Followers

Thursday, May 16, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 15]






Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 15]



By: Crayon




****Kyle****



10:30 pm, Friday
April 13





Kakagaling ko lang sa doktor kaninang hapon para tanggalin ang cast sa kaliwang paa ko. Mahigit tatlong linggo ko ding tiniis ang paggamit ng saklay. 


Tatlong linggo. Hindi ko halos alam kung paano lumipas ang mahigit dalawangpung araw sa buhay ko. Siguro ganun talaga kapag lutang ang iyong isip at laging wala ka sa sarili. 


Sa unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong linggo ay ginawa kong lumabas ng bahay at uminom. Halos magkabuhol-buhol ang dila ko sa pagpapaalam ko sa aking mga magulang para payagan nila ako lumabas.Pumunta ako sa isang bar sa Malolos sa Bulacan. Pinili ko ang bar na wala masyadong tao para makapag-relax ako, wala naman kasi ako sa mood na magsayaw at pumarty. Gusto ko lang uminom na mag-isa. 


Ganito pala ang pakiramdam ng bigo sa pag-ibig habang tumatagal saka lalo mong nararamdaman ang sakit. Dahil parang ngayon pa lang nagsi-sink in sayo na wala na sayo ang taong mahal mo. Kabaligtaran sa paniwala ko na habang tunatagal dapat ay nababawasan ang sakit. Siguro hindi iyon applicable sa lahat ng tao.


Kahit ayaw ko man ay pilit bumabalik sa akin ang mga naganap na gusto ko na kalimutan. Ang mga kulitan at inuman session namin ni Renz. Ang mga paglalambing niya. Ang mga kalokohan na ginagawa namin noon. Ang madalas naming pag-aasaran. Sa tuwing naaalala ko ang mga ito ay di ko mapigilang mapangiti. Ngunit batid kong panandalian lamang ang mga ngiting iyon, dahil matapos ang mga masayang alaala ay kusang rerehistro sa isip ko ang mga sumunod na pangyayari. 


Ang huling gabing pinagsaluhan namin. Ang pag-iyak ko habang nagtatalik kami. Ang mga tanong niya na nagpababa ng tingin ko sa aking sarili. Ang mga tingin niya na tila nandidiri sa akin. Ang pakiramdam na nawala sayo ang lahat. Ang isiping walang pinagkaiba ang tingin sa iyo ng taong mahal mo, na tulad ka lang ng ibang babae at lalaking minsan niyang nakatalik. Ang realisasyon na hanggang pangarap mo na lang siya.


Kapag dumating na sa sandaling ganito na ang mga alaalang lumilitaw sa aking isip ay kusa ring bumubukas ang dam ng luha sa aking mata. Kung ang puso ko ay pagod ng masaktan ang mata ko mukhang wala pang balak mapagod lumuha.


Tila nahihirapan ako sa paghinga kapag nararamdaman ko ang pagdating ng mga susunod pang eksena. Ang pagpapakilala niya ng taong pinili niyang maging karelasyon. Ang pakiramdam na isinampal sayo ang katotohanan na hindi ka bagay sa kanya dahil mas gusto niya ang taong sing kisig niya. Ang pait na kahit ilang buwan kayo nagsama at naging magkaibigan ay magagawa ka niyang saktan dahil sa taong kailan niya lang nakilala.


Lumagok ako ng alak mula sa aking baso habang hinahayaan ang mata ko sa gusto nitong gawin. Ngayong nahihirapan ako at nasasaktan, pag-iyak na lang ang kaya kong gawin at hindi ko na iyon ipagkakait pa sa aking sarili. Kaya hinayaan ko ang sarili ko na tumangis. Wala akong pakialam sa tinging ibinabato sa akin ng mga tao sa paligid ko.


Halos ganito ako sa nakalipas na tatlong linggo. Hindi ko alam kung paano ko kinaya pero heto ako at humihinga pa. Tanging paghinga na lamang ang naiwang tanda na ako ay buhay pa. Para akong zombie sa bahay namin. Magkukulong ako sa kwarto, lalabas lang kapag kailangan kumain, sasagot lang ng maikli kapag kinakausap. Halatang halata na wala ako sa sarili. Alam kong naaapektuhan ang mga tao sa paligid ko pero gustuhin ko mang magbago at mag-move on na ay hindi ko magawa. Marahil ay nasa stage pa ako na kailangan ko pa namnamin ang sakit bago hayaan ng tadhana na maging masaya uli ako.


Gusto ko na maging masaya, namimis ko na ang tumawa ng dahil masaya ka. Hindi yung dahil kailangan mo lang tumawa dahil iyon ang inaasahang reaksyon sayo ng mga tao sa paligid mo.


Sugal nga ang pag-ibig. Malaki maningil kapag natalo ka. Hindi
ko alam kung may matitira pa sa akin pagkatapos nito. Pero wala naman akong pinanghihinayangan dahil alam ko na kahit sa mga nakaw na sandali ay naging masaya din ako. Nagkataon lang siguro na mas madami yung sakit kaysa sa saya. Malas talaga ako sa sugal kahit kailan.


Natawa na lang ako sa aking sarili.


Napansin ko ang pag-ilaw ng phone ko sa lamesa. Lumitaw ang isang mensahe mula kay Aki. Napa-buntung hininga ako ng mabasa ang pangalan ni Aki. Ilang araw ko na ring hindi sinasagot ang mga tawag at text niya.


Mula nung bisitahin niya ako sa bahay matapos ang birthday ni 
Gelo ay hindi pa kami uli nagkita. Tumawag pa siya sa akin nung araw na pabalik na siya ng Davao. Mula noon ay halos gabi-gabi kaming magkausap o di kaya ay magka-text sa cellphone. Lumipas ang dalawang linggo at mukhang wala pa rin siyang balak na bumalik. Dahil doon ay di ko mapigilan ang magtampo dahil may binitiwan siyang pangako sa akin. Alam kong mali na mag-demand ako ng oras sa kanya dahil wala naman siyang obligasyon sa akin. Siguro na-frustrate lang ako na hindi ko siya makasama sa mga panahon na kailangan ko siya. 


Napailing na lang ako ng maisip ang pagiging childish ko. Hindi ko na din alam ang nangyayari sa akin. Parang hindi ko na nga kilala ang aking sarili. 


Sa dami ng tumatakbo sa aking isip ay di ko namalayan ang pagkaubos ng isang bucket ng beer. Nagsimula na ako umorder ng mga shot ng hard drinks.






****Aki****


11:02 pm, Friday
April 13





Wala na namang sagot. Ilang araw nang hindi pinapansin ni Kyle ang mga text at tawag ko sa kanya. Marahil ay nagtatampo siya dahil di ko pa nagagawang makabalik ng Maynila.


Naiinis ako sa mga nangyayari. Alam kong nahihirapan siya ngayon. Kahit na noong mga araw na nakakausap ko pa siya sa tawag ay lagi niyang ipinaririnig sa akin na masaya siya at ok lang siya. Pero alam kong hindi ganoon ang totoo niyang nararamdaman. Lahat ng birong alam ko ay sinasabi ko sa kanya para kahit na sa ilang sandali ay magawa niyang tumawa.


Gustong-gusto ko na siya puntahan at yakapin na muli. Ngunit hindi ko maiwanan ang trabaho ko. Nagpaalam na ako sa boss ko na nais ko ng makabalik ng Maynila. Mayroon na lamang ilang bagay na kailangan kong tapusin sa site sa Davao, bago ako makabalik. Trinatrabaho ko ang lahat para makaalis na ako dito ng maaga. Iyon ang dahilan ko kaya ko pinili na hindi muna umuwi sa Maynila.


Sana naman hindi mangyari ang aking agam-agam. Sana hindi mangyari na maagaw muli sa akin ni Renz si Kyle. Hindi ako papayag na masaktan muli si Kyle.





****Kyle****



12:38 am, Saturday
April 14





Pinipilit kong pigilin ang sarili na sumuka. Lasing na ako. Halo-halo na ang nainom ko. Nagulat ako sa sarili ko dahil nagawa kong ubusin ang lahat ng alak na inorder ko. Normally, hindi ako tatagal sa ganun karaming alak, but surprisingly i'm still able to walk.



Kasalukuyang binabagtas ng bus na sinasakyan ko ang kahabaan ng Nlex. Matapos magpakasawa sa alak ay napagdesisyunan kong pumunta sa Maynila. Hindi ako sigurado kung saan ako eksakto pupunta pero kusang kumilos ang katawan ko at pumara ng bus na biyaheng Cubao. Maaring ang isip ko ay walang ideya kung saan ako pupunta, pero ang puso ko ay itinitibok ang taong gusto kong makita ng mga sandaling iyon. Gusto kong pigilan ang nais nitong gawin dahil alam kong gagawa lamang ako ng bagong sugat sa aking damdamin na kailangan kong paghilumin kapag hinayaan kong mangyari ang gusto ng puso ko.


Habang nasa daan ay kinukumbinsi ko ang aking sarili na wag na lang ituloy ngunit nagmamatigas at nananaig ang pagnanais ko na makita siya.


Hindi ko na namalayan ang pagdating ng bus sa Cubao. Pagkababa ko ay agad akong pumara ng taxi at ibinigay ang direksyon na nais kong puntahan.






****Renz****



1:56 am, Saturday
April 14





Hindi na naman ako makatulog. Ginugulo na naman ako ng mga bagay na pilit ko na isinasantabi sa aking utak. Ilang gabi din akong ganito, inuusig ng aking konsensya dahil sa aking mga ginawa. 


Nakapatay ang ilaw sa aking kwarto at nakatitig lamang ako sa dilim. Kusa kong maaaninag ang mukha ni Kyle sa dilim, ang mukha niyang may bahid ng pinaghalong dugo at luha matapos ko siyang sapakin. Matapos makita ang ganung imahe ay siya ring pagpatak ng aking luha.


Mahigit tatalong linggo ko na siyang di nakikita o nakakausap. Kahit ang mga kaibigan ko ay ayaw akong tulungan na makita siya. Marahil dahil sa nangyari sa birthday niya noon o dahil ayaw ni Aki na may magbigay ng impormasyon sa akin. Hindi ko naman masisisi si Aki kung bakit ganoon ang kanyang inaasal.


Gagawin ko ang lahat makausap lang si Kyle napakarami kong tanong at gustong sabihin. Bago umalis noon si Aki sa bahay nila Gelo para hanapin si Kyle ay may mga binitiwan itong salita na labis na nagpagulo sa isip ko ng mga nakaraang araw. Naaalala kong sinabi pa niya na umiiyak daw at nasasaktan si Kyle ng dahil sa akin. Gusto kong malaman kung bakit.


Ayaw kong mag-assume pero maaring mahal din ako ni Kyle. Maaring may pag-asa pa kaming dalawa kapag nagkabati na kame.


Biglang umilaw ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay nakita ko na may mensahe galing kay Alvin. 


Alvin: Kamusta tol? Gusto mo uminom?

Renz: sige, pwede ba dito na lang sa bahay? Tinatamad ako lumabas eh.

Alvin: ok walang problema. Ur in love with your friend no?

Renz: sino?

Alvin: yung sumapak sa akin na sinapak mo naman. :))

Renz: kung anu2 sinasabe mo. Pumunta ka na nga dito.

Alvin: sige, text kita kapag andyan na ako.


Hindi ko alam kung bakit ko pinaunlakan ang imbitasyon ni Alvin. Siguro ay gusto ko rin ng kausap kaya ako pumayag. Wala kasi ako mapagsabihan sa aking mga kaibigan tungkol sa tunay kong nararamdaman.








****Kyle****



2:19 am, Saturday
April 14





Nakatayo ako sa tapat ng bahay nila Renz. Nakasandal sa puno ng acacia na nakatanim sa bakanteng lote sa tapat nila. Pinagmamasdan ko ang bintana sa kwarto ni Renz. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto marahil ay tulog na siya. Gayunpaman ay nanatili akong nakatayo at pinagmamasdan ang kanyang bintana.


Siguro nga ay baluktot ang aking pag-iisip, dahil kahit na alam kong higit ang sakit na mararamdaman ko kapag pumunta ako sa kanila ay ginawa ko pa rin. Mas nanaig ang pagka-miss ko sa kanya.


Naalala ko ang sinabi ni Aki na do what makes you happy. Pero what if the person that used to make you happy is the same person causing you to cry now. Alam kong OA na ang ginagawa kong pag-iyak sa nakalipas na mga araw. Ang nakakainis lang kahit ilang drum na ng luha ang aking itinangis ay hindi pa rin nababawasan ang sakit.


Gusto kong makita si Renz kahit ngayong gabi lang, kahit sumilip lang siya saglit sa bintana. Kahit na di niya ako makita. Gusto ko lang siya makita sa huling pagkakataon bago ko tuluyang tanggapin na wala na.


Hindi naman siguro kalabisan yung hinihingi ko kapalit ng lahat ng sakit na kahaharapin ko pagkatapos nito.


"Please Renz, tumingin ka naman dito kahit saglit lang please.", mahina kong bulong sa aking sarili.


Alam kong hindi ko magagawang maka-move on hanggang hindi ko natatanggap na hindi na pwedeng maging kame. Iba naman kasi yung alam mo na hindi pwedeng maging kayo, sa tanggap mo na hindi pwede maging kayo. Isang salita lang ang pinagkaiba nila pero singlawak ng dagat ang agwat ng kahulugan.


Mahigpit kong hawak ang cellphone ko, handa akong tawagan siya para sumilip siya sa bintana niya kahit saglit lang. Ilang araw na lang kasi ang natitira sa akin at aalis na din ako. Buo na ang loob ko na tumira sa tita ko sa Laguna kapag nagpatuloy ako ng pag-aaral. Sa natitirang dalawang taon ko sa aking kurso ay balak kong gugulin ang lahat ng panahon ko sa Laguna. Madalang akong uuwi sa amin, more likely i'll be spending my next two years in a place far from here. Malayo sa naging komplikado kong buhay sa Maynila.


Nasa akin ang number ni Renz dahil memoryado ko ito. Dinial ko na ito sa aking cellphone.






****Renz****



2:38 am, Saturday
April 14




Narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nang makita ang pangalan sa screen ay agad kong sinagot ang tawag.


"Hello.", pambungad ko sa aking kausap. "O sige baba na ako. Hintayin na lang kita sa baba.", pinatay ko na ang cellphone ko para hintayin ang pagdating ni Alvin.


Binuksan ko ang ilaw ng kwarto. Nagsuot ako ng pang-itaas na
damit.


For some reason, pinili kong itaas ang blindfolds ng aking bintana. May nakita akong pigura sa may puno sa tapat namin. Muling nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay text ni Alvin, nasa baba na raw siya. Nang sumilip muli ako sa bintana para tingnan kung anu yung nasa puno ay wala na doon ang nakita ko kanina. Ang natanaw ko ay isang papalapit na taxi. Agad naman akong bumaba para buksan ang 
gate dahil baka si Alvin na iyong paparating.






****Kyle****


02:41 am, Saturday
April 14





Hindi ko nagawang mkausap si Renz dahil busy ang linya nito. Susubukan ko na sana muling tawagan ang number niya ng biglang bumukas ang ilaw sa kanyang kwarto. Nagkaroon ako ng pag-asa na makita siya.


Ilang saglit pa nga at itinaas niya ang blindfolds ng kanyang kwarto. Pigil ang aking paghinga habang pinagmamasdan siya, ang maamo niyang mukha. Ang mukha na gusto ko laging nakikita sa tuwing gigising ako sa umaga. Umaasa akong mananatili siya roon ng matagal ngunit agad din siyang umalis sa tapat ng bintana.


Nakita ko ang isang papalapit na taxi. Nagtago naman ako sa likod ng puno dahil ayaw ko naman mapagkamalan na magnanakaw. Baka isipin ng mga tao ay minamatyagan ko ang bahay nila Renz.


Narinig ko ang maingay na pag-ingit ng gate nila Renz. Napilitan akong sumilip mula sa puno upang tingnan kung sino ang lalabas ng gate nila. 


Nakita ko ang taong dahilan ng pagpunta ko sa lugar na ito. Ang taong nagbigay sa akin na maraming dahilan para ngumiti at tumawa. Ang taong dahilan rin ng bawat hikbi at pagluha ko sa nakaraang araw. Ang taong kailangan ko ng pakawalan at araling kalimutan. 


Natigil lamang ang aking pagtitig sa kanya ng huminto ang taxi sa harap ng gate nila. Mula roon ay bumaba ang isang matangkad na lalaki. Kahit nakatalikod ay di ako magkakamali kung sino ang lalaking iyon. It was Alvin. Matangkad, gwapo, matikas ang pangangatawan, bagay na bagay sa isang katulad ni Renz. Ang di lang maganda rito ay ang katotohanang kapatid siya ng dahon ng gabi at mga higad. Sadyang makati.


Kung kanina ay nagpipigil lamang ako ng hininga habang minamasdan si Renz. Ngayon ay tila tumigil din ang pagtibok ng puso ko ng makitang magkasama si Renz at Alvin. Parang paulit ulit na hinahampas ang aking dibdib sa tuwing naaalala kong may relasyon silang dalawa. Yung tao nga palang to na tinatawag kong makati ang pinili ni Renz.


Nakita kong nag-usap ang dalawa habang nagbabayad si Alvin sa taxi. Hindi ko marinig ang kanilang usapan dahil medyo malayo ako sa kanila.


Pinili kong lumabas na mula sa aking pinagtataguan ngunit pinanatili ko ang aking distansya sa kanila.


Naunang pumasok si Alvin. Naiwan sa labas ng bahay si Renz. Nakita ko pa itong nagsindi ng yosi. Kahit na lumuluha ay pilit kong tiningnan si Renz. Mukhang masaya naman na siya sa piling ni Alvin. Sana lang ay di gawin ng kanyang kapareha na lokohin siya para hindi naman masayang ang lahat ng sakripisyo ko.






****Renz****


02:45 am, Saturday
April 14





Pinanuna ko nang pumasok sa loob ng bahay si Alvin. May dala na siyang alak kaya pinaderecho ko na siya sa aking kwarto. Pinili ko munang manatili sa labas para makapagpahangin at makapagyosi.


Napatingin ako sa puno ng acacia sa tapat namin, naalala ko kasi yung pigura na nakita ko doon kanina.


And there i saw the guy that i've been yearning to see. Hindi ako makapaniwala na nandoon siya. Halata ang pagpayat niya sa nakalipas na tatlong linggo. He was staring at me. Kahit na di gaanong maliwanag sa kinalulugaran niya ay kita ko ang paggalaw ng kanyang balikat at ang basa na niyang pisngi. Marahil ay nakita niya ang pagdating ni Alvin.


"Kyle?", sabi ko habang lakad-takbo akong lumalapit sa kanya.


"Kyle, what are you doing here? Bakit di mo sinabing darating ka?", sabi ko sa kanya ng makalapit ako. Bigla siyang yumuko, marahil ay ayaw niyang makita ko ang pagtulo ng luha niya.






****Kyle****



02:47 am, Saturday
April 14





"I know i'm not suppose to be here. Don't worry i don't plan to stay long.", seryoso kong sagot sa tanong ni Renz. Surprisingly ay tumigil ang mga luha ko sa pagtulo.


"No Kyle, that's not what i meant. I want you to stay.", ang sarap pakinggan ng mga katagang iyon mula kay Renz. Pero natuto na ako, hindi ko maaaring bigyan ng ibig sabihin ang mga salitang iyon. "You can even sleep here if you want. Katulad ng dati.", dagdag pa niya. Napaka-kaswal ng pagkakasabi niya, parang walang di magandang nangyari sa aming dalawa. O sadyang wala lang siyang pakialam sa nangyari nung nakaraang tatlong linggo.


"No thanks. I don't want to share the bed with you and Alvin. Ayaw ko makiistorbo.", malamig kong tugon.


"It's not like what you think Kyle.", malungkot na sabi ni Renz. "Alvin and i are just..."


"Renz, please... You don't have to explain yourself.", nagsimula ng maginig ang boses ko. "I just came here to see you. Kung pwedeng hindi ka muna magsalita ay sobra kong maappreciate yon.", tumulo ng muli ang aking mga luha. "Gusto ko lang makita yung Renz na kabarkada ko, yung lagi kong kasama sa mga kalokohan, yung isip bata na laging nangungulit sa akin, yung paborito kong awayin, yung renz na...", hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil sa aking paghikbi.


"Yung Renz na walang utak, yung bestfriend ko, yung Renz na starfish, yung Renz na mahal ko. Ang tanging lalaking minahal ko.", hindi ko na napigilan ang aking sarili at niyakap ko na si Renz. Sobrang higpit na yakap. Ganito talaga siguro kapag nagpapaalam ka na. Lahat ng gusto mong sabihin ay lalabas ng kusa sa bibig mo, lahat ng gusto mong gawin ay hahayaang mangyari ng utak mo at ang pinakamahigpit na yakap na kaya mong ibigay ay ibibigay mo dahil alam mong ito na ang huling pagkakataon para magawa mo yon. 


Naramdaman ko ang pagbalot ng kanyang braso sa akin at ang pagganti niya sa aking yakap.


"Kyle...", mahina niyang tawag sa akin.


"Mamimiss kitang starfish ka. Huwag mo papabayaan ang sarili mo. Lagi kang magtotoothbrush ok? Ingatan mo si Alvin, wag mo masyado pasasakitin ang ulo non baka iwan ka agad. Bawasan mo din ang pagiging bugnutin mo. ", mahina kong sabi sa kanya. Alam kong puro katangahan ang lumalabas sa bibig ko pero ito ang nais na sabihin ng puso ko. Kahit na sabihin na may galit o tampo ako sa kanya ay nagawa kong isantabi iyon dahil gusto kong magpaalam ng maayos. Gusto kong maramdaman niya na may pakialam pa rin ako sa kanya at hindi ako galit. Dahil kung ito man ang huling pagkakataon na magkakasama kami, gusto ko na maghiwalay kami na magkaibigan.


"Bakit ka nagsasalita ng ganyan?", mahina niya akong inilayo mula sa aking pagkakayakap sa kanya.


Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kanya. Pilit kong kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha niya. Pilit kinakausap ng mata ko ang mata niya. 


"Kyle, please don't say that you're going to leave me."


"Babalik naman ako eh. Kailangan ko lang ayusin muna ang sarili ko."


"And you can't do that while im around, ganun ba?", marahan akong tumango bilang sagot.


"Dahil ba sa nagawa ko sayo noon kaya ka aalis?", hindi ko inaasahan ang pagluha ni Renz. Hinawakan niya ang kamay ko at inihampas sa dibdib niya. "Kung dahil lang don, sige gumanti ka na ngayon! Saktan mo ko hanggang gusto mo! pero huwag mo naman akong iwan.", nagmamakaawang sabi ni renz habang umiiyak. Mahal ko nga ang taong to, dahil hindi ko matagalan na makita siyang ganito ang itsura. Muntik niya na mabago ang isip ko.


"Sana nga Renz dahil lang dun eh. Sana nga simpleng tampuhan lang. Pero alam nating pareho na hindi ganun ang sitwasyon natin eh."


"Please Kyle, don't leave me, not now. Please Kyle", wika ni Renz sabay luhod sa aking harapan. Ngunit buo na ang aking desisyon at kailangan kong manindigan.


Umupo ako at muli siyang niyakap.


"I'm sorry Renz but i have to do this. Para sa sarili ko. Sana maintindihan mo. Salamat sa lahat ng mga alaala, hindi ko yon makakalimutan. Salamat sa pagkakaibigan.  And most of all thank you for letting me feel what love is. Kung mayroon mang second life o kung isusulat mang muli ng nasa taas ang istorya ng buhay ko, pipiliin ko pa rin na ikaw ang maging first love ko. Wala akong pakialam kung maging happy ending man siya o hindi. Ang mahalaga ay naging parte ka pa rin ng buhay ko. Kaya don't ever blame yourself for what happened between us. Kasi wala akong pinagsisisihan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng saya at lungkot na naranasan ko kasi dahil dun natuto akong magmahal.", kumalas na ako ng yakap sa kanya at pinunasan ang luha sa kanyang mata. "We're still friends, i just need time for now. Time to love myself.", patuloy pa din siya sa paghikbi. 


"I will miss you Renz, i will miss you so much. By the way, when you asked me to be your boyfriend, i really wanted to say yes that time. Its just that i was so scared. And when you asked me if i'm capable of loving, the answer is yes. I learned how to love the first moment i laid my eyes on you. I have always loved you Renz.", nakangiti kong sabi sa kanya kahit na lumuluha pa din ang aking mga mata.


"Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo inaantay ka na ng bisita mo.", wika ko sa kanya habang hinihila siya patayo. Nang makatayo siya ay tinitigan ko siyang muli sa mata, saka ngumiti. Kahit na malungkot ay parang nabawasan ang bigat ng aking damdamin dahil nasabi ko lahat ng gusto ko sabihin.


"G-Goodbye Renz.", halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Napakahirap na bigkasin lalo na kung alam mong hindi mo na gagawing bumalik pa. 


Tumalikod na ako at nagsimula ng lumakad palayo. Nakaka-tatlong hakbang pa lamang ako ay naramdaman kong may yumakap mula sa aking likuran. Hinarap kong muli siya. 


Sa aking pagharap, ay siya namang pagyuko niya at paglalapat ng aming mga labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa at di ko nagawang tumugon. Sinubukan kong ilayo ang aking katawan ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, sa huling pagkakataon ay hinalikan kong muli si Renz.


Halik na may emosyon, halik na may pagmamahal. Halik ng pamamaalam. Marahil ito na lamang ang tanging pakonswelo ko sa aking sarili. Mahaba ang aming naging halikan. Parang ito ang unang beses na nagtagpo ang aming mga labi. Malayo sa mga halik ng pagnanasa na madalas naming pagsaluhan noon. Nang kapusin ako ng hangin ay napilitan akong pakawalan ni Renz.


"I don't understand why'd you have to go when i'm asking you to stay.", malungkot na sabi ni Renz. "I'm hating you for leaving me. Katulad ka lang din ng mga taong nakilala ko sa bar, its just one time deal after that it's over. Im begging you to stay Kyle. Wala pa akong taong nakilala na nakapagpasaya sa akin tulad ng sayang naidudulot mo sa akin."


"I'm sorry Renz. Hindi kasi ganun kasimple yon. It's like holding onto a rope of thorns, as much as i wanted to stay and hold on to what we have, i just can't cause im already bleeding. Ang tagal ko din naman kumapit Renz ah.", nag simula na naman akong maiyak. "Halos isang taon din akong kumapit at umasa kahit nasasaktan ako. I was hoping you'll be extending your hand to me but that never happen. Alam ko unfair na isisi ko sayo to, gusto ko lang maintindihan mo kung bakit ko pinili na lumayo muna. Kasi minsan kahit gaano mo kamahal ang isang tao kapag nanaig na ang sakit at pait mapipilitan ka ding bumitaw. Minsan kasi hindi sapat yung mahal mo lang, kailangan mahal ka din para kayanin mong kumapit pa sa kung anu mang mayron kayo."


"Kailangan ko lang naman ng time Renz pag hihilumin ko muna
yung mga sugat ko. Kapag feeling ko kaya ko na uli, babalik naman ako. Magkaibigan pa din naman tayo eh.", nakangiti ko ng sabi kay Renz. Muli akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hinayaan ko din ang sarili ko na umiyak. Last na talagang pag-iyak. Umiyak na ako na parang bata, uubusin ko na lahat ng sama ng loob ko sa araw na ito.


"Mamimiss talaga kitang tarantado ka. Magpakabait ka na ha. Wag kang malulungkot kapag wala ako, kasi mas gwapo ka kapag nakangiti ka.", humihikbi kong sabi. Matapos ang halos limang minuto pag-iyak sa dibdib ni Renz ay bumitaw na ako. Kailangan ko ng umalis.


Hindi na ako nagsalita at tumalikod na sa kanya. Tumakbo na din ako palayo para hindi niya na ako mapigilan. Matapos ang araw na ito ay sisimulan ko ang bagong yugto ng buhay ko... 








...to be cont'd...







16 comments:

  1. TEAM AKI ALL THE WAY!
    MEDYO ANTI RENZ AKO NGAYON.

    sana mameet nya c lui sa UPLB. hihi.

    nice chapters author, sana mas madala s pagupdate nakakabitin ka talagang sumulat. haha.

    ps. may mga typos along the way pero okey lang konting proofread land sya hihi. Sorry medyo grammar nazi ako. -_-

    -ichigoxd

    ReplyDelete
  2. Nice naiyak ako dun!ganda! msyado emotion iung pagpapaalaman..sana po update agad!I can't wait sa pagbabalik ni kyle after school..

    ReplyDelete
  3. kakaiyak tlga to.. relate much

    next na po please!

    ReplyDelete
  4. Shit.. Ganda ng mga lines.. Naiyak ako.. Kudos for the author . GOD BLESS.. ;)

    ReplyDelete
  5. kay renz ako ha,magpapakamatay ako pag d c renz nakatuluyan nya.:-)

    ReplyDelete
  6. kay renz ako,pakamatay tlga ako pag d c renz naka2luyan nya:-)

    ReplyDelete
  7. very interesting story... sana mas maganda susunod na chapters... wait ko mga updates... -michael

    ReplyDelete
  8. Hanggang ngayon di pa rin ako maka get over, tulo pa rin luha ko habang nagtatype ng comment.

    Ganda ng mga bitaw ng lines tagos hanggang sa kaloob-looban. Hindi ko malaman kung sino ang mas gusto ko para kay Kyle. Para kasi parang deserve naman nila si Kyle, pinagugulo lang sila ng sitwasyon na kinalalagyan nila.

    Kaya ako okey lang kahit sino makatuluyan nya!

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Mr. Crayon, ang ganda ng storyline mo. Ngayon ko lang nabasa 'to from Chapter 1, very entertaining. Hoping that you can update very soon. :)

    --BOOM

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. waiting for more chapters to come..
    nkakarelate ako sa mga characters dito..
    khit nsa office ako ito lang binabasa ko since wala naman ginagawa. khit bawal and mag net.. hehehe

    KUDOS to the author

    ReplyDelete
  13. hnd ko po pinapansin tong kwento nato n0ng una kc akala ko puro sex lang pero nung nabasa ko ung bawat chapter hang d2 sa chapter 15 isa lang masasabi big WOW ang ganda po ng kwento sana lagi po my upd8 nito. RAIN

    ReplyDelete
  14. ganda po ng kwento kakaiyak,pagsisihan nila pag hnd nila nabasato.isa po eto sa the best ng kwent0ng nabasa ko.sana lagi po my upd8.

    ReplyDelete
  15. OMG mr CRAYON, ang masasabe ko lng
    Grabe ANG HABA NG HAIRlalu ni KYLE!!!!!

    Grabe andming lalake ang nagpapakabaliw para lang sa Knya,
    Sana sakin din, at mahanap ko na ang aking true Love :)

    Sana Naman po Mapa bilis naman ang pag uupdate like 1 chapter every 2 or 3 days. :)

    Mas Bet ko kung Si Kyle Kung MAGIGING mas MATATAG pa siya, No More cries and everythin.

    Tapos MR.Author Go lng kau kung cno mas bet niyo para kay Kyle. haha

    ps: Ang taray taray mo Kyle! Ikaw na!

    ReplyDelete
  16. Update na Mr. Author. Excited much! ;)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails