Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Rocco Nacino
as CHONG
Yoon Shi
Yoon as ALFONSE
Credits of
the pictures used above goes to its owners.
You may
contact me on the email address given above for any complaints or concerns.
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 20
Unting-unting napatanga si Chong. Halos hindi na maipinta ang
mukha niya. Halos hindi niya alam kung anong gagawin niya. “Hindi pwede...hindi niya gagawin iyon...”
“...si Chong...”
“Hindi niya sasabihin
‘yun...”
“...si Chong...ay boyfriend ko...”
Nanlalaki ang mga matang tinitigan lamang ni Chong si
Alfonse, habang nakanganga siya na parang baliw at kumukurap-kurap.
“...WHAT...”
Nanatiling nakangiti si Alfonse kay Jasper at Janella. Lalong
naningkit ang singkit na niyang mga mata dahil sa tuwa.
“...THE...”
Halata sa mukha ni Janella ang pagkagulat, na siya namang
hindi mabakas sa mukha ni Jasper. Nangingiti-ngiti pa itong tiningnan sila
Chong at Alfonse, habang mas lalong mahaba ang pagsulyap niya sa una habang
naniningkit rin ang kanyang mga mata.
“...FUCKING FUCK!!!...”
“WAHAHAHA!!! WAHAHAHA!!!” biglang paghalakhak ni Chong. Halos
dinig sa bawat sulok ng bookstore na iyon ang pagtawang parang galing sa ilalim
ng lupa. Maski ang ibang clerk ay napapatingin na kay Chong. Pero walang paki
si Chong, ang problema niya ngayo’y paano lulusutan ang mga kahibangan ni
Alfonse. “Delusional ang taong ito!!! Ang
sarap ipa-bungee jump ng walang harness!!!” nasambit niya sa kanyang
sarili. “...Magaling talaga mag-joke ang taong ito. Ang lakas ng sense of humor
ano? Kaya nga pwera kay Jenilyn, siya lang ang talagang naging close ko sa
tatlong taon ko sa college eh... Diba, Alfonse...” saka niya inakbayan si Fonse
at umastang parang ka-barkada lang niya ito. Saka niya tiningnan si Alfonse ng
patagilid na parang galing sa mental asylum.
“Ahehe...” ngumiti na lamang ng nag-aalangan si Alfonse.
“Pero Alfonse, ‘yung mga ganoong bagay, hindi dapat na
ginagawang biro. Maniwala pa itong si Jasper eh...” tinapik ni Chong ang
balikat ni Fonse. “Nagbibiro lang talaga ‘tong...taong ‘to...” Gusto niya
sanang sabihin na PSYCHOTIC at PSYCHEDELIC ang taong inaakbayan niya. Pero
naisip niyang actions speaks louder than words. Mas cost-effective at mas
makakatulong siya sa iba kung idodonate niya ang internal organs ni Fonse.
Tinitigan lang rin ni Alfonse si Chong habang nakangiti na
parang aso. “Ah, oo, tama...tama talaga si
Chong, hindi talaga magandang ginagawang biro ang mga ganoong bagay
‘no...” saka siya ngumiti kay Chong ng buong giliw at aliwalas.
Bigla ring umaliwalas ang ngiti ni Chong. “Bwisit, gagaya ka na lang, gagamitin mo pa
ang style ko...” Tila nabunutun siya ng tinik sa mga kadulu-duluhan ng
capillaries niya. “Ahehe, sabi ko sa inyo, mapagbiro lang talaga ang taong ito,
minsan nga lang hindi nag-iisip kung tama pa ‘yung joke niya...” saka niya
tinapik ang tiyan ni Fonse sa rate na 100 m/s, sa sobrang bilis, napakagat ng
labi si Fonse. “Ahehehe...”
“Ah ganon ba?” tanging nasambit ni Janella. Unti-unti na ring
nawawala ang pagtataka at pagkagulat sa mukha niya.
Saka naman inakbayan ni Alfonse si Chong. Magka-akbay na
silang dalawa ngayon sa isa’t isa. “Mali talagang magjoke tungkol sa mga
ganoong bagay, kaya nga...hindi ako nagbibiro...KAMI TALAGA NI CHONG...”
Ngumiti siya ng buong ganda at tamis sa dalawa at saka ito ibinaling kay Chong.
Nagkatinginan sila Chong at Fonse.
Saka naman umakyat ang dugo ni Chong sa kanyang ulo sa rate na
1000 m/s. Halos mamula-mula na siya at parang nanginginig. Tumutulis ang tingin
niya kay Alfonse, kulang na lamang ay sagpangin niya nito sa leeg.
“Malakas kasi ang trip nito eh. Ginawa na rin niya ‘yan
minsan sa kakambal ko tsaka sa barkada namin. Sabi niya, kami na tapos bigla
niyang binawi. Nagjojoke lang daw siya. Eh ang galing kasing umarte nito, hindi
mo alam kung kailan siya nagjojoke at kailan hindi. Parang alien, hindi pa niya
sabihin, eh wala namang nakakahiya sa ginagawa namin...diba Jasper...Janella...”
Napipi lamang si Janella habang humihigpit ang hawak sa braso
ni Jasper. Napangiti naman si Jasper habang nakatingin kay Chong. “Mukhang nakatisod si Chong ah, parang
ma...”
“Tapos noong minsan naman, inutusan niya akong bigyan siya ng
bulaklak sa harap ng dean namin. Tapos noong ginagawa ko na ‘yung gusto niya,
bigla siyang nawala sa harap ko. Sa dean ko tuloy naibigay ‘yung bouquet na
halos 700 pesos! ‘Yun pala nag-CR ‘tong tao na ito. Pero sa tingin ko sinadya
niya iyon, eh. Ano, Jasper? Base ba sa pagkaka-kilala mo sa taong ito, sa
tingin mo talaga nag-CR talaga ‘tong taong ito?” Lalo niyang hinigpitan ang
pagkaka-akbay kay Chong.
Hindi alam ni Jasper ang sasabihin. Nanatili lamang siyang
nakangiti habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Ah...sa tingin ko
sinadya nga niya iyon...”
Ngumiting aso si Fonse. “Sasakay
ka pa eh, eh kung makalandi ka dati kay Chong, parang wala nang bukas...”
Ngunit bigla rin siyang ngumiti ng maaliwalas. “Gusto niyo double date tayo?
Sagot ko...”
Hindi pa natatapos ni Alfonse ang sasabihin ng may biglang
humila sa kanyang braso sa rate na 1500 m/s. Sa sobrang bilis, halos mabuwal
siya’t sumubsob ang mukha sa sahig. At kung hindi siya sasabay sa pagtakbo ni
Chong, malamang ay nagiiski na sa tiles ang sugatan at duguan niyang katawan.
Sa loob ng halos limang minuto, nakita na lamang nila ang
sarili na nasa labas ng napakalawak na mall na iyon, humihingal at hindi
namalayan na halos apatnapung metro ang nilakad nila.
“TAE KA!!! TAE KA!!!” halos habulin ng tapik ni Chong sa
buong katawan si Fonse. “Bakit mo sinabing boyfriend kita!!!”
Hindi naman magkanda-ugaga sa kakaiwas sa tapik ni Chong. Iba
kasi ang depenisyon ni Chong sa tapik, ito ‘yung hampas sa balat na talagang
mag-iiwan ng marka at icoconstrict ang daloy ng dugo sa parteng iyon ng katawan
mo. “Eh kasi magagalit ka kapag sinabi kong girlfriend kita. Ayaw mong ma-label
na bakla sa relasyon natin, edi sinabi ko boyfriend kita...”
“HINDI IYON ANG IBIG KONG SABIHIN!!!” Biglang napatingin ang
lilimang taong nasa paligid nila, lumabas kasi sila sa exit ng mall na hindi
masyadong gamitin, kaya kakaunti lang ang tao. “Bakit mo sinabing may
relasyon...TAYO!!!” Papigil niyang sabi nang matauhan siyang hindi lang sila
ang tao doon, pwera lang sa salitang tayo.
Patuloy pa rin sa pag-iwas si Fonse. “Eh ano naman ang masama
sa ginawa ko. Totoo naman talaga ‘yung sinabi ko, tayo naman talaga...ARAY!!!”
Isang tapik ni Chong ang dumapo sa kanyang braso.
“Bwisit, ka, ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase ko ng
high school kapag nalaman nila ‘yun!!! KAKLASE KO ‘YUNG LALAKENG IYON NUNG HIGH
SCHOOL!!!”
Bumuntong hininga si Fonse. “Alam ko, nakita ko na siya sa
class picture na nasa notebook mo. Siya ‘yung lalaking akmang kikilitiin ka ng
biglang nagflash ‘yung camera. Siya ‘yung lalaking malandi...”
Tumulis ang tingin ni Chong. “Kapag talaga kumalat kung anong
meron sa atin. Hindi kita mapapatawad. Akala mo ba walang magagawa ‘yung
lalaking ‘yun. May-ari ng ospital ang tatay nun, at nagdodoktor ‘yun!!!”
Ipinagsawalang bahala lamang ito ni Fonse. “Tsk...tsk...Mas
mayaman kami doon. Kaya kong bilhin ang hospital nila. Hospital...” halata ang
pagmamayabang sa tono niya. “...Kung gusto pa niya ipagpapatayo ko pa siya ng
isa pang hospital eh...”
“Ang yabang mo!!!” Mistulang batang nagdadabog si Chong.
“...Alam mo bang first love ko ‘yung
lalaking iyon!!!”
Biglang natahimik si Fonse. Biglang niyang napatingin kay
Chong. Biglang lumamlang ang mga mata niya. “First...First love mo ‘yung
lalaking iyon....?”
Hindi sumagot si Chong. Nanatili lamang siyang nakatingin kay
Fonse habang humihingal.
Biglang hinila ni Fonse ang mga kamay ni Fonse at tinangkang
hilain siya pabalik sa mall.
“SAAN TAYO PUPUNTA!!!”
Kalmado pero payabang na sumagot si Fonse. “Edi babalikan
natin sila. Magdodouble date tayo. Ipapamukha ko sa kanyang ako na ang LOVE mo
ngayon. Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko kanina eh, bigla mo akong
hinila...” saka niya muling hinila ang kamay ni Chong.
Nagpumiglas si Chong at tuluyan siyang nakawala. “Kaya nga
kita hinila para wala ka ng masabi eh!!! Tapos babalik tayo doon para ibulgar
lahat ng isip-bata at walang kwentang bagay na nangyayari sa buhay natin!!! Ano
ka, may Spinocerebellar degeneration?” Hinahabol na ni Chong ang hininga niya.
“Kapag talaga nakarating sa mga kaibigan ko ‘tong kabulastugan na ginagawa
natin, malilintikan ka!!!”
Tumulis ang nguso ni Chong at nagsalubong ang mga kilay niya.
“Anong kabulastugan, kelan pa naging kabulastugan ang magmahal?” Saka niya
napansin ang sorbeterong nasa tabi nila.” Manong, dalawa, ‘yung sa sugar cone
ah...”
Hingal lang na tinitigan ni Chong si Fonse. “Busit!!! Bakit nagagawa na ng lalaki ‘tong
mga bagay na ito!!! Parang mali na ang pagkakakilala ko...”
“Hindi ipagkakalat ng lalaking iyon ‘yung sinabi ko. Nung
sinabi ko ngang tayo na, hindi naman siya nandiri ng katulad ni Janella, na
halos mapakapit pa sa boyfriend niya. Nakangiti nga lang ‘yung loko eh...” saka
niya kinuha ang ice cream sa mamang nagtitinda nito. “Oh, ice cream no...chill
ka muna...” Dinilaan ni Fonse ang ice cream. “Ohhhhh....YAMMMMMEEEEEE....”
Tiningnan lamang siya ni Chong. “Bwisit ka talaga...”
“Kuya, pahinging ice cream...”
Bigla silang napalingon sa baba kung saan nagmula ang tinig,
nakakunot pa rin ang noo ni Chong, habang si Fonse naman ay lumaki ang mga
singkit na mga mata. Nakita nila ang isang batang nasa pitong taon, madungis at
naka-abot sa harapan ang kamay.
“Kuya, akin na lang ang ice cream mo...” pagsusumamo ng bata.
Biglang nawala ang inis sa mukha ni Chong. Pero bumalik ito
sa mukha niya ng ibaling niya kay Fonse ang tingin niya. “AKIN NA ‘YANG ICE
CREAM!!!”
Napa-urong ang bata sa sigaw ni Chong.
Nagulat na ibinigay ni Fonse ang ice cream kay Chong.
Pagkabaling ni Chong sa bata ay nakangiti na itong muli. “Bipolar talaga itong tao na ito...”
“Oh bata, eto na ‘yung ice cream mo...” Pero parang natakot
ang bata, halos mapayakap ito sa kanyang sarili. “Ah bata, ‘wag kang matakot,
hindi naman ikaw ‘yung sinigawan ko kanina. Tsaka hindi ako sa’yo galit...”
Saka ngumiti si Chong na napaka-aliwalas.
Dahan-dahang kinuha ng bata ang ice cream kay Chong.
Nananatili lang na nakangiti si Chong. Pagkakuha ng bata sa apa ay kaagad niya
itong dinilaan, at saka uli humarap kay Chong. “Kay kuya ba kayo galit...”
Ibinaling niya ang tingin niya kay Fonse. “...’wag na kayong magalit kay kuya,
ang gwapo kaya niya...tapos sweet pa” payabang na sagot ng bata.
Biglang napangisi si Fonse. “Gusto ko ang tabas ng dila mo
bata...” saka siya nag-alok ng appear sa bata, na tinanggap naman ng bata.
“Kuya, ice cream pa ha...”
Hindi naman maipinta ang mukha ni Chong. Inirapan lamang niya
ang dalawa. Anong ini-imply ng batang
ito? Ngunit ngumiti na lamang siya ng asiwa at baka matakot na naman ang
bata.
“May-may, pahingi naman ng ice cream...sige na...”
Napalingon silang tatlo. Isang batang lalaking marungis rin
ang kanilang nakita. May kalong itong sanggol na isinusubo ang sariling daliri.
May tuyong uhog rin ang batang lalaking, medyo sinisipon pa.
Hindi malaman ng batang babae ang gagawin niya. Medyo inilayo
niya ang apa mula sa kanyan, pero mamaya-maya ay babawiin rin ito, tilan
nag-aagaw sa isip nito kung bibigyan ang kaibigang lalaki.
Biglang inagaw ni Chong ang ice cream ni Fonse na didilaan
niya sana, at agad niya itong ibinigay sa batang lalaki ng nakangiti...”
“Kuya, maraming, maraming, maraming salamat po!!! Salamat po
talaga!!!” Saka niya dinilaan ang natutunaw na sorbetes.
Napangiti na lamang si Chong.
“Kuya, pahingi rin.” Humahangos na sabi ng isang batang
babae.
“Pahingi rin po ng ice cream.” Pagmamaka-awa naman ng isang
batang pambaba lamang ang suot na damit.
“Kuya, hindi pa po kami kumakain ng kapatid ko...” Daing ng
isang babaeng nasa 15 taong gulang, may kalong na kapatid na tulog at tila may
sakit.
Hindi namalayan ni Chong at Fonse na madaming bata ang
nakapaligid sa kanila. Lahat ng mga ito’y madudungis at pawang batang
lansangan. May mga magugulo, lalo na ang mga lalaki, at may mga nakatingin
lamang sa kanila na puno ng pagsusumamo ang mga mata.
Maski si May-may at ang batang lalaki kanina’y tiningnan na
lamang sina Chong at Fonse, habang kinakain ang kanilang mga ice cream.
Hindi na maipinta ang mukha ni Fonse. “Chong, anog gagawin
natin...” Pero nanatiling nakatayo lamang si Chong, at kumukurap ng
dahan-dahan, tila nag-iisip. “Uy, Chong...”
Dahan-dahang ibinaling ni Chong ang kanyang tingin kay Fonse
katulad ng dati. “’Yung tangka mong bilhin ‘yung mga librong gusto ko kanina,
hindi ka ba nagbibiro non?” seryosong tanong ni Chong.
Napakurap na lamang si Fonse. “Bakit?” Pero wala siyang
nakuhang sagot mula kay Chong. “Ah, eh, oo, balak ko talagang bilhin ‘yun para
sa’yo...”
Humingang malalim si Chong. “375 ‘yung The Godfather, tapos
250 ‘yung Para Kay B, di bale 625 lahat...” saka niya inilahad ang kamay niya
sa harap ni Fonse.
“Ah, ah...bakit?” Naguguluhan pa rin si Fonse sa gusto ni
Chong.
Tiningnan lamang siya ng pailalaim ni Chong. “Basta, akin na
‘yung 625...”
Nalilitong kinuha ni Fonse ang kanyang pitaka, at
nag-aalangang kinuha ang hinihinging pera ni Chong. Anong balak ni Chong, ginatasan na ba ako ng taong ito...
----------------------------------------------------------------
“ANG SARAP NG TINAPAY KUYA!!!!” Ang halos hindi maintindihang
sabi ni May-may. Puno kasi ang magkabilang pisngi nito ng cheese roll na binili
ni Chong at ibinigay sa mga bata, kasama ng ice cream mula sa sorbeterong
binilhan nila kanina. Naka-upo sila ngayon sa tabi ng Manila Bay.
Halos matawa naman si Fonse sa asal ni May-may. “Oh, baka
mabulunan ka!!!”
Nabakas ang pag-aalala sa mukha ni Chong. “Pasensiya na ah,
walang panulak, hindi na kasi kasya sa pera eh...”
Linunok ni May-may ang nginunguya niya kanina. “Okay lang po
kuya, choosy pa po ba kami nito...”
Napangiti na lamang ng buo si Chong sa tinuran ng bata. Saka
niya hinagod ng tingin ang mga batang kumakain rin ng tinapay at ice cream,
masasaya at maiingay, may ngiti sa labi ng bawat isa.
Ngayon lang uli ako
nakaramdam ng ganitong saya...
Hindi namalayan ni Chong na nakatingin pala sa kanya si
Fonse. Nakangiti lamang itong hindi nakikita ang mga ngipin, habang kumukurap
na parang bata. Chong...ang ganda ng
ngiti mo...
“Sarah May ba ang pangalan mo?” nakangiti pa ring tanong ni
Chong.
Napalunok ng wala sa oras si May-may. “Paano niyo nalaman,
kuya?”
Bakas pa rin sa mukha ni Chong ang saya. “Tinawag ka kasi
kanina nung batang lalaki ng May-may kanina. Eh kasi halos lahat ng kakilala
kong May-may ang palayaw, Sarah May ang buong pangalan nila. Kaya nasabi kong
Sarah May ang pangalan mo...”
Napatanga na lang ang batang babae. “Ang talino niyo po pala
kuya...”
“Ah, eh...eh...” Nahiya si Chong. Lalo namang napangiti si
Fonse. “Hindi naman, natsambahan ko lang, pwede rin naman kasing simpleng May
ang pangalan niyo, o di kaya Ruffa Mae...pwede rin diba...”
“Ah, hindi matalino talaga ‘tong taong ito, pa-humble lang
talaga...” sabat naman ni Fonse sabay akbay kay Chong. Tinanggal naman ni Chong
ang kamay ni Fonse sa kanyang balikat ng pa-angil. “Bakit ba, kanina nga todo
akbay ka sa akin, tapos ngayon aayaw ka...”
Biglang napangisi si May-may sa harap niya. “Kayo po ba?”
Gulat na napalingon si Chong, habang si Fonse ay nakangiti ng
alanganin. “HA?” sambit ng dalawa.
“Ang sweet nito po kasing dalawa...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. “May-may, paano mo nalaman na
sweet kami? Bata mo pa ah...”
Napangisi si May-may. “Ganyan din po kasi si kuya Bentong ko
tsaka si Totoy...” saka itinuro ng bata ang tinutukoy niya. Nakita nila Chong
at Fonse ang Bentong na may headband na ribbon sa ulo at si Totoy na
nagsusubuan, halos magkakandong at naghaharutan. Nasa kinse na ang dalawa.
Nanlaki ang mga mata ni Chong. Si Fonse naman ay lalong
nangiti.
“Ang sweet po nila diba...parang kayo...”
Napahalakhak si Chong. “Apir nga uli tayo May-may..” At
nag-appear nga ang dalawa.
Tiningnan lamang silang nandidiri ni Chong.
Ngunit biglang nalungkot si May-may. “Kaso, si Totoy kasi may
ibang girlfriend. Kaya si Kuya Bentong palaging umiiyak. Tapos nag-aaway pa
sila ni Shiela, ‘yung gf ni Totoy. Minsan nga nagsabunutan sila....”
Tiningnan lamang ng kumukurap-kurap ni Chong si May-may. Ang bata pa lamang niya pero kung saan-saan
na siya namulat...
Natauhan si Fonse sa pinagsasabi ng bata. Baka mamaya ganoon din ang isipin sa akin ni
Chong... Saka niya inakbayan uli si Chong. “Pero ako, wala akong gf
May-may, siya lang talaga ang karelasyon ko...”
Tinangka uling pumiglas ni Chong. “Tigilan mo nga,
kebata-bata ng bata...”
Pero lalong hinigpitan ni Fonse ang pagkaka-akbay. “Asus,
May-may, parang hindi nga talaga matalino ang Kuya Chong mo. Kasi kung matalino
siya, dapat bukas ang isip niya. Sabi niya mali daw ‘tong ginagawa namin. Pagsabihan
mo nga ‘tong kuya mo. Sabihin mo sa kanya na walang mali sa ginagawa namin...”
Ngumiti ng maaliwalas si May-may. “Kung mahal niyo po talaga
ang isa’t isa, walang bawal sa ginagawa niyo...”
Napahalakhak si Chong. “Wahahaha, apir tayo uli...”
Napangiti na lamang na marahan si Chong. Sana lahat ng tao asal-bata na lamang. Hindi dahil para sa kanya ay
walang masama sa relasyon namin ni Fonse, kundi dahil napaka-selfless nila,
walang ego, at may respeto para sa kagustuhan ng iba...
Patuloy pa rin sa paghalakhak si Fonse ay si May-may.
Pero kunsabagay, maski
mga bata ngayon, nag-iiba na rin ng ugali... saka bumagsak ang mga balikat ni Chong.
“Sige, ituturing kong walang mali sa relasyon namin
May-may...” Biglang natigil ang dalawa sa paghalakhak. Tumingin si May-may kay
Chong. “Pero dapat, hanggang kaya mong tulungan ang ibang tao, hangga’t may
kaya kang ibahagi sa iba, gagawin mo ha. Dapat tutulong ka sa ibang tao...”
saka ngumiti si Chong.
Napakurap si May-may. “Katulad po ng ginawa niyong pagtulong
sa amin....” saka siya ngumiti ng buo at puno ng pag-asa.
Napangiti na rin si Chong, napangiti ng buo at puno ng
pag-asa.
“May-may, tawag na tayo!!!” sigaw ng Kuya Bentong ni Maymay
na may landi sa dulo. Biglang napalingon si May-may sa likod. Saka lang rin napansin
nila Chong na nagsisi-alisan na ang mga batang kanina’y kumakain. Humahangos
ang mga ito habang nakatingin sa likuran. Sinundan ni Chong ang pupuntahan ng
mga bata at nakita niya ang isang lalaking na 20 na, punit ang damit, at
pinapalo ang ilang bata.
Sa pagmumuni-muni ay hindi namalayan ni Chong na umalis na
rin si May-may.
Tumayo si Fonse para pigilan si May-may. “Hindi man lang
nagthank you ‘yung mga bata...”
Kumurap lamang si Chong. “Pabayaan mo. Kapag pinuwersa ko
silang magthank you, parang nanghingi na rin ako ng kapalit para sa ginawa ko.
Kahit kailan hindi dapat asahan ng kahit anong kapalit ang pagtulong. Dahil
kung aasa ka ng kapalit para sa ginawa mo, hindi na iyon pagtulong kundi isang
pabor...”
Bumagsak ang balikat ni Fonse. May katwiran siya...
“Parang katulad ng ginagawa niyo. Kinakaibigan niyo lahat ng
tao sa school, kasi inaasahan niyo, ‘yung mga taong tinutulungan niyo,
tutulungan rin kayo, lalo ng kung may quiz o test...”
Tumulis ang nguso ni Fonse. “Hindi kaya, sadyang mabait lang
talaga ako...”
Inirapan lamang siya ni Chong. Pagkabaling ng tingin niya kay
May-may ay bigla itong lumingon. “KUYA CHONG!!!! MARAMING, MARAMING, MARAMING,
MARAMING, SALAMAT PO!!!” saka siya kumaway.
Kinawayan rin siya ni Chong habang nakangiting hindi kita ang
mga ngipin. Saka naman tumalikod uli si May-may at nagpatuloy sa paglalakad.
Tumingin na lamang sa kawalan si Chong.
“Matalino rin siyang bata...” Biglang napatingin si Fonse kay
Chong. “Isang beses mo lang nasabi na Chong ang pangalan ko, pero natandaan
niya agad...”
Napangiti si Fonse.
“...Minsan talaga napapa-isip akong walang halaga ang kung
ano mang pinag-aaralan natin. ‘Yung mga gaano kabilis babagsak ang isang bagay,
at kung ano-ano pa.” Nagulat si Fonse sa tinuran ni Chong.
“At some point, parang manifestation iyon ng takot natin sa
mga bagay na hindi kayang intindihin ng utak natin, o mga bagay na hindi natin
inaasahan mangyari. Pilit nating inaalam ang mga bagay na wala namang halaga sa
kung ano talaga ang lugar natin dito sa mundo. Minsan nagiging parusa talaga
ang katalinuhan ng tao. Ipina-aaral sa atin ang mga batas daw ng kalikasan, mga
teorya ni Newton, ni Einstein, gayong una sa lahat, dapat puso ang ineeduka,
maski ang utak para maging bukas sa lahat ng bagay. Siguro nga okay lang na
pag-aralan kung bakit umaaalon ang dagat, at kung bakit lumilindol, dahil
kailangan nating mabuhay, pero masyado nating pinahahalagahan ang mga bagay na
ito na nakakalimutan nating para mabuhay, kailangan nating umintindi para
makasama ang iba ng mapayapa...” saka ngumiti ng mapait si Chong.
Biglang lumungkot ang mukha ni Fonse. “Chong, bakit ka
malungkot...?”
Napatingin si Chong sa kanya, at saka ito huminga ng malalim.
“Kasi...alam ko sa sarili kong kulang ang ginawa ko...”
Kumunot ang noo ni Fonse sa pag-aalala.
“...Hindi sapat na binigyan ko sila ng pagkain ngayon. Paano
na bukas , paano sa makalawa. Baka isa sa kanila ang magkasakit o mamatay sa
gutom. Diba dati nasabi ko na iyo, na ang solusyon sa isang problema ay hindi
lang iisang hakbang. Kailangan ng pang-madaliang lunas at pangmatagalan...”
Biglang napayuko si Chong. “...’yung pang-madaling lunas lang ang naibigay
ko...”
Lumamlam ang tingin ni Alfonse.
“Fonse, alam mo, naisip kong napakaswerte natin. Kahit
papaano nagkaroon tayo ng kabataan, panahon para maglaro, mahalin ng magulang.
Eto pa nga’t napag-aaral pa tayo sa magandang paaralan. Samantalang ang mga
batang iyon, pinagmamalupitan at sinasamantala ng ibang tao at sindikato.
Kunsabagay, isang parte ng asal ng ibang mga hayop ang ganoon. Ang mga leon,
itinatapon ang mg anak nila sa matataas na lugar para tumibay. Habang tayo’y
nagpapakasasa, ang mga batang iyo’y itinatapon sa matataas na lugar, ngunit
hindi para tumibay, kundi para gamitin sa pansariling kapakanan...”
Napa-upo uli si Fonse sa tabi ni Chong. Nakita niya itong
nakangiti pa rin mapait.
“At ang mas nakakalungkot pa, ‘yung mga taong mismong
nagsasamantala sa mga batang iyon ang nakaranas na ring itapon pabulusok sa
mataas na lugar. ‘Yung lalaki kaninang malamang ay kanang-kamay ng lider nung
sindikato, ay malamang nakaranas na ring mamuhay sa lansangan. Nakakainis na
wala tayong natutunan sa mga napagdadaanan natin sa buhay. At gusto lang natin,
takasan ang lahat ng problema, gusto natin palaging masaya. Kapag may problema,
hindi masaya. Kaya dapat walang problema. Kung meron man, ‘wag solusyunan at
dapat takasan. Madalas nahahanap natin sa panandaling sarap ang pagtakas sa
problema. Kung hindi sa bisyo katulad ng drugs o rugby at ano pa, hinahanap
naman natin sa pag-ibig ang exit. Porket masaya tayo sa piling ng iba, ‘yun na
kaagad ang solusyon sa problema. Iniiaasa natin sa iba ang soluyon sa mga
problema natin. Hindi natin nalalaman, madalas, iwinawaglit lang nila sa isip
natin ang mismong problema at hindi naman talaga nila sinosoluyunan. Minsan pa
nga, ang inaakala nating magbibigay ng solusyon sa problema natin ang siya
magpapalala dito...”
Mataman pa ring nakinig si Fonse sa sinabi ni Chong. Pilit
niyang iniitindi ang ang bawat salitang inuusal ni Chong.
Saka tumingin si Chong sa mamula-mulang mga ulap. Malapit ng
sumapit ang gabi.
“Marahil ganon din ang naging hakbang ng mga magulang ng mga
batang iyon. Nag-asawa para matakasan sa kahirapan, o di kaya nagsiping para
makalimot. Hindi nila alam, lalo lang lumala ang problema. At para makalimutan
ang problemang wala silang pagkain, magsisiping na lamang isla uli para
makalimutan ito. Resulta? Lalo silang magugutom dahil ang dami na nilang anak.
At ang nakakalungkot, baka pati ang mga batang iyon ay ganoon din ang maging
kalagayan. Ang piliin na takasan ang problema nila, kesa harapin ito ng
mag-isa...”
Bumuntung-hininga si Chong habang sinisipat-sipat ang hugis
ng mga ulap. Nanatili namang nakatingin si Fonse kay Chong.
“...Sana, hindi maging ganoon si May-may...” usal ni Chong.
Natauhan si Fonse. “Chong, sorry...”
Napatingin si Chong kay Fonse. “Bakit ka nag-sosorry??”
Ngumiti si Fonse. “Kasi wala akong magawa...”
Ngumisi si Chong. “Hindi ka dapat magsorry sa akin, dapat sa
mga bata. Wala ba kayong foundation para sa mahihirap?”
Umiling lamang si Fonse. “...Wal...Wala...”
Napangisi si Chong. “Naiintidihan ko rin ang tatay mo.
Basically, parehas sila ng pag-iisip ng lalaki kaninang parang miyembro ng
sindikato. Dahil siguro nakaranas na sila ng hirap at nakita nilang pera ang
tanging solusyon, ayaw nilang maubusan noon. Natural naman talaga para sa atin
na isipin muna ang sarili bago ang iba. Kung hindi natin gagawin iyon, sino ang
mag-iisip noon para sa atin? Pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman porket
ganoon ang tatay mo ay ganoon ka na rin. Choice mo pa rin ‘yun. Tsaka kung
sisisihin kita., dapat sisihin ko rin ang sarili ko. Kung tutuusin, pwede akong
magsumbong sa mga pulis tungkol sa sindikato. Pero naisip ko rin anong
mangyayari noon pagkatapos? Kung maliligtas man sila ng mga pulis, sa DSWD ang
bagsak nila. Tapos mamaya tumakas rin sila, kasi wala naman talaga doon ang
bagay na mailalapat sa pagkukulang na nararamdaman nila...” saka tumingin si
Chong kay Fonse.
Nagkatinginan si Chong at Fonse. Unti-unti ng lumulubog ang
mapulang araw, kasabay ng pag-aagaw ng lila at tila kulay dugong mga ulap sa
kalangitan.
“Alam mo ba kung kailan nagiging kabulastugan ang magmahal?”
nausal ni Chong bigla.
Ngunit hindi sumagot si Fonse. Tinitigan lamang niya si
Chong.
“Aminin man natin o hindi, nakasentro lang naman ang
erotikong pagmamahal sa dalawang tao, sa kaligayahan ng dalawang tao. Pero
hindi lang dadalawang tao ang meron sa mundo. Halong pitong bilyon na ngayon
ang naghahanap ng pansariling kaligayahan...”
Ngumiting mapait si Chong. “Kapag nabulag tayong mas mahalaga
ang kaligayahan ng dalawang tao kaysa sa paghihirap ng iba pang taong kasama
natin sa mundo, kapag inisip mong mas mahalaga ang pansarili mong kaligayahan,
kapag sinabi mong erotikong pagmamahal lamang ang meron sa mundo, doon nagiging
kabulastugan ang pagmamahal...”
Inilihis ni Fonse ang tingin niya kay Chong at napatingin sa
ibaba.
“Gumagabi na, alis na tayo...” saka tumayo si Chong at
isibukbit ang gray niyang body bag sa kanyang balikat. Pero biglang hinawakan
ni Fonse si Chong sa braso, kaya napatigil ito.
Kinuha ni Fonse ang kanyang cellphone. “Ronnie, pakisuyo
lang, bukas ng umaga, bumili ka ng mga isandaang chickenjoy, tapos ibigay mo sa
mga batang lansangan, lalo na sa isang batang May-may ang pangalan... Mga
pitong taon, tapos masayahin ‘yung bata... Kung kulang ‘yung perang hawak mo,
sabihin mo lang ah....” saka niya tinapos ang tawag at tumingala kay Chong ng
nakangisi.
Pero kumunot lang ang noo ni Chong. “At kailangan talagang
iparinig sa akin...” saka sumampa si Chong sa barrier ng Manila Bay at doon mabilis
na naglakad.
Tumulis ang ilong ni Fonse. “Ikaw talaga, may masasabi at
masasabi kang hindi maganda sa mga ginagawa ko.” Hinabol si Fonse si Chong.
Naka-krus ang mga braso ni Chong habang naglalakad. Noong una’y
ubod ito ng bilis, ngunit ng katalagan ay bumabagal. Bawat hakbang ay
dahan-dahang kinakalkula. Saka siya titingin sa taas at bubuntung-hininga.
Tiningnan lang siyang nahihiwagahan ni Fonse. Saka niya ito
tinabihan sa paglalakad.
Nag-aagawan pa rin sa kalangitan ang kulay lila at pula,
kasabay niyon ang unti-unting pamamaalam ng araw na niyayakap ng malawak ng
dagat na sinasalamin ang kulay ng mga ulap.
“Iniisip mo pa rin ‘yung mga bata ano?”Binasag ni Fonse ang
pananahimik habang naglalakad ng dahan-dahan at ang mga kamay ay magkahawak sa
likod.
Ngumiti ng mapait si Chong na naka-krus pa rin ang mga kamay.
“Kung sanang mayaman lang ako...Nakakainis talaga, kaya ayokong naaattach kahit
kanino...”
Napababa ng tingin si Fonse.
“...At iniisip ko rin kung anong gagawin ko kung sakaling
kumalat ‘yung lintik na sinabi mo kay JASPER!!!
Napangisi si Fonse. “Hindi nga niya ipagkakalat ‘yun!!!”
“Paano mo nalaman?” saka tumigil si Chong sa paglalakad.
Napatanga si Fonse. “Ah, eh...” Wala siyang maibigay na
sagot.
Inirapan lamang siya ni Chong. “Wrong reasoning, kung
sabagay, wala ka naman talagang ginawang reasoning...” saka niya ipinagpatuloy
ang paglalakad.
“Sandali...” hinawakan niyang muli sa braso si Chong.
Napaharap ang huli kay Fonse. “Alam ko na kung paano ka sasaya...” saka siya
ngumiti ng napakagiliw.
Kumunot ang noo ni Chong. “Paano?”
Ngumiti lang uli si Fonse. At pagkatapos ay ibinalot niya kay
Chong ang kanyang mga bisig.
Niyakap ni Fonse si Chong.
Nagpatuloy sa paglubog ang araw, kasabay ng unti-unting
pagkulapol ng dilim sa kanina’y maliwanag na langit.
“Anong ginagawa mo?” Nagtatanong ma’y kalmante ang boses
nito.
Nakangiti lamang si Fonse habang nakasandal sa balikat ni
Chong. “Niyayakap ka. Lagpas 3 months na tayo, diba sabi mo, kapag three months
na tayo, pwede na kitang yakapin...” At saka siya uli ngumiti, bakas sa mukha
ang lubusang saya.
“Eto ‘yung sinasabi mong magpapasaya sa akin...?”
Biglang kinalas ni Fonse ang pagkakayakap kay Chong at
hinawakan siya sa dalawang braso. “...Oo, tama lang naman na minsan takasan
natin ang problema ah, para ang oras na mismo ang umayos nito...”
Nakakurap ng marahan si Chong. Parang nag-alangan naman si
Fonse at tumingin sa kanan. “Tama, ba ‘yung nasabi ko?”
“Ikaw lang ang natuwa sa ginawa mo...” Saka inayos ni Chong
ang bag niyang nagulo sa pagkakayakap ni Fonse. “Manyak...” saka siya umikot at
nagpatuloy sa paglalakad.
Inangilan lamang siya ni Fonse. “Asus, nagustuhan rin naman
niya iyon...” Pero bigla ring bumagsak ang kaniyang balikat at lumungkot ang kanyang mukha. "...Nagustuhan nga kaya niya iyon?"
Nagpatuloy lang sa paglalakad ng matulin si Chong. Saka niya hinabol ang huli na medyo nakalayo na ito sa kanya.
Patuloy
pa rin sa paglubog ng araw, ang langit na kanina’y ginintuan ay binabalot ng
pulang mga ulap.
Nagpatuloy lang sa paglalakad ng matulin si Chong. Saka niya hinabol ang huli na medyo nakalayo na ito sa kanya.
Thanks Sir. Idol... tagal ko pong inabangan tong chapter na to.. (Y)
ReplyDeleteNganga ako sa unang part, imba talaga yung story... Kilig much naman ako sa last part... :D
-Kio
Thanks kuya author. galing talaga nito kakakilig kahit walang erotic scenes. update na agad.hehe.
ReplyDelete-just
mukhang lumalambot na ata si pareng chong a,nka hug sa fonse na walang violent rxn....grabe tlaga kng mg isip tong chong na to, ano kaya pinag huhugutan nun para mka isip ng mga ganyan?brain-teasing talaga ang character nya :)
ReplyDelete--->ryan
Napansin mong lumalambot na si Chong XD
DeleteAng dami mong matutunan sa kwnto na to.. good job author. ...
ReplyDeletekonting proofread sana Author para sa mga baong reader ng story mo... pero para sa mga nakasubaybay sa story, gaya ko, pwede na pagpasensyahan :)
ReplyDeletepero Seriously, ang ganda nito Promise! :))
#Epic!
-Brown Temptation
Anong po sa tingin niyo 'yung mga part na dupamlis ako? XD Basahin ko nga uli...XD
DeleteSorry guys, mauudlot ang update nito na dapat sana ay ngayon (Tuesday) o bukas ( Wednesday). Super, duper, sorry ulit...
ReplyDeleteganda ng lines :)
ReplyDeletenakakakilig tlga sila,., ayyyieee,., haha,., more kilig moments pa,., dapat try ni jasper agawin si chong,., para mas nakakakilig,., ano kayang ggwin ni fonse pag ngyari yun,. hahaha
ReplyDeletehello po
ReplyDeletekelan po ba ang next upadte? :)
gusto ko talaga tong story na to
kuya author namimiss ko na po si chong...kelan update?pls. pls.
ReplyDelete1 ito sa mga favorite stories ko po e.
-just