Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 14]
By: Crayon
****Aki****
5:05 pm, Thursday
July 03
Katatapos lamang ng board meeting at pinasya kong magpaiwan sa loob ng meeting room ng makaalis na ang lahat. I need time to think. Napakarami kasing nangyari nang hapon na iyon maliban sa katatapos lang na meeting. Hanggang sa mga sandaling ito ay ramdam ko pa rin ang tensyon hindi dahil sa kaba sa meeting kundi dahil sa pinaghalong lungkot, pagsisisi at guilt.
Kinukwestyon ko ang aking sarili at ang aking mga nagawa kay Kyle. Kahit saang anggulo ko tingnan ay walang tama sa ginawa ko sa kanya kanina. Napakasamang tao ko kung tutuusin para masabi ang lahat ng iyon kay Kyle ng walang pag-aalinlangan. Kahit ako ay hindi ko na halos kilala ang aking sarili. Habang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang alam kong nakakasakit sa kanya ay parang ibang tao ang nagsasalita, daig ko pa ang sinapian ng demonyo nang mga oras na yon.
Mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan simula nang paasahin ko si Kyle na magiging mabait na ko sa kanya. Ngayon ay nagsisisi ako na ginawa ko pa ang mga bagay na iyon dahil lalo lang gumulo ang aming sitwasyon. Mula kasi noon ay hindi na ako muling kinausap pa ni Kyle kung hindi lang din naman tungkol sa trabaho. Ramdam ko rin ang pag-iwas na ginagawa niya sa akin. Wala na ang nakasanayan kong pagbati niya tuwing umaga at ang lagi niyang pag-aalok ng kape. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyari mula pa nung una kaming magkita muli.
Pero iyon nga ba ang talagang gusto ko na mangyari mula ng muli kaming magkita? Dahil kung gusto ko lang din naman ang lumayo siya ay maaari ko naman siyang tanggalin sa trabaho o di kaya ay ilipat sa ibang department para hindi na mag-krus ang aming landas. Pero the more na ini-insist ko sa isip ko na ayaw ko sa kanya ay lalo naman siyang hinahanap ng puso ko.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa talaga si Kyle. Duwag lang akong tanggapin iyon kaya pinalalabas ko na matapang ako at pinaninindigan ko ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Takot lang ako na masaktan kaya mas ninanais ko na siya na lang ang mahirapan. Ayaw ko lang na umasa akong muli na mamahalin niya ako kaya emosyon niya ang pinaglalaruan ko sa pagkakataong ito. Hindi ako makapagdesisyon sa nararamdaman ko kaya siya ang lagi kong pinagmumukhang tanga. Mahal na mahal ko pa siya kay ako ang gumagawa ng paraan para ilayo ang loob niya sa akin dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi kayang humiwalay sa kanya.
Mula noong magkita kami ay alam ng puso kong siya pa rin ang gusto ko, kahit anung pagkukumbinsi ng utak ko na hindi ko siya mahal at galit ako sa kanya ay balewala. Si Kyle pa rin ang hinahanap-hanap ko at alam kong hindi ko magagawang turuan ang puso ko na kalimutan siya.
Hindi ko mapigilang mapapikit at hayaan ang pagtulo ng aking luha. Pinili kong iyuko ang aking ulo sa lamesa para walang makakita ng aking pagtangis. Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng emosyon dahil sa dami ng realisasyon na ngayon ko lang pinaglaanan ng oras na isipin.
Napaka-selfish ko dahil all this time ay si Kyle ang pinasalo ko ng lahat ng bagay na dinedeny ko sa aking sarili.
Batid kong nagseselos pa din ako sa tuwing maiisip ko na magkasama sila ni Renz. Naiinis ako dahil hindi ko magawang hayaan ang aking sarili na maging close sa kanya tulad ng pakikitungo sa kanya ni Renz ngayon na parang walang masamang nangyari sa kanila noon.Naiinis din ako kaninang umaga dahil masaya siyang nakikipagkwentuhan kay John samantalang ako ay tatlong linggo niya nang hindi kinakausap.
Nagseselos ako.
Naiinggit ako.
Nasasabik ako sa taong mahal ko.
At mukhang hanggang ganito na lang mararamdaman ko para kay Kyle dahil walang kapatawaran ang mga nagawa ko sa kanya kanina.
"Now faggot, for once prove to me that you're good at something else other than giving a man a good head. Get out of this room and look for your USB. Get out! Now!!!"
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon, dala marahil ng kinikimkim na selos, inis, at inggit ay ginamit ko ang pagkakataon kanina para hiyain siya ng todo. Alam kong wala sa katwiran ang dahilan ko. Kahit ako ay di ko rin talaga maintindihan kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon.
Ni hindi ko alam kung open siya sa mga co workers niya about his sexuality. Hindi ko lang siya tinawag na bakla, binasag ko pati ang pagkatao at dangal niya. Kita ko ang pagpipigil niya sa kanyang luha, alam ko kung gaano siya kaiyakin noon. Mas masahol pa ang ginawa ko sa kanya kaysa sa nagawa sa kanya ni Renz noon.
Pero kahit na anong masasakit na salita ang ipukol ko sa kanya ay hindi niya ako ginantihan ni minsan. Kahit kanina na alam kong below the belt na ang panghihiyang ginagawa ko ay wala akong narinig na angal mula sa kanya. Kahit kailan at kahit anong pahirap ang gawin ko ay wala akong narinig na pagtutol mula sa kanya.
Labis ang pagkasuklam ko sa aking sarili. Hindi ko kailanman mapapatawad ang aking sarili sa aking nagawa. Kahit na sabihing malaki ang nagawang kasalanan sa akin ni Kyle noon ay hindi sapat iyon para gawan ko siya ng ganon.
Ano nga ba ang kasalanan niya sa akin? Dahil ba hindi niya nasuklian ang pagmamahal ko kaya ganito na lang ang galit ko? Is it my hurting ego? Sobrang nabulag na ako ng galit, inis at selos hindi ko na matandaan ang rason ng pagkagalit ko sa kanya.
Pero hindi na importante kung anu pa man ang rason ko. Game over na. The end na ng kwentong to. The damage has been done at kahit ano pang gawin ko ay wala na akong magagawa para baguhin pa iyon. Mamatay man akong nagsisisi sa aking nagawa ay hindi na noon maiaalis ang masasakit na alaalang iniwan ko sa kanya.
Ilang sorry man ang sambitin ko hindi na noon maibabalik ang sinira kong kahihiyan ni Kyle. Kung may walang kwenta mang tao sa istoryang ito, ako yon. Simula't sapol ako ang nagkulang sa pang-unawa. Masyado kong ipinilit ang sarili ko noong mga panahong hindi pa handang magmahal si Kyle kaya nang hindi niya nasuklian ang pagmamahal ko, pakiramdam ko ako ang pinaka-kawawang tao sa mundo. Pakiramdam ko ako ang pinagtripan. Pakiramdam ko ay ako ang nilamangan. Nakalimutan ko kung paano ang tunay na pagmamahal. Tama lang siguro na hindi kami nagkatuluyan ni Kyle noon dahil hindi ako nararapat para sa kanya.
****Kyle*****
8:30 pm, Thursday
July 03
Hindi ko na alam kung anu ang kinalabasan ng board meeting dahil matapos kumpirmahin ni Sam na nakuha na nila yung file para sa powerpoint ay lumabas muna ako ng resort. Binitbit ko ang aking wallet at cellphone at pumunta sa may bayan. Ayaw kong datnan ako ni Aki sa aming silid dahil hindi ko alam kung ano pa ang maari niyang masabi sa akin. At hindi ko alam ko kaya ko pang tanggapin ang mga iyon.
Siguro nga may hangganan ang lahat. Hindi lahat ng bagay pwede mo panghawakan habang buhay.
Iyon ang iniisip ko habang mag-isa akong umiinom sa isang bar sa may bayan. Kanina ako lang ang nag-iisang customer ng bar na iyon, pinilit ko pa ang may-ari na pagbilhan ako ng alak kahit na sarado pa sila dahil medyo maaga pa nang pumunta ako. Ngayon ay may mangilan-ngilan ng tao ang nasa loob ng bar at nagsasaya. Ramdam ko ang alcohol sa aking katawan at hindi ko alam kung may lakas pa akong makabalik sa resort. Kahit na wala na akong lakas ay wala namang tigil ang pagtakbo ng aking utak. Napakaraming bagay ang aking naiisip ng mga sandaling iyon.
First impression last. Unang bagay na natutunan ko sa araw na ito.
Now faggot, for once prove to me that you're good at something else other than giving a man a good head. Get out of this room and look for your USB. Get out! Now!!!
Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip ang mga katagang ito. I almost forgot that i'm a whore, i should thank Aki for reminding me of that. Hindi ko na mapigil ang lumuha sa realisasyong iyon.
I met Aki in a bar 3 or 4 years ago, had sex with him after 3 days. One night stand. Makaraos lang. I seduced his friend, Renz and had sex with him for numerous times. At the age of 21, i probably had sex with more than twenty or thirty men. Hindi na ko sigurado nakalimutan ko na bilangin. Mostly one night stand. Minsan threesome. Minsan foursome. I haven't tried makipag-orgy though. Ito nga pala si Kyle Allen Quijano. Heartless. It's all about sex.
Tinapos ko man ang aking pag-aaral. Nagtrabaho man ako sa isang accounting firm sa Makati. Kahit anong ganda ng titulong makuha ko. Bottomline is im still a whore.
Sabi nga sa mga pelikulang pinoy, ang mahirap daw damitan mo man ng ginto hampas lupa pa din. Siguro ganon din ako. Bigyan mo man ng diploma, suotan mo man ng kurbata, pokpok pa din ang tingin ng madami. Kaladkarin.
Hindi ko mapigilang matawa. Naawa ako sa aking sarili. Lalo akong nanliit. Napakababa nga siguro ng tingin sa akin ng mga lalaking nakaulayaw ko noon. Si Aki lang siguro ang may lakas ng loob na ipamukha sa akin iyon sa harap ng maraming tao. First impression last.
Tinawag ko ang waiter para umorder pa ng dalawang bote ng alak. Parang tubig na lang ang iniinom ko. Hindi ko na iniinda ang pait ng beer. Muli akong lumagok ng alak at humithit ng yosi.
Second lesson ko for today: Lahat ng bagay may hangganan.
Lahat ng kwento may ending. Nagkakatalo na lang kung happily ever after o hindi. Pati ang buhay ng tao may ending, nagkakaiba lang kung kelan.
Ang pagkakaibigan may ending din at mukhang nasa ganung stage na kami. Kahit anung gawin ko para magkasundo kami mukhang huli na para mangyari iyon. Kung anu man ang nagawa ko noon ay labis kong nasaktan si Aki. Dahilan para gumanti siya at masaktan niya din ako ngayon. At kapag ang dalawang tao nagsasakitan na lang hindi na friends ang tawag don, enemies na.
Humithit ako ng malalim sa yosing hawak ko. Parang ang hirap isipin na wala na ang isa sa mga taong naging espesyal sa akin noon. Pero kahit gustuhin ko man na isalba ang aming pagkakaibigan ay hindi ko magawa dahil sa lesson number three.
Learn to let go. Let go not because you're giving up but because that's what's best for now.
Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magkaayos kami ni Aki. Hindi ako sigurado kung darating pa kami sa puntong iyon, panahon na lang ang makapagsasabi.
Hindi naman ako manhid. Nasasaktan din naman ako sa mga sinasabi ni Aki. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya kong palagpasin ang mga panlalait niya tulad kanina. Kung may natutunan man ako sa naging problema namin noon ni Renz, iyon ay ang mahalin ang sarili.
Siguro naman ay nagawa ko naman ang pwede kong gawin para magkabati kami. Sinikap ko naman na maayos ang pagkakatampuhan namin, hindi lang talaga ito ang right time para magkabati kami.
------------------------------------------------------
Pasado alas-nuwebe na ng makabalik ako ng resort. Beach resort ang napili namin na pag-stayan kaya ng mga oras na iyon ay ramdam ko ang malakas na ihip ng hangin mula sa dalampasigan. Naisipan kong pumunta sa shoreline at doon na magpalipas ng oras. Ayaw ko munang bumalik sa aming kwarto dahil baka gising pa si Aki ng mga oras na iyon.
Habang naglalakad patungo sa dalampasigan ay nakatawag ng aking pansin ang malakas na tawanan ng isang grupo na malapit sa may dalampasigan. Ilang metro din ang layo ko mula sa kanila pero kita kong ang mga nagkakasiyahan ay ang mga kasamahan ko sa opisina.
Pansamantala akong nanatili mula sa aking kinatatayuan at pinanood ang aking mga kasama habang masayang nagiinuman. Kasama nila si Sam at ang katabi nito sa bus kanina, nadoon rin si John na katabi naman ni Lyka pero hindi ko nakita si Aki.
Pinili kong hindi na lang sila lapitan dahil sariwa pa sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pang magpakita sa mga taong ito matapos ang mga nangyari. Sobrang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa kahihiyang inabot ko. Baka nga ako pa ang pinagtatawanan nila ng mga oras na ito. Sana lang ay nagkakamali ako sa aking iniisip dahil hindi ko maatim na pati si Sam na tinuturing ko na kaibigan ay nakikisali sa kanilang pagtawa.
Napailing na lamang ako dahil sa pagka-paranoid ko. Hindi naman siguro magagawa sa akin ni Sam ang aking iniisip. Naglakad na akong muli at nagtago ako sa mga puno ng niyog para walang makapansin sa akin. Ayaw kong tawagin nila ako para imbitahing sumali sa kanila dahil alam kong wala akong lakas ng loob na tanggapin ang kanilang imbitasyon.
Tinungo ko ang mabatong bahagi ng beach at naupo ako sa isang malaking bato na nakausli mula sa lupa. Maliwanag ang buwan ng gabing iyon at nakakaaliw pagmasdan ang mumunting liwanag na nagmumula sa mga bituin. Idagdag pa ang malamig na ihip ng hangin at ang paulit-ulit na tunog nang paghampas ng alon sa mabatong dalampasigan. Kahit na napakarami ng aking iniisip ay mabilis na kumalma ang aking sistema dahil sa aking paligid.
Nangako ako sa sarili ko noon na magiging matatag ako at hindi na magiging iyakin, hindi lang talaga siguro ako magaling mangako dahil ng mga sandaling iyon ay di ko magawang pigilan ang pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata.
Akala ko na matapos kong mawala ng dalawang taon ay magagawa kong ayusin ang mga gulong ginawa ko noon. Sinikap ko na magbago at maging mature para mas maging maayos ang buhay ko. Masaya ako na nagkaayos na kaming muli ni Renz at unti-unti nang bumabalik ang aming dating pagsasamahan. Nang makita kong muli si Aki ay umaasa akong madali kaming magkakaayos dahil likas siyang maunawain. Nung mga panahon na naging miserable ako dahil sa nangyare sa amin ni Renz ay siya ang naging sandigan ko. Siyang ang matiyagang umunawa sa kababawan ng mga problema ko. Siya ang nagpalakas ng loob ko at nagpaintindi sa akin na maari akong magbago. Sa dalawang taon na lumipas mukhang hindi lang ako ang nagbago, hindi ko na din kasi kilala ang Aki na kasama ko ngayon.
Nawala na ang dating ngiti na lagi kong nakikita sa kanyang mga mata. Wala na yung mabait na Aki na nangakong laging nandyan para sa akin. Nawala na yung pasensyosong kaibigang laging umuunawa sa akin at sa aking mga pagkakamali. Wala na yung Aki na minahal ko bilang kaibigan. Tila isa ng estranghero sa akin ang boss ko. Hindi ko alam kung nagkaganoon siya dahil sa mga nagawa ko noon. Alam ko ang pagkakamali ko at nagsisisi ako na nagawa ko iyon.
****Aki****
10:25 pm, Thursday
July 03
Kanina pa akong nakaupo sa aking kama halos naikot ko na ang buong resort sa paghahanap kay Kyle pero bigo akong makita siya. Pasado alas diyes na ngunit hindi pa din siya bumabalik. Buhat ng umalis siya sa meeting hall matapos ko siyang hiyain ay wala nang nakakita sa kanya. Alam kong hindi pa siya umuuwe sa kanila dahil nasa kwarto pa rin namin ang kanyang mga gamit.
Matapos kong lisanin ang meeting room kanina ay pinili kong hanapin si Kyle para sana kausapin siya. Nahalughog ko ang buong resort pero hindi ko siya matagpuan. Wala ring ideya si Sam o si John sa kinaroroonan ni Kyle. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala akong nakukuhang sagot mula sa kanyang cellphone.
Labis na akong nag-aalala dahil alam kong naglalasing na naman siya ng mga sandaling iyon. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay naging takbuhan niya ang alak sa tuwing may mabigat siyang dinadala. Isipin ko pa lang kung ano ang maaring masamang mangyari sa kanya ay naiiyak na akong muli.
Para akong gago sa aking sitwasyon. Matapos ko siyang alipustahin sa harap ng mga kasamahan niya ay heto ako at hindi mapakali sa aking kinauupuan sa pangamba sa maaaring mangyari sa kanya.
Nang hindi ako makatiis ay tumayo na ako para hanapin siyang muli. Kung kinakailangan na magreport na ako sa pulis ay gagawin ko. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa aking gagawin, ang importante sa ngayon ay ang makita ko si Kyle.
Sinubukan ko munang hanapin si Sam, nagbabakasakali akong nakita niya na si Kyle. Natagpuan ko naman agad si Sam kasama ang karamihan ng mga empleyado ng kompanya na nag-iinuman sa kubo na cottage malapit sa dalampasigan. In-excuse ko siya sa mga kasama niya saka pribadong kinausap.
"Have you seen Kyle?", hindi ako sigurado kung makakakuha ako ng matinong sagot sa aking sekretarya dahil sa ayos nito ay masasabi mo agad na malakas na ang tama ng alak sa kanya.
"Kyle? You mean the 'faggot who knows nothing other than giving a good head'? In a simpler term, yung baklang magaling tsumupa, siya ba yung hinahanap mo boss?", sinisinok pang sabi ni Sam. Hindi ko na lang pinanasin ang sarkasmo sa pagsagot niya dahil naiintindihan ko naman kung bakit ganun siya makipag-usap sa akin ngayon. Hindi lingid sa aking kaalaman na close sila ni Kyle. Ilang beses na rin akong kinausap noon ni Sam na baguhin na ang pagtrato kay Kyle dahil naaawa na siya rito.
"Yes.", maiksi kong sagot.
"Whoa!!! Bakit mo siya hinahanap?", nakakalokong sagot sa akin ni Sam.
"I'm just worried, kasi hindi pa siya bumabalik simula pa kanina.", seryoso kong sagot.
"Uy, bago yan ha!?! Concern ka sa kanya?! Samantalang kanina kulang na lang ihampas mo yung mukha niya sa putikan para Señora Santibañez at Marimar ang drama ng pang-aapi mo sa kanya, gago ka ba sir?", ramdam ko ang inis sa pagsasalita ni Sam.
"Sam, please i need to know where Kyle is.", pagsusumamo ko kay Sam.
"Please mo muka mo! Di ba sabi mo kanina languyin niya mula Zambales hanggang Maynila para lang makuha niya yung pukinginang Usb na yon!?! Baka lumalangoy pa siya hanggang ngayon! Malayo kaya ang Maynila! Give him 24 hours, babalik din yun at for sure pagbalik niya di lang usb ang hawak niya, may dala na rin siyang resignation letter! At pangako ko sayo na kapag nangyari iyon, maghanap ka na rin ng bago mong sekretarya!", mataray na sabi sa akin ni Sam sabay talikod. Naglakad na ito pabalik sa mga nag-iinuman kaya wala na akong nagawa.
Hopeless na ang pakiramdam ko, naglalakad ako pero hindi ko alam kung saan ako papunta. Bumalik lamang ako sa realidad ng maramdaman ko ang paghampas ng tubig sa aking mga paa. Muling tumulo ang aking luha dahil sa frustration ko sa aking sarili.
Pabalik na sana ako sa kwarto ng may maaninag akong anino sa mabatong bahagi ng dalampasigan. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang marahan kong nilalapitan ang taong nakaupo sa malaking bato sa parteng iyon ng dalampasigan. Nang ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanya ay saka ko lang nakumpirama na siya nga ang taong hinahanap ko.
"Kyle....", pagtawag ko sa kanya.
Nakita kong nagtaas siya ng tingin mula sa pagkakayuko at tinapunan ako ng tingin pero hindi siya nagsalita. Kita ko mula sa liwanag ng buwan ang likidong dumadaloy mula sa kanyang dalawang mata.
Para namang binarahan ang aking mga baga habang nakatingin sa kanya dahil hindi ko siya kayang pagmasdan sa ganoong ayos. Hindi ito ang unang beses na makita ko siyang umiyak. Noon ay lumuluha ang mga matang iyon dahil kay Renz at kahit hindi ako ang may kasalanan noon ay labis pa rin akong nasasaktan sa tuwing nakikita siyang umiiyak. Pero triple ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil alam kong ako ang dahilan ng mga luhang umaagos mula sa kanyang mata.
*****Kyle*****
10:57 pm, Thursday
July 03
Nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na pagbigkas ng aking pangalan. Akala ko ay pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon pero kitang kita ko ang lalaking nakatayo limang hakbang lamang mula sa akin.
Pansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata nang tingnan niya ako. Gusto ko sanang maniwala na kaharap ko ng muli ang Aki na kilala ko.
"I know i owe you an apology.", itinuon ko ang aking tingin sa dagat nang magsimulang magsalita si Aki. "I never meant anything that i said earlier. I'm really sorry Kyle.", pagpapatuloy niya.
Iyon lamang ba ang kaya niyang sabihin? Hindi ko mapigilang mainis dahil sa aking mga narinig. Parang napakasimple o napakaliit na bagay lang ang nagawa niya sa akin.
"Yes i know, you never meant anything that you said. It was not your intention to hurt me when you said that i know nothing other than giving a blowjob. I'm sure you don't mean that.", pagsisimula ko. "Nung sinabi mo noon na you will always be there for me and that you can be my Kuya or my bestfriend, i know you never meant that."
"I'm sorry... I'm really sorry...", garalgal nang sabi ni Aki.
"Napaka-childish ko noon, kaya nang mag-away kami ni Renz ay naging napaka-miserable ko. Masaya ako na nagkita tayong muli ng mga panahon na iyon dahil kung hindi sayo ay baka mas lalo akong pariwara ngayon.", hindi ko alam kung bakit ko ginagawang ikwento ang mga bagay na ito kay Aki. Hindi ko nga alam kung sincere nga siya sa paghingi ng tawad, basta ang gusto ko ay mailabas ko lahat ng saloobin ko sa kanya sa pagkakataong iyon.
"You told me i can change. You made me realize na hindi naman pala ako ganoon ka-walang kwenta na kahit sino ay pwedeng magbago. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Sobra ko iyong ipinagpapasalamat.", hindi ko mapigilang maluha habang nagkekwento sakit ko na ata ang ganito.
"I went back to school to start setting things right. Pangalawa, gusto kong lumayo para pansamantalang makalimutan si Renz at ang magulo kong naging buhay sa Maynila. Oo, selfish ako kasi pati ikaw isinama ko sa mga taong gusto kong layuan. Hindi ko kasi magagawang kalimutan ang sakit sa tuwing makikita kita because i know you will be constantly reminding me of Renz. Alam ko mali at baluktot ang dahilan ko pero i was in so much pain. Desperado akong gawin ang lahat makatakas lang sa pait ng katotohanan. Isip bata ako noon. Hindi ko alam ang konsepto ng romantic love. Lalong hindi ko alam kung paano ang masaktan.", pagpapatuloy ko sa aking monologue. Naramdaman ko naman ang paglapit lalo ni Aki.
"Nagulat na lang ako isang araw bigla kang lumitaw sa university ng walang pasabi. Hindi ko ine-expect iyon at hindi ako handa kung paano ka haharapin. Sinabi ko na lang ang unang bagay na pumasok sa aking isip para lang maitaboy ka. I want to make things easy for me and that will only happen if you're not around. Nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong boyfriend ko si Lui kahit hindi. Pinalayo kita at pinamukha sayong hindi na kita kailangan pa. Itinaboy kita sa kabila ng lahat ng kabutihan at tulong na ginawa mo para sa akin nung mga panahon na akala ko wala nang pag-asa. Alam ko nasaktan kita dahil kitang-kita ko iyon sa mga mata mo. Gusto ko mang bawiin ang aking nasabi at pabalikin ka, ay hindi ko ginawa dahil naduwag ako."
"Mabilis na lumipas ang dalawang taon at nagbunga lahat ng ginawa ko. Naka-move on na ako mula sa nangyari sa amin ni Renz. Natapos ko ang aking pag-aaral. Natuto akong maging disiplinado. Nabawasan ang pagiging flirt ko. Inayos ko ang lifestyle ko. Halos kontento na ako sa lahat ng nangyayari sa akin lalo pa ng magka-ayos kaming muli ni Renz. Pero ang kapalit ng lahat ng iyon ay ang pagkawala ng isang kaibigan.", hindi ko mapigilang mapahikbi. Sobrang lungkot ang aking nararamdaman.
"Nawala yung kaibigan ko na laging nakangiti sa akin kahit na anong katangahan ang gawin ko. Nawala yung kuya ko na laging nagpapayo sa akin kapag hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawala yung Aki na napamahal na sa akin.", napayuko na lamang ako habang patuloy na nagsasalita.
"Nalulungkot ako sa tuwing nakikita kong galit ka o naiinis ka sa tuwing titingnan ako. Nagsisisi ako sa aking mga nagawa sa tuwing iniiwasan o tinatatanggihan mo ko na para bang may nakakahawa akong sakit. Naiinggit ako sa tuwing masaya mong kinakausap ang iba habang puro sermon ang inaabot ko sayo. Naiiyak ako sa tuwing tatratuhin mo ako na parang hindi mo ako kilala. Nasasaktan ako ngayon kasi ang baba pa din pala ng tingin mo sa akin.", naramdaman ko ang pagyakap ng mga braso ni Aki sa akin. Hinayaan ko lamang siya sa kanyang ginagawa at lalo akong napaiyak.
"I admit malaki ang kasalanan ko sayo at wala akong kwentang kaibigan. Pinagsisihan ko na iyon, Aki. I know you have all the reasons to hate me pero sana...", hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil sa aking paghikbi. "Sana, kahit konti lang, kahit paunti-unti matutunan mo akong patawarin. Kung hindi mo man ako kayang ituring bilang kaibigan mong muli, sana respetuhin mo ako bilang tao."
Nanatili lamang si Aki na tahimik na nakayakap sa akin. Hindi na rin muna ako nagsalita dahil hindi ko narin naman kaya pang maglitanya dahil sa aking paghikbi. Nasabi ko na din naman ang lahat ng gusto kong sabihin. Nang mahigit sampung minuto ay hindi pa rin nagsasalita si Aki ay ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Bumalik na po kayo sa kwarto para makapagpahinga na kayo sir, iwan niyo na lang po muna ako dito gusto ko po muna sana maging mapag-isa.", pakiusap ko kay Aki. Binalik ko ang dating kapormalan namin sa isa't-isa. Mukhang ganun na lang ang aming magiging turingan mula ngayon, boss at empleyado.
Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang yakap at ang marahan niyang pag-alis. Wala siyang sinabi sa akin at tahimik lang na naglakad palayo.
.....to be cont'd.....
Kelan po yung next I'm so excited
ReplyDeletegrabe eksena sa chapter na to..wawa naman si kyle..kaasar itong si aki....pero ganda ng story na ito..salamat at may update na ulit..sana may chapter 15
ReplyDeletena..excited na kasi ako...
rodel po...
Kawawa si Kyle hayyy napa iyak moko galeng hahaha...
ReplyDelete"Darkboy13"
anduwag lang ni Aki...
ReplyDeleteWow! Super ganda! I love it! Next na po please...
ReplyDeleteSeriously aki??? Move On! Crayon you left us hanging! Kelan ulit update mo?
ReplyDeleteGoodjob ! Kelan ang nxt ? Thanks author
ReplyDeleteAUTHOR'S NOTE:
ReplyDeleteayan... katatapos lang i-edit ng post pasensya na kung may mga typos, pa din... matatapos ko na po and chapter 15 & 16, so we'll be expecting that by friday nextb week....
salamat po sa lahat ng sumusubaybay sa story na ito.... ganun din po sa palagiang nagco-comment, hindi ko na po kayo iisa-isahin... thanks din sa mga silent readers...
feel free po to leave comments and feedbacks dahil nakakatulong po talaga siya sa aking pagsusulat at sa nagiging takbo ng istorya... :)
enjoy reading po...
Sa lahat ng nagtatanong kung kelan ang next update, Friday po next week... dahil jobless ako ngayon, matatapos ko na yung chapter 15&16...
ReplyDelete@rodel salamat sa comment... welcome to LSI family hehehe...
@Darkboy13 natutuwa naman ako na na-appreciate mo yung kwento...
@lyron batara check... :)
@j20green maraming salamat po...!
@sa lahat ng anonymous na nagcomment... thank you! masaya ako at nagustuhan nyo ang update natin ngayon... sa mga naiinis kay Aki, naiintindihan ko kayo, naiinis din ako nung sinusulat ko tong part na to... hehehe
happy reading po sa lahat!
I wish it was always Friday. Sana si Aki at Kyke. Mas gusto ko si Aki eh kesa kay Renz. XD
ReplyDeleteMYGASHES ! I'm superrrrr excited for the next chapters . AHHH . WHEN I WAS YOUR MAN :)) soooooooo much thank you kuya sir author :)))) GODBLESS Poooo :)
ReplyDeleteWhew! Ang bigat sa dibdib! Update na!
ReplyDelete-dufei-
uuuugggggghhhh! ang sakit sa dibdib.. kawawa naman si kyle...
ReplyDelete-arejay kerisawa
napaiyak ako.. haayyyyyyy.. ang sakit sakit talaga..
ReplyDelete-arejay kerisawa
sana biyernes na bukas
ReplyDeletethanks sa update!!
ReplyDelete-arejay kerisawa
thanks for the update..
ReplyDelete-kiko
Grabe luha q, ndi q mapigilan,, relate aq kay kyle, katulad nya aqng pariwara dati pero natuto din mag bago,, tagos sa puso,,
ReplyDeletegaling sobra!!!
Tnx sa update
-Hyacin
ano to? umiyak ako...huhuhu... Awang awa ako kay Kyle... nanggigigil ako kay Aki.
ReplyDeletebakit siya ganun? sana magresign na lang si Kyle... author sana sa susunod wag namang ganito ka heavy ang drama... talagang hikibi ako eh. pero ang ganda ng story.
I was just crying the entire time... HAhaha
ReplyDeletePara kong tanga! Umiiyak ako habang binabasa ko tong chapter na to! If I were in Kyle's shoes, magreresign nako. Ginawa naman nya ang lahat e, pero napakamanhid ni Aki. He's the boss & yet hindi malawak ang pang-unawa nya. Sya pa tong namamahiya sa empleyado nya; take note sa harap pa ng madaming tao. This is so much! So much!!! Grabe! Hindi nako makapag hintay ng "Next Friday"... hindi po ba pwede mapaaga ng konti? Sa Wednesday? (Luh? Demanding!!! Hahaha :D) This is one of the best stories I have read in this blog. Keep up the good work Mr. Crayonbox! You're one of the best! One wish lang po? Sana po mas maaga yung update ng mga susunod na chapters... soooo exciting kasi ng mag kaganapan. Yun lang po! (:
ReplyDeletesabi nga kung sino pa yung mahal mo siya pa yung nasasaktan mo ng lubos. hayyys!
ReplyDeleteang bad ni aki, fan pa naman ako ng tandem nila. :))) - yuji
KUYA CRAYOON. T,T
ReplyDeleteang bigat, d ko take, huhuhuhuhu masakit, ayoko na ata si aki, bat ginanyan mo sya. huhuhuhu. ayusiiin mooo ayusssiiiin moo.
-ichigoXD
Sana daily yung update~ inaabangan ko palagi tong story mo....
ReplyDeleteMatagal ko ng sinubaybayan ang story na to ang ganda... marami kng mapupulot na aral
ReplyDeletenice.. sobrang ganda..
ReplyDeletemarc
Gustong gusto ko ang istorya nina kyle.. keep up the great work po.. :)
ReplyDeleteCan't wait for the next chapters
Gustong gusto ko ang istorya nina kyle.. keep up the great work po.. :)
ReplyDeleteCan't wait for the next chapters
Hayyyy ang bigat ng chapter na to.... Grabehhhh ang sakit :(
ReplyDeleteso much disappointed sa attitude ni aki..
ReplyDeletewawa nman c kyle
cant help but cry, di ko alam bkit ako nakakarelate sa story na to, but thumbs up sa author, ang galing mo..
sna friday na agad agad..
<07>
I almost cried reading this chapter. Kyle doesnt deserve this kind of treatment from aki. He should tender his resignation. Thanks for the update author.
ReplyDeleteOH MY GOD MR. CRAYON... natatawa akong naiiyak.. kasi nsa office ako while reading it. nakakahiya sa co workers ko kasi may luha na.. hmmm i love it.. worth waiting for a week for this chapter.. aahhh bitin nman eh.. si author tlga.. hmmpf..
ReplyDeleteVIEN
Ibalik na kasi ng todo si Kyle kay Renz, at let Aki remain in the background na lang.. It hurts to see Kyle cry and be treated like that by a jealous person..
ReplyDeletei hate how aki act towards kyle, pero sila padin gusto ko magkatuluyan... hmm. i'm weird. :))
ReplyDeleteyou are really such a very good writer! keep it up! I cant wait for the next chapter. @_@
ReplyDeleteWILL
You're such a very good writer! Keep it up. I can't wait for the next chapter. @_@
ReplyDelete+WILL+
s totoo lang, I cried dahil s chapter na to.
ReplyDeletegrabe ang sakit n nramdaman ni kyle.
ang bigat ng chap na to.
hayy sana umalis n si kyle. tapos si aki sya nman ang mghabol s knya.
at mahirapan sna sya. tss.
haha! pro i still love AKI. ;)
-Ms.C
I dont know pero mas gusto ko parin c aki para kay kyle.anyway c aki naman tlga ang unang nagkagusto kay kyle. Sinulot lng ni renz.sna marealize ni kyle na mahal dn nya c aki higit sa isang kaibigan.
ReplyDeleteibang klaseng kaibigan tlaga c Sam, he he he. totoo tlaga. hmmmm , tlagang ang pagsisi ay laging nasa huli, now that the damage had been done at nsabi na lahat ni kyle kay aki ang kanyang nara ramdaman, sana magka auz pa din cla.kahit bilang frends na lng para hindi mabigat sa dibdib. pwede ba un Crayon? tnx and congrats sa npakagandang daloy ng story mo.keep up the good work!
ReplyDeleteHaayyysssss author pinaiyak mo aq sa chapter na ito....
ReplyDeleteKelan ung next...
Grabe!!! Mr. Author..hindi ko knya to. I was crying the whole time n bnbsa ko..wierd nga hindi ko pa nnn nraransan ang ganito pero damang dama ko...
ReplyDeleteANG GALIBG GALING MO TALAGA..ngayon lng ako ngcomment pero subaybay ko talaga to!!!
Keep up the good work ang sarap basahin ng kwento mo...
-pauljhon
Mr. Crayon, just want you to know n I'm a big fan of yours.grabe..ang galing galing mo.sinusubaybayan ko to simula pa lng.kaso di lang ako nkkpgcomment...
ReplyDeletewierd lang kc hndi ko pa nexperience to pero damang dama ko..ang sarap ang kilig at ang bigat ng mga dindala ng mga karakter mo...
Salamat!!! :)
Mr. Crayon idol n talaga kita..ang galing galing mo.wierd talaga kc hndi ko pa to nrranasan pero damang dama ko ang sarap, ang kilig at ang mga bigat n dindla ng bwat karakte sa story mo...
ReplyDeleteTHANK YOU AND KEEP UP THE GOOD WORK....
Mr. Crayon, just want you to know n I'm a big fan of yours.grabe..ang galing galing mo.sinusubaybayan ko to simula pa lng.kaso di lang ako nkkpgcomment...
ReplyDeletewierd lang kc hndi ko pa nexperience to pero damang dama ko..ang sarap ang kilig at ang bigat ng mga dindala ng mga karakter mo...
Salamat!!! :)
Mr. Crayon, just want you to know n I'm a big fan of yours.grabe..ang galing galing mo.sinusubaybayan ko to simula pa lng.kaso di lang ako nkkpgcomment...
ReplyDeletewierd lang kc hndi ko pa nexperience to pero damang dama ko..ang sarap ang kilig at ang bigat ng mga dindala ng mga karakter mo...
Salamat!!! :)
Mr. Crayon, just want you to know n I'm a big fan of yours.grabe..ang galing galing mo.sinusubaybayan ko to simula pa lng.kaso di lang ako nkkpgcomment...
ReplyDeletewierd lang kc hndi ko pa nexperience to pero damang dama ko..ang sarap ang kilig at ang bigat ng mga dindala ng mga karakter mo...
Salamat!!! :)
Hi po! I've been reading and anticipating for this. Nice work and definitely one of my favorite love stories. Aki or Renz, basta they would remain friends. GOD BLESS AUTHOR.
ReplyDeleteKahit kelan hndi k nagfailed s mga chapter m super s ganda
ReplyDeleteMr. Crayon nakanagnga na kami sa nxt post mo... matatapos na ang araw ng Friday ala pa rin huhuhuhu
ReplyDeletePaki post na plzzzzzzzz
asan na po ang update mr. crayon... friday na po.. huhuhuhu.. pa saturday midnight na wala pa ung next chapter...
ReplyDeleteasan na po ang update mr. crayon... friday na po.. huhuhuhu.. pa saturday midnight na wala pa ung next chapter...
ReplyDeletematatapos na po ang friday pero sn na po ung 15&16?=(
ReplyDeleteat dahil late si author mag post dapat 3 chapters ang i post nya kasi nganga tayong readers nya kakahintay buong friday... hehehe cge na Mr. Crayon..
ReplyDeletex0x0
Saturday na po. asan na po yung 15 & 16?
ReplyDeleteMr. Crayon Saturday na po! Nakatulugan ko na to kagabi kahihintay ng chapter 15&16 pero hanggang ngayon nganga pa din... dahil dyan may utang ka samen! :D dapat 3 chapter na ipost mo... Haha :D maghihintay pa din ako hanggang mamaya. Sana meron na mamayang hapon! (:
ReplyDeleteI'ved read a lot of stories here in MSOB, but this story is one that i've been totally hooked with. No kidding. i am one of the patient followers of Kyle's love story and I have to be honest, I was disappointed that it's already sunday, and there is still no update on the story yet, but on the upside, maybe Mr. Author would like to make up for this by posting more than 2 chapters at once:)))
ReplyDeletePlease Mr Author?
I know patience is a virtue, but we all know there's always a room for exception, and on that, I think I share the same sentiment with A LOT of your readers, commenters or otherwise.
- Pott
knock knock Mr. Crayon.. its Sunday already.. hehehe NGA NGA...
ReplyDeleteAng daya ni Mr. Crayon walang update. Sunday na po paasa much ang PEG. Binibitin kami
ReplyDeleteAng daya-daya ni Mr. author, sabi may update friday eh sunday na po walang update. paasa much ang PEG! tsk tsk tsk. . .
ReplyDeletematagal pa po ba mr author? pakiupdate na po.. hehe
ReplyDeletethis is the best story dito sa msob so far
Ang galing talaga ni Mr. Crayon!!!
ReplyDeleteNapapasubaybay talaga ako waahhh!!!
Kaasar si Aki,,, sinasaktan nya ang mahal nya,,, pero I'm sure mas masakit yun para sa kanya. Ang gulo lang ng Isip at Puso???
Pero Aki-Kyle padin ako...mas deserving si Aki ehhh,, since the start pa ng kwento, kasalanan din nman ni Kyle ehh,,,
-black.skull
magpapkamatay nako mr. author pag wla pa ding update. waaahhh!! huhuhu!!! bakit wala pang update? huhuhuhu!!! joke lang.
ReplyDeletetuesday na.. dapat 5 chapters ang ipost ni Mr. Crayon,, pampalubag loob sa mga readers... LOL <3 <3 <3
ReplyDeleteMonday na po..sabi nyo po Friday...huhuhu
ReplyDeletebt gnun. nagaaprove ng comment pero walang update or kht pasbe kng keln tlg nxt update,,maiintndhan naman kng my nangyre or my mga dpt iprioritze pero wag naman sna ung iignore,tsk
ReplyDeletemejo inis
ney
I agree with Ney. Sana naman po Mr. Crayon mag comment back naman po kayo kung kailan maipopost yung chaps. 15&16 para naman po hindi po kami nagmumukang shunga kakaintay/kakapablik balik para maicheck kung updated na. Kasi po nakakapag-approve po kayo ng comments e pero hindi man lang po kayo makapag comment back kahit isa lang (: sana po masundan na! Wednesday na oh? Sabi mo po Sunday? 3 days have passed pero ni-isang comment wala kung kelan mapopost yung next chaps... napaka intense pa naman ng susunod na chaps. nakakabiti! Sobra! Sobra! (:
ReplyDeleteAnyway, good luck & God bless. :*
More powers Mr. Crayon para maupdate na :D hihi...
Mew :*
Waaahhh!!! I can't take it anymooore!!!
ReplyDeleteBakit wala pang update??? Please Mr.Crayon!!! Update na!!! Hindi na ako makatulog ng maayos!!! Waaahhh!!!
Grabe din talaga mangbitin si Mr. Crayon, napakaeffective, proof na maganda talaga ang kwento. . .
-black.skull
Check ng pink na ballpen.. <3
ReplyDeleteWednesday na po.. nga nga pa rin..
baka naman po ang ibig sabihin ni Mr. Crayon eh friday next month?
ReplyDeleteIt's Friday again! Hoping na mamayang gabi may update na. 2 linggo kaming nganga kakahintay ng update mo Mr. Crayon kaya sana maiupdate muna mamaya! Sa may chaps 15&16 na mamaya. (:
ReplyDeleteMew :*
Friday na po! Sana 15 - 18 na. Pero okay lang din kung 15 & and 16 lang po. Sana mag-update na po kayooo. :)))
ReplyDeletewag na tayong umasa sa kahihintay... mapupuyat lang tayong pare-parehas...
ReplyDeleteNAKAKAWALANG GANA NA SI AUTHOR.. HINDI MAN LANG MAG COMMENT PARA SA KANYANG READERS NA SORRY OR PASENSYA NA AT WALA PANG UPDATE.
ReplyDeleteWE CAN UNDERSTAND IF YOU'RE REALLY BUSY BUT STILL HAVE A LITLLE DECENCY TO YOUR READERS AND GIVE SOME FEEDBACK..
-GOSH-
Nakakadisappoint! Yun lang! Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Mr. Crayonbox... kung kaylangan ba umabot ng 100 comments o magmukha tayong tanga lahat kahihintay sa 'wala'. Sayang! Magandang istorya pa naman to pero nakakaasar lang kasi walang isang salita si Mr. Crayonbox, sayang lang ang galing mo Mr. Author dahil hindi mo po nasususnod/natutupad ang mga salitang binitawan mo. :'(
ReplyDeletePero humohopia pa din ako na sana mamaya o bukas may update na... Sobrang nakakabitin! Lalong nagiging kaabang abang ang mga pangyayari. Good luck!
Ano ba yan until now wala pa update.. pero waiting pa din kmi
ReplyDeleteNakakainis!!! Hantagal ng Update!!!
ReplyDeleteX___X""
-black.skull
wala pa dn pa lng pasbe kng keln ang update,sir have respct to ur readrs,itz nt fair na mgmukang tanga kakahntay sa isng pangako na ndi kayang tuparin,pero mukang nageenjoy ka sa gnito,,wag sna lumake ulo mu at sna bumalek ka sa original goalz mu wc is mkapgshare ng talentz mu at maapreciate ka ng mga readerz kz bka one day gumicng ka wala ng gus2ng mgbsa ng s2ries mundi dhl panget ung kwen2,pero dhl ndi mu naaprici8 mga readrz mu,,gudpm sir
ReplyDeletedrawing lang din ata yung sabing update ni mr. author...hmft!
ReplyDeleteIts friday again..Mr. author san na po ung kasunod... plss papost na po.. plss..
ReplyDeletesori na... give me 30 minutes i'm already posting 15-18... :)
ReplyDeleteyesssss wooooohhhhhhooooo
Delete