Warning, starting from here, medyo mabibigat na ang mga susunod na chapters.
Maraming, maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa series na ito. Sana ay magpatuloy lamang ang inyong suporta at huwag kayong magsasawa. You inspire me to keep writing.
Comment your thoughts! :D
Happy Reading!
--
Chapter 21
Heto na, malalaman ko na.
“Si...”
pagsisimula niya.
Ayan na!
“Teka, isang
tanong lang ah! Namimihasa ka na!” sabi niya. Sayang. Medyo nalungkot ako ngunit hindi ko naman iyon pinahalata.
Siguro sa ibang pagkakataon ay malalaman ko rin iyon. Uminom siya ulit ng alak
matapos sabihin iyon. Nakakarami na rin siya simula kanina. Halata iyon dahil
sa namumula na siya, at tila bumabagsak na ang mata niya.
“Oo na! Oo na!”
pagsuko ko, sabay abot sa kanya ng bote na siyang pinaikot naman niya.
Tumigil
ang bunganga nito sa akin, habang ang pwetan naman nito ay kay Matt natigil.
The exact opposite of the previous spin. “Truth or dare?” tanong ni Matt.
“Uhhh...” napa-isip ako. I was weighing the pros and cons of each option. If I
choose truth, baka maipit ako, at matanong ng tanong na hindi ko gustong
sagutin, if magdare naman ako, same, baka ayawan ko rin ang pinapagawa ko.
“Ano, Josh?” inip na tanong ni Janine.
“Dare
na nga lang.” Sabi ko. Napaisip naman si Matt sa gagawin niya, ngunit ikinataka
ko naman nang may ibulong siya kay Janine. Nagtaka akong lalo nang manlaki ang
mata ni Janine sa binulong ni Matt. Biglang nagbago ulit ang ekspresyon ng
mukha ni Janine. Tila ngayon ay hindi siya mapakali, parang ‘di matae, na lalo
kong ikinakaba. Kung si Janine ay kinabahan sa binulong ni Matt ay sigurado
akong matindi iyon kung anuman iyon.
“Para
na rin sa kanya ‘to, Janine.” Matigas na sabi ni Matt kay Janine. “Huh?” tanong
ko. “Josh. I dare you to answer this question honestly.” Seryoso niyang sabi.
Nagulat naman ako. “Gago, kaya nga dare eh.” Basag ko sa kanya. “Oh, what’s the
difference? May ipapagawa ako sa’yo. And that is to answer what I am about to
ask honestly.” Pagrarason niya. Oo nga naman, may logic doon sa analysis niya.
Kung ganoon pala ay talo ako, dahil kahit anong iwas ko sa “truth” ay dito pa
rin ang bagsak ko. Napabuntong-hininga ako at tumango.
“Mahal
mo ba si Gab?” diretsong sabi ni Matt.
At
tila hindi na ako makahinga nang marinig ko ang tanong niya.
Ngunit
panandalian lamang ako nagpanic dahil na nga rin sa tama ng alak ay nagkaroon
ako ng tapang at lakas ng loob. Do or die. If hindi ako matatanggap ni Matt
dahil sa pagkatao ko, ay hindi talaga siya tunay na kaibigan. Dapat malaman ko
na rin once and for all. Baka nag-aaksaya lang pala ako ng oras sa kanya. Ayoko
ng masaktan. With that, I gathered all the courage I can find and spoke.
“Matagal
na...” mahina kong sabi. “Josh...” singhap ni Janine. Tila hindi niya ineexpect
na aamin ako. “No, it’s okay.” Sabi ko sa kanya. “Siguro I just need to let it
all out. Yes, mahal ko siya. More than anything else. Ngayon lang ako
nakaramdam ng ganito, and ang weird pa, sa kapwa ko pa lalaki.” Napatawa ako ng
mapait pagkasabi ko noon. “I’ve been trying to fight this, kasi alam kong mali.
Alam kong walang patutunguhan ito, pero ang puso ko pa rin ang nagdidikta ng
nararamdaman ko. Minsan nakakapagod, pero kapag kasama ko siya ay nagkakaroon
ako ng lakas ng loob, nagkakaroon ulit ako ng pag-asa. Siya ang kaligayahan
ko...” pagpapatuloy ko.
“Ngayon,
Matt... alam mo na. Alam mo na, na... iba ako. I don’t expect you to be friends
pa rin sa akin dahil sa nalaman mo, and I totally get you. No hard feelings.
Weird nga naman para sa’yo na straight at...” Bigla akong niyakap ni Matt sa
‘di malamang dahilan na siyang nagpatigil sa aking pagsasalaysay. Lalo niyang
hinigpitan ang yakap niya. At doon ay lumabas na lahat ng pinipigilan kong luha
at tahimik na umiyak.
“Shhh...
shhhh.” Pag-aalo niya. “I will never do that. Kaya ko iyon tinanong ay gusto ko
lang makasigurado. May hinala na ako all this time. Ngayon, alam ko na. Ganoon
ba ang tingin mo sa akin, Josh? Na iiwasan kita? Na pandidirihan kita? No,
hindi ako aalis sa tabi mo. Aalagaan kita. Tanggap kita, huwag kang mag-alala.
Mahal kita...” bulong ni Matt. Napahikbi ako sa sinabi niya. Ngunit, ano daw?
“Ahhh, ehh... mahal kita at mahalaga ka sa akin dahil ikaw ang bestfriend ko.
Ikaw ang nag-ahon sa akin mula sa kalungkutan, kung alam mo lang. I will never
do anything na makakasakit sa’yo. Kaya huwag ka ng mag-alala, bes.”
Pagpapatuloy niya. At ngayon ay humahagulgol na ako.
I
was wrong all this time. Akala ko ay hindi niya ako matatanggap, it turns out
kahit may hinala na pala siya ay matagal na niya akong tanggap, dahil hindi
niya ako iniiwasan. Ngayong alam na niya ay akala ko magkakalamat na ang
pagkakaibigan namin. Seems like I underestimated Matt again. Isa talaga siyang
tunay na kaibigan.
“Salamat...”
umiiyak kong sabi. Yumakap na rin si Janine at sinabi din niyang patuloy siyang
na sa tabi ko. Masaya ako dahil nabiyayaan ako ng dalawang tunay at matalik na
kaibigan. Minalas man ako sa pag-ibig, ay sobra-sobra naman ang swerte ko sa
kanilang dalawa. Ang saya ko, dahil alam kong lahat ng taong mahahalaga sa
buhay ko ay tanggap pala ako.
“Oh,
keri na? G na! Ako naman nang makatulog na tayo! 2:30 na!” sabi ni Janine.
Nangiti naman ako. Natapat ang bunganga ng bote kay Matt habang kay Janine
naman ang pwetan nito. “Ako na naman?!” reklamo ni Matt. Natawa na lang kami ni
Janine. “Last na naman, ‘to. Since nag-truth ka na kanina, dare ka na ngayon.”
Sabi ni Janine. Tumango na lang si Matt.
Napangiti
ng pilya si Janine.
At
nang sinabi niya ang ipapagawa kay Matt ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata
ko.
--
Chapter 22
Kinabukasan
ay sinikap kong gumising ng mas maaga para hindi ako maabutan ng dalawa.
Nag-iwan na lamang ako ng sticky note sa cabinet ni Matt na nagsasabing nauna
na akong umuwi. Nang makauwi ako ay tulala pa rin ako. Iniisip ko pa rin ang
mga nangyari kagabi. May hinanakit ako sa dalawa dahil pakiramdam ko ay tila
pinagkaisahan nila ako. Dahil sa ipinagawa ni Janine, at lalong-lalo na sa
pagsunod ni Matt sa dare niya. Pagkatapos noon ay tila wala na akong maalala.
Napahawak naman ako sa dibdib ko, pinakikiramdaman ang tibok ng puso ko habang
inaalala ang mga nangyari kagabi.
Kaya ayoko ng may alak na involved, eh.
Kaya
tinawagan ko si Gab. Isinantabi ko na muna ang mga nararamdaman ko. I just want
someone to be with. I want the presence of a friend. “Bes, pwede punta ka
dito?” tanong ko sa kanya. “Oh, ang aga, pero okay lang special ka, eh haha
naks.” Banat niya. “Haha gago, dre.” Pagbasag ko sa kanya. Heto na naman kasi
ako, aasa na naman, kaya pinagana ko ulit ang defense mechanism ko.
“Akala
ko ba na kay Matt ka?” tanong niya, tila wala ng pagtatampo sa boses niya na
siyang ikinagalak ko. “Ahhh, nauna na ako. Wala kasi akong uniform. Bahay na
ako.” Pagdadahilan ko. “Okay, see you in 30 minutes!” sabi niya. “Okay,
breakfast ka na rin dito. Nakakahiya naman sa’yo eh.” Biro ko. “Kilalang-kilala
mo talaga ako. Sweet naman. Bye, see you! Mwah!” sabi niya. “Landi mo, gago!”
balik ko sa kanya, ngunit naibaba na pala niya ang cellphone niya.
Naligo
na ako at nagbihis. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko gusto ang
nakita ko. Kulang ako sa tulog. Kung wala lang sigurong alak kagabi ay hindi na
ako makakatulog. Sa ginawa ba naman ni Matt sa akin ay sino ang makakatulog?
Ang tama na lang ng alak ang nagbigay sa akin ng antok. Hay, naalala ko na naman ‘yon! I did my best to brush if off, at
bumaba na nga ako papuntang dining area.
“Bakit
busangot mukha mo?” bungad sa akin ni mama habang naghahanda ng makakain namin.
“Hangover lang po siguro,” pagsisinungaling ko. “Nako, nako.” Natatawang
pang-aasar ni mama. “Ay, ma. Dito kakain si Gab.” Simple kong sabi. Napaangat
naman ng ulo si mama nang marinig ang pangalan ni Gab. Tinitigan niya akong
mabuti. “Ma... okay na kami.” Pahayag ko. Napatango naman si mama, tila
nag-iisip. “Oh sige, dadagdagan ko ‘yung niluto ko.” Ang tanging nasabi ni
mama.
At
ilang sandali lamang ay narinig ko na ang boses ni Gab.
“Good
morning, tita!” bati niya sabay beso sa pisngi ni mama. “Oh, anak. Mabuti naman
at napadalaw ka dito.” Masayang bati ni mama. “Ay, namiss ko po kasi ang luto
niyo. Ang swerte nga po ni Josh eh, magaling na magluto nanay niya, maganda
pa.” Bola niya. Ganito naman lagi, eh. Kahinaan kasi ni mama ang mga compliments,
kaya naman kapag nandito si Gab ay todo-asikaso siya sa amin. “Iyan ang gusto
ko sa’yo eh. Oh sige, maupo na kayong dalawa. Malapit na rin ‘tong piniprito
ko.” Sabi ni mama.
“Parang
tuliro ka?” tanong ni Gab nang makaupo na kami sa harap ng mesa. “Ahh, wala...
puyat lang.” Sagot ko. “Nako, Gab! Naglasing ‘yan kagabi! Pagsabihan mo nga
‘yang kaibigan mo.” Bungad ni mama galing sa kusina dala-dala ang ulam.
Tiningnan naman ako ng seryoso ni Gab, tila sinasabing “Hindi ko gusto ang ginawa mo.” “Konti lang naman hehe.” Pagdepensa
ko.
Nagulat
na lamang ako nang bigla siyang tumayo at nagpunta sa kusina. Nagtataka ako
dahil kumpleto na naman ang nakahain sa mesa. Nang bumalik siya ay may
dala-dala siyang tray na may thermos, tasa, asukal, gatas, at isang sachet ng Milo.
Nagtimpla siya ng isang tasa. Lalo akong nagulat nang ibigay niya sa akin iyon.
Ang buong akala ko kasi ay para iyon sa kanya. “Oh, inumin mo ‘yan nang
magka-energy ka. Huwag mo akong pinag-aalala.” Malaman niyang sabi.
Napangiti
ako sa loob-loob ko. Ito na naman ako. Nagbabalik ang kilig na nararamdaman ko
noon pa sa kanya. Ganiyan siya kaalaga at kasweet sa akin, kaya naman hindi ko
talaga masisi ang sarili ko kung bakit ako nahulog sa kanya. “Inumin mo na.”
Nakangiti niyang sabi. Nagpasalamat naman ako at ininom ko na ang ginawa niyang
Milo para sa akin. “Bakit hindi ka gumawa ng iyo?” tanong ko. “Ahh, huling
sachet na ‘yan eh. Mas kailangan mo ‘yan.” Sabi niya habang patuloy sa pagkain.
Lalo naman akong napangiti dahil doon. Nagrigodon na naman ang puso ko dahil sa
mga ginagawa ni Gab. Nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos kami ay
dumiretso na agad kami sa school.
Namiss
ko ito. Namiss ko ang mga moments namin ni Gab tulad nito. Kakain ng sabay, at
sabay na pupunta ng school. Nitong mga nakaraang buwan ay hindi ko maikakailang
naging malaking dagok para sa akin ang paggising sa araw-araw, still expecting
the same old routine. Kaya naman nahirapan akong tanggapin ang pagbabago noon.
But now, everything seemed like it’s back to normal. Parang wala kaming naging
problemang dalawa. Napapansin ko rin na mas nagiging maaalahanin siya, tulad ng
nangyari kaninang umaga. Ito siguro ‘yung sinasabi niyang pagbawi. Nakangiti
akong pumasok sa school.
“Josh!”
tawag ni Janine nang mabungaran niya kaming pumasok ng gate. Nang makita ko
siya ay nagbalik na naman sa akin ang mga nangyari kagabi. Nainis akong bigla.
Kung ano ang ikinasaya ko kanina ay siya namang ikinairita ko ngayon. Kaya
naman ay hindi ko na lang siya pinansin at walang sabi-sabing hinila ko si Gab
papalayo kay Janine. “Bes, easy lang!” reklamo ni Gab. Medyo napalakas siguro
ang hila ko. Binitawan ko ang braso niya at humingi ng paumanhin.
“Ano bang nangyayari sa’yo? Kaninang umaga ka pa tuliro, and don’t
give me that alcohol crap! Alam kong may mas malalim na rason diyan sa
pagkabalisa mo.” Nag-aalalang sabi ni Gab. “Tapos what’s with Janine? Bakit
hindi mo man lang siya pinansin?” pagpapatuloy niya. Napabuntong-hininga na
lang ako. “Okay lang ako. Thanks sa concern, bes.” Matamlay, ngunit nakangiti
kong sabi sa kanya. “Ayan ka na naman, eh. Ayaw mo na naman mag-open sa akin.
Hay, pero sige I understand. Basta nandito lang ako palagi, ha.” Pahayag niya.
“Salamat, bes.” Sabi ko.
--
Nakakailang
na katahimikan. Ni sa classroom ay hindi ko sila pinapansing dalawa. Mantakin
mong nasa gitna ako ng dalawang taong kinaiinisan ko. Hindi ako nag-iinarte. May
karapatan akong maging ganito dahil sa ginawa nila. Kung alam lang nila ang
pinagdadaanan ko ngayon, ay hiniling na nila na hindi nila ako pinagkaisahan.
“Josh, galit ka pa ba?” patuloy na pangungulit ni Matt. Gaya ng
nakagawian ay hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpasak na lamang ako ng
earphones sa aking tenga. Napailing naman si Matt sa naging tugon ko. If I only
had a choice, I would transfer seats, but no. Kaya dapat kong pagtiisan ito. Sa
kabilang banda ay tahimik naman si Janine. Kung may inis ako kay Matt ay mas
matindi ang inis ko kay Janine. Siya kasi ang nagsimula ng lahat. Siya ang
nagpagawa ng dare kay Matt. Pakiramdam ko ay napaglaruan ako. Ginamit niya ang
alam kong kahinaan, or should I say, pagkakaiba, against me. If she thought it
was funny or a sort of a joke, hell, it was a bad one.
--
Flashback
“Kiss Josh... on the lips.” Sabi ni
Janine.
“ARE YOU CRAZY?!” bulyaw ko sa kanya.
Halikan ako ni Matt. ‘Yun ang dare?! Alam kong gaga si Janine, pero hindi ko
inexpect na ganito na pala kalala ang lebel ng kagagahan niya. “You heard me
right. I am dead serious.” Tugon niya, pilit nagpapakaseryoso kahit halata sa kanyang
lasing na lasing na siya.
“NO WAY, JANINE! Gaga ka. Gago ba ako? Gago
ba si Matt para gawin iyon sa ak--“ natigilan ako nang biglang hawiin ni Matt
ang mukha ko at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.
Ang lambot ng mga labi niya. It was my
first kiss from a guy, but it did not feel different... it felt special
actually. My heart skipped a beat. It was as if it was telling me, this was the
right thing to do. Naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang mga labi ni Matt.
Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig dahil doon. Itinulak ko siya at
tumakbo ako palabas ng kwarto.
Ang huli ko na lamang
natatandaan ay nakatulog ako sa sofa nila na may gulung-gulong utak.
Natapos
ang araw ng hindi ko pa rin pinapansin ang dalawa.
Nakarating
ako ng bahay na balisa, at wala sa sarili. Nagbihis ako. Gulung-gulo na talaga
ang utak ko. If I’m going to be honest with myself... nagustuhan ko ang ginawa
ni Matt. Iba ang pakiramdam ng halik na iyon, it was something na hindi ko
naramdaman sa mga halik ng mga naging girlfriend ko dati. Ang ikinahihimutok ko
lamang ay ‘yung fact na pakiramdam ko ay natake advantage ako, which just
justifies the fact na I just recently came out when he did it. Parang...
napagtripan ako. Kasi malabo naman talaga na may nararamdaman si Matt sa akin,
so ano pa ba ang rason kung bakit niya ako hinalikan? Trip-trip lang. At isa
pa, lasing siya noon. Sweet siya lagi sa akin, oo... ngunit alam kong walang
ibig sabihin ang halik na iyon para sa kanya.
Masakit,
kasi kaibigan ko siya—bestfriend in fact, tapos siya pa ang gagawa sa akin
noon. May sinasabi pa siyang aalagaan niya ako, at hindi pababayaan, eh doon sa
ginawa niya hindi ba’t parang binastos niya na rin ako? Sa ngayon ba ay tingin
niya ay hindi ako nasasaktan sa ginawa niya? Kung ganoon ang pagtanggap niya sa
pagkatao ko ay sana hindi na lang niya ako tinanggap. Mas masakit, dahil
pakiramdam ko ay ang baba ng tingin niya sa akin. And don’t get me started with
Janine dahil baka hindi ako makapagpigil sa inis ko sa kanya. She was the root
of this.
Hindi
ko namalayang nakatulog na pala ako. Napabalikwas akong bigla nang makita ang
mukha ni Gab na titig na titig sa akin. Nagulat ako. Nanlaki naman ang mata
niya, na tila nagsasabing nahuli ko siyang nakatitig sa akin habang natutulog
ako. “Ay, gising ka na pala.” Tarantang bulalas niya. “Ang sakit ng ulo ko.
Anong oras na ba?” tanong ko. “Ahh, mag 7:30 na.” Sagot niya. Napatango na lang
ako. “Ay shoot, makikitulog ka nga pala dito, ‘di ba?” tanong ko. “Tsk,
nakalimot agad. Opo hehe wala na naman kasi ulit si Mama sa bahay. Well, ano
bang bago doon?” malungkot niyang tugon. Hinayaan ko na lang iyon, dahil kapag
nagtanong ako ay magsisimula na naman siyang magdrama tungkol sa pamilya niya
at kung gaano siya nag-iisa sa buhay. “Kain na nga lang tayo.” Pag-iiba ko ng
usapan at niyaya ko na lang siyang bumaba para maghapunan.
“Hijo,
dito ka ba matutulog ngayon?” tanong ni mama sa kanya. “Opo, hehe
makiki-evacuate po ulit ako.” Biro niya. “Nako, walang problema. Kahit
araw-araw pa.” Pagsakay naman ni mama. Naghain na siya ng ulam at nagsimula na
kaming kumain. “Kamusta naman si Cynthia?” tanong ni mama kay Gab. Tila nalungkot
naman si Gab sa tanong na iyon. “Ganon pa rin po. Wala ulit sa bahay.
Inaasikaso po kasi ‘yung business namin sa probinsya.” Malungkot na tugon niya.
“Basta kung wala ‘yung mama mo, always welcome ka dito, ha.” Pag-aasure ni
mama. “Thank you, tita!” masiglang pagpapasalamat niya. “Kahit naman nandiyan
nanay niya, magccrash pa rin ‘yan dito eh.” Bulong ko sa sarili. “Ano ‘yun
anak?” tanong ni mama. “Ahhh, wala po. Hehe” tugon ko. Nagkatinginan naman kami
ni Gab, bumulong naman siya ng “Humanda ka sa akin mamaya.” Natawa na lang ako.
“Kamusta
naman ang business niyo?” pag-inquire ni mama. “Ma, ayaw niyang pinag-uusapan
‘yan.” Concern na paalala ko kay mama. Alam ko kasing nalulungkot si Gab kapag
mama niya at ang business nila ang pinag-uusapan. “Okay lang, bes... Ahm, okay
naman po, tita. In fact, medyo booming po ‘yung shop namin sa Cebu kaya medyo
nakakaluwag na po kami sa gastusin sa bahay. Nabibili ko na po ang mga gusto ko
kahit wala ng sustento ni papa. Ang downside lang po ay laging wala si mama sa
bahay kaya lagi po ako lang mag-isa kasi kailangan po niyang i-manage ‘yung
shop.” Pagpapaliwanag niya habang patuloy sa pagkain. Kaya hanga ako dito sa
mokong na ito, eh. Kahit ang dami niyang dinadala sa buhay, ay kaya pa rin
niyang maging masaya at harapin ito. Natango na lang si mama.
Nang
matapos kaming maghugas ay nagvolunteer siyang maghugas ng pinggan. Ang bait,
noh? “Nako, hijo ako na lang.” Pagtanggi ni mama. “No, tita. I insist. Enough
na pong nakikituloy at nakikikain ako lagi dito hehe. Makatulong man po ako.” Magalang
na tugon niya. “Nako, ang bait mo talaga. Kaya gusto kita para kay Josh, eh.”
Nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ni mama. Si Gab naman ay napatingin din
kay mama sa sinabi niya. “Ahh kaya gusto kitang kaibigan ng anak ko kasi good
influence ka sa kanya haha. Sige medyo napagod na rin ako eh. Magpapahinga na
ako.” Paalam ni mama. Nagkatitigan naman kami ni mama. Pinandilatan ko siya at
tinaas na lamang niya ang mga kamay niya na tila sinasabing alam niya ang
pagkakamali niya at dumiretso na sa kwarto niya.
“Bes,
tulungan na kita.” Mungkahi ko sa kanya. Ngumiti na lang siya at dumiretso sa
kusina. Napabuntong-hininga na lang ako. Si
mama talaga. Ang awkward tuloy. Habang naghuhugas kami ng pinggan ay bigla
kong naisip kumanta para mabawasan ang pagka-awkward ng sitwasyon.
“If I lay here, If I just lay here would you lie with me and just forget the world?”
“Naks, mukhang may pinaghuhugutan ah.” Pang-aasar niya. “Haha, gagu
wala. Alam mo namang tigang na tigang ang buhay pag-ibig ko.” Pagbibiro ko. “Oo
nga, eh. Bakit kasi ayaw mo pang mag girlfriend?” tanong niya. Natawa akong
bigla na ikinataka niya. Kung alam niya lang na hindi isang girlfriend ang
gusto kong magkaroon. “Ahh, wala naman akong nagugustuhang babae. At saka wala
rin namang magkakagusto sa akin. Mahiyain, mabahong umutot, immature, stubborn,
bipolar.” Paglilitanya ko. “Lelang mo! Eh ang dami ko kayang classmate ang
nagkakacrush sa’yo... “Omg, ayan na si
Josh. Gab, ilakad mo naman ako sa kanya please, emergherd!!” “Shet, ang hot
talaga ni Josh!”.” pag-iiba niya ng boses at umarte na tila isang babaeng
kilig na kilig na siyang ikinahagalpak ko ng tawa. Ang galing kasi niya,
kuhang-kuha niya ngunit hindi talaga bagay sa kanya. “Oh bakit ka natawa? I’m
serious, bes. FYI, gwapo ka, matalino, magaling kumanta, mabait! Naks naman.”
Pang-aalaska niya sa akin. “Haha, gago mamaya na lang ‘yan. Tapusin na lang
natin ‘tong hugasin.” Pag-iiba ko ng usapan.
--
Nang
matapos kaming maghugas ng pinggan ay umakyat na kami sa kwarto ko. “Anong
gagawin natin?” tanong ko. Ganito naman talaga ang una kong ginagawa pagkakain
namin tuwing makikitulog siya dito. Tatanungin ko siya kung ano gusto niyang
gawin namin. “Ahhmmm, kwentuhan na lang. Matagal na rin kasi tayong hindi
nagkwentuhan simula ng nagkaayos tayo, eh. Nakakamiss. Ang dami ko ng hindi
alam sa’yo.” Ngiti niyang sabi. “Oh, ano naman ikkwento ko? Magtanong ka na
lang tapos magtanong rin ako.” Mungkahi ko.
“Anong
pakiramdam noong nalaman mong may relasyon kami ni Therese?” nahihiyang tanong
niya. It hit home. Unang tanong pa lang niya ay pamatay na, but then I
realized, what’s the use if magsisinungaling pa ako? So I decided to answer the
question.
“Hmmm,
okay lang naman na itago niyo, eh. Ayoko lang talaga nung nagsinungaling ka sa
akin twice. Nainis talaga ako sa’yo noon kaya hindi talaga kita pinansin.”
Sagot ko.
“Ahhh.
Kasi ayaw pa rin niya ipaalam, pero I promised myself na ikaw ang unang-una
kong sasabihan. God knows Josh how much I wanted to tell you. Anyway haha ikaw
naman magtanong.”
“Bakit
kayo nagbreak?” tila natahimik naman siya.
“Dahil
sa’yo.” Walang kagatol-gatol niyang sabi.
“Ha?
Bakit ako?” taka kong tanong. Kinabahan naman ako dahil alam ko ay wala naman
akong nagawa sa kanilang dalawa na nakasira sa relasyon nila.
--
Itutuloy...
still dont like Gab..
ReplyDeletec Matt bka bblikan xa nung gf nya
well c
AtSea
Kkabwisit c josh, nkkwlang gana tuloy
ReplyDeleteI kind of agree, haha. I can't believe na kahit ako naiinis sa main character na ginawa ko. :))
Deleteang oa lang ng reaction ni josh... di ba pwedeng humaba ang pagiging “in good terms” ng mga characters for more than one chapter? puro away-bati di matapos ang tampuhan. NKKLK
ReplyDelete'Yung circumstances kasi ang nagpapatakbo ng story. Notice na walang antagonist? ;) Medyo experimental kasi siya. I'm trying to write this na parang yung circumstances lang ang 'antagonist' instead na tao para less cliche. :)) Thanks for this insight! :)
DeletePlease papost na po ng mga sususnod na chapters! I'm done reading from the start to this... sobrang nakakabitin! So excited to read the next chapters. Thanks to "pocket" at nakakapagbasa ako kahit na offline :D good luck!
ReplyDeleteAlready scheduled an update tomorrow. :)
DeleteThank you nga pala. :D
DeleteHaba ng hair! Gusto ko si gab at matt! Akin nalng at c josh kay nikki. :p
ReplyDeletePero sana walang masakatan sa huli. Pati ako affected
Degz-