Nasa canteen ako nun kumakain ng lunch magisa
nagulat lang ako ng may naglagay ng juice sa harap ko.. Pag tingala ko nakangiting
chris ang sumalubong sakin.
" May juice na ko eh." saad ko lang dito..
" para sakin to.. Kaw talaga." saad lang ni chris saka umupo
sa harap ko. " pansin ko lang blue huh bakit lageng mag-isa kang
kumakain.?"
" wala lang...."
" Alam mo problema sayo blue masyado kang seryoso.. Para
kasing ang hirap mo lapitan.." ngiti ni chris saka uminom sa juice na dala
nito.
" eh ano bang kailangan mo..?"
" eh kasi diba itututor mo ko kailan mo sisimulan yun.?"
" kung kailan mo gusto.. Alam mo chris bakit kasi hindi ka nalang
magpokus muna sa study mo.. Makakapagantay naman yang pagkanta kanta mo
eh.."
" kaya ko naman pagsabayin eh.. Wag mo ng kontrahin yun
please.?"
" bahala ka nga basta ako tutulungan kita.. Kung walang mangyare sa
pagtulong ko hindi ko na kasalanan yun chris.."
" yun thanks blue.. Hindi ka naman pala ganun kasama ugali mo noh mejo
mabait ka din naman pala.?"
" masama ba ugali ko.?"
" mejo mejo.." ngiti ni chris sakin.
" bakit mo nasabi..?"
" hindi mo ba pansin.. Wala ka masyadong friends.. Akala kasi nila
masama ugali mo porket ikaw yung nangunguna sa klase..saka lage kasing seryoso
yung mukha mo.."
" hindi naman ah.."
" hindi mo lang alam.. Blue bakit hindi mo itry maging friendly
minsan.. Ganyan ka ba talaga sa bahay niyo.?"
" hindi.."
" kasi blue minsan hindi lang sa mukha at talino yan.. Minsan
kailangan din ng pakikisama.."
" misunderstood lang ako.."
" baka.. Minsan yung mga word na ginagamit mejo harsh.. "
" hindi naman ah.."
" akala mo lang.. My girlfriend ka ba blue.?"
" wala.?"
" ah kaya pala bakit hindi mo itry magsyota para lumigaya naman
yang buhay mo..?" ngiti ni chris umiwas naman ako ng tingin kung alam niya
lang.. Boyfriend ang meron ako.. Napangiti naman ako sa naisip ko. " wow
alam mo cute ka kaya pag ngumingumiti."
" huh.?"
" sabi ko cute ka pag ngumiti.. So keep on smiling.. Una na ko
kanina pa ko tapos kumain.. Nakita lang kita magisa baka kako gusto mo ng
kausap.."
" ok.."
" ngiti ka lang.. Daming maiinlove sayo blue.."
" oo na.. "
" uhm wait pano mo ko itututor.?"
" hangang 5pm tayo eh ok lang ba sa
house nalang namin.. Ang alam ko malayo bahay niyo di ba.?"
" pano mo alam na malayo house namin.? Niresearch mo ko noh?"
" sinabi ni sir.. Try mo kaya bawasan yang pagkaassuming mo
chris.?"
" assuming ako..?"
" oo.. Ano payag ka ba sa house nalang namin.. Malapit lang naman
yung samin pwede kitang turuan until 7
pm .. "
" 2 hours..? Kasya na kaya yun.?"
" oo naman bawi nalang tayo sa weekend.?"
" ah ok ok.. Sige."
" chris.."
" yeah.?"
" uhm sana
lang hindi masayang yung effort ko sayo.. Sabi nga ni sir matalino ka.. Sana
tama sya.. "
" ok promise blue gagalingan ko.."
" ok.." nagulat lang ako ng hawakan ni chris yung kamay ko na
nasa mesa tiningnan ko lang sya na nakakunot ang noo.
" promise blue gagalingan ko.. Para
sayo.." ngiti lang ni chris sakin hinugot ko naman yung kamay ko na hawak
niya.
" bakit para sakin.. Gawin mo para sa sarili mo hindi ko naman
grades yung kailangan pataasin.. Yung sayo.."
" basta.. Una na ko.." saad nito saka tumayo.. Kumunot lang
yung noo ko habang tinitingnan syang palabas ng canteen..
Hanngang maguwian sabay lang kami ni chris lumabas ng school.. Hindi ko
alam bakit parang nailang akong kasama sya..
" bakit hindi mo dinadala yung motor mo..?" maya maya tanong
ni chris habang naglalakd na kami.
" ayaw ni mommy eh.. Baka daw madisgrasya pa ko masyado pa daw
akong bata para dun."
" ganun.. Naglalakad ka lang ba talaga pauwi..?"
" ah hindi may sumusundo sakin.."
" driver niyo.?"
" friend ko.." saad ko lang napangiti naman ako ng makita si
aldred sa di kalayuan..
" sya.?" kunot ang noong tanong sakin ni chris tumango naman
ako sa kanya. " ayaw ng mommy mo magmotor ka pero yung susundo sayo
nakamotor edi ganun din.?"
" aldred." ngiti ko dito kita ko naman yung tingin ni aldred
kay chris..
" may problema tol.?" saad lang ni chris kay aldred..
" ah wala naman."
" aldred si chris classmate ko..chris si aldred bestfriend
ko." ngti ko lang.
" bestfriend..?" tingin sakinni aldred.
" bakit tol gusto mo boyfriend.?" ngiti ni chris dito umiwas
naman ako ng tingin.
" red ok lang ba sabay din sya.. Kailangan ko kasi sya itutor eh
kaya sa bahay nalang.."
" huh..?" maang lang ni aldred sakin saka tumingin kay chris.
" tol kung makatingin ka naman sakin.. Kailangan talaga mula ulo
hanngang paa.?" natatwang saad ni chris kay aldred.
" ok lang ba kasya naman tayong tatlo sa motor mo di ba.. Tara
na anong oras na kasi hanngang 7
pm lang kami ni chris sa bahay eh."
" pero..?"
" please..?" bulong ko lang kay aldred sumimangot naman to
saka tumango. " tara
ni chris.." ngumiti lang to sakin.. Nauna lang ako sumakay si chris naman
yung nasa likod ko..
" ang bango mo pala blue.." bulong ni chri s sa tenga ko.
" tigilan mo nga chris.." narinig ko naman yung pagtawa niya..
" pinakiusapan lang ako ni sir.." saad ko naman kay aldred pero hindi
ito sumagot naramdaman ko naman yung hininga ni chris sa tenga ko.. Pag lingon
ko nakangiti lang to sakin sinamaan ko lang sya ng tingin.. Maya maya lang
kumapit sya sa bewang pinilit ko naman tanggalin yun.
" malalaglag ako blue.."
" wag ka kasi jan kumapit may kiliti ako jan.."
" san ako kakapit..?"
" sa balikat nalang pwede.?" simangot ko sa kanya.
" grabe ang bango bango mo blue.. Sarap mo lang amuyin."
sinimangutan ko lang sya ng maramdaman inaamoy niya yung batok ko hanggang
makarating kami ng bahay.. Kita ko naman yung pagsimangot ni aldred. " ang
bango mo." saad pa ni chris pag baba namin ng motor..
" masasapak na kita chris.." simangot ko dito nauna namang
pumasok si aldred sa bahay sinalubong lang to ni mommy. " tara
na pasok ka na." ngumiti lang to saka pumasok saka sumunod sakin.. "
mommy si chris classmate ko."
" hi pasok ka." saad lang dito ni mommy tumuloy lang kami sa
sala ni chris si aldred naman umakyat sa kwarto ko.
" bihis lang ako sandali chris.." paalam ko dito saka umakyat
ng hagdan naabutan ko lang si aldred na nakasimangot habang nakaupo sa kama ko.
" bakit ganyan yang mukha mo.?"
" bakit kasama mo sya.? Coincidence kagabi lang sya yung topic
natin ah.?"
" pinakiusapan kasi ako ni sir na itutor sya.."
" talaga.?"
" oo nga aldred.."
"kotang kota
sya sa pag amoy sayo ah." natawa lang ako sa sinabi niya saka inamoy yung
polo ko.
" nangaasar lang yun. Amoy
pawis nnga ako eh amuyin mo pa. "
ngiti ko lang kay aldred.
"bestfriend pala huh." simangot lang ni aldred.
" uhm kasi.. Di na nga secret na muna.?" bumuntong hininga
naman sya,,
" hanngang kailan mo naman sya itututor..?"
" hanggang makita ko yung improvement niya.. Mukhang matalino naman
sya.. Baka hindi rin magtatagal.."
" bakit naman kasi sa dami ng pwedeng itutor mo sya pa
talaga..?"
" wag ka ng magselos..."
" kasi naman eh.."
" i love you." ngiti ko sa kanya.
" blue."
" oh.?"
" mas gwapo naman ako sa
chris na yun di ba.?"
" uhmmmmm.?"
" mas gwapo ako di ba.."
" oo naman... Ang gwapo gwapo mo kaya.." ngumiti naman sya
saka lumapit sakin.. Hanggang maglapat yung labi naming dalawa.. " baba na
tayo.. 2 hours ko lang syang tuturuan baka maubos yun sa paghalik mo
sakin." ngiti ko.
" blue huh.."
" oo nga tuturuan ko lang yun wag ka magalala.." pisil ko sa
pisnge niya..
" ok uuwi muna ako huh.. Baka hinahanap na ko ni mommy eh.. I love
you blue."
" love you too tara
baba na tayo." sabay naman kaming bumaba sa sala si aldred naman tumuloy
lang sa kusina para magpaalam kay mommy.
" tagal mo naman magbihis..?" simangot lang ni chris.
" uhm sorry.." saad ko lang nakita ko naman si aldred na
lumabas na ng bahay..
' friend mo yun..? Parehas kayong weird.. Nakakahawa pala yan.?"
" ewan sayo... Ok game since math ang pinakamababa mo dun na tayo
magsisimula ok.." saad ko lang
" math agad..?" dun naman dumating si mommy na may dalang
juice at merienda. " wow salamat po.." ngiti ni chris kay mommy.
" thanks mom." saad ko naman bumalik naman to sa kusina.
" mukhang mabait mommy mo huh."
" yeah..." saad ko lang habang binubuklat yung libro. "
chris i want you to be serious... Di mo naman sasayangin yung time ko di
ba.."
" yeah of corse.." ngiti nito.. Sinimulan ko naman syang
turuan hanngang umabot na kami ng alas syite ng gabi. " 7pm na po teacher.."
ngti sakin ni chris..
" ah ok.. Sorry hindi ko napansin yung oras.."
" gutom na ko eh.."
" gusto mo dito ka na
magdinner..?"
" ah wag na nakakahiya sa mommy mo.." saad lang niya habang
inaayos yung mga gamit niya.
" hindi yan.. "
" sige na nga gutom na talaga ko eh nakakapagod talaga ng utak yung
ganito."
" mejo kaya mo naman pala eh kailangan mo lang talaga magpokus..
Tama nga si sir may utak ka naman pala talaga."
" sabi sayo eh matalino ako.."
" every other day nalang kita itututor.. Ok lang ba sayo."
" yeah ok yun.. "
" ok sige tara kain na tayo.." nakita ko naman si aldred na
nasa dining area na kasama si mommmy mukha sa kusina sya dumaan. "MOm dito
kakain si chris.."
" sige anak.. Magpeprepare lang ako.. Tara
aldred tulungan mo ko."
" ok po tita.." saad lang ni aldred sabay sabay naman kaming
kumain kasama si aldred saka si mommy pagkatapos kumain ay hinatid lang namin
ni aldred si chris.
" red name mo di ba.?" saad lang ni chris kay aldred habang
naglalakad napatingin naman ako dito.
" Aldred." maikling sagot ni aldred na hindi man lang tumingin
kay chris.
" ah ok.. Hindi
nakakapagtakang magbestfriend kayo.. Ang sungit niyo parehas eh." ngiti
lang ni chris.
" Depende sa tao tol." saad pa ni aldred.
" ahh ganun ba yun so ibig sabihin ayaw niyo sakin.?"
" wala akong sinabing ganun.?"
" di ba blue friends na tayo." baling sakin ni chris.
" friends.?" maang ko lang.
" oo.. Friends na tayo.. Kung ganun pala friend na rin kita aldred
kase kaibigan ka ni blue. Bestfriend ka pa niya"
" pano kung ayoko." simangot lang ni aldred.
" edi wag basta kami ni blue friends na.. Di ba blue.?"
" huh.?"
" sige na.. Ayaw mo nun join force tayo..dalawang Heartrob ng
school magbestfriend.?"
" ewan ko sayo chris.. Sige na sakay ka na nga.." saad ko lang
ng humintong taxi sa harap namin.
" ok sige blue bukas huh."
" sure.."
" aldred una na ko.." ngiti nito kay aldred tumango lang si
aldred dito saka tumalikod. " i
love you blue." . Habol pa ni chris sakin napalingon naman si aldred sa
sinabi nito pero umandar na yung taxi naiwan naman akong nakatingin lang sa
papalayong sasakyan.
" ano sabi nun." nguso ni aldred sa sasakyan.
" huh may sinabi ba sya wala naman akong narinig.?" maang ko
lang.
" parang may narinig ako eh..?"
" tara
na nga.." hinila ko naman sya nagsimula lang kaming maglakad.. Bakit naman
ako sasabihan ni chris ng ganun.. Baliw nun bwiset na yun ah.. buti nalang
hindi narinig ni aldred kundi patay..
" hindi mo naman siguro gusto yung chris na yun di ba.?"
kumunot lang yung noo ako sa sinabi ni aldred.
" hindi noh.. Wala lang akong choice pinakiusapan kasi ako ni sir
kaya ayun kailngan ko syang itutor."
" sabi ng mommy mo mas boto daw sya sakin kesa dun sa chris na yun
mukha daw mayabang eh." natawa lang ako sa sinabi nito.. " mukha
naman talaga mayabang di ba."
" mabait naman yun.. Mahangin nga lang katulad mo."
" ows.?"
" nagkwentuhan kayo ni mommy ano sabi niya."
" mas gwapo daw ako dun sa chris na yun.."
" para kang sira aldred.. Wala ako gusto dun kaya wag mo na
icompare yung sarili mo sa kanya.. Kesa ikaw yung mahal ko."
" talaga.?"
" oo nga promise." ngiti ko sa kanya.
" kailan mo uli yun tuturuan..?"
" wensday uli.."
" close ba kayo nun.?"
" hindi.. As in hindi.. Ayaw
niya sakkin mas ayaw ko sa kanya kaso no choice kami parehas.. Pinakiusapn ako
ni sir.. "
"buti naman.. Ilang percent yung chance na pwede ka niyang maagaw
sakin.?"
" aldred grabe ka.."
" sagutin mo nalang." simangot niya.
" walang chance.." ngiti ko hangang makarating kami sa bahay..
Naupo lang kami sa sala ni aldred saka nanunuod ng tv.. Hangang tumabi samin si
mommy.
" lagot ka aldred baka maging threat si chris sa namumukadkad
niyong pagiibigan ng aking unico hijo.." ngiti ni mommy kay aldred
napantingin naman sya sakin.
" kailan ka pa naging makata mommy.." ngiti ko.
" infairness anak gwapo din yun huh..kaso sabi ni aldred tanga daw
kailangan pa daw kasing itutor." natawa lang ako dito.
" matalino yun.. Pasaway lang talaga."
" mukha naman hindi.." simangot ni aldred.
" seloso ka pala aldred noh.." ngiti ni mommy dito natawa
naman ako.
" hindi po tita saka sabi niyo di ba walang panama sakin yung chris
na yun."
" ewan natin." ngiti ni
mommy.
" tita naman kala ko ba mas boto kayo sakin..?"
" mommy parang sira hindi ko
naman gusto yun si chris.. Kung hindi naman nakiusap si sir sakin hindi ko
pagaaksayahan ng panahon yung kumag na yun eh."
" tama tita mas bagay naman talaga kami ni blue di ba.."
lumipat naman sa tabi ko si aldred saka hinawakan yung kamay ko.
" hep hep maghiwalay nga kayong dalawa.. Hindi maganda sa paningin
ko.."
" eh mommy di ba ok na sa inyo.?"
" oo nga mommy..?" ngiti ni aldred.
" mommy ka jan aldred... Eh pano kung biglang dumating daddy mo
blue sa kalsada ka talaga matutulog."
" eh diba next day pa dating ni daddy mom.?" ngiti ko lang.
" basta maghiwalay kayo..
Parehas naman kayong gwapo sayang talaga lahi niyong dalawa.. "
iling ni mommy umayos naman ng upo si aldred sumandal naman ako sa ballikat
niya. " blue sabi ko maglayo.." natawa lang ako sa mukha ni mommy.
" ang cute nga di ba mommy parehas kaming gwapo tapos kami pala
yung meant to be.?" ngiti ko lang.
" oo nga po tita."
" ano na ba kasi nangyayare sa mundo.." simangot ni mommy.
" tita pwede po ba kaming magpakasal ni blue.?"
" gusto mo saktan kita aldred.. Anong kasal kasal yang sinasabi
mo.. Ang babata niyo pa.. Saka pwede ba kayong magpakasal.?"
" oo mommy pwede.. Sa ibang bansa.. Parang gusto ko yung sinabi mo
aldred." ngiti ko lang..
" naku kayong dalwa gusto niyo ba ko mamatay.. Aatakihin ako sa
puso sa mga sinasabi niyo."
" mommy ayaw niyo nun magkakason inlaw na kayo.?"
" ang inaasahan ko daughter in law.. Tapos biglang ganito.. Kayong
dalawa oh.. Gusto niyo hanap ko kayo ng mga girls..?" ngiti ni mommy.
" ayoko mommy." niyakap ko naman
si aldred yumakap lang din sakin ito. " ayoko mawala si aldred mommy naman
eh."
" anak kinikilabutan ako sayo.."
" kasi naman mommy tanggapin niyo nalang.. Ayaw niyo nun masaya
yung anak niyo.. Di ba ayaw niyong malungkot ako..?"
" ewan ko sayo blue.."
" yes tita don't worry po.. Mamahalin ko po yung anak niyo
forever.."
' forever na ba talaga babe.?" ngiti ko kay aldred.
" oo naman..."
" makatulog na nga.. Mabbaaliw ako sa inyong dalawa." saad ni
mommy saka tumayo. " at wag kayo dito maglampungan sa sala baka makita
kayo ni meding mahiya kayo sa matanda.."
" mommy naman eh."
" oh ano..?"
" wala mommy i love you."
" i love you din tita,"
" ewann" saad ni mommy saka umakyat ng hagdan natawa lang kami ni aldred..
Isa pa to...ang haba din hair nakaka inis cla hahahaha
ReplyDeleteBliss and Blue...sarap basahin pareho,
Carlos and Blue...nakaka ingit kayo
Nice chapter.. ^_^ panggulo tlaga c chris pro sa color coding pa din ako..
ReplyDeletetnx s update. puro kilig moment nlang ah. humaba pa lalo ang hair ni blue. may karibal na si red. ayan papasok n tampuhan jan. hindi lang simpleng tampo, matinding tampo talaga! super seloso kc si red eh.
ReplyDelete0309
Ahahaha, , nkakatuwa tong storyang to a..nkakatuwa din si mommy..
ReplyDeletemaganda ang estorya...maganda ang plot...Thanks Mr Author...medyo nakakilig...
ReplyDeleteAng ganda ng kwento. Like ko na si.mommy.
ReplyDelete