Followers

Friday, October 25, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 18]






Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 18]





By: Crayon






****Kyle****






3:26 pm, Tuesday
July 07






Nakahinto kami sa isang comound na may blue na gate. Mukhang ordinaryong mga bahay lang ang nasa loob ng compound na iyon. Hindi naman ito mukhang resort o anumang lugar na pwedeng pagmeetingan for business. Naguguluhan man ay pinili ko na lang na manahimik dahil baka masigawan na ako ni Aki dahil sa kanina ko pang pagtatanong.



Nang maibaba namin ang aming mga gamit ay may tinawagan si Aki sa kanyang cellphone. Sa kabutihang palad ay may signal naman ng cellphone sa lugar na iyon. Maya-maya ay may isang lalake ang lumabas mula sa isa sa mga bahay at pinagbuksan kami ng gate.



"Sir, magandang hapon po! Kamusta naman po ang naging byahe ninyo?", tanong ng lalaki sa aming dalawa ni Aki.



"Magandang hapon din po, ok naman ho ang byahe namin.", sagot ni Aki.



"Mabuti naman kung ganoon, ako nga pala si Mando. Ako ang maghahatid sa inyo sa pupuntahan ninyo. Sunod na lang po kayo sa akin.", wika ni Mang Mando na sa tantya ko ay nasa 35 years old na. Tinulungan kami nito sa mga dala naming gamit at nagpatiuna na sa paglakad.



Magkasabay silang naglalakad ni Aki at ako ay nasa likod nila. Nag-uusap ang dalawa sa aking harap pero di ko gaano marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.



Pababa ang tinatahak naming daan at lalo kong naririnig ang malakas na alon mula sa dagat. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating namin ang pampang. Mabato ang pampang at maraming tao ng mga oras na iyon. Masayang nagkukwentuhan ang mga nakatira roong mga nanay. Naglalaro ang mga bata sa mababaw na parte ng dagat habang karamihan sa mga kalalakihan ay nag-aayos ng mga nakahilerang bangka.



"Dito po tayo sasakay.", wika ni Mang Mando habang inilalagay ang mga gamit namin sa bangkang itinuro nito.



Hindi kalakihan ang bangka at kung titingnan ang mga alon ay hindi ko sigurado kung kakayanin nitong tawirin ang dagat. Nang mailagay na ang mga gamit namin ay nauna nang sumakay si Aki sa bangka. Nanatili lang akong nakatayo sa may pampang. Nagda-dalawang isip pa ako kung sasakay ba ako sa bangkang iyon o hindi. Napatingin naman sa akin si Mang Mando, hinihintay akong gumalaw para maalalayan niya akong sumakay sa bangka.



"Hindi ho ba masyadong malakas ang alon ngayon Manong?", kinakabahan kong sabi sa aming bangkero. Napatingin namang lalo sa akin si Aki. Walang bahid ng takot sa mukha nito sa halip ay excitement ang nakikita ko.



"Medyo malakas nga ho, pahapon na kasi pero makakaya naman natin yan.", medyo nangingiting sagot ng aking kausap marahil ay nadama nito ang aking kaba.



"Hindi ho ba mas maganda kung bukas na lang tayo umalis kapag di na ganyan kalakas ang alon.", mungkahi ko.



"Kayo ho ang bahala.", sagot ng lalaki. Hindi ko mapigilang kabahan dahil kakagaling ko lamang sa pagkalunod at hindi naman ako professional na swimmer. Hindi ko alam kung kakayanin kong lumangoy pabalik sa lupa kung sakaling lumubog ang bangka.



"Wag ka nang matakot Kyle, may life vest naman sila. Everything will be fine.", nakangising sabi ni Aki, tila natutuwa sa kamiserablehan ko. Nainis naman ako. Madali sa kanyang sabihin yon kasi hindi naman siya ang nalunod last time na nag-outing ang kumpanya.



Nang hindi ako kumilos ay muling bumaba ng bangka si Aki at inalalayan akong sumakay ng bangka. Para naman akong kinuryente ng hawakan nito ang aking kamay habang hinihila ako pasakay sa bangka. Napatingin ako sa mukha niya pero wala naman ako nakitang kakaibang reaksyon. Binalewala ko na lamang iyon at sinimulan na umakyat sa hagdan paakyat ng bangka.



Naupo ako sa isang side ng bangka at si Aki naman sa kabila. Nilabas nito ang kanyang camera at ni-ready ito para kumuha ng litrato. Mukhang enjoy na enjoy ito sa pagsakay ng bangka. Maya-maya ay umandar na ang motor ng bangka at tinulak na ng kasama ni Mang Mando ang bangka palayo sa pampang. 



Nang magsimula ng lumayo ang bangka namin sa pampang ay naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Nakaramdam din ako ng bahagyang hirap sa paghinga. Parang mauubusan ako ng hangin sa katawan. Wala naman akong trauma sa dagat o sa tubig dati. Marahil ay nakakaramdam pa din ako ng shock dahil sa muntikan kong pagkamatay ng malunod ako ilang araw lang ang nakakaraan. Pinili kong yumuko at pumikit para hindi ko makita ang pabilis na pag-andar ng bangka at ang malalaking alon ng dagat, pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil ramdam ko naman ang pagtaas-baba ng aming bangka habang nakasakay sa mga alon.



Pinagdarasal ko na lang na makarating na kami agad sa aming pupuntahan para matapos na ang kalbaryo ko. Naraman kong may tumabi sa akin kaya napilitin akong dumilat para tingnan kung sino iyon. Nakita ko si Aki na nakatitig sa akin at may bahid ng pag-aalala ang mga mata.



"Are you scared? Nanginginig yung mga kamay mo eh.", mahina nitong wika sa akin. Hindi ko naman napansin ang pangangatog ng aking kamay. Tumango lang ako bilang sagot. Naramdaman ko na lang ang paglapat muli ng kamay ni Aki sa aking kamay at pinagsalikop ang mga ito. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero lalo lang niya hinigpitan ang hawak dito.



"Hindi naman kita pababayaan eh, kalma ka lang. More or less 15 mins lang tong boat ride natin.", pagpapakalma niya sa akin. Lalo siyang dumikit sa akin at naramdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan.



Sa halip na kumalma ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa magkahawak na kamay namin ni Aki at ang closeness naming dalawa. Gayunpaman, ay nawala ang atensyon ko sa nagwawalang dagat at nafocus lang ang isip ko sa posisyon namin ni Aki ng mga sandaling iyon.



"Andito na tayo.", maya-maya ay sabi ni Aki. Hindi ko namalayan na habang nakasakay kami sa barko ay napako lang ang aking tingin sa magkahawak naming kamay.



Nang iangat ko ang aking ulo ay napaawang ang aking bibig sa nakita. Ilang metro lang mula sa amin ay ang isang isla. Napanganga ako dahil sa ganda ng dalampasigan nitong puno ng maputing buhangin. Puno din ng puno ang isla at kita ang iilang kubo na nakatayo sa pagitan ng mga puno.



Nang marating namin ang dalampasigan ay tinulungan ako ni Aki na makababa. Sinalubong kami ng caretaker ng isla na si Manang Delia.



"Magandang hapon ho!", masayang bati nito sa amin sabay abot ng dalawang buko na bukas sa itaas at may nakalagay nang straw. 



"Magandang hapon din po.", sabay naming sabi ni Aki.



"Ako po si Aki, eto namang kasama ko ay si Kyle.", pagpapakilala sa amin ni Aki.



"Kaga-gwapo niyo naman!", masayang wika ng ginang na mukhang nasa kwarenta anyos na. "Ako naman si Manang Delia ako ang nangangasiwa nitong isla ngayon. Kung may kailangan kayo wag kayong mahihiyang lumapit sa akin."



"Salamat po.", sagot ni Aki.



"Halika na at sasamahan ko kayo sa tutulugan niyo. Tiyak na pagod kayo sa haba ng byahe ninyo. Ang sabi sa akin ni Ma'am Jane ay taga Maynila raw kayo, tama ba?", tanong ni Manang Delia.



"Opo, tama po kayo.", sagot ni Aki. Sumunod kami sa babae papasok sa isla.



Noon ko lamang napagtanto kung gaano kapino ang buhangin sa dalampasigan hanggang sa kaloob-looban ng isla. Tila puting pulbos na ikinalat sa isla at kumikiliti sa iyong paa. Hindi gaanong commercialize ang lugar. Ang mga cottages ay gawa sa kubo. Ayon sa pagkekwento ng ginang ay may mga nagse-set up din ng tent doon kapag peak season dahil nagkakaubusan na ng bakanteng kubo. 



Nasa dalawang taon pa lang daw mula ng pagdesisyunan ng may-ari na buksan sa publiko ang isla kaya maganda pa din ang lugar at kung nature lover ka ay ma-eenjoy mo talaga. Kaya raw libutin sa loob ng isang araw ang buong isla. Madaming puno sa paligid kaya malilim sa loob ng isla at presko ang hangin na nagmumula sa dagat kaya hindi raw masama na maglakad-lakad dahil hindi ka gaanong mabibilad sa araw.



Nang itinuro ni Manang Delia ang aming titirhan ay lalong lumapad ang aking ngiti at nakaramdam ako ng excitement. Sa harapan namin ay isang mayabong na puno ng mangga at ilang talampakan mula sa lupa ay isang kubo o mas tamang tawaging tree house. Hindi ko pa na-experience na tumira o matulog sa isang tree house. 



"Ok lang sayo dyan?", nakangiting tanong sa akin ni Aki. 



"Oo, ang ganda.", hindi ko napigilang sabi.



"Mabuti naman at nagustuhan ninyo, alam ko malayo iyan sa mga konkretong building na tinitirhan niyo sa Maynila at sa mga high tech niyong gamit sa bahay. Pero presko dyaan sa tree house na iyan at may generator naman kami rito na bukas tuwing umaga pero pinapatay din namin kapag alas-diyes na ng gabi.", paliwanang ng ginang.



"Ok lang po iyon, Manang Delia.", wika ni Aki.



"Gusto niya ba muna mag-merienda bago kayo mamahinga?", tanong ng matanda.



"Busog pa ako.", wika ko kay Aki.



"Huwag na po Manang. Mamaya na lang ho sigurong hapunan kami kakain. Busog pa naman po kami.", sabi ni Aki kay Manang Delia.



"O sya, maiwan ko muna kayo. Nandoon lang ako sa kubong iyon kapag may kailangan kayo. Saka kung maaari sana ay huwag niyo muna gawing maligo sa dagat, high tide kasi ngayon at may kalakasan ang hangin kaya medyo malaki ang mga alon.", paalala ng matanda.



"Sige po.", wika ko. Nagpaalam ng tuluyan ang babae at dinala na namin ni Aki ang mga gamit namin sa tree house. 





Nang makapasok ng treehouse ay napansin ko agad ang isang kama sa sulok ng tree house na may kutson na at kobre kama. May dalawa ring maliit na cabinet sa gilid noon. 
May ceiling fan din at isang maliit na stand fan. Gawa sa kawayan ang sabig ng kubo kaya pumapasok ang malamig na hangin sa loob ng tree house. Idagdag pa ang mga nakabukas na mga bintana na nagpapasok ng malamig na hangin. 



"Meron kaya silang banig para dito na lang ako sa lapag matutulog.", sabi ko kay Aki.



"Dito ka na lang sa kama. Pwede naman tayong magtabi.", pagtutol nito pero hindi naman ito galit.



"Baka hindi po kasi kayo makatulog ng maayos Sir. Sisikip po yan kapag nagtabi tayo.", sagot ko.



"Baka magkasakit ka kung sa lapag ka pa matutulog. Kung ayaw mo tumabi sa akin, ikukuha na lang kita ng hiwalay na kubo kay manang Delia.", wika nito.



"Hindi naman po sa ganoon Sir.", pag-aatubili ko. Ayaw ko na madagdagan pa ang gagastusin ng kumpanya dahil sa pagiinarte ko.



"So gusto mo ko katabi?", nakangising wika ni Aki. Bigla naman akong naguluhan sa pag-iiba ng mood nito.



"Ang ibig ko pong sabihin wag na po kayong kumuha ng isa pang kubo, dito na lang po ako mag-stay. Baba muna po ako Sir.", paalam ko kay Aki dahil parang biglang uminit sa loob ng tree house. 



Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Aki habang bumababa ako ng tree house. Noon ko napagtantong hindi naman ang tree house ang mainit kundi yung mukha ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko hanggang sa puno ng aking tenga.





Nang makababa ako ng tree house ay naglakad-lakad ako, pilit kong pinapakalma ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng lugar. Malayo sa medyo magulo na ring mga beaches ng Boracay, tahimik sa islang ito. Maliban kay Manang Delia at sa mga katulong niya ay wala pa akong nakikitang ibang tao sa isla. Mukhang kami pa lang ata ni Aki ang naririto para magbakasyon. Kung sabagay, Hulyo na ngayon at medyo madami na ding bagyo ang pumapasok sa bansa, hindi talaga peak season para magpunta ng mga beaches. 



Malapit sa maputing dalampasigan ay may isang nakahilig na puno ng mangga na may duyan. Pinasya kong duon muna tumambay. Naupo ako sa net na duyan at pinagmasdan ang malakas na along humahambas sa buhangin. Lalo kong na-appreciate ang katahimikan. Parang ang sarap magmuni-muni kapag ganitong tahimik at mag-isa ka.



Naisipan kong i-text si Renz para ipaalam na nakarating na ako sa aming pupuntahan.









****Aki****






4:36 pm, Tuesday
July 07






Nang umalis ng tree house si Kyle ay pinasya kong ayusin na muna ang aking dalang gamit. Matapos iyon ay nahiga ako sa kama sa sulok ng tree house. Sulit ang haba ng byahe namin dahil maganda naman pala ang islang ni-rekomenda sa akin ni Gelo. Tahimik at hindi pa masyadong commercialized. Magkakaroon ng privacy ang sinumang pupunta dito para magbakasyon. 



Huminga ako ng malalim habang nag-iisip. Ngayong nandito na kami ni Kyle sa isla, dapat ko ng isipin kung paano niya ako mapapatawad. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na gawin para mawala ang galit o tampo niya sa akin. Masyado kasing mabigat yung mga nagawa ko at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako sa loob ng dalawang linggong ilalagi namin rito. 



Wala sa sariling inamoy ko ang aking kamay, pakiwari ko ay naamoy ko pa din ang kamay ni Kyle na hawak ko kanina. Napangiti ako sa aking naisip. Mukha akong tanga sa aking ginagawa.



Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa aking pag-iisip. Nagising lamang ako ng may maramdaman akong matang nakatingin sa akin. Biglang kong iminulat ang aking mata para makita kung sinong nakatingin sa akin. 



Huli ko sa akto si Kyle na nakatitig sa aking mukha habang nakaupo sa kama. Nang makita ako nitong dumilat ay halata sa itsura nito ang pagkataranta.



"Bakit mo ko tinititigan?", medyo masungit kong tanong sa kanya. Pero deep inside ay natutuwa ako na nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Mukhang may pag-asa pa na magkaayos kaming dalawa.



"Ha?", nabubulol na sabi ni Kyle. "Anu po sir... ahmmmm ka.... kasi po... ano.... si manang delia po... pinapasabing...yung ano po... pagkain.... naka-ano na... pwede na daw po tayong kumain.", napangiti na ako sa pagka-taranta ni Kyle. Noon ko lang din napansin na madilim na pala ang aming paligid.



"Anong oras na ba?", pag-uusisa ko pa.



"Thirty seven po..."



"Ha?", naguguluhan kong tanong kay Kyle.



"I mean seven thirty.", sagot ni Kyle sabay yuko para itago ang pamumula ng kanyang mukha.



"Ok ka lang ba?", natatawa ko ng tanong.



"Opo sir, hintayin ko na lang po kayo sa baba.", paalam nito.



"Hindi. Sabay na tayong bumaba magbibihis lang ako. Intayin mo ko.", ma-awtoridad kong sabi. Napaka-cute talaga ni Kyle sa tuwing nahihiya.



Tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga at humanap ng shorts at sando na maaari kong isuot. Naghubad ako sa harap ni Kyle at ang tanging itinira ko lamang ay ang boxer's na suot ko. Alam kong nakatingin siya sa akin ng mga oras na iyon, marahil ay nagulat sa aking ginawa.



"Ayos ba?", tanong ko na waring nang-aakit. Kita ko ang ginawa niyang paglunok ng laway at ang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang sentido.



"Po?", parang nabato-balani niyang tanong.



"Yung isla, ayos ba?", paglilinaw ko habang nakangisi. Alam kong iba ang kanyang iniisip ng mga oras na iyon.



"O-opo.", nauutal niyang sabi sabay tingin sa ibang direksyon.



Nagbihis na ako dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Nang makapagbihis ay sabay kaming bumaba ng tree house ni Kyle.



Tinungo namin ang kubo ni Manang Delia para itanong kung saan kami kakain. Nakasalubong naman namin ang ginang habang naglalakad at sinamahan na kami nito sa kakainan namin.



"Iyon ang canteen namin, kung may gusto kayong bilhin, kape, biskwit, o anuman, pwede kayong bumili dyan.", tukoy ni Manang Delia sa isang kubo na malapit sa kanyang tinitirhan. "Meron din dyang water dispenser, libre ang maiinom na tubig kuha lang kayo don. Wala pa kasi kaming maayos na water line, di poso lang dito. Kaya kelangan ninyo mag-igib ng pampaligo. Mamaya bago kayo matulog papadalhan ko kayo ng malaking pitsel ng tubig para kapag nauhaw kayo ay di nyo na kailangan pang bumaba.", paliwanag ng ginang habang naglalakad kami.



"Doon ho ba kami kakain?", tanong ko. Natanaw ko na kasi ang isang lamesa sa ilalim ng isang mababang puno na may mga palamuting ilaw.



"Ah oo. Masarap kumain dyan dahil presko. "



Napangiti naman ako dahil romantic ang setting.



Naupo kami ni Kyle sa magkabilang dulo ng lamesa habang hinihintay na ihain ang pagkain. Nakita kong pinagmamasdan ni Kyle ang lugar. Mukhang antique na lamesa ang nasa ilalim ng punong iyon. May mga nakalawit pa na lamp gawa sa capiz mula sa mababang puno. Nakadadag pa sa ganda ng ambiance ang paulit-ulit na tunog ng humahampas na alon sa dalampasigan at paminsan-minsang ihip ng hangin.



Maya-maya ay bumalik na si Manang Delia dala ang pagkain namin. May alimasag, beef broccoli, at chopsuey, meron ding isang bar ng tsokolate para sa dessert. 



"Wow, mukhang tataba ako dito manang ah.", biro ko sa matanda.



"Ay oo naman! Lalo na kung mahilig ka sa sea foods! Mura kasi dito ang lamang dagat. Sige na kumain na kayo bago lumamig ang pagkain.", wika ng babae.



Tahimik lamang si Kyle pero nagsimula na siyang kumain. Ako man ay nagugutom na kaya sinimulan ko ng lantakan ang dalang alimasag ni Manang Delia.



Habang kumakain ay napansin kong hindi ginagalaw ni Kyle ang nakahain na alimasag.



"Allergic ka sa crab?", kaswal kong tanong.



"Hindi naman.", maiksing sagot ng aking kaharap.



"Eh bakit ayaw mo kumain nito?", tukoy ko sa alimasag. Hindi agad ito sumagot at tila nahihiya.



"Hindi kasi ako marunong kumain niyan eh.", sagot ni Kyle. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Madami pa nga akong hindi alam tungkol sa kanya.



Tumayo ako at inilipat ang aking upuan sa tabi niya.



"Masarap to, lika tuturuan kita.", magiliw kong sabi kay Kyle. Tumango lamang siya at pinanuod ako habang ipinapakita ko kung paano niya bubuksan ang alimasag.



Napapahagikgik naman ako habang pinapanood si Kyle.



"Ayoko na, napaka-kumplikado naman pala niyan. Nawala na yung gana ko bago ko mabuksan yang alimasag na yan.", natawa na akong tuluyan dahil mukhang nainis talaga siya sa alimasag.



"Sa una lang yan, practice makes perfect remember? Akin na yan, kumain ka na ipagbubukas na lang kita habang kumakain ka.", pagpriprisenta ko.



"Huwag na po sir, maabala pa po kayo. Ok na po ako dito sa beef at gulay.", pagtanggi ni Kyle.



"Hindi ok lang. Expert ako dito kaya wag ka mag-alala.", sabi ko at sinimulan ko ng ipagbukas ng alimasag si Kyle.








****Kyle****








8:06 pm, Tuesday
July 07






Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi kay Aki pero kapansin-pansin ang kanyang mga ginagawang pag-aalaga sa akin. Simula pa lamang ng biyahe namin papunta rito sa isla ay iba na ang kanyang pakikitungo sa akin. Kung dati ay iniiwasan niya akong kausapin kanina naman sa kotse ay halos hindi ako makatulog dahil sa kakulitan niya. Nang sumakay kami sa bangka ay hindi ko inaasahan ang paghawak niya ng aking kamay para pakalmahin ako. At ngayon ay matiyaga niya akong ipinagbubukas ng alimasag.



Hindi ko maiwasang mapatingin at mapangiti sa kanya habang abala siya sa hawak na alimasag. Parang gusto ko maniwala na nagbalik na ang Aki na kilala ko pero i know better. Minsan niya ng ginawa ang ganito, naniwala ako, at sa dulo ay nagmukha akong tanga.



Gusto ko malaman ang motibo niya kung bakit ganito na lamang ang pinapakita niya sa akin ng sa gayon ay hindi na ako umasa o mag-expect ng kung anuman.



"Huy! Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko, kumain ka na.", bati niya ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. 



Tumango lamang ako bilang sagot at nagsimula ng kumain. Kung hindi ko lang batid na may tampuhan kami ay malamang sa kanina pa ako nangisay sa kilig sa mga ginagawa niya. Bibihira ang taong magtitiyaga na ipagbukas ka ng alimasag para lang ma-enjoy mo ang iyong pagkain. Kanina nga ay hindi kinaya ng pasensya ko ang kumplikadong pagkain ng lamang dagat na iyon.



Hayyy.... Bakit ganito ka Aki? Hindi ko alam saan ilulugar ang sarili ko. Turan ko sa aking sarili.



Matapos kaming kumain ay nanatili lamang kami sa lamesang iyon habang namamahinga. Nagsindi ako ng yosi habang ine-enjoy ang katahimikan ng paligid.



"Sir kelan po darating dito yung mga kameeting niyo? Para po makapaghanda ako.", usisa ko ng bumalik sa isip ko ang dahilan ng pagpunta namin sa lugar na iyon.



"Relax ka lang Kyle. Darating din tayo dyan.", kalamadong sagot ni Aki.



Matapos ubusin ang yosi ay nagsipaghanda na kami para matulog. Nang makarating ako sa kwarto ay dinatnan kong nakahiga na si Aki. Nakasuot lamang ito ng sando at boxer shorts. Mukhang mahimbing na itong natutulog. Pinatay ko ang ilaw sa tree house at nahiga sa tabi ni Aki. Ramdam ko ang paghinga niya sa aking tabi. Ilang minuto ko din siyang pinakiramdaman bago ako tuluyang nakatulog.








---------------------------






Nagising ako kinabukasan na medyo mataas na ang sikat ng araw. Nang tumingin ako sa oras sa cellphone ko ay pasado alas nuwebe na ng umaga. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Hindi ko na dinatnan sa tree house si Aki, wala din siya sa dalampasigan, kaya pinasya kong hanapin si Manang Delia sa pagbabaka-sakaling nakita nito ang aking kasama.



Habang naglalakad patungo sa canteen ay nakarinig ako ng malakas na tawag sa aking pangalan. Agad akong napalingon at doon ko nakita ang taong aking hinahanap.



Wearing nothing but his board shorts is my demigod boss. Sa dalawang taong lumipas ay walang pinagbago ang ganda ng katawan nito. Nakasuot siya ng shades kaya di ko makita kung anong sinasabi ng kanyang mga mata. Hindi ko na naawat ang aking mata na suriin ang lalaking naglalakad palapit sa akin.



Dahil shorts lamang ang kanyang suot ay malayo kong nakikita ang matipuno niyang dibdib na may ilang butil ng pawis na kumikislap dahil sa sikat ng araw. Hinawi ng kanyang kanang kamay ang kanyang buhok kaya lumitaw ang makapal na buhok sa kanyang kilikili ganun din ang maumbok na muscle nita sa kanyang mga braso. Kape na nga lang ang kulang dahil sa mga pandesal na nakahanay sa kanyang tiyan na mukhang lalong naging define sa pagtagal ng panahon. May mumunting buhok na tumutubo sa parte iyon na patungo sa lamang nakatago sa kanyang shorts. 



We had sex before so iknow what lies beneath those fabric. The thought of it made my cheeks turn red and i can feel my own stiffness. Simula ng magkita kaming muli ni Aki ay ngayon ko lamang ginawa na pagpantasyahan siyang muli.



"Ikaw lang ang tanging lalaking hahayaan kong tingnan ako ng ganyang kalagkit.", wika nito sabay pakita ng pilyo niyang ngiti. Pero ang kumuha talaga ng atensyon ko ay ang pagngiti ng kanyang mata. Matagal kong hinintay na makita ang pagkinang ng kanyang mata dahil sa tuwa at parang di ako makapaniwala na namasdan kong muli iyon. 



Sasagot sana ako ng pormal pero pinili kong kausapin siya na parang ang kausap ko ay ang Aki na dati kong kakulitan. Bahala na kung anung mangyare but i dont want to spoil the moment.



"Don't flatter yourself Mr del Valle, i've seen that before and even the skin that hides beneath your shorts. Hindi kita pinagpapantasyahan.", nakangiti kong sagot.



"Hindi daw!?! Eh bakit ka nakanganga habang lumalapit ako?", nakangiti pa din niyang wika. Mukhang nasa mood pa din siya ngayon para makipagbiruan.



"Ha?! Ano lang... ahmmm... kasi... ano... Naghihikab ako! Kakagising ko lang kaya.", pagpapalusot ko.




"Sus kunwari ka pa! Tara na nga kakain na daw tayo sabi ni Manang Delia, kasi mag-snorkling pa daw tayo pagtapos.", anyaya ni Aki.




"Talaga!?! Mag-snorkling tayo!?!", tila bata kong pagkukumpirma. Hindi ko kasi mapigilang ma-excite, kung sakali kasi ay first time ko mag-snorkling.



"Oo nga kaya tara na kumain na tayo."









...to be cont'd....



Author's note: 



Sorry. Sorry. Sorry. hahahaha pasensya na po talaga sa over sa late na update... Alam ko pong kasalanan ko talaga... Sa mga nag-intay, nagpabalik-balik sa pagche-check ng update, sa mga nagalit, nainis, nagtampo, sorry na... :( pasensya na din kung di ko magawang mag-comment back to let you guys know when i will be posting... sorry talaga, i know its irresponsibility... :P


Anyway, salamat din sa patuloy na pagsubaybay sa istoryang ito, nakaktuwa din na dumadami yung mga nagco-comment though i know some was mainly bec of the late postings... sorry na... hahaha... Don't get me wrong, i'm posting my updates late just to gather a number of comment for the readers, its purely coincidental.... :))


Enjoy reading guys... Salamat sa support!







69 comments:

  1. Go Aki...pakiligin mo pa lalo si Kyle para maging kayo talaga :)))) team Klye-Aki parin ako

    ReplyDelete
  2. OH yes may update na.. tnx mr. author.. wag mo lang uulitin ung ginawa mo.. hehepero super thank you for the update..

    ReplyDelete
  3. thanks for the update though late... can't wait to read..

    -kiko of sk

    ReplyDelete
  4. BOSS AUTHOR!!! mygashes. AM SUU ABSOFRIGGINLUTELY INLOVE WITH THIS STORY! sana po sa susunod na mga chapters, medyo mabilis ang update, char lang. if you don't mind. hehe, anyways, i really like the flow of this story. and omygash. it's very unpredictable. HOPING FOR THE NEXT CHAPTERS TO BE POSTED!!! GodBlessYou boss author. MORE POWER!!!!

    -ALLIIYY

    ReplyDelete
  5. Worth waiting! Thanks Mr Crayon!!

    -dufei-

    ReplyDelete
  6. thanks a lot author for the update... i really love your story...

    OMG i love aki but i also love renz..

    J❤

    ReplyDelete
  7. .npaYes pa q nung nakita k0ng my update na sa wakas. tnx kua crayon.tagal ng update ah.haha
    -wicked dwight

    ReplyDelete
  8. .npaYes pa q nung nakita k0ng my update na sa wakas. tnx kua crayon.tagal ng update ah.haha
    kelan nxt UD?
    -wicked dwight

    ReplyDelete
  9. Sheet! Sa wakas may update na... ang ganda ng story nakakakilig pa.

    Boholano blogger

    ReplyDelete
  10. Okay lang Author, It's been two weeks since I was waiting for this. KUDOS! GAnda ng flow and it's making the story a little unpredictable.

    ReplyDelete
  11. Mr. Crayon don't feel sorry.... sa sobrang ganda ba nman ng kuwento na to may karapatan ba kami pra magtampo sayo? kung meron mang iba ang ganon, hayaan mo na lang... cguro naatat lang din cla sa pag-aabang ng update mo.. di kc talaga naming maiwasang manabik lahat eh.... kaabang abang naman talaga... kaya ang tuwing biyernes na pag update mo eh nagbibigay sa amin nang sobrang kasabikan. Pero ganon pa man wala kami ibang masasabio konde ang taos pusong pasasalamt sa likha obra mong ito....

    Daghang salamat!

    ReplyDelete
  12. kung ako papipiliin, c kyle at aki gus2 ko mgkatuluyan

    ReplyDelete
  13. Gusto na talaga kitang tuktukan e, laging nambibitin! Lagi kasi akong nag-aabang ng updates mo! Pero grabe, thank you pa rin! Lakas makakilig! Awesome job as always, Mr. Crayon!

    ReplyDelete
  14. Salamat sa update... still hungry for more! Hahahaha..

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  15. more pa please!!!! isa kasi ako sa mga nag checheck every friday na sana nkapost na kayo, and nag wiwish na friday nanaman, seryoso po at walang halong echoz...i'm in love of ur work, keep it up and more pa tlaga please

    kylie.bog2

    ReplyDelete
  16. Thanx sa update Mr. Crayon...nakaka inlove tong 4 na chapters na to.

    ReplyDelete
  17. having to continue reading this story again, nawala stress ko sa buhay. refreshing kumbaga.

    ReplyDelete
  18. Haha. Can't wait for the next chapters. Aki or Renz, bahala na basta walang bitter. HAHA God Bless author.

    -anonymous. XDD

    ReplyDelete
  19. hahahahyyy.. at last... hehehhehhe tnx sa update.. you are the cause of my sleepless nyt... walang araw na d q ni chech kung mi bagong update.. mwaaah..

    ReplyDelete
  20. It's worth the wait. Galing very detailed ang story. Thanks crayon.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  21. Really love it.. sorry ngayon lng ako nakapag comment since sa unang book mo. Pero so worth it. Thanks much.

    Ralf NZ

    ReplyDelete
  22. Really love it.. sorry ngayon lng ako nakapag comment since sa unang book mo. Pero so worth it. Thanks much.

    Ralf NZ

    ReplyDelete
  23. 'di bale kuya author bawi ka naman kasi 4 chaps naman update mo.hehe. kawawa lang si Renz. hehe.sino kaya pipiliin ni kyle? renz pa din sana.

    gerv

    ReplyDelete
  24. nice one.. sulit naman sa pag hihintay sir..


    marc

    ReplyDelete
  25. Worth the wait! Four chapters are superb!
    -dilos

    ReplyDelete
  26. I like the Kyle-Renz relationship..

    ReplyDelete
  27. sa wakas may update na! ^-^

    aki is back! yehey!
    kilig much with Team Aki-Kyle. :)

    -Ms.C

    ReplyDelete
  28. Kyle-Aki parin ako! :)

    ReplyDelete
  29. Haha okay lang happy naman kahit late ksi ganda ng mga chapters sana maging okay na sila ni kyle atleast happy lahat at mukhang pinipigilan talaga ni kyle yung srili nia same with aki and renz hai sino kaya sa dlawa ang makakatuluyan ni kyke? Hehe thanks sa update.. :-) :-)

    ReplyDelete
  30. Haha okay lang happy naman kahit late ksi ganda ng mga chapters sana maging okay na sila ni kyle atleast happy lahat at mukhang pinipigilan talaga ni kyle yung srili nia same with aki and renz hai sino kaya sa dlawa ang makakatuluyan ni kyke? Hehe thanks sa update.. :-) :-)

    ReplyDelete
  31. xian lim ang naiicp kong datingan ni ako.

    ReplyDelete
  32. RenzYLE pa rn ako ! :D thankyou author mwaah ! :*

    - eyrieL <3

    ReplyDelete
  33. Author ok lang ang late masyadong updates. Alam naman namin d lang ito trabaho nyo at salamat pa nga kami dahil naisisingit nyo pagupdate ng napakagandang kwentong ito. Salamat talaga author at 4 pang sunod sunod na chapters! Pero sweet naman ni Aki dto. Sana sya na lang piliin ni Kyle.

    ReplyDelete
  34. Tangina this! I keep on reading this freaking chapter and it never failed na pakiligin ako! Team Aki-Kyle tayo guys!

    ReplyDelete
  35. ang ganda ng story! more! kudos to the writer!

    ReplyDelete
  36. #TeamAkiKyle all the way!! <3

    ReplyDelete
  37. KYLE-RENZ please! :))

    ReplyDelete
  38. .GANDA..napa YES pa aq nung mkta na my update na.. salamat po..

    ReplyDelete
  39. Grabe ang ganda! Di lng naman ako natulog para matapos ang pagbabasa.

    Ang haba ng hair ni kyle. Ang daming nagkakagusto at nagkakandarapa sa lola mo.

    Nakakairita lng lahat ng lalake dito matangkad, hot at gwapo. Lahat na ata eh nasa kanila na. Bawal pangit. Hehehehe.

    Di na ako makapaghintay sa susunod na chapter. Thank you author sa isang napakagandang akda mo.

    -hardname-

    ReplyDelete
  40. itz about tym. mr author,plz wag mu na po ulititn ung gnwa mu,maiintindihan namen kng my iba kang dpt iprioritze bsta po let us knw kya piz na na tau,,salamat sa pgupdate at pagnda ng pgnda ung kwn2,kip it up =p


    -ney

    ReplyDelete
  41. waaahhhhhhhhhh !!!! confuse na ako TEAM RENZ-KYLE ako, pero dahil sa past chapters mas nagugustuhan ko na ang flow ng love story nila KYLE at AKI >.< kakakilig kasi ng moments nila KYLE at AKI.... mas may dating :P sorry RENZ ahahahaha :D anyway good job MR. AUTHOR :) KEEP UPDATING po sana ASAP :D thank u sa pagbibigay ng HAPPINESS sa amin na mga READERS mo....

    ReplyDelete
  42. Nice One Mr. Crayon!!! Wahahaha!!! Super Ganda ng mga recent chapters.. .


    anggaling mo talaga!!!


    Team Aki-Kyle <3<3<3



    -black.skull

    ReplyDelete
  43. yes!! ..tpos q na basahin ang book 1 hanggang chapter 18 ng book 2!! ..haha ..napaka.galing ng pag.buo ng kwento ..sulit ang ilang gabi ng pagpupuyjt matapos lng to ..whew ..congrats Sir Crayon for this wonderful story ..

    to let you know, team KYLE - AKI po aq ..hehe ..


    *lei.andrew

    ReplyDelete
  44. gnun ulet mister author?,paasa ka,ndi tanga mga readerz at we dnt dserve na mgjmukang tanga kakaasa sa update mu,,magkagnun man itz ok,sau na story mu,,

    -ney

    ReplyDelete
  45. Mr. author nasan na po ung next chaps? pls papost na po


    _mew08

    ReplyDelete
  46. HOY!!!! Bilisan mo ang update kung ayaw mo masaktan'!! LoL' biro lng

    Thanks Sir'
    Keep up the good work'

    _team Aki'


    ×× ace ××

    ReplyDelete
  47. Mr. Author wla ka nnmang update.. isa ka po ba sa mga nasalanta ng bagyo??? grabe.. tagal ng wla kang update.. anong petsa na.. ayaw ko nang mg bsa ng stories mo if ganto lng din.. ok lng understand nmin kung isa ka s nslanta ng bagyo.. pero qng ndi nman tapos nag ga-gather ka nnman ng mga comment sa stories mo?? what the F is that?? ayoko na..


    -- Jhay Pin --

    signing out!! good bye!!

    ReplyDelete
  48. Wala na ang momentum ng kwento. . .TT___TT.. . .HANTAGAL magupdate. .



    blackskull

    ReplyDelete
  49. One month of waiting. Antagal na po ah. Take your time po pero sana malapit na matapos yung story and may kasalan. HAHA. XD

    ReplyDelete
  50. nalimutan ko na totally ang chapter 18 sa sobrang tagal ng update... nawalan na ako ng mood para tapusin pa ang story na ito... sorry mr. crayon... im just telling my sentiments...

    ReplyDelete
  51. haisstt.... anu ba yan mr. crayon??? sa sobrang tagal na ng update mo, bago ko maunawan ung mga next chapters na ipopost mo eh alam mo bang kailangan ko ulet uliting basajin ung mga chapters na tapos ko ng basahin??? kakawalang gana na maghintay sa updates mo..

    ReplyDelete
  52. mr. author, update na please.

    suggestion lang po, napansin k lang kung magupdate kau by month. pero 4 chapters. sana gawin mo nalang per 1 week para di mabitin mga readers.

    ito pinagamaganda na story dito.. :)

    ReplyDelete
  53. taga tacloban kaba crayon

    ReplyDelete
  54. akala idol kita hindi pala katulad karin ng ibang author mang iiwan sa ere

    ReplyDelete
  55. hay naku sabi ni papa jack ng love radio

    ReplyDelete
  56. di na k makapaghintay sa update.

    update na author.. please.. sobrang bitin nung story..

    ReplyDelete
  57. wow.. ganda naman story nito..

    update na mr. author..

    ReplyDelete
  58. team aki-kyle! pakiligin mo pa kami mr author.

    haha

    ReplyDelete
  59. Kaasar lang! Kailangan ba talaga ng 1 month bago makapag update? Just asking. Maiintindihan ka naman namin Mr. Crayon kung taga-Visayas ka, pero I think hindi naman. Sana may pasabi kung kailan, anong oras ang update hindi yung hinahayaan mo kaming mga readers mo na magmukang tanga kakaintay kung mapopost na ba yung susunod na chapter/s.

    Nakakabitin!!! Bago maipost yung susunod na chapter/s wala na yung kilig moment from the previos chapter/s. Anyways, sana masundan na at sana may pasabi, may comment back ka Mr. Crayon sa mga comments na nagtatanong at nag-eexpect ng susunod na chapter/s. Good luck! Godbless. (:

    ReplyDelete
  60. If this is the author's way of gauging whether his story is a hit, then certainly the clamor speaks for itself. I am one of those who keep tabs with this story- and truly, this is one heck of a story. This story means so much to me (a closeted bisexual) as it is only when I read it that I feel the freedom of my true identity. I thank the author for coming up with this story, as well as other authors out here who in one way or another give life to the "other side" of the readers, especially those like me who is hiding under the shadow of the closet. I cannot thank you enough for letting me feel how wonderful it is to be loved. At least in your stories, we are free- no inhibitions whatsoever. I never leave any comment, until this one. I know I cannot take it against the author if he doesn't want to publish anymore- karapatan mo 'yan. But at least for the sake of the countless readers and followers who expect another installation of this awesome story, magparamdam ka naman mr author- at least we know if we're investing in vain hope or not. Maiintindihan ka naman namin if you're from the Visayas (which is hopefully not the case), or maybe perhaps busy ka lang talaga.

    P.S. For the blog owner, suggestion lang po (for the better) maybe you can enter into a form of agreement with the authors na if they want their stories to be continually published on this blog, at least they agree to finish the stories to maintain residency. kawawa naman ang mga readers na naiiwan sa ere. Nagtatago na nga sa aparador (kagaya ko) naiiwan pang blanko sa mga stories dito. thank you!

    -in dubio pro reo

    ReplyDelete
  61. sa lahat ng mga nag-aantay ng update araw-araw again pasensya na po at hinihingi ko ang inyong pang-unawa...


    una po sa lahat ay gusto ko pong ipaalam na i intend to finish this story... oo, alam ko na oa po sa tagal ang update at marami na ang walang ganang basahin pa ang continuation ng story na to... nalulungkot man ako sa reaksyon ng mga readers wala po akong magagawa...

    sana maintindihan niyo na hindi ako professional writer at ito ang pinakaunang story na seryoso kong isinulat... kapag umupo ako sa harap ng laptop at sinubukang sumulat, hindi po awtomatik na may naiilathala ako... nauubusan din ako ng idea at creative juices... gusto ko mang madaliin ang pagsusulat para may mabasa kayo, minsan sadyang walang lumabas sa aking utak... ayaw ko pong madaliin ang story kasi somehow mawawala yung gusto kong mangyare sa story.

    ReplyDelete
  62. pangalawa, i know some writer in this blog would share my sentiment na gusto man namin na i-prioritize ang pagsusulat ay hindi maari dahil may ibang bagay kaming dapat gawin. kelangan mo magtrabaho, magspend ng time with family and friends but we all try to stay committed on finishing the stories that we write... katulad ng sinabe ko noon reader din po ako at alam ko ang pakiramdam ng magintay ng matagal na update... hanggang ngayon ay may mga blog pa din akong sinusubaybayan at mga storyang binabasa na ilang buwan na mula nung huling magupdate... madali ang magbasa at maexcite sa bawat storyang nakikita natin pero ang sumulat ng story at pagandahin ito para magustuhan ng mga mambabasa ay ibang usapan na... ngayon ko naintindihan kung bakit ung mga author ng mga storyang binabasa ko ay hindi na nagawa pang sundan yung mga kwentong ginawa nila... pasensya na kung kelangan ko maglitanya ng ganito kahaba, gusto ko lang na maintindihan nyo kung bakit hindi ganun kabilis para sa akin ang magupdate. alam ko na yng ibang author ay nagagawang mag-update every week, pasensya na po hindi pa ako ganun kabihasa at kabilis na magsulat.


    lastly, makakapagupdate na ako within this week... promise... maiintindihan ko kung may hindi maniniwala. hindi ko lang alam kung anung araw pero tiyak na may update this week...


    salamat sa mga matiyagang nagiintay at muli pasensya na sa mga nayamot sa pagiintay...



    crayon....

    :|

    ReplyDelete
  63. ps hindi ako taga tacloban... natawa naman ako dun... taga bulacan ako i work in manila at uwian ako araw-araw... 4hrs byahe balikan + 10 hrs sa office + 7 hrs of sleep that leaves me with 3hrs each day to do other things like eating, talking to my mom, surfing the net, reading a book, and writing a story...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun. Buti nalang ligtas po kayo. And okay lang po Mr. Author kung hindi kayo makapag-update kagad, story niyo naman po ito e, kaya you can decide if you wanna continue the story or not, fortunately you do. I'm pretty sure that it's worth the wait. I am inspired to write a story because of you pero tamad ako kaya kain bubog nalang. XD God Bless and Salamat Mr. Author for the announcement.

      -Ri. A subscriber right from the start (you were a thief, you stole my heart XD)

      Delete
  64. At long last! Good to hear from you mr author!
    At least our worries that you might be one of our kababayans who were affected by the recent typhoon turned out to be wrong. As I said, I cannot take it against you whatever or however you decide to go about the story. This is your work for goodness sake- you may cut it right here, or proceed to finish it (which you intend, and i'm happy for that:) I think what the readers ultimately want after all is just a confirmation coming from you.that you're still up and about to continue the story. A short beep surely wouldn't take much that time, would it? Sabi ko nga, maiintindihan ka namin if you're just ultra- busy. It has been one month din naman po kasi, and as you said, ikaw man din ay nagbabasa ng ibang mga storya and certainly I know you can relate to the feeling of heightened anticipation dun sa story na sinusundan mo:) Maswerte ka mr. author, you have been gifted with this unique talent. Everyone can write- but truly, not everyone can come up with a good piece. You're a good communicator and it shows in your work. I don't think your story would make all this noise around if not of the quality of the work- and we're glad you're sharing your talent with us. So i think that's just it. all is clear- the love story will continue:))

    P.S. In a few hours i'll be celebrating my birthday. pabirthday mo nalang sana sa'kin ang 5 chapters mr. author ;) ! masaya na'ko dun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I forgot, ako pala si:

      in dubio pro reo

      Delete
  65. Thanks author for the assurance that you'll finish this wonderful story :-)

    Brian Xander (Brix)

    ReplyDelete
  66. i'll be posting the updates, give me 30 mins please... :))

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails