Followers

Sunday, November 17, 2013

Final requirement 01


Final requirement 01

Yehey 1st story ko ito kaya sana magustuhan niyo :) maraming salamat kay Sir Mike at pinayagan niya akong magpost dito hahaha makulet kasi ako XD

You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Kung gusto niyo pwede niyo ako add sa Facebook



Sa buhay hindi puro sarap, kailangan mo maghirap upang makamit mo ang iyong pangarap, madaming pagsubok sa daan susubukin ang tigas ng ating paninindigan, madami din diyan ang hihilahin ka pababa at ililigaw ka ng landas kaya matuto pumili ng kasama na nandiyan sa iyong tabi papunta sa tuwid na landas.


Bangag, eye bags, wala sa wisyo, windang palagi, minsan di na alam ang gagawin, ngarag sa deadlines, matinding pressure, walang tulog ng ilang araw. ganyan naman talaga siguro kapag nagtthesis.

Ako nga pala si Andrei De Dios, 20 years old taking up BSIT somewhere here in Laguna, hindi ako gwapo typical guy lang pero sabi NILA gwapo daw ako bahala sila hahaha kasi hindi ko maramdaman. Hindi kami ganun kayaman kaya kelangan ko magsipag para umunlad ang amng buhay, may kapatid ako si Kuya Kian, nakapagtapos siya ng kursong Business Administration kaya siya ang nagpapaaral sa akin, Si nanay naman ay may maliit na grocery store sa Lugar namin. Tatay ko ayun . . . Di malaman kung nasaan tahimik si nanay tungkol sa kanya. Never pa ako nagkaroon ng GF ewan ko ba torpe ako eh, pero madami naman ako kaibigan kaya ok lang aral muna bago yan.

“Oi guys bilisan natin bukas na ang pasahan, tamana ang Lambingan baka buhusan ko kayo ng mainit na tubig” < --- Ako  

 Kasi naman yung kagrupo ko landian ng landian nakakainis hindi naman sila.
“Grabe ka naman Par” < --- Jet

“Hay naku Andrei ingget ka lang bakit kasi ayaw mo pa akong ligawan” < --- Alexa

“Wow, ha . . . ewan hindi ko pa nahahanap ang taong nakapagpatibok ng puso ko eh” < --- Ako

“So it means hindi mo ako type? You hurt me Andrei I hate you na” < --- Alexa
“Hep! Diba yung thesis ang dapat inaasikaso natin bakit ba jan napunta ang usapan?” < --- Jet

“Tama par, tara ayusin na ito, baka hindi pa tayo umabot oh” < --- Ako
After 30 minutes . . .

“Hoy! Gumising nga kayo jan! walastek!” < --- Ako

“Tara par bili tayo ng makakain sa labas para magising tayo” < --- Jet

“Oo nga tara, Alexa gising bubuhusan kita ng mainit na tubig hindi pa tayo tapos oh” < --- Ako

Pumunta kami ng 7 11 upang bumili ng kahit anung pagkain nakakagising, mabuti na lang 24 hrs open tong mga ganitong store.
May pumasok na tatlong lalaking mukang taga school, mukang CS ang course ng mga ito at bumili ng alak. Buti pa sila painom inom na lang kami eto ngarag.

“Ui Chard yun yung pinapantasya mo oh?” < --- CS1
“Oo nga ano?” < --- CS2

“Mga bugok kayo akin yan ah” < --- CS3

Nagtaka naman ako dahil lahat kami ay lalaki na nandito sa loob, si Alexa kasi iniwanan naming sa amin siya muna pinag-aayos ko ng manuscript.
Nung palabas na ako, tumingin sa akin yung isang lalaki, grabe siya makangiti sa akin, ngumiti na lang ako para naman hindi sabihing suplado ako. Lahat kasi suplado ang impression sa akin eh hindi lang talaga ako palakibo.
Pagkabalik sa amin ayun mabuti naman at hindi natulog sa Alexa, at nakaharap pa din siya sa Netbook ko, pero bakit hindi nagtatype?

“Hoy! Aba naman akala ko nagtatype! Tulog ka pala jan, Eto kape para magising tayo” < --- Ako
“Papa Andrei inaantok na talaga ako oh, 3:30 AM na oh” < --- Alexa

“Hay nako Alexa kung hindi tayo ngarag, makakatulog tayo eh wala eh kailangan nating tapusin yan eh” < --- Jet

“Tama kaya wag na magreklamo” < --- Ako
“hmmm fine” < --- Alexa


. . .
 Time check: 11:30 am

Ipapasa namin ang manuscript ng 2:00 pm kaya ngarag kami ng sobra, malaki ang pasasalamat ko sa aking Netbook PC dahil never siyang bumigay or nasira kahit magdamagan ko gamitin . . .

Since tatlo kami, ako ang magpapaprint ng manuscript yung isa ay pinabili ko ng Folder at Clamp si Alexa, si Jet ay nasa school waiting for announcement.
Umalis na ako sa amin kelangan ko na ito mapa print kung hindi umabot sa 2 pm deadline Change topic agad agad grabe lang wala manlang konsiderasyon sa amin. Nasaan  ang hustisya?

Dala ang maliit na bag pack na nakasakbit sa likod ko, nakasabit naman sa kanan ang aking Netbook at hawak sa kaliwa ang forms na kailangan iphotocopy hai muka akong timang.

Pagkapasok ko sa printing shop, thank god isa lang tao kaya matatapos agad ako dito, nung akmang isasara ko na yung pinto nahulog yung ilan forms na hawak ko

"Ay potek naman oh" < --- Ako

"Tss."

Badtrip ah sino yung badtrip na yun tumingala ako, nakita ko yung lalaking nakangiti sa akin. Siya din yung lalaking nakita namin sa 7 11 kagabi.
Gwapo siya, makapal ang kilay, matangons ang ilong at pamatay ang ngiti. Bakit ko ba siya dinedescribe?!

"Tulungan na kita" < --- Siya
"Salamat" < --- ako

Sabay kami tumayo, nakita ko nanaman yung ngiti niya. Anu bang nangyayari sa akin tss.

"Eto oh"

"Salamat ulet"

"ako nga pala si Richard, Richard Alvarez BSCS "

"Andrei de Dios BSIT"

"Kaya pala dali dali ka hahaha ngayon deadline nyu na diba? Tapos ikaw din yung 
sa 7 11 diba?" < --- Chard

"Oo hopefully umabot kung hindi Change topic daw agad" < --- Ako

"Ang hard naman ng coordinator nyu"

"Sinabi mo pa, nasaan ang hustisya hahaha"

Nagpatuloy lang kami sa pagkkwentuhan at masasabi ko na ang weird, kasi di naman ako nakikipag usap sa mga hindi ko kilala.

"Tooot" < --- CP ko may natawag

"Oh Jet anu balita?" < --- Ako

"Secure daw lahat ng forms check mo nga jan par" < ---Jet

"Sige par"

Eto nanaman naiistress ako sa simpleng instruction kaya ayun nahulog nanaman mga forms namin.

"Ang careless mo naman, pero ang cute mo tingnan hahaha" < --- Richard

Bakit ba ang lakas ng dating mo sa akin tss nakakainis!!!

"Ikaw naman parang di ka naman nahahagard sa dami nang ipinapasa natin" < --- ako

"hmmm sabagay"

Ayon di na ako nagsalita nakakainis naman naayabangan ako sa kanya, ikaw na ikaw na organized, ikaw na! Tss. . .

“Ui Andrei tapos na itong sa amin mauuna na ako ha nice meeting you” < --- Chard

“Ah eh sige bye” < --- Ako



. . .

Matapos namin maipasa ang lahat ng requirements ay medyo nakahinga kami ng maluwag, kahit papaano ay makakapagpahinga kami ng ayos, next week pa naman ang proposal defense namin. Makakapagpahinga na kami yehey ^___^/

"Jet Alexa uwi muna aq ah, pahinga na tayo wooo!" < --- Ako
"sige par ingat!" < --- Jet

"ingat papa Drei" < --- Alexa

Kapagod na araw, pero ayaw ko pa umuwi saan kaya ako pupunta? Napaka gala kong tao hahaha!

"Toot" < --- text ko

+63909 . . . : nakapagpasa ka na? Tara gala tayo walang magawa eh.
Andrei: Sinu ka po?
+63909 . . . : Ako to si Richard :D
Andrei: Saan mo nakuha number ko?
+63909 . . . : Ang dami naman tanong tss, nakuha ko dun sa form na nahulog kanina hehehe!
Andrei: Saan ba tayo pupunta? Medyo tinatamad pa din ako umuwi eh.
+63909 . . . : SM?
Andrei: Tara! Kita nalang tayo sa harap ng National bookstore.
+63909 . . . : Sige :*

Weird, kanina lang kami nagkita, nagkausap, Anyway wala din naman ako kasama. Wala namang masama gumala ngayon since kailangan din ma-relax pag may time.
. . .
Pagkadating ko sa SM ayun nakita ko agad siya todo ngiti sa akin, grabe talaga nakakatunaw ang ngiti neto waah anu ba yang iniisip ko badtrip.
Maliban sa paglilibot naglaro din kami ng basketball sa Quantum, pagkatapos magsukat sa department store at nagpicture kami sa loob ng Fitting room haha panay kakulitan ang ginawa namin ni Richard haha kalog din pala to. Ang malala pa nan pinapahirapan pa niya yung salaes lady na humanap ng size para sa kanya tapos kapag nasukat na hindi naman bibilin ang baliw talaga eh.
Nang mapagod kami sa mga katarantaduhan namin kumain kami sa Chowking ng Lauriat at dahil siya daw ang nagyaya kaya treat niya, sino ba ako para tumanggi?
Ang weird naman kapag nakain ba kailangan tititigan? Naka-shabu ata to si Chard eh.

“Bakit ka nakatingin? Gwapo ba ako? Hahaha!” < --- Ako

“Ang hangin naman” < --- Chard

“Eh bakit ka nga nakatingin?” < --- Ako

“Wala kasi ang bilis mo kasi kumain may lakad ka pa ba?” < --- Chard

“Ah… sorry ah mabilis talaga ako kumain medyo gutom na din ako eh” < --- Ako
. . .
Bago kami umuwi nagrequest siya na magpicture kami, wala naman problema
Click!
Di pa nakontento, nagpapicture kami sa isang tao na nakasalubong niya =___=

''Ang sweet niyong dalawa''

"magkaibigan lang po kami" < --- Ako
“For now” < --- Chard

“Ha?” < --- Ako

“Wala po tara na pauwi” < --- Chard

Eh talaga naman eh! Ewan lang nalilito na din ako ewan putek. . . never ko pa naramdaman ito sa kapwa ko lalaki.

Pauwi nakasakay ako sa kotse niya, mayaman pala to eh, buti pa siya wala masyadong iniintindi sa buhay eh ako kailangan magsipag para guminhawa ang buhay.

Nakatulog ako sa biyahe.

Nagising ako at kitang kita ko ang mukha ni Chard, malapit sa mukha ko.
Sh*t anu tong nararamdaman ko?

“ah.. eh.. nandito na tayo gigisingin na sana kita” < --- Chard

“Ah.. paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” < --- Ako

“Ayan oh nakasulat sa ID mo” < --- Chard

“Ah… sige salamat Chard! Sa uulitin” < --- Ako

“Anytime babe!” < --- Chard

“Gagew shabu pa” < --- Ako


Pagkauwi pumasok agad ako sa kwarto, pinipilit na pakalmihin ang sarili sa nararamdaman ko ngayon hindi ako pwede magkamali iba yung titig niya sa akin para bang hahalikan niya ako? Ayan ang nasa isip ko buong gabi kaya hinde ako makatulog kaya binuksan ko na lang ang Netbook ko at nag-facebook.
1 friend request: Chard Alvarez

Accept >>>

Natulala ako sa bumulaga sa Account niya

Itutuloy >>>


7 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails