Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 23]
By: Crayon
****Kyle****
7:27 am, Wednesday
June 27
Masakit ang ulo ko ng magising, nararamdaman ko ang yakap sa akin ni Lui. Lasing ako kagabi pero natatandaan ko lahat ng nangyari. Parang lalong sumakit ang ulo ko ng maisip kung gaano kalaki ang problemang ginawa ko. Nilingon ko si Lui. Mahimbing pa rin ang tulog niya, palibhasa ay pasado alas tres na kami natulog na dalawa. Hayyy, nagpalamon na naman ako sa makamundong tawag ng laman.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni Lui at bumangon na sa pagkakahiga. Nang tingnan ko ang oras sa aking phone ay pasado alas siyete na. Nagmadali na akong naligo. Nang maisip ko kung anung araw ngayon at kung ano ang aking klase ko ay lalo kong binilisan ang aking kilos. Nag-iwan na lamang ako ng note para kay Lui.
Lagpas alas otso na ako nakalabas ng inuupahan kong apartment. Lakad-takbo kong tinungo ang building ng aking unang klase. Ayaw ko na may masabi na naman sa akin si Alvin.
Limang minuto bago magsimula ang klase ay nasa loob na ako ng room. Wala pa si Alvin ng dumating ako, noon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Katulad ng dati ay tahimik lamang ako sa klase niya. Ayaw ko na may mapuna na naman siya sa akin. Sa kabutihang palad ay nagsimula at natapos ang kanyang klase na wala siyang pinupuna tungkol sa akin.
Medyo nahuli ako sa paggawa ng laboratory exercise namin dahil lumulutang na naman ang isip ko. Tatlo na lamang kaming magkaklase ang naiwan. Ako ang huling natapos. Inayos ko na ang mga gamit ko para kapag ipinasa ko na ang papel ko ay diretso na ako sa paglabas ng classroom.
"Kay Aki ba galingnyang nasa leeg mo?", nakangising wika ni Alvin, habang pinapasa ko ang papel ko sa kanya. As usual kami na lang dalawa ang naiwan sa classroom.
"Yang kiss mark sa leeg mo, galing ba kay Aki? Nakita ko siya kahapon dito. Hindi ko lang siya nalapitan."
"Wala ka ng pakialam doon.", naiinis ko ng sabi.
"Makisabi naman sa kanya na kapag may time siya baka pwedeng lagyan niya din ako.", natatawang sabi ni Alvin.
Napuno na ako. Lahat ng pagkokontrol ko sa aking sarili ay nawala. Mabilis na umangat ang kanan kong kamao at dumapo sa panga ni Alvin.
"This will be the last time you will say something like that about Aki or Renz!", malakas kong sabi. "Kung may problema ka sa akin, ako na lang wag mo na idamay ang mga kaibigan ko.", nanginginig sa galit kong sabi habang dinuduro siya. May ilan ng mga estudyante ang nakadungaw sa pinto ng aming classroom. Gumawa kasi ng malakas na ingay ang pagkakahulog niya sa upuan.
Umalis na din ako agad matapos kong sigawan si Alvin. Mabuti
na lamang at mamayang hapon pa uli ang klase ko. Minabuti kong umuwi na muna.
Nang makarating ako sa bahay ay hindi ko na dinatnan pa si Lui. Nagkulong na lang ako sa aking kwarto.
****Lui****
9:00 am, Wednesday
June 27
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa aking cellphone. Pagmulat pa lang ng aking mata ay hinahanap ko na agad si Kyle. Nang hindi ko siya makita sa aking tabi ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakakita ako ng note sa may lamesa mula kay Kyle. Pumasok na pala siya sa kanyang klase.
Napangiti na lamang ako nang maalala ang nangyari kagabi. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Sa halip ay parang natutuwa pa nga ako dahil nagpaubaya sa akin si Kyle.
Nagbihis na ako at umalis sa apartment ni Kyle.
Nang makarating ako sa inuupahan kong apartment ay nahiga muna ako sa aking kama.
Hindi ako makapaniwalang may nangyari sa amin ni Kyle kagabi. Parang napakalaking bagay sa akin noon.
Agad din natigil ang aking pagsasaya ng maalala ang kinuwento ni Kyle tungkol dun sa lalaking nakita namin kahapon. May mahal nga palang iba si Kyle. Renz. Iyon ata ang pangalan noong lalaking mahal niya. Pero kahit na makakalimutan din tiyak iyon ni Kyle. Ang importante ngayon ay close na kami.
Bumangon ako at naligo. Dadalhan ko ng lunch si Kyle dahil tiyak na hindi na naman bibili ng pagkain iyon.
--------
Mag-aalas dose ng makabalik ako sa apartment ni Kyle. Nakailang katok ako bago niya ako pagbuksan ng pinto. Agad naman akong ngumiti ng makita ang kanyang mukha. Pero mukhang hindi umepekto ang charms ko sa kanya dahil nagsalubong lamang lalo ang mga kilay niya
"Babe, may dala akong lunch oh.", masigla kong wika sabay angat ng plastic ng pagkain na dala ko.
"Babe mong mukha mo! Natutulog ako eh!", iritableng sabi ni Kyle habang pabaliksiyang pumasok ng bahay.
"Mamaya ka na matulog Babe! Kain muna tayo. Hindi pa ako kumakain. Gutom na ako.", sabi ko sa kanya habang hinuhubad ko ang sapatos na suot ko. Hindi naman ako pinansin ni Kyle at bumalik siya sa loob ng kwarto. Napailing na lang ako sa tigas ng ulo niya.
Hinanda ko na lang ang aming kakainin. Isinalin ko ang binili kong pagkain sa plato at saka dinala sa loob ng kwarto.
"Huy bumangon ka nga dyan kumain muna tayo.", pangungulit ko kay Kyle dahil nakahiga na naman siya sa kama.
"Ikaw na lang ang kumain. Hindi ako nagugutom.", sabi ni Kyle habang nakatalikod sa akin.
"Ayaw.", niyugyog ko siya sa balikat upang humangon na aiya. Nagtagumpay naman ako at naupo siya sa kama.
"Kulit mo!"
"Samahan mo na kasi ako kumain. Nagugutom na ako eh. Pinagod mo kaya ako kanina. Kailangan ko pa ng lakas pang mamaya.", pilyo kong biro kay Kyle.
"Kapal ng mukha mo! Ako kaya tong nilagyan monng chikinini sira ulo ka!", namumulang reklamo ni Kyle. Natawa na lang ako ng mapansin ang maoulang parte sa leeg niya.
"Sarap mo kasi parang liempo, mang tomas na lang ang kulang.", natatawa ko pang pang-aasar sa kanya.
"Tarantado ka! Kapal mo!", lalo lang akong natawa dahil lalo siyang namula sa mga sinasabi ko.
"Kumain ka na nga lang jan.", wala na din siyang nagawa kundi ang sumabay ng kain sa akin.
"Kyle, tayo na ba?", seryoso kong tanong sa kanya. Tila naman nasamid siya sa narinig kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Ha?! Anung sinasabi mo?!", gulat na tanong ni Kyle.
"Kung magboyfriend na tayo. Kasi di ba sabi mo naman kay Aki, partner mo ko. Eh di totohanin na lang natin."
"Hoy ikaw hambog ka! May gusto ka ba sa akin?", seryosong sabi ni Kyle.
"Ha?" Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako ng ganun.
"May gusto ka ba sa akin?"
"Paano kung oo?", mahina kong sabi.
"Damn! Lui please, napakagulo na ng sitwasyon ko ngayon. Wag ka ng dumagdag please.", tila nagmamakaawa ng sabi ni Kyle.
"Sabihin ko man yun sa puso ko, hindi ko naman mababago yung tibok nun eh.", pangangatwiran ko.
"Lui, masasaktan lang kita."
"Ok lang basta bigyan mo man lang ako ng chance.", seryoso kong sabi.
"Ayaw ko muna ng kahit anong may kinalaman sa pag-ibig. Sana maintindihan mo. Maging magkaibigan na lang muna tayo Lui. Iyon ang makakabuti para sa atin.", malungkot na sabi ni Kyle.
"At kung hindi ako pumayag. Ipagtatabuyan mo din ba ako tulad ng ginawa mo kay Aki kahapon. Hobby mo ba yan? Yung pagtataboy ng mga taong nagmamahal sayo?", sa pagkakarinig noon ay napatigil sa pagkain si Kyle. Tiningnan niya ako sa mata at wala akong ibang nakita kundi lungkot. Ibayong lungkot.
"Oo yata. Kaya please wag na natin gawing lalong komplikado ang mga bagay.", nanginginig ang kanyang boses habang sinasabi yon.
"Sorry i shouldn't have said that.", napahiya naman ako sa aking sarili. Dinadaan ko pa sa biro ang lahat samantalang nasasaktan pala si Kyle sa mga naririnig.
"Hindi niyo kasi ako naiintindihan. Akala niyo madali sa akin yung mga ginagawa ko. Wala namang kahit isang nagtanong sa akin kung nahihirapan ako eh.", nakita kong nagpahid na siya ng luha.
"Sorry. Nagbibiro lang naman ako.", hindi na ako pinansin ni Kyle at nahiga na muli ng patalikod sa akin.
Nawalan na din ako ng gana tapusin ang aking pagkain kaya niligpit ko na ang aming pinagkainan. Bumalik ako sa kwarto at nakita kong nakahiga pa rin paharap sa pader si Kyle. Nahiga ako sa tabi niya at niyakap si Kyle mula sa likod.
"Sorry, napaka-insensitive ko.", sinsero kong sabi.
"That's ok wala ka naman kasalanan sa mga nangyayari sa akin. Ako din naman ang gumagawa ng sarili kong problema. Let's just stay as friends. Ayaw ko na pati ikaw ay madamay.", mahinang sabi ni Kyle.
Niyakap ko na lamang siya ng mas mahigpit. Ganoon ang aming posisyon hanggang sa makatulog kami na pareho.
****Kyle****
9:26 pm, Wednesday
June 27
Maaga pa ang gabi pero nakaubos na ako ng isang bucket ng Red Horse. Habang tumatagal ay tumataas ang tolearance ko sa alak. Mag-isa lamang akong umiinom sa LB square isa iyong kumpol ng mga kainan at bar sa labas lamang ng university.
Dahil hapon pa naman ang klase ko kinabukasan ay pinili ko muna na uminom ngayon. Gusto kong makatakas muli sa problema. Iyon naman ang lagi kong ginagawa ang tumakas sa problema kahit na may tao akong nasasaktan.
Biglang pumasok sa isip ko ang huli naming pag-uusap ni Aki. Tumatak sa aking isipan ang mga tingin niya sa aking ng ipakilala ko si Lui. Ilang beses ko na rin nakita ang ganung mga titig. Kaparehong-pareho sa mga tinging ibinabato ko sa sarili ko sa tuwing nakaharap ako sa salamin nung mga panahong nalaman ko na may boyfriend na si Renz. Lungkot. Panghihinayang. Pagkatalo. Hinagpis. Ganung-ganon ang nakita ko sa mga mata ni Aki.
Alam ko kung gaano kasakit ang ganong pakiramdam. Pinagdaanan ko na ang ganoong sitwasyon at hindi ko intenasyon na ipadama rin ang ganoon kay Aki.
Makasarili. Oo. Sa takot ko na masaktan uli, sa kagustuhan ko na makalimot, sa pagnanais ko na takasan ang mga problema, sa kaduwagan ko na harapin ang katotohanan ay mas pinili kong saktan ang taong walang ginawa kundi ang alagaan ako, ang protektahan ako, ang alalayan ako noong mga panahong gumuho ang mundo ko.
"Emo?", bati ng lalaking nasa likod ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya at hindi ko din alam kung bakit kailangan niya pang lumapit pa.
"Please kung gusto mo gumanti sa sapak ko sayo kanina, i-schedule na lang natin yan next week. Next week na tayo mag-suntukan, marami akong iniisip ngayon.", malamig kong tugon kay Alvin.
"Emo nga. Don't worry wala ako balak na gumanti. Hindi naman masakit yung suntok mo. Gusto ko lang ng kainuman.", nakangiti niyang sabi habang umuupo sa upuan sa harap ko kahit na hindi ko naman siya iniimbitahan.
"I want privacy.", reklamo ko sa kanya.
"Alam mo nakakatuwa talaga ang ugali mo. Masyado kang tough, feeling mo kaya mo lahat. I was once like that and i lost the man i love."
"Anung gusto mong gawin ko? Magmukhang kawawa sa harap mo?", sarkastiko kong sabi sa kanya.
"No, just don't pretend like you can handle everything. There will be times that you will need a helping a hand. Like now for example, wala na sayo ang itinuturing mo na bestfriend, si Renz. Kailangan mo ng ibang mapaghihingan ng problema."
"What are you trying to point out?", naiinis ko na namang sabi.
"I can be your bestfriend. Natutuwa ako sayo. Isipin mo na lang na tonight will be the first time we met. You can tell me everything you wanted to share."
"That's bullshit. That's next to impossible."
"Years back if you're going to tell someone that you're going to invent something like an iphone, they will say it would be next to impossible."
"Wala akong interest makipagkaibigan sayo. I'd rather die of deppression."
"Haha ang sarap mo talaga bwisitin. Ok, fine, i'm sorry sa lahat ng pandedemonyo ko sayo from day one till early today. But let's try to be friends even just for tonight. If you agree to this i will share a secret with you."
"I dont care about your secrets.", pambabara ko sa kanya.
"Even if it's involving Renz."
"Whatever happens between the two of you is no longer my business.", naiinis ako sa sarili ko dahil ayaw ko pang tigilan ang pakikipag-diskusyon sa higad na ito.
"Ok, i just thought that you should know that Renz and I never had a relationship.", may kalakasan niyang sabi.
"What?", halos mapasigaw ako sa narinig. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa narinig.
"Oh nothing, it's not really your business. Don't bother. Waiter isa pa ngang bucket", sigaw niya sa nagdaang waiter.
"You said that you and Renz are not a couple. Never was.", hindi ko pa rin makapaniwalang sabi kay Alvin.
"Did i say that?", nangiinis na sabi ni Alvin. Alam kong hindi niya liliwanagin ang kanyang sinabi hangga't hindi ako sumasangayon sa kanyang kundisyon.
"Fuck. Fine, lets be friends. Just for tonight after this we're back to how we are before.", napilitan akong makipagsundo sa higad na to dahil sa kagustuhang malinawan sa sinabi niya kanina.
"Well, that's better.", nakangiti pa din niyang sabi.
"Whatever, what is it your saying again?"
"We're not really a couple. Your friends just introduced us a couple but were not. We just had sex once but that's it. We're not committed to each other."
"Then why are you acting like you're a couple back at the party?", naguguluhan kong tanong. Tanda ko pa kung paano sila mag-usap noon ni Renz sa party.
"I didn't, Renz did. I thought it was natural for him to be like that. I was clueless of what's going on that time. Maybe he was just jealous that you were with Aki that night so he's acting like we're a couple. I just offered him company, that's all i did."
"Why would he be jealous?", habang dumadami ang aking nalalaman ay lalong gumugulo ang mga bagay para sa akin.
"Good question. You should know the answer for that. You know him better than i do.", sagot niya habang nagsisindi ng isang stick ng yosi.
"Why are you telling me this?", hindi ko mapigilang mag-isip kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito sa akin. Maaaring pinagtitripan niya lang ako at gusto niya lang ako magmukhang tanga.
"You see i'm not really that bad. Like what i said i want to be your friend cause i like you. Not that i have a crush on you but i just simply like you as a person."
Hindi ako nakasagot agad sa mga sinabi ni Alvin. Una ay dahil hindi pa maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya. Pangalawa ay dahil naninibago ako sa paraan ng pakikitungo niya.
"What makes you think na maniniwala ako sa mga sinasabi mo?", nanunubok kong sabi sa kanya.
"Iyan ang nagbibigay sa'yo ng problema Kyle. Hindi ka marunong magtiwala. You have a very little understanding of the word trust."
Lalo akong natameme sa sinabi niya. Dahil may punto siya at tama siya. Ako ang may gawa ng sarili kong problema.
Trust.
Tiwala.
Yun ang isang bagay na hindi ko naibigay kay Renz o kay Aki.
...to be cont'd....
ReplyDeletesalamat po sa matiyagang paghihintay sa update ng LSI... pasensya na po at dalawang chapters lang ang nakayanan ko na i-post sa linggong to...
next week po ay i-popost ko ung last chapter o chapters ng book na to...
salamat sa lahat ng nagbabasa, nakaka-appreciate ng kwento ko... marami ring salamat sa mga nagcocomment na talaga namang nakakamotivate sa akin na magsulat... thank you po talaga...
enjoy reading...
----crayon
I really like this story. Thank You so much Mr. Author
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng gulo ng buhay mo kyle...ano ba talaga priorities mo? Masyado ako affected hehe. Galing mo author nkkdala.
ReplyDeleteRandzmesia
Lagi na lang akong naluluha..
ReplyDeleteLove it!
ReplyDeletebuti aman at nkinig na sya kay alvin, korek ung sinabi ni alvin, plus open communication, hindi dapat jump into a conclusion kaagad para maauz ang problema agad. d ba author? nice story of yours, keep up the good work!
ReplyDeletepanalo na naman to...
ReplyDeleteI love the story. The more i read it, the more i get attached and affected sa mga nangyayari. lol! Kyle reminds me of myself, a social whore! :((
ReplyDeleteGanda... i still wish Aki and Kyle will end up together in the end. :-)
ReplyDeleteI love the story....super! I still wish Aki and Kyle will end up together. :-)
ReplyDeleteRealistic story.. Kaabang abang author.. I love it!
ReplyDeletematapos ang maraming pangyayari at trials,
ReplyDeleteseems like it'll be renz-kyle in the end.
just a guess. :D
sayang team AKI pa naman sana ako. :P
-Ms.C
I love the story .. 09064434721
ReplyDelete