Followers

Sunday, June 2, 2013

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO [18]

by:oonheru
email: watashioonheru03@gmail.com
fb: facebook.com/oonheru
twitter: oonheru
instagram: oonheru


Author's Note: Hello! Hahahaha Buhay pa po ako. Akala nyo siguro nag dissappear na ako sa Earth no! Hahaha Alam ko marami ang nag aabang ng update ng story na ito at marami din ang mga galit dyan dahil 10years bago nakapag update. LOL

I AM SORRY! Hahaha masyado lang talaga akong busy busyhan sa School alam nyo naman ang buhay Studyante. Thesis, Exams, Projects, Pictorials + OJT at Bakasyon pa amp! yan ung mga pinagka abalahan ko kaya matagal ako nakapag update hehehe.

-----------------

“Ah eh, ano bukas nalang naka off kasi ang phone ko saka hindi ko tanda ng number ko”

“ah ganun po ba sige po”

Kinabukasan pagkagising ko wala na si kuya sa kanyang bed.

“bakit kaya maagap umalis si kuya mamaya pa naman ang pasok nya ah. Siguro may gagawin siya sa school” sa isip isip ko.

Wala pa ring akong natatanggap na text galling sa kanya kahit paulit ulit akong magtext ni hindi man lang siya nagrereply.
Lumipas ang isang lingo nakatanggap ako ng text mula sa kanya. Labis labis ang aking tuwang nadarama ng mga oras na iyon hindi ko maipaliwanag ang aking tuwang nadarama.

“Kumusta kana? Mag-iingat ka palagi ?”

“Okay lang ako, ikaw kumusta na? pasensya ka na pala ha kasi hindi man lang tayo nagkita, pero pwede pa naman tayo magkita ngayong lingo eh” ang excited kong text sa kanya.

Lumipas ang sampung minuto wala pa rin siyang reply. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng mabasa ko ang text na galing sa kanya. Ang kaligayahang nadarama ko kanina ay napalitan ng isang nakakalungkot napangyayari.

“Anongibig mong sabihin?” ang reply ko na may halong pagtataka.

“Basta kalimutan mo na ako, isipin mo nalang na hindi mo ako nakilala na hindi ako nag exist”

“Pero bakit? Hindi kita maintindihan”

"Basta malalaman mo din pag dating ng panahon dahil walang lihim na hindi nabubunyag"

Nalito naman ako sa text nyang iyon, ang gulo. ano ang ibig niyang sabihin na malalaman ko rin pag dating ng panahon? Bakit pag dating pa ng panahon? Bakit hindi pa ngayon? Na walang lihim na hindi nabubunyag? Magkakilala ba kami? Mag kaibigan? Sino ba talaga siya?

Pag kabasa ko ng text nyang iyon dali dali kong tinawagan ang number nya ngunit naka off na ito.
Nanlumo ako sa mga oras na iyon. Nag hahanap ako ng kasagutan sa aking mga tanong ngunit hindi ko alam kung sino ang makakasagot.
Doon na ako nagsimula na malaman kung sino ba talaga ang textmate ko. "Hahanapin kita" sabi ko sa aking sarili.
Kinabukasan pagpasok ko sa school ay hindi na ako kumain ng breakfast. Wala rin akong gana makinig sa klase.
Pumunta ako sa likuran ng school dahil wala naman gaanong studyante na pumupunta at doon ako nagmuni muni.

"Tulala kana naman sa klase kanina ah, napagalitan ka tuloy ng prof natin. Ano ba kasing problema mo? Sabihin mo naman sa akin please?" nilingon ko ang boses mula sa aking likuran. Si Francis pala.

"Ewan ko ba naguguluhan ako"

"Naguguluhan saan? Bakit?"

"Sa mga nangyayari sakin. Ewan ko ba sa sarili ko sa dinami rami ng pwede kong mahalin sya pa!" sabi ko sa kanya, ang mga luha ko ay nagbabadya na babagsak na

"Sino? Hindi kita maintindihan sabihin mo sa akin at makikinig ako"

Kinwento ko lahat kay Francis tungkol sa textmate ko. Kung paano ko sya naging textmate, simula't simula.

"Paano kung niloloko kalang pala nya?" si francis

"Paano kung hindi sya totoo? na gawa gawa lang nya ang lahat?" dugtong pa niya

"Totoo sya!" giit ko

"Kung totoo sya nasaan sya ngayon? Bakit hindi sya magpakita sayo? Bakit sinabi nya na kalimutan mo na siya?"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nyang iyon. May punto si Francis, bakit nga ba ayaw na nyang magpakita sakin?

"Tapos sasabihin mo na mahal ka nya? Kalokohan!" ang tono nya ay may bahid ng galit

"Mahal nya ako alam ko!" at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko

"alam mong MAHAL ka nya?" Pag emphasize nya sa salitang MAHAL.

"Baka naman ikaw lang ang may alam na MAHAL ka nya?" dugtong pa niya
Daig ko pa ang pinasabugan ng granada sa mga sinabi nyang iyon, ang sakit sakit pakiramdam ko tuloy niloloko ko lang ang sarili ko para sabihin na mahal nya ako. Masyado yata ako nag assume na mahal nya ako dahil sa pinapakita nyang kasweetan sa akin sa text.

"Bakit mo nasasabi yan? Bakit ikaw ba sya ha?!" bulyaw ko sa kanya
Natigilan naman sya sa sinabi ko. Hindi nakaimik.

"Bakit hindi ka makapag salita? Palibhasa hindi mo pa nararanasan ang mag mahal" umiiyak pa din ako

"Pagmamahal ba kamo? Nagmahal din ako Marky, at alam mo ba ang laki kong tanga dahil sa dinami rami ng tao na pwede kong mahalin siya pa. Alam mo ung pakiramdam na lagi mo nga sya kasama pero iba naman pala ang iniisip nya. Ang sakit sakit non. Akala ko mahal din niya ako hindi pala masyado lang ako assuming" sabay pahid ng mga luha nya.

Napahinto ako sa pag iyak mga sinabi nya dahil sa pagkaka alam ko ako lang ang lagi nyang kasama. Wala syang ibang sinasamahan kundi ako lang.

"Marky mahal kita, mahal na mahal. Ako nalang ang mahalin mo. Nandito na ako sa harapan mo totoo ako" umiiyak na rin sya

"Ewan ko Francis alam ko naman na hindi ka mahirap mahalin eh pero hindi naman ganon kadali turuan ang puso eh. Sana pwedeng utusan ang puso kung sino ang gusto mong mahalin sana ganoon lang kadali."

"Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako eh, pero please i try mo lang"

"Ewan hindi ko alam. Hindi ko alam" at tuluyang pumatak ulit ang nangingilid na luha sa mga mata ko.

"Sige maghihintay ako, alam ko matututunan mo rin akong mahalin"

Namalayan ko nalang na umalis na si Francis. Ewan ko ba sa sarili ko, sana siya nalang ang minahal ko, alam ko namang hindi sya mahirap mahalin eh, sana pwede ko diktahan ang puso ko na si Francis nalang ang mahalin nito pero ang hirap.
Hapon, nasa Study table ako at wala kasama hinihintay ko si Francis ngunit parang hindi yata siya pumasok. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mangyari sa amin iyon. Ewan ko ba parang iniiwasan niya ako dahil sa nangyari, o dahil nagpapa miss lang siya.

"Hi. Mukhang nag-iisa ka lang ata ngayon?" Boses mula sa aking likuran. Nilingon ko ito, si EJ pala.

"Uy kumusta na? Long time no see ah?" sabi ko sa kanya.

Simula kasi nung maging regular na ako ulit, mga Engineering Students na ang mga classmate ko. Iba kasi ang course ko sa kanya
"Oo nga eh. ito okay lang naman ako. ikaw kumusta na?"

"Okay lang din naman." sabi ko pa.

"Bakit mag isa ka lang? wala ka yatang kasama?"

"Ah...e.. wala lang..ano pala ginagawa mo dito? Mukhang naligaw ka dito sa Engineering eh ang layo ng building nyo?"

"Kasi mag si-shift na ako sa Engineering at Computer ang kukunin ko" ang nakangiti nyang sabi sa akin
Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi nyang iyon. Tinitigan ko siya at mas lalo pa siyang gumwapo ngayon hindi tulad noong mag classmate pa kami. Siguro nag g-gym na siya at nagpapa belo pa. Ang kinis kinis kasi ng mukha nya.

"Pero bakit?" tanong ko sa kanya

"Para mabantayan ka at lagi kang makasama" sabay bitiw ng pilyong ngiti
Kinilig naman ako sa kanyang sinabi.

"Weh di nga?" ang nasabi ko nalang

"Nagbibiro lang ako, Si Mommy kasi gusto nya mag Eng'g ako. Wala naman akong choice eh"

"Pero bakit daw?"
Nagkibit balikat nalang siya.

Tahimik

Bumuntong hininga ako.

"Ang lalim nun ah. May problema ba?"

"Lahat naman ng tao may problema eh kakambal na nga natin yan eh." ang sabi ko

"eh. Anong problema ba yan? sa school? Family o Lovelife?"
Natigilan naman ako sa pagsali niya sa lovelife.

"ahmm kasi may nanloloko sakin. text ng text. Nakakainis na" Pagsisinungaling ko.

"eh hindi naman ako pwede magpalit ng number" dugtong ko pa.

"Ganoon ba, May alam ako kung paano malalaman kung taga saan ang may ari ng number pero hindi malalaman ung eksaktong lugar kung nasaan sya."

"Talaga? Paano?" ang excited kong sabi sa kanya.

"Itext mo ako kahit blank messages at itetext din kita"
At ganun nga ang ginawa namin.

"Tingnan mo ang Messages Centre ng Sender" utos niya

"Na galing sayo?" tanong ko

"oo"

Agad ko itong tiningnan sa pinakahuli ng text messages nya. Ang mga Nokia ay may mga ganito. Ewan ko lang sa iba.
"+639170000130. ito ba?"

"oo yan nga"

"Paano ko malalaman kung taga saan ito?" tanong ko pa

"Tingnan mo itong text mo sa akin. Tingnan mo ang messages centre" sabay abot ng cp nya sa akin.
Tiningnan ko naman ito at parehas nga kami ng messages centre.

"Ngayon tingnan mo ung messages centre nung nanloloko sayo." sabi nya
Tiningnan ko naman ito. Laking gulat ko naman dahil ganoon din ang messages centre nya. Ibig sabihin taga doon din siya sa lugar namin at maaaring kilala nya talaga ako.
Ngunit hindi pa rin ako naniwala.

"Totoo ba talaga ito?" tanong ko naman na may pag aalinlangan.

"Oo naman. Gusto mo makasigurado? Sige wait lang."
At nag type sya ng text messages sa cellphone nya.

"May kilala ka ba na taga QC?" tanong niya

"Oo ung pinsan ko dun nakatira. Bakit?"

"itext mo sya" utos niya
Agad ko naman sinunod ang utos niya. Maya maya pa nag reply na ito.

"Nag reply na" sabi ko

"Oh, tingnan mo itong text sa akin taga QC din yan" sabay pakita sakin ng text messages
Laking gulat ko naman dahil parehong 360 messages centre nila.

"Naniniwala kana?"
Tumango nalang ako.

"Alam mo na kung taga saan ung nag tetext sayo?"
Tumango ulit ako.

"Taga saan?" tanong uli niya

"Pareho sa messages centre natin eh"

"Oh. taga dito lang pala un eh. Huntingin natin?" sabay tawa

Tahimik

"Paano pag nalaman mo na kung sino nga siya? Ano gagawin mo?" Tanong niya

"Ewan hindi ko alam, pag kilala nya ako at kilala ko din sya hindi ko sya mapapatawad!"

"oh di hanapin natin?"

Dahil na rin sa pagka desperado ko na makita siya ang tumango nalang ako.

"Pero paano?" tanong ko

"Ako bahala" sabay ngiti

Alas singko na noon at naisipan ko ng umuwi ng boarding house. Habang nasa daan ako iniisip ko kung paano malalaman ni EJ kung sino ba talaga ang textmate kong iyon. Bahala na may tiwala naman ako sa kanya eh.

"Nandito kana pala kuya" nakita ko kasi sya na nakahiga sa kama nya.
Tinitigan niya ako. Ewan ko ba parang may ibig sabihin ang kanyang mga titig.

"May problema ba kuya?"

"ah...eh"

"May problema ka nga alam ko, sige na sabihin mo sa akin baka makatulong ako"

"Ah wala saka kung may problema kaya ko naman lutasin agad" sabay bitiw ng pilit na ngiti

"Basta pag may problema ka wag ka mahiya magsabi sakin ha?" sabi ko sa kanya sabay halik ko sa pisngi nya.

"Magbibihis muna ako kuya" dugtong ko pa

Tumayo na ako at tinumbok ko ang locker ko, humanap ako ng maisusuot na boxer at sando. Kahit medyo malayo ako rinig na rinig ko na may sinabi si kuya.

"Sana ganon lang kadali sabihin sayo"

"May sinasabi ka kuya?" baling ko sa kanya

"Ah wala...wala"

"Parang may narinig ako eh. sabi mo Sana ganon lang kadali sabihin sayo"

"ah eh..Ano... kumakanta lang ako. Lyrics un sa isang kanta. Tama lyrics nga" sabay kanta nya sa sinabi nyang iyon pero parang wala naman ganong kanta.

"Parang wala naman ganyang kanta kuya" ako man ay natatawa sa ginawa nya
Tumigil sya sandali at nag isip. Kinuha nya ang gitara nya at kinalabit nya ang string nito at saka kinanta ulit ngunit mali talaga wala sa tono.

"ah eh...nag cocompose ako ng sarili kong kanta, own version ko ung sinabi ko kanina" ngiti ngiti sya.
Hindi pa rin ako kumbinsido sa kanyang mga sinasabi parang may tinatago sya sa akin, parang may gusto siyang sabihin na hindi nya kayang sabihin. ewan. kung ano man un ay kelangan kong malaman.
Kinabukasan pumunta ulit si EJ sa building namin

"Naka text ko na ung nanloloko sayo" sabi nya

"Talaga? Paano?" tanong ko na may halong excitement

"Basta hindi na mahalaga un, makikipag kita daw siya sa linggo sa may park"

"Paano mo sya na convince na makipag kita sa linggo?" tanong ko pa

"Ah..eh basta dineskartehan ko nalang. Oh sya may klase pa ako balik na ako sa building namin. Sasamahan nalang kita sa linggo" sabay alis niya papunta sa building nya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko magkahalong tuwa at excitement dahil makikita ko na rin ang textmate ko. Ano kayang itsura nya? Gwapo kaya siya? Artistahin?
Ala una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako mapakali dahil iyon ang araw ng pagkikita naming dalawa. Makakaharap ko na rin siya.
Kunuha ko ang cellphone ko sa aking bag at nakinig ng paborito kong FM Station tuwing madaling araw. Tamang tama Confession ngayon maganda makinig.
Agad akong isinaksak ang Headseat sa cellphone ko at inilagay sa tenga ko.
Pagka on ng FM may umiiyak, tiningnan ko ang Frequency tama naman ito. Maya maya pa nagsalita na ang caller.

"Ewan ko po, hindi ko alam kung paano ko sisimulan kung saan ako magsisimula na sabihin sa kanya ang lahat. Alam ko magagalit sy akin ng sobra sobra"

Tumigil sya sandali at nagsalita naman ang on board DJ

"Mahirap yan, dapat sabihin mo na sa kanya habang maaga pa, para hindi pa lumala ang sitwasyon kasi kung sa iba pa nya yan malalaman, iisipin nya talaga niloko mo sya na ginawa mo syang tanga. Kaya kung ako sayo bukas na bukas din sabihin mo na. At maging handa ka din sa consequences ng ginawa mo. Anong malay mo maunawaan ka nya or else magalit nga sya sayo. Ginawa mo naman un para din naman sa kanya di ba kahit di nya alam at di mo rin pala alam."

Naguluhan ako sa kwento ng caller. Sayang hindi ko nasimulan ang kwento nya. Nakinig lang ako ngunit tapos na pala ang programa, last caller na pala sya. At nagpaalam na rin ang DJ.

Tanghali na ngunit hindi pa rin ako nakaramdam ng gutom, hindi pa nga ako nag almusal pero ewan ko hindi ako nagugutom wala akong gana. Ang nasa isip ko ay magkikita na kami ng textmate ko.
Ala una, alas dos, alas tres! Isang oras nalang magkikita na kami. Nag text naman si EJ sakin na magkita nalang kami sa harap ng School. Agad naman ako naligo at pumunta na sa meeting place namin.

"Ano ready ka na ba?" tanong ni EJ

Hindi ako nakaimik. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Oh. Kalma ka lang!" sabi ni EJ sakin.

"Ki-Kinakabahan ako EJ."

"Relax ka lang."

Pumara naman siya ng Tricycle papunta sa park. Pagbaba namin sa tricycle parang ang bigat ng mga paa ko parang hindi ko maihakbang. Lalo pang lumalakas ang kabog ng aking dibdib na parang tinatambol.
Nagpaiwan naman si EJ sa labas ng park. Doon nalang daw nya ako hihintayin sa labas. Sinabi nya sakin kung ano ang pagkakakilanlan ng textmate ko.

Naka Polo Shirt na Blue at Jeans na Black. Nakaupo daw sya sa kaliwang dulong bahagi ng park. Yan ang sabi nya sa akin.
Pumasok agad kong tinungo ang kaliwang dulong bahagi ng park. Habang papalapit ako ng papalapit nanginginig ang ang aking kalamnan at lalo pang lumalakas ang kabog ng aking dibdib parang lalagnatin ako. Hanggang sa may nakita akong lalaki na nakaupo doon parang may hinihintay alam ko sya ang textmate ko. Papalapit ako ng papalapit, napahito ako sandali, kilala ko kung sino ang taong iyon kahit nakatalikod siya sa akin ay kilalang kilala ko sya hindi ako pwedeng magkamali.

"I-i-kaww?" ang garalgal kong boses

Humarap sya sa akin. Sa pagharap nyang iyon hindi ko na napigilan ang aking sarili na hindi umiiyak.

"Ako nga!"


(Itutuloy)

8 comments:

  1. Author... nagPM ako sa FB mo... pengeng copy naman nung Torrid scene at wala na sa wattpad.

    ReplyDelete
  2. eeeee. Meron ng update... Kelan kaya sunod nito? Heheh ganda!

    -youcancallmejm

    ReplyDelete
  3. Nice. Tagal ko din inintay to. Kakabitin. Pero salamat author.

    ReplyDelete
  4. tapusin na nga yan hahaha, taon na ung story :P

    ReplyDelete
  5. Hayy... salamat naman at may update na.. akala ko echapwera na tong kwentong ko... hay.. sana tulo tuloy.na to... namiss kp talaga to.. as far as IF can remember
    .... this is the very first story that I read dito sa MSOB... kaya special to sa akin... UPDATE NA.......


    -sein...

    ReplyDelete
  6. ang tagal naman ng next chapter hmmm \

    ReplyDelete
  7. Next chapter po. Thanks author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails