Note:
1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 1. Kilalanin niyo pong maigi ang mga character, lalong-lalo na si Angelo. Maluwag ko pong tatanggapin ang mga komento ninyo. Maraming salamat po!
2. Ang update ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday at Thursday. Wala po akong updates sa MWF kasi busy po sa school. Kaya abangan niyo po ang mga susunod na chapters every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday.
Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 1. Kilalanin niyo pong maigi ang mga character, lalong-lalo na si Angelo. Maluwag ko pong tatanggapin ang mga komento ninyo. Maraming salamat po!
2. Ang update ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday at Thursday. Wala po akong updates sa MWF kasi busy po sa school. Kaya abangan niyo po ang mga susunod na chapters every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday.
Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)
---
Chapter 1"SUNOG, SUNOG! SUNOG!!" Nagising si Angelo dahil sa sigaw ng isang lalaki. Kumaripas ito ng takbo at hinablot ang mga gamit sa loob ng bahay niya.
Pagkagising niya, walang ano-ano ay tumayo siya at nataranta. Kinuha niya ang mga gamit na pagsamantalang kakailanganin kagaya ng dalawang pirasong damit, dalawang shorts, dalawang brief, mga papeles, at kaunting pera.
Patakbo siyang lumabas ng bahay at nagtaka sa nakita.
Walang natataranta. Ang mga tao ay tila hindi naaninagan sa sunog. Bakit?
Dahil walang sunog.
Nakita niya sa isang sulok ang kanyang matalik na kaibigan, tumatawa. Hagalpak sa tuwa ang mukha at abot-langit ang tawa.
UGH. Bulyaw ni Angelo sa kanyang sarili.
"Galing ng trip ko 'tol noh? Di nga maipinta ang mukha mo sa taranta. Hahaha." Dahan-dahan nang lumapit ang kanyang kaibigan sa kanya, pumapalakpak.
"Tangina mo naman Gio oh! Pinagtitripan mo na naman ako." Pagmamaktol ni Angelo habang diretsong pumasok ng bahay.
Hinabol siya ni Gio papasok ng bahay nila Angelo.
"Teka lang! Ano ka ba, kailangan mong magising kasi nga di ba may racket tayo ngayon? Para kang mantika sa ref eh, tagal mong gisingin."
"Alam mo namang may sapi ako kapag ginagago kung gigisingin. Leche ka, kainis. O sige magbibihis na ako. Saan ba punta natin?" Habang nagliligpit ng gamit si Angelo.
Naupo si Gio sa kanyang kama. "Sa hotel lang. Magwe-waiter tayo sa isang meeting. Saya no?"
"May pera kaya masaya."
"Gago ka talaga. Uy, matanong ko nga. Saan ka ba papasok ng kolehiyo?"
"Hindi ko pa alam 'tol eh. Ikaw ba?"
"Wala pa rin akong plano eh. Gusto kasi ni mama na sa Maynila kasi magaganda ang mga skwelahan doon."
"Di ako tutuloy. Walang pera." Matipid na sagot ni Angelo.
"Ano ba naman iyan. Hanap ng scholarship!"
"Heh. Ang daling sabihin." Hinablot niya ang tuwalya at inayos ang kanyang kama.
Tumunog ang cellphone ni Gio at sinagot ang tawag. "Hello?"
"'Tol sandali lang ha, girlfriend ko sinapian na naman. Saglit lang."
"Kayo pa pala?"
"Hindi. Bi-breakin ko na to. Kainis. Parang gaga." Hinarap ni Gio ang bintana habang makikipag-usap sa taong nasa kabilang linya.
"Sige, kausapin mo muna iyan. Maliligo rin naman kasi ako eh."
Pumasok na si Angelo sa banyo dala ang tuwalya, naghubad, at naligo.
Siya si Angelo. 14 years old. May tangkad na 5'7". Sa edad na katorse, gwapong-gwapo na si Angelo at kinahuhumalingan na ng buong sitio. Sakto lang ang tangos ng ilong, sakto lang ang lawak ng panga, sakto lang ang hugis ng mata - lahat proportioned. Ang kulay ng balat ay light brown. Sunog. Subsob kasi sa trabaho itong si Angelo. Lahat sinusuong. Pangangalakal ng basura, pangongolekta ng bote at papel, paglilinis ng kubeta, pagliligo ng bata, pagkakargador, pagkokontruskyon worker - lahat kaya niya. Dahil dito, hindi mo mapaghihinalaan na katorse si Angelo, dahil ang pangangatawan niya ay parang katawan ng edad 18. Ang laki ng kanyang katawan ay katamtaman lang, hindi masyadong bakat pero may porma at hubog na dahil sa kanyang trabaho, dagdag pa na 14 years old pa lang siya.
Kasama niya palagi sa racket ang kanyang kababata na si Gio.
Si Gio naman ay 16 years old. May tangkad na 5'10". Sa edad na 16, masasabi mong masyadong matured ang kanyang pangangatawan. Maskulado at parang nag-gi-gym ang katawan ni Gio. Kasi hindi kagaya ni Angelo na ginagawa lahat ng racket, si Gio ay mas madalas sa mga gawaing pampalakas kagaya ng konstruksyon worker, kargador, taga-buhat ng banderang isda at mangga, at kung ano-ano pang buhat na maiisip niyo. Madalas si Gio sa palengke kaya kinahuhumalingan siya ng buong barangay. Halos buong barangay kasi ang namamalengke at napapansin siya dahil sa hubog ng kanyang katawan. Maliban sa hubog ng kanyang katawan, mapapansin mo rin ang kanyang mukha.
Guwapo si Angelo, Malalalim ang mata, sakto ang taba sa mukha, hindi masyadong kalawakan ang panga, makapal ng kaunti ang labi, at ang highlight sa kanyang mukha ay ang matangos niyang ilong. Matangos rin kasi ang ilong ng kanyang mga magulang kaya namana na niya ito.
Iisipin mong perfect man na itong si Gio. Gwapo talaga siya, parang Amerikano ang ilong, ang bibig, ang panga, ang mga mata, lahat! May problema nga lang, masyadong sunog ang kanyang balat, at masyadong mahaba ang kanyang buhok para sa isang lalaki, below shoulder level. Malambot ang kanyang buhok at daig pa ang babae sa pagkakabagsak nito.
Kung namamasyal ang magbestfriend na si Angelo at Gio o kung tumatambay lang, hindi maiiwasan ng mga babae at binabae na pagnasahan sila. Kung titignan mo sila, para silang mga taong nasa edad 18 at 20. Kaya mapateenager o may asawa na, hindi maiiwasan ng dalawa na makatanggap ng paglalandi galing sa mga ito. Tinagurian nga silang kambal kilabot ng barangay dahil sa angking pisikal na kagandahan.
Bukod sa pisikal na kagandahan nila, matalino rin ang dalawa. Sa katunayan, katatapos lang nila sa high school. Si Angelo, nagtapos na valedictorian. Si Gio, with honors. Kaya masasabi mo na perpekto talaga silang dalawa kung beauty and brains lang ang pag-uusapan. Silang dalawa ang pambato ng eskwelahan nila noong high school kapag merong mga quiz bowl at competition. Sa bawat kumpitisyon na sasalihan nila, isang beses lang na umuwi silang talunan. Ang iba, siyempre champion, 1st runner up, o 2nd runner up. Ganyan katalino ang dalawa. Minsan nga ay nakuha sila sa Samsung National Quiz Bowl, at sa mahigit 394 na teams na lumahok, nasungkit nila ang third place. Minsan din may national exam para sa kanilang year level na sinusukat ang kanilang kakayahan - nasa 6th lang naman si Angelo at 9th si Gio sa lahat ng estudyante sa kanilang baitang.
Maliban diyan, athlete si Gio, samantalang communication arts achiever naman itong si Angelo. Narepresenta na ni Gio ang buong Pilipinas sa nakaraang olympics at nasungkit niya ang bronze at silver medals sa larangang 500 m sprint at kickboxing. Si Angelo naman, ang team niya ay naging world's champion sa isang patimpalak sa debate na kinalalahukan ng mahigit pitum-pung teams sa mahigit 50 na bansa. Magaling mag-English itong si Angelo. Kung magsasalita na ito sa wikang English, hindi mo mababakasan na pinoy pala siya.
Sa pag-uugali naman, Si Angelo ay presko, mahinahon, bahagyang mahiyain, mapagmasid, at ang tipo ng tao na hindi nakikipag-usap hangga't hindi ka lumalapit sa kanya at unang makipag-usap. Si Gio naman ay baligtad, brusko, maingay, mapangutya, malakas ang boses, pero may respeto sa tao. Mapagbiro si Gio kaya palagi niyang pinagtitripan itong bestfriend niya. Si Angelo naman kapag pinagtitripan, gumigive in na lang kasi nga bestfriend niya.
Tuwing magkasama ang dalawa, kung anu-anong racket ang kanilang ginagawa. Maliban sa pagtatrabaho, minsan nagbabantay ng burger stand, nagpapamascot, nangingisda, nagiging bouncer basta may concert at kung anu-ano pa.
Ginagawa nila ito kasi kapwa mahirap ang kanilang mga pamilya.
Natapos nang maligo si Angelo ay iniwan niya muna si Gio sa kanyang silid pagkatapos niyang magbihis. Lumabas ito ng kuwarto at nakita ang nanay niya na kumakain ng lugaw at daing.
Siya si Aling Martil. Kahit nasa kwarenta na ang edad, sige pa rin sa pagtatrabaho. Hindi naman talaga mahirap si Aling Martil noon eh. Sa katunayan nga, nakaabot pa ito ng Singapore noong dalaga pa siya upang mag-aral. Ngunit maagang nabuntis kaya itinakwil ng pamilyang nasa Maynila na namamahala ng mga magagarang hotel sa mga panahon na iyon. Hindi naman siya iniwan ng nakabuntis sa kanya, ang kanyang naging nobyo, sa mga panahon na iyon, pinanindigan siya. Ang kanyang nobyo ay anak mayaman, triple ang yaman kaysa sa yaman ng pamilya ni Aling Martil. Mayroon business sa abroad, maraming branch, maraming kita. Pero binantaan ang nobyo ni Aling Martil na kung hindi niya iiwan si Aling Martil ay tatanggalan siya ng mana. Hindi nagpatinag ang nobyo at tinalikuran lahat ng luho alang-alang kay Aling Martil.
Nang makauwi sila sa Pilipinas ay napagdisisyunan nilang tumira sa tabing dagat. Kasi, siguradong hindi sila makikilala at makikita doon. Dahil nga may mga ipon sila, nakapagpanganak si Aling Martil at ito ay si Angelo.
Ngunit kagaya ng rubber band, kahit paano mo pang gustong ikunat ito, mapuputol pa rin. Lahat ng bagay, may hangganan.
Naging mangingisda ang nobyo ni Aling Martil upang matutustusan ang pamilya niya. Ngunit sa di kalaunan ay hindi na kinaya ng nobyo ni Aling Martil. Dumaan ang mga araw ay humihina ang kanyang pangingisda at mas madalas na siya sa KTV sa karatig bayan habang si Aling Martil ay nasa bahay inaalagaan si Angelo at ang bahay nila.
Hindi nagtagal, nabisto na ni Aling Martil na gumagamit ng bawal na gamot ang kaniyang nobyo. Kinumprunta niya ito ngunit pasa lamang sa katawan ang inabot ni Aling Martil. Simula noon ay mas madalas nang pagbuhatan ng kamay ng kanyang nobyo si Aling Martil.
Dahil dito, natutong tumayo mag-isa si Aling Martil at nagsimula nang maghanap ng alternatibong paraan upang magkapera pantustos kay Angelo. Nakikilaba, nakikimanicure at kung anu-ano pang racket. Kaya minsan wala siya sa bahay at dadalhin niya si Angelo. Hindi nagtagal, nagalit ang kanyang nobyo dahil sa kanyang paglisan sa bahay araw-araw upang maghanap ng pera, ay "ang paghahanap ni Aling Martil ng ibang lalake" raw, sabi ng kanyang nobyo. Bugbog at pasa ang natamo ni Aling Martil araw-araw.
Isang gabi, nagising si Aling Martil sa iyak ni Angelo. Amoy usok ang buong paligid at foggy ang kanyang paningin. Tama, nasusunog ang bahay niya. Pagkapa niya sa kanyang gilid ay wala na ang kanyang nobyo, wala na ang gamit ng kanyang nobyo at walang kahit anong bakas na nandoon pa ang kanyang nobyo. Dahil mabilis na kumalat ang apoy, walang naisalba ang Aling Martil maliban sa buhay niya at buhay ni Angelo.
Kinabukasan, nalaman niyang ang nobyo niya pala mismo ang nagsimula ng apoy. Nakita ng mga kapitbahay kung paanong sinabuyan ng gasolina ang kanilang bahay na yari sa kahoy. Agad na umalis ang lalaki dala ang isang malaking maleta. Sumama na sa kanyang bagong babae.
Mabuti na lang sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan na kanyang kapitbahay, ibinigay sa kanila ang munting lupain at bahay na nasa squatter's area sa kanilang probinsya upang matirhan nila. Kahit maliit, masaya at kuntento na si Aling Martil dito. At dahil malaki ang bahay para sa kanilang dalawa ni Angelo, napagpasyahan niyang palipatin na rin ang kanyang kapatid na babaeng dalaga na itinakwil din. Namuhay sila at hindi na hinanap pang muli ni Aling Martil ang kanyang nobyo.
Doon na lumaki si Angelo sa lugar na iyon at doon na rin niya nakilala si Gio. Nagsimula silang magkakakilala sa isang larong kalye lamang, at simula noon ay hindi na sila mapaghihiwalay.
Subalit ang kapatid ni Aling Martil ay nabuntis, at nanganak ng isang batang babae. Si Angelo ay nasa edad 7 noon. Maayos naman ang unang mga taon na pag-aaruga ng kanyang kapatid na dalaga sa kanyang anak. Ngunit pagkatapos ang tatlong taon ay lumayas din ang kanyang kapatid at iniwan ang bata kay Aling Martil. Ayaw na ng gulo ni Aling Martil kaya tinanggap niya ng maluwag sa kalooban ang bata at pinabago ang pangalan ng bata - si Angela.
Ngayon 7 years old na si Angela at nasa grade 5. Oo, kung iisipin mo masyadong advanced si Angela sa kanyang edad kasi likas na matalino si Angela at magaling magturo ang kanilang Nanay Martil. Si Angelo naman ay 14 nang makatapos ng high school.
Naghahanap ng scholarship si Angelo ngunit walang umalok sa kanya. Kaya siguro naisip niya na huwag na lang siguro munang magcollege kasi 14 pa siya at magtatrabaho muna siya. Sa edad na 16 na lang siya papasok ng kolehiyo.
"O nay, musta po ang tulog niyo?" Umupo na si Angelo sa hapag kainan at humalik sa kanyang nanay.
"Ayos lang naman anak. May trabaho ka na naman ngayon?"
"Opo nay. Sagot ako ngayon ni Gio. Alam mo naman iyon, daming kilala at palagi akong dinadala."
"Ang bait talaga ng batang iyan. Pero alam mo anak, huwag ka na lang magtrabaho. Ako na ang bahala."
"Hindi pwede nay, alam mo naman sigurong kailangan ko mag-ipon para sa kolehiyo."
"Wala namang problema diyan anak. Kayang kaya naman ni nanay eh. Hindi pa naman ako ugod."
"Hindi ko naman kayo pinagbabawalan nay. Siyempre nakakabagot kaya iyong walang ginagawa. Kung gusto niyong magtrabaho, walang problema. Pero gusto ko rin eh. Kaya hayaan niyo lang ako please?"
"O siya sige, bahala ka. Mag-ingat kayo ah. Pakainin mo na iyong kaibigan mo." Tumungga ng tubig si Aling Martil at inilagay ang mga pinagkainan sa lababo.
"Sige nay." Tumayo si Angelo at tinungo ang kanyang silid.
"Tol, tapos ka na ba diyan? Halika kain ka muna." Alok ni Angelo kay Gio na nakaupo sa kama na tinabunan ng banig.
"Oo shempre, masarap kaya daing niyo dito!" Excited na tumayo si Gio at abot-langit ang saya.
"Nambola ka pa eh. Di ka naman namin pababayarin. Halika na." Tumalikod si Angelo.
"Sagwa naman nito oh. Ginagawa pa akong sinungaling. Tara na nga."
Tumayo si Gio at sumunod kay Angelo. Tinungo nila ang hapag kainan at naupo na silang dalawa.
"Ready ka na ba tol?" Tanong ni Gio.
"Ready saan?"
"Racket. Mamaya?"
"Ah. Okay walang problema. Alam mo naman na sabak ako kagad basta pera hahahaha."
"Hahaha, gago. Uy musta na pala bebot mo?"
"Wala akong chicks uy, aral muna."
"Aral? Tanga ka ba, titigil ka nga. Hahahaha. Pwede ba yun?"
"Wala pa naman akong napupusuan ngayon eh."
"Baka siguro bakla ka."
Tumigil sa pagsubo si Angelo at malalim na tinitigan si Gio. Matagal at patusok ang pagtitig niya dito. Napansin ito ni Gio at iniiwasan niyang tignan si Angelo sa mga oras na iyon.
"Tumingin ka nga sa akin Gio." Malabnaw na utos ni Angelo na may otoridad.
Nararamdaman ni Gio ang seryoso na expression ni Angelo. Iniwasan niya ng tingin si Angelo ngulit hindi kalaunan ay iniangat niya ang kanyang ulo at nakipagtitigan kay Angelo.
"Sa tingin mo ba bakla ako?" Seryosong tanong ni Angelo habang nakatitig pa rin kay Gio.
"Wala lang naman iyon eh biro lang naman iyon." Natatakot na si Gio. Baka manuntok na si Angelo. Hindi magawang tingnan ni Gio si Angelo nang diretso.
"Sakali naman kung magkagusto ako sa lalaki, may problema ba doon?"
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo, biro nga lang di ba?"
"Hindi siya isang magandang biro."
"Sorry na Angelo."
"Hindi siya magandang biro. Gusto mo totohanin ko?"
"Problema mo na iyon basta biniro lang kita." Pagmamaktol ni Gio sabay patuloy sa pagsubo.
"Paano kung sa'yo ako mababakla? Gagapangin kita at lalapain kita parang pusa na natatakam sa daga?"
"Totoo?" Nangingiti na sagot ni Gio
Tumawa si Angelo ng malakas.
"HAHAHAHAHAHA. Biro lang iyon tol. Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina para kang maiihi!"
"Pinagtitripan mo ako Angelo eh." Kinalmot ni Gio ang kanyang ulo at bumalik sa pagkain.
"Gio = 1, Angelo = 1. HAHAHAHA. Laugh trip mukha mo kanina tol, benta!"
"O sige siya, tapusin na natin ito nang makapagracket na tayo." Tawanan.
Natapos nang kumain ang dalawa at naghanda na si Angelo sa kanyang bag na dadalhin para sa racket mamaya. Nakapagracket sila kasi summer vacation naman. Kaya libre kahit mag-full time racket, ayos.
Sumakay na sa jeep sina Angelo at Gio. Matapos ang mahigit 20 minutos ay bumaba na sila.
Nangangha si Angelo sa kanyang nakita.
Hinarap nila ang isang malaking hotel. Ang pinakamagara sa buong bansa. Tinagurian nga itong international sanctuary dito sa Pilipinas. Malaki, galante, at maganda.
"Huy Gio anong ginagawa natin dito?"
"Racket nga di ba?" Sarkastikong tono ni Gio.
"Bakit diyan?" Sabay turo sa malaking gusali.
"E siyempre nakapag-usap ako sa isang big time eh. Big time na rin tayo." Masayang sabi ni Gio at inakbayan si Angelo.
"Ha?" Pumiglas si Angelo at nakawala sa akbay ni Gio.
"Halika na nga." Hinila ni Gio si Angelo papasok sa hotel.
Pagpasok nila sa hotel, kakaibang ganda ang nasaksihan ni Angelo sa kanyang buhay. Hindi pa siya nakapasok dito ngunit alam niyang ito na ang kanyang pinakamagandang hotel sa tanang buhay niya. Wala dito ang mga hotel na napasukan niya noong palipat-lipat sila ng bansa sa debate competitions.
Parang may event na magaganap mamaya. Nakikita ni Angelo ang iba't-ibang tao na lumabas-pasok sa hotel. Hayop sa gara ang kanilang suot, kurbata, polo, ang mga babae naman ay naka-gown, iyong mamahalin at halatang pagbabanatan ng buto para sa mga kagayang mahirap ni Angelo.
Hinayaan niya lang si Gio na hilahin siya kahit saan sila magpunta. Nagpaubaya lang siya. Subalit ang mga mata ni Angelo ay namamangha sa yaman at gara ng mga tao doon.
"O, andito na tayo." Tumigil sila sa paglalakad at nakita nila ang isang malaking silid na mistulang pag-rarausan ng event. May mga magagandang palamuti at magagarang inumin at pagkain sa gilid.
Isang araw makakadalo ako sa mga bagay na ganito. Sambit ni Angelo sa sarili.
"Tol, heto si Ziggy. Siya ang amigo ko na nagpaparacket sa atin."
"Good morning po sir Ziggy. Angelo po. Angelo Montemayor."
"I'm Jiggarius Flores. Ziggy na lang parts okay na ako."
"Sir Zigg- este Ziggy, ayos lang ba talagang racket namin dito? Katorse pa po kasi ako eh."
"Wala namang problema. Alam ko ngang 16 lang to si Gio pero tanggap pa rin kasi hindi naman halata eh. Simple lang gagawin niyo ngayong araw na ito, sa softdrinks station kayo, okay? Kayo ang tiga buhos ng softdrinks at wine sa wine glass tapos ibigay niyo lang sa mga waitress at waiter para sila na ang magserve sa mga nasa table. 300 pesos ang kada oras niyo, okay? Total racket lang naman ito, hindi naman kayo regular. Sana okay lang? Hindi kasi pwede sa inyo ang minimum wage kasi nga underage pa kayo."
"Ayos lang naman sir wala namang problema diyan. Malaki na iyan." Sabat ni Gio.
"Siya sige. May tatlong patakaran lang ako sa inyong dalawa. Una, wag kayong pahalata na underaged pa kayo. Baka patay ako, patay kayo, patay tayong tatlo. Atin atin lang ito mga parts, okay? Pangalawa, iwasan makipag-usap sa mga bisita as much as possible. Mga gwapo kasi kayo baka landiin pa kayo, malaman na underaged pa kayo, lagot ako niyan. Pangatlo, coordinate kayo sa mga waiter at waitress, okay? Alas nuwebe pa ng umaga ngayon, hanggang alas singko ang event. Ang lunch served at 12. Snacks at 3. So twice kayong magbubuhos ng inumin. After the event, usap na lang tayo para sa sahod. Eto pala ang mga polo niyo tsaka pantalon."
"Sige sir, thank you. Tambay muna kami sa gilid." Tinanggap ni Gio ang dalawang pares ng pantalon at dalawang polo na may necktie.
"Sige, bahala na kayo. Tawagan niyo lang ako kung may problema. Nasa van lang ako sa labas." Naglakad na palabas si Ziggy.
"Sige sir." Ngumiti si Angelo at naupo.
"O di ba ayos tol? Walang ginagawa tapos pera pera na?" Hindi magkamayaw sa tuwa si Gio.
Tango lang ang natanggap ni Gio.
Nagbihis na sila at halatang-halata sa mukha ni Gio ang excitement.
Nagsidagsaan na ang mga bisita, dahan-dahan napuno ang silid at nagsimula na ang program. Isa pala iyong company convention, parang general assembly.
Nasa gilid lang sina Angelo at Gio nanunood.
"Tingnan mo iyon tol oh! Hanep ang boobs parang lumuluwa, hehe." Bulong ni Gio kay Angelo habang palihim na tumatawa.
"Manyak mo friend." Tumawa si Angelo at hinampas si Gio sa balikat.
"Ano ka ba? Normal lang naman iyan eh. Pero pare ang boobs parang papaya sa laki hahahahaha. Sarap susuin."
"Tigilan mo libog mo tol please baka masibak tayo dito dahil diyan sa kalandian mo." Tuloy sa pagtawa si Angelo.
"Eto naman o, kill joy. Baka siguro ikaw nalilibugan ka? Jakol na lang ang kulang."
"Kamanyak mo pare." Tumayo si Angelo at sinalubong ng isang waitress
"Hi kuya, pwede po pakuha ng dalawang case ng softdrinks na nasa stock room? Salamat kuya ha?" Isang waitress ang lumapit kay Angelo.
Tumango lang si Angelo at tinungo ang stock room.
Buhat buhat ni Angelo ang dalawang case ng softdrinks na para lang mga unan tingnan kung binubuhat ni Angelo.
"No? I'm sorry, we have to this now. We have to finish this right now. What?? No, I'm not taking any excuses. Gagamitin na nila daddy ang artwork mamaya tapos hindi pa tapos? Gago lang? Ano ba? I need paint, now!" Tiningnan ni Angelo ang isang lalake na makakasalubong niya. Matangkad, mga 6 footer siguro. May porma ang katawan at hayop sa tindig. Matangos ang ilong at malapad ang panga. Naka eyeglass ito at matalino tingnan.
Binaba na ng lalake ang kausap sa telepono at nakasalubong na niya si Angelo.
"Teka, excuse me waiter."
Patuloy sa paglalakad si Angelo buhat ang mga softdrinks. Di niya nilingon di naman kasi siya waiter, racket lang naman.
"WAITER! HOY BINGI KA BA?" Sigaw ng lalake mula sa likod na nakasalubong ni Angelo.
Tumalikod si Angelo at nagtataka. "Ako po ba sir?"
"Bobo ka ba? Oo, ikaw." Tumigil sa paglalakad si Angelo at lumapit ang lalake sa kanya.
"What part of the program is going on right now in the convention?"
"I'm not really familiar about the program, but I think they're about to welcome someone. After which, they'll be taking their luncheon. Anything else sir?"
Napanganga ang lalake sa pag-ingles ni Angelo sa kanya.
"Hayop english mo boy ha, parang hindi pinoy. Are the artworks already placed around the area?"
"I'm afraid not yet, sir."
"Good. Can you hold this for a while, somebody's calling." At dali-daling inihagis sa dibdib ni Angelo ang isang baso na kulay blue ang kulay ng likido. Natapunan ang puting polo ni Angelo dahil sa pagdiin ng lalake sa baso sa kanyang dibdib. Namantsahan.
PUTANG INA!! ANGAS NG LALAKING ITO HA?? LECHE!! Mga salitang naglalaro sa isip ni Angelo habang tintitigan lang ang lalake. Nagtitimpi lang siya sa galit. Kulang na lang ay sapakin niya ang lalaking ito.
"Yeah.. No, I'm alright. I'm stressed. I don't know. Okay, bye." Binaba ng lalake ang tawag.
"Don't worry that's fine, that's just invisible ink mawawala lang iyan in few minutes. Salamat." Hinablot ng lalake ang ang baso na pinahawak niya kay Angelo kanina at dali-daling tumakbo sa hallway.
Nabadtrip si Angelo. Hindi man lang nagsorry ang lalaki sa kanya. Nanliit tuloy siya sa malaking mantsa sa kanyang dibdib.
Padabog siyang naglalakad pabalik sa event center habang dala-dala ang mga case ng softdrinks. Nakakunot ang kanyang noo at halata ang galit sa kanyang mukha.
Papalapit na siya nang inalalayan siya ni Gio.
"Hindi ka man lang nagsabi na kukunin mo na pala ang softdrinks."
"Sabi ng babae eh. Ipasok natin sa loob ang mga case di ba?" Pabalang na sagot ni Angelo.
"Oo. Sorry na. Bakit ba kasi bad trip ka?"
"Wala. Ano ka ba. Magtrabaho na nga tayo." Nakasimangot pa rin si Angelo. Hindi nabawasan kahit kaunti lamang ang galit niya sa lalaking nakatagpo kanina.
Pinagsilbihan na nina Angelo at Gio ang mga tao sa pamamagitan ng pag-alok ng softdrinks at wine.
Mabilis na dumaan ang ilang oras at di nila namalayan na mag-aalas singko na pala.
"FOLKS! BEFORE WE LEAVE, LET'S WELCOME THE MAN OF THE HOUR... DIMITRI SALVIEJO!"
Tinignan ni Angelo ang "Man of the hour" at namangha siya sa kanyang nakita... ang maangas na lalake!
Tinablan na naman ng kabadtripan itong si Angelo nang makita niya ang lalake.
Dimitri pala ha? Dimitrihin ko iyang mukha mo balang araw putang ina ka. Sambit ni Angelo sa sarili.
Umakyat na ang lalake sa entablado at nagsimula nang magsalita.
"People grow up. Like my dad, he grows up.. and er.. old?"
Tawanan.
Tssss. Nakakatawa talaga pati nipples ko nakikitawa. Sa isip ni Angelo
"Basically, I just want to take this moment to show you guys what I came up this week, my masterpiece." At dalawang lalake ang lumabas sa backstage at binuhat ang isang canvass painting kasama ang stand.
"The beauty and elegance of our future, NGC Broadcasting Corp."
Nanlaki ang mga mata ni Angelo. Hindi niya inasahan na ang event na pinagraracketan nila ay ang dream company niya.
"Tol, NGC Broadcasting event pala ito?" Tanong ni Angelo kay Gio.
"Oo, pero hindi nila ginusto ang maraming camera at media. Closed event ito." Sagot ni Gio habang nakapako ang paningin sa lalaki.
"At iyang lalake sa taas ay anak ng?"
"Anak ng department head ng kumpanya. Power iyan sila tol."
Power angas niya mukha niya. Si Angelo sa isip niya.
"Salviejo? Di ba merong tanyag na reporter na si Jun Salviejo?"
"Tatay niya yun Gelo."
At kulang na lang ay mahulog ang panga ni Angelo. Gusto niya rin kasi maging isang broadcaster at idol na idol niya si Jun Salviejo. Araw-araw nakikinig ng radio at nanonood ng TV itong si Angelo upang mapakikinggan at pag-aralan ang galaw, at istilo ni Jun Salviejo sa harap ng camera. Kopyang-kopya ito ni Angelo at kulang na lang ay maging reporter si Angelo, siguro siya na ang susunod ng Jun Salviejo.
Bumalik ang atensyon niya sa mayabang na anak ng kanyang idol na nagsasalita sa entablado.
"Dad was not able to come here because he's busy. So, I'll do the closing remarks in behalf of his identity. And I want to do it by presenting to you guys my artwork." At hinila ni Dimitri ang puting tabing.
Isang artwork na maganda ang nakita ng mga tao. Dumadagundong ang palakpak sa silid at hindi na rin namalayan ni Angelo na nakipalakpak na rin siya.
Ang artwork ay isang painting ng lalakeng nasa kabaong ngunit hawak sa isang kamay ang isang mikropono.
"To the CEO, Mr. Sheldon Grandyaryo, I would like to express to you how thankful my dad is for the promotion that you have given him. But management isn't his thing, broadcasting is. Media arts is. I know how much you're upset regarding his absence in this very important event. But please do realize that that's how he love serving the people. And as media practitioners, present in this room, I would like to close this event by saying do not lose the passion in serving people via broadcasting and media. Mass media are for the people. Do well, use them well, treat them well. Nothing is gained in broadcasting aside from helping the people to be aware and to be informed. That's my dad's life, that's our lives. Thanks."
At inulan ng palakpak ang silid sa mga oras na iyon.
Namangha si Angelo sa angking galing ng lalaki sa pagsasalita. Halatang walang papel, walang script.
Natapos na ang event at matapos ang closing remarks ay dahan-dahang nababawasan ang dami ng tao sa loob ng event centre. Hinay-hinay na nagsialisan ang mga tao at ang iba naman ay busy sa pakikipag-usap.
Nagligpit na ng gamit ang mga waitress at waiter. Tinungo nila Angelo at Gio si Ziggy upang makaalis na sila. Hindi na kasi nila kailangan magligpit kasi labas na sila roon. Hanggang inumin lang talaga sila.
Inabutan sila ng tig Php 2,400 para lang sa event na iyon. Masayang-masaya ang dalawa.
Akala ni Angelo na hanggang dito lang ang twist ng araw niya.
Ngunit magbabago ang lahat sa pag-uwi niya.
Itutuloy...
Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
nice start...ganda ng takbong story sana magtuloy tuloy. tnx cookie cutter
ReplyDeleterandzmesia
Thank you po! Tuloy-tuloy na natin 'to, wala nang paligoy-ligoy pa! Chauce. :))
DeleteHmmm looks like its going to be a big hit!
ReplyDelete-Hiya!
Charaught! Big hit daw. Hahaha, noob pa lang po ako. Pagsisikapan ko po iyan. Hahahaha! Thank you po! :)
ReplyDeleteSince namamahala ng mga hotel before ang pamilya ni aling martil, di kaya kamag-anakan nila ung may ari ng hotel kung saan nagraket sila angelo?haha. Wild guess. :)
ReplyDeleteAyos din po, gusto mo itulak kita diyan? Haha, dejk. Tanungin natin nanay ni Angelo. Tigas kasi ng ulo, umibig pa! Eto tuloy may kwento tayo, sakit ng ulo lang. Chauce. Salamat po sa pagbabasa! :)
DeleteEvery time I scan the list of stories here, I depend my choice of what to read through the title. At first, the title of this story hasn't appealed my senses.
ReplyDeleteI thought it is all about "sex, lust, and so on" but I was wrong.
Well, this story had already caught my attention.
I'm hoping for more interesting follow-up scenes. ;)
Naloka ako sa 7 y/o lng grade 5 na! Wla pa akong nabalitaang ganyan Sa 14 y/o na 4th yr ay naniniwala ako dhil may pamangkin ako na 3rd yr na pero 13 y/o pa lng, dahil accelerated.
ReplyDeleteHaha natawa naman ako sa olympics di sana may 2 million pesos na si gio kasi yun ang reward ng gobyerno pag naka bronze sa olympcs
ReplyDelete