Hi, guys! Thanks for all the support! Keep the comments coming. :)
Happy Reading!
--
Sa living room ako natulog
ngayong gabi, dahil unang-una, ayokong makasama si Caleb sa loob ng isang
kwarto dahil sa sitwasyon namin. Alam kong may galit pa siya sa akin, at may
galit pa ako sa kanya, kaya hindi makakabuti para sa aming dalawa ang magsama
sa iisang kwarto. Ikalawa, dahil hindi pa gawa ang kwarto ko na siyang
ikinaiinip ko, dahil ang ibig sabihin noon ay magsasama pa kami ni Caleb
hanggang hindi pa ito gawa—pero ngayon, I have to make do with our living room
(I think).
Hindi maganda ang pakiramdam ko
pagkagising ko. Pupungas-pungas akong pumunta sa kwarto ni Caleb para kuhanin
ang sipilyo, at ang ilang mga damit ko. Naisip kong for the meantime, ang banyo
muna ni Selah ang gagamitin ko. I’m sure she wouldn’t mind. Nakatitig lamang
ako sa pintuan ng kwarto ni Caleb nang marating ko ang kwarto. Bumilang ako ng
tatlo bago bumuntong-hininga at pihitin ang doorknob.
Pagtulak ko ng pinto ay namasdan
ko siyang bagong ligo at tanging twalya lamang na nakapaikot sa baywang niya
ang saplot niya. Napalunok ako nang makita ko ang perpektong katawan niya—ang
makinis niyang kutis, mga muscle na halatang batak dahil sa pagkakaalam ko ay
naglalaro ito ng badminton, or is it tennis?—ewan—na siyang ikinainis ko sa
sarili ko. Bakit ko ba binibigyang pansin ang katawan niya? Nagkatinginan
kaming dalawa panandalian, at bago pa siya maghinala ay walang sabi-sabing
dumiretso ako papasok ng kwarto niya.
“You’re still here.” malamig
niyang pahayag. Ngayon ay napansin kong naka-recover na siya, dahil balik na
siya sa dating aura, sa dating postura niya. Parang wala lamang sa kanya ang
nangyari kagabi, at tila hindi niya ito ininda. “Obviously. Kukuha lang ako ng
damit tapos lalabas na ako.” malamig ko rin na balik sa kanya. Hindi na siya
nagsalita matapos noon, kaya naman kinuha ko na ang lahat ng dapat kong kuhanin
nang makalabas na ako agad sa kwarto niya.
Dumiretso ako sa pintuang katabi
ng kwarto niya—ang kwarto ni Selah—at kinatok ito. “Selah, can I come in?”
tanong ko. Narinig ko naman ang boses niya na nanggagaling sa kabilang banda ng
pinto. “It’s open!” pahayag niya, kaya naman pinihit ko ang doorknob niya at
pumasok. “Pwedeng makigamit ng CR?” tanong ko. Nangunot ang noo niya. “May CR
ka sa kwarto niyo, ah.” inosente niyang pahayag, ngunit sa likod noon ay alam
kong may mas malalim siyang dahilan na naiisip. “Selah...” pagsisimula ko sana,
pero pinutol niya agad ako. “Ok, maligo ka na. But we will talk after you’re
dressed up, k?” malaman niyang pahayag. Tumango na lamang ako para hindi na
humaba pa ang usapan at makatapos na ako sa mga kailangan kong gawin.
--
Matapos maligo at magbihis sa
loob ng banyo ng kapatid ko, mabilis pa sa alas-kwatro niya akong
in-interrogate. “Kuya, I don’t like what went down last night.” nagtatampo
niyang pagsisimula. Napabuntong-hininga ako. “Selah, pareho kaming may
kasalanan, inaamin ko, but... your brother started it. I’m sorry. If you’re
proposing that magsorry ako sa kanya, sorry to disappoint you, but the answer
is no.” matatag kong sagot sa kanya. “And isa pa, I’m leaving in a week.
Inaayos—“
“WHAT?!” hindi niya makapaniwalang
bulalas. It’s true. I thought about everything last night, and thought of
leaving this place. Yes, napakagandang naranasan ko na ang pagmamahal ni papa,
at nakakilala ng mga mabubuting tao sa katauhan ni Tita Audrey at ni Selah,
ngunit kung araw-araw namang ipapamukha sa akin ni Caleb na hindi ako kailangan
sa pamamahay na ito dahil sa pagiging anak sa labas ko, hindi na ako magtitiis.
Ayokong ibaba ang sarili ko. Mas importante na may matira akong pride kaysa sa
magtiis ako sa loob ng isang bahay na kahit masaya, eh parang gusto akong
isuka.
“Aayusin ko lang ‘to. I’ll look
for work, find a decent place to stay in, and then leave. Ayoko ng magulo ang
pamilya niyo.” kalmado kong pahayag. Nagulat naman ako nang bigla siyang
umiyak! “Selah...” “No!” at bigla siyang nagtatakbo palabas ng kwarto niya.
Nalungkot at napabuntong-hininga ako. Ilang segundo lamang ang nakalipas nang
makarinig ako ng isang malakas na kalabog mula sa pintuang katabi namin.
“Oh, shit!” nagpa-panic kong
sigaw habang sinusundan si Selah. Sana mali man kung ano ang iniisip ko.
--
Selah.
I opened the door to Kuya Caleb’s
room. I barged in, and immediately slapped him na siyang ikinagulat niya. “Para
saan iyon?!” pagalit niyang tanong sa akin. “Get your act together, Kuya!
You’re ruining this family! Ano bang ginawa sa’yo ni Gab?! He’s a good person,
why can’t you see that?!” galit kong pang-aaway sa kapatid ko.
It doesn’t make sense! When Gab
moved in, when I first saw him, I already knew that he’s a good person. I don’t
know, pero siguro instinct ko na rin iyon. Eversince then, we became close.
He’s the brother I never had. Sobrang maasikaso niya, at sobrang concerned sa
akin which is what I love about him. And now, my other brother, the one I’ve
known all my life, treats him like shit! And I can’t stand that. Hindi ko
talaga ma-gets kung bakit hindi kayang maging open ni Kuya. Anak din naman ako
ni papa, and tinanggap ko si Gab wholeheartedly.
“Selah!” bungad ni Kuya Gab
galing sa pinto. “What are you doing?!” taranta niyang tanong. “Kuya Gab, I
can’t take this anymore! I don’t want him to treat you like shit! He deserved
what you said to him last night.” sabi ko sa kanya bago ko balingan si Kuya
Caleb. Napansin kong medyo nanlata siya mula sa mga nangyayari ngayon. “Look,
Kuya. We’re a family, and you—I think—are the only threat present and not Kuya
Gab. If you don’t get your shit together, baka pati ako mawala sa’yo.” fearless
kong sabi sa kanya before I stormed out of the room. I grabbed Kuya Gab and we
went back to my room.
“Selah, hindi mo dapat ginawa
iyon.” he sadly stated. “Kuya, I don’t want you to leave just because of that
prick of a brother I have. I mean, I know how tough things have been for you,
and I admire that you’re still strong after everything. Alam kong Caleb’s just
making it hard for you. Don’t let him get to you, please?” I was practically
begging him. In the few days we’ve been together, I really like him as a
person. Napamahal na ako sa kanya, and tinuturing ko na siyang parang tunay na
kapatid na matagal ko ng kilala. Ang ironic nga, eh kasi sa kanya ako mas
nakapaglalalabas ng mga problems ko, and not with Kuya Caleb.
“I think sisisihin ako ng kuya mo
because of what you did.” malungkot niyang sabi sa akin. “Just ignore him. Alam
kong alam niya deep down na siya ang mali.” sabi ko.
Sandali kaming natahimik nang
makarinig kami ng busina mula sa labas ng bahay namin.
“Who’s that?” taka kong tanong.
Nakita ko naman na parang lumiwanag ang mukha ni Kuya Gab once he heard the
honking outside. “Ay, si Justin. Sasabay daw niya ako sa school. Pareho kaming
UPD.” matamis na pahayag ni Kuya. “Oh my God. Justin, as in Justin Tiongson,
our neighbor?” I squealed. “Uhh, yeah. I think.” si kuya. “OMG! How did you
meet him?” excited ko pa ring tanong kay Kuya. If you’re gonna ask, Justin’s
the definition of the word HOT. “Last
night. Napatambay ako sa clubhouse after nung row ko with your brother. Anyway,
I need to leave. Bye, Selah.” tila nagmamadali siyang magpaalam at umalis na ng
kwarto ko.
--
Gab.
“Hey! You made it.” nakangiti
niyang bati sa akin. “Yeah, halika na.” sagot ko sa kanya.
Habang binabaybay namin ang daan
papuntang school ay walang tigil sa kakkwento sa akin si Justin. Ngunit habang nagkkwento siya ay lumilipad
ang isipan ko sa mga nangyari kaninang umaga. Iniisip ko ang desisyon kong
umalis, at inaamin kong natatakot ako para sa sarili ko, but the reality of
having no options confronts me. Hindi na ako pwedeng bumalik kay mama, ayokong
abalahin si Trish, at lalong-lalo na si Josh. Napabuntong-hininga ako. I have
nowhere to go.
I’m on my own.
“Hey, anong problema?” concerned
niyang tanong sa akin. “Ah, wala. Wala lang akong tulog.” pagsisinungaling ko.
“Something bothering you?” pagpilit niya pa rin. Umiling na lamang ako bilang
sagot. “C’mon. Cheer up, Gab. I don’t like to see you sad.” sabi niya. “Wow,
ang cheesy.” biro kong balik sa kanya. “Kilig ka naman.” balik niya na may
kasama pang ngisi. Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko, ngunit
agad-agad ko siyang sinagot bago pa siya makahalata. “Gago.” tanging sabi ko na
lang sa kanya.
“Saan ba first class mo?” tanong
niya, parang iniiba ang usapan. “Sa AS.” tipid kong sagot. “Maaga pa naman.
Kain muna tayo.” suhestyon niya. Tiningnan ko ang relo ng kotse niya.
“Alanganin na. Traffic sa EDSA.” puna ko. “Pero gutom na ako... ah, I know!”
sabi niya na hindi ko na pinansin. Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng susunod
kong hakbang. I started to lay down my plans once I leave the house. Umisip ako
ng mga trabahong maaari kong pagkakitaan. Naisip kong pwede akong maging
service crew sa isang fastfood chain, o barista sa isang coffee shop. Once I secure
a job, dapat humanap ako ng matitiran. Pagkatapos—
“Gab!” malakas na sigaw ni
Justin. “Ano ba?!” iritable kong baling sa kanya. Nakita kong lumambot ang
facial features niya malamang ay nagulat dahil sa naging tugon ko. “Sorry...
ano iyon?” pagbawi ko. “Uhm, anong order mo?” tanong niya, medyo nahiya sa
naging turan ko. Nagtaka naman ako kung paano ako makaka-order gawang nasa
sasakyan kami ng mga oras na iyon. Nang tingnan ko ang paligid ko ay napansin
kong nakatigil na pala kami sa drive thru ng McDonald’s. “Uhm, kung ano na lang
sa’yo.” nahihiya kong tugon. Tumango naman siya at sinabi sa speaker na gawing
dalawa na ang order niya.
--
“Subuan mo ako ng burger, Gab.”
request niya sa akin. Tiningnan ko naman siya, sinisigurado kung tama ba ang
narinig ko. “Please.” pagmamakaawa niya. “Bakit hindi mo gawin mag-isa?”
nalilito kong tanong, dahil pwede naman siyang kumain ng mag-isa. “Uhhh, because
I’m driving?” sabi niya sa akin, stating the obvious. “Subo na!” pag-uutos pa
niya, at wala na akong nagawa kundi kunin ang burger niya, tanggalin ang
wrapper, at ilapit iyon sa bibig niya. At ang mokong, pumikit pa habang
kumakagat sa burger niya. “Ang sweet naman natin!” parang natutuwa pa siya nang
sinabi niya iyon.
“Bading ka ba?” biro ko, dahil
napapansin ko na kanina pa siya sa mga patusada niyang ganito. Alam kong malabo
iyong mangyari dahil napakalayo sa itsura niyang maging ganoon siya, ngunit
biniro ko pa rin ito para makapang-asar. “Hindi, ah... pero sa’yo willing ako.”
sabi niya sabay kindat. “Pakyu.” walang kagatol-gatol kong balik sa kanya. “I’m
just kidding, pero seriously if ever someone comes along that will be enough to
change me, I’ll be willing to break the rules.” sabi niya. “What do you mean?”
takang tanong ko.
“I mean, love knows no gender,
race, whatever shit. It doesn’t discriminate. Bigla na lang siyang dadating. If
ever man na... by chance, say, I fell in love with a guy... I’d give it a go. I
don’t give a fuck if that’s breaking the rules. You know how society is.”
makabuluhang sabi niya. Natuwa naman ako sa narinig ko sa kanya, dahil hindi ko
akalaing ang isang taong tulad niya na gwapo, mayaman, ay maiisip ang ganoong
mga bagay. Napaisip naman ako at narealize ko na sana ganoon din akong ka-open
sa sarili ko.
“Ikaw ba, Gab?” tanong naman niya
sa akin. Napansin kong nakarating na pala kami sa school at kasalukuyan na
niyang ipinaparada ang kotse niya. Habang ginagawa niya iyon ay nabigyan niya
ako ng sapat na oras para isipin ang gagawin ko. “Same. Ang kinaibahan lang,
nangyari na kasi sa akin ‘yan.” malaman kong sabi. I didn’t want to give
everything away. Hinayaan ko na lamang na siya na ang makakuha ng ibig kong
sabihin.
“Oh. So you mean you’re straight,
but you already fell in love with a guy? Tama?” paninigurado niya. “Yeah. Are
you cool with that?” tanong ko. Alam ko kasing may mga tao na hindi
komportableng sumama sa mga katulad ko. “I don’t mind. I actually admire na matapang
ka to confront your feelings. So how did it turn out?” tanong niya, halatang
interesado at walang bahid ng panghuhusga mula sa kanya. Kinwento ko sa kanya
ang mga nangyari sa akin noong high school, dahil sa tingin ko ay
mapagkakatiwalaan naman ito.
“That’s sad. But don’t worry. I’m sure you’ll
find the girl... or guy for you. Hindi ka mahihirapan doon, I think... because
you’re such a person, Gab.” sincere niyang sabi habang nakatingin ng malalim sa
mga mata ko. Nagising na lamang ako nang mapansin kong parang papalapit ng
papalapit ang mukha niya sa mukha ko. At doon ay nagpanic na ako.
“Look at the time. Kailangan ko
ng pumasok. Bye. Salamat sa ride.” nagmamadali kong pahayag bago lumabas sa
kotse niya.
8:03, tingin ko sa orasan ko. Fuck, lame excuse. Ang aga pa pala.
Whew. What was that all about?
May tama na ata ako. Bakit ko
naman naisip na hahalikan niya ako?
--
Trisha.
“Anong nangyayari sa’yo, Gabby?
Kanina ka pa tuliro diyan.” pagpuna ko sa kanya. Kanina ko pang napapansin na
parang hindi mapakali si Gabby at tila agitated na parang may bumabagabag sa
kanya. Umiling lamang ito. “Oh, kamusta naman ‘yung pasta na binigay mo sa step
bro mo? Nagustuhan ba niya?” I asked, trying to change the subject. At mukhang
mali ang naging hakbang kong iyon, dahil napansin kong mas lalo siyang hindi
napakali, kaya I decided to press on with the matter.
“What happened?” tanong ko sa
kanya.
“Things aren’t good in the
house.” malungkot niyang pahayag. “Tell me.” pag-encourage ko sa kanya. Alam
kong sa oras na ganito ay kailangan niya ng taong makakausap. Natahimik siya ng
ilang segundo, tinitingnan ang pagkaing nasa harapan niya at pinaglalaruan ito.
“Gabby, ano bang nangyari?” concerned kong pagpilit. Nag-aalala na talaga ako
para sa kaibigan kong ito. I can’t deny the fact that he’s been through a lot
lately—and it was a very quick process, kaya naman alam kong nahihirapan siya.
“It was the worst last night. I
mean, oo nagpaparinig siya lagi sa akin the past week, pero last night hindi ko
na kinaya... and I exploded as well.” napabuntong-hininga siya. “And I hate
myself, dahil kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin, and even though he’s
been treating me like shit, hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya. Ngayon,
ako pa ang nakakaramdam ng guilt. Nakakainis!” halata sa boses niya ang
frustration, at tila automatic naman sa akin ang instinct ko na i-comfort ang
kaibigan ko.
“Gabby, you’re a good person.
Alam kong hindi ka nagtatanim ng galit, kaya kahit ganoon ang pakikitungo niya
sa’yo, nirerespeto at pinahahalagahan mo pa rin siya. That’s what I admire
about you. Don’t worry, I’m sure Caleb will come around soon. You just have to
be patient.” pagpapakalma ko sa kanya. “I don’t know, Trisha... I don’t know.”
napapailing siya.
I was about to say something when
I saw someone who caught my attention—isang cute na lalaki! At papalapit siya
sa table namin?!
“Oh my God, Gabby. Don’t tell me
sa table natin papalapit yung cute na guy.” excited na bulong ko sa kanya. Agad
naman napaangat ang mukha ni Gab mula sa narinig niya sa akin. “Justin?!” takang
bati niya sa paparating na binata na siyang umupo na sa tabi ni Gab. What the hell’s happening?!, tanong ko
sa sarili ko. Hindi naman nakkwento sa akin ni Gab na may ganito pala siyang
kagwapong kaibigan. Tiningnan ko lamang silang dalawa, starstrucked pa rin sa
bagong kasama namin sa table.
“Uhm, Trish... Justin, my
neighbor.” pagpapakilala sa akin ni Gab. “Wow!” singhap ko. Nakita ko namang
natawa si Gab sa naging reaksyon ko. “Yep. Apparently.” natatawa pa rin niyang
tugon. “I’m Justin. Nice to finally meet you.” nakangiti niyang baling sa akin,
and I swear pakiramdam ko mahihimatay ako right in that moment. “Likewise.”
medyo nahihiya ko pa ring tugon. “So paano kayo nagkakilala?” pagsisimula ko.
“I saw him staring at the night
sky doon sa clubhouse sa amin. Parang baliw nga, eh.” natatawang sagot ni
Justin. “Hey!” pagtutol ni Gab na siyang tumatawa na rin. Oh, I sense chemistry! And
just like that, may nabuo na akong plano sa isip ko. “You two look cute!”
pang-aasar ko sa kanila. Nakita ko namang pinandilatan ako ng singkit na mga
mata ni Gab, sensing that I’m up to no good. “Aww, don’t we?” pagsakay ni
Justin at inakbayan pa si Gab na siyang bumalikwas. Natawa na lamang kaming
dalawa sa nangyari. At least kahit ganoon ay panandaliang nakalimutan ni Gab
ang mga problema niya.
“So are you friends with Caleb?”
tanong ko naman kay Justin. “Hmmm, okay lang, but we’re not that close.”
simpleng tugon nito, ngunit parang may na-sense akong kakaiba, ewan siguro
woman’s instinct lamang iyon. I just ignored it, because I know that I’m
overthinking stuff. Tumango naman ako sa naging sagot niya.
“Gab, hindi nga pala kita
masasabay pauwi. May org meeting pa kami, eh. Hanggang 7:00 p.m.” baling ni
Justin kay Gab. “Wow naman, may driver ka pa! Justin, you’re so sweet!”
pang-aasar ko pa. Natawa lamang si Justin, at nakita kong namumula na si Gab at
lalong naniningkit ang mga mata nito. “I know! Sabay na lang kayo ni Caleb.
Ateneo lang naman siya, eh.” suhestyon niya na agad kong ikinatawa. “Haha! Ang
funny mo, Justin!” sarcastic na comment ko.
“What’s wrong? Eh makikisabay
lang naman siya sa brother niya.” inosenteng pahayag niya na lalong
nakapagpatawa sa akin. “Seriously?” tanong ko. “Uh, we’re not in good terms.”
singit ni Gab sa usapan namin. “Pero bakit? Ok naman si Caleb, ah.” gulat na
tanong ni Justin. Alam kong ayaw sagutin ni Gab ang tanong, kaya naman ako na
ang sumagip sa kanya. “Maybe hindi pa rin niya kasi tanggap ‘yung thing about
his dad... uhm, having an affair.” sabi ko, and I immediately realized how
sensitive the subject was.
“Oh, right.” parang napahiyang
reaksyon ni Justin. “We had a fight the night you saw me inside the clubhouse
kaya ganoon na lang ang ayos ko.” singit ni Gab. “That explains it. Anyway,
don’t mind him. He’ll come around. Mabait ka naman, eh kaya eventually
magkakasundo rin kayo.” sabi ni Justin kay Gab. “Exactly.” pagsegunda ko sa
kanya. Tumango naman si Gab at ngumiti ng matabang.
--
Gab.
Natapos ang klase, at gaya ng
inaasahan ay drained na naman ang utak ko dahil sa pagbabasa at pag-analyze ng
sandamakmak na readings.
Tatawagan ko na sana ang driver
ko para ihatid ako pauwi nang biglang magring ang cellphone ko at makita ko ang
pangalan ni Selah. “Hey, sis.” masayang bungad ko dito. “Kuya Gab! Thank God!”
halata sa boses niya ang pagpa-panic at ang pagkabagabag na siyang ikinataka
ko. “Anong nangyari, Selah?” hindi ko na rin mapakaling tugon. “Kuya Caleb just
fainted daw in class! Oh my God, please Kuya Gab can you pick him up sa school
niya? Stupid kasi siya, ako pala nakalagay sa Person to contact in case of emergency sa ID niya.” aligagang
request sa akin ni Selah, na may halong pag-alala at inis sa sitwasyon. “Of
course. Sige magta-taxi na ako para mabilis.” tugon ko. “Thank you! Thank you!
Just use his car to take him home, or to the hospital... or wherever. Please
keep kuya safe.” sabi niya bago ibaba ang telepono.
Agad-agad akong lumabas ng
building namin at pumara ng taxi papuntang Katipunan. Hindi ko ikakailang lubos
ang pag-aalalang nararamdaman ko para kay Caleb sa mga oras na iyon. Hindi ko
maipaliwanag kung bakit ganito pa rin ako sa kanya, despite everything that
happened between the two of us the past week. Alam kong may deeper meaning pa
iyon, bukod sa kadahilanang kapatid ko siya.
No, Gab! giit ko sa sarili ko, driving the thoughts away dahil
hindi ko talaga gusto ang mga naiisip kong posibleng dahilan.
Habang nasa taxi ay nagdasal ako
para sa kaligtasan niya. Hindi ako mapakali, at halos bawat segundo ko kung
i-check ang aking relo. At kamalas-malasan ko ba naman na traffic pa sa
Katipunan dahil labasan na ng mga estudyante sa mga malalaking schools na
nandoon. Hindi na ako magkanda-ugaga sa aking kinauupuan. Ilang minuto pa ang
lumipas ngunit usad pagong pa rin ang mga sasakyan. Tinantya ko kung gaano pa
kalayo ang campus niya.
Fuck this!
And I did the unthinkable.
Dumukot ako ng pera sa wallet ko, at walang sabi-sabing inabot iyon sa driver
na hindi kinukuha ang sukli. Matapos noon ay nakita ko na lamang ang sarili
kong lumabas sa taxi hanggang sa maramdaman ko na lamang ang pagtakbo ng mga
paa ko papunta sa aking destinasyon. Kahit pagod at mainit ay tiniis ko iyon.
Ang alam ko lamang ay dapat makarating ako kay Caleb sa lalong mas madaling
panahon. Kahit ang posibilidad na nasa clinic siya ay hindi sapat para
pakalmahin ako.
Ano ba kasing mayroon sa kanya at nagkakaganito ako?!
--
Hingal akong tumigil sa may
entrance ng school nila at nagpakilala ako. Hindi naman ako nahirapang
makapasok sa gate, at nang makapasok ay agad-agad akong nagtanong-tanong kung
saan ko matatagpuan ang building kung saan nag-aaral ang mga ka-course ni
Caleb. “Magandang hapon. Gabriel Tan po. Kailangan ko pong sunduin ang kapatid
ko. Nahimatay daw po kasi.” hingal kong sabi sa gwardya. “Anong pangalan ng
kapatid mo, at anong course?” tanong niya sa akin. “Caleb Augustus Tan, BA
Communication.” sagot ko. Matapos noon ay tinuruan ako ng security guard kung
paano makarating sa clinic, at agad akong nagpasalamat bago umalis.
Nang makarating ako sa clinic ay
agad kong tinanong kung nasaan ang kapatid ko. Mabilis naman akong inalalayan
ng nurse para makita siya. Naglakad kami ng kaunti hanggang sa makita namin
siyang nakahiga sa isang kama. Kita ko sa mukha niya na may iniinda siyang
sakit, at halata sa kanya ang panlalamig dahil sa pilit siyang nagsusumiksik sa
kumot niya.
“Kamusta na po siya? Ano bang
nangyari?” tanong ko sa nurse. “Base sa salaysay ng mga kaibigan niya, habang
nasa PE daw siya ay bigla na lamang siya hinimatay. Ang assessment namin ay
dahil siguro sa kulang siya sa tulog at parang walang laman ang tiyan niya
buong araw. Tapos ngayon inaapoy siya ng lagnat, pero binigyan na namin siya ng
prior medication. Although hindi ko madagdagan, because wala ngang lamang ang
tiyan niya.” mahabang paliwanag niya na siyang tinanguan ko lamang.
“Kaanu-ano ka ng pasyente?”
tanong niya. “Kk-Kapatid po.” lutang kong tugon, dahil sadyang nabihag na naman
ako sa maamong mukha ni Caleb. Ngayon ay mas nagmukhang vulnerable ito dahil sa
ekspresyon ng kanyang mukha dala ng iniinda niyang sakit. “Kailangan na po ba
siyang dalhin sa ospital?” tanong ko sa nurse. “Nako, hindi naman kasi simpleng
fever lang—mataas nga lang. Siguro iuwi mo muna siya sa inyo tapos alagaan niyo
muna, kapag hindi bumaba ang lagnat niya within na next ten hours, at saka niyo
na siya dalhin sa ospital.” tugon niya. “Oh sige, maiwan ko na muna kayo.
Sabihan mo lang ako if gusto mo na siyang iuwi.” paalam ng nurse.
Pinagmasdan ko ang maamong mukha
niya, at hindi ko maitatangging nabighani ako dito. Sino ba ang mag-aakalang sa
ganyang kaamong mukha ay may nagtatagong ugali na maihahalintulad sa isang
halimaw? Sa mga nagdaang araw, ay ngayon ko lang narealize na nasasaktan na ako
all the while sa nagiging pagtrato niya sa akin. Oo, nasasaktan ako sa mga
pinagsasasabi niya at sa mga ginagawa niya sa akin, ngunit ngayon ko lang
talaga napagtanto na kaya ako naghihinanakit ng lubusan sa kanya ay... dahil sa
akin lamang siya ganoon. Nakikita kong maayos niyang pakitunguhan ang lahat ng
tao sa bahay, lalong-lalo na si Selah. Makikita mong masaya siya kapag kasama
ang kapatid niya, at doon ko lamang siya nakikitang tumatawa na siyang
nakakamangha talaga. Naiinggit ako, dahil gusto ko rin na tratuhin niya rin ako
sa ganoong paraan... na mapansin niya ako.
Gab, you’re going too far! pagsita kong muli sa sarili ko.
Hindi ko namalayang hinahaplos ko
na pala ang buhok niya all the while na siyang ikinabalikwas ko. Agad akong
napailing dahil sa kagaguhang ginawa ko. Kaya naman inilabas kong muli ang aking
cellphone at tinawagan ang kapatid niya para mabalitaan ko siya... at para na
rin ma-distract ako kahit panandalian mula sa mga iniisip kong bumabagabag sa
akin.
“Selah, nandito na ako. Iuuwi ko
na siya in a while.” bungad ko sa kanya. “Oh God. Thank you, kuya! Seriously...
kahit ganoon ka tratuhin ni kuya... you of all people still care about him.
Thank you!” ramdam ko ang sincerity sa boses ni Selah nang sabihin niya iyon.
“It’s not a big deal. I’ll do anything for him kasi maha... mahalaga siya sa
akin dahil kapatid ko pa rin siya.” sabi ko, at medyo nataranta na ako sa
huling lumabas mula sa bibig ko.
Shit. Ano bang nangyayari, Gab?!
“Aww, thanks Kuya! I love you na
talaga. Maybe after this, after he finds out na tinulugan mo siya, magkakaayos
na rin kayo.” sabi ni Selah. “Sana nga.” wala sa sarili kong tugon. “Who am I
kidding?! Kamusta na si Kuya?” tanong niyang muli. “Uhm, hindi naman daw
kailangang dalhin sa hospital, pero mataas ang lagnat niya. Patulong na lang
mamaya ha.” sabi ko sa kanya. “Ay yun pa nga pala... mukhang hindi ako
makakauwi tonight, kuya.” paghingi niya ng pasensya, ngunit hindi ko na siya
tinanong dahil alam ko kung anuman iyon ay importante iyon at saka ayokong
maguilty siya sa nangyari. “I understand. Ingat ka, sis.” tugon ko sa kanya.
“Alagaan mo siya, ah. Anyway. See you tomorrow. Drive safely.” pagpapaalam
niya.
Ngayon ko lang napansin ang
katahimikan ng paligid. Nang sipatin ko ang relo ko ay nagulat ako dahil
maga-alas sais na pala ng gabi. Kaya naman maingat kong ginising si Caleb para
makuha ko ang susi ng kotse niya at makauwi na kami. Marahan kong niyugyog ang
katawan niya, at hindi ko ikakailang may naramdaman akong kakaiba nang magtagpo
ang aming mga balat na siyang lubusan kong ikinataka... at ikinainis!
“Caleb... uuwi na tayo.”
mahinahon kong turan habang niyuyugyog siya. Nangunot naman ang noo niya at
dahan-dahang idinilat ang mga mata niya. “A-aanong ginagawa mo rito?”
nanghihina niyang tanong. “Uuwi na tayo. Pahiram ng susi ng kotse mo.” sagot ko
sa kanya. “Ayokong... sumama... sa’yo.” mahina, ngunit parang hinataw na rin
ako ng martilyo sa ulo ko sa narinig kong pagtutol mula sa kanya. Kahit pala sa
ganitong estado ay mananaig pa rin ang pagkamuhi niya sa akin. Tila nawarak ang
puso ko mula sa narinig ko sa kanya, ngunit hindi ako nagpatinag dahil
kailangan ko na talaga siyang iuwi.
“Caleb, susi mo.” pagpilit ko pa
rin, ngunit para pa rin siyang bata na umiiling at patuloy na nagsusumiksik sa
kumot niya. “Kaya ko sarili ko. Hindi kita kailangan.” pagtataboy niya pa rin
sa akin. Naisip kong walang magagawa ang santong dasalan ko, kaya wala akong
nagawa kundi daanin ito sa santong paspasan. Isa lang ang naisip kong paraan
para mapasama siya sa akin umuwi. Kaya naman walang sabi-sabi kong hinila ang
kumot na siyang kanina pa niya yakap-yakap.
Agad kong napansin ang paninibago
niya. Agad nagreact ang katawan niya dahil sa pagkawala ng kumot, nakita kong
tinitingnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, ngunit alam kong sadyang
nanghihina pa ito para lumaban. “Caleb, the keys.” pag-uulit ko, at sa
pagkakataong iyon ay tumalima na ito at parang wala ng tutol. Tinawag ko naman
ang nurse para i-assist kami at isakay sa wheelchair si Caleb nang makalabas na
kami ng clinic.
Habang itinutulak ko ang
wheelchair sa labas ay nagulat na lamang ako nang bigla itong nagsalita.
“Kumanan ka, tapos sa pangalawang kanto makikita mo na ‘yung parking ko.
Hanapin mo na lang ‘yung kotse ko.” nanghihina, ngunit malamig pa rin niyang
sabi sa akin. Hindi ko na lang pinansin iyon nang mapabilis na ang pag-uwi
namin. Sinunod ko ang instructions niya and as expected, nakita ko na nga ang
parking lot. Nang mahanap ko ang kotse niya ay walang sabi-sabi ko siyang
isinakay bago ko tuluyang paandarin upang tahakin ang daan pauwi sa aming
bahay.
--
Itutuloy...
Ganda ng flow ng story mo kuya A. Lim..keep it up!!hehe kapangalan ko pa si Justin..
ReplyDelete--->Just
BUHUSAN ng ice cold water si Caleb...hehehe
ReplyDeleteThis is my first time to have a comment in this story. Ang cute. Ang daming twist and very smooth ang narration. Thanks mr. Author. Keep it up.
ReplyDeleteyes my update na din hehehe sana habaan pa yung bawat chapter nakakabitin kasi eh :-)
ReplyDeleteFranz
That hamburger scene! :'> kilig! Ganda na ng storya! :))
ReplyDeleteThanks sa update. Sana maging okay na sila and si justin hihi kakakilig naman sia haha smell something fishy about him and cakeb. Lol :-). Though gab do really care dor him o sweet. Thanks ulit. Next na .lol haha
ReplyDeleteHyyy mag kapatid sila dipawde...
ReplyDeletemay gusto kaya si caleb kay gab? kaya siguro pinapakitaan ng pangit kasi ayaw nyang matuluyang mahulog loob nya kay Gab, kasi nga magkapatid sila.
ReplyDeletemagkatuluyan kaya si justine at gab? halatang masyado na may gusto sya kay gab. maging ok na kaya ang magkapatid sa susunod na chapter? malamang yes or no. haha.
thanks sa update.
0309
I wonder if something might happen between Caleb and Gab. I want to see Caleb's sweet side, I am sure meron. And that burger part, kilig!
ReplyDeleteMagmatgas p c Caleb may sakit na nga. Tunay kaya clang magkapatid? Iba kc feeling ko sa kinikilos ni gab towards caleb. Nice one. Tnx sa update
ReplyDeleteRandzmesia