Followers

Wednesday, October 2, 2013

MUMU Sa Library 13 & 14

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai
Part 13
Gero's Point of view
Dali dali ko silang sinundan sa loob ng bar,hindi pa din nawawala yung lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko. Alam kong si Kaiicen iyon! Alam na alam ko,dahil kilalang kilala sya ng puso ko. Pagpasok sa bar ay hindi ko na sila nakita,masyado ng madaming tao.
Lumingon lingon ako sa paligid,at nakita sa may tabi ng bar counter ang tropa,agad akong tinawag ni Mikoy at kinawayan,bumuntong hininga muna ako bapo lumapit. Mamaya ko na lang hanapin si Kaiicen,imposibleng hindi ko ulit sya makikita,nasa iisang bar lang kami.
Lumapit na ako sa tropa,binati sila bago tumabi kay Kokoy.

"Long time no see brad ah? Busy ka masyado" ani Kokoy at inabutan ako ng tagay,agad ko naman itong ininom at binalik sa kanya ang baso.
"Oo nga eh,ganun talaga" nakangiti kong sabi pero nanatiling malikot ang aking mga mata nagbabaka sakaling makita ko ulit sina Kaiicen at Kheem.
"Lalo gumwapo ah? May girlfriend na ba?" ani Kikay.
"Im still single,wala pa ako panahon sa mga ganyan" sagot ko naman.
"Or baka naman may hinihintay ka pa din?" ani Butchoy.
Napatingin ako kay Mikoy,sya lang kasi lagi kong nakakatext at nakakausap,baka sinabi nito sa tatlo ang nararamdaman ko kay Kaiicen,nagkibit balikat lang ang ungas.
"Bakit mo naman yan nasabi?" balik tanong ko.
"Well its very obvious naman dre,gwapo ka,mayaman,matalino at mabait,imposibleng wala ka girlfriend unless you choose to be single" sagot ni Butchoy at ininom ang tagay nya.
"Lets say na tama ka" nakangiti kong sabi.
Nagulat na lang kami ng sumigaw si Kikay at kumaway kaway kung kanino.
"Kaiicen! Teh! Dito! Woi Kheem!" sigaw pa nito kaya para akong napako sa kinauupuan ko,nilingon namin ang tinawag nya.
Si Kaiicen at Kheem nasa bar counter,nakatingin din sa amin,tinitigan ko si Kaiicen,parang nagtataka pa sya,saglit syang kinausap ni Kheem at tumango bago sila lumapit sa amin. Hindi ko maalis alis ang tingin ko kay Kaiicen,nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hey guys! Hey Gero?! Kamusta?" ani Kheem sa amin,samantalang si Kaiicen ay walang imik.
"C'mon! Have a seat! Oh my gawd Kaii! Sa wakas! After six years nakita ka din namin,kamusta na?" direderetsong sabi ni Kikay.
Naupo naman ang dalawa,magkatabi. Halata namang nagtaka at nagulat si Kaiicen kay Kikay.
"Uhm pardon? Ngayon ko lang kayo nakita" ani Kaiicen.
Pakiramdam ko binuhusan ako ng napakalamig na tubig ng marinig iyon. Nagkatinginan kami ng tropa,pati sila nagtataka.
"Panong?" - Kokoy
"Huh?" - Butchoy
"Ano?" - Mikoy
"Pasensya na guys,hindi pa din maalala ng kapatid ko ang nakaraan pero lagi kong kinekwento yon sa kanya" malungkot na sabi ni Kheem.
"Sino ba sila?" takang tanong ni Kaiicen sa kapatid.
"Sila yung lagi ko kinekwento sayo,hindi mo pa din ba sila maalala?" ani Kheem,kami naman ng tropa,natahimik,lalo na ako,ang sakit pala na hindi ka makilala o maalala ng taong mahal na mahal mo.
"Oh" anito at tiningnan kami isa-isa, tas sakin sya tumingin ng matagal,parang may napansin ako sa mga mata nya pero hindi ako sigurado,baka dinadaya lang ako ng aking paningin.
 Nakakalungkot lalo na wala man lang bakas ng recognition mula sa kanya.
"Im sorry,hindi ko talaga kayo maalala,sa kwento ko lang kayo nakilala dahil dito kay Kheem,would you mind guys introducing yourself to me? By the way,Im Kaiicen Ongpauco" anito at ngumiti.
Wala kaming nagawa kundi magpakilala ulit. Napalingon ako kay Kheem,napapailing na lang sya. Kinalabit ko si Kheem at sinenyasang sundan ako sa labas,gusto ko sya makausap at gusto kong malaman ang mga nangyari pagkatapos ng huli nyang tawag six years ago.
Nagpaalam ako sa kanila at ganun din si Kheem.
"What happened?" agad kong tanong ng nasa labas na kami ng bar.
"Actually matigas ang ulo ng kapatid ko pero wala kaming magawa,pagkatapos ng therapy bumuti na sya pero may hiniling sya" sagot din ni Kheem kaya nilingon ko sya.
"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong.
Ang hira ng ganito na clueless ka sa mga nangyari sa taong mahal mo.
"Noong una ayos lang sa kanya na ikwento ko ang nakaraan coz he wishes to know,but something changed,isang araw nagsisigaw sya,ayaw na daw nyang maisip o maalala ang nakaraan,ayaw din nyang mainvolved pa sa mga tao sa nakaraan nya,at wala kaming magawa kaya hindi na kita kinontak" mahabang paliwanag ni Kheem.
Medyo naguluhan ako,hindi ko ma gets kung bakit nagkagnon?
"Its his choice,to forget the past,at sigurado ako,pggkauwi namin ay aawayin ako nun" dagdag pa nya.
"You mean,pinili nyang kalimutan ang nakaraan? Pinili nyang kalimutan ako?" Marahang tango ang isinagot ni Kheem.
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Parang hiniwa ang puso ko. Bakit? Bakit mas ginusto nya na kalimutan ako at hindi na maalala?
Bakit?
Part 14
Kheem's Point of view
"And what's that for?!" asik sa akin ng kapatid kong si Kaiicen ng makauwi kami.
Kami na ang gumagamit ngayon ng mansyon kasama ang iba naming pinsan since patay na sina Lolo at Lola,at ang mga tita at tito namin ay ayaw tumira dito,sila ang namamahala sa mga Malls and other family bussiness.
"Ang alin?" taka kong tanong at naupo sa sofa,kita ko namang lumabas sa mga kwarto nila ang mga maids namin. Nagambala pa namin sila, its almost 1am.
"Ilang beses ko bang sinabi na ayaw ko ng mainvolve sa mga tao sa nakaraan ko! Pero anong ginawa mo? Inilapit mo ako sa kanila!" galit na galit nyang sabi na namumula na ang mga mata,malapit na din syang umiyak.
"At anong problema dun? Kung ayaw mo edi huwag mong bigyang pansin! Bakit ba nagkakaganyan ka?!" inis ko na ding sabi sa kapatid ko,mula ng malaman nyang uuwi na kami sa Pilipinas eh nagkaganyan sya,at yon ang hindi ko maintindihan.
"Hindi mo naman sila naaalala,kaya wag mo na lang gawing kumplikado Kaii" dagdag ko pa at pilit nagpapakahinahon,hanggat maaari ayokong nag aaway kaming magkapatid.
"Hindi mo kasi naiintindihan! Ayoko na silang makita!!" malakas nyang sigaw at tumulo ang luha. Nagulat ako,bakit ba nagkakaganito ang kapatid ko?
"Huwag mo akong sinisigawan Kaiicen! Mas matanda pa din ako sayo! At pano ko maiintindihan kung hindi mo sinasabi ang rason?" bulyaw ko na din,pero natahimik din ako ng makita kong natakot sya sa akin. Matagal nya akong tinitigan bago umakyat at tinungo ang kwarto nya.
Naiwan ako sa living room,napabuntong hininga ako at napakapit sa sintido ko.
Gero's Point of view
Maaga akong nagising kinabukasan,napagdesisyunan kong huwag muna pumasok sa office at manatili na lamang dito sa bahay at pag isipan ang mga nalaman ko kagabi. Matapos kong maghilamos at toothbrush ay bumaba na ako,nadidinig ko sa may garden ang boses ni Kuya Kebin at kuya Myk. Kakaiba din tong dalawang to,mag 8 years na silang mag on,nakaka inggit lang. Nabaling ang tingin sakin ni kuya Kebin.
"Oh Gero? Tinatamad kang pumasok? Ako din eh kaya pinapunta ko na lang si kuya Myk mo dito" ani kuya Kebin,lumapit na ako at nakiupo.
"Ganun na nga kuya,magulo pa isip ko eh,anyway,kamusta tropa nyo?" sabi ko naman.
"Ayun,busy sa kani-kanilang negosyo at mga jowa,pero nagpaplano kaming magtotropa na magtayo ng isang bussiness para sa aming lahat" sagot ni kuya Myk.
"Talaga? Maganda yan kuya,since lahat na naman kayo eh stable na ang buhay" nakangiti kong tugon,bilib din kasi ako sa samahan nila,ang tatag,parang kina Papa at Mama at sa mga kaibigan nila.
"Yup,si Baikku at Keiji ang nakaisip,agad naman kaming sumang ayon,eh since architect na din ang pinsan ng pinsan mong si Eriol na si Arjie,eh makakatulong sya" sabi pa ni kuya Myk.
"Maiba ako pinsan,ano ba yung sinasabi mo na madami kang iniisip? Sya pa din ba?" pag singit ni kuya Kebin. Tumango ako,napapalatak si kuya,alam naman nilang lahat yon,ang nararamdaman ko kay Kaiicen.
"Nagbalik na sya kuya,at nakasama namin sya sa bar kagabi kasama si Kheem" sabi ko at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
"Tapos?" halos sabay namang sabi ni Kuya Kebin at Kuya Myk.
"Pero nag iba na sya,diba ang sabi sa atin dati ni Kheem nakalimutan nya ang nakaraan? Pero ngayon pati tayong mga tao sa nakaraan nya ay pilit din nyang iniiwasan at dun ako naguguluhan,anong rason nya?" pag open up ko sa kanilang dalawa.
"I think may mabigat na dahilan si Kaiicen,ganyan ang mga taong gustong lumimot" pagkuway sabi ni kuya Myk na ipinagtaka ko.
"At anong dahilan naman kaya? Naging mabuti naman tayo sa kanya dati,ako,hindi ko sya pinabayaan,kaya anong dahilan nya?" frustrated kong sabi. Ang labo kasi,andyan nga si Kaiicen,nakikita,nakausap ngunit hindi ko sya maabot,nakaka frustrate! Nagkibit balikat lang si kuya Myk
"Si Kaiicen lang nakaka alam nun"
"Bakit hindi mo alamin kay Kheem?" ani naman ni kuya Kebin.
"Wala din daw syang idea" nanlalambot kong sabi. See ganito kalakas ang impact at epekto sakin ni Kaiicen,nagugulo ang sistema ko.
"Senyorito Gero,may naghahanap po sa inyo,pinapasok ko na sa living room" sabi ng isang maid ng lumapit. Nagtaka naman ako,ang agang bisita, alas diyes palang ng umaga.
"Sige,salamat" sabi ko at tumayo "mga kuya puntahan ko lang bisita ko" pagpapaalam ko kina kuya Kebin at kuya Myk.
"Padalhan naman kami ng breakfast at juice" dinig ko pang utos ni kuya Kebin dun sa maid. Pumasok na ako sa mansyon at dumiretso sa living room,ganun na lang ang pagtataka ko kung sino ang bisita.

"Kheem?"

2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails