Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Rocco Nacino
as CHONG
Yoon Shi
Yoon as ALFONSE
Credits of
the pictures used above goes to its owners.
You may
contact me on the email address given above for any complaints or concerns.
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 22
“Aregluhin niyo na lang, kaliit-liit na bagay…” Binalingan ng
tingin ng may katabaang pulis si Christie.
Inirapan lamang siya nito at ikrinus ang kanyang mga braso…”Over my
dead, oozing with sex appeal, body…” saka niya hinimas ang namumula niyang
baba.
Nanatiling tahimik si Chong,
datapwat hindi naitago sa kanyang mukha ang pigil na ngiti. Nakaupo siyang panatag
at tuwid, halos magkadikit ang mga binti habang nakapatong dito ang pinagdikit
niyang palad. Nasa tabi niya si Fonse na hanggang ngayon ay hindi pa rin
mapakali.
“Magrereklamo ka talaga?”
Hinarap siyang muli ni Christie.
“But of course. That’s my right as a citizen of this country!”
“Kahit na pwede ka rin niyang
ireklamo?” Nanlaki ang mga mata ng kanyang kausap. “Ako na nga ‘tong sinuntok,
ako pang maatraso, anong shit ‘yung manong?”
“Eh gumawa ka rin ng eskandalo
kanina eh. Pasalamat nga kayo hindi na kayo inireklamo ng manager ng mall…”
Marahang pinisil ni Fonse ang
balikat ni Chong at saka bumulong. “Chong, babayaran ko na lang… Tatawagin ko
na lang si Ronnie sa labas. Inasikaso na rin niya ‘yung mga taong nagkumpulan
at mga iilang kumuha ng video…”
Inilahad lamang paharap sa kanya ni
Chong ang kanyang palad at saka humarap ang huli kay Christie ng nakangiti.
Marahang inalis ni Fonse ang kanyang palad sa umupo ng tuwid. “Maari ba kitang
kausapin?”
Tiningnan lamang siyang patagilid
ni Christie, at saka ibinaling ang tingin sa pulis na parang natatakot. Nagpalipat-lipat
naman sa kanilang dalawa ang sulyap ng pulis habang nag-aayos ng upo na parang
naghahanda sa namumuong tensiyon.
Muling ngumiti si Chong. Inilabas
niya sa kanyang bulsa ang cellphone nitong C1 ang model, a 50 peso bill, at ID
nitong may lace mula sa isang call center company. Inilapag niya ang lahat ng iyon
sa mesa.
Tiningnan lamang nila Christie,
Fonse, at ng pulis ang lahat ng ginawa niya, tingin na may kasamang pagkunot ng
noo.
Magiliw at nakangiting tiningnan ni
Chong ang kaharap.
“Alam kong iniisip mong sasaktan
kita uli. Pero I assure you na hindi ko na uli gagawin iyon. Kung papayag kang
makipag-usap sa akin, tuluyan kong iiwan dito ang Company ID ko, cellphone ko,
at pera ko. That was the only money I have, at wala pa akong ginawang maniobra
sa phone ko. Wala pa ‘yang password at nandiyan pa rin ang SIM ko.”
Umayos ng upo si Christie habang
inaalis ang pagkakakrus ng kanyang braso. Unti-unting nawala ang pandidilat ng
kanyang mga mata.
“I want to apologize. Alam kong
mali na sinuntok kita, in the first place, I should admit that I was the one
who provoked you. Pero ginawa ko ‘yun HINDI dahil gusto kitang saktan, ginawa
ko ‘yun para mapigilan ka. You might find it offending, pero alam kong hindi ka
titigil kahit anong paki-usap ang gawin namin. Kung hindi ko ‘yun ginawa
malamang nabugbog ka na ng kasama mo…”
Sa halip na mainsulto’y tila
nabakas pa sa mukha ni Christie ang unawa. Nakakunot ang kilay niyang tiningnan
si Chong hindi dahil sa siya’y naguguluhan, kundi dahil naiintindihan niya ang
kaharap.
Lalong kumunot ang noo ng pulis
habang si Fonse naman ay nagbaba ng tingin.
“…I just want you to hear my side
of the story. We see every story in our own point of view, and we tend to tell
it based on how we understand it. Gusto ko lang maintindihan mo kung bakit ko
ginawa iyon. Hindi ko inaasahan na
pagkatapos mong marinig ang paliwanag ko ay iurong mo ang kung ano mang balak
mong isampang kaso laban sa akin. Hindi ko ginagawa ang lahat ng ito para doon.
Aminado akong nasaktan kita at para sa akin ay sapat na iyon para magsampa ka
ng kaso laban sa akin. Pero hinihiling
ko sana bago mo ituloy ang lahat ay pakinggan mo muna ako. Pagkatapos nating
mag-usap ay tatanggapin ko kung ano man ang magiging pasya mo, kahit na
makulong ako…”
Biglang nagbaba ng tingin si
Christie habang unti-unting kinakagat ang labi. “Okay lang ba kung dito na lang
sa loob.” Saka niya itinuro ang makipot na hallway malapit sa banyo.
Nagmamadaling pumunta si Fonse papunta
sa kanyang kotse. Gusto niyang siya ang magbukas ng pinto nito para kay Chong.
“No need to do that…” Natigilan si
Fonse sa kanyang binabalak. Si Chong na ang pumihit ng pinto. Walang kahit ano
mang mababanaag mula sa mukha ni Chong. Kung kanina’y napakaamo nitong hinarap
si Christie, ngayon ay para itong mannequin.
Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay
bumalik si Christie na natatawa at may ngiti sa labi. Parang naging magkaibigan
ang dalawa na parang hindi man lang siya sinuntok ni Chong. Hindi na rin niya
itinuloy ang balak na magsampa ng kaso.
“Mga bakla nga naman…” nasabi na
lamang ng pulis habang inaayos ang logbook at binubura ang ano mang detalye na
dapat burahin matapos ‘bigyan’ nila Fonse.
Katulad ng pulis ay walang
kaalam-alam si Fonse kung anong naging usapan ng dalawa at humantong sa ganoon
ang lahat. Maski kahit anong pahaging mula kay Chong ay wala siyang nakuha,
naging tahimik ito mula ng lumabas sa police station at duda rin siyang
magsasabi ito ng kahit ano. Maski kay Christie ay wala rin siyang nakuha, pwera
sa iilang salita na lalong nagpagulo sa isip niya.
“…Uy, ang swerte mo kay Chong…”
Tinangka niyang isukbit ang
seatbelt ni Chong, ngunit naunahan siya nito. Sinulyapan niya ang mukha ng
katabi. Walang siyang ibang napansin kundi ang mga malamlam at mapupungay niyang
mata.
“I…have something…for you…” sabi
niyang halatang bumubuwelo. Nanatiling nakatingin sa labas si Chong. Inilabas
niya mula sa kanyang bulsa ang maliit na kahong nababalutan ng velvet na tela
at binuksan.
Tumingin si Chong sa kahon. “…24
karat gold….” Kinilatis niya ito, maski ang pendant nitong initials ng pangalan
nila, saka siya ngumiti.
Tila nabuhayan si Alfonse. “Tsaka
binilhan din kita ng libro, andiyan ‘yung Para Kay B tsaka The Godfather.
Sinamahan ko na rin ng ibang classics. Sigurado ako magugustuhan mo ‘yun…”
Ininguso niya ang plastic sa tabi ng kanilang upuan.
Lalong nangiti si Chong. “Of
course, hindi ko tatanggapin ‘tong mga ‘to…” Inilapag niya sa compartment sa
harap ang maliit na kahon.
Sandaling natigilan si Fonse. Nakanganga
niyang tinitigan ang kaharap na nananatiling panatag. “Can…can we talk?” Nag-aalangan
niyang sinusian ang kanyang sasakayan. Umalingawngaw ang tunog ng makinang
pumuno sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
“Of course we would… That’s why I
sat here. Otherwise, umupo sana ako sa likod.” Sandali niyang sinulyapan si
Fonse. “…O di kaya hindi na ako sumakay dito…”
Walang ibang tunog na maririnig
kundi ang langitgnit ng gulong at ng daan at ang marahang labas ng malamig na
hangin mula sa air conditioner. Sa daan ay wala ng mga taong dumadaan. Maski
ang mukha ni Chong na nakita ni Fonse sa repleksiyon ng salamin ay walang ni
katiting na saya.
“Ihahatid na kita…”
Nanatiling nakasandal patigilid si
Chong. “I advise na ‘wag na. Pagdududahan ka sa bahay niyo. Kawawa si Ronnie,
siya lang ang sasalag sa lahat ng tanong…” Lumiit ang mga mata niya.
“Mag-charge ka na…”
Tiningnan lamang niya si Fonse nang
nagtataka.
“Sa tingin ko lowbat ka na. Your
parents should be calling you by now…” Kinuha ni Fonse ang Iphone sa kanyang
bulsa. Tinangka niya itong buksan, ngunit lumitaw ang paalalang kailangan na
itong i-charge.
“…Eh bakit ka sumakay, kung hindi
ka magpapahatid?”
Tiningnan siyang patagilid at
pailalim ni Chong. “…Because we need to talk…”
Ikinambyo ni Fonse ang kanyang sasakyan
sa tabi ng daan, malapit sa matataas na damo. Isinaksak niya sa outlet sa
harapan ang kanyang cellphone. Halata ang pinong panginginig ng ilapag niya ito
sa compartment.
“Let me explai…”
“Katulad ng sinabi ko kanina, I
don’t need any explanation. In verbatim, I know EXACTLY what just happened there…”
Singkit man ang mga mata ni Fonse
ay bakas pa rin dito ang lungkot, ang pagmamaka-awa. Wala siyang magawa kundi
ituon ang mga matang iyon kay Chong.
“…Dahil sa hindi ako nagrereply sa
mga text mo sa nagdaang isang buwan, tinotoo mo ‘yung panakot mong itetext mo
si Christie at aayain mo siyang makipagdate sa’yo sa MOA. You didn’t even
realize what you have done, but you send the text anyway. Then nagulat ka kasi
nakita mo si Christie na pakendeng-kendeng at patumbling-tumbling papunta sa’yo
sa loob ng mall. Saka mo naalalang nagtext ka pala sa kanya at naisip mong
isang malaking kagaguhan ang ginawa mo. Tapos napasubo ka na. Kumain kayo sa
isang Japanese resto, at duda akong nagkaron ng katahimikan ang ibang kumakain
din noong oras na iyon. Pagkatapos niyong kumain, niyaya ka niyang magsine. At
siyempre, dahil isa ka ring dakila pagdating sa ganyang larangan, alam mo na
kung anong mangyayari sa loob ng sinehan. Hindi ko lang alam kung sabrohan ka
ng buhay na octopus, o kung ano, pero umayaw ka. Kung hindi pa ako umawat,
malamang nakaratay na ngayon sa ospital si Christie at comatose, o nakasuhan na
kayo ng extortion at nasa diyaryo na ang mga pangalan niyo…” sarkastiko niyang
sagot. Umirap siya, “…magdadagdag ka pa ng detalye?”
Bumuntung-hininga si Fonse. “Chong,
hindi date ‘yun. Simula pa lang ng magkita kami, alam na niya iyon. Muntik ko
na siyang masuntok dahil grabe siyang makapulupot sa akin. Sumama lang ako sa
kanyang kumain dahil mukhang kailangan ko daw ng kausap…”
“Probably, nakita ko lang naman
kasi kayo ng papalabas na kayo ng restaurant…” Nandidilat ang mga mata ni
Chong, gayon pa ma’y hindi galit ang mababakas dito kundi sarkasmo. “At kung
gayon nga, malamang hindi naging malinaw ‘yung mga bagay na nilinaw mo sa
kanya…”
“Chong…I…I’m…” Lumuwag ang
pagkakahawak ni Fonse sa manibela. Unti-unting niyang kinuyom ang kanyang
palad.
“Of course, you should be…” Nakita
niyang tumingin sa labas si Fonse at pinalo ng marahan ang manibela. “Pero
kahit na hindi mo masabi, kahit na noo’y madali mong nasasabi ‘yang mga salitang
iyan, okay lang sa akin. In the first place, kay Christie mo dapat sinasabi
‘yan. Hindi ko kailangan ng sorry dahil hindi ko kailangan ipamukha sa’yo na
mali ka, dahil kahit na ipamukha ko sa’yong mali ka, nasa sa iyo pa rin
titingnan mong mali ka at kung itatama mo ‘yung mali mo…”
“Bakit hindi mo ako diretsahin,
galit ka ba?”
Biglang napangisi si Chong. “Anong
klaseng tanong iyan?”
Ibinaling niyang muli ang mukha
niyang bakas na ang pagka-irita. “Hindi ko kasi alam kung anong nararamdaman
mo, kung anong iniisip mo eh. Hindi ko alam kung natutuwa ka, naiinis ka,
nagagalit ka, nalulungkot ka, o kung meron ka nga ba talagang nararamdaman. Kanina,
ang amo-amo mong kinakausap si Christie, tapos bigla wala kang imik. Tapos
ngayon kinakausap mo akong parang alam mo lahat ng nangyari. You’re so
sarcastic, alam mo ba iyon…” Tumataas ang boses ni Fonse, ngunit halata pa rin
ang pagpipigil.
Ngumiti si Chong, ngumiti ng pilit.
Ang kanina’y malamlam niyang mga mata’y marahan niyang ipinikit at saka siya huminga.
“Kinausap ko ng maamo si Christie dahil kailangan ko siyang kausapin ng maamo. Dapat
ko ba siyang kausapin ng galit kung nakiki-usap na ako sa tao. Hindi mo ba
naisip ‘yun?”
Unti-unting nawala ang kanina’t
lungkot sa mukha ni Fonse. “Wow, sorry naman po. Hindi naman po kasi ako
singtalino niyo eh. Sorry naman po at mababa lang ang comprehension ko…” Ang
sabi niya sa malambing na tono ngunit nandidilat na mga mata.
“Look who’s being sarcastic now.”
Unti-unting ikrinus ni Chong ang kanyang mga braso. “Hindi mo kailangan ng 500
plus points ng IQ para maintindihan ‘yun. Pang-unawa lang ang kailangan para
malaman mo ‘yun. At kahit sinong taong may lamang karne ang loob ng bungo nila,
kayang umunawa, “ sabi niya sa kalmanteng boses.
“Can you please just cut your
sarcasm. Just get straight to the point!” Halos pasigaw na sabi ni Fonse,
kasabay nun pabalagbag na pagmuwestra ng kanyang kamay.
Natigilan si Chong, lalong humigpit
ang pagkakayakap ng kanyang mga braso sa kanya. Saka niya inayos ang kanyang
pagkaka-upo at humarap sa katabi. “Gusto mo talagang malaman kung anong
nararamdaman ko?”
Tiningnan lamang siya ni Fonse.
Lalong naningkit ang mga mata niyang karaniwang salamin ng saya.
“Katulad mo may nararamdaman din
ako. At hindi ako natutuwa, hindi ako nalulungkot, at hindi rin ako naiinis.
Nagmumukha lang na ganon dahil pinipigilan ko kung ano mang nararamdaman ko. At
alam mo kung anong nararamdaman ko, nagagalit ako. Nagagalit ako hindi dahil
nangaliwa ka, hindi dahil nakipagdate ka sa ibang tao, lalo na sa katulad pa
niya. Hindi ako nagagalit dahil sa iniisip mo. Alam mo kung bakit ako
nagagalit, nagagalit ako dahil napakababaw mo. Nagagalit ako dahil napakababaw
ng tingin mo sa akin. Nagagalit ako dahil iniisip mong madadaan mo ako sa plano
mong pagselosin ako. At nagagalit ako dahil napakababaw mo para GUMAMIT pa ng ibang tao…” Saka siya umiling, at
humingang malalim. Tila naubos ng pasigaw niyang boses ang kanyang hininga. “…Nagagalit
ako dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kilala…”
“Shit naman…” Hinarap niya si
Chong. Parehong bakas ang galit sa kanilang mga mukha. “…Hindi kita kilala?
Paano kita makikilala? Paano kita makikilala kung lahat ng text ko, lahat ng
messages ko, hindi mo sinasagot. Lahat ng aya ko ng date, inaayawan ko. At
ginagawa mo lahat ng iyan sa loob ng isang buwan. Pakiramdam ko wala naman
talagang namamagitan sa atin eh. Eh parang wala rin akong shota eh. Shit,
Chong! Shit!”
Inilihis ni Chong ang kanyang tingin
at saka huminga. “Alfonse nagtatrabaho ako. Nagtatrabaho ako kasi hindi ako
mayamang katulad mo. Hindi ako nagtatrabaho para magkaroon ng pangload at
makipagtext sa’yo, hindi rin para makapag-internet araw-araw at sagutin ang
messages mo. OO, wala kaming internet connection. At mas lalong hindi ako
nagtatrabaho para gumimik nang kasama ka! ‘Yung araw-araw kong ipangloload para
sagutin ang mga walang kwenta mong panlalandi, mas gugustuhin ko pang itabi na
lang sa ipon ko…” Humihigpit ang yapos ng kanyang mga palad sa kanyang hita. “…At
alam mo, mukhang hindi naman karelasyon ang kailangan mo eh. Alam mo kung anong
kailangan mo? Alila, alila na mag-aalaga
sa iyo, alilang magbababy sa’yo, na manlalambing sa’yo, na susubuan ka ng
pagkain, na isesentro niya ‘yung buhay niya sa’yo. Eh kung ganon naman pala
dapat naghanap ka na lang ng tao, binili mo siya at ginawa mo siyang alipin. Hindi
lang nakasentro ang buhay mo sa akin, at ang buhay ko hindi lang umiikot sa
buhay mo. May kanya-kanya rin tayong buhay na labas sa mga kalandian mo…”
Pinalo ng nakakuyom na palad ni
Fonse ang manibela. “Tangina! Hindi ko naman hinihinging palagi mo akong
samahan eh. Hindi ko naman gustong magdate tayo palagi eh. Minsan lang, kahit
isang beses lang. Bakit kahit isang beses lang hindi mo maibigay?”
“My God! I was working at a call
canter. Graveyard shift ako at day-off ko na lang ang pahinga ko. Isang araw
lang ‘yun at ngayon ‘yun. Tapos gusto mong magdate tayo? Bangag ka ba?”
“Paano ko nga malalaman ‘yan eh
hindi ka man nga nagrereply sa akin. Sana kahit pasabi lang na nagwowork ka sa
call center diba. Eh meron ba, WALA DIBA?” Nakalahad sa kanyang kaharap ang
dalawa niyang palad.
“Pero sana diba naisip mo man lang
na wala akong load, na wala akong pera, na wala akong oras. Kahit hindi naman
sa call center ang trabaho ko, kailangan ko pa rin ng pansariling oras. Gusto
mo bang mangutang ako para lang makipagkita sa’yo? Gusto mo bang gamitin ko
‘yung cellphone ng nanay ko para makipaglandian sa’yo? Siguro ikaw nagagawa mo
‘yun, pero ako hindi…”
“Wow, dapat kasi binigyan mo man
lang ako ng kakaunting IQ para naisip ko sana ‘yang mga iyan. At pasensiya ka
na rin ah, kase napaka-imoral kong tao!” Napa-iling si Alfonse. “Siguro nga
tama si Christie, tama siya na pinaglalaruan mo lang ako, na GINAGAGO mo lang
ako!”
Tumaas ang kilay ni Chong.
Tiningnan niyang patagilid ang kanyang katabi, at saka dahan-dahan at buong
pag-iingat niyang isinunod ang kanyang ulo. Ibinuka niya ng dahan-dahan ang
kanyang mga nakatikom na labi. “Alam mo,
tama talaga siya. Tama talaga si Christie na it takes one to know TWO, kahit na
one talaga ‘yan. Kasi, alam mo, sa ating dalawa, ikaw ang mas eksperto sa
panggagago. At hindi mo masasabing pangagagago lahat ng ginagawa ko, kung hindi
mo alam ang lahat ng ginagawa ng mga nanggagago, na siyang gawain mo…” ngumiti
siyang mistulang inaangilan si Fonse. “…Mas matatanggap ko pang sabihan mo
akong NANGGAGAGO kung nagpapabili ako sa’yo ng mga mamahaling gamit, ng house
and lot, at ng kung ano-anong pangmayamang SHIT! Tutal naman eh GINAGAGO kita
sa tingin mo, edi ituloy-tuloy ko na...” Saka niya pinihit at binuksan ang
pinto sa gilid niya.
Napalingon si Fonse. Naalis ang
pagkakapatong ng kanyang ulo sa kanyang kamao.
Hinablot ni Chong ang plastic na
gitna ng upuan at buong lakas niya itong itinapon sa damuhan.
Tinangkang pigilan ni Fonse ang
kanyang mga braso ngunit siya’y nahuli. “ANONG GINAGAWA MO?” buong lakas niyang
sigaw.
“GINAGAGO kita. Hindi ba’t GINAGAGO
kita?” Nakangiting sagot ni Chong. Saka niya iniabot ang kanyang kamay sa
compartment at inihagis ang kanyang bagay na naabot.
Lumulutang sa hangin ang hindi
kaliitang kahon na nababalot ng velvet na tela. Dahil sa hindi kabigatan,
lumapag ito ng malayo mula kila Chong.
“SHIT KA!!! Wala sa huwisyong
iniumang ni Fonse ang kanyang nakakuyom na kamao kay Chong.
Hindi katulad ni Christie ay
nanatili lamang si Chong. Nakatingin itong tuwid sa mga mata ni Fonse na
humihingal habang nakapukol sa mukha niya ang kamao ng kaharap. “Hindi mo
ituloy…” sabi niyang panatag habang kumukurap ng buong ingat.
Saka kumurap si Fonse. Paunti-unti
hanggang sa bumilis, tila naguguluhan sa pangyayari. Kasabay nito ang pagbaba
na kanyang kamao na unti-unting lumuluwag ang pagkakuyom. “I’m….I’m sorry…” ang
sabi niyang nakayuko.
Napangisi si Chong. “Nasabi mo lang
‘yan dahil wala ka sa sarili mo…” Lumabas siya mula sa sasakyan at dahan-dahang
isinara ang pinto ng sasakyan. Mula sa bintana’y nakita niya si Alfonse na
nakayuko sa manibela at tila umiiyak. Bigla siyang yumuko at mabilis na
naglakad.
Pilitin mang huwag umiyak ni Fonse
ay hindi niya magawa. Namayani sa loob ng sasakyan ang pagsinghot at pagpunas
niya ng uhog. Mahigpit niyang hawak ang manibela sa kanyang harap. Mula sa
ilalim nito’y banaag ang iilang luhang tumulo mula sa kanyang mata.
“Ang lungkot mo…” Tumabi sa kanya
ang may kaliitang lalaki, nakacheckered na polo, at may boses na halatang
kinulang sa testosterone.
Nahimasmasan si Fonse. “Ha?” Bigla
siyang napamasid sa paligid. Maingay. Maraming tao. Masaya. Nasa canteen siya,
may pagkain sa harap niya, at kaharap niyang upuan lamang ang bakante.
“…Sabi ko ang lungkot mo?” Sabi ni
Sir Villacruel bago sumubo
Napangisi siya. “Halata po ba
masyado?”
Inirapan siya ng kausap.
“Nakatulala ka kaya, tapos nakanganga…” Sandali siyang tumigil para lumunok.
“…Nag-away kayo?”
Sinulyapan ni Fonse si Sir
Villacruel, ngunit bigla rin niya itong iniiwas ng pababa.
“Anong nangyari?”
Tumingin siyang pailalim, parang
batang nagmamaka-awa.
“Ah hindi pala, sino na lang ang
may kasalanan?”
Tinuwid ni Fonse ang kanyang
pagkaka-upo at aligagang sumagot. “…Siya…”
“Naku, I’m over that…” sumubo muli
ng pagkain si Sir Villacruel habang umiirap.
Muling bumagsak ang mga balikat ni
Fonse.
Napangisi ang kanyang kaharap.” Oh,
bakit hindi ka mag-sorry…”
“Hindi daw niya kailangan ng sorry
ko. Kahit daw sabihin kong sorry, sa akin pa rin daw magmumula ang realization
na mali ako, at kung itatama ko ‘yung mali ko…”
“Alam mo hindi ko alam kung
sasabihin kung swerte ka, o malas ka kay Chong…” Biglang nag-angat ng tingin si
Fonse. “…Pero ang masasabi ko lang, may tama siya…”
“Eh anong gagawin ko…”
“Edi ipakita mo sa kanyang you’re
sorry. Parang ‘I Love ‘You’ lang ‘yan, hindi lang sinasabi, ginagawa rin…”
Nakakunot ang mukha ni Fonse na
tila nagtatanong.
“Ipakita mo sa kanyang narealize mo
‘yung mali mo, at gagawa ka ng hakbang para baguhin ‘yun. Pero first kailangan
niyo munang mag-usap…”
Biglang siyang nagbaba ng tingin at
inikot ang mga mata. “Eh, paano?”
Napabuntung hininga si Sir
Villacruel. “Edi kausapin mo siya! Alfonse, maglunch ka muna, gutom lang iyan…”
Dali-daling umupo si Fonse sa
kanyang upuan matapos gawin ang kanyang plano. Nag-ipit siya ng kulay pulang
papel sa bag ni Chong na makikita niya sakaling kumuha siya ng gamit.
Chong,
Hindi ko alam kung bakit ko ‘to
ginagawa. Kadalasan kasi ‘yung mga shota ko ang naghahabol sa akin. Hindi rin
ako sanay na ginagawa ‘to, pero pakiramdam ko, kailangan at gusto ‘tong gawin.
Pwede bang mag-usap tayo sa likod
ng Eng. Building? Doon sa may mga green na upuan, doon sa lugar kung saan mo
ako sinigawan. Please, sige na…
I’m sorry…
Alfonse
Pagkabasa
nito’y tumayo si Chong at lumabas. Sinubukang aninagin ni Fonse ang gagawin
niya habang nasa upuan upang hindi mahalata. Nakita niya itong nilamukos ang
papel at itinapon ito sa basurahan.
Napa-upo na lamang siyang tila
napakabigat ng katawan. Sinubukan niyang tingnan si Chong pagpakapasok, ngunit
kahit isang sulyap ay hindi siya pinukulan. Naupo itong panatag, dahan-dahan,
at buong pag-iingat. Pagkalingon niya sa kaliwa’y nakita niyang nakatingin sa
kanya si Alfred habang nakasalumbaba. Nag-iwas ito ng tingin, na kanya namang
ipinukol kay Chong, at saka nagbaba ng tingin at pabalagbag na naglipat ng
pahina sa kanyang notebook.
Wala siyang aasahan. Kilala niya si
Chong, o kilala niya ang bahagi ng pagkatao niya. Sa hindi malamang dahilan,
alam niyang sa muli, sa malayuan na lamang niya uli masisilayan si Chong. Sa
malayuan na lamang niya makikita ang mukha niya, habang sinusuklian ng ngiti
ang pagbati ng nakararami, habang unti-unting nawawala ang ngiting iyon kung
magtatagpo sila. Sa malayuan na lamang niya masasambit ang gusto niyang
sabihin.
“Bakit mo ako gusto?” Naalala niya ang tanong ni Chong
noong una siyang dinala nito sa mga sementong upuan na kulay luntian. Ipinadaan
niya rito ang mga palad niyang naalala niyang nanginginig habang matamang tinitingnan
ni Chong.
“Bakit mo ako gusto?”
“Bakit nga ba kita gusto?” saka
siya napangisi. “Ma-pride ka, sobrang talino mo, halos malaman mo kung anong iniisip
ko, nakapa-ilag mong tao, hindi ka naman kagwapuhang katulad ko, parang wala
kang nararamdaman…” Biglang kumuyom ang mga palad niyang yinapayos ang
sementong upuan. “…Parang wala kang puso…ang sama mo…”
“Pwede, walang mga dahilan na ‘Because
you made me smile everyday and you made me feel all the happiness in
life there is,’ na ‘Because you showed me the real meaning of LOVE and you made
me feel it,’ at lalo nang ‘Your presence in my life gave a new dimension to my
existence.’ Ha, pwede?”
Napangiti siya. “Ano bang gusto
mong dahilan? ‘You are my life,’ pwede na ba? Halos lahat ng babaeng niligawan
ko, tinatanong ako ng ganyan. Kapag tinatanong nila ako, laging alam ko kung
anong isasagot. Laging may handa akong panloko. Pero bakit sa’yo hindi ko alam
ang isasagot. Hindi ba’t kapag binibigyan
natin ng kahulugan ang isang bagay ay saka ito nawawalan ng kahulugan…”
Nag-aagaw na lila at ginto ang
kulay ng langit. Dinadala ng malakas na ihip ng hangin ang ilang tuyong dahon
at ang samyo ng nagdaang tag-init. Lumilitaw sa langit ang napakadaming bituin,
datapwat hindi ganoon kaliwanag. Kung gaano kadami ang naglilitawang malamlam
na bituin ay siya naming nadarama niyang kalungkutan.
Siya na lamang ang tanging naka-upo
sa mga luntiang upuang iyon.
“…kunsabagay, iyon naman talaga ang
gusto mo, ang mawalan lahat ng kahulugan…”
At ilang hakbang napaka-ingat ang
bumasag sa katahimikan ng lugar na iyon. Nag-angat ng tingin si Fonse, at saka
ngumiti ng mapait.
Tinitigan lamang siya ng lalaking
nakatayo sa kanyang tabi. Saka ito kukurap ng dahan-dahan at napaka-ingat. Kahit
anong ngiti’y walang mabakas sa kanyang mukha.
“Akala ko hindi ka na pupunta…”
Nanatailing nakatayo si Chong.
“Hindi mo pa rin ako kilala…” At saka siya napangisi.
“Makikilala rin kita, kung papayagan mo lang ako…”
“…Kung gagawin iyon, hindi ko na mapipigilang mahulog sa’yo.”
“Sana mapatawad mo ako…I’m sorry…”
Nagbaba siya ng tingin.
Ngumiti siyang pilit. “Hayaan mo na
iyon. ‘Wag mo na lang uulitin sa iba…”
“Uulitin…sa iba…” Bakas sa mukha
ni Fonse ang pagtatanong.
Nagtama ang kanilang mga tingin.
Ngumiti ng mapait si Chong.
Walang nagawa si Fonse kundi yumuko
at pigilang tumulo ang kanyang mga luha.
Saka niya narinig ang langitngit ng
mga yabag at mga tuyong dahon.
“…tapos na ang lahat…”
“Oh…” Nagitla si Fonse at nag-angat
siya ng tingin. Nakatayo pa rin si Chong sa kanyang harap, tangan-tangan ang
plastic ng mga librong itinapon niya mga isang buwan na ang nakalipas.
“Kunin mo na…” Ngumiti siya ng
maaliwalas. Nanlalaki ang mga matang tiningnan lamang siya ni Fonse habang
kinukuha ang mga plastic.
“Tsaka…” Binuksan niya ang kanyang
gray na body bag at mula dito ay inilabas niya ang isang kahong nababalutan ng
kulay pulang velvet. Binuksan niya ito. “..eto…”
Nasilaw si Fonse sa repleksiyon ng
liwanag mula sa kwintas na iyon. Iyon ang kwintas na binili niya para kay
Chong. Tiningnan niyang nagtataka si Chong, ngunit ningitian lamang siya nito.
Nagbaba ng tingin si Chong. “Hindi…Ginagawa
ko ito hindi dahil gusto kong ipagpatuloy ang kung ano mang namamagitan sa
atin. Ginagawa ko ito, kasi alam kong mali ako. Hindi ko dapat ginawa iyon.
Siguro nga, kahit isang text, dapat nagreply ako sa iyo. Dapat hindi ako
sumigaw, kahit ‘yun ang nararamdaman ko…” Natigilan siyang sandal. “Dapat hindi
ko itinapon ang mga iyan… I’m sorry. I’m really sorry…”
Tiningnan lamang siya ni Fonse
habang nagsasalita. Lumakas ang ihip ng hangin at unti-unting dumilim ang
langit.
Inayos ni Chong ang kanyang bag at
isinukbit itong mabuti. Tumalikod at sandaling tumigil. Pinipigilan niyang
huwag bumuntung-hininga, ngunit hindi niya mapigilan.
Saka niya nadama ang dantay ng isang kamay na yumayapos
sa kanyang kanang kamay.
Nilingon niya ito. Una sa kanyang
kamay, pangalawa sa humahawak sa kanyang nito.
Nakangiti ng maaliwalas si Fonse habang
hawak niya ang kamay ni Chong. Ang mga mata niyang dati nang singkit ay lalong
naingkit dahil sa tuwa. Sinuklian lamang niya ng pagtataka ang ngiti ni Fonse.
“Bakit? Six months na tayo diba?
Pwede na tayong magholding hands…” Saka siya muling ngumiti ng buong saya.
Napangisi na lamang si Chong,
marahang ngisi na galling sa puso. Tumabi siya kay Fonse, kinuha ang maliit na
kahon at binuksan ito. “Alam mo palpak ‘yung pinagawa mo…”
Lalong nangiti si Fonse. “Bakit?”
Inangilan lamang siya ng katabi. “Hindi
dapat ‘CF’…”
Kumunot ang noo ni Fonse. “Eh ano?”
“Dapat ‘FC’ – Feeling Close…” at
saka siya humagikgik.
“Ah ganyan pala ang gusto mo ah…”
Saka niya kiniliti si Chong.
“Edi gantihan…” Isunukbit naman
niya kay Fonse ang kanyang braso at umaktong sasakalin siya.
Ang kanina’y tahimik na lugar ay napuno
ng halaklak. Nakatunghay sa langit ang mga bituing kanina’y malamlam.
Unti-unting kinakain ng dilim ang maliwanag na langit.
-----------------------------------------------------------------------
“Oh kamusta ang Chong ko…” saka
inangkla ni Fonse ang kanyang braso sa leeg ng kausap.
Nanatiling nakayakap kay Chong ang
kanyang mga braso. “Eto gustong manuntok…”
Dali-daling inalis ni Fonse ang
kanyang braso mula sa leeg ng katabi.
Nilingon siyang nagtataka ni Chong
at saka siya tiningnan ng patagilid. Nakita niya si Fonse na nanlalaki ang mga
singkit na mata. “Joke lang…” At unti-unti, sa mukha niya'y nabakas ang isang ngiti.
Napangiti si Fonse at nag-aalangan siyang lumapit muli kay Chong. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang braso.
Walang pag-angal na nagmula kay Chong. At tuluyan niya siyang inakbayan.
Nagpatuloy silang maglakad.
Ang sweet
ReplyDeletewahahahahaha this story makes me crazy! hahaha
ReplyDeletethis story makes me crazy in love. hahaha update soon .pls
ReplyDeleteNice one..
ReplyDeleteGusto kong malaman ang point of view ni chong. Feeling ko mas kilig. Feeling ko malandi din tong c chong eh. Nagtatapang-tapangan lng sya.
ReplyDelete-hardname/
Sa ending pa 'yun mangyayari...
DeleteSobrang galing. Kakaiba. Saludo ako sayo.
ReplyDelete-james :-)
cute cute cute tlaga nito I LOVE IT!!! SAN I POST ITO SA WATTPAD :))
ReplyDeleteSana maraming magbasa nito para ganahan c author mag-update. :-(
ReplyDelete-james
Ang lalim ng love story na ito... Hahahaha. Pero napapaiyak parin ako...
ReplyDelete