Followers

Monday, June 24, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 2.



318 (My Second Attempt to Love)

By: ImYours18/Nyeniel
Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph          
Wattpad Username: Nyeniel




Authors note:


Hello, MSOB and Dylan Kyles Diary Followers, and also Wattpad readers! Chapter 2 is here! XD

Maraming maraming salamat nga po pala sa mga masusing nag-aabang ng updates ng akda ko. And, nais ko po sanang manghingi ng paumanhin sa medyo may katagalang paghihintay, nagiging busy na rin po kasi sa school. At sa mga susunod pa na mga Updates ay baka mas matagalan, sana po ay maintindihin niya. Pero, tulad po ng sabi ko ay gagawin ko po ang buong makakaya ko upang makapagsulat at makapag-update karakaraka! XD

Nais ko din po sanang magpasalamat kay Mr. Dylan Kyle for allowing me to post my updates on his blogsite. Maraming salamat po! =)


Maraming salamat! =) God Bless us =)

PS: Pa-add naman po ako sa facebook (http://www.facebook.com/niel.isyours?fref=ts) (nielisyours@yahoo.com.ph) Maraming Salamat!


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:


Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:

I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com)  and the image will be immediately removed.







ENJOY READING =)





Chapter 2.




“Ako to ah??!!!!” Gulat na sabi ko habang tinitigan ang isang sketch drawing na nakita ko sa loob ng binder notebook ko. Teka? Sino naman kaya ang nag-drawing at naglagay nito sa notebook ko?


“Ay gurl! Ang ganda naman niyan, di ako naniniwalang drawing mo..” Pangaasar sa akin ni Rizza.


“Yeah I know, hindi naman ako magaling mag-drawing e. Hindi ko nga alam kung kanino galing to e. Nakita ko na lang sa notebook ko.” Sabi ko kay Rizza.


“Terey! May secret admirer! Wala naman akong kilalang ganyan kagandang mag-drawing sa classroom e, saka paano naman napunta sa bag mo yan e laging nakasumbit sayo yang bagelia mo!” Malanding sabi ni Rizza. Oo nga naman, kanino naman kaya mangagaling to e hindi naman ako marunong mag-drawing? Kahit mga classmates namin. Lagi nga kaming kamot ulo kapag art appreciation ang subject e. Kung i-aanalyze mong mabuti, maaring si Tristan dahil siya lang naman ang kasama ko sa seawall noon e pero hindi naman marunong magdrawing yun e! At bakit niya pa ako ida-drawing? Ano bang halaga ko na ngayon sa kanya. Imposible namang si Kuya Enzo di ba? Teka? Hmmm? Sino bang kilala ko ang magaling magdrawing?


“Si bes!” Sabi ko kay Rizza. Siya lang naman kasi ang magaling mag-drawing na kilala ko e. Minsan na kasi akong nakapunta sa bahay nila at kapag nakita mo ang kwarto niya at ang kwarto ng mama niya ay punong puno ng mga sketch drawing. Pero, paano namang napunta yun sa bag ko e hindi naman yan mahilig mangalkal ng bag.


Kung susuriin ng mabuti ang larawan ay mahahalata mo na agad na ako to. That was the exact scenario noong naghiwalay kami ni Tristan sa seawall. Sa drawing ay nakaupo sa isang bench ang isang lalaki, may nakasalpak na earphone sa kanyang mga tenga, nakatingin sa kawalan, punong-puno ng kalungkutan ang mga mata at may konting luhang tumutulo sa kanyang mga mata. At paano ko nasabing ako yung nasa drawing? Tulad ko ay mayroong hindi katangusan at hindi naman pango na ilong, mayroon ding bilugang mga mata, may kakapalang labi, at manipis na kilay na tulad ng akin. At ang mas lalong nakapagpakilabot sa akin ay ang pagkakita ko sa nunal sa may kaliwang bahagi ng labi ng lalaking nasa drawing na tulad rin ng posisyon kung nasaan ang nunal ko. Confirmed teh! Ako nga to!


“Huh? Paano mo naman nasabi?” Takang tanong ni Rizza.


“Shhhhh! Sino ba yung madaldal diyan? Ms. Rizza Ferrer? Can you please keep silent?” Puna ng prof namin kay Rizza, ang daldal kasi! Ayan.


“Sorry ma’am.” Nahihiya niyang sabi. “Oy gurl! Kwento later ah?” Pagpapaalala niya sa akin.
Habang nag-lelesson kami ay tinignan kong mabuti ang larawan. Hindi ko alam pero parang napakaganda at parang sobra akong na-amaze sa drawing na iyon. Bukod sa alam kong ako ang naka-drawing doon at maganda ang pagkaka-drawing ay nararamdaman kong napakaimportante ng drawing na iyon sa akin. Iyon bang kahit sa unang beses ko pa lang siya nakikita ay alam kong may ‘sentimental value ‘ na siya sa akin.
Tinignan ko ang binder notebook na hawak ko at laking gulat ko ng nakita ko sa front page ng binder notebook ang pangalan ni bes sa owners name. Ngayon, alam ko na kung kaninong drawing to at confirmed na corfimed! Kay bes to. Do doubt na ako!


Ngunit, bakit niya naman ako iginuhit? Kilala ko si bes e, alam ko na laging for important purposes lang yan kung gumawa ng isang bagay kasi kung hindi importante o mahalaga sa kanya yan at hindi nakakatulong, de-deadmahin niya yan.


Hindi ko na lang pinansin at ibinalik ko na lang sa loob ng binder notebook ang drawing na iyon. Gustong-gusto ko nga sana kunin kasi ang ganda! Kaso nga lang hindi naman sa akin yun e. Baka magalit pa sa akin. Sayang, instant display na sana sa kwarto! Haha.


Shit! May sinasabi pala yung prof namin! Hindi ko na nakopya. Hmp. Okay lang yan, kopya kopya na lang.
Habang nasa ganung pagdi-discuss ang professor namin ay napansin namin na may dahan-dahan na nagbukas ng front door ng classroom namin. “Good morning prof. Rodriguez..” Pagbati ng isang pamilyar na boses. Teka? Si Xander? Anong ginagawa niya dito? May klase sila di ba?


“Yes Mr. Transferee? Anong kailangan mo?” Tanong ni ma’am. Wow ha! Kilala niya na agad si Xander. Well, sino ba naman ang hindi makakakilala di ba? Sa gwapo, talino at bait ng bestfriend ko. Kahit sino tatayuan ng balahibo kahit pangalan niya pa lang ang naririnig. Ganyang katindi si Xander.


“Ah, ma’am gusto ko lang po sana makausap si Mr. Rivera, may itatanong lang po sana ako sa kanya..” Magalang na pabor ni Xander.


“Mr. Rivera, go outside..” Sabi ni Ma’am sa akin.


“Okay Ma’am..”


Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko si bes na parang batang di matae at pawis na pawis at mistulang hindi mapakali. “Bes? Anyare? Bakit ka nandito? Natatae ka? Magpapasama ka ba?” Pagbibiro ko.


“Tado!! Yung binder notebook ko bes..” Sabi ni Xander. Ewan ko lang ah? Pero kung binder lang yun? Bakit parang nagpa-panic siya? Ano kayang meron dito?


“Nasa loob e.” Sabi ko sa kanya.


“Kunin mo bes, dali..” Paguutos niya.


“Maka-dali naman to. Oo na boss! Kung binder lang e bakit parang nagpa-panic ka?” Curious kong tanong sa kanya.


“Ah basta. Kunin mo na bes. Please?” Pagmamakaawa ni Xander with matching puppy eyes paawa effect. Ano kayang nangyayari dito kay bes? Ang weird huh?!


“Okay boss..” Sabi ko sabay talikod sa kanya upang pumasok ng room.


Pagkapasok ko ng classroom ay may mga classmate akong babae at binabae na nakatingin sa akin ng masama. Ganyan din sila dati sa akin kay Tristan e. Wag nilang sabihin na pati kami ni bes ay pagiisipan nila ng masama? Hay nako! Sawang-sawa na kami dyan noong high school! (-_-)


At muli akong lumabas. Magkahalong gulat at pagkatuwa ang naramdaman ko ng biglang hablutin bigla-bigla ni bes sa kamay ko ang binder notebook niya. “Snatcher lang bes?!” Pagbibiro ko.


“Nagmamadali kasi ako bes e. O sige na, i-text mo na lang ako after ng klase mo huh? Intayin kita sa lobby..” Pagpapaalam niya.


“Okay sige bes.” Nasabi ko na lang.
Aktong papasok na ako ng classroom at papalayo na rin siya ng bigla kong narinig muli ang tawag niya. 

“Bes!” Pasigaw na tawag sa akin ni Xander at muling lumapit sa tapat ng classroom namin.


“Oh? Ano pang nakalimutan mo?”


“Ahh. Ehh.. May nakita ka ba sa loob ng notebook na to?” Sabay taas sa hawak niyang binder notebook. 

“Binuksan mo ba to?” Pagtatanong niya sa akin.


Hindi naman ako nakasagot agad at tila hindi makatingin ng diretso kay Xander. “Hi-hindi ah?” Nauutal kong sagot. “Ba-bakit ko naman pakikielaman yan? E pinalagay mo lang naman sa bag ko?” Sabi ko na lang sa kanya. Pero ang totoo ay nakita ko naman talaga ang laman nun. Ang drawing. Ang sketch drawing.


“Ahh.. Okay sige, alis na ako bes.” Sabi niya sabay takbo palayo sa akin.


Bakit naman kaya ako ginawan ng sketch drawing ni bes? At bakit ba kailangan niyang itago? I know mahilig sa surprises si bes. Lalong lalo na tuwing birthday ko. Proven naman sa last birthday ko di ba? Pero anong meron at kailangan niya akong i-surprise? At kapag mga ganyang bagay? Hindi naman sa akin tinatago ni bes yan e. Ewan ko lang, pero sa mga nagdaang araw, parang ang weird ni bes, lalo na ngayong malungkot ako. 

May mga oras na tulala siya, may mga oras na hindi mo makausap, may mga pagkakataong ang saya saya. Hindi ko ma-gets kung anong nangyayari sa bestfriend ko. Inlove ba siya? Parang ang bilis naman. Kakasimula pa lang ng klase e.


Noong maguwian ay sabay din kaming umuwi ni bes. Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng school. 



“Bes, gala tayo sa may ferria diyan.” Pagaanyaya ko. “Treat ko bes.” Dagdag ko pa.


“Sure ka bes? Baka may mga assignments ka pa ha?” Pagaalala ni Xander.


“Konti lang naman bes. Tara na!” Pagyayaya ko sabay hila sa mga kamay. Ngunit, lubos kong ikinagulat ng bigla niyang ipinasok ang kanyang mga daliri sa pagitan ng mga daliri ko. Sa aming posisyon ay para kaming dalawang magkasintahan na magka-holding hands. Ewan ko kung anong meron kay bes para gawin niya yun. Aaminin ko, nakaramdam ako ng konting kilig sa ginawa niyang iyon. At hindi na ako pumalag pa.
Pagkarating namin sa ferria ay naglaro muna kami ng mga color games. Pagdating pa naman sa mga ganun e malas ako kaya naman si bes ang pinaglaro ko. At sa huli ay tuwang tuwa ako dahil napanalunan ni bes yung isang set ng tea cup na may design na puro heart Ang ganda kaya, kaya sinabi ko na ipanalo niya yun para sa akin.


Pagkatapos naman namin maglaro sa color games ay naglaro naman kami doon sa binabatong piso. Ako na ang naglaro kaya ang ending ay naubos ang fifty pesos na tigpipiso ko. Hindi naman magkandamayaw si bes sa kakatawa dahil ang malas ko daw. Sorry ha? Hindi naman ako mahilig sa ganito e. Gusto ko lang talagang maglibang-libang.


Sumakay din kami sa iba’t ibang rides ng ferria. Sanay naman ako sa mga rides pero ang pinakakinatatakutan ko ay yung ferries wheel dito. Kasi naman, tiyan mo lang ang haharangan nila ng bakal. E sanay ako sa mga ferries wheel na nasa loob kami ng isang cage at saka ito aandar. Kaya naman sobrang kaba ko noong akmang sasakay na kami.


“Bes! Nakakatakot naman dyan. Parang delikado oh?” Pagaalala ko habang nasa ticket booth kami ng ferries wheel.


“Hindi yan bes. Kapit ka lang ng mabuti sa akin. Dalawa naman tayo sa isang upuan e. Okay ba?” 


Pagpapakalma sa akin ni Xander. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.


At sumakay na nga kami sa buwis buhay na ferries wheel. Grabe mga ateng! Nakakatakot talaga. Iyon bang ang bagal bagal ng pagakyat mo sabay parang ilalaglag ka sa isang matarik na bundok pagkababa niyo. Iyon bang parang iiwanan mo ang lahat ng laman-loob mo sa taas sa ere. Grabe!


Pagkatapos namin sumakay at enjoyin ang lahat ng rides kung saan musuka-suka na ako lalong lalo sa ferries wheel na yan ay bumili naman kami ng paborito naming pagkain, ang hopiang munggo.


Parehas naming pinagsaluhan ang hopiang munggo na kahit malamig na ay masarap pa din. Grabe! Ang saya saya ng araw na to. Sa tingin ko ay nawala ang lahat ng problema at sakit ng damdamin na ginawa ni Tristan. Buti na lamang ay nandyaan ang isang taong handing ibigay sa akin ang oras niya upang makalimot ako sa mga bagay bagay – ang bestfriend ko, si Xander.


Alas-5 na ng hapon noong matapos kami mag-bonding ni Xander sa ferria. “Bes, marami ka bang gagawin mamaya?” Tanong niya.


“Wala naman masyado bes, kakasimula pa lang naman kasi ng klase e. Bakit?” Sagot ko kay Xander.


“Magpapasama sana ako sa City Hall ng Makati bes e. Aasikasuhin ko lang yung mga papeles ko dun para sa scholarship ko. Kahit hanggang 7 lang bes. Hahatid na lang kita mamaya sa inyo..” Pabor ni bes. Dati kasi silang taga Makati at doon na ipinanganak si bes. Lumipat lang sila sa maynila noong nag-high school siya.


“Okay sige bes.” Pagsasang-ayon ko. Wala naman kasi akong curfew sa bahay e. Kaya okay lang kung gabihin ako and besides kasama ko naman si bes.


At sumakay na nga kami ng bus papuntang Makati. Airconditioned bus na ang sinakyan namin ni bes para hindi na hassle dahil may higit sa kalahating oras ang byahe namin.


Ngunit, ang pagaakala kong magiging masaya ang araw na to ay isa pa lang malaking kabaligtaran. Oo, dahil kasabay namin si Tristan at si Rafael sa bus na sinasakyan namin. Oo nga pala, parehas pala kami ng way dahil malapit ang bahay nila Tristan sa city hall ng Makati. Syempre, sa ngayon, aaminin ko, hindi pa madali sa akin ang lahat. Masakit pang makita na ang ex-boyfriend mo na pinagalayan mo ng lahat ay masaya na ngayon sa piling ng iba. And worst? Wala nang available na upuan kundi sa tapat na lang nag inuupuan nila Tristan at Rafael. Arrrrgggghhh!


Gustuhin man naming bumaba ni Xander ay hinayaan na lang namin dahil rush hour na din at mahirap nang sumakay. Kaya naman pinandigan na lang namin. Buti na lang ay nakaramdam agad si bes at doon ako pinapwesto sa may bintana upang mapukaw ang atensyon ko sa labas at hindi ko mapuna sila Tristan at Rafael.


Habang umaandar ang bus ay hindi ko mapigilang hindi mapasulyap kay Tristan. Mas masaya yung Tristan na nakikita ko ngayon kaysa sa dati. Mas totoo yung ngiti kaysa sa dati. At ang hindi ko inaasahang pangyayaring nakita ay ang pagakbay ni Tristan kay Rafael at humalik naman itong si Rafael sa labi ni Tristan, hindi alintana ang mga taong nakakakita sa loob ng bus.


Sa tingin ko ay hindi nila alam na nakatingin ako dahil nakabaling ang aking paningin sa binatana. Ngunit, lingid sa kaalaman nila na tinitignan ko sa bintana ang reflection ng kanilang ginagawa.


Pakiramdam ko ay tinatadtad ng saksak ang puso ko sa nakita. Mistulang parang isang papel na pinunit-punit ang puso ko sa kirot sa nakita ko. Hindi dapat ako umiyak! Kailangan niyang makitang matatag pa rin ako sa kabila ng masasakit na bagay na ginawa niya!


Naramdaman ko na bigla akong binulungan ni bes. “Bes, wag mong tignan si Tristan. Okay? Hayaan mo lang sila.” Alam kong hindi alam ni bes na tinitignan ko sila Tristan sa reflection ng salamin ng binatana kaya hangga’t maaga pa lang ay binalaan niya na ako. Tumango na lang ako bilang sagot.


Tinignan ko ang orasan ko at magaalas-6 na ng gabi. Malapit na rin kami sa aming destinasyon. Habang nasa ganun akong pagmumuni muni sa bintana ay laking gulat ko nang bigla akong pinaharap ni bes sa kanya at dinikit ang kanyang labi sa aking labi.


O.O



O.O



 Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kiliti at kilig sa mga oras na iyon. At syempre, gulat na gulat ako. Straight si bes at wala pa yang sinasabi sa aking nahalikan niya na lalaki ngunit.. ngunit bakit niya ako hinalikan? May mga ilan tuloy nakakita sa amin at kung hindi ako nagkakamali ay nakatingin sa amin si Tristan at si Rafael.



O.O



Pagkalas ng kanyang labi mula sa aking labi ay hinakawan ko ang aking mga labi at mistulang wala sa sarili dahil sa gulat sa ginawa ni bes. “Bes? Para saan yun?” Pabulong kong tanong sa kanya.


“Tara na bes..” Sabi niya. Andito na pala kami sa tapat ng city hall.


Bumaba kami na may iilang mga matang nakamasid sa amin. Paano ba naman, e magka-holding hands kami at para kaming mag-jowa sa posisyon ng aming mga kamay. Kahit sila Tristan at Rafael ay nakatingin pa rin sa amin.


“Hoy! Bakit mo ko hinalikan? Nawaha ka na sakin?” Tanong ko sa kanya pagkababa na pagkababa namin ng  Bus.


“Tado! Attention seeker kasi yung Tristan na yun e! Saka ipinamumukha ko sa kanila na hindi lang sila ang may karapatan mag-loving loving sa public places. At saka bes, para sabihin na din ng mga tao na ang taas ng taste mo sa pagpili ng boyfriend kuno. Way na rin para mapahiya sila Tristan.” Magiliw niyang sagot. Ah! Kaya pala! Sa ngayon naiintindihan ko na, isa lang pala yung biro upang mapahiya sina Tristan at Rafael. Akala ko pa naman e nahawa na sakin itong bestfriend ko.


“Ahhh kaya pala! Akala ko nahawa ka na sa’kin e. Nako kung mangyare yun bes, tsk tsk tsk! Sayang! Haha!” Pangaasar ko. Napansin ko naman na parang natigilan siya at hindi na sumagot pa, nagtuloy-tuloy na lang siya sa paglalakad.


Aamin ko, nakakaramdam ako ng kakaiba sa mga kinikilos ni Xander this past few days. Parang? Parang laging iwas sa mga usapan pagdating sa lovelife? Minsan naman ay ang gaslaw-gaslaw niya kapag kasama ako ngunit kapag may pinaguusapan na kami at lumalalim na usapan namin ay nanahimik na lang ito. Ang weird e. Pero hinahayaan ko na lang at iniisip ko na lang na baka may problema lang siya kaya minsan ay umiiwas siya.


Pero heto ang pinagtataka ko sa sarili ko. Bakit ako nakaramdam ng kiliti sa halik ni Xander? Yun bang bestfriend lang ang turing ko sa kanya ngunit nasarapan ako sa halik na ginawa niya? At ramdam ko ang halik na iyon. Ayaw ko naman bigyang kahulugan ang mga ganung bagay dahil inamin niya na nga sa akin e, it’s just a set-up.


Kinabukasan ay maaga akong sinalubong na dalawa kong kaibigan na sina Nerrisse at Rizza sa may canteen. Alas-10 pa kasi ng umaga ang unang klase namin at nag-text sila sa akin na samahan ko muna sila sa canteen, isang oras bago ang unang klase namin.


“Oh ano ba yun?” Tanong ko sa kanilang dalawa na parehas mga naka-ngisi.


“Umupo ka teh! Dali!” Utos ni Nerrisse sa akin. Umupo ako sa harap nilang dalawa.


“Oh bakit anong problema?” Tanong ko sa kanilang dalawa.


“Ikaw teh ha! Nililigawan ka pala ni fafa Xander di mo man lang sinasabi..” Sabi sa akin ni Nerrisse sabay tapik sa kamay ko.


“Nako girl! Jackpot yan! Ang gwapo kaya ni fafa Xander! Kung hindi lang ako taken e baka ako pa ang nanligaw diyan!” Malanding sabi ni Rizza. Teka? Nililigawan?! Kanino naman kaya galing yang chismis na yan?!


“Huh??!!” Gulat kong reaksyon. “Sinong hunghang naman ang nagsabi sa inyo niyan?”


“Heto si Rizza. Sabi niya sa akin ay may binigay daw sayong sketch drawing si Xander.” Pagbubulgar ni Nerrisse.


“Hoy! Anong pinagsasabi mo?! Drawing lang ligaw agad?!”


“Oo teh! At ano namang dahilan nun para i-drawing ka aber? At take note! Ang ganda ng drawing!” Pangiintriga pa ng chismosang Rizza.


“Adik! Malay ko ba kung gift lang yun? Saka sweet lang talaga sa akin si Xander. Ano ba kayo?” Sabi ko sa kanila na hindi pa rin tumitigil sa pagngisi.


“Hahaha! Basta kami na-sesense namin! May gusto sayo si fafa Xander. Itaga mo sa bato ni darna yan girl!” Sabi sa akin ni Rizza.


“Che! Bahala na nga kayo..” Nasabi ko na lang sa kanila. Nagtawanan naman sila.


“Basta teh! Ninang ako sa magiging anak niyo ah?” Pangaasar sa akin ni Nerrisse.


“Ako maid of honor niyo ah?” Pangaasar ng chismosa.


“Nako! Magsitigil! Huwag niyo nga kami pag-tripan ni bes..”


“Hahahaha! Hay nako! Bahala ka! Basta kami nasesense namin yan. Sa mga kilos niya pa lang e.”


“Tama!” Pagsang-ayon ni Nerrisse sa sinabi ni Rizza.


“At paano niyo naman nasabi?” Pagtatanong ko. Paano naman nila nasabi na halata sa mga galaw ni bes? E sadyang sweet lang naman yun sa akin e at saka di ba? Baka may problema lang naman siya kaya minsan ay iwas siya sa akin?


“Bahala ka teh! It’s for you to find out..” Sabi ni Nerrisse sa akin. “At least di ba? May maipapanupalpal ka na kay Tristan. At saka makakalimutan mo na rin si Tristan..” Sabi sa akin ni Nerrisse. Muli na naman tuloy naglaro sa isipan ko ang ginawang paghalik sa akin ni bes kagabi.


“Okay..” Nasagot ko na lang sa kanila. “Tara na nga! Um-order muna tayo ng pagkain bago pumunta sa room..” Pagyayaya ko sa kanila.


Ayos tong dalawang to ah? Bestfriend sila pagdating sa pang-iintriga sa akin? Ayos talaga! Hahaha. Pero what if kaya kung may gusto talaga sa akin si Xander? Hay nako! Heaven yan! Ang kaso, hindi ko pa kayang magmahal ulit. May sakit pa akong nararamdaman at aaminin ko, kahit na wala na sa akin si Tristan ay minamahal ko pa rin siya.


Lunch break. Pupunta na sana kami papunta sa canteen ng maalala ko na sinabi sa akin ni bes na sasabay daw siya sa akin mag-lunch. Kaya naman agad agad akong kumaripas ng takbo papunta sa classroom nila.
Ilang sandal pa ay nakarating na ako agad sa classroom nila Xander. May iilan na lang ang mga estudyante doon, marahil ang iba ay nasa canteen na. Sa palagay ko ay may sampu na lang ang tao sa loob ng classroom nila. May mga grupo ng mga babae at may tatlong lalaki na naguusap-usap. Pumasok ako at nagtanong sa kanila. “Excuse me ate, nandyan po ba si Xander?” Pagtatanong ko sa isang babae na nakasuot ng isang kulay pink at fit na t-shirt. Matangkad ito at may maipagmamalaki ding ganda.


“Nakikita mo ba?” Mataray na sagot sa akin ng babae. Napansin ko namang nagtatawanan ang iba niyang mga kaklase at ang iba ay nagbubulungan pa. “Heto naman biro lang! Nasa labas e. Baka nag-lunch na..” Mahinhin na sabi ng babae. Pero, may naamoy ako dito. Amoy sunog na plastic!


“Ah okay sige.” Simpleng sagot ko.


Hanggang sa paglabas ko ay naririnig ko pa rin ang mga bulong-bulungan nila. Ngayon lang ata nakakita ng tao ang mga yun e! Hindi ko na lang sila inintindi. Kung may sinasabi man sila against me? Hindi ako lelebel sa kanila, and I think, karma will do.


“Hoy bes..” Si Xander na basta-basta na lang sumulpot sa harap ko.


“Oh bes? Saan ka ba galing? Hinahanap kita sa room niyo ah?”


“Nag-CR lang ako bes.. Tara na, gutom na ako e..” Pagyayaya niya sa akin.


Habang nag-lulunch kami ng barkada ko at ni Xander ay hindi pa rin tumitigil sa pagsulyap ng pa-sikreto ang dalawang bruha sa aming dalawa ni Xander. Si Xander naman ay nakiki-ride na minsan sa biruan ng mga barkada ko ngunit minsan ay napapansin kong nakakaramdam pa rin siya ng pagka-ilang.
Uwian. At tulad ng dati ay sabay pa rin kami ni Xander umuwi. Bago naman kami sumakay ng bus pauwi ay niyaya niya muna ako sa isang bakery malapit sa school at nag-hopiang munggo marathon muli kami. Kahit purgang-purga na kami ni Xander sa hopiang munggo ay hindi pa rin namin makuhang magsawa ni Xander. 


Ang sarap kaya! Lalo na kapag si bes ang kasama.


Buti na lamang ang good mood ang araw ko ngayon dahil hindi ko nakita si Tristan. Mabuti na rin siguro na magka-iwasan kami upang mas maging madali na ang paglimot ko sa kanya.


“Bes, sa inyo ako matutulog mamaya. Pwede ba?” Pagpapaalam ni Xander.


“Yea sure.. anytime naman bes e, welcome ka..” Pagsang-ayon ko.


So, bago kami umuwi sa amin ay sinamahan ko muna si bes sa bahay nila upang kumuha ng uniform niya para bukas. Parehas kasing ala-1 pa ng hapon ang klase namin kaya pwede kaming magpuyat at mag-jamming ni bes.


Alas-5 ng hapon noong makarating kami sa bahay ni bes. Dumeretso muna kami sa salas upang manuod ng tv at mag-laro ng xbox. Sinali pa namin si Karen na tuwang tuwa dahil nasa bahay na naman si bes. Hay nako! Ang maharot ko talagang kapatid!


Magaalas-onse na ng gabi noong umakyat kami ni bes sa kwarto ko. At hanggang doon ay naglaro kami ng play station ko.


“Bes, tekken tayo.. “ Pagyayaya ko.


“O sige bes. Pero dapat may parusa sa matatalo sa sampung round na paglalaban na’tin..” Hamon niya.


“Sure! Ano namang parusa?”


“Hmmmm? Kikilitiin yung paa ng five minutes, non-stop, bawal labas ngipin..” Ang hirap naman nun! Malakas pa naman ang kiliti ko sa paa. Pero, sige..


“Deal! Kaya naman kitang talunin e. Weak!” Pangaasar ko sa kanya.


“Well, prove it Mr. Jake Colby Rivera..”


At naglaro nga kami ng sampung rounds ng tekken, si Lily ang ginamit kong character at siya naman ay si Devil Jin! Oh di ba? Lakas maka-Lily. Ang ganda lang? Haha!


Ang ending, umuwi akong talunan. 6 ang talo ko ko at apat naman ang talo niya. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko ang kapalit ay okay lang. Haharutin ko na lang to para matigil siya. Haha!


“Ano sinong weak?!” Pangaasar niya sa akin.


“Tse! Madaya ka kasi! Madaya! Hahaha..”


“Talaga lang ha? Tangapin mo na kasi bes. Ayos lang yan..”


“Booset! Hahaha.”


“Ano game? Kilitiin na kita?”


“Bahala ka..” Sabi ko sa kanya na parang galit.


“Ayiiie! Tatampo na yan!” Paglalambing sa akin ni Xander sabay pindot sa tagiliran ko kung saan malakas din ang kiliti ko. Grabe mga ateng! Napatingkayad ako dun. Kaya naman ginantihan ko din siya ng kiliti.


Nagkilitian kami ni Xander ng parang wala nang bukas. Napuno ng mga malulutong naming mga halakhak ang kabuuan ng kwarto ko. Napakasaya ko sa moment na yun. Naguumapaw na saya sa hindi ko malamang dahilan. Basta ang alam ko, masaya ako – sa piling ng bestfriend ko. At aaminin ko, parang kakaiba to sa tuwang naramdaman ko dati sa tuwing naghaharutan din kami.


May ilang minuto rin bago natapos ang paghaharutan namin ni bes. Parehas kaming hingal na hingal na nakahiga sa kama.


Napako ang tingin ko kay bes. At ganun din siya. Mistulang naguusap kami sa mga tingin namin. Parang sinasabi namin sa isa’t isa na “Masaya ako, dahil sayo” sa pamamagitan ng aming pagtitinginan. Ewan ko ba, pero sobrang saya ko sa mga oras na ito. Para kasing kapag kasama ko siya, wala akong ibang nararamdaman kung hindi saya at feeling ko secured ako sa piling ni bes.Yun bang heaven na heaven ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya? Ganun.




Ngunit, ang mga sumunod na sinabi ni Xander ang nakapagpakilig at nakapagpagulat sa akin..






“Bes? Gusto mo bang may mangyari sa ating dalawa?”






-          I T U T U L O Y.





Guyyss! How about this chapter? Sorry kung medyo late ang posting ko. Busy po kasi at magiging busy pa ako nito sa mga susunod na araw, so konting unawa lang po.



The hidden part of Chapter 2 of 318 (MSATL) which is the bed scene is upon request pa rin po. You can request a copy of it on my facebook account or email address (nielisyours@yahoo.com.ph) . But, as of now. Hindi pa siya available. I think, weekends ko siya mai-rerelease dahil madami pang gawain, but I’ll try my best para ma-isingit siya.
Salamat! =)



Next scene? “ALAM NA THIS! HAHAHA!” But, you are free to skip that scene =) 

7 comments:

  1. Wow galing talaga nitong c Niel.,kilig much...go xander go

    Julmax

    ReplyDelete
  2. nice kakakilig naman ang story na to hehehe

    keep it up

    ReplyDelete
  3. Xander talaga! HAHA. Kilig much >_<

    ReplyDelete
  4. Bro i like ur story pasend nman nung link addendun for chapter 2..

    Dsibangan@me.com


    Thank you

    ReplyDelete
  5. ako rin po inadd n po kita amo rod nme ko

    ReplyDelete
  6. P*t*ng*naaaaaaaaa :""""""> ALAM NA THIS MGA MEN! HAHAHA KAY TRISTAN! SHET KA PA RIN XD HAHAHA Hindi ako maka get over sa break up nila! Taksil! Muahahah. xD

    ReplyDelete
  7. Parequest naman po ng hidden part, nag-bounce back po ung email ko eh.

    a.hungay@gmail.com

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails