Followers

Thursday, June 6, 2013

Tough Love Chapter 4.2







Tough Love Chapter 4.2

Author: Yoseph D.

Email: mistakenyoyo@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Unang bumaba ng kotse si Neilsen at pagkatapos niyang bumaba ay tinulungan niya si Anthon na makababa din sa kotse. Nakababa na silang dalawa ni Neilsen at biglang tinakpan nito ang kanyang mata.

Anthon: Bakit mo tinakpan yung mata ko?

Neilsen: Surprise kasi eh.

Anthon: Kakakilala lang natin eh parang ganito na kaagad?

Neilsen: Wag na lang maingay Thonny basta surprise ito.

Nanahimik na lang si Anthon na nakatakip ang mata gamit ang kamay ni Neilsen habang naglalakad silang dalawa papunta dun sa surprise na pupuntahan nila. Habang naglalakad pa silang dalawa ay di makatigil sa pagsasalita. After 15 minutes ay nakarating na sila sa pupuntahan nila.

Anthon: Malapit na ba tayo Neilsen?

Neilsen: Oo. Actually, nandito na nga tayo eh.

Anthon: Weh?

Neilsen: Hindi hindi. 5 kilometers pa bago pa makarating! Joke lang syempre Thonny,

Anthon: Hahaha. Para ka namang si Vice Ganda kung makapambara.

Neilsen: Hahaha. Handa ka na ba makita kung saan na tayo?

Anthon: Ay hindi. Kaya nga ako nagtatanong kung nandito na tayo eh.

Neilsen: Bumabawi ka din sa akin ah! Hahaha. Handa ka na ba talaga Thonny?

Anthon: Handa na ako.

Neilsen: Say please muna.

Anthon: Ayan nanaman tayo sa say please eh.

Neilsen:Tatanggalin ko ito pag sinabi mo ito with sincerity.

Anthon: Sige na nga. Para lang matapos na ito.

Neilsen: Sabihin mo Baby, pwedeng patanggal na yung kamay ko dahil gusto ko na makakita.

Anthon: Grabe parang tayo naman niya sa lagay nay an.

Neilsen: Assumero ka ah. HAHAHHAHA.  Wala trip ko lang naman eh. Sabihin mo na Thonnybaby pleaseeee?

Anthon: WAAHHHH BAKIT MAY BABY PA?

Neilsen: Geh ka,aasarin pa kita lalo. Sabihin mo na kasi please?

Anthon: Sige na nga.

Neilsen: Ayan. Sabihin mo na.

Anthon: Baby.

Neilsen: Yes baby?

Anthon: Pwedeng patanggal ng kamay mo dahil gusto ko na makakita.

Neilsen: Wish granted baby.

Tinanggal na nga ng tuluyan ang kamay ni Neilsen sa mata ni Anthon. Namangha si Anthon sa mga nakikita niya ngayon.

Anthon: Ang ganda naman dito. May lake and stars with moon na tapos mapuno pa. Shemay nakakarelaks naman dito.

Neilsen: Oo nga eh. Alam mo ba, kapag may problema ako eh dito lang ako tumatambay kasi nakakaparelax ako at dito ko din nilalabas ang mga problema ko sa lugar na ito.

Biglang humiga si Neilsen sa damo.

Anthon: Bakit ka humiga?

Neilsen: Trip ko eh. Hahahaha. Masarap humiga dito no. Try mo kaya humiga kesa nakatayo ka diyan.

Anthon: Okay lang.

Neilsen: Thonny, gusto mo na dito na tayo matulog. Geh ka, di ka din makakauwi

Anthon: Sige na nga. Hayy..

Neilsen: Yay!

Humiga na din si Anthon.  Nakapagrelax-relax ang dalawa sa sobrang stress sa school. Halos namangha si Anthon sa mga bituin na kumikisilap kasama ang mga kuliglig.

Anthon: Nakakarelax nga dito Neilsen. Parang ang sarap maglabas ng problema dito.

Neilsen: Oo. Alam mo ba, kapag may problema ako eh dito lang ako tumatambay.

Anthon: Nice naman. Alam ba ng Majestic yan?

Neilsen: Hindi. Since bata naman ako tumatambay na talaga ako dito eh.

Anthon: Parang di naman halata sayo na may problem aka.

Neilsen: Hahah. Di mo pa kasi ako masyado kilala.

Anthon: Sa bagay, alam mo bagay sayo yung masayahin sobra.

Neilsen: Bakit mo naman nasabi yan?

Anthon: Eh kasi ang cute mo kasing tignan kapag masayahin ka di katulad ni Mic na parang everyday ay Semana Santa ang pagmumukha sa sobrang angas.

Neilsen: Mabait yun si Mic promise.

Anthon: Yun? Mukha bang mabait yun si Mic eh parang pinaksakluban ng langit at lupa ugali nung hayop na yun eh.

Neilsen: Masyado ka namang galit niyan kay Mic?

Anthon: Di halata noh? Hahaha.

Neilsen: Nako, wag ka na masyadong magalit dun baka masira pa ulo mo.

Anthon: Sa bagay, nakakainis nga siya pa kapartner ko sa project.

Neilsen: Ayaw mo nun, at least may bago ka nang punching bag.

Anthon:*Sabay hampas kay Neilsen* Loko ka hahaha. Well, may punto ka diyan.

Biglang napatahimik si Neilsen dahil dumating na ang mga alitaptap.

Anthon: Bakit ka napatahimik diyan?

Neilsen: Eh may mga alitaptap na eh.

Anthon:Weh?

Neilsen: Tignan mo kaya.

Tumingin na nga si Anthon sa paligid niya at nakita na nga ang mga napakaliwanag na mga alitaptap. Natahimik din siya sa kakatitig sa mga alitaptap. 1 hour after, biglang nagring ang phone ni Anthon at napatayo para sagutin ang tawag na iyon.  Tinignan niya ang phone niya at nagulat siya na nanay na niya ang tumatawag sa kanya at sinagot niya kaagad ito.

Anthon: Hello nay?

Anthon’s Mom: Oy Thon! 10:30 na. Nasaan ka na?

Anthon: Ahh.. kasama ko lang po si Neilsen.

Anthon’s Mom: Gabi na ah. San ba kayo?

Anthon: *Palusot mode* Sa bahay po nila.

Anthon’s Mom: O sige, umuwi ka na at nagaalala na kami ng tatay mo.

Anthon: Sige po nay.

Binaba na nga ni Anthon ang phone. Nag-aalala na si Anthon dahil kailangan na niyang umuwi at kinausap niya na kaagad si Neilsen para sabihin ito.

Anthon: Neilsen!

Nielsen: Sino yung tumawag Thonny?

Anthon: Si Nanay.

Neilsen: Pinapauwi ka na ba?

Anthon: Oo eh kasi kailangan eh baka masermunan ako ng nanay ko.

Neilsen: Gusto mong ihatid na kita hanggang sa inyo?

Anthon: Sige ba.

Neilsen: Basta papasukin mo ko sa bahay niyo.

Anthon: Nakakahiya naman eh di naman kasi ganoon kalaki yung bahay namin.

Neilsen: Okay lang yun. Di naman kasi ako maarte. Sige na Thonnybabes please?

Anthon: Sige na nga.

Neilsen: Yaay! Makakapunta na din ako sa bahay ni Thonny.

Anthon: Talagang masaya ka pa ah.

Neilsen: Syempre. Kahit bagong friend kita eh masaya naman eh kaya okay lang.

Anthon: Haha. Halika na kaya baka masermonan pa ako.

Neilsen: Sige sige. Leggo!

Pumunta na nga sila sa kotse at sumakay na sila kaagad dahil sa baka masermonan na sila. Halatang halatang excited na pumunta si Neilsen sa bahay nila Anthon at pinaandar na kaagad ang kotse para makauwi na kaagad. Halatang-halata kay Neilsen na napaka-excited niya na makapunta sa bahay ni Anthon.  Mabilis naman ang naging biyahe at wala namang naging traffic kaya nakauwi naman kaagad si Anthon.  Isinama na niya din si Neilsen papunta sa bahay nila para maging okay na din ang lahat at maipakilala ni Anthon si Neilsen sa parents niya. Kumatok na si Anthon at binuksan naman kaagad ang pintuan at pumasok na sila sa bahay at sinermunan si Anthon ng kanyang nanay.

Anthon’s Mom: HOY ANTHON ISIDORE! ANONG ORAS NA? 11PM NA.

Anthon: Nay. Nakakahiya naman oh may bisita ako.

Anthon’s Mom: Ayy sorry anak. 

Pinakilala ni Anthon si Neilsen sa kanyang nanay.

Anthon:  Si Neilsen nga po pala nay.

Neilsen: Hello po tita. Sorry po kung ginabi po kami,

Anthon’s Mom: Okay lang anak. Tita Arysza na lang ang itawag mo sa akin.

Neilsen: Cute naman po. Anak din po ang tawag mo po sa akin.

Tita Arysza: Ganun talaga ang mga tawag ko sa mga kaklase ni Anthon dahil syempre close naman kasi kayo kaya anak na din ang tawag ko.

Neilsen: Ahh ganun po ba, sorry po talaga kung ginabi po kami dahil may inayos lang din po kaming assignment sa bahay namin.

Tita Arysza:  Ganun ba, kumain na ba kayo?

Neilsen: Uhhm opo.

Tita Arysza: Baka gusto mo tikman yung balot na niluto ko Neilsen?

Neilsen: Sige po! Never pa po ako nakatikim ng balot sa buong buhay ko.

Biglang sumabat si Anthon

Anthon: Weh Neilsen?

Neilsen: Oo Thonny. Never pa.

Anthon: Grabe ah.

Neilsen: Kaya nga kakain ako ng balot eh.

Anthon: Sa bagay. Sana di ka naman mandiri.

Neilsen: Di ako mandidiri promise.

Biglang tinawag sila ng Nanay Arysza.

Nanay Arysza: Thon! Neilsen! Kain na kayo.

Anthon: Papunta na po.

Pumunta na nga sila doon sa kusina para kumain ng suman.  Nung nakapunta na sila sa kusina ay agad silang umupo doon. Kumuha sila pareho ng balot at tinuruan ni Anthon si Neilsen na magbukas ng balot. Hindi naman nashock si Neilsen sa laman ng balot at pagkatapos nun ay tinuruan naman kumain ni Anthon si Neilsen ng balot at mabilis naman siyang natuto. Sarap na sarap si Neilsen sa Balot kaya naka apat siya at tuluyan itong nabusog.

Anthon: Di naman halatang sarap na sarap ka sa Balot?

Neilsen: Hahaha. Oo nga eh. Akala ko di siya masarap pero masarap pala lalo na yung sisiw.

Anthon: Yep. Masarap nga talaga ang balot.

Neilsen: Next time, balot uli tayo?

Anthon: Sige ba.

Neilsen: For sure,di kakayanin ito ni Wallace at Mic.

Anthon: Hahah. Weh? Si Mic, gusto kong makita yun na maduduwal dahil sa balot.

Neilsen: Sama mo naman.

Anthon: Nakakainis siya eh, kala mo kung sinong hari ng daan eh parang ang sarap sapakin eh.Wala akong pake kung anak siya ni Headmaster Ogawa ah.

Neilsen: Tapang mo naman Thonny. Ingat ka lang kay Mic, iba gumanti yun at baka di ka na makapasok sa school.

Anthon: Wala akong pake, di ako takot sa kanya. Tao lang din siya at tao din ako. Bakit naman ako matatakot sa hayop na yun?

Neilsen: Thonny ah. Hahah. 

Biglang lumapit si Nanay Arysza sa kanilang dalawa.

Nanay Arysza: Neilsen, 11:30 na  anak. Mukhang hinahanap ka siguro ng mga magulang mo.

Neilsen: Wala po dito parents ko Tita.

Nanay Arysza: Nasaan sila?

Neilsen: Nasa business trip po sila ngayon.

Nanay Arysza: Ahh ganun ba, gusto mo bang makituloy na lang dito for a while?

Neilsen: Sige po.

Biglang sumingit si Anthon sa usapan

Anthon: Hala nay! Saan po matutulog si Neilsen?

Nanay Arysza: Aba’y syempre sa kwarto mo. Alangang sa sala Thon.

Anthon: Nakakahiya kasi di naman ganoon kalaki kama ko.

Neilsen: Thonny, okay lang yun.

Anthon: Sige na nga.

Neilsen: Tabi tayo ah.

Anthon:*Biglang nagulat* WHAT!?

Neilsen: Ayaw mo?

Anthon: Di naman sa ayaw. Parang kasi ang awkward eh.

Neilsen: Wag mong isiping awkward, friends naman tayo at wala namang mangyayaring masama. Siguro iba iniisip mo Thonny?

Anthon: HOY HINDI AH!

Biglang Dumating ang tatay ni Anthon.

Mr. Safrence: Oh, ang lakas ng boses mo anak ah. Parang kang galit niyan.

Nanay Arysza: Oh, Diego nandito ka na pala.


Mr.Safrence: Syempre ako pa. Pakiss nga diyan mahal kong napakagandang Arysza.


Nanay Arysza: Mwaahhhh.

Mr. Safrence: Sweet talaga ng asawa ko. Oo nga pala, kakalase mo yan Thon?
Anthon: Opo Tay. Si Neilsen nga pala tay.

Mr. Safrence: Hi Neilsen! Pagpasensyahan mo na bahay namin ah. Di ganoon kalaki bahay namin.

Neilsen: Okay lang po. Wala naman po akong problema doon.

Mr. Safrence:  Ahh.. Mabuti. Mabait naman ba yung anak ko sa klase?

Neilsen: Opo naman.

Mr. Safrence: Nice naman. Ayun, dito ka na matulog at gabi na kasi. Okay lang ba sayo?

Neilsen: Okay lang po.

Mr. Safrence: O sige, deretso na kayo sa kwarto at maaga pa kayo.

Neilsen: Sige po.
Dumeretso na silang dalawa sa kwarto at dun na sila nagbihis ng pambahay. Pinahiraman naman ng damit si Neilsen ni Anthon kaya di naman din ito nag-alala sa damit. Habang nagbibihis si Anthon ay tumalikod siya kay Neilsen.

Neilsen: Oh Thonny, bakit ka nakatalikod?

Anthon: Di lang ako sanay na may kaharap habang nagbibihis.

Neilsen: Sus. Wala yun sa akin, may gusto ka sa akin noh kaya tumatalikod ka?

Anthon: Oy wala ah!

Neilsen: Hahah joke lang syempre.

Patuloy silang nagbihis tapos sabay na silang humiga ng kama at nagusap sila uli tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa kanila.

Anthon: Neilsen.

Neilsen: Yes Thonny?

Anthon: Paano yan, isa na lang yung uniform ko. Di kita mapapahiraman.

Neilsen: Don’t worry, nagtext na din naman ako sa driver namin na ipadala ako ng uniform mamayang umaga.

Anthon:  Wow nice naman.

Neilsen: Haha. Syempre noh. Sabay ka na din sa kotse bukas papasok ah?

Anthon: Sige ba kahit nakakahiya. Baka pagusapan nanaman ako nila eh.

Neilsen: Diba sabi ko nga sayo, wag mo sila pansinin? Sige ka, gusto mo yakapin kita diyan?

Anthon: Landi mo ah.

Neilsen: Hahaha. Joke. Sige ka di kita papansinin ngayon.

Anthon: Eh kasi…

Biglang nanahimik si Neilsen

Anthon: Oy Neilsen.

5 Minutes later.

Anthon: Oy Neilsen Pogi!  Wala pa ding imik oh.

Neilsen: Tampo ako eh.

Anthon: Hindi ko nay un iisipin Neilsen basta pansinin mo na ko please?

Neilsen: Yehey! Basta wag mo nang isipin yun ah.

Anthon: Yes Neilsen.

Neilsen: Oh, 12:30 na pala. Tulog na tayo.

Anthon: Sige ba.

Neilsen: Good night.

Anthon: Good night din.


Neilsen’s POV


Bakit ganoon, parang iba yung feeling na kasama si Thonny  kahit unang kita pa lang eh parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya? Iba siya sa mga taong nakilala ko at kahit bago ko lang siyang kakilala eh parang gusto ko na siya makasama every single day. It’s not the usual kasi and di naman ako mapili sa pag-ibig. Pero unang kilala kaagad eh pag-ibig na. Eto yata yung tinatawag na love at first sight. Sa lahat ng naging crush ko eh siya lang ata yung dahilan kung bakit ako ganito ngayon eh. Well, I hope I will get to know him more pa. Masaya naman ang pamilya niya dahil nandyan ang mom and dad niya. How lucky is he diba? Ako, parang 2 days lang sa isang buwan ko lang makita yung magulang ko at kami lang ng sister ko sa bahay. Papakilala ko siya sa ibang Majestic Boys kahit magkaaway pa sila ni Mic.


5:30 na ng umaga at nagising kaagad si Neilsen. Ginising niya din si Anthon para may makasabay siyang bumaba.

Neilsen: Thonny, wake up.

Anthon: Inaatok pa ako.

Neilsen: Gumising ka na. 5:30 na oh!

Anthon: Ang aga pa kaya.

Neilsen: Baka malate tayo niyan.

Anthon: Ehh….

Neilsen: Halikan kita diyan eh para magising ka!

Biglang bumukas ang diwa ni Anthon.

Anthon: Ayok. ANO?!

Neilsen: Ayun, nagising na din. Sarap ng tulog mo ah.

Anthon: Oo nga eh.

Neilsen: Sa sarap ng tulog mo eh nakayakap ka pa sa akin. Sweet mo Thonny ah.

Anthon: Seryoso?

Neilsen: Oo. Pero okay lang, tulog ka naman eh.

Anthon: Hahha hala.

Neilsen: Tara na kaya at bumaba na tayo.


Itutuloy….

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hey Guys!

Sorry po kung natagalan po sa paguupdate. Nagaayos po ako ngayon ng transferring credentials po para sa paglipat ng university. Sorry talaga guys. I hope po na magustuhan niyo po 

3 comments:

  1. NakakaGV neto kuya Seph. =)
    Answeet nila macyado. YUNG TOTOO?! HAHA.
    Sana nag-eexist talaga ung lalaking tulad ni Neilsen. =(
    TY ^_^

    ReplyDelete
  2. Thanks sa update seph...Waiting for the more kilig episodes..

    Randzmesia

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails