Hello po ulit sa lahat!
Muli akong nagpapasalamat sa lahat ng mga nagcomment, at sa mga silent readers! :) Maraming salamat sa suporta.
Kagabi habang nagpproofread ako ay napansin kong medyo cheesy nga ang mga naunang chapters. Nakalimutan ko na rin ang mga nangyayari sa buhay ko nang isulat ko ang mga unang chapters nitong series na ito; kung bakit ganito ang kinalabasan. Malamang ay depressed, or bored ako noon. I forgot.
But I assure you na hindi siya ganito all throughout. May mga mabibigat na chapters after all of these. In fact, this week, I've written around 5 heavy chapters in a row kasi malapit ng matapos ang story. Sana matapos ko ito before my classes start on Thursday. Fingers crossed!
I hope magustuhan niyo ang chapters 5-6! :) Dito ay magkakaroon tayo ng pagkakataong makita ang story from another person's point of view. Marami pang ganito sa mga susunod na chapters.
Lastly, ay muli akong nagpapasalamat kay Kuya Mike sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong mai-publish ang aking akda sa kanyang site.
Happy Reading!
--
Chapter 5
“Romeo and Juliet! Aminin niyo, relevant siya
kasi sa Renaissance period kabilang si Shakespeare!” proud na sabi ni Janine. “Cool.
I like your idea. Pero suggest ko lang that we integrate some Renaissance facts
in the script. We should also be careful in choosing the scene kung saan natin
i-insert ang mga facts na ‘to para magmukhang natural and relevant sa scene.”
Suhestyon ni Matt. Napanganga naman ako dahil nakita ko ang point niya. Ang
galing ng idea niya. Matalino rin pala ang isang ito. Hindi lang looks,
kumbaga. Para siyang si... Hay, naalala ko na naman si Gab. Lumipad na naman
ang utak ko.
“Earth calling Josh! Tulala ka na naman!”
pagtawag-pansin sa akin ni Janine. “Huh? Anong meron?” taka kong tanong.
“Jusme. Enebeyen! Ang sabi ko, sang-ayon ka ba dun sa suggestion ni papa Matt?”
diin niyang sabi. Napaubo naman si Matt sa tinuran sa kanya ni Janine. Hindi
niya siguro akalaing tatawagin siyang ganon ni Janine. Natawa ako sa loob-loob
ko. Cute, sabi ng isip ko. “I agree. Uhm, dagdag ko lang. Dapat siguro
pagplanuhan natin kung anong scene, or kung inspired lang ba ng Romeo and
Juliet ang gagawin nating presentation. Kasi nga dapat nga din natin iconsider
yung facts, ‘di ba? So dapat magstrategize tayo kung paano natin mapapakita
lahat which includes the facts, and the idea na “Romeo and Juliet” nga yung
presentation natin in representation of the topic Renaissance in 20 minutes.”
Dagdag ko.
Tumango naman si Janine. “Tol, yan din sasabihin
ko sana kaso naunahan mo ako hehe. Galing naman. At least we’re on the same
page.” Ngiting sabi sa akin ni Matt. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan
na pareho pala kami ng iniisip na suggestion. Actually, biglaan ko lang naisip
iyon, habang nagsasalita lang ako. “Sabi na nga ba eh. Nako simula na ‘yan.
Mag-ingat ang isa diyan.” natatawang patama ni Janine. Namula naman ako sa
pahayag niya. “Huh? Ano ‘yun, Janine?” takang tanong ni Matt. “Ahh, wala. Sabi
ko buti na lang may nasimulan na tayo. Dapat pag-ingatan kako natin ‘yung
pag-execute ng presentation.” Palusot ni Janine. Tumango naman si Matt. Kahit
kailan talaga, ang galing gumawa ng palusot ni Janine. “Sino magiging Romeo mo
sa amin ni Matt, Janine? Since given na ikaw na si Juliet?” tanong ko. Ngunit
parang wala siyang narinig, at tumawa na lamang bigla.
Baliw talaga.
--
Natapos na ang una naming dalawang subject at
oras na para magrecess. “Josh, pwede ba sa inyo na lang ako sumabay? Wala kasi
akong kasabay. Isa pa wala pa ako gaanong kaclose dito hehe. Kung pwede lang
naman.” Medyo nahihiyang pahayag sa amin ni Matt. Cute talaga, sabi ng
malandi kong utak. Ewan ko ba, nahahawa na ata ako kay Janine, eh. “NAKO OO
NAMAN, PWEDENG-PWEDE. Gusto namin ni JOSH ‘yan! ‘Di ba?” biglang entrada ni
Janine. “Ahh oo sige. Walang problema.” Sagot ko na lang.
Nakarating na kami sa canteen at bumili ako ng
paborito kong oatmeal cookies. Masaya kasi ngayon hindi na lang kami ni Janine
ang magksama sa table. Nadagdagan na kami ng isa pang kasama. Akala nga mga
kaklase namin may something kami ni Janine dahil nga sa closeness namin. Dahil
nga lalaking-lalaki ako kumilos (straight naman talaga ako until Gab came) at
magsalita ay naging tampulan din kami ng tukso for quite some time. Parang
kapatid na rin ang turing ko kay Janine. Only child lang kasi ako. Natatawa na
lang kami sa ideya na maging kami dahil alam naming imposible iyon. Mahal namin
ang isa’t-isa bilang magkaibigan. Isa pa, alam niya ang sikreto ko.
Habang kumakain ay naramdaman ko na lang ang
isang presenya na tumabi sa akin. “Hoy!” masiglang bati ni Gab. Sandali akong
natigilan. “Uy,” medyo ilang kong tugon. “Galit ka pa ba?” mahinahon niyang
tanong. Nakita ko sa mukha niya ang matinding pagkabagabag at pag-aalala sa
sitwasyon namin. Umiling lang ako. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano siya
pakikitunguhan dahil sa mga natuklasan ko kahapon. “Eh, galit ka pa ata, eh.”
Guilty niyang pilit. ‘Di ko na lamang siya pinansin. Napabuntong-hininga siya.
“Sorry na. Namiss lang kasi kita. Noon lang ulit kasi ako nakitulog sa inyo.
Sorry.” Sinsero niyang pahayag.
Bingo! Natuwa ako kahit papaano dahil siya na
mismo ang gumawa ng initiative para makipagbati sa akin. Tiningnan naman ako ng
mapang-asar na si Janine. “Bati na tayo, please.” Sabi niya habang nilagay ang
noo niya sa balikat ko. Tipong nakayuko siya at nakapatong ang ulo niya sa
balikat ko. “Oo na. Oo na. Para kang timang diyan sa pwesto mo.” Nakangiti kong
sabi. “Talaga? Yes! Sorry, ‘di na mauulit.” Nakita kong nagbalik ang sigla sa
mga mata niya sa pagkakasabi niya noon.
“HOY! Papa Gab, tampo na ako sa’yo! Parang ‘di
ako nage-exist ah! Nandito ako! Wala man lang good morning?” malanding singit
ni Janine sa usapan. “Hehe, sorry. Ito kasing kaibigan mo, pinahirapan ako
kahapon. Good morning, babes!” nakangiting pagpapaliwanag ni Gab. ‘Babes’ kasi
ang gustong itawag ni Janine sa kanya ni Gab. Alam niyo na, kalandian na naman
niya. Buti na lang mabait si Gab. Medyo close na rin naman kasi sila ni Janine
kaya siguro okay lang sa kanya.
“Hihi, oks lang ‘yon, basta ikaw! Ay, Papa Gab,
si Matt nga pala. Bago namin siyang classmate. Groupmates din kaming tatlo.
Matt, si Gab boy... uhmm... bestfriend ni Josh.” Sabi ni Janine. Gaga talaga
siya. Kahit sa anong paraan ay hahanap at hahanap pa rin siya ng daan para
asarin ako. Buti na lang parang walang narinig si Gab. “Hi, Matt nga pala.”
casual na bati ni Matt kay Gab. Nginitian na lang ni bes si Matt. “Gab, pare.”
Casual din niyang tugon. “Oh paano, punta muna ako sa classmates ko. See you
later. Punta ako sa inyo.” Nakangising paalam ni Gab sa akin.
“Yiee, bati na sila!” pang-aalaska ni Janine nang
makalayo na si Gab sa table namin. “Nakakapagod rin pala.” Sagot ko sa kanya.
“Oh, Matt, parang tahimik ka ata.” Pagpansin ko sa kanya. Kanina pa kasi siya
tahimik. “Ah, eh... wala. May naalala lang ako hehe.” Sagot niya. “Okay.” Sabi
ko naman. “Share ka naman!” wiling-wiling sabi ni Janine. “Oo nga! Para
makilala ka pa namin.” Dagdag ko. Interesting kasi talaga siya para sa akin.
Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay dahil hindi ko pa siya gaanong
kakilala. “Ahh... wala. Nakalimutan ko na rin.” Medyo ilang niyang sabi. “Weird
mo ‘tol!” gatong ko, dahil napansin kong medyo uneasy siya sa ‘di malamang
dahilan. Nagtawanan na lang kami.
--
Matt.
Nakakatuwa talaga itong dalawa kong bagong kaibigan.
Si Janine, kasi sobrang ingay at tila hindi nahihiya, pero hindi nakakaasar. At
si Josh naman na cool at laging may sense na kausap. Noong una ay malungkot ako
dahil inilipat ako ni papa ng school. Dahil ito sa nature ng work ni papa. Isa
kasi siyang businessman. Marami siyang transactions sa kung saan-saan sa bansa
kaya naman palipat-lipat kami ng tirahan. Eversince namatay si mama ay ganito
na ang nakagisnan ko. Masasabi ko sa sarili ko na wala siguro akong matatawag
na tahanan dahil nga papalit-palit ako nito sa buong buhay ko. Pero iba
na ngayon. Sabi ni papa ay gusto na niyang magfocus dito sa probinsyang ito.
Malaki daw kasi ang potential ng Bulacan, being close to Manila. Kaya bumili na
siya ng bahay at lupa at dito na niya ako pinag-aral.
Laking pasalamat ko na sa grupo ako ni Janine at
Josh napunta. Nakikita ko kasi ang potential nila bilang groupmates. Dahil nga
magkaibigan na sila ay wala ng problema ang cooperation sa kanilang dalawa sa
project. I want things to run smoothly, that’s why. Naamuse naman ako sa mga
kwento ni Janine na nagpapahagalpak sa amin ni Josh sa kakatawa. Ngunit sa mga
pagtawang iyon ni Josh ay tila may mali. Talent ko na kasi ang basahin ang
emosyon ng mga mata ng tao. Naramdaman kong may dinadala si Josh. May
nagtutulak sa akin na tulungan siya. Siguro dahil ito sa pagnanais kong
makilala siyang higit pa dahil alam kong magiging magkaibigan naman kami.
Ang ganda talaga ng mga mata ni Josh.
“Hoy!” biglang sulpot ng isang lalaki sa table
namin. Nagulat naman ako, kasi bigla siyang umakbay kay Josh, tila close na
silang dalawa. Kung ‘di ako magkakamali ay siya yung isa sa mga Seniors na
nakasabay ko sa ikalawang round ng Flag Ceremony para sa mga late comers. Medyo
natulala si Josh. “Uy,” mahina niyang bati. Ano kayang meron dito?, tanong
ko sa sarili ko. “Galit ka pa ba?” malungkot na tanong nung lalaki sa kanya.
Parang masyado naman ata silang sweet? Hindi kaya...?, tanong ng utak ko.
Mali ito, dapat hindi ko siya husgahan. Ayoko namang maging judgmental lalo na
sa isang taong alam kong magiging kaibigan ko.
Umiling lang si Josh. Kitang-kita ang mga
pagkabagabag sa mata niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila
nakisimpatya ako sa nararamdaman ni Josh. Tila may isang parte ng pagkatao ko
na gusto siyang aluhin at pasayahin. “Eh galit ka pa ata, eh.” Malungkot na
giit ng lalaking katabi ni Josh. Hindi kaya...? udyok na naman ng utak
ko. Parang masyado ata silang malapit sa isa’t-isa. Hindi iyon normal sa
dalawang magkaibigan, lalo na sa lalaki, but who am I to judge them, right?
“Sorry na. Namiss lang kasi kita. Noon lang ulit
kasi ako nakitulog sa inyo. Sorry.” Sabi ng lalaki na lubos kong ikinagulat.
Parang tama nga ang hinala ko. Sorry. Namiss. Nakitulog kila Josh. Easy
lang. Don’t jump to conclusions on your own, pilit na sabi ng utak ko. Sa
hindi ko alam na dahilan ay parang nagselos ako. Ano? Selos? Hindi siguro.
Siguro nga dahil sa ayaw ko ngang nakikitang malungkot si Josh dahil nga
kaibigan ako. Oo, ‘yun lang ‘yun, tila pagkumbinsi ko sa sarili.
“Bati na tayo, please.” Paghingi ng tawad ng
lalaki. Nagtaka naman ako nang ipatong ng lalaking iyon ang noo niya sa balikat
ni Josh. Natawa naman si Josh. “Oo na. Oo na. Para kang timang diyan sa pwesto
mo.” Nakangiti niyang sabi. At doon ay bigla kong nakita bumalik ang kaunting
sigla sa mga mata niya. “Talaga? Yes! Sorry, ‘di na mauulit.” Masiglang sabi
nung lalaki. Ang close naman nila ng sobra para magsuyuan ng ganoon, taka
kong pag-iisip.
“HOY! Papa Gab, tampo na ako sa’yo! Parang ‘di
ako nage-exist ah! Nandito ako! Wala man lang good morning?” singit ni Janine
sa usapan na nagpabalik sa ulirat ko. “Hehe, sorry. Ito kasing kaibigan mo,
pinahirapan ako kahapon. Good morning, babes!” nakangiting bati niya kay
Janine. “Hihi, oks lang ‘yon, basta ikaw! Ay, Papa Gab, si Matt nga pala. Bago
namin siyang classmate. Groupmates din kaming tatlo. Matt, si Gab boy... uhmm...
bestfriend ni Josh.” Tila kilig na sagot ni Janine. Hindi namang maikakaila na
may itsura ‘yung lalaki kaya siguro kinilig si Janine. Pero lamang pa rin
ako ng maraming paligo hehe. Adik ko talaga, natatawa kong pakikipag-usap
sa sarili. Pero teka... bestfriend? Parang, ayoko namang isipin, pero parang boyfriend
ang una kong dinig sa sinabi ni Janine. Hindi naman siguro. “Hi, Matt
nga pala.” Casual kong bati doon sa lalaking nagngangalang Gab. Ngumiti naman
siya. “Gab, pare” sagot naman niya.
Talagang napaisip ako. Posible ba talaga ang
iniisip kong iba si Josh? I mean, wala namang kakaiba sa mga kilos niya.
Kung tutuusin matikas siya. May itsura siya, cute to be honest. Singkit ang
mata na labis kong ikinatutuwa. Ang mga ngiti niya ay mga ngiting nakakapagtanggal
ng pagod. Masyado naman ata akong nadala, sabi ko sa sarili ko.
Napailing na lang ako. Pinagmamasdan ko siya habang nag-uusap sila ni Janine. Haay,
Josh. Bakit ganito ang epekto mo sa akin?
Natauhan na lamang ako nang tingnan ako ni Josh.
Nagkatitigan kami sandali. Kinabahan ako. Tila nabasa niya ang mga nasa isip
ko. “Oh, Matt, parang tahimik ka ata.” si Josh. “Ah, eh... wala. May naalala
lang ako hehe.” Taranta kong sagot. Ano ba ‘yan?!, asar kong pahayag sa
sarili. “Okay.” Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil parang balewala
lang iyon sa kanya. “Share ka naman!” masiglang sabat ni Janine. “Oo nga! Para
makilala ka pa namin.” Dagdag ni Josh. Ngayon, nasa akin na ang atensyon ng
dalawa. Kung pwede ko lang tampalin ang noo ko sa harap nila ay gagawin ko,
kaso baka magtaka sila. “Ahh... wala. Nakalimutan ko na rin.” pagsuko ko. Hindi
ko naman kasi pwedeng sabihin na si Josh ang nasa isipan ko. “Weird mo ‘tol!”
asar niya. Hala, nakakahiya naman... pero teka?! Ano naman pakialam ko? Arrrrggh!
Ano bang nangyayari sa akin? Oo, Josh, weird talaga ako! Kahit ako ay hindi ko
na rin alam kung bakit ako nagkakanito sa iyo! sigaw ng isipan ko.
Come what may. Kung may patutunguhan man itong
kahibangan ko ay bahala na si Batman. Alam kong may dahilan kung bakit ko ito
nararamdaman.
--
Chapter 6
Janine.
Tila napansin kong balisa si Matt pagkaalis ni
Gab. Hmmm, I sense something fishy. Kaya naman dapat kong malaman kung
bakit siya biglang natahimik. “Friend, dahil maganda ako at friend kita,
pwedeng pakikuha naman ‘yung tubig ko sa bag? Nasa classroom kasi. Nakalimutan
ko. Tinatamad ako, eh.” Sabi ko kay Josh with paawa effect. “Huh? Ang layo eh,
bili ka na lang. Libre kita, gusto mo?” sabi niya. Nako, dapat mapaalis ko
siya para makausap ko ng masinsinan si Matt. Dapat now na. “Sige na. Kundi
baka may mangyaring... nevermind” sabi ko, habang pinandilatan siya. Alam ko
namang nagets niya ang gusto kong iparating. Lagi ko na itong ginagawa sa kanya,
‘yung kunwariang blackmail. Pero hindi ko naman gagawin iyon. Mahal ko si Josh
bilang kaibigan at malaki ang tiwala namin sa isa’t-isa.
“Sabi ko nga, eh. Kukunin na.” Tila naalarma
naman si Josh sa sinabi ko at dali-daling umalis ng canteen paakyat ng room. Now’s
my chance. “Oh, Matt, ishare mo naman ang bumabagabag sa iyo.” Seryoso kong
sabi para naman magshare siya. “Huh? Wala. Ano bang meron?” sagot niya. Sus,
nagkunyari pa ang mama! Pareho talaga kayo ni Josh. OMG hihi, I really think my
prediction’s coming true. “Matt, alam ko ngayon pa lang tayo nagkakilala,
pero sinasabi ko sa’yo, mapagkakatiwalaan mo ako. I treasure the people I have,
and that includes friends... and you’re one of them. You can tell me. Trust me.
Sa ating dalawa lang ito.” I did my best to sound natural. Baka kasi ‘di siya
maniwala kahit sincere ang mga sinabi ko sa kanya.
Umiling lamang siya. Sigh. “Okay, may
hinala kasi ako. Kaya ko nga pinaalis si Josh ay sa tingin ko ay siya ang
dahilan ng kung anuman ang iniisip mo ngayon.” Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman
ang mata niya. Huli ka, boy! Sabi na eh, haha! Patay ka, Josh. Simula na
ito. “You can tell me.” Pagpilit ko. He hesitated for a while. “Uhm,
nakakahiya kasi eh...” pahayag niya na tila matatae. Hiyang-hiya nga talaga
siya. Ang cute naman nito kung sakaling magkabromance sila. “Don’t
worry. I keep my word. This is going to stay just between the two of us.” Sabi
ko.
He sighed. “Uhmm, promise Janine sa atin lang ‘to
ha?” Tumango na lang ako bilang pagtugon. “Yung... ‘yung... Gab... uhm, sila ba
ni Josh?” halatang nahirapan siyang sabihin ang mga salitang iyon. Natuwa ako
sa loob-loob ko. Sabi na nga ba at tama ang mga predictions ko Hihi, bingo!
Selos si pogi. “Paano kung sabihin kong oo?” paghamon ko sa kanya. Gusto ko
kasing maconfirm kung gaano katindi ang nararamdaman niya para sa kaibigan ko.
Oo, nagsisimula pa lang siguro siya, pero I want to test the waters. Nakita ko
naman na sandaling nawalan ng sigla ang mukha niya. OMG! Nakakaloka. Hindi
ko kinakaya ‘to!
“Ahh, wala lang. Just wondering.” Matamlay niyang
sabi. HAHA malakas na ang tama nito. Nako, Josh! You already! Ang ganda mo
lang! “Halika, I’ll let you into a little secret.” Sabi ko sa kanya.
Inilapit naman niya ang ulo niya sa may bibig ko... at hinalikan ko siya! Haha,
joke! Bumulong lang naman ako sa kanya. “Wala, bestfriends lang sila. Kaya may
pag-asa ka pa. Boto ako sa’yo, don’t worry.” Pag-amin ko sa kanya. Tila gusto
kong palakasin ang loob niya. Ginagawa ko rin naman ito para kay Josh dahil
gusto ko siya makitang happy. Parang wala kasi siyang balak na buksan ang puso
niya, kahit sa babae man dahil nga umiikot ang mundo niya kay Gab. Sigh.
Dahil na rin siguro ito sa mga nakita namin
kahapon. Nakita ko kung gaano kalungkot si Josh nang makita niya si Gab at
Therese, lalo na nang marealize niya na nagsinungaling sa kanya si Gab. Oo,
nainis ako dun sa gwapong monster na iyon dahil sinaktan niya si friend. Kaya
siguro ginawa kong panibagong manok si Matt. Oh, ‘di ba? Ang bait kong
kaibigan! Napansin ko naman ang reaksyon ni Matt. Bahagya itong napangiti kaya
pinalakas ko pa ang loob niya. “Alam mo, si Josh, isa ‘yan sa mga taong
pinakaimportante sa akin dahil ang dami na niyang nagawa para sa akin.
Napakabait niyan at ayokong nakikita siyang nasasaktan. Kaya mo bang pawiin ang
lungkot niya?” sinsero kong sabi. “Huwag kang mag-alala hindi kita huhusgahan,
at sana huwag mo rin husgahan si bebe Josh. Ikkwento ko na lang sa’yo once we
have more time privately.” I cut my statement short dahil nakita kong papalapit
na si Josh dala-dala ang tumbler ko. Pink, syempre! “Sana huwag kang
maghesitate. Kung ano man ang nandiyan, panindigan mo. Huwag kang matakot. I’ll
be with you through this. Maasahan ko ba ‘yon?” madiin kong tanong kay Matt.
Nangiti siya, “Fuck this. Oo naman. Thank you, ha.” Sabi niya, natatawa at
napapailing.
“Oh, anong meron? Oh, eto na, babes!” biglang
entra ni Josh sa usapan namin ni Matt. “Wala, kinkwento ko lang sa kanya ‘yung
bago naming aso sa bahay.” Palusot ko. Mukha namang bumenta kay Josh dahil
napatango na lang siya. Nadako ang pansin ko kay Matt. Masuyo ang tingin niya
kay Josh... malagkit. Oops, joke lang ‘yung pangalawa. Kitang-kita ko ang
ningning sa mga mata ni Matt. Siguro dahil nga sa convincing and friendship
powers ko ay nagawa ko na rin tanggalin ang lahat ng doubts kay Matt. Ang
galing ko talaga. Ang lakas na siguro ng tama niya kay Josh. Hindi ko rin naman
siya masisisi dahil gwapo talaga si Josh, mabait, magaling kumanta, at
napaka-friendly. Kung hindi nga lang kami ganitong kaclose eh baka naging crush
ko na rin siya.
Basta ang alam ko ay gagawin ko ang lahat ng
makakaya ko para mapasaya si Josh. And if si Matt ang sagot doon, then be it.
Gusto ko everybody happy, especially ang friends ko.
--
Gab.
Flashback
“Babe, mall tayo
later.” Text ni Therese sa akin.
“Okay, see you.” Ang reply ko.
Girlfriend
ko si Therese. Dalawang linggo na rin kami ngunit kaming dalawa lang ang
nakakaalam ng relasyon namin. Kahit si Josh na bestfriend ko ay walang alam.
Gusto kasi ni Therese na itago muna ang relasyon namin. Naiintindihan ko naman
siya. Masaya ako dahil napasagot ko na ang babaeng matagal ko ng pinapangarap.
Mahal ko ba siya? Oo naman. Akala ko nga rin perfect na eh. Kung masaya lang
sana ang pamilya ko at hindi galit si Josh sa akin ay malamang ako na ang
pinakamasayang tao sa mundo.
Haay, kamusta na kaya si Josh? Kung alam lang
niya ang mga bagay na gusto kong ikwento sa kanya. Sigurado naman kasi akong
matutuwa siya dahil matagal na rin niya akong sinusuportahan sa panliligaw ko
kay Therese. Masaya ako dahil mayroon akong isang tulad niya sa buhay ko. Siya
kasi ang tiga-salo ko tuwing may problema ako. Sa kanya lang ako nakakapag-open
up dahil nga sa wala naman akong pamilyang maituturing. Anak kasi ako sa labas
ni papa. Although hindi naman siya nagkulang sa sustento sa amin ay hinahanap
ko pa rin ang kalinga ng isang ama. Wala naman akong galit sa kanya. Siguro
dahil hindi ko naman siya gaanong binibigyang-pansin na dahil si mama lang ang
kasama ko lagi sa buhay.
Hay, ang tanga mo talaga, Gab. Magsorry ka na
kasi. Oo, duwag
ako. Nahihiya akong magsorry sa kanya at aminin ang pagkakamali ko. Ang baba
tuloy ng tingin ko sa sarili ko, dahil parang namaltrato ko ang isang taong
napakahalaga sa akin. Alam ko kasi na kahit simpleng biro lamang iyon ay
nagkaroon na rin ng impact iyon kay Josh dahil madalas kong gawin sa kanya iyon
tuwing natutulog siya. Iba-iba nga lang ng paraan, pero it’s the thought that
counts. Mali pa rin. Isa pang rason kung bakit ako sobrang frustrated ay sa
imbes na tulungan ko siya sa problemang dinadala niya ay nakadagdag pa ako.
Whereas siya ay nandiyan lamang at handang tumulong sa akin tuwing may problema
ako. Nakakahiya talaga. Ang gago ko talaga.
At nagkita
na nga kami ni Therese at nagtungo sa SM. Walang patid ang ngiti niya buong
araw, na nakapagpalubag ng loob ko kahit papaano. “Babe, parang may iniisip ka.
May problema ba?” alalang tanong ni Therese sa akin. Tila napansin niya na
medyo tahimik ako habang nagma-mall kami. “Ah, wala, medyo masama lang gising
ko.” Ang sabi ko sa kanya. Nginitian na lamang niya ako at hinawakan ang kamay
ko. Tila iyon na ang paraan niya para icomfort ako. Josh naman kasi, eh. Bakit ba hindi ako mapakali? Naiinis tuloy ako sa
sarili ko.
Nabasag ang
pamumuni-muni ko nang biglang may nagtext. Hindi ko inaasahang pangalan ni Josh
ang mababasa ko sa screen ng cellphone ko. Hindi niya kasi gawain ang magtext
tuwing pikon siya sa akin.
“Bes, san ka? Pwede ba
tau magkita? :-)” ang text ni Josh.
Sayang naman. Kasama ko si Therese ngayon. Sayang
ang pagkakataong makipagbati sa kanya. Hindi ko naman pwedeng biglang iwanan si
Therese. Ngayon ay napilitan akong gawin ang isang bagay na labag sa kalooban
ko.
“D2 na ako bahay. Bukas na lang.”tipid kong reply. Ang sakit, pero alam ko
namang maiintindihan niya ako. Ikukwento ko rin naman sa kanya ang relasyon
namin when the time comes. It’s just that Therese doesn’t want to go public
yet. Come to think of it, bakit nga kaya? “Babe, Starbucks tayo.” Nakangiting
yaya ni Therese na siyang gumising sa kamalayan ko. Tumango na lang ako
sinabayan siyang maglakad patungong Starbucks.
Ano nga
kaya ang problema ni Josh? Sino kaya ‘yung taong sinasabi niyang iniibig niya?
Wala rin kasi siyang nababanggit tungkol doon sa akin. Hindi kasi ang tipo niya
ang nagoopen-up, kahit sa akin. Kung sinuman ang tanong iyon ay napakaswerte
niya dahil isang katulad ni Josh ang nagmahal sa kanya. Na kay Josh na kasi ang
lahat ng hahanapin mo sa isang tao: talino, magandang ugali, karisma, at ‘yung
quality niya na masarap siyang alagaan. Kaya siguro ako napalapit sa kanya.
“Babe, uwi
na tayo. Parang pagod ka na, eh.” concerned na sabi sa akin ng girlfriend ko.
Hindi na ako tumutol pa at tumayo na lang at sinabayan siyang lumabas ng coffee
shop. Hinatid ko siya sa bahay nila dahil nagdidilim na rin at gusto kong
makarating siya sa bahay nila ng ligtas. Nang nasa gate na kami ng bahay nila
ay bigla siyang nagsalita. “Gab, thank you nga pala for today. Basta tatandaan
mo lang na may tao kang masasandalan kung may problema ka. Nandito lang ako,
ha. Oh sige, papasok na ako, ha. Thank you ulit.” Mahaba niyang pahayag.
Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang halik sa pisngi at tuluyan na siyang
pumasok ng bahay.
Tulala pa rin akong nasa harap ng bahay ni Therese. Iniisip ko pa rin
ang kasalanan ko kay Josh. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong bumawi sa kanya.
Dapat isipin ko kung paano ko siya matutulungan sa problema niya. Ako ang
tagapagtanggol niya eh. Hindi dapat ako ang nakakasakit sa kanya. Ako dapat ang
nag-aalaga kay Josh. Kaya naman sisikapin kong pasayahin siya lagi.
Nakapagdesisyon na ako. Bihira ko mang gawin dahil nga nahihiya ako ay
kailangan ko ng magsorry sa kanya. Ayoko siyang mawala sa akin. Hindi ko
kakayanin kapag nangyari iyon.
--
Masaya ako dahil nagkabati na rin kami sa wakas
ni Josh. Kahit nahirapan akong magsorry sa kanya ay worth it din pala ito dahil
sa nabalik ko ulit ang bestfriend ko sa akin. Pinakilala rin nila sa akin ang
bago nilang kaibigan na si Matt. Okay naman siya, pero medyo ilang ako sa kanya
sa ‘di malamang dahilan. Sana ay maging mabuti siya kay Josh gaya ni Janine,
dahil kung hindi ay ako ang unang-unang gugulpi sa kanya. Ang lakas ko kaya
hehe.
Ngayong ayos na ang gusot namin ni Josh ay ang
kailangan ko na lang gawin ay alamin kung sino ang taong nagpatibok ng puso
niya. Tutulungan ko siya. Gagawin ko ang lahat para sa bestfriend ko gaya ng
ginagawa niya para sa akin.
Gagawin ko ang lahat.
Dahil siya ang bestfriend ko.
--
Itutuloy...
Team Matt all the way. HAHAHAHA
ReplyDeleteAyan na! Nagsimula na ang mga "team"! :))
Delete^^ next chapters na.. Hehhe ganda nito grabe
ReplyDeletewalang excitement sa chapters na to. maybe sa presentation nila meron na at kung magiging sila na ni Josh at Matt. gosh kilig much ang peg!
ReplyDeleteMatt-josh mas ok na tandem...tnx sa update
ReplyDeleteRandzmesia
hala JOMAT din ako haha
ReplyDeleteI love matt :) khit mejo kapangalan ko si gab. lol
ReplyDelete- gavi
kilig to d max eto ah lol
ReplyDeletetaob tlga beauty ne janine, ikaw na tlga josh hahaha
i think JOGAB ang ending???
AtSea
wow, straight pla c gab. duamting nmn n c matt. ano kya mangyayari? magjelos kya c gab?
ReplyDeletebharu