Chapter 2: Hellos and Goodbyes
“Anong ginagawa mo dito? You’re not supposed to be here!” matalim kong
pahayag sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inilabas ko na ang
kanina ko pang nagkukumulong mga emosyon. Napansin ko naman na napangiwi si
Trisha sa ginawa kong pakikitungo sa taong minsan ko ng tinawag na ama. Nagulat
naman ako nang makita ko ang pagbabago sa mukha ng tatay ko. Kita kong nasaktan
siya sa ginawa kong pagtrato sa kanya, which confuses me a lot, dahil hindi ba
siya naman talaga ang may gustong iwan kami ni mama? Anak lang naman ako sa
labas, eh. Hindi ako importante sa kanya. Bakit nga ba siya nandito? At ano ang
kinalaman niya sa sitwasyon ko ngayon?
“Ahh... eh, Tito Ronald, have a seat first.” mahahalata mo ang panic
sa boses ni Trisha nang sinabi niya iyon. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, ang
bigat ng hangin, ang ‘di maipaliwanag na katahimikan. Maging si dad ay
natigilan ng panandalian, ngunit agad-agad din namang tumalima.
“Gabriel... alam kong I haven’t been the father that—“ pagsisimula ni
dad, ngunit pinutol siya ni Trisha. “Ahm, Tito. Let me start this first.”
pagputol niya. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya, ipinakita ko sa ekspresyon
ng mukha ko na hindi ko gusto ang ginagawa niya, at more importantly, na hindi
ko mapagdugtong-dugtong lahat ng mga nangyayari ngayon.
“I know you’re wondering what the hell I came up with para masolusyonan iyang problema mo, Gabby. Now, ie-explain ko na.” sabi ni Trisha. “To be honest... I told Josh.” nakangiwi niyang pag-amin. “You told who?!” gulat kong bulalas. Why would she drag Josh into this?! “I was desperate, okay? I didn’t know where else to turn to. I knew it had to be someone you trust, and si Josh lang ang naisip ko... and to be honest, siya ang nagplano nitong lahat.” pagpapatuloy niya.
What the actual fuck?!
And without any warning, naramdaman ko na lamang ang mga paa kong
kusang gumalaw, pwersahang inilalayo ang sarili ko sa table namin. Nakita ko
ang sarili ko sa may likurang bahagi ng restaurant, kung saan nandoon ang
parking area ng mga customer. Gulung-gulo ang utak ko. The past three days were
too much for me to take in. Hindi ko alam, ngunit I felt that the whole world
turned against me. Wala naman akong ginagawang masama! In fact, I’ve been doing
my best to keep my mouth shut about anything and just mind my own business,
moving on with my life as swiftly as I can. Wala akong alam na ginawa ko for me
to deserve this much hardship.
Parang nawawalan na ako ng pag-asa.
Just because I fell in love... ganito na ang magiging repercussions
noon?
Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay narinig ko ang ringtone ko at
naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. I wanted to turn it
off, thinking it was Trisha—or worse—my mom, pero nang makita ko ang pangalan
sa screen ay lubos kong ikinataka ito. Ngunit sinagot ko pa rin ito, dahil ang
isang bagay na kailangan ko ngayon ay isang taong makakausap, isang taong
makakaramay—isang kaibigan.
“Bes, I don’t understand...” pagbungad ko kay Josh bago ko tuluyang
ilabas lahat ng emosyong kinikimkim ko nitong mga nakaraang araw. “Look, Gab.
Get your shit together.” authoritative niyang sabi sa akin. Over the past two
years ay malaki na ang pinagbago ni Josh. Kung noon ay siya ang submissive
type, meek, at parang ‘di makabasag-pinggan, ngayon ay isa na siyang taong
kayang lumaban sa kung anuman ang gusto niyang panindigan. “Josh, but don’t you
know who that fucking person is?!” nagpupumiyos kong sabi sa kanya.
“Gab, I’m trying to give you a solution to whatever the fuck tita
Cynthia has done, and the least you could do is listen.” matigas niyang
pahayag. Napangiwi naman ako sa pakikitungo niya sa akin. “Gab, when Trish
called me, I knew something was wrong. Nagtatampo nga ako, eh dahil hindi mo
sinabi, but that’s not the point. So I tried to think of something that would
solve the problem, and finally I came up with this. I—well, Matt helped
me—researched the whereabouts of your father, and luckily nahanap namin siya.
Hindi kami nahirapan, dahil high profile person pala siya, eh.” pagpapaliwanag
niya.
Napabuntong-hininga ako na siyang kinainis ni Josh.
“Gab, if you’re not going to let yourself loosen that pride just even one bit, then forget everything. I know you’re better than that. Give the man a chance. More importantly, give yourself a chance! Damn, do you think makakabalik ka pa sa mama mo ng walang takot, ng walang pretentions at damage after ng nangyari? Hell no, right? Gab, all I’m asking of you is to open your heart kahit konti lang. I know you can do it. I’ve seen you do it. Promise me that susundin mo lahat ng sasabihin ni Trisha ngayong gabi. Clear?” mariin niyang pahayag.
“Ok.” pagsuko ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa phone.
“Look, sorry kung sa tingin mo mabilis lahat ng nangyayaring ito, pero
kung ito naman ang magiging paraan para maging masaya ka na, then be it. Gab, I
want you to be happy. You’re important to me kaya ginawa ko ito para sa iyo.
Sana huwag mo akong biguin. Sana huwag mong biguin ang sarili mo. Tandaan mo
nandito lamang ako. I love you, bestfriend.” mahabang pahayag niya bago niya
ibaba ang phone, hindi na hinintay ang sasabihin ko.
Who would’ve thought that a simple conversation with my bestfriend
would change the way I look at things?
--
Bumalik ako sa table namin, at nakita ko sa dalawa ang pag-aalala.
Umupo ako ng walang sabi-sabi, at hinarap si daddy. “Okay, what do you have in
mind?” kalmado kong pahayag. Sa pagtingin ko sa mukha ni daddy ay hindi ko
maikakailang nakaramdam ako ng napakatinding pananabik sa kanya—pananabik sa
pagmamahal na hindi ko man lang naranasan sa buong buhay ko.
Pananabik sa isang buong pamilya.
“Gabriel, thank you for hearing me out. This, ang pakinggan mo lang ako...
already means a lot.” may sinseridad na pahayag ni daddy at nang mga oras na
iyon ay nakita ko sa mga mata niya ang pananabik na nararamdaman ko. Dahil doon
ay napaisip ako, na baka mahal naman talaga ako ni daddy at masyado lang akong
nabulag ng galit ko sa kanya para marealize iyon. Napansin ko ang mga singkit
na mata ni daddy, walang dudang namana ko iyon mula sa kanya.
Napabuntong-hininga ako at hinintay ko ang kanyang pagpapatuloy.
“You’re always welcome to stay with us, Gabriel.” panimula niya. At
doon ay medyo nagitla na ako. All I knew, all I thought of this evening was all
about retributions. Akala ko ay hihingi lamang ng tawad si daddy sa akin nang
magka-closure na kaming dalawa at maka-usad na sa kanya-kanya naming mga buhay.
Seemed like I thought wrong. Lalo akong kinabahan sa susunod na direksyon na
tatahakin ng usapan namin.
Tila napansin naman ni Trisha ang pagkabigla ko at naisipang magsalita.
“Gabby, that’s the plan. I hope... you hear your father out first.”
kalkulado niyang pakikiusap sa akin.
At naisip ko na... pakawalan na ang mga hinanakit na matagal ko ng
itinatago mula sa kanya. Ito na ang pagkakataon upang linawin ang lahat.
Masyado na akong nagugupo ng mga pasaning dinadala ko sa buhay, kaya sana
matapos nito ay maramdaman ko ang pagkatanggal ng bigat mula sa aking pagkatao
na matagal ko ng pinapasan.
“You were never a father to me. You left me and mommy. Ni minsan hindi
ka nag-effort para magreach out! Akala mo kasi pera lang ang habol ko—sustento
mo lang. Akala mo na sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng pera,
nagagampanan mo na ang papel mo bilang ama ko? Dad, all my life I’ve been
craving for the love of a father, and you deprived me of that. Hindi ko naman
piniling maging anak sa labas for Christ’s sake.” dire-diretso kong pahayag
habang walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.
Alam ko, alam kong bawat salitang lumalabas mula sa mga labi ko ay
parang patalim na humihiwa sa pagkatao ni daddy. Kita ko sa mukha niya, sa mga
mata niya ang sakit na idinudulot ng mga naging pahayag ko. Ngunit hindi ako
nagpatinag at nagdesisyon akong ipagpatuloy ang paglalabas ng aking mga
hinanakit. Hindi ako titigil hanggang may natitirang sama ng loob sa puso ko.
“Dad, ang sakit lang kasi... if I had the chance to choose the life
that I’m going to live in, I would’ve never chosen THIS. When I was growing up,
tuwing nakikita ko ang mga kaklase ko, ang mga kalaro kong kasama ang mga tatay
nila, na may buong mga pamilya... inggit na inggit ako. Iniisip ko, why did I
deserve this? Wala ba akong karapatan magkaroon ng isang buong pamilya? Na
maging masaya? Alam mo ba na buong buhay ko pakiramdam ko hindi buo ang
pagkatao ko? At ang mas masakit pa... alam ko na kahit anong gawin ko, na kahit
anong paghihirap ko, hinding-hindi ko magagawang punan ang puwang na iniwan mo
sa buhay ko. Dad, because of what you did... you took the life, that happiness
away from me.” pagtatapos ko at walang sabi-sabing ibinaling ko ang atensyon ko
kay Trisha at kusang niyakap ito. Iniyak ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko.
Alam kong unang beses niyang makitang down ang guard ko, but I couldn’t care
less.
“Gabriel, I’m so sorry...” naramdaman ko ang pagsisisi sa pahayag ni daddy.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko siya haraping muli. Nang mapagmasdan ko
ang mukha niya ay nakita ko ang mga mata niyang malapit ng mapuno ng luha.
Dahil doon ay medyo nakunsensya ako sa aking mga sinabi, but for all I know...
he deserved it. The pain I felt all my life is nothing compared to the pain
he’s feeling right now.
“Anak, kung alam mo lang... sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko sa inyo
ng mama mo, pero Gabriel believe me. I tried hard to reach out to you...
pinipigilan lang ako ng mama mo.” sabi niya. Lalong nag-apoy ang galit ko dahil
sa narinig ko mula sa kanya. How dare of him to blame everything to my mother?!
I know that she’s not the best mother in the world, but I’ve been through her
pain. Magre-react na sana ako nang maramdaman ko ang palad ni Trisha sa balikat
ko. “Hear him out, Gab.” seryoso niyang pahayag. Sa ‘di maipaliwanag na dahilan
ay tumalima ako sa sinabi niya.
“You know why I wasn’t there during your birthday, graduation, and
other significant events in your life? She hid you from me! Gabriel, hindi mo
ba napapansin kung bakit noong bata ka pa, palipat-lipat kayo ng tirahan? Kung
bakit ni minsan, hindi man lang binigay sa iyo ng mama mo ang number ko? Para
man lang makausap kita? Gabriel, she was basically the one who ruined our
relationship. Tuwing magbibigay ako ng sustento ay magme-meet lamang kami sa
isang lugar, or ide-deretso ito sa account niya, at tuwing itatanong ko sa
kanya kung kamusta ka na at kung nasaan na kayo ay wala akong nakukuhang sagot.
Gabriel, believe me, I was trying very hard to reach out, to find you... but
she won’t let me. She said that if I tried to find you... tuluyan ka na niyang
ilalayo sa akin at hindi na daw kita makikita kahit kailan. I just can’t live
with that, Gabriel.” paglalabas ng sama ng loob ni daddy.
At doon ay natigilan ako.
“All my life, Gabriel... I was also living in regret of not being able
to be the person I’m supposed to be in your life. I’m also longing for your
presence, Gabriel. Ang pangit lang talaga ng ginawa ng tadhana, ng mama mo, sa
atin. Please believe me, Gabriel. I am not lying. Sa laki ng galit mo sa akin
ay hinding-hindi ko na magagawang magsinungaling sa iyo. I’ve already hurt you
too much. I want to make it all up to you. Please let me, anak.” pagmamakaawa
niya.
Hindi na ako nakatiis at tuluyan ko na siyang niyakap. Iniyak ko sa
kanya lahat ng mga sama ng loob ko sa buhay—mga sama ng loob ko sa kanya, kay
mama, mga pagkabigo, at iba pang mga paghihirap na naranasan ko sa buhay ko.
The moment I felt my father’s body close to mine, a part of me felt restored,
complete. Naramdaman kong unti-unti na akong nabubuo, na may pag-asa pa pala
para sa akin. For the first time in years, I have felt what I can call as
happiness.
Narealize kong may point si daddy, na may basehan lahat ng sinasabi
niya at hindi siya gumagawa ng kung anu-anong kwento para lamang mabawi niya
ako. Alam kong hindi iyon malayo sa ugali ni mama. Hell, sariling anak
niya—dugo’t laman—nagawa niyang itaboy kahit wala naman itong ginagawang
masama. It all makes sense to me now—how my mother shaped me into thinking that
my father is such an evil man, when in fact it’s her and not my father.
“Daddy, I’m so sorry.” paghingi ko ng tawad sa kanya. Marami pa sana
akong gustong sabihin, ngunit sadyang wala na akong maisip. “Shhh, shhh. I
understand, anak.” pag-aalo niya sa akin. “Thank you for giving me this chance.
I swear, babawi si daddy.” pahayag niya na siyang lalo kong ikinaiyak.
Naramdaman ko ang saya ng pagkakaroon ng ama. Unang beses ko pa lamang
naramdaman ang yakap niya, ang pagmamahal niya, at hindi ko ikakailang
napakasarap na pakiramdam noon.
Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto bago napagdesisyonan ni Trisha
na basagin ito.
“Awww. I don’t want to interrupt you in your moment, pero Gabby, tito,
may mga importante po tayong pag-uusapan.” maingat na pagsingit ni Trisha.
Tumango naman ako at bumalik sa pagkakaayos ng upo.
“So anak, basically I know everything that happened.” pagsisimula
niya. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko, dahil sa narinig ko. Kung
alam na niya ang lahat ng nangyari, ibig sabihin, alam na rin niyang...
“Gabriel, relax. I know. You don’t have to be afraid. Tanggap ko kung ano ka
man.” nakangiting pahayag sa akin ni daddy. Napangiti ako ng ‘di oras dahil sa
narinig ko. Napaisip tuloy ako na tama nga talaga ang ginawa kong pagbubukas ng
puso ko para sa daddy ko. “I just can’t believe that bitch had the guts to do
that to you.” mapait na dugtong ni daddy. Napabuntong-hininga na lamang ako
bilang tugon. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni daddy ng bitch sa nanay ko, ngunit aaminin kong
medyo natawa ako sa loob-loob ko dahil doon.
“So, anak... are you willing to stay with me? I want your honest
answer, Gabriel.” tanong niya, halata ang kagustuhang mapapayag ako. “Pero...
paano po ‘yung ano po—‘yung...” nauutal kong pagsubok na sabihin ang
bumabagabag sa akin. Tila nakuha naman agad ni daddy ang naiisip ko. “My wife?
My kids? Don’t worry, alam na nila. Matagal na namin napag-usapan ni Audrey
ito, and she’s more than happy to welcome you. Napakabait niyang babae, biruin
mo kahit nagkaanak ako sa ibang babae, well ikaw iyon... uhm, basta napatawad
pa rin niya ako at inintindi. In fact, excited na nga siya at pinagdasal daw
niya na sana mapapayag na kitang sumama sa amin.” si daddy. Medyo nakahinga
naman ako ng maluwag, dahil mukhang wala naman palang problema sa pamilya niya.
“See, Gabby? Di ba ang galing? Tapos magkaka-kapatid ka pa! Hindi ba’t
matagal mo ng gusto iyon?” excited na pagsingit ni Trisha. Napatango naman ako
at tinanong si daddy ng mga bagay tungkol sa mga magiging kapatid ko. “Dalawa
sila, si Caleb panganay ko, kasing age mo rin, tapos si Selah, mas bata sa iyo
ng isang taon. Mababait ang dalawang iyon, kaya huwag kang mag-alala... lalo na
si Selah.” sagot ni daddy.
Naging kampante naman ako sa naging sagot ni daddy sa akin.
“So anak, sasama ka na ba sa akin?” nakangiting tanong ni daddy,
naghihintay ng sagot mula sa akin. “Uhm, dad, pwede po bang kahit ngayong gabi
lang kay Trisha muna ako matulog?” request ko. Nakita ko naman ang biglang
pagliwanag ng mukha ni daddy dahil sa pagpayag ko. “Sure, iyon lang pala anak.
Walang problema. Ako ang susundo sa iyo tomorrow personally. Is that okay?”
maligalig niyang tanong. “Yup. Thanks, dad.” nakangiti kong tugon.
“Trisha, paki-type naman ng address mo sa cellphone ko. Salamat nga
pala for looking after him. He’s so lucky to have someone like you.” ngiting
pahayag ni dad kay Trisha bago iabot ang cellphone niya. “It’s nothing, sir.
Parang kapatid ko na rin itong si Gab.” sagot niya. Dumaan ang gabing iyon ng
matiwasay. Marami pa kaming napagkwentuhan, at hindi ko ikakailang nakaramdam
ako ng kapayapaan sa dalawang kasama ko ngayon.
Alam kong kahit ano pa man ang naghihintay sa akin sa mga susunod na
araw ay malamang mas kakayanin ko na dahil nakatagpo ako ng panibagong lakas sa
mga nangyari ngayon araw. Who would’ve thought na blessing in disguise pala ang
pagpapalayas sa akin ni mommy? Na ito pala ang magbibigay-daan para sa naudlot
naming samahan ng tatay ko?
For the first time in ages, I actually felt happy and ready to take on
the world.
ayan, tapos na problema mo s father mo Gab. pano nmn ang mommy mo? kahit ano pa sya nanay mo pa rin yun. wag ka nalang magtanim ng sama ng loob sa nanay mo. ayan nga diba, nakatulong pa yung pagpapaalais sayo. nakilala mo ang daddy mo. thanks sa update.
ReplyDeletebharu
Kelan ang next update?
ReplyDeletewow! nkakagaan ng pakiramdam, nice update. tnx.
ReplyDeleteSo far, I really like your story! It makes me want more! Author please update na naman oh! Plus, very convenient to read kasi grammatical talaga siya. Great job! Keep it up! :)
ReplyDelete