318 (Ang textmate ko)
By: Imyours 18
By: Imyours 18
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors
Note:
Guys! :’( Sorry guys pero depressed si author. Baka matagalan po ang 12 and Finale. Pasensya na guys. Eto na po pala ang Chapter 11 ng aking akda. Hopia Like it ;)
Guys! :’( Sorry guys pero depressed si author. Baka matagalan po ang 12 and Finale. Pasensya na guys. Eto na po pala ang Chapter 11 ng aking akda. Hopia Like it ;)
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING
Chapter 11
Xander’s Point of
View:
Sa totoo lang ay nayayamot at naiinis ako kanina kay bes.
Paano ba naman kasi, bakit siya pa ang kailangan pumunta sa boyfriend niya? E
di ba siya ang may birthday? Tristan? Bakit ba ang pa-chicks mo?! Grrrrr! Kung hindi
lang sana magagalit si bes ay makakatikim na ng suntok yang lalaking yan! Sobra
na siya!!
Dumeretso agad ako sa bahay nila Colby pagkatapos namin
ihatid sila Nerrisse at pagkatapos niya sumakay ng bus papunta kila Tristan.
Bakit hindi pa kasi ako sinama e?! Asar!
Nagtanong si Tita
kung nasaan si Colby, gustong gusto ko sanang sabihin kung saan siya pumunta
kaso nasabi pala sa akin dati ni Colby na hindi pa alam ni Tita ang tungkol sa
kanila ni Tristan kaya naman ang nasabi ko na lang. “Ah, sumama po sandali kila
Nerrisse Tita, may bibilhin lang daw po siya. Sasamahan ko nga po sana kaso
sabi niya saglit lang daw siya at babalik din agad siya agad..” Pagdadahilan
ko. Um-ok na lang si Tita.
Alas-8 na ng gabi ngunit hindi pa dumadating si Colby, kahit
man lang text ay wala. Nasa salas ako ng bahay nila habang binabasa ang librong
niregalo niya sa akin noong high school pa kami.
Maya maya ay biglang nag-ring ang telepono nila Colby..
“Tita, nag-riring po yung phone..” Sabi ko kay Tita habang
nililigpit ang mga pinagkainan namin kanina sa birthday party ni Colby.
“Sagutin mo muna Xander, tatapusin ko lang tong ginagawa ko.
Paki-tanong na lang kung sino..” Pakiusap ni Tita. Wala kasi si Manang kaya si Tita
ang nagliligpit ng mga ginamit naming utensils at gamit kanina sa birthday ni
Colby.
“Okay po.” Simpleng sagot ko.
“Thanks dear..” Malambing na sagot ni Tita.
Ewan, ngunit nakakaramdam ako ng matinding kaba bago ko
inaangat ang phone. Hindi ko mawari kung bakit ako nararamdaman ang ibayong
kaba na iyon e, iyon bang pakiramdam mo na masamang balita ang bubungad sayo sa
phone? Ganun ang nararamdaman ko.
Inilapat ko sa tenga ko ang telepono at pinakingan kung sino
ang nagsasalita sa kabilang linya.
“Hello? Is this Rivera’s resident?” Pagtatanong ng isang
babae, sa aking palagay ay parang isang call
center agent or receptionist ng isang restaurant, hotel o hospital.
“Ah.. Eh.. Opo, eto nga po. Bakit po?” Magalang kong sagot.
“This is RMI Hospital, nakita po kasi ng lalaking nakasagasa
kay Mr. Jake Colby Rivera yung calling card niya, nandito po sila ngayon sa
hospital.. Naaksidente po si Mr. Rivera.” Mistula naman nanlaki at tila gumuho
ang mundo ko sa narinig. Hanggang sa ang kabang naramdaman ko kanina ay
napalitan ng mas matinding kaba at pagkataranta! Shit!! Anong.. anong nangyari
kay Colby?!!!
“Po??!!” Pagkukumpirma ko sa kausap at tumaas ang boses ko.
Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa aking mga pisngi.
“Opo, nasa emergency room po ngayon si Mr. Rivera, hanggat
maari po sana ay puntahan na po ninyo si Mr. Rivera dito sa hospital..”
Hindi ko na nakuha pang patapusin ang nurse sa pagsasalita.
Agad kong binaba ang telepono at tumakbo kay Tita sa kusina.
“Tita?! Si Colby na-na-naak-naksidente daw po..” Naluluha
kong sambit at tila natataranta.
“Ha?!!!” Gulat na reaksyon ni Tita at tila nanlaki ang mata
nito sa sinabi ko. “Paa-pa-paanong nasagasaan?!” Nauutal na tanong ni Tita.
Napansin kong may tumulong luha din sa kanyang mga mata at tila tarantang
taranta ito.
“Opo Tita, yan po ang sabi ng nurse na tumawag dito! Nasa
RMI Hospital po ngayon si Colby at nasa emergency roon daw po ang room niya..”
Sabi ko kay Tita.
Agad agad kaming tumakbo papunta parking lot ng bahay nila
Colby upang sumakay at mapuntahan agad si Colby. Laking gulat ko naman nang
bumaba si Grace ng kwarto niya kasama ang bunsong kapatid at tila natataranta
at may kausap ito sa phone.
“Mom, si Colby.. Na-naaksidente daw po..” Natataranta niyang
sabi.
“Alam na namin, tumawag ang nurse ng hospital dito.” Sabi ni
Tita. “Grace, iready mo ang sasakyan mo, ako na ang magmamaneho..” Utos ni Tita
at hindi pa rin nawawala ang pagkataranta nito.
“No mom, ako na lang po ang magmamaneho,doon na lang po kayo
sa likod ni Karen, kami na po ni Xander dito sa harap.” Kalmadong sabi ni
Grace. Halata sa mukha niya ang pagaalala pero mas pinipilit niyang pakalmahin
ang sarili.
Sobrang bilis ng pagharurot ni Grace ng sasakyan. Lahat kami
ay tila wala sa sarili at gulat na gulat sa nangayari kay Colby. Napansin ko
din si Tita na panay ang hawak sa rosary na dala dala niya. Diyos ko po,
hinihiling ko po sana na walang masamang nangyari sa bestfriend ko, sana po ay
hindi malala ang nangyari sa kanya, sana po ay patunabayan niyo po siya.
Natatakot po ako panginoon. Sana po walang nangyaring hindi maganda kay Colby,
sana po..
Habang nagdadasal ako ay hindi ko mapigilang hindi dumaloy
ang luha ko sa aking pisngi. Sinasabi ko na nga ba e! Sana sinamahan ko na lang
si bes! E di sana walang nangyaring masama sa kanya! Taena! Kasalanan ko din
to! Kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko, hinding hindi ko mapapatawad
ang sarili ko!
Marahil ay napansin ni Grace walang tigil kong pagiyak simula kanina, hinawakan niya ang
kamay ko at sinabing. “Okay lang Der, gagaling ang bestfriend mo.. Gagaling ang
kapatid ko.. Ipagdasal lang natin..” Kalmadong sabi sa akin ni Grace,
napapansin ko ding naluluha siya at parang may kung anong iniisip at
dinanadamdam. Parang galit? Kanino naman? At bakit kaya?
Pagkarating na pagkarating namin ng hospital ay tinanong
agad namin ang receptionist ng hospital kung saan ang emergency room. Simbilis
naman ng kidlat ang pagmamadali naming tumakbo papunta sa emergency room. Buti
na lang ay malapit lang ito sa reception ng hospital kaya madali na namin itong
natunton.
Laking gulat ko ng nakita ko si Tristan at ang isang lalaki
na parang pamilyar sa akin. Sa palagay ko ay nakita ko na ang lalaking iyon..
hmmm? Tama! Nakita ko na siya sa tuwing bumibisita ako kila Colby! Sa
subdivision nila Colby minsa’y nakikita ko siya. Ano naman ang ginagawa niya dito? At bakit
kasama niya si Tristan? Bakit? Bakit? Bakit parang ang sweet nila?
Napansin kong umiiyak si Tristan at ang lalaki naman ay
walang tigil sa pagpupunas ng kanyang tumutulong luha.
Habang nasa ganun akong pagoobserba sa dalawang iyon ay
napansin kong si kumaripas ng lakad si Grace palapit sa dalawang iyon.
Pagkalapit na pagkalapit ni Grace sa dalawa ay laking gulat
ko dahil biglang nagbitaw ng isang malakas at malutong na sampal si Grace sa
lalaking kasama ni Tristan.
Bakit?
Bakit kaya yun ginawa ni Grace?
Taena.
Don’t tell me?!
Grace’s Point of
View:
I was in the middle of sleeping with my little sister when I
heard a very annoying ring tone. ARRRGGHH! Phone ko lang pala. Bago ko kinuha
ang phone ko ay tinignan ko muna ang wall clock ko. 8:00 pa lang pala.
Nakakapagod kasi kanina e, pero masaya kasi nakabonding ko rin ang barkada ng
little brother ko kaya naman nakatulog ako agad.
Tinignan ko ang screen ng phone ko at laking gulat ko ng
name ni Tristan ang nag-pop-up sa screen ko. At oo nga pala, bakit kaya wala
ang mokong na iyon kanina sa birthday ng kapatid ko? Boyfriend niya ito kaya
dapat ay nasa tabi niya ito especially ngayon, espesyal kaya ang araw na to
para kay Colby!
Sinagot ko ang phone..
“Hello? Napatawag ka?” Maarte kong tanong.
“Ge-grace..” Nauutal niyang tugon at parang umiiyak ito sa
dating ng boses niya. “Si Colby..” At pagkasabi niya ng ngalan ng kapatid ko ay
lalong lumakas ang paghikbi ni Tristan.
“Anong meron kay Colby? Nandito siya ah? Hinatid niya lang
kanina ang mga kaibigan niya kasama si Xander? At bakit wala ka dito?! Di ba
boyfriend mo siya? Di ba dapat nandito ka?!” Panunumbat ko.
“Sorry Grace, pero nandito si Colby sa hospital..
Naaksidente siya, puntahan niyo na siya please?!” Alalang niyang sabi. Huh?
Teka? E di ba ang paalam ni Colby ay ihahatid lang nila hanggang sa sakayan ang
mga kaibigan niya. Paanong naaksidente?!
“What?!! E nandito si Colby sa bahay kanina e, teka..”
Pagaalangan ko sabay tayo at agad tinumbok ang pintuan ng kwarto ni Colby.
Laking gulat ko at wala nga ang kapatid dito. Kaya naman agad agad akong bumaba
upang tignan kung nandoon ba si Colby ngunit laking gulat ko nang makita si
Xander at si mommy na natataranta.
At totoo nga! Naaksidente daw si Colby ayon sa nurse na
tumawag sa landline namin. Si Xander daw ang nakasagot. Pero? Bakit? Bakit alam
ni Tristan? Kasama niya ba si Colby ng nasagasaan ito? Pero bakit si Colby lang
ang naaksidente? Ewan, pero grabe! Grabe ang pagkataranta ko sa mga oras na
iyon. Parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili sa mga oras na iyon! Sa sobrang
kaba na baka kung ano na ang mangyari kay Colby. Huwag naman sana.
Si mommy sana ang magmamaneho kaso napansin kong natataranta
na siya, kaysa naman lahat kami ay mapahamak ay ako na lang ang nagmaneho at
pilit pinakalma ang sarili upang makapag-concentrate sa pagmamaneho. Pumayag
naman si mommy.
Pagkarating na pagkarating namin sa hospital ay nagtanong
agad kami sa receptionist kung saan ang emergency room. Buti na lang ay hindi
ito ganung kalayo sa entrance.
Ngunit, laking gulat ko nang makita ko si Rafael at si
Tristan na nasa labas ng emergency room? Bakit? Bakit sila nandito?
Si Rafael at si Tristan ay ex-lovers, kaibigan ko si Rafael,
bestfriend ko pa noong high school. Pero bihira kasi ito magpunta sa bahay at
bihira maglalabas ng bahay dahil wala na itong ibang inatupag kung hindi dota,
at mga barkada o gimik sa gabi. Ako lang nag-iisang babaeng kaibigan ni Rafael
at ang tanging umiitindi sa kanya sa tuwing nagaaway sila ni Tristan. Ngunit,
malaki ang galit ko ngayon kay Rafael dahil noong first year college kami kung
saan nagkaroon ako ng boyfriend ay pinapili niya ako kung sino ang mas
mahalaga? Ang boyfriend ko o siya?! Sino siya para itanong yan? Of course both
pero pinapili niya ako. Ganyan ba siya ka-selfish? Kaya naman hindi na ako
nagtaka kung bakit yan hiniwalayan ni Tristan e! Masyado kasing selfish, seloso
at paranoid, sa kaibigan at sa boyfriend. Akala mo kung sinong maagawan!
Hindi ko maikakailang may attitude si Rafael, para kasi sa
kanya, ang kanya ay kanya. Kaya naman nang malaman kong si Colby na at si
Tristan ay sobrang natakot ako dahil alam ni Rafael na kapatid ko si Colby. E
magka-away nga kami di ba? Natatakot ako na baka i-magnet pabalik ni Rafael si
Tristan At sinong dehado? Ang kapatid ko?! No! Hindi maari! Alam ko ang
pinagdananan ng kapatid ko upang maging sila ni Tristan at kung paano niya
panghawakan ang kanilang relasyon! At subukan lang ng Tristan na yan magpa-akit!
Hindi ako magaatubiling sikmuraan siya.
Ngunit eto! Bakit ngayon nasa harap ko si Rafael at tila
pinupunasan niya ang tumutulong luha sa pisngi ni Tristan? Nagkabalikan na ba
sila? Habang sila ni Colby?! Shit! Wag ko lang malaman laman Tristan!
Kaya naman agad akong lumapit sa kanila at pinakawalan ko
ang isang malutong na sampal kay Rafael. Kung sa tingin niyo ay mababaw ang
dahilan ko dahil hindi ko pa alam ang tunay na nangyai? Eto lang ang masasabi
ko, hindi! Dahil bakit siya nandito? Di ba wala na sila? Imposible naman na to
the rescue agad siya dito para ano? Para i-comfort ang ex-boyfriend niya?!
Laking gulat ni Rafael nang binitawan ko siya ng isang
malutong na sampal ngunit mas lalong akong nagulat sa ginawa ni Tristan.
“Ano ka ba?! Bakit mo siya sinampal Grace?!!!!” Malakas
niyang sabi. Madaming tao noon sa corridor ng hospital at ang iba naman ay
nagtitinginan na sa amin.
“Bakit? Ex mo na yan di ba? Anong ginagawa niyan dito? At
bakit? Bakit kayo ang kasama ni Colby nang maaksidente siya?!!” Malakas kong
tugon, napansin kong natigilan si Mommy, si Tristan at si Karen sa mga
ibinulgar kong rebelasyon. Nagulat naman si Tristan at si Rafael ay nakatungo
lang at tila nakokonsensya.
“Grace! Wag dito! Hindi alam ni Tita ang tungkol sa amin ni
Colby, wag dito please!” Bulong niya sa akin. Sumangayon naman akong sumama sa
kanya at doon kami nagusap sa labas ng hospital upang hindi na magkaroon ng
idea si mommy tungkol sa relasyon nila Colby at Tristan. Wala pa kasing kaalam
alam si Mommy tungkol sa tunay na katauhan ni Colby. Kaya naman sinunod ko ang
gusto ni Tristan, para sa kapatid ko..
“Grace..” Sambit ni Tristan at umiiyak ito.
“Ano?!” Malamig kong tanong.
“Sorry..” Umiiyak niya pa ring sagot.
“Sorry for what? Bakit? Ikaw ba ang kasalanan ng nangyari
kay Colby? Don’t tell me..?” Tanong ko sa kanya at tumaas na ang boses ko dahil
sa galit na nararamdaman ko. Tahimik lang ito at umiiyak. Hindi makapagsalita..
“Kayo na ba ulit ni Rafael?” Cold kong tanong.
“Oo.” Simple niyang sagot. Pakiramdam ko naman ay gumuho ang
mundo ko sa nalaman. Ewan ko, hindi naman ako si Colby pero dahil sa kapatid ko
siya ay nasaktan din ako. Shit! Bakit nagawa iyon ni Tristan? Alam niya ba kung
gaano siya kamahal ng kapatid ko? E halos makalimutan na nga ni Colby ang
sarili niyang bestfriend dahil sa sobrang pagmamahal ng kapatid ko sa kanya
tapos ito igaganti niya? Ang pagtaksilan ang kapatid ko? T*ng ina!!
“Bakit siya nasagasaan? Anong nangyari sa kanya?! Sabihin mo
Tristan?! Ano bang nakita niya at pumasok sa kukote niya ang magpasagasa?!”
Tanong ko kay Tristan habang naluluha.
“Na-nakita niya. Nakita niya kaming..” Hindi niya na natuloy
ang sinasabi niya at nabitawan ko ang isang napakalakas na sampal sa kanyang
kaliwang pisngi.
“Tandaan mo Tristan! Tandaan niyo ni Rafael! Kapag may
nangyaring masama sa kapatid ko. Hinding hindi ko kayo mapapatawad! Swear!”
Sambit ko sa kanya ng pasigaw.
Palayo na ako kay Tristan ng bigla kong naisipang bumalik
muli at sinabing. “Ako na ang magpapasalamat sa birthday gift mo sa kapatid ko!
Maraming salamat Tristan! Naaaapakabuti mong boyfriend!” Sarcastic kong sabi
kay Tristan at sabay alis. Ewan, pero pakiramdam ko ay lalo siyang nakonsensiya
sa pagpapaalala kong birthday ng kapatid ko.
Awang awa ako sa kapatid ko. Naranasan ko na rin makaramdam
ng unfaithfulness sa ex-boyfriend ko at aaminin ko, sobrang sakit. Kaya naman
natatakot ako para sa kapatid ko, dahil hindi lang puso niya ang nasaktan,
nanganganib din ang buhay niya sa ngayon.
Bumalik at tila kalmado na si Mommy at si Karen, ngunit si
Xander ay nananatili pa ding umiiyak sa tabi ng kama ni Colby. Dumating ang
doktor at sinabi sa amin ang nangyari kay Colby..
“Mr. Rivera is stable at this moment, but oobserbahan pa ang
kaliwang kamay niya dahil parang may bone fracture ito. Maya maya ay dadalhin
siya sa X-ray lab upang tignan kung may bone fracture ba siya or wala. Pwede na
naman siyang magising at any time pero hindi pa advisable na i-uwi si Mr.
Rivera dahil marami pang test siyang gagawin upang obserbahan ang nangyari..”
Pagpapaliwanag ng doktor. Bagaman nagaalala ay guminhawa rin ang pakiramdam ko
nang malaman na pwede nang magising ang kapatid ko at hindi naman ganung kalala
ang nangyari sa kanya.
At dinala si Colby sa X-Ray Laboratory ng hospital.
Pagkatapos ng mga higit isang oras ay sinabi ng doktor na
may bone fracture daw si Colby sa kanyang kaliwang kamay. Bagaman natakot kami
ay sinabi sa amin ng doktor na madali naman daw itong magagamot, sa ngayon ay
lalagyan daw muna ng bendahe ang kamay ni Colby hanggang sa makalabas siya at
sinabi din ng doktor n dalhin si Colby sa orthopedic upang pa-obserbahan ang
nangyari. Sa ngayon ay pwede nang gumising si Colby sa kahit anong oras..
Ala-1 na ng madaling araw nang mapansin kong hindi pa rin
umuuwi si Tristan, ngunit wala na si Rafael. Hindi ko siya kinausap ngunit
napansin ko ang pagkabalisa sa kanyang ginagawa at tila malungkot sa mga
nangyari.
Pinauna ko na rin si mommy at si Karen dahil pansin ko kay
mommy na pagod na ito at depressed na sa mga nangyayari. Sinabi ko na kami ng
dalawa ni Xander ang magbabantay kay Colby dahil bakasyon naman namin pareho.
Pumayag naman si mommy dahil sa sinabi ng doktor na stable na ang kapatid ko.
Nang kaming dalawa na lang ni Xander ang nasa kwarto na
pinaglipatan ni Colby. Nilipat kasi siya ni mommy sa isang private room.
Syempre nandoon si Colby pero nanantili pa rin itong tulog. Maya maya ay bigla
akong tinanong ni Xander, halata sa mukha niya ang lungkot at pamamaga ng
kanyang mata sa sobrang iyak dahil sa pagaalala sa bestfriend niya.
“Grace, ano ba talagang nangyari? Anong sabi ni Tristan?
Bakit daw?” Tanong ni Xander at kapansin pansin ang pagka-crack ng kanyang
boses. Marahil ay sa pagiyak kanina.
“Wa-wag mo na lang alamin Xander, na-nanaaksidente siya,
na-banga ng sasakyan. At buti na lang ay pumreno ang sasakyan ngunit bumanga pa
rin ito kay Colby, kaya siya bumagsak sa lapag at napilayan..” Pagdadahilan ko.
“Hindi yun ang punto sa tanong ko Grace. Ang tinatanong ko
kung bakit niya nagawa iyon? Nag-suicide ba siya? O aksidente talaga? Alam ba
ni Tristan ang dahilan? Siya ba ang dahilan?” Sunod sunod na tanong ni Xander.
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero dapat ay manatili itong sikreto kay mommy.
“Are you sure na wala kang mababangit kay mommy?
Mapagkakatiwalaan ba kita Xander?” Paninigurado ko.
“Oo Grace, pinapangako ko! Teka, tungkol ba ito sa relasyon
nila Colby at Tristan? Kung iyon lang ay matagal ko nang alam at nililihim din
namin iyon kay Tita..” Sambit niya.
“Si Tristan ang dahilan upang mangyari kay Colby ang lahat,
pero aksidente ang nangyari..” Paliwanag ko.
“Kung si Tristan ang dahilan? Paanong aksidente? At sino
yung lalaking sinampal mo kanina?”
“Si Rafael.”
“Sinong Rafael?”
“Siya ang ex-boyfriend ni Tristan..”
“At bakit nandito siya? Ang ibig sabihin ba-ba n-nun
ayyy???” Nauutal na tanong ni Xander.
“Oo.” Simpleng sagot ko. Marahil ay nakuha agad ni Xander
ang punto ko kaya naman agad agad itong tumayo upang tumbukin ang pintuan.
Akmang pipigilan ko pa sana si Xander ngunit malakas ito at tila ayaw paawat na
lumabas sa pintuan ng kwarto ni Colby. Lumabas din ako upang pigilan si Xander
sa binabalak niyang gawin. Alam kong alam niya na naghihintay pa rin si Tristan
sa pagising ni Colby kaya naman agad agad itong lumabas at alam ko ang pakay
niya. Gusto niyang resbakan si Tristan para sa bestfriend niya! Alam ko
nasaktan din si Xander sa ginawa ni Tristan kay Colby.
Tristan’s Point of
View:
Alas- 3 ng hapon. Paalis na sana ako upang pumunta sa
birthday party ni Colby nang biglang dumating si Rafael sa bahay. Oo, aaminin
ko, si Rafael ang ex-boyfriend ko na binalikan ko habang may relasyon kami ni
Colby. Napakasama ko no? Oo e, I admit, pero nagmahal lang naman ako e.
Masasabi bang masama ako kung sinusunod ko lang ang dikta ng puso ko? Minahal
ko si Colby ngunit mas minahal ko at minamahal ko na muli ngayon si Rafael.
Aaminin ko, last week ay nagkaroon muli kami ng relasyon ni
Rafael. Hindi ako nilubayan ng konsensya ko dahil may relasyon pa nga kami ni
Colby. Sa tuwing nagtetext siya sa akin at kapag tinatawag niya ako ng ‘love’
ay labis ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay gumagawa ako ng
isang krimen kung saan walang kaalam alam ang naging biktima ko. Oo, mali ang
ginagawa ko pero masasabi kayang mali kung nagmamahal lang din ako at sinusunod
ko lang ang naayon sa aking nararamdaman?
Selfish ba talaga kapag nagmamahal ka? Kailangan bang isipin
mo pa ang nararamdaman ng iba? Kailangan mo bang magsakripisyo para sa
nararamdaman ng iba? E paano kung hindi na ako nag-eenjoy? E paano kung ako na
ang nadedehado? Haissst! Ang gulo! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
Alam ni Rafael ang tungkol sa relasyon namin ni Colby,
ngunit hindi siya nagpatinag at sinabi niyang alam niyang mahal ko pa siya. Oo,
aaminin ko. Namimiss ko ang ex-boyfriend ko dahil marami naman kaming magandang
pinagsamahan ngunit hindi ko rin inaakala na babalik ang nararamdaman ko para
sa kanya.
Unang araw ng klase noon. Nakatambay kaming tatlo nila
Nerrisse at ni Colby noon sa cafeteria. Sila kasi ang una kong nakilala sa
klase dahil mabait naman sila at parang welcome na welcome ako sa kanila, kaya
agad ko silang nakalagayan ng loob. Hindi ko pa alam ang tungkol sa
pagsisinungaling ni Colby noon.
Sinabihan ko si Colby na sagutin ang kung sino mang
tumatawag sa kanya dahil kanina ko pa nararamdaman ang vibration ng phone niya.
Agad agad naman siyang tumayo at lumayo sa amin upang sagutin kung sino man ang
tumatawag sa kanya.
Laking gulat ko noong paparating sila Rafael sa canteen
kasama ang mga kabarkadang lalaki. Hindi ako nakakasiguro kung kanina pa sila
sa cafeteria dahil natanaw ko lang sila
na naglalakad na papunta sa isang stall sa canteen.
Laking gulat ko nang matapunan si Colby ng chocolate shake
na iniinom niya. Nakabangaan niya pala si Rafael! Noong una ay hindi ko
masyadong ininda ang pagkakamali ni Rafael dahil ang alam ko ang hihingi siya
ng paumanhin kay Colby. Ngunit, laking gulat ko nang tinawanan niya pa ito at
sinabihan ng ‘tatanga tanga’. Hiindi naman ganung pilyo si Rafael pero nang
maghiwalay kami ng bakasyon ay bigla ko na lang napansin ang pagbabago sa
kanya. Balibalita ko nga noon na nagaadik na naman siya sa Online Games kasama
ang mga tropa niya. During our affair dati kasi ay tinigil niya na ito.
Hinayaan ko na lang dahil iyon na siguro ang way niya para makapag-move on.
Sinugod ko si Rafael sapagkat nabastos si Colby. Ewan ko ba
pero kahit na sabihing may nararamdaman pa ako sa ex-boyfriend ko nun ay ayoko
ng pinakita niyang paguugali. Laking gulat ko ng binawian niya ako ng suntok!
Damang dama ko ang suntok na yun! Pakiramdam ko ay doon niya binuhos sa suntok
na iyon ang lahat ng galit niya sa ginawa kong break up namin. Aaminin ko,
nasaktan ako na para kaming naguusap at nagbabanta sa isa’t isa ng hindi
magkakakilala.
Mainit pa rin ang tensyon sa amin ni Rafael simula nang maghiwalay
kami hanggang maging kami ni Colby. Paano ba naman? Nag-shift ako sa kursong Accountancy
at siya naman ay Business Administration, sa madaling salita, gumagalaw kami sa
parehas na building, sa parehong college.
At ang mas nagpalala pa sa tensyon ay ang pagsali niya sa
basketball team. Matagal niya nang balak sumali sa basketball team. Nasa Collge
of Computer Studies pa lang kami ay nais niya nang sumali doon upang makasama
ako. Kaya naman laking gulat ko nang bigla siyang sumali sa team, e wala na
kami e.
Isang hapon habang naghihintay ako ng practice ay bigla
akong niyaya ni Rafael na mag-one on one game . Laking gulat ko naman dahil
hindi niya naman ako kinakausap kapag nasa game kami e. Kaya naman nanibago
ako. At pinagbigyan ko na siya dahil kami pa lang naman ang tao sa gym dahil
maaga pa.
Habang naglalaro kami ni Rafael ay parang may kung anong
tensyon akong nararamdaman sa aming dalawa. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at
parang may thrill akong naramdaman. Iyon bang kabado ka at parang masaya ka sa
ginagawa mo? Pero kinalaunan ay parang na-enjoy ko na rin ang laro. Ewan ko ba
pero parang dulot na saya akong naramdaman habang nakikipaglaro sa kanya.
Pagkatapos namin mag-laro ay ako ang tinanghal na panalo.
Tinawanan niya lang ako at para kaming magkaibigang naglalaro. Ganitong ganito
kami ni Rafael noon kapag nagkakatuwaan, dinadaan namin sa paglalaro ng
basketball.
Sabay kaming pumunta ng shower room ng gym. Hindi ko
ma-idedeny ngunit may nangyari sa amin sa loob ng shower room ng mga oras na
iyon. Hindi ko mawari kung bakit nangyari iyon, basta naalipin na lang ako sa
paglapat ng aming mga labi. Sinasabi ko na nga ba! Hindi pa ako ganung
nakakalimot kay Rafael. At sa araw na ding iyon ay bumalik ang relasyon namin ni
Rafael. Alam kong mali pero naalipin ako sa nararamdaman ko, alam kong masakit
pero mahal kita Colby, mas mahal ko lang si Rafael.
May ilang beses din na nagpapasama si Colby sa akin na
lumabas, ngunit hindi ko magawang samahan ito dahil nagpapasama din sa akin si
Rafael. May isang beses na nagpasama siya sa akin sa pumunta ng mall ngunit
tinangihan ko ito dahil sinamahan si Rafael na samahan siya sa pinsan niyang
babae at ipakikilala niya daw ako.
At dumating nga ang araw ng birthday ni Colby, balak ko
sanang sabihin na sa kanya ang tungkol sa amin ni Rafael pagkatapos ng birthday
niya. Naawa kasi ako sa kanya. Wala siyang kaalam alam na napagtataksilan ko
siya. Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Kaya buo na ang
desisyon ko na wag nang patagalin ang lahat at sabihin na sa kanya upang hindi
na lumalala pa at mas masakit kung sa iba niya pa ito malalaman.
Alas-3 ng hapon, handa na ako pumunta sa bahay nila Colby ng
biglang dumating si Rafael. Umiiyak ito dahil nag-away daw sila ni Tita.
Syempre, bilang boyfriend niya ay kailangan niya ang comfort ko. Hanggang sa
ang pagpapatahan ko sa kanya ay nauwi sa pagpapaligaya namin sa aming sarili.
Pagkatapos namin pakawalan ang bugso ng aming damdamin ay
hinalikan ko siya. Isang halik na mas maalab at mas mainit pa sa apoy. Punong
puno ng emosyon at tila hindi iniinda ang mga kamalian o mga problema ng aming
pagiibigan! Para kaming nawalan ng pakielam sa nangyayari sa paligid at tanging
mga damdamin lang namin ay sinusunod namin!
Habang nasa ganun kaming paghahalikan ay laking gulat ko ng
biglang may bumukas ng pintuan, si Colby. Nanlaki ang mata nito sa nakita at
napansin kong may nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya na nakuha pang magsalita. Agad agad itong tumakbo
palabas ng bahay. Hinabol ko siya. Shit! Caught in act! Alam ko masakit iyon
kay Colby! Sobrang sakit! Shit!
Hinabol din ako ni Rafael pero mistulang wala na akong
pakielam. Ang mahalaga sa akin ay maipaliwanag ko ang lahat kay Colby,
maipagtapat ko ang totoo sa kanya at humingi ng tawad dahil nasaktan ko siya.
Hinahanap ko si Colby sa mga kalsada ngunit hindi ko ito
makita. Hanggang sa natanaw ko ang kumpulan ng mga nagkakagulong tao at ang
sinisigaw nila ay..”May nasagasaan, tulungan ko iyong lalaki! Nasagasaan yung
lalaki..”
Bagaman hindi ako sigurado kung si Colby nga yun ay
nakaramdam ako ng ibayong kaba. Lumapit ako sa kumpulan ng mga tao at laking
gulat ko na si Colby nga ang lalaking nasagasaan!!
Agad agad ko itong binuhat at tinulungan naman ako ng
lalaking nakasagasa sa kanya. Humabol sa akin si Rafael at dinala namin si
Colby sa pinakamalapit na hospital gamit ang sasakyan ng lalaking nakasaga sa
kanya.
Grabe! Kapag may nangyaring masama kay Colby ay hindi ko
mapapatawad ang sarili ko! Taena! Bakit pa kailangang umabot sa ganitong
punto?! Sasabihin ko na nga sana bukas para hindi na lumalala pa ang sitwasyon!
Bakit?! Eto na ba ang karma ko sa pagtataksil na nagawa ko?! Ang kainin ng
konsensya ko? At bigyan pa ako ng mas mabigay na dalahin?!
Sobra akong naiinis sa sarili ko sa nangyari sa kanya! Dapat
pala hindi ko na lang nilihim, hindi na sana lumala pa ng ganito! Oo nga’t
nagmamahal lang ako pero napakasama ko pa lang tao! Ang sama sama ko!!
Pakiramdam ko ay pinatay ko si Colby! Nasaktan siya at
napahamak! Dala dala pa ang sakit ng kanyang kalooban sa nakita kanina! Colby!
Sana maintindihan mo ko. Dingin mo sana ang paliwanag ko! Sana mapatawad mo ko
kung ano man ang nagawa ko sayo.
Dinala agad namin si Colby sa emergency room. Tinawagan ko
si Grace at takang taka ito kung bakit ko daw kasama si Colby na naaksidente e
samantalang nasa bahay lang daw nila ito kani-kanina lang.
Maya maya ay dumating
si Grace, si Xander, si Tita at si Karen, pinatawagan kasi ng lalaking
nakasagasa sa reception ang pamilya ni Colby kasabay ng pagtawag ko kay Grace.
Lumapit sa amin si Grace at laking gulat ko ng bigla niyang
sampalin si Rafael. Naiintindihan ko at nakuha ko na na-gets agad ni Grace ang
pangyayari, una ay dahil alam niya ang tungkol sa amin ni Rafael dati at marahil
ay nakuha niya agad kung bakit nandoon si Rafael; at ang tungkol sa amin ni
Colby. Hindi ko alam pero nagulat ako sa ginawang iyon ni Grace kaya
napagtaasan ko siya ng boses. Pinakiusapan ko siya na magusap kami sa lugar na
kami lang upang hindi malaman ni Tita ang ugnayan namin ni Colby. Wala pa
kasing alam si Tita tungkol sa amin. At ayoko nang madagdagan pa ang pasakit ni
Tita. Pumayag naman si Grace.
Inamin ko ang lahat kay Grace at sinumbatan niya ako. Sa
panenermon na iyon ni Grace ay tila nabalot ng kahihiyan ang buong katauhan ko.
Lalong lalo nang sinabi niya na ‘birthday’ ni Colby ngayon. Pakiramdam ko ay
ako na ang pinakamasamang tao sa mundo! Shit! Bakit ba kailangan mangyari to?!
I swear, kapag may nangyaring masama kay Colby! Hindi ko mapapatawad ang sarili
ko! Ang sama sama ko! Shit! Shit!
Bumalik ako sa kinauupuan namin ni Rafael kanina. Pinauna ko
na siya dahil walang tao sa bahay at sinabi ko sa kanya na bukas na kami
magusap dahil iintayin ko pang bumuti ang kalagayan ni Colby. Alam ko nagselos
siya pero sinabihan ko siya na wag siyang magselos dahil komplikado pa ang
sitwasyon sa ngayon. Mahal ko si Rafael, mas mahal ko na siya kay Colby. Ang
nais ko lang ay makahingi ng tawad kay Colby, sa lahat ng kagaguhang nagawa ko
sa kanya! Sa pagtataksil ko. Sana mapatawad mo ko, Colby.
Ala-1 na ng madaling araw ay nandoon pa ako sa hospital.
Hinahantay na may pumasok na doktor sa room na pinaglipatan kay Colby.
Habang naghihintay ako at nakaupo sa mga upuan sa corridor
ay biglang lumapit sa akin si Xander at tila namumula ito sa galit. Laking
gulat ko ng hinawakan niya ang kwelyo ng aking damit at pinakawalan ang isang
napakalakas na suntok sa aking mukha dahilan upang bumagsak ako sa sahig at
pumutok ang labi ko!!
“Gago ka!! Anong
ginawa mo sa bestfriend ko???!!!!!”
-
I T U T U
L O Y
OMG! Tama ang hinala ko...what the f!!
ReplyDeleteFor me, no need to read the remaining parts. Its obvious that this will have a sad ending.
ReplyDeleteTatanggapin ko na lang ang gustong mangyari ni author.
By the way thanks for sharing your story.
i hope magkaroon ng happy ending ito. jn pa naman si xander. kay tristan pakamatay kna hahaha kinakain kna ng konsenxia mo :)
ReplyDeletekawawang tristan, bka ginagamit lng sya ng ex nya para pasakitan at mkaganti kay grace na kapatid ni colby.
ReplyDeleteShit! sakit nman ng nangyari kay colby. Relate lng po sa kanya..
ReplyDeleteI hate u sooooooo muccchhh tristan. Sana nd ka mag sisi sa desisyon mo..
Go xander.. your time to shine. Hahahaha
Sh...lahat ng bad words tlaga nsa isip ko!!and I was crying very sad ako ngyre two thumbs up ko sa story ur the man author..I hate u tristan!!!author pls wag nio patagalin ang story..
ReplyDeleteHarry from dubai
Gago is Tristan. Kung ako ang NA sa kalagayan no Sander Baja nakaratay Karen NA din.
ReplyDeleteGaling by author. Nadala ako as emotions ng chararacters mo. Thumbs up
Vic
No doubt Tristan character is BAD, but in reality marami same attitude nya i belib
ReplyDeletepagaling ka colby physically and emotionally, andyan lng c Xander
for Tristan, well...BAD Karma 4u lol
AtSea
Niloloko lang ni Rafael si Tristan....
ReplyDeletegusto lang talagang gumanti ni rafael kay grace at kay tristan.
Love Triangle ang ending nito.
3 - you
1 - i
8 - textmate
⇧
ReplyDelete★Kinikilig @ fb★
318 YOU I TEXTMATE hehe gawa gawa ko lang :-)
Gagu ka tristan tang ina mu hehehe nd ku gwain yan gnagawa ni tristan hahay peo maxkt yan gnawa ishh grab it xander maz ok ka
ReplyDeleteLAHAT NG MURA FROM A-Z para sa iyo TRUSTAN at RAFAEL.
ReplyDeleteHindi lang kayo masama, MASAMANG MASAMA! SOBRANG SAMA!
Gawing bang rebound si Colby, hindi ka pa pala naka-move-on.
Tristan, mamatay ka sa konsensiya mo. Mamatay ka na talaga physically.
Rafael, manggagamit ka!
Nanggigigil ako habang binabasa ang chapter na 'to.
Hmph! Nakaka-stress. :/
Anyway, good job Mr. author!
Effective.
Bakit ba ang mga kaPAREHAS ng UGALI ni TRISTAN ay hindi na lang mamatay. Mga kaliwete!
ReplyDeleteKakati niyo.
-Hmph.
Grabe naman makati pa sa gabing bicol si tristan baket ganun its very unfair sa part ni colby. I hope hindi pagsisihan ni tristan ang desisyon niya and sana colby may go through with this hirap naman ng Life masyadong kumplikado.
ReplyDeletep***ng i*a ka tristan!!!..bangungutin ka sana!..subrang sakit ang ginawa mo!..kaya no doubt ako kong mag pakamatay nalang si colby kong gumising na sya! >.<
ReplyDelete