Chapter 4: Memories of the Past
Habang nananghalian ay hindi ko maialis ang tingin ko kay Caleb, pilit
binabasa ang mga kilos niya. Mukhang tama nga si daddy. Buhay na buhay ang
buong hapag-kainan, lahat may kanya-kanyang kwento, lahat nagtatawanan—si Caleb
lamang ang hindi. Parang laging malalim ang mga iniisip niya. Halata naman sa
pamilya niya na sanay na sila sa ganitong ugali ni Caleb.
Habang
kumakain ay patago ko siyang inoobserbahan. Hindi talaga ako makapaniwala kung
gaano kaamo ang mukha ng step brother ko. Ngunit kung ano ang ikina-amo ng
mukha niya ay ang siyang ikinagaspang ng ugali niya. It just made no sense to
immediately pester someone you just met. If I were in his shoes, I would’ve at
least treated the person with respect. Pero for some unknown reason ay hindi ko
magawang mainis sa kanya. Marahil ay dahil ito sa fact na kapatid ko siya, at
nananalaytay ang dugo ni daddy sa aming dalawa kaya magaan ang loob ko sa
kanya.
“So Gab, can
I call you ‘Kuya’?” maligalig na tanong ni Selah na siyang nakapagbalik ng
huwisyo ko. “Ah, uhm... sure, I guess.” sagot ko sa kanya. “Oh my God. This is
so cool. I have 2 kuyas na.” natutuwang sabi niya bago sumubo muli ng pasta. “Ikaw,
Caleb? Kanina ka pa ata tahimik diyan? Why don’t you show your brother around
the house?” mungkahi ni tita Audrey. Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni
Caleb at nagulat na lamang ako nang mangiti ito ng wagas na siyang
nakapagpatulala sa akin. “Sure, mom. I’d love to.” nakangiting baling niya kay
Tita Audrey. Ngunit nang pagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya ay nahalata kong
pilit lamang ang mga ngiti niya at nagpapanggap lamang ito.
Something inside me stirred, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Pinaalala ko sa sarili ko na dapat ako ang maging mapagpasensya, dahil ako ang bagong salta sa pamilya nila. At isa pa, ako ang dapat mag-adjust, at hindi sila. Kaya kahit aminin ko mang naiinis ako sa inaasal ni Caleb ay dapat hindi ako magreklamo.
--
Dumaan ang
araw at gaya ng inaasahan ay wala akong nakuhang tour mula kay Caleb. Nang
tanungin ako ni Tita Audrey kung kamusta ang tour ng bahay ay gumawa na lamang
ako ng istorya tungkol dito. Hindi naman ako nahirapan dahil talagang nalibot
ko ang buong bahay nila—iyon nga lang, si Selah ang naglibot sa akin, na siyang
na-enjoy ko naman. Natapos na rin ang session namin ni daddy kasama si Atty.
David tungkol sa legal matters regarding my custody.
“Kuya Gab,
let’s go swimming!” yaya sa akin ni Selah. “Uhm, aayusin ko lang ‘yung gamit
ko. Hindi ko pa nau-unpack, eh.” pagdadahilan ko. “Oh, I’m sure Manang already
took care of it. Halika, I’ll accompany you to Caleb’s room para makuha mo na
rin.” sabi niya sabay haltak sa akin paakyat ng hagdan. Lumiko kami sa kaliwa
at tumigil sa ikalawang pinto na nakita namin mula dito. “This is Kuya Caleb’s
room.” sabi niya bago buksan ang pinto.
Last
semester, sabi sa akin ng professor ko sa English, “The best way to get to know
a person is through looking inside his room”. At ngayong nasilayan ko na ang
kwarto ni Caleb—ang magiging kwarto ko sa loob ng isang linggo—ay hindi ko
maiwasang isipin kung ano ba ang pag-uugali ni Caleb base sa itsura ng kwarto
niya.
It was not
the typical teenage boy’s room. Makikita mong napaka-mature ng taong
nagmamay-ari ng kwartong iyon. Pagpasok mo ay unang mong mapapansin ay ang
puting kulay ng mga dingding at mga ang bookshelves na punung-puno ng mga libro
ranging from academic books to novels. Across it ay ang tokador kung saan
nandoon ang salamin, mga drawers, na pinaliligiran ng dalawang malaking
cabinet. Sa gitna noon ay isang malaking kama, ag sa tapat noon ay may
nakalatag na comforter na in-assume ko na para sa akin since magiging roommates
kaming dalawa ng isang linggo. Ngunit ang pinakatumatak sa akin about his room
ay ang isang asul na gitarang naka-tengga lamang sa isang gilid.
Sinong mag-aakalang musically-inclined pala siya?, tahimik kong puna.
“Anong
ginagawa niyo dito?” seryosong bungad sa amin ni Caleb. Kasalukuyan siyang
nagbabasa habang nakahiga sa kama niya at nakadungaw mula sa librong binabasa
niya. “Kuya Gab’s just going to get his clothes. I asked him to go swimming sa
garden. Want to join us?” pagyaya ni Selah. Walang naging reaksyon mula kay
Caleb at sa halip ay nagpatuloy lamang sa pagbabasa na parang walang narinig.
Ganito ba talaga kalamig ang taong ito?, hindi ko mapigilang
tanungin ang sarili ko.
Parang wala
lang naman iyon kay Selah at malamang sanay na siya sa ganitong ugali ng kuya
niya. Pumunta siya sa tapat ng isa sa mga cabinet at binuksan ang pinto nito.
Sinundan ko siya at nagulat ako nang makita ko ang mga damit kong maayos ng
nakatiklop at naka-pile sa loob ng cabinet niya. “Oh go get your swimming
outfit na.” paghikayat sa akin ni Selah, which I obliged. Kinuha ko ang board
shorts ko at nagpaalam kay Selah na magpapalit muna sa banyo sa loob ng kwarto
namin ni Caleb.
Hindi naman
ako nagtagal at nagawa ko ng madali ang pagpapalit ng damit at lumabas na mula
sa banyo. Nadatnan ko naman ang dalawang kapatid na nasa gitna ng isang mainit
na usapan, dahil mahahalata mo ang kunot sa noo ni Selah at ang iritableng
disposisyon ni Caleb, na agad naman nilang tinigil nang mapansin nilang
nakatapos na akong magbihis.
Agad-agad
akong hinaltak ni Selah at dinala sa swimming pool. Nang makita ko ang pool
area nila ay hindi ko ikakailang na-excite akong magswimming. Lumusong kaming
dalawa ni Selah sa tubig at nagsimula na akong lumangoy.
Matapos ang
ilang minuto ng paglalakad sa mababaw na parte ng pool—oo, as much as I’m
embarrassed to admit it, hindi ako marunong lumangoy—ay niyaya ako ni Selah sa
may Jacuzzi area. “Kuya Gab, in behalf of Caleb, gusto ko lang magsorry,
because he’s been such a douche.” pagsisimula niya. “Okay lang. I understand
kasi siguro bago lang ako dito at kailangan pa niyang masanay.” pagsagot ko sa
kanya. “Thank you nga pala for making me feel welcome.” dagdag kong
pagpapasalamat. Ngumiti naman siya at sinabing walang anuman.
“You know,
hindi naman ganyan si kuya dati, eh. I used to remember the days when he was an
all smiles type of guy. Happy-go-lucky, to be exact.” paglalahad niya.
Nacurious ako sa narinig ko sa kanya. Napaisip ako na malamang ay may nangyari kay
Caleb na siyang nakapagpabago sa personality niya. “Hindi naman sa
nanghihimasok ako, pero ano bang nangyari? Kasi to be honest, naiintindihan ko
‘yung sinabi niya sa akin kanina. I understand Chinese, you know.” pahayag ko.
Nanlaki naman ang mata ni Selah. “Oh my God. Damn, again sorry in behalf of my
brother.” pag-uulit niya. Sinabi ko sa kanyang okay lang iyon.
Nanatili
kaming tahimik, pinakikiramdaman ang pagmamasahe ng tubig sa loob ng Jacuzzi.
“Just
promise me not to tell anyone. Ako lang ang nakakaalam nito, at gustong-gusto
ko ng ikwento sa iba kasi kahit ako naaapektuhan na rin. It’s not that I want
to betray kuya by telling his secret, it’s just that... it feels like a pain in
the ass and I want to relieve myself from some agony. Get my point?” sabi niya.
Tumango ako bilang tugon, dahil may point siya.
“He had a
tough life, my kuya. Well, it all started way back noong mga bata pa kami. He
had this childhood friend, si Francesca. He’s very protective of Frankie, and
lagi silang magkasama, like all the time lalo pa’t classmates silang dalawa.
Then came high school. He knew that he was in love with Frankie, and he wanted
to make her his, so he did. Luckily sinagot niya si kuya, and I swear he was
the happiest guy on Earth. Can’t blame her, hot ng kuya ko eh haha.”
pagsisimula niya. Sa loob-loob ko ay sumang-ayon ako sa huli niyang sinabi, at
kinastigo ko ang sarili ko ng tahimik nang mapagtanto ko kung ano ang naisip ko
tungkol sa kapatid ko. Bawat salita na lumalabas sa bibig ni Selah, ay lalong
lumalaki ang interes kong malaman ang mga bagay tungkol sa buhay ni Caleb. He
just seems so... distant, parang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko
maaabot.
“That’s when
I saw my kuya happy and smiling all the time. Clearly, he has found the love of
his life. But then, something happened... something bad.” si Selah. “I’m
listening.” interesadong tugon ko, ipinapahiwatig sa kanya na patuloy akong
nakikinig sa kwento niya. “He had this bestfriend, si Migs. They were like
brothers. Actually, yung clique niya is siya, si Frankie, and si Migs. They
were inseperable. So you can really tell how broken kuya was after he found
out.” pagputol niya. “Found out what?” tanong ko.
“... that
may relasyon pala ‘yung dalawa and they were doing it behind kuya’s back.”
tugon niya na siyang ikinabigla ko. “You mean, two-timer si Frankie?” bulalas
ko. “Yeah, and I hated that bitch for that. God bless her soul. Nakita niya
‘yung dalawa having sex—I repeat, HAVING SEX—sa bahay ni girl! So that was the
start of kuya’s decline, and because of that hindi na siya makausap ng matino.
Nawala na ‘yung smiles niya, ‘yung bright look ng mga eyes niya, and to be
honest, sobrang nasasaktan ako para sa kanya kasi wala naman siyang ginawang
masama para maging deserve niya iyon, eh.” pagtatapos niya. “But... anong
nangyari doon sa dalawa?” hindi ko mapigilang tanong.
“Oh, right.
That’s not the worst part... Frankie died in a car accident, and Migs flew his
ass to the States. Walang nakakaalam kung kamusta na siya ngayon.” malungkot na
pahayag ni Selah. Natahimik ako mula sa narinig ko. “So that explains why kuya
is like that. Siguro iyon na lang ‘yung way niya to shield himself, to repress
his emotions. He cried one time to me, my parents never knew kahit ngayon. I
mean, na naging sila ni Frankie and what went down with Migs. He promised me to
never cry again, and truth to be told, I never saw him cry na.” sabi niya.
Hindi pa rin
ako makapaniwala mula sa narinig ko. Kung ako siguro ang nakaranas ng mga
naranasan niya ay malamang hindi ko na kinaya. Doon nabuo ang paghanga ko para
sa kanya, dahil kahit sa sobrang bigat ng mga pinagdaanan niya ay nandito pa
rin siya at nagpapatuloy sa buhay. Moreover, pilit siyang nagpapakatatag at
pinapakita sa lahat na hindi siya mahina—na parang walang nangyari sa kanya.
“I don’t
think he likes me.” bulalas ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko. “Sorry,
nevermind what I said.” pagbawi ko, hindi ko naman kasi intensyon na sabihin
iyon sa kanya. Napabuntong-hininga si Selah. “Let me tell you another story.
Ganito kasi ang nangyari. Kuya, to be honest... kahapon lang ng umaga namin
nalaman na may kapatid pa pala kami.” pag-amin niya, na siyang ikinagulat ko ng
lubusan. “I was shocked, really, but I got excited kasi I’ve always wanted to
have two brothers. Papa was sweating the moment na pinagtapat niya sa amin.” si
Selah. “Kuya Caleb, on the other hand, remained silent as usual. I didn’t know
what he was thinking. I mean, yeah, we knew that our dad had an affair with
another woman way back, but wala kaming alam na nagka-anak pala sila.”
pagpapatuloy niya.
“He’s very
protective of me, and especially my mom. He never treated dad the same way when
he found out about that affair dati. He thinks that your mom hurt our mom
because of that affair, no offense Kuya huh. And ako lang naman, yes I have my
sentiments about your mom, but trust me, sa’yo wala akong galit, kasi wala ka
namang kinalaman, eh. Wala kang kasalanan. Actually, I’m happy that I now have
another brother—one that I can actually talk to since the other one is dealing
with his problems at the moment.” pagtatapos niya.
Lalong
lumalim ang pagtingin ko sa kapatid ko dahil sa narinig ko sa kanya.
“What about
you? Ikaw naman ang magkwento. So how did you find out that you were, uhm, like
me?” tanong niya na siyang ikinabigla ko. “Funny. Mahabang istorya.” nahihiyang
sagot ko sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang naging tugon ko at imbes ay
hinikayat pa niya akong simulan ang kwento ko. Napabuntong-hininga ako bago
magsimula.
“I had a
bestfriend noong high school. I mean, bestfriend ko pa rin siya ngayon, pero
lahat ng ito nangyari when I was in high school two years ago, senior ako noon.
His name is Josh. Basically, since I don’t know... I guess pareho kami ng Kuya
mo in a sense na we tend to create this shield of fending people off by being
aloof, and Josh managed to break my barrier. He’s amazing, and he’s the only
person na pinagkakatiwalaan ko. Siya lang ‘yung laging nandiyan para sa akin.
Unfortunately, it was too late when I realized na siya pala ang mahal ko all
along.” mapait kong pagsisimula, dinaramdam ang mga ala-ala ng nakaraan.
“Ano bang
nangyari?” concerned na tanong ni Selah.
“I had a
girlfriend, and little did I know, I was killing Josh day by day because of it.
Mahal din niya pala ako, eh. Too bad naunahan ako ng boyfriend niya ngayon, si
Matt. It was basically my fault why the two of us fell out. Matt was the only
person there for him in my absence, so it made sense na siya ang minahal ni
Josh sa huli. The guy never hurt him, sobrang maalaga at protective niya, kaya
I had the guts to let him go, knowing he’s in good hands.” sabi ko.
“So how are
things between you these days? And it seems like may nararamdaman ka pa rin
with this Josh guy.” pahabol na tanong ni Selah.
“Well. It’s
still the same, the friendship I mean. Siya pa rin ang bestfriend ko, and he’s
always there for me whenever he can be. Matt’s cool, we’re friends and he’s not
against our friendship kaya grateful ako. And yes, hindi ko itatangging may
feelings pa rin ako sa kanya. I mean, he’s my one great love, my the one
that got away, and all that shit. It’s pretty difficult to forget him, lalo
pa’t ang tagal ng pinagsamahan namin.” sagot ko sa kanyang tanong.
“That’s my
problem, Kuya. I don’t know how to deal with this and natatakot akong i-risk
ang friendship namin. It’s hard enough that we’re both girls. Bago lang ako
dito, kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko. What do you think I should do,
Kuya?” paglalabas niya ng mga saloobin niya. Umisip naman ako ng maaaring
maipayo sa kanya.
“Tell her. I know it’s such a bold move to make, but if she really loves you as a friend, maiintindihan niya at hindi niya hahayaang masira niyan ang friendship niyo kahit pa hindi mutual ang nararamdaman niya. If she takes that against you, it’s simple—she’s not worth your time, Selah. Look at me, I told Josh and hindi naman niya iyon hinayaang makaapekto sa samahan namin. Isa pa, malay mo she’s feeling the same and natatakot din lang pala siya just like you. Tell her, Selah. Don’t live with regret and do it before it’s too late.” pahayag ko.
Nasilayan ko
ang ngiti sa labi niya. “Thanks, Kuya! You’re the best! I think I should
prepare myself na rin, no?” tanong niya. Tumango ako bilang tugon.
“I think ako
ang mas dapat magpasalamat. Thanks, Selah. Actually, itong lahat ng ito, it’s
happening so fast. I just kicked out of the house by my own mother, me and my
dad reconciled, lumipat ng bahay, nakakilala ng bagong pamilya... so thanks for
being understanding, kayong tatlo ni dad and tita.” sinsero kong pahayag sa
kanya. Inakbayan na lamang niya ako at niyayang bumalik na ng bahay para
maghanda sa pagtulog.
Its getting more exciting...I have to admit, hindi ko kayang hulaan ang kalalabasan ng kwentong ito but I look forward for more update...
ReplyDeleteI hope na ipagpatuloy mo ang kwentong ito hanggang matapos...
Thank younfor sharing!
thanks sa update. kanino kaya maiinlove si Gab? maaring baliktad ang kwento ni Caleb kay selah. Maaaring si Migs ang mahal ni caleb. Nagpunta ng US kaya super lungkot ito ngayon.
ReplyDelete0309
Baka maghiganti si Gab para sa kapatid nya sa bf ng ex gf ni Caleb at mauwi sa love hahhahhaha
ReplyDelete