by aparadorprince
https://www.facebook.com/aparadorprince
aparadorprince.blogspot.com
Author's Note:
Tsk tsk. Yun lang. Ang gulo na ng sitwasyon...
DATI
16
Arran woke up to the sound of his
alarm, and remembers he’s in Robert’s place. He untangled himself from the
other guy’s embrace and sat on the bed. He slept soundly last night, and maybe
it was because Robert was beside him.
Tiningnan niya ang cellphone niya,
there were no text messages but four missed calls from Biboy. Hindi niya
na-check ang phone niya nang ibalik ito ni Robert kagabi. He’d probably call
Biboy after his shift. Arran felt Robert move. “Good morning, Arran.” He smiled
at the guy lying on the bed. “Good morning din.”
Robert hugged Arran’s torso, “Do you
really have to go to work today?” he said, pouting. Arran didn’t want to leave
especially now that he likes being in Robert’s room, in Robert’s arms. It was
last night when he realized he loves Robert, not because he was thinking about
Biboy.
Arran loves him simply because he
was Robert.
He just has to tell Biboy that they
should probably stay as good friends once they meet.
Hindi naman ikinakaila ni Arran na
minsan din niyang naisip na maaaring mahal niya si Biboy, ngunit nagbago ang
lahat nang makilala niya si Robert. Tama nga si Ashley, love is not complicated
- the people make it complicated instead.
Tumango lang si Arran kay Robert at
ngumiti. “Yeah. Baka ma-terminate ako kapag hindi ako pumasok.” Sagot niya.
Hinigpitan ni Robert ang pagyakap kay Arran, dahilan upang matumba ulit siya sa
kama. “Hey, the printing press can provide for the both of us.” Suggestion
nito. Natawa si Arran sa narinig, “Seryoso ka? It’s not like we’re gonna live
together.” Sagot niya.
Ginulo lamang ni Robert ang kanyang
buhok, “We will, my dear. Sooner or later.” Seryosong tugon nito. Pinamulahan
naman ng mukha si Arran sa narinig, at tinakpan ng maliit na unan ang mukha ni
Robert.
“I hope you can spare a couple of
minutes for cuddling.” Narinig niyang sinabi ni Robert sa ilalim ng unan, and
Arran responded with a tight hug. Maybe living together isn’t a bad idea after
all. He could be comfortable with this set-up – waking beside Robert every morning.
Inalis ni Robert ang nakatakip na
unan sa kanyang mukha, and planted a quick kiss on Arran’s lips. “I love you.”
He said, holding Arran’s hand.
Tahimik lamang si Arran habang
pinagmamasdan ang mukha ng kanyang kalapit. He touched Robert’s chin, going to
his cheeks and down on his lips. Robert kissed Arran’s fingers gently. Sabay
silang ngumiti.
“I love you too, Rob.” Arran finally
said it. He started to think that someone’s gonna have a hard time going to
work today.
Biboy
woke up with a nasty hangover. Hindi naman siya sanay uminom ngunit pinabayaan
niya ang sarili na malunod sa alak noong nakaraang gabi. Agad niyang sinapo ang
masakit na ulo, at tila masusuka pa rin siya. Agad siyang luminga-linga sa
paligid at napansin na wala siya sa sariling condo. Kalapit niya ang isang
maskuladong lalaki, topless at nakagreen na brief. Napakunot na lamang siya ng
noo. Naisip niya na paboritong kulay din ni Ran-ran ang green, and he thought
that the color suits his childhood friend’s skin color. Hindi lang niya naisip
na bagay din pala ito sa mga moreno.
Naalala
ni Biboy na nakasama pala niya kagabi ang ex ni Ran-ran na si Uno, at marahil
ay dinala siya nito sa sariling condo. Bumangon siya ngunit nahihilo pa rin
siya sa dami ng beer na nainom niya. Iba na rin ang suot niyang damit, at ang
kanyang T-shirt at pantalon ay nakasampay sa isang upuan malapit sa kama.
Naaamoy pa rin niya ang alak sa kanyang katawan ngunit alam niyang pinunasan
siya ni Uno bago palitan ng damit.
Agad
niyang tiningnan ang labas ng condo ni Uno, it was high. It was probably
somewhere between the 20th and the 30th floor. Narinig ni
Biboy ang malagong na boses ni Uno. “Hey, you’re up early.” Saad nito.
Nakakunot pa ang noo at nasisilaw sa pagbukas ni Biboy ng blinds ng bintana.
Isinara
ni Biboy ang blinds ng bintana at hinarap ang kakagising na binata. “Yeah.
Thanks for letting me crash here.” He said. Napansin niya na bumangon na si Uno
mula sa kanyang pagkakadapa at nakita ang tent
sa masikip na brief nito. Pinamulahan siya ng mukha at agad na iniwas ang
tingin. “Wh-where’s the bathroom?” nauutal na tanong niya.
Hindi
naman napansin ni Uno ang reaksiyon ni Biboy. “Second door to the left, outside
this room. Do you mind if I continue my sleep?” tanong pa nito ngunit mukhang
hindi na rin naman mahalaga ang isasagot niya dahil nagtalukbong na ang binata
ng kumot at agad na ipinikit ang mata. Dumirecho na si Biboy sa bathroom upang
maligo at magpalit ng damit. Inabot siya ng dalawampung minuto sa paliligo at
nang paglabas niya ay bumungad agad ang mukha ni Uno sa harap niya. Naghihintay
ito sa paglabas niya sa banyo, at agad na pumasok kahit hindi pa siya tuluyang
nakakalabas.
Lalo
tuloy na-conscious si Biboy sa nakita kaya nagpasya siyang lumabas na at tumungo
sa sala ng condo. Ilang minuto pa ay lumabas na si Uno at nakasuot na ng boxer
shorts – much to Biboy’s relief. Dumirecho si Uno sa kusina upang mag-init ng
tubig at magtimpla ng kape, at malaon ay ibinigay ito kay Biboy bago umupo sa
isang sofa katapat ng inuupuan ng bisita. Nagpasalamat naman ang huli at
tinanggap ang kape.
“So, sinabi mo kagabi na niloko na
nung Robert na ka-date ni Arran?” tanong agad ni Uno matapos humigop ng mainit
na kape. He felt a bit nauseous but it was tolerable. Tumango lamang si Biboy,
at nakaramdam ng galit para kay Robert. A deep desire for revenge. Ikinuwento
ni Biboy ang nangyari kay Uno, at tila naiintindihan na ng huli kung bakit tila
naaasar si Biboy sa nangyari sa kanya. “That’s why I need your help, Uno.”
Kumunot
naman ang noo ni Uno. “Me? Why? How?” sunod-sunod na tanong nito. Biboy smiled
as a plan forms in his mind. “Not now, but soon I’ll be needing your help. I’ll
just fill you in with the details soon.” He simply said. Hindi man tuluyang
naiintindihan ni Uno ay tumango na lamang ito bilang sang-ayon. Naisip lamang
niya na habang abala si Biboy sa pag-ganti sa sinasabi niyang Robert, ay
magkakaroon na siya ng pagkakataon na agawin si Arran mula sa dalawang karibal
niya. He just has to wait for the perfect time to arrive.
“You
know,” pasimula ni Uno. Agad naman siyang tiningnan ni Biboy, curious about
what he has to say.
Ngumiti
muna si Uno bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “You’re the first guy who went
here that I didn’t sleep with.” Dugtong nito. Napakunot naman ng noo si Biboy
sa sinabi ng binata.
“And
you’re actually proud of it? You didn’t take me home for a booty call.”
Humigop
muna si Uno ng kape bago siya nagsalita. “And you might have slept on the
pavement if I didn’t take you home.” He said. Hindi na lamang umimik si Biboy
dahil medyo napipikon din siya sa ka-preskuhan ng mokong, although he admits
he’s really a gorgeous piece of meat. No wonder a lot of guys wants to nibble
on that…
Biglang
napatigil si Biboy sa pag-iisip. What am
I thinking, he thought. Mas mabuti pa nga yata siguro na sa kalye sya
natulog kagabi.
Tinapos
na lamang ni Biboy ang pag-inom ng kape at nagpaalam na kay Uno. Inihatid siya
nito hanggang sa labas ng pinto ngunit nagtaka si Biboy dahil pamilyar sa kanya
ang corridor ng condo. He let out a laugh when he realized it.
“We
live in the same building.” He said, chuckling. Uno was still puzzled as to why
Biboy is laughing. “You live here too?” he asked.
“Obviously.
Pareho nga ng building di’ba?” Biboy sarcastically answered before started
walking. He realized Uno may be ogle-worthy, but he’s definitely not the
brightest bulb in the Christmas tree. “Bye Uno.” He said.
Biboy’s unit is in the 8th
floor, while Uno stays in the 26th. Binuksan ni Biboy ang pinto ng
kanyang unit, agad na nagpalit ng damit at natulog. He needs rest first, before
telling Ran-ran about Robert’s nasty little secret.
Pumasok naman si Arran sa opisina
kahit na patuloy lang ang pagpapacute ni Robert na manatili sa kama niya. Wala
naman masyadong ginawa sa shift nila dahil bihira lamang ang calls kapag umaga,
at dahil natapos na niya ang ilan pang reports na dapat niyang gawin. Agad
siyang umuwi matapos ang kanyang shift ngunit sa paglalakad niya ay napansin
niya ang kotse ni Biboy na nakaparada sa labas ng bahay nila. Napakunot ng
bahagya ang kanyang noo, at tumungo sa loob ng bahay nila.
Nasa sala si Ashley at nanunuod ng
TV. Hindi nito napansin si Arran na pumasok ng bahay. “Hey Ash.” Bati nito sa
kapatid. Agad namang lumingon ang dalaga at ngumiti. “Hi kuya. How was your
date with Robert?” tanong nito.
“It was great. I guess you’re right,
kilala ko na ang dapat kong piliin.” He shyly admitted. Ashley squealed loudly
when she heard his brother say it. “OMG kuya, I’m so happy for you.” Saad nito.
“Thanks.” Sagot naman ni Arran bago
umupo sa isang malapit na single-seater. Itinuwid naman ni Ashley ang mga paa
sa sofa at pinatay ang TV. “Pero alam mo ba, kuya Biboy went here yesterday. He
said you texted him to go to Enchanted Kingdom.” Tanong nito.
Napakunot ang noo bigla ni Arran sa
narinig. Nakalimutan niya ang kanyang cellphone sa Laguna, at hindi naman niya
hilig ang magpunta sa amusement park at sumakay ng rides. He might really have
to talk to Biboy soon.
And that ‘soon’ came knocking on
their door five minutes after. Arran opened the door and saw Biboy there. His
face is a little flushed, mukhang lasing kagabi at kakarecover lang sa
hangover.
“Hey, come in.” Arran said, ngunit
hindi nagsalita si Biboy. Bagkus ay iniabot ang kanyang cellphone na may laman
na mga text message.
Ran-ran (Received Sunday, 8:32
PM):
I had fun today. Can we meet tomorrow night?
(Reply sent Sunday, 8:39 PM):
Yeah, sure. Where do you wanna go?
Ran-ran (Received Sunday, 8:41
PM):
Enchanted Kingdom.
“I waited for you last night,
Ran-ran. I waited for five hours, thinking you’d come but Ashley said you went
on a date with Robert.” Biboy said, downcast. Arran felt guilty, although he
knew he didn’t text him those messages.
“Naiwanan ko yung phone ko sa Laguna
noong umuwi tayo. I’m sorry Biboy. I didn’t mean it, I swear.”
Tiningnan siya ni Biboy, hurt
showing in his eyes. “So you’re saying that Robert texted these messages? Para
ano, para lituhin ako at masolo ka? Well I guess his plan succeeded, right?”
Saad nito. Hindi naman masagot ni Arran ang tanong sa kanya ng kababata dahil
alam niya na ang date nila ni Robert kagabi ang naging dahilan upang masagot
niya ang mga tanong sa sarili. Upang malaman niya na si Robert nga ang mahal
nito.
But how could Robert do such an act
of trickery?
‘I’m leaving now, Ran-ran. I just
dropped by to get my car, and show this to you. At kung si Robert na nga ang
pinili mo, make sure you’re happy…” sagot nito, starting to walk away. Tila
napako naman si Arran sa kinatatayuan nito, unsure of what to say.
“…because you’ve both became happy
at my expense.” Biboy finished his sentence before finally trodding off to his
car.
Ilang minuto na ang nakalipas mula
nang makaalis ang sasakyan ni Biboy ngunit nanatili lamang si Arran na nakatayo
sa harap ng kanilang bahay. He just couldn’t understand why Robert did it.
Bakit niya tinext si Biboy gamit ang cellphone niya upang lokohin na magpunta
sa ibang lugar?
Lumapit naman si Ashley at tinapik
ang balikat ng kapatid. “Kuya, are you okay?” tanong nito. Even Ashley had a
clue as to what happened last night, although she didn’t want to jump to
conclusions too.
“Well Ash, I’d say my happiness was
short-lived.” Maikli niyang tugon. Kailangan niyang puntahan si Robert upang
liwanagin ang mga bagay-bagay. Mahal nga niya si mokong, ngunit paano naman ang
ginawa niyang panlilinlang kay Biboy?
“Go talk to kuya Robert. That’s your
best bet.” Ang tanging nasabi ni Ashley bago ito umakyat sa kanyang kwarto.
Tumayo na si Arran at nagsimulang magbihis. Robert really has a lot of
explaining to do.
Hindi naman mapigilan ni Biboy na
mapangiti sa naging takbo ng mga pangyayari kanina. He purposedly didn’t make
himself presentable enough, para mas kapani-paniwala ang gagawin niyang
pagsisiwalat ng katotohanan sa kababata.
Biboy knew he was the aggrieved
party, but he felt like he’s losing the game to Robert that’s why he had to
resort to his own tactics as well. Robert is evil, and there was no way in hell
he would just succumb to that bastard. Biboy knew he was scheming and
manipulative, and that may put him ahead of Robert.
Hindi lang niya maiwasan na
ma-guilty dahil naiipit sa sitwasyon nilang tatlo si Ran-ran. Ayaw niyang
nasasaktan ang kanyang kababata – ang taong unang minahal niya. Pero wala na
siyang ibang magagawa kundi tuluyang sirain si Robert sa paningin ni Ran-ran,
upang makuha niya ang loob ng kababata.
Halos maiyak naman si Arran habang
nagmamaneho patungo sa Legarda. Hindi niya maisip na kayang gawin iyon ni
Robert. Kahit hindi naman siya ang direktang nasaktan sa ginawa niyang
panloloko, ay nasaktan naman ang kanyang kababatang si Biboy. Although he
admits he just wants him and Biboy to be friends, it doesn’t mean na hindi niya
ipagtatanggol ito.
Above all, he just wants to hear
Robert’s side as to why he tricked Biboy.
Pumarada na si Arran sa tapat ng
inuupahang apartment ni Robert at bumusina bago patayin ang makina. Sumilip
naman si Robert sa bintana at nang makitang si Arran iyon ay agad na niyang
alam ang nais sabihin ng binata.
Robert is still unsure if Arran will
forgive him, but he’s hoping he will. Alam niya na magagalit ang taong mahal
niya dahil sa ginawa niyang panloloko, ngunit wala na siyang makitang ibang
paraan para mas mapalapit ang loob ni Arran sa kanya. Ayaw niyang mawala ito sa
kanya.
Ngunit sa ginawa niya, mukhang
mangyayari nga yata ang kinakatatakutan niya.
Pinagbuksan
ni Robert ng pinto si Arran, and saw his eyes almost bursting with tears. Agad
niya itong pinapasok sa loob, at akmang yayakapin nang itinulak siya ng binata.
Iniabot ni Arran ang kanyang cellphone, na naglalaman ng forwarded messages
mula kay Biboy. Hindi naman ito kinuha ni Robert, dahil alam na niya ang laman
nito. Dahil siya ang nagpadala ng mga mensahe.
“Let
me explain…” pasimula ni Robert but it was no use. Arran’s tears started
flowing, although not the hysterical kind.
“You
sh-should.” Sagot naman ni Arran habang pinupunasan ang luha niya. Umupo siya
sa isang malapit na stool at tiningnan si Robert. “Why did you trick Biboy?”
“I…”
Robert stammered. Gusto niyang ipaliwanag na hindi niya matatanggap kung
sakaling bumalik lang si Arran kay Biboy, that would leave him crushed and
defeated. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya knowing that Arran belongs
to someone else. Gusto niyang ipaliwanag na nais niyang makasama si Arran
araw-araw, kahit habangbuhay na. Gusto niyang gumising sa tabi nito tuwing
umaga, gawin ang mga bagay kasama siya. Bumuo ng magagandang ala-ala kasama ang
taong mahal niya.
Instead,
Robert’s throat felt dry. “I just don’t want to lose you, Arran.”
“Dammit
Robert! I thought you made it clear that you’re ahead of this game? Desperado
lang ang gagawa ng ganun!” ang hindi mapigilang bulalas ni Arran. Lalo lamang
umapaw ang luha sa mata niya, at kahit na anong pilit na pang-aalo ni Robert ay
agad lamang niya itong itinutulak.
Patuloy na nagsalita si Arran.
“Akala ko matalino ka.. I thought you’d be able to know that I’m falling for
you.. Apparently, hindi rin pala – kasi nagawa mo pang lokohin si Biboy para
lang magkaroon ako ng oras para sa’yo?”
“Y-
you don’t understand. Ang hirap ng sitwasyon ko…”
“And
you think madali lang ang sa akin? Do you think I’d go prancing around the
fields knowing that there are two guys chasing me?!”
In
a parallel universe, tumawa na ng malakas si Robert sa narinig mula kay Arran.
Bigla niya kasing naalala ang The Sound of Music sa sinabi nito. Ngunit hindi,
kahit na nakakatawa ang sinabi ni Arran ay hindi niya magawang tumawa. Dahil
alam niyang hindi rin madali para kay Arran ang sitwasyon. Tumayo na si Arran
at akmang palabas ng bahay.
“Arran,
know that I only did that because I love you…” ang tanging nabanggit ni Robert.
Hindi na rin niya mapigilan ang sarili na mapaluha sa nangyayari. He expected
that a confrontation would happen, but not this extreme. Lalong hindi ngayon na
naranasan na niya ang pagiging masaya sa piling ni Arran kaninang umaga lamang.
“Pag-isipan
mong mabuti ang ginawa mo, Robert. Then tell me if that’s something you’d do
because you love someone.” Sagot ni Arran bago tuluyang isinara ang pinto ng
bahay.
Naiwanan
si Robert na nakatayo sa loob ng bahay. I
did that because I love you, Robert thought. He just felt it wasn’t enough
reason to win Arran back. I did that
because I love you. He felt like there was no other way. I did that because
I love you. Robert thought it could make Arran finally realize that he loves
him, and not his childhood friend. Apparently, he realized that even before. He
just did a terrible mistake that might change things for the worse.
I did that because I love you, patuloy
na pag-iisip ni Robert kahit na ilang minuto na ang nakakaraan mula nang
makaalis si Arran.
Where's chapter 15? :( -dilos
ReplyDeleteNakapost na po. Check mo yung Archive ng Dati, andun lahat ng links. Sorry sa mix-up :)
DeleteAyos! :) As usual, kilig pero sad. Team Biboy e. :(
DeleteAy team biboy ka pala. Hehe :)
Deleteayan na nga ba sinasabi ko. Ano nayon ang napala mo rob? kundi isang malaking NGANGA! Bagay na bagay talaga sayo ang bansag ko sayo na rob. haha! nakakainis ka rob, hindi ka kasi lumaban ng patas. Ikaw na pla ang pipiliin, gumawa kapa ng kalokohan. Sabagay ganyan talaga pag nagmamahal. pero hindi sa ganyang paraan, nakakainis kaya ang ganyang laro. Kung ako sayo arran dimo nlang sana pinuntahan at kinausap si rob. Pwede mo nmng tawagan, at pinakita mopa talaga na sobra kang apektado at umiiyak pa. ibig bang sabihin nun, nawalan na ng saysay yung sinabi mong i love you kay rob?
ReplyDeleteNakakatawa naman, iisa lang pala yung condo na tinutuluyan nila biboy ar uno. Anjan na uli si unoporsiento, magiging magulo lalo silang 4. kya ayan 3 na silang maguunahan kay arran. Masaya to. haha.
0309
Haha 0309 salamat sa comment. Lagot talaga si Robert sa ginawa nya
DeleteHay nakoooo haha :)
Mejo naguluhan ako but thanks sa archive nabasa ko ung lost chapter :)))
ReplyDeleteBasta team Robert pa rin !
Hi Raffy, oo nga naging magulo tuloy. Kainis kasi nadelete ko yung original na post ng part 14. LOL :)
DeleteTeam Robert pa rin ba? Weee. Salamat sa pagbabasa
Kahit anong mangyari team robert pa rin ako!
ReplyDelete-hardname-
Hala sige hardname iturbo mo yan. Haha :) thanks sa comment
DeleteThat was a big mistake. Ugh...
ReplyDeletewaiting for the next chapter. :3
This comment has been removed by the author.
DeleteHi coffee prince. Posted na ang part 17.
ReplyDeleteNako sana nga magawan ng solusyon ni robert yung problemang ginawa nya. Hehe