By Aparador Prince
DATI – Part 3
Nakarating na si
Arran sa harap ng condo ni Uno. Hinanap pa niya sa bag niya ang susi ng unit
nito, minsan na kasing binigyan ni Uno ng duplicate si Arran, madalas din naman
kasi itong magpunta sa condo niya.
Tumatango at
ngumingiti lang siya sa mga staff na nakakasalubong niya. Nakilala na rin nila
si Arran sa madalas na pagpunta nito, ngunit barkada lang ang pakilala ni Uno
sa kanya. Naiintindihan naman ni Arran na kailangan din protektahan ni Uno ang
reputasyon nito.
Tinungo niya ang elevator at dumirecho ng 8th floor. Habang lulan siya ng elevator ay bigla lang niyang naalala na dapat pala siyang magpaalam muna kay Uno, naisip niyang hindi magandang ugali ang basta na lang papasok sa bahay ng ibang tao. Tiningnan niya ang cell phone niya ngunit wala itong signal na nasasagap.
“Badtrip naman.”
Mahinang usal ni Arran habang naglalakad papunta sa unit ni Uno. Dahan dahan
niyang pinihit ang door knob matapos susian ang pinto. “Uno?” tawag niya,
ngunit walang sumasagot. Siguro may
pinuntahang event, naisip niya.
Naglakad siya
papasok, napansin niya ang mga nakakalat na mga damit sa sala. Sinimulang
pulutin ni Arran ang mga damit nang mapansin niyang maliit ang isang polo shirt
na nadampot niya. Sa taas na 5’11” at sa gym-fit na katawan ni Uno, malabong
magkasya ang XS na damit sa kanya.
Agad na binitawan
ni Arran ang mga damit at umakyat sa kwarto ni Uno. Tama ang hinala niya nang
buksan ang pinto – si Uno, hubo’t hubad at may kalingkisang ibang lalaki.
Tila napako siya sa
kinatatayuan niya, habang ang dalawa sa kwarto ay dagling nagbihis. Agad siyang
nilapitan ni Uno kahit nakaunderwear pa at bahagyang itinulak. “Bakit kasi
hindi ka nagsabing pupunta ka? Ni hindi ka kumatok!” pagalit na saad nito kay
Arran.
Lalong natameme si
Arran. Hindi niya ine-expect na siya pa ang lalabas na masama sa sitwasyong
ito. “I came here hoping to have a companion. It looks like you have one
already.” Naramdaman niyang unti-unting pumapatak na ang luha sa mata niya.
“I-I’m leaving.” Mahinang sabi ni Arran at dali-daling naglakad palabas ng
kwarto.
Hinabol siya ni Uno
at hinawakan sa balikat. “I’m sorry, Arran. Natukso lang ako. Forgive me,
please. Hindi na mauulit.” Malungkot na pakiusap ni Uno. Nanatiling nakatalikod
si Arran, hindi kumikilos.
“Hindi na talaga
mauulit. And you know what?” Unti-unti siyang humarap kay Uno. Umaapaw sa mata
ang mga luha. “You’re a jerk. A big, friggin jerk!” sigaw niya at itinulak ang
matangkad na lalaki palayo sa kanya.
“Arran- “
Arran’s lips were
forming a bitter smile while looking at Uno. “You know it’s over.” At isinara
niya ang pinto ng condo.
Tumakbo na si Arran
pabalik ng elevator. Ayaw niyang makita pa siya ng ibang tao na umiiyak, ayaw
niyang makita ng ibang tao ang kahinaan niya. Ayaw niyang kaawaan siya ng iba
dahil dito.
Nakayuko siyang
lumabas ng building at dumirecho kay Brownie. Sa loob ng kotse na niya ibinuhos
ang sama ng loob na nararamdaman.
“Peste naman ‘tong
buhay na to! Peste kayong lahat!” tangis niya habang iniuuntog ang ulo sa
manibela ng sasakyan. Kahit na halos nanlalabo pa ang mata niya sa pag-iyak ay
sinubukan na ni Arran na mag-maniobra ng sasakyan sa parking lot.
Habang paakyat ang
sasakyan mula sa basement ay wala sa sariling tinanggal ni Arran ang paa mula
sa brake ng sasakyan. Sa isang iglap, dumulas si Brownie pababa ng Basement 1
bago tuluyang tumama sa isang parte ng dingding ng parking lot.
Tumama ang ulo ni
Arran sa headrest ng sasakyan bago tumama naman sa manibela. Lalong nanlalabo
ang paningin ni Arran. May mga taong palapit sa kanya, nagsisigawan… Pero
manhid na siya, manhid na sa lahat ng bagay…
Nagising si Arran
sa isang kwarto ng ospital, habang nagbabasa ng magazine ang kanyang ina sa
isang sofa malapit sa kama. Nang mapansin ni Rina na gising na ang kanyang anak
ay dali-dali niya itong pinuntahan, labis na nag-aalala.
“Anak, may masakit
ba sa’yo? Diyos ko, anong nangyari?” nagpapanic na tanong ng kanyang ina.
“Okay lang ako
mommy. Aksidente lang.” matipid na tugon ni Arran. Luminga-linga siya sa
kwarto. “Buti hindi mo isinama si Ashley.” dugtong niya.
“Ayaw na niyang
sumama. Ashley said she feels guilty about what she did.” Paliwanag ng ina
habang patuloy na tinitingnan ang kalagayan ng anak. Inalalayan niyang makaupo
si Arran.
“Serves her right.”
“Arran – “
Napatingin si Arran
sa kanyang ina. Bakas sa mata ni Rina na iniisip niya ang naudlot na usapan
nila ni Arran bago ito umalis ng bahay kahapon. Umiling na lamang ang binata,
“Not now, mom. Ayokong pag-usapan.”
Ginagap ni Rina ang
palad ng anak. “Tell me if you’re ready to talk, anak. I’m willing to listen. Teka,
nagugutom o nauuhaw ka ba? May kailangan ka?” Sunod-sunod ang tanong ni Rina
kay Arran nang mapansin na tumahimik ito. Nirespeto na lamang niya ang desisyon
ng anak na huwag na munang pag-usapan ang tungkol sa mga litrato.
Tumango na lang si
Arran at lumabas na ang kanyang ina upang bumili ng makakain. Sinamantala naman
niya ang pagkakataon para makatawag sa opisina at magfile ng leave. Pinayagan
naman siya ng boss niya at sinabing magpagaling upang makabalik sa trabaho as
soon as possible.
Nagsagawa ang
doctor ng mga tests upang masigurong walang nabaling buto o internal hemorrhage
kay Arran. Matapos nito ay pinayagan na siyang i-discharge.
Tahimik lamang si
Arran at ang kanyang ina habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa bahay nila.
Hindi alam ni Rina kung ano ang dapat sabihin sa anak na matagal nang natutong
maging independent. Siya na lamang ang nagpumilit na tumira sa bahay si Arran
dahil nagbabalak na itong bumukod sa kanilang dalawa ni Ashley.
“Si Brownie pala?”
putol ni Arran sa pag-iisip ng kanyang ina habang nagmamaneho.
“Nasa shop,
matatagalan pa daw bago maayos.” Tugon naman ni Rina na nakatutok sa daan.
Sadyang binagalan lamang niya ang takbo ng sasakyan, nangangambang na-trauma
ang anak sa aksidenteng nangyari.
Tumango lamang si
Arran at muling tumahimik, wari’y nag-iisip. “Gusto kong bumalik sa Laguna.”
Ang sunod niyang sinabi pagkatapos.
“Sige, magpagaling
ka tapos pupunta tayo ‘dun.”
“Gusto ko sana
mamaya na.”
“Pero anak, di ka pa
magaling – “
“I need time to
think things over, mom. Masyadong maraming nangyari lately. Sa atin, sa akin.”
Mahinahong paliwanag ni Arran. Tiningnan siya ni Rina saglit, at tumango.
“Kung ‘yan ang
gusto mo, sige. Kaso wala kang tutuluyan doon.”
“Baka may motel, if
not hotels or inns. Doon muna ako for a couple of days. A week, tops”
Pagpupumilit ni Arran. Talagang hindi na siya mapipigilan sa desisyon niya.
Dalawampung taon na ang nakalipas mula nang huli siyang nakapunta sa Laguna,
dahil ginugol niya ang panahon niya sa trabaho.
“Kung iyan ang
desisyon mo…”
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kakatapos lang manuod
ng TV nila Ran-ran at Biboy sa kwarto ng huli. Tuwang-tuwa sila habang
pinapanuod ang Jetman, ang bagong
superhero series ng Channel 13. Matapos ang palabas ay agad na silang
nagkuwentuhan mula sa napanuod nila.
“Sino ang mas
magaling, Bioman o Jetman?” tanong ni Biboy kay Ran-ran
habang parehong nakaupo sa kama.
“Syempre ang Jetman!” masayang pahayag naman ni
Ran-ran. “Ang galing-galing nila, may tumbling pa sila bago suntukin yung
kalaban!” dugtong pa niya. Bigla siyang tumayo at sumuntok sa ere. Sinubukan
din niyang mag-tumbling ngunit bumagsak lamang siya sa kama at saka tumawa ng
malakas.
“Hindi ah, mas
magaling ang Bioman! Iba-iba yung
gamit nila; may espada, may pana… Yung Jetman puro baril saka espada lang.”
pagtanggi naman ni Biboy. Mula sa pagkakahiga ni Ran-ran ay tinulungan niyang
bumangon ito.
“Pero ang Jetman, may pakpak! Yung Bioman, wala. Edi mas magaling ang Jetman!” kontra naman ni Ran-ran. Kinuha
niya ang mga punda ng unan ni Biboy at ginawang parang pakpak. Ikinampay niya
ang mga braso habang gumagawa ng tunog ng paglipad.
“May robot naman na
kasama yung Bioman, si Peebo saka may Bio Robo pa sila. Walang ganun sa Jetman, Commander lang ang meron
sila. Tao yun! Matatalo ang tao sa robot.” Tumayo na rin si Biboy, hindi
magpapatalo sa kaibigan.
“Tatlo kaya ang
robot ng Jetman! Si Jet Icarus!” patuloy na sumuntok si
Ran-ran sa hangin. “Si Jet Garuda! Garuda Claw!” kumalmot-kalmot naman siya
na parang ibon. Saglit siyang tumigil, ngunit umarteng parang boksingero.
“Tapos si Tetra Boy! Nagiging bazooka
pa si Tetra Boy! Talo na ang Bioman mo!” ang malakas na sigaw ni
Ran-ran habang nakapameywang at tumatawa ng malakas, naniniwalang nanalo siya
kasama ang Jetman niya.
“Teka, ang daya mo
naman eh. Mas magaling ang Bioman
kahit walang robot.”
“Ows. Namatay nga
yung isang Yellow Four! Ibig sabihin,
mahina sila.”
“Hindi ah! Pinrotektahan
lang niya yung ibang Bioman kasi
uubusin ni Psygorn yung Bio Particles nila! Ibig sabihin,
matapang si Yellow Four! Ikaw nga
Ran-ran, umiyak ka nung namatay si Yellow 4!” si Biboy ang nagmuwestra ng
pagbaril kay Yellow Four na katulad sa
palabas.
“Bakit, ikaw naman
din ah?” Umupo na si Ran-ran, halatang napagod sa ginawang paglilikot sa kama.
Umupo na rin si Biboy pagkatapos. Nagtinginan na lang ang dalawang bata, pilit
na hinahabol ang hininga.
“Ran-ran, paano
kung may Bio Particles din tayo?
Anong gagawin natin?” seryosong tanong ni Biboy sa kalaro.
“Edi syempre,
magiging Bioman tayo!” sagot naman ni
Ran-ran at itinaas ang dalawang kamay, ngunit bigla siyang napaisip. “Kaso mas
gusto ko pa rin ang Jetman eh. Ayoko
ng Bioman, baka mabaril din ako ni Psygorn tapos mamatay ako.”
“Eh di itutulak
kita para di ka matamaan.” Nakangiting sabi ni Biboy. Itinulak nga niya si
Ran-ran ngunit mahina lang.
Biglang nagbago ang
ekspresyon sa mukha ni Ran-ran, napuno ng pag-aalala para sa kalaro. “Ngek!
Paano kapag ikaw ang natamaan nung baril ni Psygorn?
Edi namatay ka din katulad ni Yellow Four?”
“Ayos lang yun, may
susunod na Yellow Four naman eh. At
saka, ikaw nga ang palaging nililigtas ko kapag ayaw mo ng ulam nyo sa bahay.
Kaya ako dapat ang hero mo, kasi hindi kita hahayaang masaktan ng mga kalaban
at kahit mga gulay.”
Nginitian ni
Ran-ran si Biboy, at muling nagpakita ang dalawang biloy nito sa pisngi. “Ay,
oo nga. Sige, mas magaling na ang Bioman.
Kasi baka pag natalo sila, hindi mo na ako pakainin dito sa bahay nyo.”
“Pareho na lang magaling
ang Jetman saka Bioman, kasi baka hindi ka na makipaglaro sa akin kapag natalo ang Jetman.” Napangiti na rin si Biboy.
Nagkasundo na ang dalawang bata kung sino ang mas magaling sa mga superhero.
Bigla na namang
tumayo si Ran-ran at nagsimulang tumalon sa kama. Sinabayan na rin ni Biboy ang
kaibigan sa pagtalon, magkahawak ang kanilang mga kamay upang alalayan ang
isa’t isa para hindi sila malaglag sa kama.
“Pero mas magaling
ka sa kanila, Biboy! Kasi ikaw ang hero ko!” sigaw ni Ran-ran habang lalong
tinataasan ang pagtalon sa sobrang tuwa.
nakakabitin n nmn. dami kasing eksena. may pang matanda at pangbata. hehe. thanks po s update. tama po kayo, di dapat minamadali ang pagsusulat para mapaganda ang istorya. baka nga nagre-research pa kayo para mapaganda lalo.
ReplyDeleterhon
Hi rhon, salamat sa patuloy na pagbabasa. ayoko lang din kasi nung magtatanong yung readers na "anong nangyari? nagjump ata yung kwento" mga ganyan after reading a chapter.
Deletedi naman totally nagreresearch, marami dyan sa mga 90s reference ko e naexperience ko lang din, inaalala ko lang kung ano yung mga yun.
no prob kuya anon, regular naman ang pag update ko ng kwento. ayokong madisappoint ang readers, lalo na at first story ko to dito sa MSOB.
ReplyDeleteNakakaoverwhelm yung responses nyo dito kaya naman talagang pinagbubutihan ko ang pagsusulat. Sana lang nag-eenjoy din kayo :)
Salawahan nmn kc si uno. Hmp!
ReplyDeletewag na mainis ferds, at least something better's coming :)
DeleteThanks for the update..ok lang yun kahit matagal basta worth it basahin....what I love this most is yung mga palabas nung araw nababangit napapangiti tuloy ako...anjan na ang bioman...sana ma ipasok din cla maskman hehehe
ReplyDeletegagawin ko namang regular ang update. para di kayo bitin. hehe :)
Deletenakakatuwa naman kasi ang 90s, sarap magreminisce.
nice story.. love it!! morreeeeee!!!
ReplyDelete-arejay kerisawa
arejay salamat :) mas gaganda ang story pramis. stay tuned. hehe
Delete