by aparadorprince
https://www.facebook.com/aparadorprince
aparadorprince.blogspot.com
Author's Note:
Sorry, aksidente kong nabura yung Part 14, so repost ko lang. Hohoho.
DATI
14
Umupo si Arran sa veranda ng bahay
nila Robert matapos ang pagtatalo nilang tatlo kanina. Napa-buntong hininga
siya dahil ayaw naman talaga niya na nag-aaway ang dalawa dahil sa kanya. He
was not flattered that he became the center of attention; especially he can see
that a fight always ensues whenever one of them opens their mouth to speak.
Tiningnan lang niya ang madilim na
langit na sinabuyan ng kumikinang na mga bituin. This night was far better than
the last time he was here. Umuwi na rin si Nanay Luisa sa kanilang bahay
matapos magluto, dahilan upang maiwan silang tatlo sa bahay. At dahil palagi
namang nag-aaway ang dalawa, kailangan pa niyang awatin ang mga ito ngunit tila
napapagod na siya sa pagsaway sa kanila.
Nag-ring ang kanyang cellphone –
tumatawag si Ashley. Agad niyang sinagot ang tawag. “Oh, Ash…” pasimula niya.
“Kuya, kamusta d’yan sa Laguna?” ang
excited na tanong ng kapatid sa kanya. Napanguso naman si Arran sa narinig mula
sa kapatid. “Eto, things are getting worse. Nag-aaway na palagi si Biboy at
Robert.” Paliwanag niya.
Narinig
ni Arran ang pagtawa ni Ashley sa kabilang linya. “Kuya, ang haba ng buhok mo!
Anyway, wala kang choice kundi awatin sila kapag nagkakagulo. O baka naman mas
gusto mong pinag-aagawan ka?” ang sagot naman ng kapatid. Hindi ito tumitigil
sa kakatawa kaya naman lalong tumulis ang nguso ni Arran.
“Hindi
nga ako natutuwa sa ganitong set-up, Ash. Gusto ko lang namang mag-isip.” Sagot
niya. Wala na siyang ibang ginawa kundi mag-isip ng tungkol sa lahat ng bagay.
He might have been overthinking lately, he thought. Lalo lang siyang nainis
dahil nag-iisip siya tungkol sa madalas na pag-iisip niya. Isip-ception?
“Pero
pwede mong hayaan silang magrambulan d’yan. Battle Royale, ganyan.”
Pagpapatuloy ng kapatid. Hindi na ito pinansin ni Arran dahil alam niyang
inaasar lang siya ng kapatid. “I hope you can make up your mind soon enough,
kuya.” Dugtong pa nito.
Saglit
na tumahimik si Arran. “I hope so too.” Maikli niyang sagot bago ibinaba ang
telepono. Muli siyang tumingin sa langit – mukhang hindi ito nagbabago. Lumipas
man ang ilang taon, pareho pa rin ang langit na tinitingnan niya. Hindi katulad
ng nararamdaman niya – magulo at walang kasiguraduhan.
Maya-maya
ay umupo kalapit niya si Biboy. Nanatiling tahimik pa rin si Arran, hindi niya
kasi alam ang dapat sabihin kay Biboy sa pagkakataong iyon.
“Ran-ran…”
mahinang tawag ni Biboy sa kanya. Tiningnan niya ang dating kalaro ngunit hindi
nagsalita. “Naalala mo ba yung star na ‘yun?” sumunod na tanong nito habang
itinuturo ang isang bituin malapit sa buwan. “Hindi pa rin pala nawawala ‘yun,
ano?”
Tumango
lang si Arran. Nahalata naman ni Biboy ang lungkot sa dating kalaro kaya agad
nitong ginagap ang kamay.
“I’m
sorry if I’m being rude to Robert, Ran-ran. Hindi ko naman sinasadya.” He said.
Tiningnan naman siya ni Arran at nagsalita pagkatapos dahan-dahang alisin ang
kanyang kamay. “I think you should apologize to Robert.”
“I
guess. I just can’t stand seeing you with someone else, and me giving up
without a fight.”
“But
the fight doesn’t have to be literal.” Nakataas ang kilay na sagot naman ni
Arran. He treasures Biboy – a lot. Ayaw niyang dumadaan ang kababata sa
ganitong sitwasyon, ngunit ano nga ba ang magagawa niya ngayon kung siya na ang
nakataya sa laro nilang tatlo?
Ngumiti
lang si Biboy kay Arran. “Fine, I’ll talk to Robert. Anything to make you
happy.” He said. Arran smiled too, knowing that Biboy understands his
situation.
Nauna
nang pumasok si Biboy matapos nilang mag-usap, at ilang minuto pang nanatili si
Arran sa labas ng bahay.
Dahan-dahan
namang umakyat si Biboy sa hagdan, patungo sa kwarto ni Robert. But just as he
was about to knock at Robert’s door, he chose not to. Nanatili lamang siyang
nakatayo sa harap ng pinto, hindi alam ang dapat sabihin kay Robert.
Ran-ran
wants him to apologize, but he doesn’t want to. Robert was just as evil as he
is. Sumandal si Biboy sa dingding at huminga ng malalim. Maya-maya ay
napagpasyahan na lamang niya na bumalik sa dati niyang kwarto at humiga sa
kama. Nagpapasalamat si Biboy dahil kahit papaano ay nagkasya pa rin siya sa
dating kama, at hindi binago ni Robert ang kwarto. Nakadikit pa rin ang
stickers at tattoo sa study table niya. Madalas kasi na doon nila idinidikit ni
Ran-ran ang mga nakukuha nila mula sa mga bubble gum. Naroon pa rin ang glow in
the dark na mga bituin na pinilit niyang idikit sa kisame ng kwarto. Maging ang
pintura ng kwarto ay pareho pa rin.
Everything
in the room reminded him of his childhood. The place reminded him of Ran-ran,
that one person he values ever since he was a kid. Hindi niya alam kung maaari
pang maibalik ang dati nilang pagsasama ngunit gagawin niya ang lahat upang
maisakatuparan ito. Minsan nang nasayang ang pagkakataon niya, at hindi na niya
sasayangin ito ngayon.
Biboy
wiped tears forming on his eyes, and smiled bitterly. If only he could turn
back the hands of time, he’d probably never let Ran-ran go. Maaaring maaga
siyang bumalik sa Pilipinas upang balikan ang taong palagi niyang minahal. He
just failed to see that before.
Ang
problema lang, he was scared. Biboy was scared of what could possibly happen
once he admits his feelings for his childhood friend. Apparently, his fears
just made him one step behind Robert in winning Ran-ran over.
Biboy fell asleep with those thoughts still
lingering in his mind.
Matagal-tagal
na nakaupo si Arran sa veranda, nalibang kasi siya sa tanawing nakikita niya.
Puro buildings na lang kasi ang nakikita niya sa Maynila. Hindi katulad dito na
tahimik ang gabi, at maririnig mo ang tunog ng kuliglig maging mga dahon na
tila sumasayaw sa ihip ng malamig na hangin. Napagpasyahan niyang umakyat na sa
kwarto, ngunit hindi niya maalala kung saan niya inilagay ang kanyang gamit. He
has a tendency to forget where he placed his things.
Dahan-dahan
siyang sumilip sa kwartong tinutuluyan ni Biboy at tiningnan kung nandoon ang
kanyang bag, ngunit wala siyang nakitang ibang gamit maliban sa bag ng kanyang
kalaro. Nakita ni Arran ang payapang pagtulog ni Biboy sa kama, at hindi na niya
ito balak gisingin upang itanong kung nasaan ang bag niya.
Lumabas
siya sa kwarto ni Biboy at dumirecho sa kwarto ni Robert. He was about to knock
at the door when he heard Robert’s voice. “Come in.” Agad na niyang pinihit ang
doorknob at pumasok sa kwarto.
“Nandito
ba yung bag ko?” tanong niya agad kay Robert na nasa kama at nagbabasa ng
libro. Hindi man lang siya tiningnan ni mokong nang marinig niya itong
magsalita. “Nasa cabinet. Inilagay ko dyan kanina noong dumating tayo.” Sagot
ni Robert. Napakunot naman ng noo si Arran, dahil hindi niya maalalang pumasok
siya sa kwarto ni Robert upang ilagay ang gamit niya. Hindi na lamang niya ito
pinansin, at kumuha ng shorts at T-shirt na pantulog. Nang matapos siyang
magbihis ay tiningnan niya si Robert.
Nakatingin
din ito sa kanya, nakasilip mula sa librong binabasa niya. Agad din itong
nagbawi ng tingin kay Arran which made him chuckle a bit. “Humiga ka na dito.”
Sunod na narinig niya mula kay Robert. He was hesitant at first, ngunit
naglakad pa rin siya patungo sa kama at umupo sa gilid.
Nanatiling
natatakpan ng libro ang mukha ni Robert, at napapaisip tuloy si Arran kung
nagbabasa nga ba ito talaga o nagpapanggap lamang. “You should sleep now, baka
napagod ka sa byahe.” Narinig niya ulit mula kay Robert. He had no other place
to sleep aside from the sofa if he declined Robert’s offer.
“I’m
sleeping on the sofa.” Maikli niyang sagot. Ibinaba naman ni Robert ang
binabasang libro at tila sumimangot. “Don’t make a fool out of yourself. Gusto
mong magka-stiff neck? Sleep here.” Matigas nitong sabi. Nagbuntong-hininga na
lamang si Arran at sumunod sa gusto ni mokong. Humiga siya sa kama at
nag-relax.
“I
don’t want to make it difficult for you and Biboy. Ayokong makasakit ng tao.”
Ang biglang pag-open up ni Arran kay Robert. Naramdaman naman niyang tuluyan na
itinabi ni Robert ang libro at humarap sa kanya.
“Then choose me.”
“This
is really complicated now, Robert. I mean, akala ko ikaw si Biboy kaya I guess
I started to have feelings. But the problem is that I’m unsure if it’s because
I saw you or I saw Biboy in you. Gets mo?” tugon naman ni Arran. Itinakip niya
ang kanyang braso sa kanyang mata. Nahihirapan na siya sa sitwasyon.
“One
of us is going to get hurt with your decision, Arran. Things do not come out as
simple as we think they do.” Ang mahinahong sagot naman ni Robert. Ayaw niyang
nakikitang nahihirapan ito, ngunit kailangang manggaling mula kay Arran ang
desisyon. Even if the decision may shatter him.
“I
guess you’re right. Let’s sleep now, Rob.” Mahinang sagot ni Arran bago ito
tumalikod sa katabi. Narinig lamang niya na nagbuntong-hininga ni Robert at
pinatay na ang ilaw.He doesn’t want to be unfair to Biboy, even though
something happened between him and Robert. Ayaw niyang ma-trap lalo sa guilt na
nararamdaman niya. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata niya at nakatulog.
Nanatili naman na gising si Robert,
at patuloy na pinagmamasdan ang katabi habang mahimbing itong natutulog. He’s
hurting as much as Arran does, because he wants this set-up to be simple too.
Palagay niya ay dapat din niyang i-apply sa sarili ang sinabi kanina. Things do
not come out as simple as we think they do.
He wants Arran, and he wants the guy
to like him back. As simple as that. However, it doesn’t work out that way now
that Biboy has entered the picture.
Humiga na si Robert at natulog,
hindi na niyakap si Arran dahil alam niyang hindi rin ito magugustuhan ng
binata sa ngayon.
Maagang nagising si Arran, bandang
alas sais y media pa lamang ay bumangon na ito mula sa kama. Hindi katulad ng
madalas na mala-mantika niyang pagtulog, tila mababaw lamang ang tulog niya.
Agad siyang lumingon upang tingnan kung katabi pa rin niya si Robert at
nakahiga pa nga ito, bahagyang naghihilik. Napangiti siya sa nakita.
Lumabas na si Arran sa kwarto at
pumunta sa kusina upang magtimpla ng kape. Naroon na si Nanay Luisa at nakaupo
sa isang silya, at kaharap nito si Biboy na umiinom din ng kape. Binati niya
ang dalawa ngunit hindi siya makatingin kay Biboy. Kahit na kasi wala namang
nagyari sa kanila ni Robert ay na-guilty pa rin siya dahil doon siya sa kwarto
ng huli natulog. Tahimik lamang siya habang iniinom ang kape, at patuloy naman
na nagkwentuhan si Nanay Luisa at si Biboy tungkol sa mga nangyari sa compound
matapos siyang umalis.
Umalis din sa kinauupuan si Arran
matapos inumin ang kape at pumunta sa sala. Sinundan siya ni Biboy matapos ang
ilang minuto habang naghuhugas ng pinggan ang matanda.
“Good morning, Ran-ran.” Bati ni
Biboy sa kanya. Ngumiti lamang si Arran sa kababata, at naramdaman na tila
inaantok pa rin siya dahil mababaw lamang ang tulog nito.
“Punta tayo sa labas mamaya.” Yakag
ng kababata sa kanya. Agad namang napaisip si Arran, “We should tell Robert
first.” Mungkahi niya. Bahagyang naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ni
Biboy sa sinabi niya. “Kailangan pa ba niyang malaman lahat ng gagawin natin?”
“I guess, hindi din naman yata
maganda na hindi tayo magpaalam sa kanya. Baka kasi hanapin pa niya tayo.”
Sagot naman ni Arran. Ayaw naman niyang hindi malaman ni Robert na aalis sila
ni Biboy, lalo na at tatlo naman silang pumunta sa probinsya.
Nakita niyang ngumiti si Biboy.
“Sige, payag na ako. O siya, I’ll just take a bath first.” Sabi nito, bago
tumayo pabalik sa kwartong tinutuluyan nito.
Habang paakyat si Biboy sa kwarto ay
nakasalubong naman niya si Robert. Mukhang masama ang gising nito sapagkat
nakasimangot ito nang bumungad sa harap niya. “Good morning.” Bati ni Biboy at
nginitian ang nakasimangot na binata. Hindi sumagot si Robert at dumirecho sa
pagbaba sa hagdan. Hindi na ito pinansin ni Biboy, dahil ayaw na rin naman niya
ng gulo.
Naghahanap ng mapapanuod sa TV si
Arran nang nakitang bumababa mula hagdan si Robert. Gusot ang mukha nito, at
magulo ang buhok – mukhang wala sa mood. “Hi Robert. Kumain ka na.” ang tanging
nasabi ni Arran sa binata. Hindi rin ito pinansin ni Robert at tumuloy sa
kusina. Maging si Nanay Luisa ay nanibago sa ugali ni Robert noong araw na
iyon, nagsasalita lamang ito kapag tinatanong siya at muling tatahimik.
Hindi tuloy malaman ni Arran kung
pano sasabihin kay mokong na gustong lumabas ni Biboy ngayong araw. Tahimik na
kumain si Robert ng almusal at umupo kalapit ni Arran pagkatapos. Nanatiling
tahimik ang dalawa habang nagcha-channel surfing si Arran.
“Gusto kong manuod ng news.” Narinig
ni Arran na sinabi ni Robert. Tila wala nga yata ito sa mood. Hindi niya alam
kung ano ang eksaktong dahilan ngunit pinili na lamang niyang huwag pansinin.
Naghanap siya ng channel na mayroong balita at ibinaba ang remote.
“Rob, gusto pala ni Biboy na lumabas
mamaya para tingnan yung nagbago sa compound.” Ang mahinang saad ni Arran nang
makitang bahagyang nawala ang simangot ni Robert. Hindi siya nito tiningnan ng
sumagot. “Bahala kayo.”
Hindi na alam ni Arran ang susunod niyang
sasabihin kaya naman napagdesisyunan na lamang niya na umakyat sa kwarto upang
maghanda na rin ng pampaligo. Ilang minuto pa ay lumabas na si Biboy mula sa
banyo at agad siyang naligo matapos noon. Sabay na rin silang lumabas ng bahay.
Sinubukan pa ni Arran na magpaalam kay Robert bago sila lumabas ngunit hindi pa
rin siya pinansin ng binata. Nagkibit balikat na lamang siya at sumama kay
Biboy palabas.
Nanatiling nanunuod si Robert
matapos makalabas ng dalawa – seryoso pa rin ang mukha. Nakatutok ang kanyang
paningin sa newscaster ngunit hindi niya halos iniintindi ang sinasabi nito.
Mayroon man siyang ideya kung ano ang nararamdaman niya ngunit pinili na lamang
niyang ituon ang atensiyon sa pinapanuod. Maya-maya ay lumapit naman si Nanay
Luisa sa kanya. “May problema ba, hijo?” tanong ng matanda.
Umiling lamang si Robert, hindi
tiningnan si Nanay Luisa. Tinapik naman ng matanda ang balikat ng binata.
“Tungkol ba ito kay Biboy at Arran?” tanong pa niya, ngunit hindi umimik si
Robert.
Ngumiti lang si Nanay Luisa.
“Nagseselos ka ba, Robert?” tanong nito. Hindi na napigilang tumango ni Robert
sa tanong.
“Siguro kailangan mo lang din gawin
ang lahat para magustuhan ka ni Arran, hijo.” Ang payo ng matanda. “Pero huwag
kang gagawa ng dahilan upang magalit siya sa’yo.” Dugtong pa nito. Tumango lang
si Robert sa sinabi ni Nanay Luisa.
“Ayaw ko lang mawala sa akin si
Arran.”
Masayang naglalakad si Biboy sa
compound kasama si Arran. Marami na rin silang nakikitang mga kalaro dati,
maging si Aling Nat na ngayon ay may mini-grocery na. Saglit silang nanatili
doon, at agad na bumili si Biboy ng chichirya at softdrinks.
“May asawa na pala si Iman ngayon,
no?” tanong ni Biboy habang kumakain ng Chippy.
Tumango lang si Arran dito, “Oo nga, kahit si Tin-tin pinakasalan na si
Junior.” Dagdag pa niya.
Tila nagulat naman si Biboy sa
narinig. “Really? I didn’t know she was married. Judging from the way she acted
last night, I thought she was still single.” Sagot nito na tinawanan lamang ni
Arran. Halata naman na nilalandi ni Kristine si Biboy nang makita nito ang
binata, at ganoon din naman ang ginagawang paglalandi ng dating kalaro kay
Robert dati.
“I think she likes you.” Natatawa pa
ring sambit ni Arran.
“Nah, I didn’t like her ever since
we were kids.” Sagot naman ni Biboy bago uminom ng Mountain Dew. “I guess I
liked you even before, Ran-ran. It just took me a while to realize it.” Dugtong
pa niya. Pinamulahan naman ng mukha si Arran, at bahagyang tinulak ang
kababata. Mabuti na lamang at wala si Aling Nat sa harap ng tindahan, marahil
ay narinig na nito ang sinabi ni Biboy.
Sunod naman nilang pinuntahan ang
dating bakanteng lote na pinaglalaruan nila. Natuwa si Biboy nang malaman na
na-convert na pala ito bilang isang parke. Agad silang naglaro ni Arran kahit
na pinagtitinginan sila ng ibang mga bata na naroon. Masayang-masaya si Biboy
dahil muli niyang nakasama ang kanyang kababata.
Ilang oras din silang nanatili sa
parke, hanggang umuwi na ang mga bata na naglalaro upang kumain ng tanghalian.
Naisipan nila na umupo ulit sa puno ng mangga na dati nilang pinagpapahingahan
matapos maglaro. Ang puno din ang naging saksi sa huling araw ng pagsasama nila
dalawampung taon na ang nakakaraan.
Ipinikit ni Biboy ang kanyang mga
mata nang makaupo sila sa lilim ng puno. “I’m really happy I went back here,
Ran-ran.” Saad nito. Tiningnan lamang siya ni Arran at napangiti. Natutuwa siya
dahil naging masaya naman si Biboy sa pagbabalik niya sa probinsya, kahit
madalas silang nag-aaway ni Robert.
Nagmulat si Biboy ng mata at tumingin
kay Arran. Tila na-conscious naman ang huli sa ginawa ng una. “And I’m happy
that you’re here with me.” Seryosong saad nito. Hindi naiwasan ni Arran na
tumitig sa mga mata ng kalaro, at bago pa niya mapansin ay lumalapit na si
Biboy sa kanya. Masuyong hinawakan ni Biboy ang kamay ni Arran.
Biboy kissed Arran’s lips.
Tila lalong nagulat si Arran sa
ginawang paghalik ni Biboy, ngunit saglit lamang ang halik na iyon. Ngumiti
lamang si Biboy pagkatapos. “That was nice.” He said. Arran chuckled, his heart
beating like a drum.
“I never realized that I’ll be able
to kiss you, Ran-ran.”
“You just did.” Arran answered
sheepishly.
Matapos noon ay bumalik na sila sa
bahay. Nalaman nila mula kay Nanay Luisa na umalis si Robert upang asikasuhin
ang printing press at sinabing mauna na sila sa pagluwas sa Maynila. Bahagyang
nawala sa mood si Arran ngunit hindi na ito napansin ni Biboy, masaya kasi ito
na nasolo ang kababata.
Agad silang kumain ng tanghalian at
nag-empake ng kanilang mga gamit. Natutuwa naman lalo si Biboy dahil dalawa na
lamang silang uuwi sa Maynila ni Ran-ran. Alas dos ng hapon nang napagpasyahan
nilang lumuwas.
Si
Biboy na ang nagmaneho at patuloy ang kwentuhan ng dalawa sa loob ng
sasakyan.
“I think I should call you Roberto
starting now.” Ang tumatawang suhestiyon ni Arran kay Biboy.
Ngumuso si Biboy, at hindi
sinang-ayunan ang sinabi ng kababata. “No way! Even my friends in the States
call me Biboy. Yung iba, Bobby ang tawag sa akin pero ayoko nun.” Paliwanag
naman ni Biboy.
Alas sais na sila nang nakarating sa
bahay ni Arran. Wala ang kanyang mommy at si Ashley nang dumating sila.
Inihatid na ni Arran si Biboy sa kanyang kotse.
“Ran-ran, I think we should end this
day on a good note.” Saad ni Biboy pagkatapos i-unlock ang kanyang kotse.
Bahagya namang kumunot ang noo ni Arran sa narinig. “What do you mean?”
Biboy gave Arran a quick kiss on the
lips, then smiled afterwards. “That’s the good note.” Itinulak naman ni Arran
ang kanyang kalaro habang tumatawa. “You’re crazy.”
Sumakay na si Biboy sa kanyang kotse
at sinimulang paandarin ang makina. “I’ll see you soon, okay?” tanong nito.
Tumango lamang si Arran, “Yeah, see you soon.”
Maya-maya ay umalis na si Biboy at
pumasok na sa loob ng bahay si Arran. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya
ni Biboy ngayong araw – nang dalawang beses. Humiga siya sa kanyang kwarto at
sinimulang tanggalin ang kanyang mga gamit sa bag.
Nagmamaneho naman si Biboy pauwi sa
kanyang bahay nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang text message
mula kay Ran-ran.
I
had fun today. Can we meet tomorrow night?
Napangiti lamang si Biboy sa kanyang
natanggap na mensahe at agad na nagreply nang mag-red light sa daan.
Yeah,
sure. Where do you wanna go?
Ilang minuto pa ay nakareceive siya
ulit ng reply.
Enchanted
Kingdom.
Nakapagreply na si Biboy nang
makauwi na siya sa kanyang condo sa Ortigas upang i-confirm ang kanilang
pagkikita kinabukasan. Nagtext si Ran-ran na hintayin na lamang siya sa Santa
Rosa dahil may pasok pa siya sa umaga, at sinang-ayunan naman ito ni Biboy.
Hindi siya makapaniwala na nais ulit siyang makasama ni Ran-ran. Marahil ay
mayroon na nga siya talagang pag-asa sa kanyang kababata.
ay bakit umurong ang chapter hehe. chapter 16 na dapat, biglang naging 14 ulit.
ReplyDeleteNabura ko yung unang Part 14 na post.
DeleteRe-post nalang po ito.
binasa ko uli, baka kasi may nagbago, kaso parang wala nmn. Ang nangyari, mas lalo kong naintindihan ang mga mangyayari. Gaya ng "Pero huwag kang gagawa ng dahilan upang magalit sya sayo". Pero ginawa parin ni rob na gumawa ng kalokohan. Pinaglaruan nya si biboy sa sumunod na kabanata. Bagay lang pala kay robert na binansagan ko syang ROB haha. May nakatago pala sa kanya na masamang ugali.
ReplyDeletebharu
Whew. So team biboy ka na bharu? Hehe lagot.
Delete