Followers

Wednesday, September 25, 2013

MUMU Sa Library 11 & 12

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Part 11
"NAYNAYYY!!!" palahaw ni Kaiicen,kinabahan ako,ako ang unang tumayo at tumakbo palabas papunta sa quarters nila,alam kong kasunod ko sina Papa.
Pagbukas ko ng pinto walang tao sa sala. Panigurado nasa kwarto sila.
"Naynay! Bakit mo ako iniwan?! Ikaw lang ang pamilya ko,ikaw lang nagmahal sa akin,mahal kita naynay! Bakit mo ako iniwan?! Naynay!!" pagbukas ko ng isang pinto ay yon ang nabungaran namin,yakap yakap ni Kaiicen ang wala ng buhay na si Naynay at panay iyak sya habang kinakausap ito. Parang may bumara sa lalamunan ko at kumirot ang dibdib ko sa eksenang naabutan namin,nilingon ko sina Papa,bakas din sa kanila ang lungkot,si Mama Prue lumuluha pati si Chichi,ganun din ang iba naming kasambahay. Napakabigat,parang pati ang hangin sa paligid ay kumapal at bumigat.

"Naynay! Gumising ka dyan! Huwag mong gawin sakin to! Ikaw lang ang meron ako! Naynay! Pano na ang birthday mo? Pano na ako? Ikaw lang pamilya ko,ikaw lang nakaka alam ng totoo kong pagkatao! Naynay! Gumising ka!" pag luluksa pa din ni Kaiicen,hindi ko na kinaya ang bigat sa dibdib,nilapitan ko sya at niyakap,kahit parang hindi nya ako pansin ay ayos lang,basta maramdaman nyang nandito lang ako at hindi ko sya iiwanan.
"Tatawag na ako sa Morgue,ilayo nyo muna si Kaii kay naynay" ani Papa.
"Huh? Hindi pwede! Hindi nyo pwedeng ilayo sa akin si Naynay! Sasamahan ko sya! Naynay!!" nagwala na si Kaiicen,ayaw ko man syang pwersahin pero wala kaming choice,lumapit na si Kuya Zander at kuya Kebin para tulungan akong ilabas sa kwarto ang nagpupumiglas na si Kaiicen,naaawa ako,parang dinudurog ang puso ko sa nakikita kong sitwasyon nya.
"Ano to? Gero!! Tulungan mo ako! Inilalayo nila ako kay naynay!! Kuya Kebin! Kuya Zander bitawan nyo ako! Maawa kayo sakin! Hindi ko pwedeng iwan si naynay!!" pagwawala pa din nya habang inilalabas sya,napayuko ako,ayaw ko syang tingnan baka pati ako maiyak,bumalik ako sa kwarto, nakita kong kinumutan ni Tito Khyron ang bangkay ni Naynay.
-----
Limang araw binurol si Naynay,limang araw na ding wala sa sarili si Kaiicen,hindi kumakain,hindi kumikibo,hindi nagsasalita,tahimik lang syang naka upo sa tabi ng kabaong,minsan lumuluha na lang bigla. Wala kaming magawa,walang makakausap sa kanya kahit ang tropa. Ipinagbigay alam ko pa ito sa school, nakiramay ang iba, pumunta pa nga si Kheem,inis man ako ay pinabayaan ko na,ganun na lang ang gulat namin ng yakapin nya ito tas umiyak din sya. Yun ang pinagtaka ko,kung si Kaii maiintindihan ko talaga,pero sya? Bakit sya umaasta ng ganun.
Nakatingin lang ako sa kanila,napatingin sa akin si Kheem,bumitiw sya ng yakap sa walang imik na si Kaiicen,hinaplos nya din muna ang salamin ng kabaong ni Naynay.
"Pagkatapos ng libing mamaya ni Naynay ay kukunin ko na ang kapatid ko" anito ng lumapit sa akin na sadyang ikinabigla ko at ng pamilya ko pati ng tropa.
"Baliw ka ba? Pagkatapos mo syang insultuhin,ngayon sasabihin mong kapatid mo sya at kukunin mo sya? Hindi ako papayag!" galit kong sabi. Ano to? Bigla syang susulpot at kukunin sa akin si kaiicen? Nasisiraan na sya ng baet!
"Alam kong galit ka pero sana mapatawad mo ako,hindi ko din naman alam nung una kung hindi mo pa binanggit ang pangalan nya sa mall,at ang pinaka katibayan nyan ay ang mga kwintas namin,maintindihan mo sana,matagal na naming hinahanap ang kapatid ko" buong pagpapakumbabang sabi ni Kheem,pero hindi ako basta basta nagpadala,hindi ako basta basta magpapa uto sa kanya.
"Sa iisang taon lang kami isinilang ni Kaii,magkaiba ang mga ina namin,ang nanay nya ay nabuntis ni Papa na katulong namin,sa takot ni Papa ay pinaalis nya ang nanay ni Kaii at binigyan ng pera pero hindi ito sumunod,naging sandigan ng nanay ni Kaiicen si Naynay na dati daw naming mayordoma,takot si Papa kay Lolo at ayaw ni Lolo na magka apo sa isang katulong,itinago ni Papa ang nanay ni Kaiicen sa tulong ni Naynay,pero namatay ito pagkapanganak sa kanya,nagpasya si Naynay na ilayo si Kaii dahil nagwawala na si Lolo ng malaman nyang nabuo pa din ang bata,itinakas ni Naynay si Kaiicen sa takot na baka mapahamak ito,ngunit bago umalis ay isinuot ni Papa kay Kaiicen ang kwintas na gaya ng sa akin na pinagawa noon ni Lolo para balang araw daw ay may pagkaka kilanlan kay Kaiicen,namatay na sina Mama at Papa,si Lolo may sakit at nagsisisi sa mga nagawa nya kaya pinapahanap nya ang kapatid ko" mahabang kwento ni Kheem,bigla tuloy ako nagdalawang isip na wag pumayag sa sinabi ni Kheem,sino ba ako? Anong laban ko sa kapatid at pamilya? Nawalan na ng mga magulang si Kaii ipagkakait ko pa bang makilala nya ang mga Ongpauco at ang kapatid nya?
"Sana naiintindihan mo ako Gero" malungkot na sabi ni Kheem at nilingon ang tulala pa ding si Kaiicen.
"Anak,pabayaan na natin si Kaii sa pamilya nya,karapatan nya iyon,kailangan nya ang pamilya nya" ani Papa. Parang gusto ko maiyak,bakit parang ang bigat at ang hirap para sa akin na ilayo sakin si Kaii? At bakit ako nasasaktan? Diba nga kaibigan lang naman ang tingin ko sa kanya at saka gusto ko syang tulungan? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Napatingin ako sa pamilya ko,sa tropa,at kay Kaiicen,at wala sa sariling napatango ako.
Ng mailibing si Naynay ay bumuhos na naman ang luha ni Kaiicen,nagwawala na ito,isinisigaw na sasama daw sya kay Naynay pero hinahawakan sya nina kuya Zander at Kheem.
Ang sabi ni Kheem pagkalibing ni Naynay ay kukunin na nya si Kaiicen,pero umuwi muna sya para ipaalam ito sa lolo nya,kami din ay umuwi na,inihatid ko pa si Kaiicen sa quarters nila para makapag pahinga sya saglit,nagbihis ako at binalikan sya para ako ang mag impake ng mga damit nya pero wala sya. Hindi ko sya makita. Bumalik ako sa mansyon at pinagtatanong ang mga kasambahay namin kung nakita nila si Kaiicen pero maging sila ay nagtataka,dun na ako nataranta at nag hysterical, nagsisigaw na ako,sinisi ko sila kung bakit hindi nila binantayan si Kaiicen.
Dumating si Kheem at sinabi namin ang nangyari,kaya agad kaming sumakay sa kotse nya at naghanap sa buong lugar,ngunit ginabi na lang kami ay bigo pa din kami.
Lalong bumigat ang pakiramdam ko,parang gusto ko ng sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari.
Isang linggo,dalawang linggo,isang buwan,,hindi ako tumigil sa paghahanap,hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita si Kaiicen,pinapagalitan na ako nina Papa pero hindi ako nakikinig,mahalaga sa akin si Kaiicen,at dun ko narealize na mahal ko pala sya kaya ako nagkakaganito.
Lumipas pa ang isang linggo,nakatulala lang akong nakahiga sa kama ko,pati pag aaral ko medyo napapabayaan ko na.
Iniisip ko pa din si Kaiicen,miss na miss ko na sya,ang tawa nya,mga banat at biro nya,ang pagba-blush nya pag kinikindatan ko sya. Haay Kaiicen nasan ka na?
Nasa ganoon akong pag iisip ng mag ring ang cp ko,unregistered number at mukhang international kaya sinagot ko agad.
"Hello? Who's this?" ang walang gana kong sabi.
"Its me,Kheem"
"Oh napatawag ka? Anong balita? Naghahanap pa din ako hanggang ngayon,hindi ako susuko" nanikip ang dibdib ko dun.
"I found him already,I want you to know that he's in good hand at huwag ka ng mag alala"
Sa narinig ko ay para akong nabuhayan,bumilis ang tibok ng puso ko,nagkaroon ako ng pag asa.
"Talaga? Pwede ko ba syang makita? Pupunta ako dyan!" excited kong sabi at bumangon na sa pagkakahiga.
"No need,nandito kami sa States"
"Huh? Bakit? Anong ginagawa nyo dyan?" taka kong tanong sa kanya.
"Matindi ang epekto sa kanya ng nangyari sa buhay nya at ng pagkawala ni Naynay,parang pati sya namatay,walang kakilala o nakikilala,natrauma,sabi ng doctor sa kagustuhan nyang maalis ang sakit na dulot ng masasamang pangyayari ay nagawa din nyang kalimutan ang nakaraan,kaya nandito kami para ipagamot sya at ipatherapy, tatawag na lang ulit ako para iupdate ka" at naputol na ang tawag. Nanlambot ako. Tuluyan ng nalayo sa akin si Kaiicen,nabura na ako sa alaala nya.
"Oh?! Lumuluha ka na naman mag isa dyan! Si Kaiicen na naman ba iniisip mo?" ani Kuya Kebin na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan,pasimple kong pinunasan ang mga luha ko,sa mga nagbalik sa aking mga alaala ni Kaiicen hindi ko pa din mapigilang malungkot,parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Pasensya na kuya,may kailangan ka?" ngumiti ako at inayos ang mga papeles sa mesa ko,nandito kami sa kumpanya namin.
"Insan anim na taon na nakakaraan,kalimutan mo na si Kaii,kung nasan man sya,masaya na sya sa pamilya nya,sa mga Ongpauco" seryosong sabi ni Kuya Kebin.
Napa buntong hininga ako,anim na taon na pala akong umaasa,siguro hindi pa din bumabalik ang alaala nya? O nasa ibang bansa pa din sila? Wala akong balita sa kanya,ang huling tawag ni Kheem ay nung magsisimula na therapy ni Kaiicen,at hindi na yon nasundan pa.
Anim na taon na,pero mahal na mahal ko pa din sya.
Part 12
Gero's Point of view
Pagkatapos ako kausapin ni kuya Kebin,inayos ko na sarili ko,oras na para umuwi. I looked at my watch, 5pm pa lang. Ganito talaga oras ng uwi ko,wala din naman kasi ako masyadong ginagawa dito sa kumpanya namin,nandyan ang mga tito at tita ko,at ibang mga pinsan na mas matataas ang position,kahit si kuya Zander nandito,kaya pumasok na din kami ni Kuya Kebin dito.
23 na ako ngayon,sa nakalipas na anim na taon madaming nagbago,pero hindi ang pagkatao ko,kahit hanggang ngayon kaibigan ko pa din ang mga kaibigan namin ni Kaiicen noon.
Kaaicen.
Haaay! Nasan ka ba? Miss na miss na kita? Hindi ko alam kung paano ako naka survive ng anim na taon na hindi kita nakikita o nakaka usap man lang.
Pinilig ko ang ulo ko,kanina pa ako nagdadrama eh,lumabas na ako sa private office ko at nagpaalam sa mga empleyadong ubod ng sipag at ba-bait,no wonder hindi pa bumagsak kahit kailan ang Montenegro Group of Company.
Lumabas na ako ng department at naglakad sa hallway patungo sa elevator,may mangilan ngilan akong nakakasalubong na empleyado na binabati ako,lalo na yung mga babae,mga nagba-blush pa. Bumukas na ang elevator,may mga empleyado din kaya binati din nila ako.
"Sir pauwi na?" tanong ng isa,alam kong under sa department Brylle ang isang ito,si Joana.
"Yup,so how's work? Pinakikisamahan ba naman kayo ng maayos ng pinsan kong si Brylle? Pag hindi sabihin nyo,isusumbong ko kay Lolo (great grand father) at kay Tito Ian" nakangiti kong sabi.
"Naku sir! Hindi po! Napaka baet nga nya,at napaka gwapo gaya nyo" nahihiyang sabi pa nito na ikinatawa ko.
"It runs in the blood" sagot ko,tumunog na ang elevator,nasa first floor na kaya lumabas na ako,pagdaan sa lobby madami na naman bumati syempre mga binati ko din.
"Sir pauwi na? Ingat po!" magiliw na sabi ng gwardiya,mabait to at matagal ng nandito sa kumpanya namin. Nginitian ko sya at sinagot.
"Oo,maghahanap akong asawa" pabiro kong sagot.
"Panigurado sir madaming mag uunahang babae!" sagot din nito,nakipag apir ako dito at saka tumungo sa parking kung san naka park ang kotse ko.
Pagpasok sa kotse ko napaisip na lang ako bigla.
Marami ngang bumahabol na babae sakin,magaganda,mayayaman,pero hindi sila ang kailangan ko,kundi si Kaiicen,isang lalaki,na biniyayaan ng mukhang pambabae at busilak na puso,napaka ironic talaga ng buhay,maging ako hindi ko inakala na mamahalin ko sya,na isang lalaki,I mean isang bakla,pero ganun talaga,hindi natin mapipili kung kanino titibok ang puso natin,at ang puso ko,kay Kaiicen lamang tumitibok,sa kanya lang, sa kanya lang ako nagiging bakla,pero lalaking lalaki pa din ako dahil hindi ako nakakaramdam ng nararamdaman ko para kay Kaiicen sa ibang lalaki. Siguro ganito din mga pinagdaanan nina Papa Kreyd at Mama Prue? Kaso sila Happy ending,ang akin,nagsisimula pa lang pero natapos na. Haayy..
Napailing ako sa mga naiisip ko,inistart ko na ang makina ng kotse at nilisan ang lugar na iyon.
Parang gusto ko uminom? Yayain ko kaya si Tito Seiji? O kaya si Tito Popoy? Kaso baka mga busy mga iyon. Ipinagpatuloy ko na ang pagdadrive,nasa tapat na ako ng bahay ng mag ring ang phone ko.
Si Mikoy tumatawag,tamang tama,sya na lang yayayain ko uminom. Hindi ko sinagot ang tawag,ako na lang ang tatawag,pinagbuksan na ako ng gate at ipinark ko na sa garahe ang kotse.
Lumabas na ako at tinungo ang front door at pumasok,dumiretso sa kwarto ko at nagpalit ng damit saka ko ulit tinawagan si Mikoy.
"Hello tol" bungad ko.
"Hello din? Bakit hindi mo sinasagot? Buti naisipan mong mag return call"
"nagdadrive ako kanina eh,bakit? Nasan ka? Tara inom tayo" sabi ko naman habang pababa sa hagdanan.
"That's the reason kung bakit ako tumatawag,nagyaya sina Francesca ng gimik" anito,natawa ako bigla.
"Oh bakit ka tumatawa?"
"Buti at nag matured ang tatlong iyon no? Ayaw na patawag sa mga palayaw nila eh" sagot ko at lumabas na ng bahay at tinungo sa garahe ang kotse ko.
"Ngayon lang nila narealize eh hahaha! So anyway,kita kits,sa dati pa din okay? Bye" end call.
Agad na din ako umalis,balak ko din kasing dumaan muna sa Jollibee para kumain. Ang weird no? Usually dapat sa restaurant diba? Pero hindi,mas gusto ko pa din ang pang masa.
Matapos kumain sa Jollibee ay tinungo ko na ang bar,nagpark na ako sa parking. Pagbaba ko pa lang ng kotse ko ay may nahagip ang mata ko na dalawang taong pamilyar,papasok sa bar.
"Si Kheem at Kaiicen!" sigaw ng isipan ko,napakabilis ng tibok ng puso ko,sigurado ako,sila yon!
- Musta? Pasensya na po at ngayon lang nakapag update haha! Nagpaka reader mode kasi ang lola nyo. Uhm thanks nga pala dun sa mga comments nyo sa nakaraang chapter hehe! Thank you po ng marami!



To Be Continued

4 comments:

  1. kaloka nabitin aku, parang gusto kung hatakin ang next week for the next update...

    frances214

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe thank you po frances! Nakapost na po ang next chapter :3

      Delete
  2. Gandang Tzekai, pakibilis naman ng updates... haha :D galing naman


    ~JACK

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihi! Thank you jack! =) nakapost na po ang next chapter :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails