THE BODYGUARD
A novel by: Joemar Ancheta
Lumaki si Justine sa hirap. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga kamag-anak para lang makatapos sa pag-aaral ngunit hindi isang kadugo ang itinuring sa kaniya kundi isang alila. Nagtiis siya para sa pangarap niya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Gusto niyang maiahon sila sa hirap. Ngunit may madilim siyang nakaraan dahil sa pang-aabuso ng mga taong noong una ay pinagkatiwalaan niya. Ang masakit ay kung sino pa ang pinaghandugan niya ng respeto at tiwala ay sila yung gumawa ng hindi niya masikmura kaya sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa mga katulad nila. Nabuo ang galit at hindi niya iyon nakakayanang kontrolin sa tuwing nakakakita siya ng mga alanganin.
Para sa kaniya, tagumpay na ding maituturing ang pagtatapos niya sa PNP lalo na nang nabigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ng Pangulo ng Pilipinas. Ikakasal na siya sa kaniyang katipan na mahal na mahal niya. Abot kamay na niya ang pangarap na noon pa niya gustong makamit.
Ngunit paano kung ang inililigtas niya sa kapahamakan at siya niyang binabantayan para mapabuti nito ang kaniyang buhay ay katulad din pala ng mga taong umabuso sa kaniya noon? Paano niya buum-buong ibibigay ang kaniyang serbisyo? Paano niya pipigilan ang kaniyang nagwawalang damdamin?
Si Liam ay anak mayaman. Isa siya sa mga kinaiinggitang may ginto na sa labi bago pa man siya iniluwal sa mundo. Sunod ang layaw, lumaking lasap ang karangyaan. Lahat ng maiibigan madali lang niyang makamit. Ngunit noon pa man ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa kaniyang pagkatao. Dahil sa kaniyang pagmamahal sa pamilya ay minabuti niyang kumilos sa kung ano ang naayon sa kaniyang kasarian. Natatakot siya sa mapanlait na mata ng lipunan.
Ang tingin sa kaniya ng kanilang pamilya ay “Black sheep” at laging may dalang gulo at kahihiyan sa pamilya. Sa tuwing lumalabas ay siguradong may iuuwing balitang sumisira sa reputasyon ng kanilang pamilya. Lahat sinusubukan, alak, sigarilyo, droga at babae. Ngunit laging may kulang, lagi siyang may hinahanap. Bilang kaparusahan ay kailangan niyang maranasan ang buhay ng mga mahihirap. Buhay na hindi niya kailanman pinagdaanan.
Dahil doon ay pumasok sa buhay niya si Justine. Tanging Bodyguard na pinagkakatiwalaan ng Daddy niya ang siyang lagi niyang makakasama sa malayong probinsiya na walang kuryente at pahirapan pa ang komunikasyon.
Hindi siya makkatagal sa ganoong buhay. Kailangan niyang takasan ang mahigpit niyang Bodyguard, ngunit paano kung may nararamdaman na siyang paghanga sa akala niya ay nagbabantay para sa kaniyang kaligtasan? Paano niya tatanggapin ang pagiging iba ngayong tinutupok na siya ng iniiwasan niyang damdamin. Ang masaklap pa ay ikakasal na sa babae ang lalaking tanging minahal niya. Ang lalaking pinangarap niyang dumating ngunit malabong siya ay papansinin dahil sa paniniwalang isa siyang tunay na Adonis. Saan siya dadalhin ng pagmamahal na ito? Kailangan ba niyang ipaglaban sa kawalang pag-asa o kailangan niyang kalimutan at hintayin ang talagang para sa kaniya?
Samahan ninyo akong muli sa kakaibang kuwento ng pag-big ng katulad nating nasa gitna. Alanganin man tayo ngunit may kuwento naman tayong bumubuo sa ating pagkasino.
ABANGAN PAGKATAPOS NG ATING NOBELANG IF IT'S ALL I EVER DO SA BLOG NA ITO…..
Excited nko! ^^,
ReplyDeletekailan po uumpisahan ito?
ReplyDeleterhon
Next week po siguro yan...ganda pa kasi ng If It's all I ever do e...pero ayon sa author magfifinale na din...
ReplyDeleteHmmmn sounds interesting. .ipost na yan agad agad :)
ReplyDeletesana mapost NA to at sana may update na din sa mumu sa library :'(
ReplyDeletetonix
Di ko ma-open ang blog. SOS
ReplyDeletePa invite naman po sir
ReplyDelete