkada natin eh."
Matapos kong marinig ang usapan na iyon ay nagdesisyun na akong hindi na ako sasama para kumain ng dinner.
"Bakit hindi ka sasama?" tanong ni Rome. Nag-aalala ang tono niya.
"Wala akong gana."
"Kumain ka para mawala yang panghihina mo. Nagpapalipas ka yata ng gutom kaya ka nanghihina or?" nakangisi siya sa akin.
"Huwag mo akong itulad sayo na manyakis at malibog," naiinis kong sagot.
"Oyyy defensive." sabay hampas sa akin.
"Sige guys uwi na ako."
Nagpaalaman kami sa isa't isa. Dumating ako sa bahay. Nakatulog ako agad paghiga ko sa kama. Nagising ako ng mga 10PM ng gabi. Namimiss ko si Rome. Di ko mapigilan. Tinext ko siya kasi may itatanong ako na mahalagang bagay regarding sa acads. Alam kong gising pa siya kasi online sya sa facebook at tweet sya ng tweet gamit ang phone niya. Nagprivate message na rin ako sa kanya. Ang tanging nakita ko lang sa chatbax ay ang sign ng "Seen". Alas dose na ng gabi naghihintay pa din ako sa posibleng reply niya. Nainis na ako at si Steve na lang ang tinext ko. Bahala siya sa buhay niya. Huwag syang makahingi hingi ng tulong sa akin.
Matutulog na ako nang nakareceive ako ng text galing sa kanya. Fuck. GM lang pala regarding sa mga activities bukas. Wait. May text ulit. Nagyayaya siya kumain bukas sa Zarks. Dahil hindi pa ako nakakakain doon, pumayag ako. Isa kasi sa mga kahinaan ko ang pagkain. Hekhekhek. Kinansela ko ang dapat na meet up ko sa aking bestfriend na three years ko nang hindi nakikita para sa kanya. Tinext ko si Rica na resched yung meetup naming tatlo. Wala eh tanga ako sa kanya. Hindi ko siya matanggihan. Pinalampas ko yung hindi nya pagreply sa akin.
Kinabukasan, dumating ako sa tamang oras sa meeting place na aming pinagusapan. Ang ganda ng klima ng araw na iyon. Makulimlim pero walang bakas ng maaaring pag-ulan. Malamig ang hangin palibhasa malapit na ang Disyembre.
Wala pa ding Rome na dumarating kahit na mahigit tatlumpung minuto na ang nakakalipas. Magiisang oras na at wala pa siya. Nakalimang text na ako at walang sumasagot. Masama na ang timpla ko. Ayoko ng pinaghihintay ako. Nang magdadalawang oras na at wala pa ding sign na darating si Rome, umalis na ako sa meeting place para umuwi upang maghanda sa pang gabi kong klase. Subalit, sadyang ako ay tinamaan ng malas ng araw na iyon. Bigla nalang bumuhos ang ulan at wala akong dalang payong. Sinamahan pa ito ng malakas na hangin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon. Napamura na lang ako. Habang ako ay nasa silong ay natanaw ko ang isang pamilyar na tao.
"Puta, si Rome iyon ah at si..."
Kaya pala. May lakad pala sila ni Lourdes at magkaholding hands sila. Masaya sila sa presensya ng isa't isa. Dito na talaga ako naawa sa sarili ko. Puta dito pa yata sa shade na ito sila papunta. Fuck. I need to go. Ayoko maging third wheel. Pero nakita nila ako.
"Amiel" tawag sa akin ni Lourdes.
"Hi" tugon ko kay Lourdes. Hindi ko pinansin si Rome. Mukha ring wala sa mood si Rome para kausapin ako.
"I got to go." dagdag ko.
"Malakas ang ulan. Wala kang payong," sagot ni Lourdes.
"Hindi mo iyan mapipigilan. Pag ginusto niya, gagawin niya." sabat ni Rome.
As usual, ang sakit kasi nagexpect ako na pipigilan nya din ako. Mabuti pa yung girlfriend niya may puso at concern sa akin.
Dali dali kong sinugod ang malakas na ulan. Basang basa ako ng ulan. Dito na ako napaiyak at humagulhol ng todo. Okay lang to. Wala namang nakakakita sa akin dahil malakas nga ang ulan at madilim ang langit. Naaawa na ako sa sarili ko. Niloko ako at pinaaasa. Ni hindi man lang ako inabisuhan na hindi kami tuloy.
Pagkauwing pagkauwi ko ay naligo ako. After kong maglinis ng katawan ay tinawagan ko kaagad si Rica. Uminit ang dugo niya sa kwento ko. Mukhang mas galit pa siya sa akin eh. Gusto daw niyang sugudin at sampalin si Rome. Sa manner ng pagsasalita ni Rica, natawa ako. Napakalukaret ng babaneng ito. Buti na lang nandito sya para icomfort ako. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon. Lalong tumindi ang galit ko sa kanya.
Itutuloy...
di ko masabayan trip ni Amiel...... TANGA lng ang peg.... hehehe.... dapat ikaw ang batukan ni Rica at hindi si Rome....
ReplyDeletein love lang talaga c amiel kaya kahit magmukhang tanga ok lang...ganda ng story. tnx
ReplyDeleterandzmesia
nice
ReplyDeletepag nagmahal, asahan n ang pagiging tanga! lahat ng bagay bibigyan ng paliwanag para lang sa mahal nya. kahit nasasaktan na, sige pa rin. base sa POV ni rome e isa syang straight at mahal nya si lurdes. Pero savi nmn ni rica e isa din syang malansa.
ReplyDelete0309