Chapter
11
Dalawang oras din akong nag-isip hanggang sa
makapagdesisyon ako.
Habang naglalakad papuntang foodcourt ng mall ay
hindi ko pa rin maiwasang magtaka sa mga naging kilos ni Matt kanina.
Unang-una, ay akala ko inis at ilang pa rin siya sa akin dahil sa mga nangyari
kahapon kaya hindi niya ako pinapansin. Ikalawa, ay dahil sa bigla niyang pagbigay
sa akin ng note na siyang lalong nakapagpagulo sa akin. Masyado kasing... sweet? At
talagang may heart pa, ha. At ikatlo, ay kung bakit kahapon ay nagsumbong
pa ako kay Janine kung gaano ako nainis sa pagtrato ni Matt sa akin kahapon,
ngunit ngayon ay pinaunlakan ko ang imbitasyon niya na parang walang nangyari.
Nakaka-touch talaga ang ginawang iyon ni Matt.
Hindi kasi normal ito sa mga lalaki. Hell, I don’t even do these kinds of
things kahit kay Gab. Baka kasi maghinala siya. Paranoid kasi ako. Kaya naman
nagulat na lang ako kay Matt dahil hindi ko talaga ito ineexpect mula sa kanya.
Who would’ve thought?! A letter! Lalo pang sa kaibigan niyang lalaki niya
ginawa iyon. Ang corny, but it’s cute. I
guess that was enough for me to forgive him. Nag-effort naman siya, eh. At
saka, hindi na naman talaga ako galit. Pilit ko na lang siyang inintindi dahil
baka may dinadala lang talaga siyang hindi ko nalalaman.
--
Matt.
Hindi ako mapakali. Nandito ako ngayon nakaupo sa
food court ng SM at naghihintay, nagbabakasakali, at umaasang may Josh na dadating.
Sana ay hindi niya minasama ‘yung letter na ginawa ko. Partida, pina-edit ko pa
iyon kay Janine, pero hindi ko na rin ito tiningnan dahil may tiwala naman ako
sa kanya dahil kaibigan ko siya at alam niya ang mga gusto ni Josh.
30 minutes, wala pa rin. Habang pumapatak ang
oras ay tila nawawalan na ako ng pag-asa, pero naisip ko ay bagay lang sa akin
ito. Nasaktan ko siya, eh. Kahit na hindi siya magpakita ngayon ay dapat hindi
ako magtampo, dahil in the first place, ako ang nagsimula nito. Natural, nainis
sa akin si Josh. If he only knew how it pains me knowing that nasaktan ko ang
taong mahal ko.
45 minutes...
1 hour...
2 hours and 30 minutes...
Ang tagal ko na palang naghihintay. Wala pa ring
Josh na sumusulpot. Tatayo na sana ako dahil nagugutom na din naman ako nang
may kumalabit sa akin. Paglingon ko ay bigla kong naramdaman ang napakatinding
saya. Dumating siya! Dumating si Josh!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Marahil dala na rin ng silakbo ng damdamin
ay naramdaman ko na lang ang mga braso kong papalapit sa kanya, handa na siyang
ibalot sa isang mahigpit na yakap. “Huy!” tila nawala ako sa huwisyo nang
pigilan ako ni Josh. Akmang aakap na sana ako nang magsalita siya. Nahiya naman
akong bigla sa naging reaksyon ko. “Tsk...” ang tanging nasabi ko na lang.
“Oh, anong meron?” tanong niya. Wala ng bakas ng
galit o inis sa mukha niya. He’s wearing his ‘default face’. Ito ang itsura
niya kapag nakikipag-usap siya sa amin ni Janine. “Earth calling Matt! Seriously?
Kanina ko pa napapansin ‘yang kaweirduhan mo, ha! Bakit ka ba nagkakaganyan?”
pagpuna niya sa akin. “Dahi sa’yo.” nadulas kong pahayag. Nanlaki naman bigla
ang mga mata namin ni Josh. “Ahh! I mean, oo dahil nga sa’yo, nakukunsensya ako
sa ginawa ko sa’yo. ‘Yun! Kaya bawi ako sa’yo ngayon hehe, yun lang...”
putol-putol kong sabi.
Tila nahimasmasan naman siya at tumangong bigla.
“Bakit? Ano bang kasalanan mo sa akin?” pagmamaang-maangan niya. Natuwa naman
ako dahil nakikipagbiruan na ulit siya ng ganito sa akin. Ibig sabihin nito ay
hindi na talaga siya galit. Ang bait talaga niya, kaya nga hindi ako
nagsisising hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa kanya. “Nako, kung ‘di lang
kita...” nabigla naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Natigilan ako. Muntik na.
“Ano? Kung ‘di mo lang ako ano?” takang tanong
niya. “Wala. Kung ‘di lang kita kaibigan ‘di na ako nakipagbati sa’yo.” Medyo
nang-aasar kong sabi sa kanya. Nilabas ko pa ang dila ko para lalo siyang
maasar. Napangiti naman siya dahil doon. Haaay,
Josh. Iba ka talaga. “Halika na nga. Marami pa tayong gagawin.” Nakangiti
kong pagyaya sa kanya.
Medyo nakalimutan ko na rin ang gutom ko nang
dumating siya. Makita ko lang siya, busog na ako haha, joke. Niyaya ko siyang
magquantum. Sabi kasi ni Janine ay mahilig si Josh maglaro ng dance revo. Nang
malaman niya kung saan ko siyang balak dalhin ay biglang nagliwanag ang mukha
niya at minadali pa niya ako. Ang cute talaga niya. Matagal na daw kasi siyang
hindi nakakapaglaro doon. Nang makarating kami ay diretso agad siya bilihan ng
token, then sa platform at nagsimulang sumayaw. Grabe, ang graceful ng
movements niya. Tutok na tutok lamang siya sa kanyang ginagawa habang maaaninag
ang labis na tuwa sa mga mata niya. Ako rin ay tutok na tutok lamang sa kanya.
Nang matapos siya ay ‘di ko napansing may mga nanonood na rin pala sa kanya.
Ang talented talaga ni Josh.
“Ang galing mo naman.” Tuwa kong bati sa kanya.
“Namiss ko kasi hehe. Bakit ‘di ka sumabay sa akin?” tanong niya. Medyo hingal
pa siya mula sa pagsasayaw. “Kasi naman, hindi mo man lang akong naisipang
yayain. Diretso ka kaagad doon. Nakalimutan mong may kasama ka.” Malungkot kong
tanong habang nakapout pa ang labi ko at nagba-baby talk. Natawa naman siya sa
tinuran ko pagkatapos ay ngumiwi. “Did you just pout?! Hindi bagay sa’yo!
Hahahaha!” sabi sa akin ni Josh. Natawa na lang rin ako sa mga kakaguhan ko.
“Videoke tayo?” yaya ko sa kanya. “Sige!”
maligalig niyang tugon. Pumasok na kami sa isa mga rooms doon. Agad namang
kinuha ni Josh ang songbook. “Ano gusto mong kantahin? Ako na maghahanap.”
Tanong ni Josh. I was caught off guard. Hindi kasi ako marunong kumanta. Niyaya
ko lang naman siya dito dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga
napagplanuhan ang araw na ito. “Ahh, ehh... huwag na lang. Baka umulan.”
Nerbyos kong biro. “Ang KJ naman nito! Magyayaya tapos hindi naman kakanta...”
parang bata niyang sabi. May binulong-bulong naman siya sa sarili niya na hindi
ko na naintindihan. “Please? Sige na, Matt.” Pagpilit niya. Nakumbinsi naman
niya agad ako. Lakas talaga ng tama ko sa kanya. “Oh, sige na nga, pero dahil
nirequest mo lang. Special ka, eh.” Medyo hininaan ko ‘yung pagkakasabi ng special ka, eh. “Yay! Whooo! Go Matt!”
tuwang-tuwang pagchi-cheer niya sa akin.
Huminga akong malalim, hinanap ang kantang gusto
kong kantahin. Naisip kong kumanta ng isang kantang makakapagsabi sa kanya ng
tunay kong damdamin. Kahit sa kanta man lang ay masabi ko ito sa kanya. Nang
makita ko ang kantang hinahanap ko ay in-enter ko na ito sa machine. Nagsimula na
ang tugtog. Tumango naman si Josh nang makita ang title ng kantang napili ko.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang kumanta.
Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)
Wari, 'di ko na malimot
Mga galaw at kilos mo
Sa aking pagtulog
At sa panaginip, ika'y mamalagi
At 'di na muling malulumbay
Sa aking paggising
Habang kumakanta ako ng chorus
ay sinadya ko talagang titigan si Josh. Sinasalamin kasi ng lyrics ang mga
bagay na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Nagkatitigan kami ng ilang
segundo nang bigla niyang kinunot ang noo niya at kumalas. Ngunit hindi ako
natinag at tinapos ko ang kanta ng sa kanya lamang nakatingin.
Nakakabiniging katahimikan.
Hindi ko alam, pero parang
nailang siya. Kaya naman ako na ang naunang magsalita. “Haha! Sabi ko naman
sa’yo eh! Oh, ano? Natahimik ka sa ganda ng boses ko, noh?” pilit kong
pagbibiro. Napailing naman siya at tumawa ng sarkastiko. “Eh boses ipis ka pala
eh! Di bagay sa looks mo! Haha, tapos ramdam na ramdam mo pa ‘yung pagkakanta
mo. Parang may hugot ka nga, eh.” ang sabi niya sa akin. “Para kanino ba ‘yun?”
dugtong niya. “Para ‘yun sa taong gusto ko. Kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin masabi-sabi.” Tugon ko. “Ahhh.” Ang tangi na lamang niyang nasabi.
“Oh, ikaw naman! Masyado ka ng
nawiwili sa akin. Ikaw naman ang kumanta.” Sabi ko. “Opo, eto na.” Sabi niya
habang mahinang natatawa. “Gusto ko ‘yung kantahin mo ‘yung para sa taong
minimithi mo. Kung meron man.” Ang sabi ko sa kanya. Gusto ko rin kasi malaman
kung ano na ang lagay niya ngayong may problema sila ni Gab. Hindi ko naman
matanong-tanong sa kanya dahil baka magtaka siya kung bakit dahil hindi ko
naman ugaling isama ang pangalan ni Gab sa conversation. Ayaw ko kasi. At saka,
baka maghinala siya na may nalalalaman ako tungkol sa kanya.
“Kailangan ba ‘yun?” tanong
niya. “Oo, para fair. Feel na feel ko nga sabi mo, ‘di ba? Ikaw rin hehe.”
Pagrarason ko. Tila napaisip siya at naghanap ng kanta sa songbook. May hinala
ako na kung anuman ang kakantahin niya ay patungkol ito kay Gab. Nang makita ko
ang title ng kanta ay alam kong tama nga ang hinala ko. Napabuntong-hininga na
lang ako.
Cause I knew you were trouble when you walked in
So shame on me now
Flew me to places i'd never been
So you put me down oh
I knew you were trouble when you walked in
So shame on me now
Flew me to places i'd never been
Now i'm lying on the cold hard ground
Oh, oh, trouble, trouble, trouble
Oh, oh, trouble, trouble, trouble
Masasabi kong
napakalamig ng boses ni Josh. At sa bawat pagbigkas niya ng mga lyrics ay alam
kong ramdam na ramdam niya ang mga ito. Alam ko kung gaano siya nahirapan sa pagtanggap
niya sa sarili niya, na nagmahal siya ng kapwa niya lalaki. Na lalo siyang
nasasaktan ngayon dahil sa bukod na may lama tang pagkakaibigan nila ay alam
niyang wala na siyang pag-asa sa simula pa lamang. Lalo na ngayong si Gab na at
si Therese according to Janine. That conversation with Janine made me see Josh
in a different light. Mas lalo siyang napamahal sa akin. Mas lalo ko siyang
pasayahin, alisin ang lahat ng kalungkutan niya, at alagaan siya.
Nang matapos
siyang kumanta ay yumuko siya at nagkamot ng mata. Pero alam ko ay talagang
nagpahid siya ng luha sa ginawa niyang iyon. Naaawa na talaga ako kay Josh.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganiyan, because he honestly
doesn’t deserve to feel that. Kaya nga nangako na ako sa sarili ko na aalagaan ko
siya. Sasarilinin ko na lang muna ang mga nararamdaman ko. Ang dapat kong gawin
ay tulungan siya, because he’s still healing.
“Halika, kain
tayo. Nagutom ako, eh.” Biro niya, pilit iwinawaksi ang kalungkutang
nararamdaman. Nagkunwari na lamang ako na walang nahalata at pumayag. “Sige,
libre kita hehe.” Sabi ko sa kanya. “Weh? Anong nakain mo? Bago ‘yan ah.” Puna
niya sa akin. “Gago, anong bago? Eh first day pa nga lang nililibre na kita,
tapos tuwing nagpapalibre ka hindi kita tinatanggihan. Adik ka pala eh.” Balik
ko sa kanya. Lagi ko kasi siyang nililibre. Pampalakas sa kanya, ganon hehe.
“Haha ikaw
gago. Alam mo ‘yung sarcastic? Haha oo na, parasite na ako. Hehe, thanks talaga,
ha.” Sabi niya. “Basta ikaw...” ang naging tugon ko. Bago pa man maging awkward
ang sitwasyon ay niyaya ko na siyang maghanap ng makakainan. Sa Max’s ko siya
dinala para medyo special. First time kasi namin lumabas na kaming dalawa lang.
First date namin kaya dapat special haha joke. Balak ko talagang busugin siya
kaya naman marami ang inorder ko. Kahit sa simpleng paraang ito ay mapasaya ko
man lang siya. Sabi kasi ni Janine ay madaling makaapreciate si Josh ng simple
things. Kaya ito ang naisip kong paraan.
“WOW! Ang dami
naman nito! Bibitayin ka na?” biro niya sa akin. Natawa naman ako. “Seriously,
thanks ha. Okay na ako sa fast food, eh.” Ngiti niyang sabi. Tumibok na naman
ang puso ko. Hindi ko maikakailang malalim na nga ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ngiti pa lang niya ay tunaw na ako. Ano daw? Haha! “Sus, wala ‘yun. Ikaw
talaga. Sorry nga pala kahapon, ha. Ang dami ko kasing kinikimkim. Sa’yo ko
tuloy nabuhos.” Sabi ko.
“Sus, wala
‘yun. Naiintindihan naman kita. Kahit naman hindi mo na gawin ‘to okay lang sa
akin. Alam kong may pinagdadaanan ka lang.”
Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.
“Thank you, ha. Ang bait mo
talaga. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang dali mong maha...
kaibiganin. Salamat, bes!” Gusto kong tampalin ang noo ko sa kagaguhan ko.
Muntik na naman akong madulas. Palagi na lang. Gago ko talaga. Tila nagulat
naman siya sa pagtawag kong iyon sa kanya. Kahit ako ay medyo nabigla din.
Ewan.
“Huh? Anong... bes?” tila
hindi niya mapakaling tanong. Parang bigla siyang nalungkot. Ang tanga ko
talaga. Oo nga pala, iyon ang tawag nila ni Gab kaya siguro ay naalala niya na
naman siya ‘yung lalaking ‘yun. Haaaaay.
“Ahh, ehh oo naman! Ikaw na kasi bestfriend ko sa school eh. Kaya gusto ko ‘yun
tawag ko sa’yo. Bakit may mali ba? Ayaw mo ba?” malungkot kong tanong. Oo,
malungkot talaga ako kahit pinalalabas kong biro lamang iyon. Tila napaisip
naman siya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa hindi pa siya sumasagot.
Ang tanga ko talaga.
“Oh seryoso mo naman diyan!
Kain na tayo. Hindi dapat tumanggi sa grasya. Salamat, bes! Hehe” Masaya niyang
sabi. Kita ko naman na kahit papaano ay medyo nakakamoveon na siya. Halatang
masaya na siya. Tumibok namang bigla ang puso ko sa pagbalik niya sa akin ng
tawag na “bes”. Wow, may pet name na kami
haha. “T-talaga? Okay lang?” medyo alangan kong tanong, pilit na itinatago
ang saya ko. Dahil kung tama nga ako ay naglevel-up na ang tingin niya sa akin.
Naks, ang galing ko. Kalma lang,
Matt... umaasa ka na naman agad, eh.
“Oo naman. Ikaw lang rin halos
ang kasama ko lagi, eh. At saka ang bait-bait mo sa akin. Kaya nga sa tingin ko
ikaw na rin talaga ang bestfriend ko ngayong maituturing. Wala nga lang
confirmation. Sa totoo lang, natuwa ako. I’m flattered, don’t get me wrong,
pero kasi salamat dahil nakita mo sa akin ang isang kaibigan. Sa iyo din naman,
nakikita ko ang isang taong special. Salamat! Oh, toast tayo, bes!” pahayag
niya. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at itinaas ang baso ko. “Para
sa magandang samahan natin!” sabi ko at sabay kaming uminom sa mga baso namin.
--
Umuwi kaming nagtatawananan.
Masaya ako dahil mas lalo ko pang nakilala si Josh. At dahil doon ay mas lalo
pang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. I saw how amazing of a person
he really is. Kaya ngayon ay mas determined akong alagaan siya. Mas determined
akong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Ayokong huwag umasa, dahil ito lang
ang pinanghahawakan ko. Alam kong mahirap itong laban na pinasok ko, pero handa
akong sumabak sa giyera. Dahil ngayon alam ko na...
That he’s the person I want to
spend the rest of my life with.
And once again, nakatulog
akong may ngiti sa aking mga labi.
--
Itutuloy...
^^ Go Matt! ikaw Josh, kay Matt ka na! hehehhe.. bihira lang ung ganyang taong ibibigay sau ang heart nia oh! hehehe
ReplyDeletethanks sa update sir author!
Ang ganda nito...
ReplyDeleteNice moves Matt... Wag ka na magpatumpik-tumpik ipahayag na ang damdamin mo kay Josh. Kilig much ang chapter na to author. Tnx
ReplyDeleteRandzmesia
Matt..pinakamaganda mo gwin HARANA k Josh hahaha
ReplyDeletewagas ang effort mu, charap mu magmahal lol
AtSea
Im like crazy checking the update of your story.. Silent reader here.. ganda ng story ..
ReplyDeleteMike
Nakakainlove si Matt :)
ReplyDelete