Ano ang nangyari sa past love ni Matt?
Basahin ang update para malaman! :)
Happy Reading!
--
Chapter 12
“Ano ‘yun?! Modern Romeo and Juliet, pero lalaki si Juliet?! Akala ko ba Romeo and Juliet lang talaga? Sabaw mo!” inis kong pahayag dahil hindi ko talaga mawari kung bakit ganoon ang naisip na ideya ng dalawa. Tila napabuntong-hininga naman si Matt at sumimangot lang si Janine. “Bale Romeo and Julio ang peg. Look, ito kasi ang naisip naming twist, in accordance doon sa sinasabi ni Ma’am. Bago ito dahil alam kong walang makakaisip ng ganoon sa iba pa nating classmates. Pasalamat ka noong una naisipan ko pang magcrossdress ka na lang ng babae, pero pasalamat ka kay Matt kasi siya ang nakaisip ng ideyang ito. At saka kasi ‘yung grupo ni Robert nagcrossdress na ‘di ba? Di ko kinaya, Powerpuff girls para i-interpret ‘yung Peloponessian War! Mukha silang tanga. Tatlong lalaking naka-wig at dress. Eww.” dada ni Janine.
Natampal ko na lang ang noo ko sa mga nalaman ko. Kahit kailan talaga itong si Janine, hindi mauubusan ng supply ng kagagahan. At ito namang si Matt, ay tila nahawahan na ni Janine ng tuliling sa utak, dahil tumulong pa sa pag-improve—or should I say, sa lalong pagpapalala—ng plano ni Janine. “Bes, kahit ako rin naman nahirapan noong sabihin sa akin ni Janine itong plano niya, pero nang maipaliwanang niya sa akin ay naintindihan ko naman ang point niya kaya napapayag na rin ako. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito, bes. Please, intindihin mo na lang rin nang makapagsimula na tayo.” Mahinahong sabi ni Matt.
Natigilan naman ako. Maybe I was just overreacting. After all, play lang naman iyon at wala namang bearing sa totoong buhay. Pero bakit naman affected ako? Haaaay, if there is just some other way. Napabuntong-hininga na lang ako, at ginawa ang isang bagay na hindi ko inakalang gagawin ko. Tumango ako. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ni Matt, habang si Janine naman ay nakangiti lamang.
“Huwag kang mag-alala, bebe Josh. Si Matt naman ang magpportray ng uhhh, gay role dito. Pasalamat ka napapayag ko siya haha. Excited na ako!” sabi ni Janine na ikinabigla ko. “Oh, eh ano naman role mo?” tanong ko sa kanya. “Wala.” Sabi niya. “HA?! Unfair naman! Aarte kami doon tapos ikaw walang gagawin?!” bulyaw ko. “ADIK! OA?! Syempre may gagawin ako, noh! Ito pa nga lang concept na ito dapat ipagpasalamat mo na eh. Ako na rin bahala sa props, sa script, sa costumes if ever, at sa facts and research. Ako na rin magrereport noon! Bale, narrator lang ‘yung speaking role ko.” Sabi niya. Naguilty naman ako dahil may point naman pala siya. In fact, ang dami pala niyang gagawin.
“Sorry.” Ang tangi kong nasabi. “Sus, ok lang ‘yon!” sagot na lang niya na ikinataka ko naman dahil wala siyang pahabol na pang-asar sa akin. “Yes naman. Payag na si Josh! Paano ba ‘yan? Practice na tayo! Magiging masaya ‘to.” Maligalig na sabi ni Matt. “Sa bahay niyo tayo! Hindi pa kami napupunta ni Josh doon... para na rin makilala na si Josh ng tatay mo!” suhestyon ni Janine. “Ha? Bakit nasali na naman ako?” taka kong tanong sa sinabi ni Janine. Parang nanlaki naman ang mata ni Matt. “Ahhh! Ehh, kasi nga di ba bestfriends na kayo? At close rin naman kami ni Papa Matt, kaya ayun, papakilala na niya tayo sa parents niya. Assuming!” balik ni Janine sa akin. Hindi na lang ako sumagot.
Hindi ko rin alam kung bakit ako napapayag sa napakalaking kalokohang ideya ni Janine. Mahirap, kasi medyo tinamaan ako sa concept. Iniisip ko nga na baka nananadya si Janine, pero alam kong hindi naman niya magagawa iyon sa akin. Hindi naman niya siguro ako ipapahamak. Kung si Matt ay pumayag nga eh, sino ba naman ako para tumanggi? Pero ang mas ikinatataka ko ay dahil alam ko na malaki ang naging role ni Matt kung bakit ako napapayag. Dahil ba ito sa naiintindihan ko ang paliwanag niya, o dahil may mas malalim pa itong dahilan? Hay, ewan!
Basta ang alam ko lang ay malaking gulo ang pinasok ko. Lumipas pa ang ilang araw at dumating na rin ang araw ng pagppractice namin na siyang ikinakaba ko. Maraming mga tanong ang bumabagabag sa akin. Mostly ay kung ano ang mga mangyayari, dahil for sure, concept pa lang ay palong-palo na para sa akin. Paano pa kaya kapag nakita ko ang script? Ayoko ng isipin ang mga pwedeng mangyari.
Whew!
--
Matt.
At dumating na nga ang araw kung saan napagkasunduan naming magpractice sa bahay namin. Excited ako dahil first time pupunta ng dalawa dito sa amin. Kaya naman naglinis ako ng bahay, ng kwarto, ng banyo. I didn’t bother asking Manang Vie to do it for me. I made sure that everything was in order pagdating nila. Medyo may pagka-neat freak kasi ako, which is unusual para sa isang lalaki. Pagpasok mo sa kwarto ko ay makikita mo itong walang kakalat-kalat, maayos ang beddings, at organized lahat ng gamit ko. Binuksan ko ang drawer ko para kuhanin ang cellphone ko, ngunit isang larawan ang naka-agaw ng aking pansin. Matagal ko na pala itong tinatago. Kinuha ko ang litrato at matagal itong tinitigan.
Matagal na rin pala, pero masakit pa rin pala. Kasama ko siya sa litrato at masayang-masaya kaming dalawa. Naaalala ko pa kung paano tumibok ang puso ko noon tuwing nakikita ko siya. Minahal ko siyang tunay. Nang makita ko siya ay alam kong maaaring siya na nga ang taong gusto kong makasama sa buhay. Maraming nagsasabing perfect daw kami, and we can attest to that fact. Ni minsan ay hindi kami nag-away, dahil pareho naming iniintindi ang isa’t-isa, at naniniwala kaming ang lahat ay nadadala sa magandang usapan. Napakasaya namin dahil mahal namin ang isa’t-isa. Perfect na ang lahat.
Pero akala ko lang pala ang nag-iisip noon.
Isang araw ay bigla na lamang siyang hindi nagparamdam sa akin. Summer vacation noon nang puntahan ko siya sa bahay nila, ngunit wala akong naabutan ni anino niya. Wala man lang pasabi, wala man lang senyales. We were so happy the night before. Bigla na lamang siyang umalis. Iniwan niya akong nag-iisa.
Akala ko noon ay hindi ko na matutunang magmahal muli. Sa kanya ko sinentro ang mundo ko, siya lamang ang priority ko. Basta nandiyan lamang siya ay masaya na ako. Alam kong kumpleto ako kapag kasama ko siya. Gumuho ang mundo ko nang mawala siya sa buhay ko. Ang unang taong minahal ko. Ang tanging taong minahal ko ng tunay. Akala ko noon ay hindi na kakayanin pa ng puso kong ilaan ang kanyang sarili para sa iba, pero nagkamali ako.
Dahil nakilala ko si Josh.
“Panahon na siguro para tuluyan kitang kalimutan.” Ang nasambit ko. May isang malusog na patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ko. Alam ko sa pagpatak ng luhang iyon ay kasama na nito lahat ng mga ala-ala at damdamin na nilaan ko para sa taong iyon. Alam ko na pagkatapos nitong dumaloy sa pisngi ko ay magiging okay na ako. I guess I have to let it all go.
Pinahid ko ang luhang tumulo at binigyan ko ang sarili ko ng isang ngiti sa salamin. “Kaya mo ‘yan, Matt!” pagpapalakas ko ng loob. BInigyan ko ng isang huling sulyap ang litrato at itinapon ito sa basurahan.
“Matthew!” tawag ng tatay ko mula sa kabilang side ng pinto. Dali-dali kong pinuntahan ito at pinagbuksan siya. “Pa! Bakit po?” tanong ko. “Ahh, ‘di ba nasabi mo may bisita ka? Oh, heto bumili na ako ng dessert. Nakakahiya naman sa kanila.” Sabi niya. “Ahh ganon po ba? Nag-abala pa kayo. Salamat, pa!” nakangiti kong sabi kay papa. Laking pagpapasalamat ko dahil isang katulad niya ang naging ama ko. Na kahit wala na si mama ay ni minsan ay ‘di ko naramdamang hindi kumpleto ang pagkatao ko dahil napupunan iyon lahat ni papa.
“Ngayon ka lang ulit kasi nagdala ng bisita, anak magmula noong...” at tila natigilan siya sa kanyang sasabihin. Alam ko naman ang tinutukoy niya. Hindi na ako nagdala ng bisita sa bahay eversince iniwan ako ng taong tinutukoy ko kanina. “Pa, matagal na pong tapos ‘yon.” Ang tanging sabi ko na lang. “Sorry, anak. Masaya ako para sa’yo, dahil natututo ka ng makisalimuhang muli sa ibang tao. Ipagpatuloy mo lang iyan, anak.” Makahulugan niyang sabi. “Sige, tawagin mo na lang ako mamaya pag dumating na sila. Gusto ko rin kasing makilala ang mga bagong kaibigan ng anak ko.” Pagpapatuloy niya nang marealize niyang wala akong masabi sa huli niyang pahayag. “Sige po. Salamat ulit, pa!” ang tanging nasambit ko na lang. Natouch naman ako sa sinabi ni Papa. At ang lalo kong ikinagulat ay ang pagpapaliban niya ng kanyang business affairs ngayong araw para magstay sa bahay dahil nga gusto niyang makilala ang mga kaibigan ko. Ang bait talaga ni papa.
Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit kami napadpad dito sa probinsyang ito. Gusto ko kasing makalimot. Ang memories na dala sa akin ng Manila were just too much to handle. Alam kong naiintindihan ako ni papa. At dahil nga mabait si papa ay pinagbigyan niya ako. Mas lalo akong natuwa nang sabihin niyang we’re staying here for good. Wala ng palipat-lipat, may tahanan na akong pwedeng matawag, at makakapgsimula na ulit ako with a clean slate.
Napaisip naman ako sa magiging reaksyon ni Papa kapag malaman niya ang tunay kong saloobin kay Josh. Aaminin ko, may malaking parte ko ang nag-aalangan dahil sa takot na baka hindi ako maintindihan ni papa, na baka itakwil niya ako bilang anak. Pero nananaig pa rin ang pagmamahal ko kay Josh. I’ve already failed miserably once, I don’t think I can take another blow. Kakausapin ko siya one of these days kaya naman kailangan ko ng paghandaan iyon. Gusto ko rin kasi munang makilala niya si Josh para magka-idea siya kung bakit ako nahulog sa kanya.
Tiningnan ko ang orasan. “Oh, shit! 9:30 na pala!” dali-dali akong kumuha ng damit at nagpunta ng banyo para maligo. Ang usapan kasi namin ay 10:30 sila pupunta dito. Matagal pa naman akong mag-ayos. Malinis din kasi ako sa katawan, pero alam kong lalo kong pag-iigihan ang pagpapapogi dahil dadating si Josh hehe. Para naman mukha akong kaaya-aya sa kanya.
Nang matapos maligo ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagpose ako, nagflex ng katawan. Natatawa naman ako sa mga kagaguhang pinagagagawa ko. Hindi na rin masama. Natuwa naman ako sa nakita ko hehe. At nagsimula na akong magpatuyo ng buhok at magbihis. Talagang pinili ko ang damit na babagay sa akin. Gusto ko kasing pogi ang tingin sa akin ni Josh sa mga mata niya hehe. In the end, I opted for a simple blue v-neck shirt, khaki shorts, and flip flops. Nasa bahay lang din naman ako kaya simple lang ang napili kong suotin. Tinaas ko ang buhok ko, ‘yung tipong bagong gising para maiba naman. Bago ako lumabas ng kwarto ay nagpogi pose muna ako sa salamin. Pwede na. Ready na hehe. Napailing na lang ako sa kagaguhan ko.
Kung sisimulan ko na ang ‘panliligaw’ ko sa kanya ay dapat sa sarili ko ako magsimula. Desidido na talaga ako. Masyado na akong nasaktan mula sa pagkasawi ko sa huli kong pag-ibig, at alam ko sa puso ko, na si Josh ang tanging makakagamot ng naghihingalo kong puso. Corny man, pero ganoon talaga kapag nagmahal ka, eh. Hindi man sigurado ang panalo ko sa laban ay, susubukan ko. Hindi ako dapat matalo.
At narinig ko na nga ang mga katok sa gate namin.
Simula na. Inihanda ko ang isang ngiti sa aking mga labi at tinakbo ang daan palabas ng bahay.
--
Chapter 13
Josh.
Ngayon ang araw kung saan napagkasunduan naming magpractice sa bahay ni Matt. Maaga akong nagising dahil ‘di ko maikakailang excited ako dahil makikita ko na rin ang bahay nila Matt. Malalaman ko na rin kung saan siya nakatira, na ginagamit na pang-aasar sa akin ni Janine dahil baka daw istalk ko na si Matt ngayong alam ko na kung saan siya nakatira na ikinatawa ko na lang.
Napagkasunduan naming magkita ni Janine sa may Mini Stop na malapit na school namin. Ang sabi lang ni Matt ay isang tricycle lang naman daw iyon papuntang village nila. Nang makarating ako ay nandoon na si Janine na pinaiiral ang katakawan sa pagkain ng kariman. “Uhhh, hnditu kuh nuh paluh Jsh!” sabi niya habang puno pa ng pagkain ang bibig na ikinailing ko na lang. She knows how much I hate seeing her do that, pero para bang wala siyang pakialam. Basta maaasar ka niya ay gagawin niya.
“Oh, pinapairal mo na naman katakawan mo.” Puna ko. “Gaga. Ang payat-payat ko na nga oh, huhu. Oh anyway, punta na tayo dun. 20 minutes na lang din kasi, at saka hindi naman natin alam kung saan talaga iyon.” Sabi niya. Tumango na lang ako. Lumabas na kami ng Mini Stop at naghanap ng tricycle na masasakyan.
“Excited na ako! Ano kayang itsura ng bahay nila Matt?” excited na pahayag ni Janine habang nakasakay kami ng tricycle. “Ako rin haha.” Pag-amin ko. “Asus! Eh ‘di umamin din. Nako ewan ko ba sa’yo! Lagi ka na lang in denial. Tsk, tsk.” Sabi niya. “Adik.” Sabi ko na lang. Lumipas ang ilang minuto ay ‘di namin napasin na nakarating na pala kami sa village nila. “Nandito na po tayo.” Sabi ni kuyang nagddrive ng tricycle. “Ay ganon? Ang bilis naman. Oh, sige salamat kuya!” sabi ni Janine at inabot ang bayad naming dalawa.
Tinanong naming sa guard ng village kung saan nakatira sila Mr. Lopez. Nang malaman namin ang direksyon ay nilakad na namin ni Janine ang daan patungong bahay nila. Ilang minuto lamang ay narating na namin ang address. Pinagmasdan ko ang bahay nila Matt. Napakalaki, ang ganda. Modern zen ang tema ng bahay. Halatang mayaman ang nakatira sa loob. Halata naman sa kumag na iyon na mayaman siya eh. Halatang bagong-bago pa ang bahay. Nasabi na rin kasi ni Matt na ngayon lang sila nagstay sa isang lugar ng for good. Lalo na lang akong napahanga sa kaalamang iyon. Na sa kanya na ngang talaga ang lahat. “Huy, dali na! Katok na tayo!” sabi sa akin ni Janine na nagpabalik sa ulirat ko. At kumatok na nga siya.
Ilang sandali lang ay lumabas na nga si Matt mula sa pinto ng bahay nila. At unang kita ko pa lang sa kanya ay tila napanganga na ako. Ngayon ko lang kasi siya nakita sa ganoong ayos. Palagi kasing uniform lang namin ang nakikita kong suot niya. Ang gwapo niya. Nakakabighani. Simple lang ang suot niya, pero lutang na lutang ang itsura niya. Idagdag mo pa ang nakataas niyang buhok na bago sa paningin ko. Natulala lang ako. Tiningnan niya ako at binigyan niya ako ng isang ngiting pagkatamis-tamis. Ang trademark smile ni Matt na aaminin kong kinaaadikan ko na.
“OMG! ANG PUGEEEEE!” tili ni Janine na nagpabalik sa ulirat ko. “Hehe, alam mo naman nagpapalakas.” Tugon ni Matt. Huh? Kanino naman? May lakad kaya ito mamaya? May nililigawan kaya ‘to? Imposible namang si Janine! Lalo namang imposible kung ako haha! “Ay, grabe lang ha! Seryosohan na ito! Paamoy nga!” at inamoy nga ni Janine si Matt, at suminghot-singhot pa talaga ang gaga. Natatawa na lang si Matt sa kagagahan ni Janine. “Halika, pasok kayo, guys! Nako matutuwa si daddy niyan.” Pag-anyaya niya sa amin.
Pagpasok namin sa bahay ay sandaling umakyat si Matt para tawagin ang tatay niya. Kung ano ang ikinaganda ng labas ng bahay nila ay doble pa ang kinaganda ng loob na lalo kong ikinamangha. Habang naghihintay ay siniko na naman ako ni Janine. “Nakakainlove naman si Matt. Swerte talaga nung gusto niya shet.” Pahayag ni Janine. Tila may tumusok naman sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Seems like Janine knows something, but I don’t. More importantly, mukhang seryoso na nga si Matt sa pagpursue sa kung sinuman iyon. Haaaay. Ito na nga ba sinasabi ko, eh. Aasa na naman ako. Hindi na ako natuto sa delusion ko kay Gab.
“Josh, alam ko iyang iniisip mo. Basta ang masasabi ko lang ay huwag kang matatakot magtake ng risk. Lalo na kung malaki ang chance na mananalo ka sa pagtake ng risk na iyon. Basta, sundin mo ang sinasabi ng puso mo.” Pahayag ni Janine na ikinagulat ko. “Huh?” ang tangi ko na lang sinabi. Somehow what she said struck me.
Sundin mo ang sinasabi ng puso mo, pag-echo ng pahayag ni Janine sa utak ko.
Ngunit, ano nga ba ang sinasabi ng puso ko?
“Kayo pala ang mga bagong kaibigan ni Matthew.” Bungad sa amin ng lalaking kasalukuyang bumababa sa hagdan nila. Nasa mid-30’s na siguro ang lalaki. Makikita mo ang pagkakahawig ng mag-ama. Mata pa lang ay kuhang-kuha na. Ngunit syempre mas gwapo si Matt para sa akin hehe. “Good morning po, Mr. Lopez.” In chorus naming bati ni Janine.
“Magandang hapon. Tito na lang. Masaya ako dahil ngayon lang ulit nagdala si Matt ng bisita sa bahay. Oh, feel at home kayo ha!” nakangiting sabi ng tatay niya. Napakabait naman pala ng tatay niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit napalaki ng maayos si Matt. Kung sa ibang bahay kasi ay minsan hindi ka man lang papansinin ng mga magulang ng kaklase mo lalo na kung mayaman. Iba ang tatay niya, unang bungad pa lang niya sa amin ay wala ng stress ang bahay. “Nakakahiya naman po. Thank you po, tito!” magiliw na sabi ni Janine. “Salamat po, tito.” Medyo nahihiya ko pang sabi.
“Pa, si Janine, friend ko. Tapos ito si Josh, bestfriend ko po sa school.” Tila pagmamalaki niyang pagpapakilala niya sa amin. Napangiti na lang ako ng hilaw. “Nice to meet you Janine, Josh. Matthew, pakainin mo na muna itong mga kasama mo. Ipahanda mo na lang kay Manang Vie. Oh, paano. Maiwan ko muna kayo. Huwag mahiya, ha. Hindi uso ‘yon dito!” pahayag ng tatay niya. Natawa na lang kami ni Janine at nagpasalamat muli.
“Ano gusto niyong gawin? Kumain muna o, magpractice na?” tanong ni Matt sa amin. Sasagot na sana ako, ngunit tulad ng inaasahan ay naunahan na naman ako ng armalite na bunganga ni Janine. “Syempre kumain muna! Gutom na gutom na kami ni Josh!” sabi niya. “Hala! Eh kanina lang sa Mini Stop kumain ka na, ah!” gatong ko sa kanya. “Eh kahit na. Bumiyahe tayo kaya nagutom ako. Dali na, kain na hahaha.” Walang hiya-hiyang sabi ni Janine. Natawa naman kami ni Matt.
--
“WOW! PABORITO KO ‘TO AH!” hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw sa tuwa nang may makitang sisig sa hapagkainan nila. Nanlaki naman talaga sa tuwa ang mga mata ko dahil matagal na akong hindi nakakain nito. “Sabi kasi sa akin ni Janine na matagal ka ng hindi nakakakain niyan. Kaya nga niluto ko ‘yan para sa’yo.” Sweet na sabi ni Matt. At kung gaano kalakas ang sigaw ko kanina sa pagkakita ko ng sisig, ay siya namang tahimik ko ngayon. Hindi ko na naman kasi alam ang sasabihin. Ayan na naman kasi siya sa mga sweet na panlalandi (Ano daw?) niya sa akin.
“T-talaga? Niluto mo ‘to... para sa... akin?” utal kong tanong. Dapat ay hindi ko na idadagdag ang huli kong statement pero nadulas na lang ang magaling kong bunganga. “Oo naman, the BEST sisig para sa BES person in my life.” Banat niya. Haaaay. Ang corny niya, pero heto na naman ang puso kong patuloy na nahuhulog para sa kanya. “Hoy, papa Matt. May desserts ka ba?” biglaang singit ni Janine. Hay, ang babae hindi pa nga kumakain, dessert na agad ang hinahanap. “Oo naman. Ahm, ice cream. Vanilla kasi favourite daw ni bes ‘yun. Buti na lang iyon ang binili ni papa.” Pahayag niya. And again, ito na naman ang puso ko, patuloy na nahuhulog dahil sa mga pinagagagawa niya.
“Paki-check nga.” Si Janine. “Huh? Dessert agad?” takang tanong ni Matt. “Baka kasi nilalanggam na! Kayo rin nilalanggam na kayo sa sobrang kasweetan niyo! Baka may keso ka rin dito kasi biglang naging cheesy ang paligid!” pagbibiro ni Janine. Namula naman akong lalo sa sinabi niya. Tawa lang ng tawa sa Matt na tila wala lang sa kanya ang sinabi ni Janine. Just like every time.
“Kain na nga tayo. Natatahimik na si Josh sa sobrang gutom.” Sabi ni Matt habang masuri akong tinitingnan. “Oo ang dami pa kasing satsat! Kain na whoo!” pilit kong pagbibiro. At naupo na kami at kumain. As usual, ay hindi pa kami nakakakuha ng ulam ay nagsisimula ng lumamon si Janine. “Putangina!” out-of-the-blue na sabi ni Janine. Nabigla naman ako dahil bigla siyang nagmura at sa harap pa ng pagkain. Pinandilatan ko siya. “Bakit?” takang tanong ni Matt. “Seryoso? Ikaw bang nagluto nito?” seryosong tanong ni Janine. “Ahh, ehh, oo. Bakit? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Matt.
“Oo.” Ang tanging sagot ni Janine. Tila nanamlay naman si Matt sa tugon ni Janine. “Ang problema kasi... NAPAKASARAP NITO SHET! Grabe! Magsaing ka pa ng bigas! PWEDENG-PWEDE NA MAG-ASAWA. PWEDENG-PWEDE NA KAY JJ...uhhmmmmmm”
Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Akala ko noong una ay nagseseryoso si Janine na tila hindi nga masarap ang luto ni Matt. Pero mas nagulat ako nang biglang takpan ni Matt ang bibig ni Janine habang ang babae ay nagsisisigaw tungkol sa kung gaano kasarap ang sisig ni Matt kaya naman naputol bigla ang sinasabi niya. Ngayon ko lamang nakitang ganito si Matt. Na hindi mapakali. Tila may sasabihin si Janine na ayaw niyang may ibang makaalam. Nahimasmasan din naman ang dalawa kalaunan. Si Janine ay medyo natahimik habang si Matt naman ay tila gulat pa rin sa mga nangyari kanina.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at sinimulan ko ng tikman ang luto niya. Heaven. “ANG SARAP NITO, BES!!!!” pagbati ko sa luto niya. Kasi talagang masarap naman talaga! Mas lalong sumarap ang sisig dahil alam kong siya nga ang nagluto nito. “T-talaga?” tila hindi niya naniniwalang tanong. “OO NGA! GRABE! Ikaw na!” bati ko ulit. “Whoooo!” bigla niyang sigaw at may fist pump pang nalalaman sa ere na ikinagulat at ikinataka ko naman. “OA!” ang tangi ko na lang bara. Hindi na lang niya ako pinansin. Natawa na lang ako sa inakto niya. Adik talaga ang mokong.
Wow, ang dami ko lang nakain. Masarap naman kasi talaga eh. Kasing sarap niya. Wait, biro lang iyong huli kong sinabi haha. Mukhang masaya naman si Matt nang makitang naubos ang niluto niya. Kasama ba namin si Janine na parang truck driver kumain (pero pagkapayat-payat naman) ay hindi na rin ako magtataka kung bakit napatumba naming tatlo ang niluto niya. “Guys, practice na tayo. Doon tayo sa kwarto ko.” Pag-anyaya niya sa akin. Sumunod na lang kaming dalawa.
--
“PUTA! ANG LINIS!” ang tanging nasambit ni Janine nag bumungad sa amin ang kwarto niya. “Gago! Ano ‘to?” dagdag ko. Literal na napakalinis ng kwarto niya. Parang hindi kwarto ng lalaki. Kung hindi lang sana blue ang kulay ng room niya at kung walang gitara at ilang bola ng basketball ay hindi mo iisiping kwarto ito ng lalaki. Nahiya tuloy ang kwarto ko sa kwarto niya. Hindi ko ito ineexpect sa kanya kahit na dati ko pang napapansing malinis siya sa mga gamit niya. Again, this is another fact I didn’t know about him.
“Hehe, welcome to my room!” ang nasabi na lang niya. At syempre, si Janine ay tila bagong-layang preso na mabuting sinusuri ang kwarto ni Matt. “Huy, start na tayo!” ang nasabi ko na lang dahil alam ko kung hahayaan ko lang si Janine ay mamaya pa kami makakapagsimula. “Ay, oo sorry hehe. Natuwa lang ako sa room niya.” Ang nasabi na lang ni Janine.
Naupo kami sa sahig at nagsimula ng magsalita si Janine. Seryoso na siya. “So, guys here’s the script I made. Para fair, ay kahit kami ang nagplano nito ni Matt ay hindi ko pa rin ito pinakita sa kanya. Ngayon niyo lang din ito makikita. So please let’s be open minded about this. Alam niyo na ‘yung concept and medyo heavy siya to take in for you. So ‘yun lang.” Sabi niya bago iabot sa amin ang mga kopya ng script niya.
I started scanning the contents. Okay naman pala. Ngunit nang papalalim na ang istorya ay natigilan ako. Napatingin ako kay Janine. Alam ko kasing hindi ito basta coincidence lamang. Alam kong may something dito. Hindi ko nagkakamali. Masuri ko siyang tinitingnan, nakikipag-usap ang mata ko sa mata niya. Tila tinatanong ko “Bakit, ano na naman ‘to?”. Binigyan niya ako ng isang tingin na tila sinasabing “Magtiwala ka lang.”.
“So guys, I kinda abandoned the Romeo and Juliet thing. Clashing kasi siya sa concept, eh. Kasi nga I’ve inferred na since Renaissance ang topic natin ay may relation din naman ito sa ‘love’. Love for learning, love for discoveries, love for freedom, etc. Gusto ko rin i-emphasize dito ang idea that ‘love has no boundaries’ kaya ito ang story na ‘yan ang ginawa kong metaphor saying as if, the love for learning, etc. has no boundaries, no limits, which can lead to good things and what-not. Tapos I did a modern take. Present ang time, and setting. Related din kasi siya sa Rennaisance, because it has to do with innovation. Full artistic freedom naman sa interpretation ang binigay ni ma’am, eh. I know you think it’s bullshit or that I’m just doing this para mang-asar, but no. I am dead serious. I-eexplain ko naman iyon with my narration which would take about 7-8 minutes, kasama na ang short report since intro lang naman ang gusto ni ma’am. Any contentions with the script?” si Janine. Magsasalita na sana ako bilang tutol ako doon sa ilang nabasa ko nang pandilatan na lang niya ako ng mata. Natakot naman ako.
“Okay naman. Very well-written. Nakakapagtakang na-capture mo ‘yung emotions ng essence ng story despite the simple, conversational sentences. It’s good. Gets ko rin ‘yung concept mo. I like the use of metaphors. Very unlikely, yet very creative. Gusto ko rin ‘yung idea na ginamit mo ‘yung mga totoo naming pangalan. It looks more authentic.” Sabi ni Matt. Napailing na lang ako. Outnumbered ako. Kung sana ay may reklamo siya ay may pag-asa pa sana akong ma-evade ang ideyang ito ni Janine, but it seems like I don’t stand a chance with these two. I just sighed.
“Okay, since wala na namang problema. Magstart na tayo. Nga pala, huwag niyo ng alalahanin ‘yung parts ko. Alam ko na naman ang gagawin kong approach dun, eh. Ang importante ay magfocus kayo diyan sa roles niyo.” Si Janine. At napatango na lang ako bilang senyales ng pagsuko.
--
Itutuloy...
Hala may past love c Matt, what a twist kung mgbabalik un?
ReplyDeleteasan n kya c Gab? hehe
Josh towards Gab is like Matt towards Josh
klan kya revelations nla???
Kinikilig at Naghihintay,
AtSea
Exciting ang magiging outcome ng play...tnx author sa update lealy lealy lyk it.
ReplyDeleteRandzmesia
hehehe.. ma update agad! gusto ko to! hehehe
ReplyDeletenice story tlg...kaya hnd ko maawat subaybayan eh...very light yet inspiring
ReplyDelete