Followers

Friday, June 14, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 25 : Final Chapter]





Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 25 : Final Chapter]






By: Crayon








****Kyle****





5:07 pm, Saturday
July 28





Nakaupo ako sa isa sa mga benches sa open field ng university. Naisipan kong dumaan sa loob ng campus matapos kaming mag-gym ni Lui.



Maraming pamilya ang nakaupo sa malawak na damuhan ng open field, may ilan ring nagtatakbuhan sa paligid ng open field. Isang tipikal na sabado sa Unibersidad ng Pilipinas.



Tuwing ganitong mag-isa ako ay hindi ko mapigilan ang mahulog sa malalim na pag-iisip. Medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan. Ginugugol ko halos lahat ng oras ko sa pag-aaral. Nagsimula na kasi ang mga exams ko. Madalas rin ang ginagawa ko ngayong pag-takbo at pagpunta sa gym. Medyo bumaba na ang timbang ko dahil sa mga ginagawa ko.



Madalas kong kasama si Lui. Alam niya na halos ang schedule ko sa buong linggo kaya madalas ay pinupuntahan niya ako sa apartment ko kapag alam niyang wala akong klase. Tulad ng napag-usapan na namin ay nanatili lamang kami na magkaibigan. Natutuwa naman ako sa kinalabasan ng pag-uusap namin na iyon dahil naging mas komportable ako sa kanya. Malaya ko na ngayong nasasabi sa kanya ang mga saloobin ko. Sa madaling sabi ay naging mas maganda ang aming pagkakaibigan.



Gayundin ang nangyari sa amin ni Alvin. Naging mas maayos na ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi niya na ako gaano iniinis. Kapag wala si Lui ay siya ang kinakausap ko sa tuwing nalulungkot ako. Mabuti naman pala talaga siyang tao at masarap pang maging kaibigan. 



Alam kong hindi pa ako completely nakaka-move on mula sa kalungkutan pero kahit papaano ay natututo na akong mabuhay muli. 



Wala akong balita kay Renz o Aki. Alam kong nagkikita sila Alvin at Renz kung minsan pero hindi naman ako kinukwentuhan ni Alvin ng anuman tungkol kay Renz. Minsan nga ay nae-engganyo ako na magtanong pero pinipigilan ko ang aking sarili. Mas ok siguro na mag-focus muna ako sa pag-aaral.



Sinubukan kong balikan ang mga nangyari sa nakalipas na dalawang taon. Nakakalungkot lang isipin na may mga taong hindi ko na kasama ngayon. Pero natutuwa ako dahil madami akong natutunan sa mga nangyari. Ilang beses akong nagkamali, at natuto ako sa mga pagkakamali ko na yon. Nararamdaman kong mas matatag ako ngayon. 



Aaminin ko sa sarili ko na namimiss ko si Renz at Aki. 



Namimiss ko ang minsan ko naging bespren na si Renz. Namimiss kong uminom at pumarty kasama siya. Namimiss ko ang makipagkulitan sa kanya. Hinahanap ko yung mga titig niya na para siyang batang paslit. Namimiss ko siyang awayin. 



Di ko mapigilang ngumiti habang inaalala ko yung mga bagay na pinagdaanan namin noon. Yung mga panahong masaya pa kaming magkaibigan.



Paminsan-minsan ding pumapasok sa isip ko si Aki. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi pa ako nakakahingi ng tawad. Namimiss ko si Aki sa tuwing nalulungkot ako. Kahit na sabihing andyan si Lui at Alvin tuwing nalulungkot ako. Namimiss ko pa rin yung sasandal ako sa dibdib ni Aki at kukwentuhan niya lang ako hanggang sa maging okay na ako.  Namimiss ko yung pag-aalaga niya sa akin at pilit na pagpapatawa sa akin sa tuwing nakasimangot ako.



Bumuntong hininga ako. 



Kapag okay na ako. Aayusin ko ang mga gulong ginawa ko. Hindi naman pwedeng habang buhay ko na lang sila pagtaguan. Kasi at some point namimiss ko din naman sila bilang kaibigan ko.



Hindi man kami magkatuluyan ni Renz, pwede pa din naman siguro kami magkaibigan. Maging mag-bespren uli.



Alam kong nasaktan ko si Aki at gusto ko humingi ng tawad. 



Kahit papaano ay nagkakadireksyon na muli ang buhay ko. Alam ko na ang priorities ko. Alam ko na ang mga plano kong gawin. May lakas na ko ng loob na harapin ang mga problema ko. Hindi na ako basta na lang magtatago at iiwas. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga naiisip.



Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang maglakad pauwi.



I'm looking forward to a new Kyle. Yung mas mature mag-isip, yung mas matatag. Yung handang humarap sa problema. Alam kong kaya kong ma-achieve yon. Kailangan ko lang ng konti pang panahon.









****Aki****





6:45 pm, Saturday
July 28






Hinihintay ko na lang na magboard ang flight ko papuntang Singapore. 



Naisip ng boss ko na mag-expand ng business sa ibang bansa at Singapore ang napili niyang target para sa expansion. Madami kasi sa mga kasalukuyan naming kliyente ay may mga business rin sa Singapore at nangako ang mga ito ng suporta oras na mag-expand kami sa Singapore.



Dahil sa ginawa kong performance noon sa Davao ay sa akin na inatas ni Chairman ang pag-over see ng site sa Singapore. Nang ialok sa akin ang posisyon ay hindi na ako nag-dalawang isip pa. Alam kong makakabuti rin naman iyon sa aking career.



Pangalawang dahilan ay dahil gusto ko din naman na lumayo. Matapos malaman na may boyfriend na pala si Kyle ay parang gumuho muli ang mundo ko. Doble sa sakit noong una kong malaman na hindi ako gusto ni Kyle. Katulad ng dati ay gusto kong lumayo na muna dahil pakiramdam ko ay mas madali ako magiging okay sa ganoong set up.



Pinagdaanan ko na ang ganito noon at alam kong makakaya ko rin itong lagpasan ngayon. Ang pagkakamali ko lang noon ay matapos ang isang taong paglayo ay sa unang beses na pagkikita namin ni Kyle ay nahulog muli ako sa kanya.



Making the same mistake twice was really stupid. At pinangako ko sa sarili ko na hindi na uli mangyayari ang ganoon. Kahit na gaano ko kamahal si Kyle ay may hangganan din naman ang sakit na kayang tanggapin ng puso ko. Sa tingin ko ay lagpas na sa limit ang sakit na tiniis ng puso ko. Panahon na para bigyan ko naman ng importansya ang sarili ko. 



Katulad ni Kyle, dapat na siguro ako maghanap ng mapagbabalingan ng nararamdaman ko.



Narinig ko ang pagtawag sa mga pasahero ng eroplanong sasakyan ko. Tumayo ako mula ako sa aking kinauupuan at saka naglakad palayo.



Mabigat ang bawat hakbang ng aking paa. May isang parte ng utak o ng puso ko ang nagsasabing wag muna ituloy ang 
gagawin at kausapin muna si Kyle sa huling pagkakataon. 



Aaminin kong hindi rin talaga ako masaya sa gagawin ko, alam kong ibayong lungkot din naman ang sasapitin ko sa Singapore. Tiyak na hahanap-hanapin ko pa rin si Kyle, ang kanyang pagiging isip bata, yung kapilyuhan niya at ang pagiging sweet niya sa sariling paraan.



Ilang hakbang na lamang ako mula sa entrance ng tumigil ako. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko ng bumalik at yakapin si Kyle. Pero alam kong huli na. Kapag nanatili ako ay maaring madagdagan lamang ang mga sugat na kailangan kong gamutin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad




---------





Nakaupo na ako sa aking upuan at nakatingin sa labas ng eroplano. Malapit na kaming pumahimpapawid base na rin sa payo ng stewardess. 



Sa nakalipas na dalawang taon ay umasa akong mamahalin 
ako ni Kyle. Minsan kong tinuruan ang puso ko na kalimutan siya, pero hindi ako nagtagumpay. Sa muli naming pagkikita ay muli akong sumugal at muli akong nabigo.


Siguro ay sapat na yung sakit na naranasan ko para sumuko. Ginawa ko naman na ang kaya ko. Wala na akong magagawa kung hindi hahayaan ng kapalaran na maging kami ang para sa isa't-isa.



Ngayon masaya na siya at ako ay lihim na lumuluha, dapat na uli akong lumayo at hanapin ang makapagpapasaya sa akin.



Ngayong araw na ito ay bibitawan ko na ang anumang nararamdaman ko para kay Kyle.



I will miss him though.



Goodbye Kyle....









****Renz****





10:15, Saturday
July 28





Nakaupo lamang ako sa couch ng bubuksan kong shop habang umiinom ng kape mag-isa. Naging napakahaba ng araw na ito para sa akin. Opening na kasi nitong cafe bukas.



Napag-isipan namin ni Mama na magtayo ng business. Mas gusto ko kasi yung ganito nagma-manage ng sariling business kesa ang pumasok sa opisina. Kasi kapag ganito ang set up ay hawak ko ang oras ko. 



Nakakuha kami ng isang magandang puwesto sa Ayala sa may bangdang greenbelt, may kamahalan ang renta pero sulit naman dahil magamda ang spot. Coffee and pastry shop ang itinayo naming business. Hilig kasi ni Mama ang mag-bake at lahat ng personal recipe niya ang aming ihi-highlight sa tindahang ito. Naisipan ko na lang idagdag ang coffe shop dahil patok din naman ang ganoon dito sa Makati. Pinag-iisipan ko pang idagdag sa menu namen ang tea kapag laon.



Blueberry cheese cake. Iyon ang napili kong pangalan ng shop. Una ay tutol si Mama dito dahil wala daw masyadong dating. Kinumbinsi ko na lang siya na iyon ang gawing pangalan dahil ang recipe naman niya ng bluberry cheese cake ang gagawin talaga naming pambato. Isa pa ay umaasa ako na kapag nakita o narinig ni Kyle ang panglan ng shop ay maisipan niyang pumunta dito dahil paborito niya ang blueberry cheese cake.



Hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping iyon. Kung nandito 
lamang sa tabi ko si Kyle ay tiyak na matutuwa iyon sa shop. Ang mga pinili kong gamit sa loob ng shop ay base sa panlasa ni Kyle. Pinaayos ko rin ang loob ng shop sa isang professional interior designer at ibinase ko rin ang tema ayon sa panlasa ni Kyle. Mayroon pa ngang isang picture si Kyle sa isang pader ng shop. Kuha iyon ng minsan niyang pagkain ng cheese cake sa bahay. Nakangiti siya ng malapad habang may bahid pa siya ng blueberry sa gilid ng bibig. Cute na cute siya sa larawan na iyon.



Kyle. I miss you. Sana bumalik ka na. Hindi ko mapigilang malungkot. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng huli kaming magkulitan ni Kyle. Namimiss ko na ang mga ganoong panahon. Namimiss ko na ang bespren ko, ang taong mahal ko.



Gusto kong pumunta ng Laguna, pero lagi kong naaalala ang pakiusap ni Aki na huwag ng guluhin pa si Kyle dahil masaya na ito sa piling ng nobyo nito.



Nakakapanghinayang ang mahigit na dalawang taon naming pinagsamahan. Dalawang taon niya ako minahal pero di ko nagawang suklian. Ngayon namang na-realize kong mahal ko na din siya ay wala na siya. Hindi na ako ang mahal niya. Minsan talaga ang tadhana malakas mang-trip.



Gayunpaman, ipinangako ko sa sarili ko na maghihintay ako. Hihintayin ko ang pagbabalik ni Kyle. Tulad ng paghihintay na ginawa niya noon. Hindi ako susuko sayo Kyle. All i need is another chance. 



Tinapos ko na ang pag-inom ng kape at hinugasan na ang tasang ginamit ko. Tanging ako na lamang ang naiwan sa shop. Ikinandado ko na ang pinto ng shop at naglakad na papunta sa parking.







....the end....





Author's note: 

Dahil last chapter na ng book one ng LSI, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa aking akda. Hindi ko akalaing tatagal ito ng ganito.


Maraming salamat din sa mga nagcocomment sa bawat chapter ng kwentong ito, sobra ko pong na-appreciate ang paglalaan niyo ng time para lang makapag-comment.


Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang istorya nila Kyle, Aki at Renz. Kita-kits po sa book 2... :))




----crayon








9 comments:

  1. simply one of the best i've ever read in here...

    -kiko of S

    ReplyDelete
  2. simply one of the best i've ever read in here...

    -kiko of S

    ReplyDelete
  3. Thanks for the ending of the story. Waiting for book 2.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. crayon ang ganda ng story mo sana sa book 2 lalo naming abangan ka level mona sila joemars ancheta, daredevil, salamat sa idol namin na si mike juha na tumulong sa mga magagaling nating writer

    ReplyDelete
  5. amazing love story

    ReplyDelete
  6. sorry author na in love na ako sa iyo he he he he ikaw ba si kyle sa tunay na buhay sana ikaw na , sana picture ni crayons i publish ni kuya mike he he he

    ReplyDelete
  7. natatawa ko, kasi ung chapter 1 to 23 paulit ulit ko nang binasa. haha. natutuwa talaga ako sa ganda ng story mo. mapili ako sa mga istoryang binabasa ko and I can say na your story is one of the best and I'm very excited sa book two! woohoo!!! sana makapagpost na agad ng chapters ng book 2. more power to you mr. author!! I hope that this story is not your last! :))

    -dex

    ReplyDelete
  8. nice story even without happy ending. i hoping for a book two. keep it up.

    ReplyDelete
  9. What a masterpiece :)

    Love Sex Insecurity Book 1 is a work of art that will surely touch so many.
    Kudos to the creator of this book, I will definitely read Book 2.
    Bagong libro, bagong pananaw, mga bagong kabanata ng buhay.

    Thank you Author... May we all reach our goals and be always happy.

    BTW to those who haven't read ME AND MY SATURDAYS (Short Story), I recommend you do
    Likha din ng Author na si Crayon
    at according to the disclaimer 95% ay totoong nangyari
    I believe marami sa masterpiece na Love Sex Insecurity ang wangis sa totoong buhay
    You can find it on the 2014 link on the right pane of this blog or may just click the link below for easy access
    http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2014/01/me-and-my-saturdays-short-story.html

    Dami talaga magaganda stories dito sa MSOB, Thanks Michael Juha, We salute you and know you inspire us to be better with our lives
    Let us have a great reading experience and learn from what we read
    Happy Birthday to Me hehehe God bless

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails