Email and FB Account: nielisyours@yahoo.com.ph (https://www.facebook.com/niel.isyours?ref=tn_tnmn)
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:
Guyyysss!! Eto na hehe. One more episode, ending na tayo. Salamat po sa mga sumuporta sa kwentong to. Hanggang sa susunod na kwentong isusulat ko, sana po ay patuloy nyo pa rin pong tangkilikin =) Salamatsss..
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING ...
Chapter 12
“Gago ka!! Anong ginawa mo sa bestfriend ko???!!!!!” Galit
na tanong ni Xander sa akin. Kapansin pansin sa kanya ang pamumula sa sobrang
galit. Tumagataktak din ang pawis nito. Sige lang Xander! Saktan mo lang ako!
Kahit na sa ganitong paraan man lang sana ay mabawasan ang guilt na
nararamdaman ko sa loob loob ko.
“Xander, aaminin ko, nagkamali ako..” Mapagkumbaba kong
sagot.
“Oo Tristan! At hindi lang basta basta yun.. Alam mo ba ang
ginawa mo Tristan?! Ha?! Ha?! Sinaktan mo ang damdamin ng bestfriend ko! Tapos
ngayon?! Muntikan pa manganib ang buhay niya ng dahil sayo! Nang dahil sa
kataksilan mo!!!” Galit niyang tugon. Nanatili pa rin akong nakaupo sa sahig at
tila iniisip ang mga sinasabi ni Xander. Lalo tuloy akong nakaramdam ng gulit
sa sarili, lalo akong nahahabag sa nangyari kay Colby, muntikan ng manganib ang
buhay niya at nakakatiyak ako na kapag nagising na siya ay sasabihin niyang
hindi niya na gustong mabuhay pa o bakit binuhay pa siya dahil sa mga nakita
niya.
“Patawad Xander..” Mahina kong sabi. Napansin kong may
iilang mga tao ang nakiki-usisa sa pagkakasuntok sa akin ni Xander ngunit hindi
ko na ito ininda. Ang tanging nasa isip at damdamin ko ay ang guilt, ang guilt
sa lahat ng nagawa ko. Napahamak si Colby ng dahil sa akin! Nang dahil sa
kataksilan ko! Na-guguilty ako!
“Patawad?! Magagamot ba ng patawad mo ang sinaktan mong
damdamin ng bestfriend ko?! Ha?!” Si Xander. Hindi ko na nakuhang sumagot pa sa
mga sinabi niya. Naramdaman kong tumulo na lang din ang luha ko dahil sa sobrang
pagkahabag na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano gagamutin ang sugat na
binuo ko sa puso ni Colby. Napakasama ko!! “Bakit Tristan?! Kung iyong Rafael
na iyon ang makita mong may kasamang iba?! Anong pakiramdaman?! Di ba masakit?!
Di ba walang kasing sakit ang pagtaksilan?! Ha?” Dagdag niya pa at napansin
kong may namumuong luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa naramdaman ko muli ang
isang pang suntok na lumapat sa aking mukha. “Su-subukan mong lumapit sa
bestfriend ko! Wag na wag kang lalapit sa bestfriend ko! Tandaan mo yan!”
Pagbabanta sa akin ni Xander.
“Xander, tama na yan..” Malumanay na pagkakasabi ni Grace
upang amuhin ang galit na galit na si Xander. Napansin kong masama pa rin ang
tingin sa akin ni Grace ngunit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili para na
rin sa ikabubuti at upang hindi na lumalala pa ang tensyon sa amin ni Xander.
“Sige na, umuwi ka na Tristan..”
Sinunod ko ang sinabi ni Grace. Umuwi na lang ako at
napagdesisyunan kong bukas na lang dalawin at alamin ang kalagayan ni Colby.
Naiintindihan ko ang reaksyon ni Xander kung bakit siya nagkakaganun. Nasaktan
ko ang damdamin ni Colby, at muntikan pa manganib ang buhay niya ng dahil sa
akin. I’m the only one who is responsible to what happened. Nagagalit ako sa
sarili ko! Sa kagaguhang ginawa ko! Na-guguilty ako! Of all the times minahal
ako ni Colby ng sobra pa sa inaakala ko, pero anong ginanti ko?! Ang sama sama
ko!!!
Rafael’s Point of
View:
Natatakot ako sa mga nangyayari sa ngayon. Hindi ko alam
kung tama ba ang ginawa kong mahalin at balikan muli si Tristan. Alam ko na
mahal niya ako, at mahal niya pa ako kahit na sila na ni Colby ngunit masyado
akong nagpaalipin sa nararamdaman ko. Hindi ko man lang inisip ang mga risk na
pwedeng mangyari. Hindi ko man lang inisip na may masasaktan at hindi na siya
sa akin. Sobrang pagkahabag ang nararamdaman ko! Pakiramdam ko ang sama sama
ko!!
Alam ko na mas magiging mas masaya siya sa piling ko. Kaya
naman nagawa kong balikan si Tristan muli habang sila pa ni Colby. Hindi ko
alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa usap ko upang sundin agad ang
nararamdaman ko without knowing kung ano ang pwedeng maramdaman ni Colby. Alam
ko ang pakiramdam ng pagtaksilan at iwanan, pero hindi ako naging aware na
iparamdam to sa iba.
Kinausap ko na si Tristan na sana ay sa lalong madaling
panahon ay kausapin niya na si Colby at hiwalayan na ito dahil hindi na tama.
Mahirap ang isang tagong relasyon. At lalong mas mahirap ang isang illegal na
relasyon.
Noong una ay hindi ko pinuna ang kalagayan ni Tristan. Hindi
ko ininda na committed pa siya kay Colby, ang tanging nasa isip ko ay mahal ko
pa siya. At aaminin ko, kahit ilang buwan na rin ang nakakalipas pagkatapos
namin magbreak ay hindi ko pa rin makuhang kalimutan si Tristan.
At nagkaroon nga kami ng relasyon habang sila pa ni Colby na
kapatid ng bestfriend ko. Kaya naman mas lalo akong nahabag sa sitwasyon dahil
dati kong bestfriend si Grace at madami na rin kaming magandang pinagsamahan.
Pero, masisisi niyo ba ako kung sinunod ko lang ang puso ko?!
Akala ko kapag sinunod ko ang nararamdaman ko ay magiging
okay ang lahat. Darating pa pala sa pagkakataon na pagbabayaran ko ang isang
magandang relasyon na sinira ko. Oo, nasira ko ang relasyon ni Colby at ni
Tristan! At, ngayon mas lalo akong nakakaramdam ng guilt sa sarili. Alam ko ang
pakiramdam ng iwan ng minamahal mo. May ilang beses ko na ring naranasan iyan.
Gusto kong humingi ng tawad kay Colby. Ngunit, alam kong sa
nasaksihan niyang sitwasyon kanina ay alam kong kahit maka-ilang patawad pa ako
ay hindi niya ako mapapatawad. Gusto kong ihingi ng tawad ang lahat, sa simula
pa lang na hiniya ko siya ng mabanga ko siya noon at matapunan siya ng
chocolate shake sa katawan, hanggang sa nasaksihan niya kanina at higit sa
lahat ang tagong relasyon namin ni Tristan habang may relasyon pa sila.
Ngunit, hindi ko kayang i-give up si Tristan sa sa kanya.
Alam kong sinusubok lang kami ni Tristan. Ako ang tinitibok ng puso niya, at
ngayon ay kailangan namin manindigan. Kailangan din namin itama ang lahat ng
nagawang kamalian ng relasyon namin.
“Babe?” Tawag ni Tristan mula sa labas ng kanyang kwarto.
Alas-2 na ng madaling araw noon ngunit hindi pa rin ako makatulog dahil sa dami
ng iniisip ko. Hindi na ako sumagot pa. Hinayaan ko lang siya pumasok sa loob
ng kwarto niya. Hinalikan niya ako sa labi ngunit hindi ako gumanti ng halik.
“Bakit babe? Anong problema?” Malumanay niyang tanong.
“Ang relasyon na’tin..” Mahina kong sagot sa kanya. Hanggang
sa maramdaman ko na niyakap niya ako.
“Alam ko, alam kong mali.. Pero, hindi naman na’tin ginusto
ang lahat di ba? Sinunod lang naman na’tin ang nararamdaman na’tin. Handa na
rin naman tayo umamin babe e. Kaso sadyang mapagbiro ang tadhana upang mapa-aga
at mangyari ang lahat ng ito.” Sambit ni Tristan. Oo may punto siya, ngunit
hindi pa rin maalis ang ‘guilt’ na nararamdaman ko sa loob loob ko.
“Nararamdaman ko babe, naguguilty ka sa mga nangyayari. Ako rin naman e, lalo
na’t may relasyon pa kami at hindi pa kami naghihiwalay, pero handa akong pagdaanan
ang lahat ng ito babe, may paraan upang itama na’tin ang lahat. Marahil ay
nasaktan na’tin ang damdamin ni Colby ngunit kilala ko si Colby, napakabait
niyang tao upang hindi makapagpatawad..” Dagdag niya pa.
“Hindi mo kasi ako naiintindihan babe, ako yung tumatayong
kontrabida dito! Nahihirapan din ako! Kasi hindi lang ako binabagabag ng
konsensya ko! Pakiramdam ko ay sa akin nakamata ang lahat! Ako ang masama!!”
Naluluha kong sagot kay Tristan. Pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang luha
na dumaloy sa aking mga pisngi at hinalikan niya ang aking labi.
“Rafael, masakit sa iyo ang nangyari.. masakit din sa akin.
Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo. Pero nandito na tayo babe, kailangan
na’tin panindigan na to.” Ani ni Tristan. “Walang mali sa pag-ibig. Minsan
kahit sabihin na nating may natatapakan tayong tao kailangan pa rin na’tin
manindigan. Kasi, hindi magiging tama kung pipigilan mo ang nararamdaman mo. At
kung sasama ako sa taong alam kong hindi ko mahal. Magiging unfair ito sa iyo,
sa akin, at lalong lalo na sa kanya. Kaya siguro masaklap man ang kinahantungan
ay kailangan tayo manindigan. Kailangan na’tin isipin kung ano ba ang tama sa
sitwasyon na nangyayari ngayon. At ikaw, ikaw ang kailangan ko Rafael, sayo
lang ako humuhugot ng lakas..” Malumanay niyang sabi. Ewan ko, pero parang
naliwanagan ako sa mga kamaliang nagawa namin sa mga sinabi niya.
“Mahal na mahal kita Tristan..”
“Mahal na mahal din kita Rafael..”
“Maipapangako mo ban a kahit anong mangyari, paninindigan mo
ang pagiibigan natin. Kahit na alam kong masakit at may masasaktan?”
“Pangako..”
Colby’s Point of
View:
Bakit nagising pa ako?! Bakit hindi na lang nila hinayaan na
mamatay ako?! E di sana hindi na bumabalik pa sa isipan ko ang lahat ng
pagtataksil ni Tristan!! E di sana wala nang sakit- sakit na binuo ni Tristan
sa loob loob ko. Sana hindi na lang ako nagising! Sana tuluyan na lang akong
namatay! !
Bumalik tuloy sa isipan ko ang nakita ko noong araw mismo ng
birthday ko!
“Lo..” Naudlot ang sasabihin ko pagkabukas na pagkabukas ko
ng pintuan ng kwarto ni Tristan. Kitang kita ng dalawang mata ko ang
paghahalikan nila ng isang lalaking pamilyar sa aking paningin! Parehas silang
walang saplot! Te-teka!! Siya yung lalaking nang-hiya sa akin sa akin noong
first day of school. Siya rin iyong lalaking nakita kong kasama ni Tristan sa
mall kasama ang isa pang babae. Shit! Ba-bakit?! Sila naghahalikan?! At bakit
sila pareho silang hubo’t hubod at tila sarap na sarap sa ginagawa nila.
Nagising na lang ako sa aking diwa na tumutulo ang
napakaraming patak ng luha sa mga mata ko. Naririnig ko ang pagtawag ni Tristan
habang palabas ako ng bahay nila ngunit hindi ko ito ininda. Ang nasa loob ko
ay ang hapdi at tila tinatadtad ang puso ko sa sobrang sakit sa eksenang nakita
ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa nasaksihan.
Nagtatakbo ako ng parang wala nang bukas. Tila wala ako sa
sarili at hindi ko na nararamdaman na wala pala akong suot suot na tsinelas.
Napakasakit! Sa sobrang sakit ng nakita ko ay parang namanhid ang buong katawan
ko.
Hanggang sa nakita ko ang isang nakakasilaw na liwanag mula
sa isang sasakyang paparating sa akin. Bumusina ito ng napakalakas ngunit hindi
ko ito pinansin. Naaninag ko pa ang mukha ng taong nasa sasakyan ngunit ngayon
ay hindi na ito malinaw sa akin. Basta ang alam ko ay isang lalaki ang nasa
loob ng sasakyan. Napuna kong gulat na gulat siya at pilit na pinepreno ang
sasakyan ngunit huli na. At iyon na ang huli kong natandaan..
________________________________
Ngayon ay narito ako sa hospital at teka? Bakit hindi ko
maigalaw ang kaliwang kamay ko? At
ARRRGGHH! Ansakit!
Agad agad kong nakita
si Xander at si Ate Grace na tulog sa couch ng hospital. Hindi ko na sila
ginising pa. Agad na napako ang mata ko sa kisame, inisip at binalikan ang mga pangyayari na nasaksihan
ko- ang pagtataksil sa akin ni Tristan.
How can he do this?! We’re in a relationship pero
nakikipagtalik siya sa iba! Alam niya ba kung gaano kasakit?! At hindi pa klaro
sa akin kung sino iyong lalaking iyon?! Kung bakit? Kung bakit siya nasa kama
ng boyfriend ko at mistulang enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa?!
Hindi nagtagal ay napansin kong may nagbukas ng pintuan.
Hindi ko ito ininda dahil nananatili pa ding nakapako ang tingin ko sa kisame.
Para akong wala sa sarili, walang pakielam sa mundo, ang tanging nasa isip at
puso ko ay ang sakit! T.T
Agad kong tinanaw kung sino ang nagbukas ng pinto. Shit
lang! Anong ginagawa niya dito! Pagkatapos ng ginawa niyang pagtataksil ay
nandito siya? Kulang pa ba ang sakit na binuo niya sa puso ko?! Gusto niya pa
bang dagdagan?!
Lumapit siya sa kama ko ngunit hindi ko siyang tinignan.
Ibinaling ko ang aking paningin sa kisame at hindi pinansin ang pagdampi ng
labi niya sa labi ko. What the hell! After mo makipaglampungan sa lalaking
iyon?! Hahalik ka sa akin?!
“Colby, kamusta na?” Mahina niyang tanong. Napansin kong
parang may kung ano sa boses niya. Parang boses ng isang nagmamakaawang tao.
Pero, kahit anong gawin niyang pagmamakaawa, hindi pa rin maalis ang sakit dito
sa puso ko.
“Kamusta na.” Paguulit ko sa sinabi niya. “Hindi mo ba
kayang sagutin ang tanong mo? Of course hindi okay! Nang dahil sayo..” Sagot ko
sa kanya.
“Colby. Nan-“ Naputol niyang sagot.
“Nandito ka para ano? Para saktan muli ako? Hindi ka pa ba
kuntento?! Kulang pa ba Tristan?! Kung pa ba?” May pagtataas ng boses kong
sabi. Inangat ko ng konti ang aking katawan ngunit biglang sumakit ang kaliwang
kamay ko. “Arrayyy!” Sigaw ko sa sobrang sakit. Nagising si Xander at si ate
Grace sa mga pagsigaw kong iyon.
“Anong nangyayari dito bes? Nagising ka na pala?” Alalang
tanong ni Xander. “Bakit ka nandito?!” Bulyaw niya kay Tristan.
“Gusto ko lang naman kamustahin si Colby, gusto kong alamin
ang kalagayan niya..” Mahinahong sabi ni Tristan. Kamustahin?! O come on, kamustahin ang ginawa mong kalokohan?!
Ang resulta ng ginawa mong pagtataksil?!
“Umalis ka na, maayos na ako..” Malamig kong sagot sa kanya.
Napansin ko si bes na parang pigil na pigil ang emosyon. Namumula kasi ito at
parang gusto niyang suntukin si Tristan. Ngunit, kilala ko si Bes, alam kong hindi
niya gagawin iyon dahil alam niyang ayaw ko ng gulo, lalo na sa kalagayan ko
ngayon.
Umalis si Tristan ng hindi na nagsalita. Mistula itong isang
batang pinahiya ng kanyang guro sa harapan ng klase sa sobrang pagkahiya. Dapat
lang siyang mahiya! Dahil kung binabagabag man siya ng konsensya nya ay kulang
pa sa sakit na nararamdaman ko sa ngayon.
“Bes kamusta ka na?” Pangagamusta ni Xander.
“Okay lang bes..” Malamig kong tugon. Hindi ko alam, pero
hindi pa rin ma-absorb sa loob loob ko ang mga nasaksihan kahapon sa bahay nila
Tristan. “Bes, bakit masakit iyong kamay ko? Anong nanyare?”
“Nagkaroon ka ng bone fracture bes. Sabi ng doctor ay madali
naman daw gagaling iyan. Kailangan lang daw ng regular check up sa orthopedic.
Sabi din ng doctor na pwede ka na rin namin iuwi bes. Dahil iilang test na lang
ang gagawin sa iyo ng doctor..” Sambit niya. “Bes? Pwede ba akong magtanong?”
“Oo naman bes, ano yun?”
“Ano ba talagang nangyari? Kasi kami ng ate mo walang
masyadong idea. Ang alam lang namin ay yung lalaking kasama ni Tristan dito
kagabi ay si Rafael na boyfriend na ngayon ni Tristan. Bes, nasuntok ko siya
kagabi sa sobrang galit ko. Sa sobrang pagkamuhi ko sa ginawa niyang
pagtataksil sa iyo. Nasaktan kasi ako bes e. Ayoko nang nahihirapan at niloloko
ka. Kasi tinuring kitang kaibigan at parang kapatid na din. Kaya ayokong
ginagago ka bes..” Paglalahad ni Xander. Sobra naman akong na-touched sa sinabi
niya. Buti pa siya, ayaw niya akong nakikitang masaktan, pero yung Tristan na
iyon?! Shit! I almost gave my all pero ano?! Anong sinukli niya? Tangina!
“Wag na lang na’tin pagusapan bes.. Nasasaktan ako kapag
naalala ko.” Sagot ko kay Xander. At muling dumaloy ang luha ko sa sobrang
bigat ng nararamdaman ko. Niyakap lang ako ni bes at ni ate.
Alas-10 ng umaga nang dumating si mommy. Tapos na ang lahat
ng test na ginawa sa akin ng doktor. Sa kabutihang palad ay bone fracture lang
naman ang komplikasyon ko. Kailangan ko lang daw magkaroon ng regular check up
sa orthopedic upang gumaling daw ito agad.
“Mom? Pwede po bang humingi ng favor?”
“Ano yun son?”
“Pwede bang doon muna ako kila tita sa probinsya mom? Kahit
1 week lang po. Gusto ko lang po muna mag-unwind. Tutal, may isang lingo pa at
tatlong araw pa naman po bago magpasukan e..” Hiling ko kay mommy. Gusto ko
muna kasi sana mag-unwind upang kumalimot saglit sa mga pangyayari. Masyado na
akong nasasakal at gusto ko munang kumalimot, kahit saglit. Ayaw ko munang
maalala ang lahat ng pangyayari na nakapagdadala ng sakit sa loob ko.
“Okay lang sa akin anak. Gusto mo bang isama si Xander? Para
may makausap ka doon? Para makapag-bonding kayo?” Pagtatanong ni mommy. Mas
okay na sigurong hindi ko muna isama si bes. Gusto ko munang makalimot sa mga
pangyayari. Gusto ko munang mapagisa.
“Hindi na lang muna siguro mom.. Ako na lang po muna.. tutal
isang lingo lang naman po ako dun”
“Okay sige nak. Bukas na bukas ipapasundo kita sa tita mo.”
Nakasanayan ko na kasi na kapag may simpleng problema ako
dati ay kila tita ako pumupunta. Ewan ko ba, napakaganda kasi ng tanawin doon
e. Lalong lalo na ang sea wall na madalas kong tambayan. Napakaganda at
napakapayapa doon. Lalong lalo na sa gabi kung saan iilan na lang ang
namamasyal. Napakaganda ding panuorin ng sunset doon. Kaya naman kapag nandoon
ako kila tita ay madalas akong nasa sea wall na iyon ng mga alas-3 ng hapon
hanggang alas-7 ng gabi. Masyado ko kasing na-enjoy ang tanawin doon.
Kaya naman doon ko piniling pumunta muna sa nalalabing araw
ng semestral break.
Alas-12 ng tanghali ay bumisita ang mga kaibigan ko.
Nakakatuwa dahil kumpleto sila at may dala dala pa talaga silang prutas para sa
akin. E magdi-dismiss na rin naman ako mamayang hapon. Pero syempre, thankful
ako.
Masaya ko silang kinausap. Iyon bang parang walang iniindang
sakit? Iyon bang puro pagpapangap lang ang ngiti?! Shit! I can’t imagine na
makakaya ko palang mag-pretend ng nararamdaman ko!!
Ngunit, kapag bestfriend mo talaga ay sadyang kilala ka.
Kapag bestfriend mo talaga ay nararamdaman niya ang tinatago mong emosyon, kahit hindi mo sabihin.
“Excuse me, guys, can you leave us for a while? Kakausapin
ko lang si Colby?” Pakiusap ni Nerrisse sa tropa.
“Bakit kailangan pa namin lumabas? Bawal ba i-share?” Si
Rex.
“Saglit lang naman. Please?” Si Nerrisse.
“Okay, tara na muna guys. Colby? Mamaya na lang tayo
mag-kwentuhan ah? Kausapin mo muna tong bestfriend mo.” Si Rizza.
“Okay..”
Akmang lalabas na silang lahat maliban kay Nerrisse ng
biglang..
“Mahal, maiwan ka dito..” Pagtawag ni Nerrisse kay Lemuel.
Nagtaka naman ako kung bakit pati si Lemuel ay kasama.
“Tamo to! Kami di pwede tas yung jowa pwede?” Pagtatampo ni
Rex.
“Ugok! Basta, importante lang! Tsupi muna mga teh!” Si
Nerrisse.
At lumabas na nga silang lahat, naiwan kaming tatlo sa loob
ng room ko. Ewan ko lang kung nasaan si Xander. Ang alam ko lang kasi ay nasa
information sila mommy at ate upang asikasuhin ang paglabas ko maya maya.
“Teh, amin ka sa akin? Pagkapunta mo kagabi kila Tristan
saka ka naaksidente right?” Tanong ni Nerrise. Tumango na lang ako bilang
tugon. “Bakit? Nakapunta ka na ba sa kanila noon? Bakit hindi mo siya kasama?”
Paguusisa niya.
“Ayaw ko nang pagusapan pa teh..” Malamig kong sabi. “Kahit
anong tungkol kay Tristan, please ayoko nang pagusapan..” Naluluha kong tugon.
Nagulat naman si Nerrisse ng bigla akong naluha. Niyakap niya ako at hinaplos
ang likod ko. Upang bigyan ako ng comfort.
“Teh? I’m sorry sa tanong. Bakit ka umiiyak?”
“Kasi teh, ang sakit! Sobrang sakit! Iyong binigay mo na ang
lahat tapos.. ta-tapos..”
“Tapos ano?”
“Pag-pagta-taksilan ka lang..” Sagot ko habang umiiyak.
Ngunit, laking gulat ko ng biglang sumingit sa usapan namin si Lemuel.
“Tsk.tsk.tsk..” Ani ni Lemuel. Bigla siyang lumapit sa amin
mula sa couch ng kwarto ko.
“Bakit Lemuel?” Nagtatakang tanong ni Nerrisse.
“Actually, ine-expect ko na to..” Pagsisiwalat niya. Hindi
ko naman makuha ang nais niyang sabihin.
“Huh?” Pagtataka ko.
“Si Tristan.. Na pagtataksilan ka..” Pagbubunyag niya. Huh?
Hindi ko talaga magets? Alam ni Lemuel ang lahat? “Tulad ng sabi ko dati,
classmate at naging malapit na kaibigan ko si Tristan. Alam ko ang tungkol sa
kanya. Lalong lalo na si Rafael, ang ex-boyfriend niya. Alam ko kung gaano niya
ito kamahal. Naging mag-bestfriend kasi sila bago sila naging mag-on.
Napaka-sweet ng dalawang iyon. Kaya tumagal ang relasyon nila. Ngunit hindi rin
sila pinalad dahil puro na lang sila away.. At tulad ng nakita ko noong
nakaraan araw habang nasa mall ako. Nakita ko silang magkasama, hawak hawak ni
Tristan ang kamay ni Rafael. Sasabihin ko nga dapat kay Mahal yun ngunit ngayon
lang din kami nagkita.. At gusto ko din sana tanungin noon si Tristan kung
bakit kasama niya si Rafael at mistulang sweet na sweet sila, ngunit akmang
lalapit na sana ako ng bigla na lang silang nawala sa paningin ko noong lumingon
ako sandali..” Pagsisiwalat ni Lemuel.
O______O
Shit! Yung Rafael na sinasabi ni Tristan na tropa niya na
naninirahan sa subdivision namin ay ang lalaking nanghiya sa akin noong first
day of school? Ang Rafael na tinutukoy din ba ni Lemuel sa kanyang kwento ay
siyang Rafael na nakita kong kanaig ni Tristan kagabi?! Shit! Kaya pala! Kaya
pala hinahanap ng demonyong yun ang Rafael na iyon sa subdivision namin?! Dahil
hindi pa siya maka-move on! Shit! Shit! Ang tanga tanga ko!! Na-uto ako!
Naisahan ako!! Shit lang! Taena!
“Teh? Na-natatandaan mo pa ba? Yung lalaking nakabungo sa
akin? Yung lalaking nanghiya sa akin noong first day of school? Si-siya yung
nakita kong ka-kasama ni Tristan kagabi.. “ Pagsisiwalat ko kay Nerrisse.
“Oo, natatandaan ko.”
“Oo, nandoon din ako noong mga oras na iyon. Bumibili ako ng
lunch ko noon sa canteen until may nagsapakan na daw. At laking gulat ko na si
Rafael at Tristan iyon. Ang ipinagtataka ko pa ay para silang hindi magkakilala
na nagsusuntukan. Kaya nga ang pinagtataka ko ay kung bakit sila magkasama
noong nakaraang araw e samantalang noong first day of school ay ang init ng
dugo nila sa isa’t isa. Tama ka Colby, iyon nga si Rafael. Si Rafael na
ex-boyfriend ni Tristan..” Pagsisiwalat niya pa.
Ang tanging nagawa ko na lang ay ang mapahagulgol habang
yakap yakap ni Nerrisse. Ang sakit sakit! Sa simula pa lang ay naloko na ako.
Eto ba?! Eto ba ang ganti mo sa ginawa kong pagsisinungaling dati Tristan?
Pwes! Hindi ko ginusto iyong dati! At ikaw na ang nagsabi na pinatawad mo na
ako! Ikaw ang nag-insist upang mahalin kita! Pero ano? Sasaktan mo lang din
ako? Ginawa mo pa akong rebound sa ex mo! Shit ka!
Hiniling ko muna kila Nerrisse at Lemuel na iwanan ako
saglit. Gusto ko munang mapagisa kahit sandali. Pakiramdam ko kasi ay sumikip
ang dibdib ko sa mga natuklasan. Napakasakit! Sana nalalaman mo Tristan kung
gaano kasakit! At alam nyo kung ano ang mas masakit?! Mahal ko pa siya! Pero,
alam kong hindi na pwede! Kasi, may iba nang tinitibok ang puso niya! Hindi na
ako! At ewan ko kung kailanman ay tinibok ba ako ng puso niya.
Inilabas ako ng ospital nang alas-3 ng hapon. Inalalayan ako
ni Xander papalabas ng ospital.
Habang nasa sasakyan ay pinaguusapan namin ni Xander ang
pagpunta ko bukas sa probinsya. Pinipilit ako ni Xander na sana ay sumama siya
bukas ngunit isa lang ang nagiging tugon ko.
“Okay na ako bes, 1 week lang naman e..” Pagaalibi ko na
‘okay’ lang ako. Napabuntong hininga na lang si Xander at hinahaplos ang ulo ko
na para kong kuya at ako ang bunsong kapatid.
Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Tita. Pagkatapos na
pagkatapos ng check up ko sa orthopedic ay agad agad niya na akong sinundo sa
amin papunta sa probinsya.
At tulad ng dati, napakaganda pa rin ng probinsya. Highly
urbanized na rin naman ang lugar nila Tita kahit na probinsya ito. Ngunit,
hindi pa rin natatabunan ng mga buildings ang natural na ganda ng probinsya.
Habang nasa sasakyan ay tinignan ko ang phone ko.
Napakaraming text messages ni Tristan ngunit dinelete ko lahat ng ito kahit na
hindi ko pa ito binabasa. Napakarami niya ring missed calls ngunit hindi ko ito
pinansin. Masakit pa ang ginawa niya sa akin! Sobrang sakit pa! At gusto ko
muna kumalimot! Sana ay ganun na lang kadali mag-move on, lalo na’t alam ko sa
sarili kong mahal ko pa siya.
Nakarating kami ng payapa sa bahay nila tita. Alas-2 ng
hapon nang napagdesisyunan kong pumunta sa paborito kong tambayan – ang
seawall.
Buti na lamang at hindi ganong kainit sa mga oras na iyon
kaya presko ang pagtambay ko noon sa sea wall.
Itinuon ko ang aking paningin sa mapayapang dagat habang
nakasalpak ang earphone sa aking tenga. Parang wala na akong maiiyak, wala na
akong mailuha. Sa aking palagay ay sumuko na ang aking mga mata sa dami ng
luhang inilabas. Sa tingin ko din ay pagod na pagod na ang puso ko sa pagtibok
para sa maling tao. Namanhid na din ang puso ko dahil sa paulit ulit na
pagalala sa nasaksihan ko noong nakaraang gabi, sa tuwing naiisip ko ang
pagtataksil niya habang may relasyon pa kami.
Habang nasa ganoon akong pakikinig ng playlist ko ay laking
gulat ko ng biglang tumugtog ang theme song namin – Ang It Might be you.
Sa totoo lang ay napakaganda at nakaka-inlove ang mensahe ng
kanta. Ngunit, sa tulad kong nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon, isa lang
ang interpretasyon ko sa awitin – sobrang sakit. Lalo na’t theme song pa namin
ni Tristan itong kantang ito. Lalo ko tuloy namimiss ang mga masasayang sandali
na bigla na lang nawala. Bumalik tuloy sa alaala ko ang mga masasayang sandali
na magkasama kami ni Tristan. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha.
Kaya pala iyon ang kantang pinili niya para sa akin. Kasi,
nandoon ang salitang ‘might’ kung saan wala pa siyang kasiguraduhan kung ako na
nga ba talaga. Siguro kaya hindi natuloy sa “its you” dahil hindi niya
pinandigan ang lahat sa amin. Masakit? Oo, pauulit ulit na nga ako e, pero wala
e! Iyon at iyon lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Hanggang sa isang pamilyar na kanta ang pinatugtog sa aking
playlist. Noong una ay hindi ko pinapansin ang kantang ito dahil hindi naman
siya sumasalamin sa aking sitwasyon. At never pang sumalamin sa aking
sitwasyon. Paborito ko kasi ang bandang tumutugtog nito at napakaganda ng
pagkakagawa nila ng kanta. Ngayon, sumasalamin na ito sa akin, sa sitwasyon na
pinagdadaanan ko.
(Paki-play na lang po
yung video, salamat! ^_^) (credits to the owner of this vid)
Rebound –Silent
Sanctuary
O kay bilis naman
Magsawa ng puso mo
Ganyan ka ba talaga
Bigla nalang naglalaho.
Para bang walang nangyari
Di mo man lang sinabi.
Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Nakakainis talaga
Nagmuhkha tuloy akong tanga
Pinaasa mo kasi
Puso ko ngayon tuloy lumuluha.
Dahil iniwan mo kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na.
Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Rebound mo lang pala ako.
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Magsawa ng puso mo
Ganyan ka ba talaga
Bigla nalang naglalaho.
Para bang walang nangyari
Di mo man lang sinabi.
Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Nakakainis talaga
Nagmuhkha tuloy akong tanga
Pinaasa mo kasi
Puso ko ngayon tuloy lumuluha.
Dahil iniwan mo kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na.
Sana'y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Rebound mo lang pala ako.
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko.
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita..
Isa pala akong rebound sa relasyon namin ni Tristan. Minahal
niya lang ako ngunit hindi pa pala talaga siya nakaka-move on sa ex-boyfriend
niya. Ako naman si tanga! Ayan, masyado akong nagpadala sa kilig! Kaya hindi ko
napapansin ang mali, hindi ko napapansin na ginamit lang pala ako.
Alam mo iyong pakiramdam? Hindi ko pala love story to?
Storya pala to ni Rafael at ni Tristan. Kumbaga, isa lang pala akong rebound.
Isang sangkap upang mas mapasarap pa lalo ang kanilang relasyon. Shit lang!
T.T
(SIGH)
Napakasakit ng mensaheng dala ng kanta. Lalong lalo na sa
mga linyang Pinaasa mo kasi, puso ko
ngayon tuloy lumuluha, napakarami niyang pangako! Ngunit nasaan na ang mga
kasagutan? Minahal ko siya ng buo pero ano ang isinukli niya? Kataksilan upang masaktan
ang puso ko ng sobra sobra.
Habang pinatutugtog ang kantang iyon ay walang tigil ang
pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Buti na lamang at kokonti ang tao noon sa
sea wall. Pakiramdam ko kasi ay pinatatamaan ako sa bawat linya ng awitin. At
sa bawat linya ng awitin na iyon at naalala ko at nare-realized ko ang lahat
lahat.
Eksaktong pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay laking gulat
ko ng biglang may tumabing lalaki sa akin. Sa aking palagay ay hindi siya
ganoong katangkaran, hindi rin siya mataba at hindi rin naman payat- slim lang.
Sa palagay ko ay nasa edad 21 ang lalaki, pero hindi ko sigurado. Naintriga
naman ako dahil sa dinami dami ng bakanteng upuan sa sea wall ay pinili niyang
umupo sa tabi ko. Disente kung titignan ang lalaki.
Habang nagpupunas ako ng luha gamit ang aking kamay ay
nakatuon naman ang kanyang paningin sa dagat.
Maya maya ay inabutan niya ako ng isang kulay blue na panyo
at sinabing..
“Mukhang mabigat ang
pinagdadaanan mo ah? Sana man lang kahit eto makatulong.”
-
I T U T U
L O Y
Sino kaya yun? =)
Last chapter na po
ang next guys.
juice ko naman! ang sakit talaga!
ReplyDeletesino kaya ang lalaking yon?
abangan!
congratz mr. author! very nice!
ang bigat nitong mga last chaptersss :] ganda! grabe... keep it up
ReplyDeletemay 4th party... haha
ReplyDeletesi xander..yan!.
i'm in-love sa taong in-love din sakin pero di ko maipaglaban.
ReplyDeletehala last chapter... pano na c xander...?
ReplyDeleteparang bitin if last chapter na ang next. hanging pa kasi si xander. dapat sila magkatuluyan pero di pa nanligaw ang damulag. haisssst!
ReplyDeletei think si xander ang lumapit pero bakit di kilala ni colby?
mr. author ang galing mong mambitin talaga haha
shoot na ako na si xander yon kaya lang di namukhaan ni colby ng mabuti coz umiiyak siya at puno ng luha mata nya. tama ba mr. author?
-omar kamil-
karma yn ky colby, tama lng yn s knya... Msyado mdrama my ksalanan dn nman xa, parang nkalimutan n nya ung gnawa nya ky tristan
ReplyDeletelast chapter? oh no!!!! why??????? a ng rami ko pa namang naiimagine na mangyayari!!! awts :(
ReplyDeletehah? last chapter? why???? oh no! ang dami ko pa namang naiimaging mangyayari! :(
ReplyDeleteSimula ng panibagong yugto haha..
ReplyDeleteSunugin na dpat ang mga mhilig mangaliwa !!
wala pa ring update?
ReplyDeletemr author paturo naman ako kung pano magpost ng story dito! puhlease!!! :(
ReplyDeletePM Mo Randy si Tito Mike To give you an access here: https://www.facebook.com/mikejuha
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteOpo, paki-contact na lang po si Sir mike sa fb niya or email :)
Delete